KATE
"As I said before, dapat nagrereview kayong maigi. Ang dami kong nakikitang tulala. 'Pag tapos na, pwede nang magpasa. Sa test sheet tumingin, wag sa katabi. Ms. Silovera, mukhang tapos ka na."
Wala akong naiintindihan sa aking paligid. Kanina pa kasi ako nakatulala plus ang sakit ng ulo ko. Medyo nahihilo pa ako dahil may hangover pa ako.
Nagulat ako at bumalik sa aking ulirat nang lihim akong sipain ni Skye.
"H-Ha? Ano? Di kita magets." Nguso kasi siya nang nguso eh di ko naman alam kung ba't siya nakagano'n.
Nakatulala lang ako at iniisip ang mga bagay-bagay samin ni Andy.
Kinuha na lang ni ma'am Papadakis ang answer sheet ko at nagpasa na rin sina Skye, Claire at Alice.
Tiningnan ko naman ang mga kaklase kong hirap na hirap kaya natawa na lang ako sa paghihirap nila.
Pinalabas muna kami at nagtatawanan at nagtatalunan silang tatlo habang si Skye ay ginulo-gulo ang buhok kong nananahimik.
"Iba talaga ang alindog ng mga Silovera , 'no Kate? Basic ang quiz! Matik perfect 'di ba guys?"
"Syempre naman! Basic talaga! Binuhat ba naman tayo ni Kate! Grabe talaga! Ginagalingan masyado!" segunda ni Claire sabay akbay sakin.
"Baka beshy ko 'yan! Cr muna tayo," at sinamahan namin si Alice.
Inayos ko lang 'yong hair ko habang hinihintay namin 'yong dalawang magshota.
Si Skye naman ay naghilamos.
"Ang lakas talaga ng source mo, madam. Nag-usap ba kayo?" chika pa niya sakin.
"Siya una nagchat. Nagsend lang ng quiz tapos wala na," malungkot kong sagot sa kanya.
"Ano na naman 'yan ha? Kayong dalawa ha, share niyo naman," at pumagitna si Alice sa amin. Inayos naman ni Claire ang gusot sa blouse nito at nagkatinginan kami ni Skye sabay iling niya.
"Tara na, baka hinahanap na tayo ni ma'am."
Magkaholding-hands na lumabas 'yong dalawa at inalo-alo pa ako ni Skye. Parang tanga lang. Siniko ko nga siya.
Pagbalik namin ay nagchecheck na sila ng papers. Maingat kaming pumasok dahil ang mga tingin ni ma'am ay parang may latay.
Pag-upo namin ay natapos na silang magcheck. Inisa-isa pa niyang tingnan ang papers na na hawak niya habang tumitingin sa amin. Puro naman siya pasuspense. Hindi na lang niya ibalik ang mga papers namin. Kahit kailan talagang prof 'to, ang daming alam.
"As usual, Silovera," at talagang tiningnan ako. Inaano ko ba 'tong Papadakis na 'to. Laging ang init ng dugo sakin.
"Bernabe."
"Gonzales."
"At Ledesma. Silang apat lang ang nakaperfect at may additional points for the next quiz, Monday. Nagkopyahan ba kayong apat? The rest, humimlay na ang scores. May nakazero pa. Essay na nga lang na ang dali-dali, ibabagsak pa. Anyway, get ready sa Monday. Class dismissed."
Paglabas ni ma'am, tinulak-tulak at ginulo-gulo ng apat kong mga walanghiyang kaibigan. Hinila pa talaga ang suot kong white long sleeves kaya halos mahubaran na ako.
"Iba talaga 'pag mahal ka 'no Kate? Laging may biyaya! Buti na lang kinaibigan kita! Ang lakas talaga ng kapit kay Andrew!"
Hinampas ko siya nang malakas.
"Shut up!"
"Si Drew ang nagsend sayo no'ng quiz? Iba talaga! Ang bait-bait naman pala talaga ni bestie. Buti na lang at sinend mo rin samin. Di tayo pinabayaan ni Top 1," pang-aasar pa ni Alice na siyang humihila sa damit ko.
"Ang sarap talaga 'pag may mga batak na kaibigan eh. Si Kate, tinapos na ang powerpoint natin tapos may source pa ng quiz ay grabe na talaga! Kaya ang daming nagkakagusto eh tapos may jowa pa ay nako naman talaga! Prayer reveal nga," gatong pa ni Claire at nakatanggap sila ng tig-iisang kutos sakin.
"Sa susunod di na ako magsesend. Bahala na kayo. Lagi niyo akong inaasar."
"Kasamaan talaga ng ugali mo palibhasa kasi kay Drew ka lang laging mabait. 'Pag samin bahala na, 'pag kay Drew, nagkukusa. Mauuna pa siya. Klaseng kaibigan 'yan, may favoritism," at nagpout pa ang babaero.
"Sino ba kayo para unahin ko ha? Lagi ko na nga kayong kasama. Nakakasawa na ang mga pagmumukha niyo. Maiba naman sana."
"FYI, friends are forever kaya like us! Kahit di mo kami kailangan nandito lang kami tapos masasandalan mo rin kami 'pag may problema ka at tutulungan ka pa namin. Si Skye, ang service natin tapos ako nililibre ko kayo tapos si Claire...ano..." Hindi maituloy ni Alice ang sasabihin. Mukhang natatakot kay Claire.
"Ano?" naghihintay na sagot nito habang tinutwirl ang laylayan ng buhok ni Alice.
"I love you babe," ang sagot ni Alice at ninawakan ito ng halik sa pisngi.
"Sige pala guys. Hahanap na ako ng bagong circle. Hindi na healthy sakin ang ganito. Ganito pala ang friends forever. Dito lang pala ako mamamatay," si Skye at tumabi na sakin. Tinalikuran na namin 'yong dalawa.
"Anyare na? Nag-usap na kayo ni Drew? 'Yong sinabi ko sayo ha? Pero ikaw bahala kung anong gusto mo kaso pa'no si James?"
"Di ba sabi mo 'wag ko munang kausapin at palipasin ko muna? Titingnan ko rin at hahanap ako ng timing na sabihin kay James. Wag muna ngayon, nandiyan pa kasi sina mama eh."
"Ano ba kasing meron diyan kay mama mo?" G na g talaga siya.
"Basta."
***
Few days later
"Dali mo Kate! Doon tayo malapit sa may bench!" Nagmamadali akong hila-hila ni Skye. "Sa wakas! Ang bagal mo kasi! Pa'no mapapasayo si Drew niyan kung kilos pagong ka," pangaral niya pa at marahas kong binawi ang kamay ko. Nakaupo na kami dito sa bench. I tried my very best na tumakas para makanood ng badminton tournament.
Nasimulan namin ang game kaso di pa turn ni Andy dahil mamayang hapon pa siya.
I was wondering kung nasaan siya kasi wala pa siya rito. Baka umalis muna. Team lang nila at coach ang nandito.
Marami ang mga nanonood at halos mga taga-ibang school.
"Alis muna ako. Babalik din ako," paalam ko kay Skye at bumalik sa basketball. May game din sila at need ako doon.
I sighed in frustration kasi ayoko naman dito sa basketball at mas gusto ko doon sa badminton. Nandoon kasi 'yong mahal ko eh, wala sa basketball.
Sumilip muna ako sa badminton during half-time para naman makasupport ako kay Andy.
Buti na lang at mabait ang tadhana ay siya na ang naglalaro at mukhang kasisimula lang ng game.
"Beh, matunaw si Drew. Uy, laway mo—
"Ano ba Skye! Tumabi ka nga! Lecheng kamay naman 'yan, nagpipucture ako!"
Pilit niya pa kasing inaagaw ang phone ko habang pinipicturean ko si Andy.
"Tangina mo, puro blurred oh! Hayop ka talaga! 'Pag ako talaga walang matinong picture—
"Di ka naman talaga matino—
Ngumiwi siya dahil madiin kong inapakan ang paa niya. Sobrang papansin kasi.
Palihim lang akong nagchecheer dito sa tabi ni Skye. Di na siya umiimik habang sobrang sama na ng tingin niya sakin kasi tuwing makakascore si Andy ay hinahampas at hinihila ko siya.
Wala siyang magagawa, kinikilig ako eh.
"Skye, I gotta go. Papicture naman—
"Oh bakit? Sino ka? Maganda ka ba? Uuwi na ako, wala naman akong kasama—
"Please Skye? Ngayon lang kasi! Sige na, ngayon na nga lang ako magrequest sa'yo di mo pa pagbibigyan. Lahat nga ng sinasabi mo ginagawa ko—
"Kiss ko muna dito," sabay turo sa lips niya.
"Gusto mo ng sapak?"
"Edi walang picture. Sige pala, I gotta go—
"Wait lang naman kasi Skye! Wala na bang ibang options? Bawal ang kiss. Iba na lang basta walang anything sexual."
"Tangina ang kapal mo talaga. Akin na nga 'yang phone mo! Basta may napakalaking kapalit 'to. Hindi pera, lalong hindi thank you. Sige lumayas ka na! Nakakasawa na 'yang pagmumukha mong sobrang pangit!" Pangiti-ngiti na ang bwisit.
Alam ko namang hindi niya ako matitiis. Mahal na mahal ako niyan eh.
"Okay! Thank you so much! Ikaw ng bahala ha? Ayusin mo ang pagkuha mo kung hindi, mag-isip-isip ka na," at niyakap ko siya. Niyakap din niya ako nang mas mahigpit.
Pinapabitiw ko na siya ay ayaw pa rin niyang humiwalay.
Paghiwalay namin ay ang lapad ng ngiti niya saka inilapit ang mukha niya sakin.
"Uy Skye, ba't mo hawak 'yong chin ko, uy! 'Wag mo akong hahalikan, tang—
Napapikit na ako na halos magkadikit na ang mga mukha namin.
"Okay na, dumilat ka na. Ang feeling mo masyado para halikan kita." Pangisi-ngisi ang bruha.
"Ba't mo ginawa 'yon ha?! Aalis na ako bwisit ka!"
"Nakatingin kasi si Drew. Mukhang pinapanood tayo kaya nilubos ko na. Ang dilim ng mukha niya. Ge, layas na."
Nilingon ko ang court, wala na si Andy. Hindi ko na makita. Kamot-ulo akong umalis habang pinoproblema ang cheer dance namin.
***
Week had passed ay wala ng magandang nangyari sa buhay ko. Everyday na pumasok ako ay gusto ko na lang umuwi.
Wala na si Andy!
Hindi ko na siya nakita since no'ng game niya.
Wala na rin akong balita about sa kanya.
I even congratulated her sa chat but to no avail, no reply din.
"Skye," naiiyak kong sabi rito nang makita ko silang tatlo sa canteen. "What should I do?" bulong ko pa habang nakayakap sa kanya.
"Ba't sad ang beshy namin? Kate, alam mo, lately, para kang wala sa sarili. Lagi kang tulala 'pag kausap namin tapos sasagot, ang layo ng sagot. Nag-away ba kayo ni James? Are you okay?" concerned na tanong ni Alice.
"O baka naman nagbabato ka? Look at your eyebags, ang laki na at parang pumapayat ka. Baka matokhang ka niyan ha?" sabat naman ni Claire.
"I'm fine. Just ignore me, guys," at humilig na ako sa balikat ni Skye. "I need to go na pala. May aasikasuhin pa ako. Bye girls."
"Wait Kate! Kumain ka muna!" habol ni Claire pero umalis na ako.
Pumunta ako sa room ng section B. Luckily, nandon ang friend ni Andy. Lunch time nila. Mag-isa lang itong kumakain though may classmates din siya around.
"Excuse me, Lucy right?" Tinaasan lang niya ako ng kilay. I want to turn my bitch mode on but not today. Nagpigil lang ako para makuha ang pakay ko.
"Excuse me but...have you seen si Andrew?"
"Wala. Ask Hazel. Kilala mo naman siya diba?" at kumain na siya ulit. Hindi na ako pinansin.
Pumunta na rin ako sa student council last time pero closed naman. I also went sa gym nila then sa bahay but sarado rin nang magdoor bell ako.
Pagdating ko sa student council ay sarado ulit. Nagwait muna ako ng ilang minutes. Baka busy sa loob since lunch time.
"Miss, buong week pong sarado ang student council. Wala pong tao diyan," sabi sakin ng isang matabang lalaking student.
"Kailan daw po mag-oopen?"
"Hindi po ako taga-student council eh."
Nilayasan ko na siya. Nastressed ako bigla sa kanya.
I tried to call Andy pero hindi ma-reach ang number. Unattended. Chinat ko rin pero offline siya.
Napaupo na lang ako sa bench.
Bumalik na ako room namin. Nandoon na rin 'yong tatlo na busy sa pagchichismisan.
"Uy, san ka galing? Ang haggard ah."
"Nakipagkita kay James," pagsisinungaling ako para tumahimik na sila.
"Ah, naglandi ka pala kaya pala ang haggard mo. Be sure na protected ha? Be safe always."
I raised my middle finger at Alice.
After class, wala akong ginawa. Mabigat ang loob kong umuwi. Nagpahatid na rin ako kay Skye. Sumabay din 'yong magshota kaya ang siste, hinatid nila akong tatlo.
"Gala tayo this weekend? Tapos overnight kina Skye, ano g? Set na 'yan. Sama mo na rin si Drew para the more, the merrier." G na silang tatlo.
"Baka hindi ako. Basta magchat na lang ako, bye!" at pumasok na ako samin.
"Ang aga ata ng uwian niyo, Kate? Inihatid ka ba ni James? Kumusta na kayo?" bungad agad sakin ni Mama habang nagbabasa siya ng book.
Lalong nadagdagan ang problema ko dahil sa tanong niya.
Hindi ba pwedeng kumustahin niya muna ako? Parang mas mahalaga pa sa kanya si James.
Hay Mama.
Saka ko lang din naalala na icheck ang phone ko to see if I got any messages from James.
Voila!
Ngayon ko lang napansin na ang dami niya palang chats and missed calls.
Hindi ko naharap.
Kasi hindi ko naman priority.
Si Mama lang naman ang may priority sa kanya eh.
"May family dinner tayo bukas with James' family. Sumama ka." It was more of a command kaya wala na naman akong nagawa but to nod.
It's the least I can do. I don't want to disappoint her.
Kaunti lang ang kinain ko then after we ate at makapagligpit ako ay umakyat na ako sa aking room.
Ang ingay no'ng tatlo sa gc namin. Ininbox-zoned ko lang sila. Wala akong gana.
Nakatitig at pabalik-balik lang ako sa convo namin ni Andy, hinihintay ang reply niya.
Last chat niya ay 'yong nagbigay siya ng quiz then wala na.
I tried to sleep early pero di ko ako antukin kaiisip kay Andy.
My last resort is our pictures together.
Tiningnan at binalikan ko lang lahat ng meron kami.
Lalo ko lang siyang namiss.
Nakatingin lang din ako sa DSLR cam niya na isinauli ni Skye. Lowbat naman and wala rin akong charger kaya di ko maopen.
Sana magkita na ulit kami ni Andy.
Nasaan na kaya siya?