Chapter 32 - 32

ANDY

"Andrew, ano ba?! Eyes on the shuttle! Focus!" gigil na sigaw sa'kin ni Luce nang matalo na naman niya ako sa second set. We're having our badminton practice ngayon. Busy din 'yong doubles namin sa two other courts. Nakita kong dismayado sa'kin si coach.

"Sorry. Pagod ako," nasabi ko na lang kaya mabilis akong sinugod ni Luce at hinila sa tshirt ko.

"One week na lang Andrew Torregozon, one week! Kung ano man 'yang problema niyo ng bestfriend mo, 'wag mong idala rito sa game! Malapit na ang tournament natin!" Halos mapunit na ang damit ko kaya mabilis siyang inawat ni coach at pinagsabihan kami. Nahinto tuloy sa paglalaro ang ka-teammates namin.

"Lucy! Andrew! Ano bang kaguluhan 'yan? Ngayon pa kayo mag-aaway kung saan nalalapit na ang game natin. Walang naitutulong 'yang ganyang basurang ugali! Kayong dalawa, 'wag kayong umastang parang kayo na ang hari't reyna sa loob ng court. Sa tingin niyo, magaling na kayo sa lagay na 'yan lalo ka na Andrew. Sobrang pangit ng laro mo. Lagi kang nagkakalat. Pa'no ka na lang kapag nakalaban mo ang undefeated na Lincoln University?" Tagos-tagos ang mga sinabi sa'kin ni coach. It was my first time na masabihan ng gano'n pero aminado naman ako na ang pangit ng mga laro ko simula nang mag-training kami.

Bigla akong nawalan ng gana sa paglalaro. Pakiramdam ko 'di na ako nag-e-enjoy at napapagod na lang. Kaya gigil na gigil si Luce sa'kin ngayon dahil pinaghahandaan niya talaga 'to dahil ticket namin 'to para makapaglaro internationally. Gustong-gusto at pangarap niya kasi 'yon kaso 'di naman ako nakikisama. U.S. lang naman 'yon na kaya ko namang puntahan kahit 'di ako maglaro.

"Kung may problema ka Andrew o kayong dalawa, fixed it as soon as possible. If not, kukuha na lang ako ng bago. Madali naman kayong palitan. Get back to practice everyone! Tapos na ang patalastas!"

Nagsikilos na agad ang mga kasama namin habang si Luce, inis pa rin sa'kin.

"Narinig mo 'yong sinabi ni coach? Fix your problem kung hindi, baka ikaw ang problema," at tinalikuran na ako ni Luce.

Napayuko na lang ako at medyo nasaktan ako sa sinabi ni Luce. Bumalik ako sa bench upang magpahinga at makapag-isip isip. Naglalaro pa rin sila habang nandito lang ako na nanonood.

Lumapit si Coach Amir. "Drew, may problema ba? Mukhang malungkot ka," at tumabi siya sa akin.

"Ah, wala po coach! Medyo pagod at stress lang po sa acads," palusot ko dahil ang totoo, nag-away kami ni Kate.

It's been days nang huli kaming magkita. I thought we were okay kasi wala namang naging problema no'ng magkasama kami. We were both happy lalo na ako kasi nag-uusap na ulit kami gaya ng dati. Kinukulit ko na ulit siya if gusto niyang lumabas or kahit anong gusto niya na gawin namin but she became cold again and I don't know why.

Na-miss ko lang naman siya nang sobra and nasobrahan na naman siguro ang pagiging clingy ko sa kanya kaya nairita siya. Wala na ulit kaming communication at dedma na naman ako.

Mas lalo akong nahihirapan because I have feelings for her. Mahal ko si Kate. Mahal na mahal kaso may boyfriend na siya.

What am I supposed to do with these feelings?

Nahihirapan na akong itago. Araw-araw lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya at ang tanging kayang gawin ko lang ay tumingin mula sa malayo.

"Drew? Kanina pa kita tinatawag. Are you sure that you're okay? Matamlay ka. May masakit ba sa'yo?"

"Okay lang po ako, coach. Coach, pwede po bang magpa-excuse mamaya? 'Di po ako makaka-practice mamaya. May pupuntahan po kami ng parents ko," paalam ko kay coach. I lied. Wala naman talaga kaming pupuntahan. Tinatamad lang ako.

"Sige pero double time ka bukas. Mag-iingat palagi," at umalis na si coach.

'Di na ako naglaro at natapos ang morning training namin na nakabangko lang ako.

Naabutan kong nasa locker room na si Luce. Nauna na pala siya. 'Di na niya ako pinapansin at ang cold cold na niya sa'kin. Ni hindi man lang ako tinatapunan ng tingin lalo na't magkatabi pa kami ng locker.

Hinayaan ko na lang. Mamaya na lang ako magla-lunch. Pupunta na lang ako sa kabilang gym para tingnan si Kate kung nandoon siya. Alam ko P.E. class nila ngayon eh.

Pagdating ko sa kabilang gym, wala namang katao-tao pero may naririnig akong ingay.

Tiningnan ko na rin kaya pinuntahan ko na.

"Meh, walang kwenta," at umupo muna ako sa bleachers. Napagod akong maglakad.

Pinapanood ko lang na nag-eespadahan 'yong dalawang naglalaro.

'Di ko namalayan na napapikit na ako kaya nahulog 'yong bote ng tubig na dinala ko na para sana kay Kate.

Pupulutin ko na sana 'yong bote nang biglang may tumawag sa'kin.

"Ander! Nandito ka pala?" at patakbo itong lumapit at yumakap sa'kin. "I'm glad you're here! Sabay na tayong umuwi."

Si Mich pala 'yong naglalaro ng fencing. Tinawag pa siya no'ng kalaro niyang babae para magpaalam sa kanya.

"May training ka rin? How was it? Ginalingan mo na naman siguro," nakangiti niyang sabi habang nakatabi sa'kin. Kaming dalawa na lang nandito. Ininom na rin niya 'yong tubig na dala ko.

Nagkibit-balikat lang ako at nagyaya na rin siyang umuwi.

"Kailan game mo? Manonood ako," tanong niya habang pauwi na kami.

"Next week, umaga. Ikaw?"

"Oh, same din! Pero sadly, baka sa ibang university kami. Sana dito na lang din kami para mapanood pa kita."

"'Di 'yan. Dito rin kayo maglalaro niyan," at pumikit na ako. Hinayaan ko na siyang mag-drive. Pagod talaga ako't inaantok pa. "Padiretso na lang sa bahay Mich, salamat."

Ilang minuto lang ay huminto na kami. Nandito na kami sa bahay. Mabilis siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Hinawakan niya pa ako sa kamay upang alalayan ako.

"Thank you Mich. Ingat ka."

"Ander."

"Hmm?" Papasok na sana ako nang tawagin niya ako.

"Gala naman tayo minsan."

"Gala? Saan at kailan naman?"

"Kahit saan. Kung saan mo gusto at kung kailan ka free."

Natawa naman ako sa naisip ko kaya pati siya ay natawa rin. "Ba't ka tumatawa? Okay ka lang ba? Uy ha, malala ka na. Kanina ang tahimik mo tapos ngayon tumatawa ka-

"Wala! Naisip ko lang kasi na baka drawing na naman 'yang gala pero okay lang naman, may crayons naman ako. Pwedeng kulayan haha!"

"Nakaka-turn off ka pala, Ander. May itinatago ka palang kakornihan," biro niya sa'kin habang natatawa pa.

"Umuwi ka na nga! Tigilan mo nga ako! Panira ka eh. Babye, see you when I see you!" at tinakasan ko na siya.

Wala sila Mom pagdating ko which is ikinatuwa ko dahil gusto ko munang mapag-isa at walang magtatanong pa.

I opened the ref para magtingin ng makakain.

Gatas.

Tubig.

Sitaw na 'di pa luto.

Ilang hiwa ng quarter chicken legs.

Tinamad tuloy akong lalo.

Lumabas na naman siguro sina Mom and Dad. Buti naman.

Buti na lang nag-iwan sila ng favorite kong baked sushi. Nag-scroll lang ako habang kumakain nang biglang may nag-chat.

Dee, punta ka rito sa bahay. Birthday kasi ni Daddy. Hinahanap ka nila. I miss you!

Napangiti naman ako at nag-reply naman ako na 'di makakapunta. Nalungkot naman siya and there's that. Nagkumustahan lang kami then nabanggit niyang may conference na need attend-an ang student council so bahala na kung sasama ako or hindi.

After a while, natulog na lang ako buong hapon.

***

Nagwawalis ako nang dumating sina Mom. Nahulog kasi 'yong breading mix dahil habang nagpiprito ako ng manok nang biglang may lumitaw na kulay brown na pusa na medyo malaki at chubby. Binugaw ko at inaway dahil wala naman kaming pusa. Baka pusa pa ng kapitbahay 'yon.

"Wow naman! Mukhang nilalagnat ata ang anak mo Henry. Check mo nga, baka mabinat pa," bati agad sa'kin ni Mom na tatawa-tawa pa pati si Dad.

"Ha-ha. May pusa kasing lumitaw tapos hinulog 'yong breading mix eh nagpiprito ako kaya pinalo ko ng tambo. Wala na 'yong pusa," sumbong ko kasi kung 'di dahil sa pusa na 'yon 'di sana ako nagwawalis at nagliligpit na sana.

Bigla naman akong pinalo nang malakas ni Mom sa pwet. "Ikaw talagang bata ka, ang salbahe mo! Pinalo mo si Stella? Darling, hinayaan mo bang nakabukas 'yong house niya? Nakawala si Stella! That cat was supposedly our surprise for you pero you hit her!" at ako ang tunay na napalo. Tinawag na niya si Stella at ilang saglit ay lumabas na ito at kinarga ni Mom.

Agad kong pinatay ang electric stove kasi naamoy kong nasusunog na 'yong niluluto ko.

"Andrew, niluto mo 'yong chicken sa ref?! Iiihaw ni Dad mo 'yon para bukas dahil dito magla-lunch si Tita Laura mo!"

"Kasama ba si Kate?" umaasang tanong ko para uuwi ako bukas if ever na dito rin siya magla-lunch.

"Ewan. Chat mo na lang si Kate para alam mo. Maghanda ka na at kakain na tayo. Ang cute cute mo talaga Stella!" at umalis na si Mom.

"Tulungan na kita, Duke. Buti pa 'yong pusa 'no, nilalambing, tayo hindi. Ay ikaw lang pala ang hindi. Wala bang nanlalambing sa'yo?" pang-aasar ni Dad habang inaayos ko na ang mga plato.

"Study first muna ako Dad. Walang time eh."

"Kalokohan! Walang time o walang maganda? Haha!" 'Di na nakatawa si Dad nang pingutin siya ni Mom dahil napakababaero raw nito at mahilig sa maganda.

Nauwi sa nakakabinging katahimikan ang dinner namin. Halos 'di na kumain si Dad dahil sa kasusuyo niya kay Mom na puro haplos kay Stella at 'di pinapansin si Dad.

"Mom, Dad, kayo na pong bahala rito? Aakyat na po ako." Pinamadali na ako ni Dad at siya na raw ang bahala.

When I got into my room, I tried to sleep na. Thirty minutes have passed pero 'di pa rin ako makatulog. Iniisip ko pa rin si Kate.

Kumusta na kaya si Kate? Ano kayang ginagawa niya? Baka tulog na siguro. 'Di naman nagpupuyat 'yon.

I checked kung online siya.

'Di na online.

Baka naman kasama 'yong boyfriend niya? Inaalagaan naman kaya siya no'n at 'di sinasaktan?

"Meow."

Biglang umakyat ang matabang pusa sa kama ko at tumabi sa akin. Nagtitigan lang kaming dalawa tapos ay nag-scroll lang ako ng mga pics namin together ni Kate.

Nangingiti na lang ako 'pag nakikita ko ang pics niya na nakangiti.

Hay, nangungulila na ako sa'yo Kate.

"Meow."

"Ano na naman? Nagugutom ka na ulit? Kumain ka na 'di ba?" Pagbuhat ko, medyo mabigat pero ang cute!

Gabi na pero heto ako ngayon, karga karga ang chubby na pusa at wala pa akong nasisimulan sa mga gagawin. Napatingin na lang ako sa suot kong bracelet na bigay sa'kin ni Kate.

Kate, I missed you na sobra!

"Meow!" sabay buka nito ng bunganga na parang naghihikab. Hinaplos ko na lang ang malambot niyang tiyan at pumikit na ito.

Ang cute cute! Sarap gigilin nitong pusa!

Inilapag ko na siya sa baba at humiga na ako. Tinamad na akong gumawa at bukas na bukas din ay ready na ako. Hindi ko na pwedeng patagalin pa dahil baka 'di ko na kayanin.

***

Pagpasok ko ay 'di kami nagpapansinan ni Luce. Dinededma lang niya ako but I kept my cool. Okay lang naman kahit 'di na niya ako kausapin kung 'yon ang gusto niya. Wala na akong magagawa doon.

Habang nagkaklase, iniisip ko na kung anong sasabihin ko mamaya. For my peace of mind na rin.

Napapakagat-labi ako sa tuwing naiisip ko 'yong sasabihin ko kasi feeling ko nakakakaba but I need to face it. It's now or never.

I don't know pero sana lunch na para matapos na lahat!

Gusto ko nang hilahin ang oras dahil sobrang tagal.

"Andrew, may ka-group ka na? Sa akin ka na lang, kulang pa kami ng isa," tanong sa'kin ng babaeng kaklase ko. Pumayag naman ako kahit 'di ko alam kung anong meron.

Tiningnan ko naman 'yong mga magiging kasama ko. Lima na kami, tatlo kaming babae tapos dalawang lalaki.

"Anong palang gagawin?" Napapakunot na naman ang noo ko dahil may hawak na naman silang papel.

Ugh, nakakatamad!

"May group reporting tayo at next meeting magre-report. Tayong dalawa ang magpi-present tapos silang tatlo ang gagawa ng powerpoint at written report," nakangiting sagot no'ng babaeng nag-recruit sa akin.

"Babasahin lang naman 'yan 'di ba?"

"Hindi! May plus points 'pag maganda ang presentation!" sabay-sabay nilang sagot.

"Ako na lang mag-next next ng powerpoint. Hindi kasi ako magaling mag-report saka nahihiya ako. Baka wala silang maintindihan-

"Akong bahala sa'yo!" at isinulat na nila sa 1/4 na papel ang names namin.

"Mag-cr lang ako ha?" paalam ko sa groupmates ko. Nang makalabas ako, sumilip ako sa kabilang room kung nando'n si Kate.

Oh my! Kinikilig na naman ako!

Pinagmasdan ko muna siya habang nakikinig siya sa klase nila. Napamura at napabalik ako nang makita niya ako.

Shit! Ano na lang ang iisipin niya?! Ang tanga tanga mo talaga Drew!

Napatampal na lang ako sa mukha ko habang nandito sa harap ng salamin dito sa cr.

Hinga nang malalim Drew. Kumalma ka lang. Kaya mo 'to!

"So, ready na lahat para sa report ha?" saad ng leader namin nang makabalik ako.

Idinismiss na rin kami pagkatapos at sa wakas ay isang subject na lang bago kami mag-lunch!

"Andrew Torregozon daw. May naghahanap sa'yo," sigaw sa'kin ng kaklase kong lalaki. Lumabas naman ako.

"Mia! Bakit?" bati ko at inabot naman niya sa akin ang hawak niyang papel.

"Alam mo naman, student council things. Fill out ka na. Nabanggit na rin sa'kin ni Hazel na sasama ka raw sa conference."

"Eh? 'Di ako sasama-fine. Ito na, ito na magsusulat na. Oh ayan." Pinanlakihan na niya ako ng mata. "Ba't ako pa lang ang nakalista dito? Uy, 'di ata kayo sasama eh."

"Ang tanga talaga nito. Ikaw, si Pres, ako at si Lucas lang ang sasama dahil apat lang ang available slots kaya tayo na raw ang kasama. Masaya 'yon, three days and two nights sa isang hotel. Makakagala rin tayo!" tuwang-tuwa pa niyang sabi.

Basta galaan talaga, hay nako Mia.

"Bye Drew at salamat! See you sa conference! Abang ka na lang sa group chat natin ng update, bye! Mwa!" at umalis na siya.

"Hi Andy!" Nagulat naman ako sa sumigaw ng pangalan ko. Pagtingin ko, ang mga kaibigan ni Kate na masayang kumakaway sa'kin.

"H-Hello," nahihiya kong bati sa kanila.

"Sabay ka sa'min mag-lunch? Libre ni Alice!" yaya ni Skye. 'Di naman umalma si Alice.

"Hindi eh. May gagawin kasi ako." at nilayasan ko na sila.

***

Nasaan ka na ba Kate? Kanina pa kita hinahanap. Sana magpakita ka na, please.

Kahit nawawalan na ako ng pag-asa ay patuloy ko pa rin siyang hinanap kung saan-saan. Kahit medyo alam akong malabo na ay meron pa ring natitirang katiting na pag-asa rito sa loob ko.

Alam kong nandito lang siya. Sadyang ayaw lang kaming pagtagpuin.

I tried my very best na hanapin siya dahil malapit na ulit magstart ang klase namin. Feeling ko 'di ako makakatulog nito 'pag pinalamapas ko ang araw na 'to na 'di ko nakakausap si Kate.

I know that this is too late na at wala ng patutunguhan but for the peace of my mind na rin para gumaan na ang loob ko kahit sobrang sakit na. I'll try to move forward after this kahit sobrang hirap.

Naluluha na naman ako pero pinigilan kong pumatak ito at baka may makakita at pagtinginan pa ako or worse, tanungin ako kung ba't ako umiiyak.

Mas lalo lang akong iiyak.

Papalapit na ako sa gym nang makita ko ang ilang babae na palabas na naka-uniform ng pang-cheerleader. Paalis na ang mga ito at nakita ko si Kate na medyo pawisan dahil halata naman sa buhok niyang nakatali.

Ang hot at ganda pa rin. Araw-araw na lang. Hindi nakakasawa.

"Kate!" Shocked siya nang makita ako at dali-dali itong naglakad palayo bitbit ang pangtraining niyang duffel bag.

Hinabol ko siya dahil ang bilis niyang maglakad.

Lalo akong nalungkot dahil halatang iniiwasan niya talaga ako.

Nang maabutan ko siya ay hinarangan ko siya.

"What? Nagmamadali ako, 'wag kang paharang-harang. You're wasting my time."

"Saglit lang 'to promise. May sasabihin lang ako. Please, Kate?" pagmamakaawa ko dahil 'di ko na rin siya mahahagilap after nito.

"Then say it now or else, aalis na ako."

"N-no. N-not here." Lalo akong kinabahan at bumilis ang tibok ng puso ko dahil nagsalubong na ang kilay niya.

Binangga lang niya ako sa balikat at naglakad na siya pero maaagap ko siyang hinawakan sa braso at hinila siya palayo papunta kung saan dalawa lang kami.

"Kate, wait lang. Promise, five minutes lang 'to and after this, pwede ka nang pumunta kahit saan mo gusto. You're free to go," hinihingal kong sabi habang siya ay tahimik lang na nakatingin sa'kin pero halatang naiinip.

Nang masiguro kong walang tao sa paligid ay ready na ako. Bahala na talaga.

I took a deep breath.

"Kate, kumusta ka na? Ang tagal na rin kasi kitang hindi nakakausap nang matagal. I was wondering if you're okay-"

"You're really wasting my time! I need to go-

"Okay, fine, fine. Ito na talaga. Do you still remember that time na niyaya kitang mag-Singapore after our graduation no'ng grade 12 tayo tapos ang sabi mo gusto mo sa Thailand kaya nag-Thailand na lang tayo for a week? Then sabi mo next time na lang kahit na gustong-gusto mo dahil pupunta ka ng New Zealand as a graduation gift nina Tita Laura sa'yo and mag-i-stay ka ro'n for two months until pasukan na ulit for college.

Sabi mo gusto mo rin mag-Starbucks sa Thailand. Kaya nalungkot ako nang nalaman kong pupunta ka ng New Zealand that time kaya pinilit kita at sinabi kong libre ko na lahat basta makapunta lang tayo. Tuwang-tuwa ka no'n at niyakap mo pa ako nang napakahigpit na halos ayaw mo na akong pakawalan pero malungkot ka pa rin. Buti nalaman ko from my Mom na doon ka na pala pag-aaralin ni Tita kaya pupunta kayo ng New Zealand. Malalayo ka na sa'kin Kate at sobrang 'di ko kakayanin 'yon. And I assumed na that was the reason kaya malungkot ka at tama nga ako. Kung malungkot ka no'n, mas lalo ako.

Sa tulong ni Mom, 'di kayo natuloy pa-New Zealand at sina Mom ang kasama habang tayo naman ang natuloy. Buti na lang magaling si Mom at laking pasasalamat ko sa kanya. That night, sobrang saya ko na halos 'di na nakatulog at magka-videocall pa tayo no'n eh. Sobrang saya mo rin no'n kasi that was our first time na mag-travel together abroad. Two years kong pinag-ipunan 'yon dahil pangako ko sa sarili ko na bibigyan kita ng graduation gift at 'yon 'yon.

In fact, balak ko sana sa U.S. at dalhin sa hometown ko kaso mahal at matagal kong mapag-iipunan. Kaya naman if sasabihin ko kina Mom but ayoko dahil nakakahiya at gusto ko pinaghirapan ko. During our stay sa Thailand, from the day of our flight hanggang sa makarating tayo, it felt surreal kasi first time na makakasama kitang mag-travel at nasolo pa kita. Aaminin ko, the way you smile while we went to different places in Thailand, you made my heart melt. 'Yong mga paghawak-hawak mo sa kamay ko at pagyakap-yakap sa'kin while taking a selfie of us lalo na 'yong random mong pag-kiss sa cheeks ko na out of nowhere, you made my heart thump and it beat like crazy whenever you're close to me.

I didn't know at first kung ano itong nararamdaman ko towards you and I know for a fact that I wouldn't survive a day na hindi ka nakikita at nakakausap. Marami pa akong gustong sabihin but above all of these, do you why ang kulit-kulit at paulit ulit kitang tinatanong at kinukulit kung sa'n ka mag-aaral at kung anong kukunin mong program. You said na 'di mo pa alam but your choice was related to business so ako naman, wala pa rin but that was also one of my choices. When I told you na sa M.U. ako mag-aaral niyaya mo agad akong mag-enrol kinabukasan so we enrolled sa same program kaso nagkaproblema sa name ko dahil akala nila lalaki ako, babae pala. Parehas sana tayong section A kaso that shit happened kaya nalipat ako sa section B."

"That's all?"

I smiled at her.

"After all those happenings, I didn't know that I was already falling for you. You really caught my heart Kate without you realizing. Akala ko kung ano lang 'tong kilig na nararamdaman ko sa'yo and every single day that passed, my feelings for you grew deeper and deeper lalo na no'ng dinala kita sa Manoir Paradis and gave you the necklace that I specially bought for you that you no longer wear." My voice started to crack.

"I love you so much Kate. Mahal na mahal kita. Since mag-college tayo."

Yumuko na ako dahil naluluha na ako.

"An-

"Shhh Kate. You don't need to say anything. Gusto ko lang na malaman mo ang nararamdaman ko para sa'yo."

She couldn't look at me in the eye. I know that this will be our last conversation at tinatanggap ko na after this day, wala na siya. This is better than never.

"I have to go. Kanina pa ako hinihintay ni James."

And hearing those words really broke my heart and my tears started to fall.

I hold her hand one last time and squeezed it lightly then I smiled sadly at her. "Goodbye Kate. Mag-iingat ka palagi."

She slowly let go of my hand. I was left all alone here while watching her walking away from me.

Napaupo na lang ako sa katabing bench and my tears fell endlessly. Nanlalabo na ang paningin ko at hindi ko na mapigilang humikbi.

It really hurts so much.

Ganito pala ang magmahal.

Masakit.

"Sa t'wing nakikita kita, lagi ka na lang umiiyak. Hindi ka ba napapagod at nagsasawa? Ang sarap burahin sa mundo ng babaeng paulit-ulit na lang sinasaktan ang babaeng pinapangarap ko."

Humihikbi pa rin ako at sinubukan kong tumigil sa pag-iyak nang mag-angat ako ng tingin.

It was Mich.

A serious look on her face. Yumuko na ulit ako dahil ayokong makita niya akong umiiyak. She lifted my chin with her index finger and thumb then she started to wipe my tears off of my face.

"Don't cry over a girl who doesn't see your worth. You don't deserve her. Sinasayang mo lang ang luha mo sa mga walang kwentang tao na walang ibang gawin kung di saktan ka. Marami pang better diyan na alam at nakikita ang worth mo. 'Di mo pa nakikita kasi busy ka pang tumingin sa ibang babae na walang pake sa'yo. Try mong tumingin sa akin at makikita mo ang tunay na magpapahalaga sa'yo."

Lalo akong umiyak at kusang napayakap kay Mich.