Chapter 38 - 38

ANDY

"Drew? Drew! Nandito ka na omg! Sa wakas pumasok ka na rin! I missed you sobra!" at gigil na gigil akong niyakap ni Luce na ikinagulat ko dahil nakatulala ako sa kawalan.

"Saglit lang naman akong nawala ah! Ikaw talaga Luce, lagi mo akong namimiss ha. Ikaw ha. Pasalubong ko pala para sa'yo," at ibinigay ko ang dala kong gift bag.

"Wow naman, I love Palawan!" basa niya sa kulay itim na tshirt matapos niya itong bulatlatin. "May pa-Palawan Philippines ka pa ha! Wala bang I love Lucy Rubio diyan?" panloloko pa niya sakin na tinawanan ko lang. Dalawang tshirt ang pasalubong ko sa kanya, isang keychain na may name niya at dalawang pack ng kasoy.

"Uy Drew, maraming salamat dito ha? Love na love mo talaga ako, grabe ka na talaga. Next time, sama mo naman ako sa Palawan para makagala tayo. Ang daya mo eh iniwan mo ko halos ng isang linggo rito! Wala akong kadaldalan at inaasar!"

Hinayaan ko lang siya pero nangingiti pa rin ako sa kawalan. Daig ko pa ang adik na humihithit. Napahawak ako sa aking labi nang maalala ko kung paano ako hinalikan ni Kate kahapon at kung gaano ito katamis.

"Drew! Anyare sayo? Ba't ka nangiting mag-isa at nakahawak sa labi mo? Hmm, don't tell me—oy ha, may nangyari sa inyo ni Michelle sa Palawan 'no? Umamin ka nga," panunukso ni Luce na iwinaglit ko kasi kinikilig pa rin ako mula kahapon.

"Luce, what will you feel if the person you like confessed to you na gusto ka rin niya? How will you react?"

"Aba! Galing ka lang Palawan, lumandi ka na! So, kayo na nga ni Michelle? Omg, Drew! I'm so happy for you!" tuwang-tuwa niyang sabi na may kasamang hampas sa balikat ko.

"Ano nga Luce? Tungeks, walang nangyari samin ni Mich. Nagbakasyon lang kami sa isla nina Mommy. Scuba diving, jetski tapos bar sa gabi. 'Yon lang ginawa namin," nakangiti kong pagkukwento sa kanya habang siya ay todo ngiti rin at ayaw pang maniwala sakin.

"Anong ano nga? Wala akong lovelife kaya pa'no ko masasagot yan pero kung may nagconfess sakin edi maganda! Ako. Swerte niya pero hindi ko agad sasagutin. Marupok ako pero choosy. Gusto ko yong mayaman tapos gagawin akong sugar baby," nananaginip nang gising niyang saad kaya naiiling na lang ako. "Nagconfess ba sayo si Mich? Anong sabi mo?"

Umiling lang ako. "Wala naman. Natanong ko lang haha!"

"Good morning class. Nandito ba si Andrew Torregozon?"

Nagtaas agad ako ng kamay. "Yes ma'am?" 

"Pinapatawag ka ni Professor Papadakis sa office niya ngayon din. Excuse ka na for the whole meeting natin. You may go now."

Nagmadali na ako at isinukbit ang aking bag. "Punta na muna ako Luce. See you later. Sabay tayong maglunch kung libre mo. Salamat!" at nginitian ko siya nang pagkatamis-tamis. Di man lang ako pinansin at nagsulat na siya.

Grabe talagang babae 'to.

Ba't naman niya ako pinapapunta sa office niya? Mamayang hapon pa ang klase namin sa kanya ah!

Malapit lang naman ang office ni Professor Papadakis. Kumatok lang ako ng tatlong beses bago pumasok.

Bigla akong nahiya nang makita kong may kausap itong babae na naka-formal ang suot. Mahaba at wavy ang light brown nitong buhok.

Napatingin agad silang dalawa sakin lalo na si Professor Papadakis na sobrang shocked at hindi makatingin sakin. Sobrang lapit kasi ng mga mukha nila kung mag-usap nang madatnan ko.

Natulala ako sa babaeng kasama niya.

Matangos ang ilong at tila perfect ang features niya sa mukha. Para akong nakakita ng totoong diyosang bumaba mula sa langit. Nginitian niya ako saglit bago bumaling kay prof at nagsalita ng hindi ko maintindihang wika.

"Good morning Andrew Torregozon," sweet na bati ng diyosang babae sa harap ko sabay lahad ng kanyang palad. Tiningala ko siya dahil sa sobrang tangkad niya sakin. Hula ko'y mga 6-footer siya.

Biglang napatayo si ma'am at nausog pa ang table niya nang kaunti.

"Ah t-that's my s-sister. My elder sister, Dr. Papadakis," nauutal at parang nahihiyang sambit ni ma'am.

Nagpaalam na ulit ang tinutukoy niyang kapatid sa wikang di ko ma-gets at lumabas na ito.

Napasapo na lang si ma'am sa kanyang noo sabay napaupo sa kanyang swivel chair.

"Before lunch pa sana kita ime-meet eh. Di talaga makaintindi yang si Maya dela Cruz. Sinabihan ko na nga ng ilang beses. Ang bobo talaga. Di ko alam kung pano naging prof 'yan," gigil na sabi ni ma'am sa inis niya.

"Ah eh ma'am, balik na po ako sa klase ko ngayon?" alanganin kong tanong.

"No. You're already here so kakausapin na kita about your absences last week. Your grades, bumaba na." We discussed everything and I explained to her kung bakit.

"I'll be giving you special quizzes para makahabol but I won't give a perfect score because that will be unfair to your classmates. Ikaw na rin magsasauli nitong past quizzes niyo sa lahat ng section ng ka-year mo. Also, kindly tell your classmates that we won't be having our class today and the next meeting."

"Sige po ma'am pero bakit po walang klase?" usisa ko sa kanya tutal nandito na rin naman ako.

"I'm going back to Greece and inaasikaso ko na rin ang papers ko. Sinusundo na ako ng kapatid ko. Maybe, this will be last time na magkikita tayo Andrew. Magreresign na ako next week. Goodluck sa studies and for you pala," at ibinigay niya sakin ang parang bracelet na may color blue beads.

"Thank you po ma'am. Ano po ito? Aalis ka na po pala."

Nginitian niya lang ako. "That's komboloi. Spin mo lang yan sa finger mo like pangtanggal ng stress yan. You can visit me sa Greece once you graduate. Just search Papadakis General Hospital. You may go now."

Umalis na ako at itinago ang bigay sakin ni Professor Papadakis.

Aalis na pala si ma'am. Nakakalungkot naman. Ang galing pa man din niyang magturo.

Bumalik na rin ako sa klase namin kahit na excused ako. Wala rin naman akong gagawin.

Nang matapos ang klase namin ay niyaya agad ako ni Luce sa canteen habang nagvavibrate ang phone ko.

Kate calling…

"Hello Kate? Oo papunta na ako sa canteen. Maglulunch na ako. Kaming dalawa ni Luce ang magkasama. Ikaw ba? Sige sige, wait mo na lang ako. Kanina ka pa? Oo papunta na wait!" at pinatayan niya ako.

Nagmadali na rin ako at si Luce na ang kinakaladkad ko.

"Drew ano ba! Dahan-dahan lang! Ba't ka ba nagmamadali! Gutom na gutom ka na ba ha?" reklamo ni Luce habang nagmamadali ako.

"Nando'n na si Kate! Kailangan ko nang bilisan. Sasabay daw siyang maglunch sa'tin."

"Sasabay sa'tin o sa'yo lang? Panira talaga yang malandi mong bestfriend. May boyfriend na nga siya, guguluhin ka pa! Sa iba na lang tayo kumain!"

Bigla akong tinamaan sa sinabi niya.

Oo nga pala may boyfriend na si Kate.

"Oh eh ano kung may boyfriend siya? Baka kasabay din niya ngayon. Dito na lang tayo kumain. Libre kita ng tubig."

Pumila na agad kaming umorder nang makarating kami dahil hinila na agad niya ako.

"Te, tig-dalawang order po ng laing at kanin. Oh, maglaing ka muna. Alam kong kumakain ka niyan. Ano pang gusto mo?" pangunguna niya eh wala na rin naman akong nagawa.

"Ikaw ng bahala. Gusto mo yan eh. C2 sakin."

"C2 lang sayo?"

Nag-ring na naman ang phone ko.

"H-Hello Kate. Oo! Nandito na kami sa canteen. Wait lang oo malapit na talaga promise!"

Ako ang may dala ng tray ng order namin at nakita ko rin agad ang table nina Kate. Kasama niya ang tatlo niyang friends.

Kinakabahan ako nang makita siyang nakasandal habang nakahalukipkip. 

Nakasungit na naman ang dragon. Ayaw na ayaw talaga ng pinaghihintay.

"Hello Kate, kumain ka—

Biglang umupo si Luce sa tabi ni Kate. Di talaga ako makapaniwala sa babaeng 'to.

Ako dapat ang uupo doon eh!

"Luce," seryoso kong tawag sa kanya. Alam na niya dapat ang gagawin kapag tinawag ko na siya ng gano'n.

"Umupo ka na diyan at kakain na tayo." Di man lang ako tiningnan ng bruha.

"Hi Drew! Tara bili tayong lunch! Di pa bumili si mayorang Kate. Kanina ka pa hinihin—

"Bilhan mo na lang ako pwede?"

"Ako na Kate. Samahan na lang niya ako," at bumili na kami ni Skye.

"Iba ka na talaga Drew!" sabay akbay niya sakin. "Buti na lang dumating ka na. Kanina pa nakatutok sa phone niya si Kate. Atat na atat kang makita. Alam mo kung anong bilhin mo sa kanya? Yong ayaw niya tapos ayaw mo rin. Bawian mo rin siya minsan tutal mahal ka naman no'n," sabay tawa niya habang ako'y alanganing natawa.

Di talaga magandang binibiro si Kate lalo na 'pag naka-dragon mode siya.

"Ayoko nga. Baka awayin akong lalo no'n eh."

"Hindi 'yan promise. Akong bahala sa'yo. Kilalang-kilala ko na yang si Kate tulad mo. Alam ko ang lukso ng dugo niyan kaya dalian mo na," pangdedemonyo niya sakin.

"No you're not! Kung sinuman ang tunay na nakakakilala kay Kate, ako yon at wala ng iba. Hindi mo alam kung pa'no siya magalit."

Nagpakawala ito ng hininga at kunwaring inaalis ang dumi sa may balikat ko.

"Hay nako Drew. Maniwala ka rin sakin minsan. Matagal na kaming close ni Kate at alam ko kung pano siya nagkandarapa sa isang Andrew Torregozon," nakangisi niyang sabi sakin.

Ako naman ang naguluhan. "Matagal mo ng alam?"

"Oo naman. Naglalandian din kami. Tara bili na tayo!"

Hinayaan ko na siyang bumili. Nanggigigil ako ngayon dahil sa sinabi niya. Nauna na akong bumalik at tumabi kay Luce na di pa rin kumakain. Wala pa ring pagkain si Kate pati ang dalawang kaibigan niya.

Di ko na lang siya pinansin dahil di rin naman niya ako tinatapunan ng tingin pero nakakunot ang noo niya habang busy sa kanyang phone.

"Mauna na kaming kumain ha? Nagugutom na kasi ako," sambit ni Luce at kumain na siya.

Kakain na rin ako nang dumating na rin si Skye dala ang mga pagkain nila.

Napatampal na lang ako sa aking noo nang makita ang binili niya kay Kate.

Papaitan at ampalaya na may itlog.

Patay!

Malaking problema 'to. Ayaw na ayaw niya ang mga yan!

Ako ang napangiwi don'n. Parehas mapait. No!

Nanahimik lang ako habang ngingisi-ngisi sakin si Skye.

"What are these? Who chose these?" nakakamatay na tanong ni Kate. Diring-diri siya sa pagkain.

"Si Drew. Paborito mo raw yan kaya yan ang binili niya para sayo. Tara, kain na! Drew, palit tayong upuan.

Napapadasal na ako sa kaba dahil nakatayo na si Skye sa gilid ko at wala na akong nagawa. Ang sama ng tingin ni Kate sakin nang makaupo ako dala ang aking pagkain.

Humahagikgik naman ang dalawang kaibigan niya sa harap namin.

"Kate, sa'yo na lang 'tong akin," at pinagpalit ko yong amin.

Nasusuka na ako sa aking isip dahil hindi rin ako kumakain ng papaitan.

Jusko Lord!

Itlog lang ang kinukuha ko sa ampalaya at pahirapan pa akong ngumuya dahil malalasahan ko yong ampalaya huhu.

Napaayos ako ng upo nang hinahaplos na ni Kate ang kaliwang hita ko at nakangiti na siya ngayon. Nagsimula ng tumaas ang paghaplos habang ako'y parang kinukuryente sa bawat haplos niya.

Biglang nagvibrate ang phone ko.

Hazel calling…

"Guys, wait lang ha? Sagutin ko lang." Lumayo ako nang kaunti. "Hello Hazel. Anong meron? Ah meeting mamaya? Anong oras? Sige sige pero need ko ring pumunta diyan ngayon na? Sige, bibili na muna ako ng isang ream," and I ended the call.

Nagpaalam na ako sa kanila at si Luce naman ay katatapos kumain. Sumabay na rin siya sakin paalis. Hindi ko na rin nasabi kay Kate dahil nagmamadali ako.

***

"Ingat Luce ha. Sendan mo rin ako ng link. Tapos mo na 'yong assignment eh. Pakopya ha? Don't forget," bilin ko kay Luce dahil uwian na namin.

"Chat mo ako ah! Oo na paulit-ulit Drew! Ingat ka rin bye!"

Paalis na rin sana ako nang makita kong naghihintay si Kate at Mich sa labas ng room namin. Lumapit agad silang dalawa sakin at kumapit sa braso ko.

"Andy, let's go home na!"

"Ander, uwi na tayo!"

Magksabay pa sila kaya di ko alam kung kanino ako titingin sa kanila.

"Di pa ako makakauwi eh. May meeting pa kami sa student council. Wag niyo na rin akong hintayin para makauwi na rin kayo kaagad," paniniguro ko upang hindi na sila mangulit pa.

"Okay but text me if pauwi ka na ha? I'll go na dahil may aasikasuhin pa ako sa bahay," at hinalikan ako ng Mich sa pisngi na ikinagulat ko.

Umalis na siya habang kami na lang ni Kate ang naiwan. Pinunasan ko agad ang aking pisngi at maingat na lumapit kay Kate na wala man lang kaemo-emosyon.

"K-Kate, di ka pa ba susunduin ni James? Ikaw na lang ang maiiwan dito. Aalis na rin ako."

Hindi niya ako kinibo at nakatingin lang siya sakin. 

Natatakot na ako ha Kate.

"What did I tell you last time?" sa wakas na sabi niya.

"Ha? Saan do'n?" Ang dami niya kasing sinabi sakin. Di ko alam kung ano ang tinutukoy niya.

Inirapan lang niya ako. "Ang sabi ko, nag-enjoy ka sa halik ng Michelle Ortega na yon. Todo ngiti ka pa tapos hinahabol mo pa ng tingin yong pwet niya. Kitang-kita ko, Torregozon."

"Uy hindi ah! Di ako manyak 'no! Kiss lang ni crush ang gusto ko," ngiting-ngiti kong sabi habang siya nama'y nangingiti na rin.

"Sino ba 'yong crush mo? Maganda ba at sexy?" pilyang tanong niya.

Hay nako Kate. Maang-maangan ka pa. Alam mo namang ikaw 'yon eh.

"Wala. Taken na yon kaya pangit na saka di na sexy yon. Sa iba na kasi nagpapasexy," ganti ko sa kanya habang pangisi-ngisi ako.

Akala mo ha.

"Break na kami ni James."

Natahimik ako at tila tuwang-tuwa ang puso ko nang marinig yon pero para di na ako umasa pa ay tinukso ko siya.

"B-Bakit naman? Sayang, bagay na bagay pa man din kayong—

"Mukhang di ka ata masaya?" pagsusungit niya na dinagdagan ko pa.

"Ikaw nga diyan ang mukhang di masaya oh! Nakabusangot ka na! Wag ka ng bumusangot, ang ganda-ganda mo pa naman! Pano ba yan Kate bestie, dinaldal mo ako kaya kailangan ko nang pumunta sa office dahil late na ako." Naglakad na ako.

"What the fuck?! Bestie your face! Sasama ako sayo!" at kumapit siya sakin habang naglalakad na ako.

Habang naglalakad ay hindi kami makausad-usad dahil kung hinahaplos niya ako kung saan-saan lalo na sa tiyan at tagiliran ko.

Di naman ako makapalag dahil nakakapit siya sa braso ko.

"Umuwi na lang kasi tayo Andy. Ituloy natin yong ginawa natin sa locker room," pang-aakit niya pa at naramdaman ko ang napakalambot niyang ano.

Lord! Patawarin niyo po sana ako ngunit biyaya rin po ito!

"Kate! Pag-usapan na lang natin 'to mamaya. May meeting pa ako. Are you really sure na hihintayin mo ako rito?"

"Basta bilisan mo lang! Five minutes dapat nandito ka na! Ba't pa natin pag-uusapan kung pwede naman na nating gawin agad," pilyang sagot niya sabay nakaw ng halik sa labi ko.

Nangangatog ang tuhod kong pumasok sa loob ng student council office.

Iba talaga ang epekto mo sakin Kate.

***

Gabi na natapos ang meeting namin at maraming napag-usapan. Inutusan din ako nang inutusan ni Hazel. Mukhang nabadtrip sakin dahil 30 minutes akong late. Tahimik ang lahat ng officers dahil wala sa mood ang president. No'ng dumating ako ay kanina pa pala sila nagsimula at marami na rin silang napag-usapan habang tanong naman ako nang tanong dahil absent ako last week kung saan nagmeeting din sila kaya di ko alam. Inulit lahat ni Hazel at gigil na gigil siya sakin.

Nang kami na lang ni Hazel ang naiwan, I told her na aalis na ako sa student council dahil ang dami pala nilang requirements na need ipasa nong wala ako para sa conference kaya nagkanda-leche leche sila.

No one's to blame kung di ako lang kaya okay lang sakin kahit mawala na ako sa student council.

Wala siyang say at pinauwi na lang ako.

Paglabas ko, nakatulog na si Kate at nakaupo lang siya sa may floor eh ang dumi-dumi no'n. Labis naman akong nag-alala at baka nilamok na siya.

Di ko na siya ginising at binuhat ko na siya nang pa-bridal style. Nang makarating sa parking, dahan-dahan at maingat ko siyang iniupo sa passenger seat. Kinapkapan ko rin siya upang hanapin ang susi ng kanyang kotse.

Habang kinakapkapan ay napatingin ako sa dibdib niya. Naka-unbutton ang ilang butones nito at di ko mapigilang mapalunok. Napapikit na lang ako.

Sa pagkataranta ko ay nasa bag lang pala niya ang susi na may keychain na letter K.

Naging mabilis ang pag-uwi namin dahil past 8pm na. Nang makarating kami sa bahay nila ay hindi ko siya ginising. Hinayaan ko lang siyang matulog dahil mukhang pagod na pagod siya.

I took the chance.

Kinuha ko ang aking phone at pinicture-an siya.

Hinaplos ko ang pisngi niya at kuntentong pinagmamasdan ang mukha niyang lalong gumaganda sa bawat paglipas ng panahon.

Halos buong buhay namin ay magkasama na kaming dalawa ng minamahal kong si Kate.

We met when I was 4 years old and she was 5. Ahead lang siya sakin ng months. I came from New York habang siya naman ay from New Zealand. Maliit pa lang kami may pagka-spoiled and bitch na siyang attitude. Hindi rin niya ako kinikibo at medyo bulol pa rin ako no'n. Lagi ko siyang niyayaya maglaro sa labas pero ayaw niya talaga at iniirapan lang ako. Lagi niyang hawak ay libro at ang mahiwaga niyang barbie doll.

"Andy?" sambit niya nang magising siya at yumakap sakin. "Huwag ka ng umuwi please? Dito ka na lang."

I kissed her forehead. "Break na ba talaga kayo ni James?" tanong ko habang hinahaplos ang mahaba at malambot niyang buhok. Lalo siyang inantok.

"Yes. I don't love him."

Hinalikan ko siya sa pisngi. "Hatid na kita sa loob. Baka pagalitan ka ni Tita Laura bakit ngayon ka lang—

Siniil niya agad ako nang halik na malugod ko namang tinugon. Saglit lang kaming naghalikan at naghiwalay na kami.

Inayos na namin ang aming mga itsura bago ko siya ihatid sa loob. Isang katok ko palang ay bumukas na agad ang pinto at bumungad na agad si Tita Laura.

"Magandang gabi po Tita Laura. Pasensya na po ngayon lang nakauwi si Kate. Nagkaroon po kasi kami ng student council meeting at kasama po siya kaya po na-late."

"Yes Ma. Sabay na po kaming umuwi dahil umuwi na rin kaagad si James."

Nginitian ko lang si tita dahil mukhang di siya kumbinsido saming dalawa at kinikilatis talaga kaming dalawa.

Magaling talaga 'tong si Tita Laura. Hindi siya basta-basta naniniwala kaya nakakatakot 'pag nagkamali ka.

"Gano'n ba? Why don't you stay for the night, Andy? Alam ba ni amiga na nandito ka?" Nagkatinginan kami ni Kate.

"Naku tita, next time na lang po. May gagawin pa rin po kasi akong assignment eh. Uuwi na rin po ako. Kate, Tita, punta na po ako," at umalis na ako.

Paglabas ko sa kanila ay agad na nagvibrate ang phone ko. Tumatawag si Kate.

"Next time dito ka talaga matutulog! I miss you. Call me asap if nakauwi ka na. Be careful dahil gabi na. Nasaan ka na?"

"I miss you too! Ayaw mo sa bahay? Oo tatawag ako don't worry. Kate, pwedeng magtanong?"

"What is it?"

"Wala pala. Goodnight Kate! Bye." I ended the call and I smiled at my thought.

Masaya akong naglalakad pauwi nang maalala kong may gagawin pala kami ni Mich sa kanila.

Tinawagan ko si Mich para sabihing papunta na ako. Doon na ako didiretso at matutulog. Tatawagan ko na lang din si Mom para magpaalam.