Chapter 36 - 36

KATE

"Anong sabi ko sayo Kate pag may pasok? Wag na wag kang magpupuyat di ba? Pano ka makakapagfocus—

"Morning Ma. Anong ulam?" I cut my Mom off kasi ang aga-aga nanenermon agad. Naghikab ulit ako dahil inaantok pa talaga ako and it was only 5:30am.

Later than that ay mapapalayas na ako. Knowing my Mom na super strict. I can't handle her talaga.

Sobrang sungit pa kahit wala naman akong ginagawang mali.

"You come here nang makita mo kung anong ulam. I'm busy. Baka gusto mong tumulong?" Her usual answer. Ano pa nga ba.

Ugh! Nakakatamad, utos agad.

I secretly rolled my eyes bago siya tulungan sa paghahanda ng breakfast.

"How's school? Matataas pa rin ba ang grades mo? Baka nagpapabaya ka na. Wag masyadong bumarkada, Kate. Sinasabi ko sayo."

Not fine Ma. Wala si Andy ko.

"Morning sweetie pie!" at niyakap ako ni Dad na ang agang laging naka-smile.

Sabay-sabay na kaming kumain but wala akong gana dahil namimiss ko na si Andy ko.

Sobra akong naninibago dahil matagal ko na siyang di nakakasama. We haven't chatted nor called each other every night because of James na lagi na lang inaagaw ang time ko.

Nagpaalam na ako kina Dad at nagready na ako para pumasok.

I sighed.

Ayoko nang pumasok. Lagi na lang wala si Andy ko.

"Ma, alis na po ako," at umalis na ako.

Paglabas ko, James was already waiting for me. He was leaning on his car while he was busy on his phone.

Sumakay na ako agad sa passenger seat dahil wala ako sa mood at baka makita pa kami ni Mama.

Every morning ay sinusundo niya ako kaya lagi rin akong wala sa mood. Papasok palang pero gusto ko nang umuwi.

Kung di dahil kay Mama di ko sasagutin—hay!

"Mahal, may training ako mamaya sa basketball. Gusto mo bang manood? May game kasi kami bukas. I want you there, please?" sabay haplos niya sa makinis at maputi kong legs na agad kong inilayo because it makes me uncomfortable.

I crossed my arms habang nakatingin lang sa labas. I don't want to face him dahil naiirita ako sa pagmumukha niya and he's talking nonsense. I'm not even interested sa basketball.

All of these is because of my mom.

Matiis ko pa sana ang kumag na 'to.

"Kate, mahal? Nakikinig ka ba? Tinatanong kita kung gusto mo bang sumama sakin mamaya to have dinner—

"James, ano ba?! Will you please shut up?" I couldn't take him anymore dahil sumasabay ang kakulitan niya sa init ng ulo. He was talking nonsense for god's sake!

Biglang bumilis ang takbo niya. "James, slow down! Nagmamadali ka ba? San ba tayo pupunta?!" natataranta kong tanong at napakapit na ako sa braso niya but he ignored me. "James! Answer me!"

Hinayaan ko na lang siya at bahala na siya kung mabangga kami. Pumikit na lang ako kaysa mamatay nang nakadilat.

"Sino si Andy? Is he your bestfriend? Lagi ko kasing naririnig sa mga kaibigan mo ang pangalan niya. Di ko alam kung ito nga ang bahay no'n. Sa t'wing inihahatid kita pauwi, lagi kong napapansin na nakatingin sa bahay na 'yan. Malungkot kang nakatingin," malamig na saad nito sa kanya.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang pangalan ni Andy at ang mga sinabi niya.

Napansin niyang tumitingin ako sa bahay nina Andy habang pauwi kami?

What the fuck.

Totoo naman.

"J-James"

"Do you like him? Be honest with me, Kate. Kasi ako, mahal na mahal kita," madamdamin niya sabi saka hinawakan ang kamay ko.

"James, I know that. I'll be honest with you," at sinabi ko lahat sa kanya. Malungkot lang siyang nakatingin sakin at ayaw akong pakawalan.

I don't want to hurt him pero ayoko ring maging selfish.

"I'm really sorry James. Hindi ko sinasadya—

"Shh. Just let me take this moment with you. Mahal na mahal kita Kate pero may mahal ka palang iba. Sana sa akin ka na lang," at mahigpit niya akong niyakap.

I let him hug me hanggang gusto niya. Kahit anong sabihin at yakap niya ay wala akong maramdaman. Nasabi ko na sa kanya ang tunay kong nararamdaman.

Hindi ko siya mahal.

"Hanggang dito na lang tayo mahal ko. Gustong-gusto pa sana kitang maging prinsesa ko kaso hindi na pwede. Unang game ko pa man din sana para bukas kaso first heart break ko rin ngayon. Mag-iingat ka palagi mahal. Makakaasa ka sakin. Always choose your happiness and what makes you happy. Siguro nga hanggang dito na lang tayo," at hinalikan niya ako sa aking pisngi sa huling pagkakataon.

"Maraming salamat James. So I guess this is it. Goodbye James and goodluck sa game mo tomorrow," at sinuklian ko siya na isang matamis na ngiti dahil tuwang nararamdaman ko ngayon.

Break na kami ni James.

I waved him goodbye and I went straight to our room.

"Morning gorgeous," landi ni Skye sa akin pero hindi ko siya pinansin at nakangiti pa rin ako. "Manyak, ba't ang lapad ng ngiti mo ha? Nakaiskor na siguro si James—

"Kate! Nandito ka na pala! I thought late ka na naman. Inihatid ka ba ulit ni James?" Ito na naman si Alice na parang bingi ang kausap sa lakas ng boses niya.

"Si Claire nasaan?"

"Bakit Kate? Namimiss mo ako? Kiss kita," at hinalikan nga niya ako sa pisngi. Nasa likod ko lang pala ang bruha. Mabilis kong hinila ang suot niyang blouse at pinahid ang pisngi ko.

Kadiri!

Our class started. No one from Alice and Skye ang namamansin sakin buong discussion and before it started, pinaalis ako ni Alice at siya ang umupo sa pwesto ko kaya magkatabi sila ni Skye.

Kami na lang ni Claire ang nag-usap habang nagdidiscuss si ma'am sa harap.

Maya't maya rin ang lingon samin ni Alice kaso wala siyang magagawa. Lalo siyang inasar ni Claire.

"Hayaan mo 'yang si Alice. Nang-aasar lang ako," habang nakaakbay si Claire sakin habang si Skye naman ay may ibinubulong.

"Claire, hatid mo ako mamaya pauwi please?" paawa ko kay Claire.

"Ba't si Skye? Ayaw mo sa kanya? Hindi ka ba masusundo ni James?"

"Break na kami ni James," nakangiti kong sagot kaya napalingon ang dalawang chismosa sa harap namin.

"Totoo Kate? Single ka na?" si Alice na biglang bumait.

"Overnight, overnight," dagdag pa nitong isang babaero. Inirapan ko lang silang dalawa.

After our class ay mabilis akong lumabas upang puntahan ang kabilang room nina Andy. Labasan na rin ng mga classmates niya and I was hoping na lumabas na rin siya para makita ko na siya.

Walang Andy na lumabas.

Nalungkot na naman ako dahil wala siya.

Where are you Andy? Ba't di ka pumasok?

When I saw her friend Lucy, nilapitan ko ito at nagtanong.

"Hello. If I may ask, pumasok ba si Andy ngayon or nakita mo ba siya?"

The bitch only ignored me! Patuloy lang siya sa pagreretouch sa mukha niyang tinakasan ng ganda!

"Do you know where she is?" huling pagtitimpi ko sa kanya. Bwisit talaga 'tong babaeng 'to. Sa daming pwede niyang kaibiganin, bingi pa ang kinaibigan niya!

Poker-face siyang tumingin sa kaliwa't kanan niya. "May nakikita ka bang kasama ko? Wala di ba? Nagtransfer na. Matagal na siyang di pumapasok. Pangatlong araw na."

I rolled my eyes at her because that was impossible but 3 days na siyang wala.

Pero baka nga nagtransfer na siya or may pinuntahan lang sa student council nila.

I wasted no time at tinawagan ko siya.

Please, please, please sumagot ka.

"The number you have dialled is now unattended or out of coverage area. Please try your call again later."

Bwisit!

I tried to look for her sa gym pero walang katao-tao. Next was sa student council and library and both are closed dahil lunch break nga pala which I forgot.

Malungkot akong pumunta sa canteen habang tinitingnan ang mga unseen chats ko kay Andy.

I saw my friends there at napayakap na lang ako kay Skye. Hinagod-hagod lang niya ang likod koat pinakain ako.

"Oy, 'wag kayong Ante Piling ha? 'Wag kayong gumaya, di kayo magjowa," sabat samin ni Claire habang binebaby 'yong mukhang tiyanak niyang girlfriend.

"Ay tumahimik ka diyan. Pakialamera. Friends with benefits kami nito eh. Alam mo naman si Kate mahilig sa gano'n—

"Huwag kang magsalita 'pag hindi kita pinapasalita. Huwag kang hihinga." Marahan ko siyang kinurot dahil nang-aasar na naman.

"Wag ka palang yumakap sakin. Kaya hindi nakakaporma sakin yong ibang mga babae eh. Pinagdadamot mo ako. Sayang naman yong mga babaeng gusto talaga akong yakapin. Isang kurot pa talaga Kate, papatulan na talaga kita. Takot ko lang din talaga kay Andy."

Inapakan ko ang bago niyang sapatos na Air Jordan na black and red.

"Putangina ka talaga! Hayop na yan! Ang mahal mahal nito tapos—dumidilim ang paningin ko Silovera! Lumayo ka nga! Gusto kong manakit!" Tinawanan ko lang siya at niyakap nang napakahigpit.

"Bigay lang naman sayo yan nong kateammate mong may crush sayo ah. Ante Piling ka na naman diyan eh di mo nga binili haha!" panlalaglag ni Claire sa kanya.

"Oh ba't nakikitawa kang babaita ka? Wala ngang nagpapasaya at ikaw na lang ang single. Kawawa ka naman Kate. Maganda nga wala namang jowa! Iyak ka na lang muna joke! Sige na pala di ko muna sasagutin yong mga babae ko para may karamay kang single." Kinurot ko siya sa tagiliran. Kinuha ko ang pagkain niya at ako ang kumain. Nanghingi rin ako kina Claire na inaasar si Skye habang himas-himas nito ang tagiliran.

"Drew! Andito ka na pala!" Mabilis akong nahinto sa pagkain at tumingin sa paligid.

"Tangina mo wala naman si Andy!" at hinampas ko siya.

"Haha! Katangahan mo talaga! Alam mo na ngang wala rito lilingon ka pa! Napaghahalataan kang patay na patay eh! Sorry ka na lang may iba ng nilalandi yon!"

"Nagtransfer na raw siya. 3 days na siyang hindi pumapasok and she doesn't reply to my chats anymore. Skye, what should I do," at yumakap ulit ako kay Skye. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Matagal na kaming hindi nag-uusap ni Andy at wala na akong balita pa sa kanya.

"San daw siya lumipat?" Chismosang Alice talaga.

"Maybe sa U.S. besides wala naman na siyang ibang paglilipatan eh. Ayaw naman nina Tita Eliza sa public kasi nag-iisang anak nila si Andy. Either dito lang siya sa Maximilian or sa States dahil do'n siya ipinanganak," nalulungkot kong kwento sa kanila kasi baka totoo ngang nagtransfer na siya.

"OA mo naman Kate. Di naman siya kaagad makakalipat. Nandiyan lang 'yon. Malay mo may pinuntahan lang or may sakit. Alam mo na dapat yan dahil matagal na kayong magbestfriend saka hintayin mo na lang siya. Nag-ooverthink ka masyado eh hindi naman kayo. Itigil-tigil mo na yang kahibangan mo sa kanya. Tingnan mo yang sarili mo, parang wala ka na sa katinuan, mag-aral ka na lang. Darating ka din diyan," pangaral ni Skye pero ayoko siyang pakinggan.

"Matagal ko na nga siyang mahal! Anong magagawa ko? Nag-aaral na nga ako buong buhay ko—

"Sige ipagpilitan mo yang gusto mo at kapag nalaman ng nanay mo—speaking of your mother, knows na ba ni Mommy Tiger na break na kayo ni James the great?" sabat ni Alice habang sinusubuan siya ni Claire.

Lalo akong namroblema.

"H-hindi pa. Ayokong sabihin. Magagalit si Mama."

"So what's your plan?" si Claire.

"Marami."

"Kaya mo yan Kate! We're always here to support you kahit napakasama ng ugali mo!" at pinisil-pisil ni Skye ang pisngi ko.

Umalis na kami since class is about to start na.

"Babe," kanina pa malanding bulong sakin ni Skye habang nagdidiscuss si sir sa harap.

"Ano ba, kadiri ka! Tigilan mo nga ako! Baka may makarinig! Tumahimik ka na!" madiin kong saway sa kanya pero ayaw niya talagang magpaawat at pinag-intertwined pa ang kamay namin at pinisil ito nang madiin kaya napangiwi ako sa sakit.

"Ayan, nawala na antok ko. Masakit ba?" nangloloko pa niyang asar sakin. Sinipa ko siya nang malakas.

"Ms. Bernabe at Ms. Silovera! Get out now! Everyone, get one whole sheet of paper! Magququiz tayo! Kayong dalawa labas!"

Nagmamadali kaming lumabas dahil galit na galit si sir.

"Tangina mo talaga Skye Bernabe! Dahil sayo babagsak ako! Isang quiz din yon tapos ano heto tayo nganga! Ang harot-harot mo kasi! Kung gusto mong humarot, wag ako! Uuwi na ako! Huwag na huwag mo na akong kakausapin kahit kailan!" nanggagalaiti ako sa galit dahil sa katangahan niya. Seryoso akong nakikinig dahil bawat discussion ay mahalaga sakin dahil I need to be always on top. Kung hindi, yari ako kay Mama.

Dahil last subject na yon, uuwi na lang ako.

I took a taxi on the way home. It was gettting dark nang makarating ako.

Nandito ako sa tapat ng bahay nina Andy. I was hoping na may tao pero kung wala. Uuwi na lang ako.

I pressed on the doorbell.

Once.

No answer.

Twice.

Still no answer.

I pressed it again for the last time pero ingay lang ng doorbell ang naririnig ko.

Nakayuko na akong naglalakad paalis.

At least I tried kaysa hindi.

Baka nga umalis na sila ng Pinas.

"Kate!" Mabilis akong napalingon sa tumawag sakin at nakita ko si Tita Eliza. Agad akong bumalik at pinatuloy niya ako.

Niyakap ako ni Tita Eliza nang makapasok ako sa gate nila.

"How are you Kate? Napadalaw ka rito? Namiss kitang bata ka! Hindi ko na sana pagbubuksan dahil akala may nantitrip lang. Ikaw lang bang mag-isa? Nasaan yong boyfriend mo? Inihatid ka ba niya? Halika rito sa loob, anong gusto mo? Orange juice or soda? Kumain ka na ba?"

"Orange na lang po tita," magalang kong sagot. Nasanay na rin ako sa pagiging ganito ni tita dahil maliliit palang kami ni Andy ay mabait na talaga siya at maasikaso kaya hindi lang ako kay tita napamahal pati na rin sa anak niya.

"Ano palang sadya mo rito Kate? Buti naman at napasyal ka rito. Mag-isa lang ako rito dahil nasa galaan pa ang Tito Henry mo."

"S-Si Andy po ang ipinunta ko rito. Nasaan po siya? Nagtransfer na po ba siya tita? Matagal ko na po kasi siyang hinahanap at gustong makita."

Kumunot ang noo ni Tita Eliza sa sinabi ko. "W-what do you mean na nagtransfer si Andy?" nagtataka at nalilitong tanong niya sakin.

"Kung nagtransfer na po siya sa States?" nag-aalala kong sagot.

Bigla na lang umaliwalas ang mukha ni tita at ngumiti.

"Hindi niya ba sinabi sayo kung nasaan siya?"

Umiling lang ako saka humigop ng orange juice.

"Ang batang yon talaga. Akala ko sinabi niya sayo kung nasaan siya. Nagbakasyon lang siya Kate. Pinagbakasyon muna namin ng Tito Henry mo dahil mukhang nastress siya sa studies at parang malungkot din kaya hinayaan muna namin siyang mag-enjoy. Alam mo naman kami ng tito mo, ayaw naming naaapektuhan ang mental health niya. Don't worry kasama naman niya si Michelle, Michelle Ortega. Kilala mo ba siya? Kalaro niyo rin siya dati."

Para namang tinarakan ng kutsilyo ang puso ko sa narinig.

All this time, magkasama pala silang dalawa. Ang swerte naman ng Michelle na yon.

"Saan po sila nagbakasyon?" Pinipigilan ko na mabasag ang boses at baka makahalata si Tita Eliza.

"Sa Palawan. Gusto mo bang tawagan si Andy ngayon?"

Hindi ko alam kung kailangan ko pa siyang kausapin ngayon dahil alam ko naman ng magkasama sila ni Michelle.

Sobra akong nagseselos dahil buti pa siya, nasolo na niya ng matagal si Andy kahit na kararating palang niya rito sa Pinas.

"S-Sige po tita kung pwede po." Nanaig pa rin ang kagustuhan kong makausap siya kahit na nasasaktan na ako ngayon.

Iniabot na sakin ni tita ang kanyang phone. Hinihintay ko na lang na sumagot si Andy dahil si tita na mismo ang tumawag dito.

Lumabas muna ako ng bahay at pabalik-balik na naglakad dito sa harap habang naghihintay.

"Hello Mom? Napatawag ka?"

Di ko mapigilan ang tuwa at ganon din ang puso ko nang marinig ko boses niyang matagal ko nang gustong marinig.

"A-Andy. I missed you so much. Kailan ka babalik?"

"K-Kate? I-Ikaw ba talaga yan?! Hindi ko pa alam. Baka matagalan pa."

Lalo akong nalungkot dahil hindi niya pinansin na namimiss ko na siya. Di ko napigilang maluha dahil sa pangungulila sa kanya.

"Kate? Umiiyak ka ba? Inaway ka ba ni James? Sinaktan ka ba niya? Masasapak ko talaga yan pag-uwi ko!"

"Wala na ka—hello Andy?!"

Naputol na ang call namin at lalo lang akong nalungkot. Hindi sapat yong napakaikling pag-uusap namin dahil lalo akong nananabik na makausap siya.

Inayos ko muna ang aking sarili bago pumasok ulit upang ibalik kay Tita Eliza ang kanyang phone.

"Tita, maraming salamat po. Uuwi na po ako. Baka hinahanap na po ako ni Mama."

"Sigurado ka? Ayaw mo bang magstay dito? Ipapaalam na lang kita kay amiga. Delikado at madilim na rin kung maglalakad ka mag-isa pauwi. You can stay sa room ni Andy if you want," alok sakin ni tita but I politely declined her offer.

"Yes po tita. Next time na lang po siguro."

Di na nangulit pa si Tita Eliza at nagpresinta na ring ihatid ako sa amin.