KATE
"I love you so much Kate. Mahal na mahal kita. Since mag-college tayo."
So...
All this time...
Gusto na ako ni Andy?!
I don't know what to feel. Halo-halo ang nararamdaman ko pero deep inside sobra akong natutuwa?
Like the fuck! Ang tagal kong hinintay 'to and finally nangyari na nga. Araw-araw, sa ilang taon na magkasama ni Andy, lagi kong ipinagdadasal na dumating ang araw na magugustuhan din niya ako.
I thought hindi na niya ako mapapansin. Na wala na akong pag-asa sa kanya.
And I was wrong.
I didn't expect that it would turned out like this.
Despite everything, I already hurt her.
First, may boyfriend na ako then, di ko na siya gaanong ineentertain and I keep on ignoring her kasi I need to focus with James and ayaw ni Mama na may boyfriend na nga ako tapos sasama pa ako kay Andy dahil unfair daw 'yon for James.
Bestfriend ko lang naman daw si Andy kaya okay lang daw kahit di na kami gaanong magkita dahil kahit anong mangyari kahit di kami mag-usap, we'll stay as bestfriends daw.
Which I totally disagree!
Gusto kong palagi ko siyang kasama, araw-araw, gabi-gabi. Kung pwede lang ay iuuwi ko na siya. Hindi ko kayang di siya nakakausap at nakakasama nang matagal.
Para akong mamamatay sa sobrang lungkot.
Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal Andy.
"Mahal!"at biglang may yumakap sa likod ko habang naglalakad ako't nakatingin lang sa kawalan.
"Ba't nag-iisa ka? Di mo kasama friends mo? Tara sa bahay na tayo maglunch na tayo," masaya pa niyang sabi sabay hawak bewang ko na ikinairita ko.
Kadiri! Simpleng manyak!
"No! Uuwi ako coz I have something to do. Maybe next time?"
"Huh? Sure ka mahal? Okay ka lang ba? Bigla-bigla kang naninigaw. It was the first time—
"Look, I'm really sorry James. Nabigla lang ako kasi bigla-bigla kang sumusulpot eh. Nagulat lang talaga ako. You know, I'm magugulatin kasi so...can I go home na?" pagsisinungaling ko kasi naiirita na talaga ako and I'm not comfortable with him lalo na 'yang mga payakap-yakap niya. Simpleng chansing kasi. Feeling pag-aari na ako porke't jowa na niya ako.
Ngayon palang nasusuka na ako kasi this is not the relationship I want and I imagined to be in.
Sa isang tao ko lang nakikita ang future ko.
Sa isang babae lang.
Na walang iba kung di
si Andy.
Siya lang ang gusto kong makasama at maging girlfriend. Wala ng iba.
"Tara na pala. Ihahatid na kita sa inyo pero pwedeng dumaan muna tayo sa Jollibee? Bibilhan kita ng food mo. Or may gusto ka pang iba?"
Niyaya ko na siya without answering his question. Naglakad na kami papuntang parking kung nasan 'yong car niyang white vios.
"Anong gusto mong kainin? Alam mo namang ayokong nagugutom ka eh," sabay ngiti sakin and deep inside, I rolled my eyes.
Kasi naman, di ba siya kinikilabutan sa mga banat niya? Typical boy lines na walang alam kung di puro ganyan.
Buti sana kung siya si Andy, baka hubaran ko na siya agad—no! Di ko pala dapat kinocompare si Andy sa taong tulad niya dahil...
Wala naman siyang binatbat kay Andy ko.
"Gusto mo ba ng hotdog? Burger? Unli wings? Milktea? Samg—
"Gusto ko ng umuwi, James. Sumasakit na 'yong ulo ko," sabay hilot ko sa aking sentido para naman makaramdam siyang wala ako sa mood.
Ang hirap talaga ng mga lalaki. Hindi na nga makaintindi, tatanga-tanga pa. Hindi ba niya magets na ayoko. As in ayoko.
"Pero magugutom ka. I insist," at dumiretso na kami sa Jollibee at nagdrive-thru.
Napapikit na lang talaga ako sa kakulitan niyang nakakabwisit.
This is all my fucking fault.
Masunurin kasi ako masyado eh.
Kahit ayoko, umoo pa rin ako.
Sobrang tanga ko talaga.
Me and my fucking reckless, stupid and illogical decisions in life.
Sorry but...
Tangina lang talaga.
Nasa tamang tao na nga, maling desisyon naman.
Hayst! Ang bobo-bobo mo talaga Kate!
Hindi nag-iisip.
"Kate? Okay ka lang ba talaga? Kanina pa kita tinatawag. Nakatulala ka lang. Ito na 'yong food for you. Baka naman masyado mo akong iniisip ha? Wala naman akong ibang babae. Ikaw lang."
"Ah! T-Thank you, James. I'm sorry, may sinasabi ka ba?" Di ko kasi nagets 'yong huli niyang sinabi.
"Sabi ko, mahal na mahal po kita," sincere niyang sabi habang nakatingin kami sa isa't isa.
Nginitian ko siya dahil kahit di ko siya type ay pumupogi siya ngayon. I know na maganda ang intensyon niya sakin but hindi ko alam kung pa'no susuklian ang sinabi niya.
Hinaplos ko ang pisngi saka siya ko siya hinalikan dito.
Napapikit na lang ako dahil sa sobrang selfish ko.
I don't want to hurt him kasi mabait at caring siyang tao. Gentleman at may manners din kahit na dumadamoves siya minsan.
But he's not for my heart.
Hindi siya ang gusto ng puso ko.
At lalong hindi siya ang itinitibok nito.
"James, thank you for all of these. Maraming salamat sa paghatid sakin. Mag-iingat ka palagi. Call me if nakauwi ka na at nakakain, okay?"
He smiled at me the he opened the door for me. "May klase ka pa ba mamaya? Anong oras para masundo kita?"
"Yes pero I don't know kung tuloy. I'll update you na lang. Bye James, ingat ka," and I kissed him again on the cheek.
Sobrang lapad ng ngiti niya. "Lalo ka talagang gumaganda sa paningin ko Kate. Sana araw-araw ganito."
"Bolero!" He also kissed me on the cheek and he sped off na.
Napabuntonghininga na lang talaga ako sa mga problemang dinaranas ko ngayon.
I don't know what to do.
Nakarma na ata ako ah.
Pagpasok ko ng bahay ay as usual na wala ang parents ko which is lagi naman because they are business people.
I was about to eat my chicken when my phone vibrated.
Skye calling.
"Ano na naman Bernabe? Kumakain ako, istorbo ka. Umuwi ako, 'wag mo na akong hanapin dahil galing ako sa practice."
"Wow! So, I'm Bernabe now huh, Silovera? Uy ha, ina-update mo na ako. Naks, baka ma-fall na ako sa'yo niyan—
"Don't call me that! Umayos ka nga para kang tanga. Tawag ka nang tawag—
"What's the problem with Silovera? Apelyido mo nga—ay alam ko na! Ayaw mo kasi gusto mo...Torregozon! Torregozon pala ang nais mo ha? Ito na pala Torregozon—
I ended the call.
Hindi siya nakakatulong sa situation ko ngayon! Walang-hiyang playgirl na 'yon, pati ako paglalaruan. Siraulo talaga!
Skye calling.
Hindi ko sinagot. Mamatay siya diyan maghintay.
Ninamnam ko na lang ang pagkain ng fried chicken lalo na 'yong chicken skin. Solo ko naman kaya okay lang na lumamon ako ritong mag-isa.
"Babaeng manyak, sumagot ka, hayop! Nakareview ka na ba para sa quiz sa Friday? Tara overnight bukas para sabay tayong magreview. Ano g ka?"
I sent a like emoji.
***
"Kate, tumulong ka nga rito hindi 'yong kanina ka pa nakatunganga, aba tangina naman. Kanina pa kami nahihirapan ni Claire dito sa powerpoint natin," rinig kong reklamo ni Skye sakin.
"Edi wag niyo munang gawin. Matagal pa naman ang pasahan." Bigla naman akong hinampas ni Alice sa balikat.
"Ang tanga mo talaga Kate! Tulungan mo kaya akong magsearch at maghanap sa book no'ng idadagdag nating info tapos may quiz pa tayo bukas na essay. Wala pa kaming review na tatlo oh! 'Wag kang pabigat, gusto mo bang tanggalin ka namin sa group?"
Nagpanting ang tenga ko kay Alice at tiningnan ko siya nang ubod ng sama.
"Mga bobo, umalis nga kayo diyan! Akin na nga 'yang laptop, tabi, tabi! Oh nasan na ba kayo? Pati ba naman definition ng obligation and contracts igogoogle pa. Nag-aaral ba kayo? Ang dali-dali lang niyan. Lahat ng mga pinapareport, self-explanatory. Tapos sinong nagdesign nito? Sobrang pangit." Nagtype na ako nang mabilis at inilagay lahat ng mga info sa report in brief and concise manner.
"Ako nagdesign niyan, bakit? May angal ka, Silovera? Ayos-ayusin mo pananalita mo baka nakakalimutan mong laptop ko 'yang—
"Ano ba namang laptop 'to ang bulok-bulok! Isaksak niyo nga 'yong charger dali! Nakakastress talaga kayo—
"See? Kaya mo naman palang tumulong eh. Naturingan ka pang Top 1 ng section at buong batch natin pero ganyan. Edi kung kanina ka pa tumulong edi kanina pa tayo natapos. Ano ba yan, Kate, isip-isip naman!"
"Ano ba Alice, ang ingay-ingay mo! Tumahimik ka nga tapos ikaw Bernabe, wag na wag mo akong matawag-tawag na Silovera! As if jowa kita para tawagin mo ako sa apelyido kong maganda." Napepressure ako sa kanila dahil puro sila reklamo. Konti na lang at ipupukpok ko na 'tong laptop sa kanilang lahat.
"Ayaw ng Silovera, ayaw din ng Torregozon, ano palang gusto mo ha? Ay alam ko na! Vargas! Haha! Ito na po Mrs. Vargas, tatahimik na po kami," pang-aasar pa ni Skye kaya binato ko sa kanya 'yong mouse at mouse pad.
Dinelete ko lahat ng ginawa ko pati powerpoint namin binura ko. Bahala sila diyan. Bigla silang nanahimik. Hinayaan ko na 'yong laptop at bahala na sila. Di ko sila inimik dahil di naman ako nakikipagbiruan.
Buong klase, galit-galit kaming apat. Naririnig ko pa silang nagbubulungan. Nagtuturuan at nagsisisihan kung sino ang may kasalanan.
"Hayaan mo na sila Kate. Mga kupal talaga 'yang dalawang 'yan. Tara sa canteen," yaya ni Claire nang tumabi siya sakin.
"Okay," at tumayo na kami pero may asungot na naman.
"Babe, pa'no naman ako? Ba't si Kate lang ang niyaya mo? Di mo na ako love? Iiwan mo na lang ako sa babaerong 'to? Babe naman." Mabilis akong napalingon at papalit-palit ang tingin sa kanilang tatlo.
"What's going on?"
Walang umiimik.
Nagtanong ulit ako pero wala pa rin akong makuhang sagot.
"Kami na ni Claire." pag-amin ni Alice. "Matagal na."
"Oh." I didn't expect that. "Bading ka pala Alice?" Di talaga ako makapaniwala sa kanya. Ang layo sa mukha niyang ewan eh. Sobrang girly kung kumilos tapos wala man lang bahid ng kung anong kabadingan.
"Di naman tayo magiging tropa kung hindi diba? Alam ko 'yang mga tinginan mo ha Kate. Wag kang ano diyan, bading ka rin."
"Wait! Wait! What do you mean na bading si Kate? You mean she's into girls din? Totoo ba Kate? I t-thought s-straight ka?" Si Claire naman ang na-shock.
"Mukha ba akong straight ha Claire? Sa ganda kong 'to straight?" pagcclear ko sa kanya pero she looked like stupid na di magsink-in sa utak niya 'yong mga sinasabi ko.
"Alam niyo, para kayong mga tanga. Alam kong bading kayong lahat lalo na 'yang Kate niyo. Kulang na lang mamatay na siya kay Andy niya." Patawa-tawa pa ang pinakadakilang at nag-iisang babaero sa aming apat.
"Andy? Wait! Di pa rin ako naniniwala. The way you act kasi, same kayo ni Alice. Welcome to the club pala, Kate," parang wala pa rin sa sariling sabi ni Claire.
"Ikaw ang welcome to the club. So okay na happy na?" sarcastic kong sagot sa kanya.
"Di mo kilala si Andy? 'Yong bestfriend niya sa Section B na bukambibig niya buong buhay niya. 'Yong maikli ang buhok na badminton player tapos ano 'yong nagreport kahapon na nasabihang Face of the Group ni ma'am Ganda."
"Ah! 'Yong minsang nakasabay nating kumain sa canteen? Ay okay, kilala ko na! 'Yong niyayakap-yakap niya pa sa harap natin tapos lagi siyang nililibre pati tayo. Akala ko kasi sobrang close lang kayo no'n kasi nga diba magbestfriend kayo tapos may boyfriend ka na rin so akala ko straight ka talaga," paliwanag pa niya sakin na hinayaan ko na lang.
"At least alam mo ng bading tayong apat. Grabe, ang bilis talaga ng panahon, matured na kayong dalawa ni Alice. Stay strong sa inyong dalawa. Bale ako na lang pala ang walang jowa sa ating apat. Mga fake friends! Panonoorin ko na lang kayo kung pa'no masaktan!"
Pumunta na kami sa canteen habang nauuna 'yong dalawa samin na magkaholding-hands.
"Uy Kate, di ko talaga ugali 'to pero sorry kanina. Ang pikunin mo kasi, inaasar ka lang, pikon na pikon agad. Sorry ah? Grabe no? Ang sakit nilang dalawa sa mata? Kumusta naman kayo ng boyfriend mo? Mahal mo na ba? Badminton tournament next week diba? Manood ba kayo ni James no'n? Alam ko namang di ka manonood no'n kasi iniiwasan mo si Andy—
"Stop calling her Andy! Ako lang magtatawag sa kanya no'n!" madiin kong bulong sa kanya pero tinawanan lang niya ako.
"C'mon Kate. Stop acting like you own her. Taken ka na at wala na siyang pag-asa sayo tapos wala ka ring pag-asa sa kanya. Mukha namang both of you ay masaya na parehas. May ibibigay pala ako sayo mamaya. Don't forget 'yong overnight natin mamaya ha? Tara bili na tayo ng pagkain. Nakaupo na 'yong magshota. Nakakaloka."
"Tubig na lang sakin. Nawalan na ako ng gana," matamlay kong sagot kay Skye nang paulit-ulit niya akong tanungin kung anong gusto ko.
"Ang weird mo ngayon Kate. Di ko alam kung meron ka ngayon, nag-iinarte or nag-away kayo ng shota mo. May problema ka ba?" tanong niya pa. Nakaupo na kami ngayon dito sa tapat nitong dalawang nagsusubuan.
"Gusto ko ng gano'n Skye. Kailan kaya?" at lihim kung inginuso si Alice at Claire.
"Ako rin, gusto ko rin ng ganyan. Need na ata nating magdasal kung nasan ang atin. Teka nga lang, diba ganyan naman kayo ni James? Ba't gusto mo pa ng ganyan? Bawal daw ang sobra-sobra, dapat marunong makuntento, Kate."
"Ayoko si James. Gusto ko si Andy lang."
"Guys, ba't kayo nakatingin samin? May problema ba? Kuha na kayo ng pagkain oh. Ba't tubig lang Kate?" Agad kaming lumayo sa isa't isa ni Skye habang patay-malisya sa nangyari.
"Mauna na kami sa room. Nagyayaya na si Kate eh. May ibang gusto kasi." Siniko ko agad ang bwisit dahil ilalaglag pa ako.
Nang makabalik kami ay pinaalala ulit niya ang overnight namin na paulit-ulit ko ring sinagot. Akala niya ata iindianin ko siya.
"Magpaalam ka na sa inyo. Pupunta ka na lang ba o susunduin na lang kita? Para madali tayo," tanong ni Skye nang matapos ang klase namin.
"Pupunta na lang ako. Baka maissue pa ako sayo. Mahirap na. Pero ihatid mo na pala ako sa bahay. Wala akong car."
"At ang jowa mo? Anong silbi? Hindi ako service mo—
"Nah, dibale na lang. Tara na kasi, ihatid mo na ako."
Inirapan lang niya ako. Sumakay na ako sa passenger seat at hinintay siya.
"What if nagconfess sayo si Drew, anong gagawin mo? Sasagutin mo ba siya? Pero mukhang sa panaginip lang ata mangyayari 'yon. Pinapaasa lang talaga kita haha!" panloloko niya sakin habang pauwi kami.
Oo naman. Sasagutin ko siya.
Hindi ako sumagot at ngumiti lang ako.
"Kahit na taken ka na?"
"Ang mahalaga nagconfess. 'Yong sagot naman, ako ng bahala doon," and I winked at her.
Napapreno agad siya.
"Wait! It was supposed to be a joke Kate...Don't tell me—may di ka sinasabi sakin! Make sure na pupunta ka talaga mamaya! Hihintayin kita—
"Shut up! Umuwi na tayo!"
***
"Magandang gabi—
"Si Kate pala ito! Tara, pasok ka. Naghapunan ka na ba hija?" maligayang bati sakin ng nanay ni Skye at tinawag nito ang anak.
"Ma, magrereview na po kami ni Kate at dito na rin po siya matutulog," habang nagmamadali ito sa pagbaba. Halatang kabibihis lang niya.
"Kumain na rin po ako tita." Nginitian ko ang mama niya habang inaasikaso pa nito ang dalawang lalaking nakababatang kapatid ni Skye.
Hinila na niya ako paakyat sa kwarto niya sabay mabilis na nilock ang pinto.
"Tara review na muna tayo bago tayo magchikahan."
Inilabas na niya ang mga notes pati book niya habang ako nama'y busy sa pagtitingin ng buong room niya.
"Ba't same vibe kayo ng kwarto ni Andy? Gaya-gaya ka. May gaming pc ka pala. Palaro nga."
"Tangina Kate! Pumunta ka rito para sabay tayong magreview, anong palaro ka diyan? Mamaya na! Nasan na notes mo? Ilabas mo na nang matapos tayo!" pigil na pigil niyang sabi sakin at baka marinig siya ni mama niyang nagmumura. Yari na naman siya. Nahampas kasi siya ng hanger noon ng di sadyang murahin niya ako. Di niya alam dumating na pala si mama niya.
"Wala akong notes. Ipagprint mo nga ako. May printer ka diba? Pagprint mo na ako dali, please Skye?" pagpapaawa ko. Dismayado niyang inilapag sa kama niya ang kanyang notebook habang ang mga mata'y bwisit na bwisit sakin.
Ramdam na ramdam ko ang inis niya sakin dahil bawat pagpindot niya sa printer ay may diin habang panaka-naka akong tinitingnan.
Masaya lang akong nakaupo't nakasandal sa kama niya.
Pabalang niyang iniabot ang notes sakin at hinampas pa ako sa mukha ng unan. Tinawanan ko lang siya at hinampas pabalik.
"Tangina ka talaga Kate. Ano bang dala mo—pucha ka talaga! Ba't may dala kang bilog?! Hayop ka Kate! Magrereview tayo ba't ganito?! Teka, kukuha ako ng juice."
Ang bilis niyang bumalik.
Nagreview na ako habang nagtitimpla siya.
"Ano ba 'to, ang tapang! Hindi ka talaga marunong magtimpla!" kunwaring reklamo ko at ibinabalik sa kanya ang baso.
"Ang arte mo naman! Kung ipaligo ko 'to sa'yo ha? Nagsisimula ka na naman. Broken ka ba? Ito ka na naman sa pag-iinom mo. Sinaktan ka ba ni James o nagbreak na kayo?"
"Joke lang! Lagyan mo nga ulit ito. Hay nako gin at accounting, gandang pampatulog," nangingiti kong sabi habang nakikipagcheers kay Skye.
Nagkanya-kanya na kami ng review habang nagshashot.
"Inaantok na ako, Skye...pero shot pa!"
"Kate! Hinaan mo nga 'yang boses mo! Marinig tayo ni mama shuta ka!"
Pinipilit ko pa ring magbasa kahit na nagrerecall na lang ako ay halos mabitiwan ko na 'yong notes pero hindi 'yong baso.
"Tangina Kate, ba't ka umiiyak, oi! Anong nangyayari? May di ka ba magets sa accounting? Sobrang hirap na ba? O sumasakit na ang ulo mo?" Pilit na niyang kinukuha sakin ang baso pero ayokong ibigay.
"Tears of joy lang 'to Skye," nangingiti habang naiiyak kong sagot sa kanya.
"Napano ka na naman ba ha Kate?" Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako kaya umiyak na ako nang tuluyan sa dibdib niya.
"What should I do Skye?"
"Di kita gets. Kanino ba? Kay James?"
"Kay Andy."
She went silent.
"Ano bang nangyari?"
"She confessed to me. She told that she loves me since our 1st year in college."
Niyakap lang niya ako nang mahigpit.
"Alam mo kung anong kailangan mong gawin?"
"What?"
"Matulog. Matulog ka na dahil lasing ka na. Bukas na natin pag-usapan ang mga pantasya at kahibangan mo kay Andy mo ha? Tangina Kate, puro na ako uhog."
"Pero mahal nga ako ni Andy. Goodnight Andy."
I felt a gentle stroke on my hair and my eyes went shut.