ANDY
May tao kaya rito? Parang wala ata? Kanina pa ako nag-do-doorbell eh.
I keep on pushing the doorbell.
Nandito ako sa may gate nina Mich. Inimbitahan kasi ako ni Tita Nervs na dito na mag-lunch at ngayong lunch time na ay dito na ako dumiretso. Kagagaling ko rin sa school at gusto pa sanang sumama ni Luce sa akin pero ipinatawag naman siya sa dance troupe.
Natawa na nga lang ako nang marinig 'yon.
Si Luce, nagsasayaw? Parehas ngang kaliwa ang paa no'n!
Para na naman akong sira dito sa labas. Tuwing naiisip ko talaga 'yon tapos 'yong sambakol niyang mukha ay nako!
Last doorbell ko na talaga 'to kung di, kakaripas na ako ng takbo.
Sunod-sunod kong pinindot ang doorbell at bigla na lang bumukas ang gate kaya nahinto ako.
"Ah eh...m-magandang araw-
"Sino po sila? Ano pong kailangan nila? Hindi po kami nagbibigay ng solicit o tumatanggap ng solicit," magalang na sabi sa akin ng matandang babae. Matanda na pero 'di pa senior citizen. Naka-uniform na pang-maid.
Ewan ko ba kung ma-o-offend ba ako or what.
Sa cute na mukhang 'to, mukha bang mag-so-solicit? Grabe na talaga 'tong si manang. Kunin ko sana sa kanya 'yong hawak niyang walis tambo at iano sa kanya kaso mabait ako eh.
Alanganin naman akong natawa.
"Ah, hindi po. Si Tita Nervs po ba, nandiyan? Inimbitahan niya po kasi ako rito ngayon."
"Ano bang pangalan mo hijo?" at tiningnan niya ang kabuuan ko. "Ikaw ba'y manliligaw?"
Nako naman manang! Round 2 mo na 'yan ha!
"Nako, hindi po! Babae po ako. Ako po si Drew. Drew Torregozon."
Naghihinala naman akong tiningnan nito. "Akala ko ba'y babae? Baka nanti-trip ka lang, hijo. Uso 'yan eh. Mga kabataan talaga. Teka lang."
Grabe na rin talaga ang mga matatanda ngayon. Lalong dumarami ang sinasabi.
Hindi naman ako lalaki! Pangalan ko lang.
Tama rin naman 'yong address na pinuntahan ko.
"Pasok ka na. Pasensya ka na ha? Madalas kasing may nagpupuntang mga manliligaw ng mga alaga ko. Mapababae man o lalaki, dumadayo. Jusko, akala mo may pinipilahang artista. Mga ligawin kasi kaya napagkamalan tuloy kita," masayang kwento niya sa'kin. Ngumiti na lang ako dahil ang daldal ni manang.
Pagpasok ko, ang spacious pa pala sa loob. Well-trimmed ang mga damo nila. Napakalinis.
Dahil first time ko rito, 'di ko maiwasang ilibot ang aking paningin. Napakalaki ng bahay nila.
"Drew, honey! Buti na lang at dumating ka na. Kanina pa kita hinihintay," masayang salubong sa'kin ni Tita Nervs at mahigpit akong niyakap. "Si Henry pala at si Mom mo, nasaan? Hindi ba sila pupunta?"
"Tatawag na lang daw po si Dad at si Mom po, may pinuntahan."
"Oh, ano na naman kayang surprise ni Henry? Anyway, 'di ba kayo nagkita ni Michelle ko? Halika na sa loob at ayokong ginugutom ang bisita ko."
Tinawag na rin niya si Manang at inutusan ito sa loob. Habang naglalakad ay kinukwentuhan niya ako ng kung ano-ano habang ako'y patawa-tawa lang at ngumingiti.
Ang kwento rin pala nitong bestfriend ni Dad at parehas pa silang maloko.
Ang jolly at mabait si Tita Nervs. 'Di awkward like sa iba na mahihiya ka tapos parang 'di siya strict tulad ni Tita Laura.
"Honey, pagpasensyahan mo na kung makalat ang bahay. Naghanda rin ako ng simpleng salusalo dahil pupunta ka. Pwede ka nang kumain at 'wag kang mahihiya ha? Kuha ka lang ng kahit anong gusto mo at magsabi ka lang ha?"
Halos mawindang naman ako sa nakikita ko dahil ito ba ang tinatawag niyang simpleng salusalo eh halos parang fiesta na ito.
Lechon for lunch? Ang dami pang putahe gaya ng seafoods tapos may cake pa. May adobo, roasted chicken, baked sushi at marami pang iba. Ang mga inumin, wine at champagne.
Simple ba talaga 'to, Tita Nervs? Tapos makalat pa 'tong bahay na 'to? Bahay lang ba talaga 'to?
Parang hindi talaga eh.
"Ayaw mo ba no'ng mga pagkain? May iba pa akong niluto-teka lang, honey. May bisita ulit akong darating. Andiyan na ulit siya," at nagmamadali itong lumabas.
"Ineng, ito na ang plato at baso. Ipagkukuha na lang kita ng inumin. Anong gusto mo? Wine, champagne, juice o tubig?" tanong sa'kin ni manang.
Wow, hindi paper plate.
Tinawag niya ulit ako.
"Ay, sorry po. Tubig na lang po. Maraming salamat po," at umalis na ito.
Ngayong mag-isa na ako, parang ayokong kumuha. Nahihiya ako kasi mukhang may okasyon kahit na simple lang daw itong salusalo. Sa laki ba naman ng kitchen nila tapos ako lang ang nandito, parang gusto ko na lang umuwi.
Sa tagal kong nakatunganga rito ay naririnig ko na ang masarap na halakhak ni Tita Nervs kaya napalingon ako sa gawi niya. May dala na siyang isang bouquet ng flowers at may kasama siyang isang matangkad na babaeng morena na mahaba ang buhok. Parang model sa tangkad. May hawak din itong isang bouquet ng red roses.
Tuwang-tuwa talaga si Tita Nervs ngayon at parang lagi lang siyang nakatawa. 'Di siguro siya na-i-stress o kaya nagagalit o sumisimangot.
Abala sila sa pagbubulungan at pagtatawanan nang mapansin no'ng babae na nakatingin ako sa kanila. Agad akong nagbawi ng tingin.
Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Tita Nervs at ipinakilala ako sa babae.
Tiningnan lang ako ng babae.
"Mga hija, kumain na kayo. Honey, 'di ka pa rin ba kumakain? Ipagsasandok na lang kita-
"Naku tita, ako na pong bahala," pagtanggi ko.
'Yong babae naman ay dumiretso na sa mga pagkain at nanguha na. Parang sanay na sanay talaga siya rito. Ang dami pa niyang kinuha at inutusan pa ang isang maid. Umupo na ito sa modern couch.
Nanguha na rin ako ng kapiranggot na pagkain. Kaunting baked sushi, shanghai at pancit tapos 'yong inumin kong tubig.
Dahan-dahan at nahihiya akong tumabi sa kabilang dulo ng modern couch kung saan nakaupo rin ang babae.
Susubo na sana ako nang biglang magsalita ito.
"Bakla ka ba o tomboy? Nililigawan mo ba si Ela ko? Sumabay ka pa talaga. Umalis ka na, akin lang siya. Aalis ka o aalisin ko 'yang kaluluwa sa katawan mo?" pagbabanta nito at parang hahandusay ako sa mga tinging ipinupukol niya sa'kin.
Wait-what? Sino ba si Ela? Ano bang sinasabi nito?
"S-sinong Ela? Hindi po ako nanlili-
"Yaya, I want tequila! Ayoko ng water-Ander?! Nandito ka pala! Oh my god! Yaya, cold water na lang po pala!"
Pagtingin ko, si Mich at mabilis itong kumandong sa'kin at niyakap ako nang mahigpit. Muntik pang matapon ang hawak ko kung 'di ako naging maagap.
"I miss you so much, babe."
Ngumiti lang ako.
"Araw-araw naman tayong nagkikita Mich para ma-miss mo. Kumain na kamo tayo," pag-iiba ko.
"Ih, dito ka na lang kasi sa bahay. Iuwi na lang kita para 'di kita ma-miss. Dito ka na lang please? Maluwag naman sa kwarto ko."
"Mich, lasing ka ba? O baka gutom lang 'yan, ikain mo na 'yan. Sinasabi ko talaga sa'yo," natatawang sabi ko sa kanya.
"Samahan mo pala akong mag-get ng food tapos pakainin mo ako after."
"O sige. Tara na pala."
Nanatili lang siya sa kandungan ko at yumakap pang lalo. No choice na ako kung 'di buhatin siya.
"Sobrang bigat mo Mich!" reklamo ko sa kanya nang bumaba siya. Nagsandok na kami ng pagkain nang matigil kami dahil may nagsisigawan. Si Tita Nervs.
"Caela! Ano ba, babaan mo nga rito ang bisita mo! Aba naman, lagi na lang kami ang nag-uusap. Mahiya ka naman. Baka kami ang magkatuluyan nito!"
"Sabihin mo wala ako rito! At may boyfriend na ako, si Caleb! Look, Caleb and Caela, name pa lang namin meant to be na! Straight ako at si Caleb lang ang mahal at mamahalin ko!"
"Babe, ignore mo na lang si Mommy at si ate. Ganyan lang talaga sila. Matagal ng manliligaw ni ate ko si Ate Prima at madalas siya rito like today, she's here again. Lagi nga lang siyang pinagtatabuyan. 'Yang mga pagkain na 'yan, galing kay Ate Prima. Siya ang nagbayad lahat at si Mommy ang nag-cook no'ng iba."
"Walang boyfriend si ate. Ka-be-break lang nila ni Theo. Ewan ko kung saan niya napulot 'yang Caleb. Gawa-gawa lang niya ata. Basta nasa kwarto lang siya nag-po-phone. Sinungaling 'yang si ate kaya kung ako sa'yo Ate Prima, 'wag na lang si ate. Marami pang mas magmamahal sa'yo at masasaktan ka lang kay ate."
Hinintay ko na lang silang matapos habang kumakain ng lumpiang shanghai.
Napagalitan tuloy si Mich habang 'yong Ate Prima ay pinaakyat sa kwarto ng ate niya.
"Babe, I want that oh, please?" pa-cute niyang sabi kaya sinubuan ko siya no'ng mussels at oyster.
"Water please," sabi niya nang matapos akong uminom. Iniabot ko sa kanya 'yong tubig niya but inginuso niya 'yong akin. "Babe, inis ka na ba sa akin? Let's go in my room."
"M-may pasok pa ako Mich eh. Baka ma-late ako. Wala ka bang pasok?"
"Saglit lang naman tayo sa room ko. Sige na please, Ander. Doon muna tayo. Mahaba pa naman 'yong time."
Nanatili lang siyang nakakandong sa'kin nang 'di ako sumagot. Napabuntong-hininga na lang tuloy ako.
"Okay."
Mabilis siyang tumayo at hinila na ako paakyat. Mahigpit siyang nakahawak sa'kin na para bang ayaw na akong pakawalan.
Malakas niyang isinara ang pinto nang makapasok kami sa kwarto niya. Agad niya akong niyakap habang madilim ang aming paligid.
Hinayaan ko na lang siya at gumanti rin ng yakap. Na-miss niya nga siguro ako.
Ilang saglit lang ay binuksan na niya ang ilaw and she gave me a quick kiss on the lips then she winked at me.
Natulala naman ako dahil doon.
"Bakit 'yon?"
"Come and sit here, Ander. Dali!" excited niyang sabi sa'kin habang hila na niya ang isang upuan.
"Bakit? Anong gagawin natin?"
"Basta umupo ka na rito nang malaman mo. Darating din tayo diyan sa iniisip mo," pilya niya pang sabi.
"Eh, ano nga Mich? Sabihin mo muna bago ako uupo diyan. Baka mamaya ano na naman 'yan eh. 'Yang mga ano-ano mo. 'Wag mo na uulitin 'yon ha? Ang dami mo ng kasalanan sa akin. Last na 'yong ano kanina."
Hinila na niya ako at itinulak paupo sa upuan.
"Close your eyes. Don't open it unless I told you so."
"Ba't ako pipikit? Don't tell me na ma-make-up-an mo ako. 'Wag ah, aalis na ako!"
"Just close your eyes, Ander! Ang OA mo naman sa ma-make-up-an. Alam ko namang 'di ka naggagano'n. Alagang pulbos ka lang kaya."
I closed my eyes.
"You can open your eyes now, babe."
I opened my eyes and I looked at the mirror. I'm already wearing a gold necklace with a big letter A pendant.
"I worked hard for it no'ng nasa Australia pa ako. I had three part-time jobs and Mommy didn't know about that. I promised to myself na paghihirapan ko lahat ng ibibigay ko sa'yo at hindi ako nagsisisi sa ginawa ko kasi it's all worth it. I love you so much, Ander."
I don't know what to say after hearing those words. Napahawak lang ako sa necklace habang nakatulala sa salamin.
"Mich—
"Shh, you don't need to say something or answer back. Gusto ko lang sabihin at malaman mo na mahal na mahal kita," and she hugged me from behind.
I don't know what to feel right now. Mich is my childhood bestfriend.
Bigla akong nalungkot sa naisip ko.
Ayokong saktan si Mich at lalong ayoko siyang paasahin. Paano ko ba sasabihin sa kanya na may mahal akong iba?
Hindi ka naman mahal ng taong mahal mo at may boyfriend na siya.
Lalong sumakit ang ulo ko.
"Let's go on my bed. We'll play." Hinila na niya ako at itinulak pahiga sa bed niya. Binuksan na rin niya ang a.c.
"Laro tayong Tekken, ang matalo, may punishment," nakangisi niyang sabi at ibinato sa'kin ang isang controller.
"Ang daya mo Mich! First time kong maglalaro nito. Turuan mo muna ako!"
"Madali lang. Pindot pindot ka lang naman kaysa manood tayo ng movie. Nakakaantok at boring. Let's play na!"
Nagsimula na kami. K.O. agad ako.
"Last one Ander, may punishment ka na," at kumandong siya sa akin.
"Uy Mich, ang daya mo! Hinaharangan mo ako—ah haha!" Todo galaw din siya sa lap kaya nahihirapan kong kontrolin 'yong character ko. "Talo!"
Sumandal siya sa akin kaya napahiga na kaming pareho. Nabitiwan ko na tuloy ang controller habang naka-stretch ang aking braso. Napapikit ako habang finefeel 'tong kama.
Malamig, mabangong kwarto at napakalambot na kama. Nakakaantok.
Pagdilat ko, nasa ibabaw ko pa rin si Mich. Namumungay na ang mata niyang nakatingin sa labi ko.
Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha at hinalikan ako sa pisngi ng ilang segundo at sumiksik na siya sa leeg ko. Nakaramdam ako ng kiliti dahil sa paghinga niya.
"Let's sleep, Ander."
Hinayaan ko na siyang nakapatong habang nakayakap sa'kin. Ngayon lang naman ito.
Siguro nga'y kailangan ko rin ng pahinga kahit saglit lang.
Hay Mich.
Bakit ako pa ang minahal mo? Hindi ba pwedeng iba na lang?
***
Naalimpungatan ako nang mangalay ang aking kaliwang braso. Pagdilat ko sa isa kong mata, nakaunan na pala si Mich sa braso ko habang nakapatong ang legs niya sa akin.
Nanlalabo pa ang mata kong tiningnan ang oras.
6:30 pm.
Dali-dali akong napabalikwas dahil gabi na pala. Napahaba ang tulog namin at 'di na ako nakapasok.
I checked my phone. Puro chat ni Luce at may missed calls din from her.
"Ander," tawag ni Mich in her bedroom voice, nakapikit pa siya pero mukhang nagising ko siya dahil sa paggalaw ko.
"Kailangan ko nang umalis, Mich. Gabi na pala. Baka hinahanap na ako ni Mom."
"Just stay please? Dito ka na lang matulog. Gabi na, baka ano pang mangyari sa'yo pauwi."
"Pero Mich, maaga pa naman. Malapit lang din ang bahay namin—
"Ipapaalam na lang kita kay Tito Henry. I'll also help you sa mga assignments mo kung meron. Dito na lang natin gawin."
Ayaw niya talagang pumayag.
"Tatawagan ko na lang pala muna si Mom and Dad."
Tuloy lang siyang nakapikit at hinihila ako pahiga. Pinagbigyan ko na rin siya habang dinadial ang number ni Mom dahil makulit siya.
Kita kong nakangiti na siya.
Iba talaga.
"Mom!—
"What? Where are you? Gabi na! Nandito kami sa bahay ni Tita Laura mo. Uuwi ka pa ba? Mahiya ka diyan sa bahay ng pinupuntahan mo!" masungit niyang tugon sa kabilang linya.
"Mom—
She ended the call.
Very nice talaga.
"Let's go, downstairs. I'm hungry na."
Bumaba na kami at nadatnan naming nag-pe-prepare na si Tita Nervs sa kusina kasama si manang at isa pang maid.
"Ate Prima, 'di ka pa uuwi? Akala ko nanliligaw ka kay ate? Ba't suot mo 'yang favorite niyang pajama? Where's my ate pala? Make sure that my ate is not buntis. Don't get her pregnant or else masasapak at sisipain ko 'yang ano mo, sige."
Tinawag naman siya sa buo niyang pangalan at pinagalitan ni Tita Nervs.
"Honey, nakatulog ka ba nang mahimbing? 'Wag ka ng umuwi, mag-overnight ka na lang dito. Marami kaming bakanteng kwarto, piliin mo na lang kung saan mo gusto. For sure gutom ka na, kumain na kayo," mabait na sabi ni tita. Tinawag din niya 'yong Ate Prima upang tumulong sa paghahanda.
"Mommy Ems, sino ba siya? Jowa ni Michelle?" tanong nito nang makaupo kaming dalawa ni Mich. Inaayos niya sa table ang mga dishes.
"Hindi. Asawa ko siya, bakit? Dito na siya natutulog," mataray niyang sagot dito.
"Oh? Edi asawa na rin pala ako ni Ela?Ang brainy mo doon ah! Matagal na akong natutulog dito eh. And you, nice to meet you. I'm Prima Rival Vendrano, Ela's soon to be wife. And you are?" sabay lahad nito ng kanyang kamay.
"I'm Drew. Andrew Torregozon. Nice to meet you din po," at akmang kakamayan ko na siya nang bigla niyang bawiin ang kamay niya.
"My beautiful and sexy wife is here," at nilapitan nito ang kabababa na ate ni Mich.
"Honey, tumawag na ang Dad mo. Nandoon daw sila sa Tita Laura mo. Sinabi ko na nandito ka," sabi naman ni Tita Nervs na nakaupo sa kabisera.
"Thank you po tita. Tumawag na rin po ako kay Mom. Mag-overnight na rin po ako rito."
Napayakap naman sa'kin si Mich at tumili pa ito. 'Di na maipinta ang mukha niya sa sobrang tuwa.
"Ano ba, Michelle, ang ingay-ingay! Napaka-dilan mo talaga kahit kailan. Mag-aral ka kaya muna hindi 'yong puro ka overnight diyan," sita sa kanya ng ate niya.
"Sino kaya sa'tin diyan ang mas ma-lands? 'Yang mga panliligaw sa'yo at mga ka-flings mo, 'di ko pinapakialaman. FYI, nag-aaral akong mabuti, duh at active ako sa university tapos laging mataas ang grades ko, 'diba babe? Baka gusto mong sabihin kong—"
"Excuse me, summa cum laude here, if nakakalimutan mo," ganti ng ate niya at tinaasan siya nito ng kilay.
"Baka summa-kabilang boyfriend—
"Michelle, Michaela, stop it! Mahiya naman kayo sa mga bisita niyo!"
Biglang nanahimik ang lahat pero ang magkapatid, tuloy pa rin sa mga tinginan nila.
Kumain na kami. Nahihiya naman ako rito sa katapat ko na si Ate Prima. Naka-focus lang siya kay Ate Caela. Gayundin itong katabi ko na sinusubuan at inaasikaso ako. Akala mo parang walang nangyari sa kanila kanina.
"Gusto ko ng ice cream," wika ni Ate Caela sa pagitan ng pagkain namin. Tinanong pa siya ni Ate Prima kung anong gusto niya. Mayamaya'y nagpaalam na rin si Ate Prima upang bumili ng ice cream at mga gusto ni Ate Caela.
"Babe, bili tayong fries at ice cream. Mommy, bili muna kami ni Ander ha?" Bumelat muna siya sa ate niya bago kami umalis. Magpapabili rin sana 'to ng fries ngunit sinabihan ito ni Mich na magpabili sa asawa niya.
Nag-drive thru lang kami at pagbalik namin, sandamakmak na fries ang nandoon pati ice cream.
"Luh, gaya gaya talaga. Baka 'pag nagpakasal ako, magpakasal ka rin."
"Drew, payag ka bang magpakasal diyan sa kapatid kong engot na immature na mukhang ingrown?"
Nagkatinginan kami ni Mich.
"Wala pala eh! Mag-aral muna kayong mga young, dumb and broke college aesthetic kids. Saka na ang landi 'pag responsible at kaya niyo ng tapusin mga homeworks niyo pati na mag-research," pang-aasar pa nito sa'min.
Hinayaan na namin ito kasama si Ate Prima na nagpapakain dito at nagpaalam na kami kay Tita Nervs na aakyat na.
And I spend the night with Mich.