ANDY
"Andrew, hinahanap ka ng Tita Laura mo kagabi. Doon kami nag-dinner ng Dad mo. She asked me na samahan mo raw si Kate mamaya sa mall. May bibilhin ata," pormal na sabi ni Mom habang nag-lu-lunch kami.
Nahinto ako sa pagnguya at nakaramdam ako ng excitement pero 'di ko ipinahalata.
"Seryoso Mom? Pero may klase pa ako mamayang 1pm eh. Bawal akong um-absent. 'Di ba pwedeng bukas na lang?" pakiusap ko.
To be honest, gustong-gusto ko talagang samahan si Kate at ora mismo, pupuntahan ko na siya ngayon kaso 'di naman ako pwedeng um-absent dahil absent na nga ako kahapon, a-absent pa ako ngayon e' di bumagsak na ako kung sakali pero ayoko nga.
"Ayaw mo ba? Para tatawagan ko na si Laura ngayon. Naka-oo pa naman din ako sa kanya. Lagi ka namang pumapasok 'di ba? One absent won't hurt right? 'Di naman others si Kate," pangungumbinsi pa ni Mom.
"Hindi naman sa gano'n, Mom. Never naman akong tumanggi pagdating kay Kate pero...pwede bang bukas na lang? Sasamahan ko po kasi si Mich mamaya. May gagawin po kaming activity."
At doon na tumaas ang kilay ni Mom. Nagkatinginan naman kami ni Dad but nagkibit-balikat lang siya saka ngumisi.
Tinawagan na ni Mom si Tita Laura habang kumakain kami ni Dad. Pinupuri ni Dad 'yong bago kong necklace na galing kay Mich at tinatanong din niya kung magkano. Sinabi kong 'di ko alam.
"Sige raw. After class mo na lang daw samahan si Kate para 'di ka maistorbo sa pag-aaral," sabi ni Mom matapos silang mag-usap.
Nakahinga naman ako nang maluwag and I'm looking forward sa gala namin ni Kate mamaya!
"Mom, aalis na po ako!"
"Okay, ingat."
Paglabas ko ng gate, nandoon na si Mich. Sinabi niya kasing sabay na kaming papasok.
"For you," nakangiti niyang sabi habang iniaabot ang isang milktea pagsakay ko sa kotse niya.
"Uy, thank you Mich! Ang tagal ko na ring 'di nakakainom nito. Salamat sa libre," nakangiti kong tugon sa kanya. Akmang hihigop na ako nang bigla siyang magsalita.
"Oy, may kapalit 'yan," nakakaloko niyang sabi sa'kin at nagsimula nang magmaneho.
"Wala ng bawian! Nakahigop na ako oh! Ano, gusto mo pa?" 'Yong hinigop ko binalik ko ulit at iniabot sa kanya ang milktea.
Kita ko naman kung paano mandiri ang mukha niya sa'kin at tinawanan ko lang siya.
"Dali na. Ito ang kapalit oh," sabay turo niya sa kanyang pisngi. "Nakasakay ka pa sa car ko at pinag-da-drive pa kita. Para ito lang oh, ipagdadamot mo pa, Ander. Naghihintay 'yong pisngi ko," pagpapaawa niya sa'kin.
Alam ko naman 'yong tinutukoy niya.
"Ano bang gagawin ko diyan, Mich? Sasampalin ko ba? O ano?" pang-aasar ko habang umiinom ng milktea.
"Naghihintay ako, Andrew."
Nawala ang ngiti ko sa labi dahil bigla siyang sumeryoso. 'Di na ako umimik pa at itinuon na lang ang aking atensyon sa labas.
Grabe naman 'tong si Mich. Biglang nawawala sa mood.
"Ang damot mo na Ander. Para kiss lang ayaw mo pang ibigay. Ngayon lang naman eh. Sige na Ander. Kung ayaw mo, ako na lang ki-kiss. Anong gusto mo, ikaw ki-kiss o ako na lang?" sabay kindat niya sa akin.
"Ay tama ka na Mich. Nakakarami ka na kaya tapos 'y-yong ano kiss na a-ano kinuha mo pa. Nandito na tayo!"
Nauna na akong bumaba at nagpasalamat kay Mich.
"Wait lang! Hintayin mo naman ako! Abusado ka masyado!" reklamo niya pa ngunit tinawanan ko lang siya.
Humihigop lang ako ng milktea dito sa tabi habang hinihintay siyang mag-park.
"Let's go!" sabay hawak ni Mich sa kamay ko. Naglalakad tuloy kaming magka-holding hands.
"Huy Mich, pinagtitinginan na tayo oh! Pwede naman tayong maglakad ng 'di magkahawak-kamay," bulong ko sa kanya kasi nakakahiya at saka bakit!
"So what? E' di manood sila, I don't care. Don't forget pala 'yong activity natin after ng first class natin ngayong hapon. By pair 'yon ha? Tayo ang magka-partner-
"Hi Andy! Musta ka na? Miss ka na namin. Ang tagal mo ng 'di nagpaparamdam. Mukhang may lovelife na si Andy namin ah. And hello Mich! Kumusta?" sabat sa'min ng isang matangkad na babae. Medyo familiar siya.
"H-hello?" nangingilala kong tanong.
"Grabe ka na tol. Nagka-amnesia ka na agad. Seriously, 'di mo ako natatandaan? Gumanda siguro akong lalo. It's me, Skye. Naalala mo na?" nakangisi niya pang komento.
Ah! Okay. Kaibigan ni Kate. Siya ata 'yong volleyball player na pinapanood ni Kate noon habang may badminton game din ako.
Doon siya manood kapag nagtatampo sa akin.
"Who are you? Let's go Ander!" at kinaladkad na ako ni Mich paalis.
Pumasok na kami sa kanya-kanya naming room since section B ako at section C naman si Mich.
Tamad na tamad akong umupo sa pwesto ko habang si Luce naman ay nakasubsob sa desk niya. Natutulog ata.
Inalala ko na muna ang gagawin naming activity ni Mich dahil wala pa akong nagagawang questions. Magpapatulong na lang siguro ako sa kanya. Dito sana kay Luce kaso tulog naman. After class ay gagawin na namin kaya cramming na naman ako!
"Luce, Luce! Diyan na si sir pogi mo. Nakatingin sa'yo, ba't ka raw natutulog sa klase niya?" gising ko sa kanya. Ang baliw, namumula pa ang noo.
"Hala, sobrang ganda ko pa rin naman 'di ba? Ang tanga tanga mo kasi! 'Di mo ako agad gini-present po sir! I love you ehe."
"Grabeng kalandian 'yan, ang hilig mo talaga sa matanda! Magpigil-pigil ka naman kahit minsan, uy!"
"Gago! Matanda na ba 'yong 26 years old? FYI, 7 years lang age gap namin kaya pwede pa. Mamaya ka na dumaldal, wala akong natututunan eh. Ang talino talaga ni sir. Sana ako na lang."
Nag-take down notes na lang ako para 'di antukin. Ewan ko ba kung anong nagustuhan ni Luce kay sir eh napaka-demanding niyan sa mga activities tapos sa quizzes and exams, no erasures pa.
Tulad ngayon, nagbubunot na naman siya ng index cards. Magpapa-recite na naman. Itong katabi ko naman todo dasal na sana mabunot siya.
Baliw talaga.
"Andrew Torregozon. Andrew? Lalaki ba 'to? Sino siya? Kindly read page 57, then call someone to explain it. If hindi mabasa, call someone na magbabasa then you'll explain it."
Tumayo na ako at si sir parang tanga. Napa-'ay babae pala. Ang cool naman' siya.
Binasa ko na ang pinapabasa niya at tinawag si Luce upang mag-explain. Tuwang-tuwa ang loka nang ma-very good siya after.
After class, nakita ko na si Mich sa labas ng room at nilapitan ko na siya for our activity.
"So, anong gagawin natin? Interview 'yon 'di ba? E' di need natin ng i-interviewhin? By pair ang paggawa ng questions pero individual tayong mag-i-interview? Meron ka na ba?"
"Ipinaggawa na kita ng questions, here. Maghahanap ako sa ibang section since tayo-tayo lang din namang mga BSBA ang sakop ng activity na 'yan and dapat daw talaga taga-ibang section ang i-interviewhin. May nahanap ka na ba?"
Umiling ako dahil wala pa akong naiisip kung sino.
"Si Lucy na lang ang interview-hin mo. Andiyan siya sa loob, pwede mo siyang pakiusapan," suggest ko at kakamot-kamot ulo na lang ako kung sino ang sa'kin.
Ba't kasi may interview pa sa course na 'to. Nakakatamad.
"Hanap muna tayo ng sa'yo para sabay na tayong makapag-interview. What do you think?" tanong niya habang nakahawak sa braso ko.
Bigla kong napansin si Skye at 'yong dalawa pa niyang kaibigan. Sa kabilang room lang kasi sila.
"Magtatanong muna ako. Pwede ka nang mag-interview, Mich. Kaya ko na 'to," paalam ko sa kanya at lumapit na kina Skye.
"Hmm, Skye? Hello. Pwede bang magtanong?"
"Ano na naman Alice-Andy! Ikaw pala 'yan! Sure, why not. Ano 'yon?" magiliw niyang bati sa'kin. Binati rin ako no'ng dalawang kasama niya. Kumapit pa sa braso ko si Alice.
"Pwede ka bang ma-interview-
"Wow, ang dami ko na talagang fans! Masyado na akong sumisikat. Ang ganda ko kasi tapos volleyball captain pa hayst. Bakit Andy? Interesado ka na ba sa'kin o baka crush mo na ako?" pang-aasar niya kaya napayuko naman ako sa hiya.
"Ah h-hindi! Para lang sana sa activity namin. Kung p-pwede sana?"
Tumango-tango naman ito.
"Alam mo ba Andy, pwede mo naman akong interviewhin pero ayoko eh. Iba na lang. May magaling sa ganyan, halika!" at hinila niya ako papasok ng room nila.
"Kate pangit! May naghahanap sa'yo! Si bff fries mo!"
Tila napaurong ako ng lakad at nagpumiglas na bawiin 'yong braso kong mahigpit niyang hawak. Bigla akong nataranta at bumilis 'yong tibok ng puso ko!
Tumigil ito sa pagsusulat at nag-angat ng tingin. Nang makita niya ako ay sumandal siya sa upuan niya saka nag-cross arms sabay taas ng kilay.
"What?" cold niyang tanong. Mukhang bored na bored siyang tinitingnan ang kabuuan ko. Pakiramdam ko gusto na niyang umalis ako sa harap niya.
Gusto ko siyang yakapin dahil miss na miss ko na siya!
"You're wasting my time. Get lost," at nagpatuloy na siya sa pagsusulat.
Ang sakit mo naman sa heart, Kate!
Bigla akong itinulak ni Skye kay Kate kaya nasagi siya at tumiko ang sulat niya na siyang ikinatakot ko. Dali-daling lumabas si Skye.
"Sorry, sorry, sorry Kate! Ayos ka lang ba?" nag-aalala kong tanong dahil muntikan siyang matumba. Nakita kong pumangit ang sulat niya at lumampas sa linya kaya bakas sa aura niya pagka-badtrip.
Hindi siya kumibo at inayos na ang notebook niya. 'Di man lang ako tinitingnan.
Lumabas na siya kaya mabilis din akong sumunod.
"Kate, wait!" at mabilis ko siyang hinawakan sa braso. "I'm sorry-
"What do you want?! Nananahimik ako kaso bigla kang dumating and then what? Ano bang kailangan mo! Nanggugulo ka lang eh! You know what, 'di ka na nakakatuwa. Seriously," galit na galit na sabi niya.
Para namang tinarakan ng kutsilyo ang puso ko dahil ang sakit ng mga sinasabi niya. Nanahimik na lang ako habang pinipigilang maiyak.
"Andrew-
"I'm sorry Kate kung nasagi kita kanina. I-re-rewrite ko na lang 'yong sinusulat mo. Tatanungin lang naman sana kita kung pwede ka bang ma-interview? O hindi? W-wala pa kasi akong ma-i-interview para sa activity namin."
Tahimik lang siya at mukhang nahimasmasan na rin.
"I-I'm sorry-
"O-okay lang naman kung 'di p-pwede-
"No, I mean sa... inasal ko kanina. I'm stressed kaya-so, about saan ba 'yong interview?"
Bigla naman akong nabuhayan ng loob at ang puso ko, masaya na naman.
Iniabot ko sa kanya ang questions na ibinigay ni Mich sa'kin kanina.
Binabasa pa lang niya ay tumataas na agad ang kilay niya.
"Let's go to the library. Tahimik doon. Let's try," at hinawakan na niya ako sa braso.
Para akong nasa alapaap kasi hawak ako ng taong mahal ko. Ang saya saya ko habang naglalakad kami.
"Doon tayo sa dulo, sa likod. Walang tao doon," yaya niya sa'kin pagpasok namin sa library. Hindi pa rin niya ako binibitiwan.
Sana ganito na lang palagi. Magkasama kami.
Umupo na kami na magkatapat at ipinalabas na niya sa'kin ang aking phone to take a video.
Itinutok ko na sa kanya ang phone at nagsimula na kami.
Habang gumagawa kami ay naka-focus lang ako sa napakaganda niyang mukha. Hindi ko na nga rin naiintindihan ang mga pinagsasabi niya kahit na nag-e-English siya.
Ni hindi man lang siya nag-practice. On the spot kaagad sa pag-record.
Habang pinapanood ko siya ay napatingin ako sa mapulang labi niya. Lalo siyang gumaganda sa paningin ko. Hindi nakakasawa. Mas nakakaakit.
Oh, Kate.
"It's done."
Pagtingin ko sa phone ko, gusto ko ng mamatay.
"K-Kate..."
"Why?"
"H-hindi ko n-napindot 'yong r-record," at napapikit na lang ako habang pinagpapawisan nang malapot.
"Okay. Gawin na lang natin sa bahay. Ako ng bahala," sabay haplos niya sa pisngi ko.
Hindi ko mawari o namalik-mata lang ako na nginitian niya ako.
Ang puso ko, kinikiliti na naman!
"Maraming salamat Kate! Ang galing galing mo talaga kahit kailan! Thank you, thank you," at niyakap ko siya.
Hmm, na-miss ko talaga ang babaeng 'to. Mahal na mahal talaga kita Kate.
Napahigpit ang yakap ko kasi ninanamnam ko ang nakakaadik niyang amoy.
"Bawi na lang ako sa'yo next time," at mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi na ikinagulat niya.
Nangingiti ko siyang pinagmamasdan pero nawala rin 'yon dahil bigla siyang nanahimik at 'di siya makatingin sa'kin.
"Kate? Okay ka lang ba? I-I'm sorry sa ginawa ko. H-Hindi na mauulit. May bf ka na nga pala. Sorry ulit. Balik na tayo sa room. Baka hinahanap ka na nila."
Tumayo na siya at iniwan na ako.
"Kate, wait! Pupunta pa tayong mall mamaya 'di ba? Magpapasama ka raw? Hihintayin kita tulad ng dati."
Tumigil siya saglit sa paglalakad. Hindi man lang ako nilingon at dire-diretso na siyang umalis.
Biglang nag-vibrate ang phone ko. I received a text.
From Kate.
"No. Bahala ka. I can do it myself. 'Yang bagong bestfriend mo na lang ang samahan mo. Doon ka na lang kay Michelle mo."
Ano na naman kayang sinasabi nito? Kakaiba talaga!
Kumaripas na ako ng takbo at baka maabutan ko pa siya.
Buti na lang ay 'di pa siya nakakalayo. Tumakbo ako palapit sa kanya at binuhat siya.
"Shit! Sino ka?! Ibaba mo-Andrew Torregozon?! Leche ka, ibaba mo ako, isa! Ano ba, nakakahiya ka! Andrew! Tangina naman, nakikiliti ako! Ang init, pucha!" sigaw niya pero 'di pa rin ako tumitigil. Tawa ako nang tawa sa itsura niya. Bwisit na bwisit eh.
"Kate, aray! 'Yong mukha ko, 'wag mong kalmutin, hoy! Ibababa na kita-teka, ba't ka nananampal! Ito na, ito na!" at ibinaba ko na siya.
Grabeng gusot ng damit ko, akala ko mapupunit na dahil sa kahihila ni Kate. Buti nga naawa pa.
Hingal na hingal ako at siya nama'y inayos ang buhok niya. Sinamantala ko ang pagkakataong 'yon.
I kissed her on the cheek.
At mabilis akong tumakbo habang may ngiti sa mga labi ko. "Nakabawi na ako Kate!" sigaw ko pa habang tinatanaw siya.
Lumapad lalo ang ngiti ko dahil hindi na siya gumalaw. Nakatayo lang siya doon.
Pagbalik ko sa room ay kanina pa pala ako hinahanap ni Mich.
"Oh, ba't nakangiti ka diyan? Kanina pa kita hinihintay. Hindi ka mahanap, sa'n ka ba galing?" Nakapamaywang na siya sa harap ko.
"'Di kaya ako nakangiti oh. Guni-guni mo lang 'yan Mich. Tara pasok na tayo, may klase pa," pag-iiba ko kahit pinipigilan kong ngumiti kasi 'di pa rin ako maka-move on kay Kate.
Pinaningkitan niya ako ng mata pero patay-malisya lang ako.
"Ginawa mo ba 'yong interview o naglandi ka? 'Yang mga ngiti mo eh, parang nakaisa."
At nag-walk out siya.
"Mich!"
"Hoy Torregozong mahilig, pumasok ka na nga rito sa loob! Parating na si ma'am, sumisigaw ka pa diyan. Para kang tanga," at hinila na ako ni Luce.
"Naloka ako sa interview grabe! On the spot ba naman talaga Torregozon, ang galing mong mag-suggest. Ako pa talaga ang napili mo. Buti na lang si Mich ang kasama mo kaya kahit papaano natapos namin at nag-enjoy ako. Anyway, may training tayo ng badminton mamaya after class. Bawal daw ma-late at 'di a-attend sabi ni coach," daldal na naman ni Luce nang makaupo kami.
"Hindi pwede! May lakad ako after class. Sabihin mo na lang kay coach na excuse ako Luce, please? Ngayon lang naman ako 'di a-attend eh, promise. Pasabi na lang kay coach na babawi ako ha? Luce, sige na. Ipalusot mo na lang ako, please, please. Sige na-
"May kapalit-
"Ako na bahala sa meryenda mo sa tourna."
"Wala ng bawian 'yan. Tatandaan ko 'yan. Ang magbawi, babawian ng buhay. Sabihin mo ulit at i-re-record ko para safe tayo," at inulit ko nga tapos ni-record niya. "Ako ng bahala, pwede ka ng umalis ngayon kahit 'di pa tapos ang class. Basta sagot mo buong foods ko sa buong tourna," at nag-beautiful eyes pa. Muret talaga.
'Di na ako nagpaalam kay Luce nang matapos ang klase namin. Lagpas alas-singko na rin kaya dumiretso na ako sa parking lot pero parang ang daming tao. Mukhang mga players dahil sa mga sukbit nilang bag.
Nakita ko na agad ang gray na sasakyan ni Kate at pumunta na doon.
Wala pa siya kaya tinext ko siya. Baka lang naman mag-reply. Ayoko namang tawagan bigla kasi baka nagpa-practice.
Wala pang ilang segundo may reply na agad. Isang capital letter K lang naman. Napangiti na lang ako. 'Di pa niya dinagdagan ng tuldok.
Napaangat naman ako ng tingin dahil narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng kotse niya.
Parang sira na naman akong nakatulala sa kanya. Tumitigil talaga ang paligid 'pag nakikita ko siya.
Kahit na hingal na hingal at pawisan siya galing practice ay ang hot niyang tingnan.
Kahit yakapin ko siya 'di ako manlalagkit eh. Gaano pa katagal.
"Sakay na dali!"
Pagsakay ko naghubad agad siya ng uniform nila sa harap ko. Tumingin agad ako sa kanan ko.
Para makapagbihis siya 'no? 'Di ko kaya ugaling manilip.
"Paabot nga no'ng bag ko sa likod. Pakuha ng tshirt na black."
Inabot ko agad 'yong damit nang 'di tumitingin sa kanya.
"Andy"
"B-bakit?"
Sumalubong na lang sa mukha ko 'yong basa niyang damit.
Narinig ko ang pagtawa niya.
"Haha! If you seen your face, you look like ewan Andy. Seriously, nahihiya ka pa rin kahit tayong dalawa lang? You've seen this na," tuwang-tuwa niyang sabi habang nakaturo pa sa hubad niyang katawan.
"Ba't 'di ka pa nagbibihis? Magbihis ka na. It's not good na pahubad hubad ka na lang," I tried to make my tone serious para alam niyang seryoso ako.
I won't allow na pahubad-hubad lang siya kahit kaming dalawa. Of course okay na okay sa'kin kung kaming dalawa lang. What if may makakitang iba. Knowing na iba pa man din ang takbo ng isip ng mga tao ngayon.
"My car is tinted. No one will see."
"Tinted or not, magdamit ka pa rin. So, 'pag 'di na tinted, saka ka lang magdadamit?"
"My body, my rules," at gigil pa siyang nagdamit.
"Concerned lang naman ako sa'yo."
"Whatever," sabay irap niya sa'kin pero nakangiti.
"Sa'n ba tayo ngayon? Anong bibilhin mo?" tanong ko habang nasa biyahe kami.
Sasagot na siya nang bigla namang tumunog ang phone ko.
"Hello? Oy Mich! Nakauwi na ako eh. Oo, don't worry gagawin ko 'yong interview. Matatapos ko na mamaya at ako na rin mag-e-edit. Yes, yes, chat chat na lang if ever nagka-problem. Bye!"
"Turn off your phone when you're in my car. Nakakaistorbo sa pag-da-drive ko." masungit niyang sabi after the call.
"Pa'no 'pag tumawag si Mom?"
"Hindi nanay mo ang tumawag at alam na niya na magkasama tayo."
"Pero 'di mo naman hawak phone ko 'pag nag-da-drive so pa'no ka ma-di-dis—okay. I'll turn it off na. Oh, ayan na ha." Pinakita ko na sa kanya para satisfied na siya.
Nakarating na rin kami sa mall.
"I'm going to buy something for our date," casual niyang sabi nang makapasok kami ng mall.
"Our date?" naguguluhan kong tanong.
"Yeah. I mean our date, me and James," wala man lang preno niyang sabi.
Napayuko naman ako at parang ayoko ng magsalita. Masakit sa heart eh. Ba't kasi nag-a-assume ako.
"Oh, I see. May napili ka na ba or you have something on your mind? If wala, may alam ako," I suggested kahit na may part na ayoko kasi nagseselos ako kay James.
Napakaswerteng lalaki.
"Let's look around." Nag-start na kaming maglibot-libot sa mga clothing shops.
"I think you should go sa formal dresses. 'Wag 'yang flower flower na design, ang pangit. Parang kakain lang kayo sa Mcdo niyan eh. Pwede ka na nga lang mag-pajama sa gano'n."
Nanguha ba naman siya ng black backless dress.
"What do you think? Bagay sa'kin? Syempre bagay sa'kin. I have the curves so I'll try this one. Samahan mo ko sa fitting room."
"Uubuhin ka diyan. For sure malamig sa pupuntahan—
"Pilian mo ko ng ibang dress, dalian mo!"
Sinunod ko siya habang nagsusukat siya. Naghanap ako ng babagay sa kanya pero wala naman akong mapili dahil bagay naman sa kanya lahat but I'll try to pick something for her. Ang pangit kasi no'ng ibang designs.
Black, red and beige color dresses ang napili ko na 'di revealing, though some parts lang ng body 'yong nakikita. Kinuhanan ko na rin siya ng heels if ever magustuhan niya.
"Kate?" pagtawag ko habang kinakatok ang pinto niya. Bigla niyang binuksan at mabilis akong hinila papasok.
Halos mahigit ang hininga ko sa nakikita ko.
Sobrang ganda at sexy niya sa suot niyang black backless dress. She looked like a supermodel.
Flawless skin.
Perfect curves on the right places.
What really caught me is her eyes. It's perfect. Para siyang foreigner na celebrity.
"Sobrang ganda mo Kate. Bagay na bagay sa'yo 'yang dress. It looks perfectly on you. Parang pinasadya para sa'yo. Try this heels and let's see kung bagay."
She tried the heels.
At wala na akong masabi kung 'di finish na. Simple palang pero masyado na niyang ginandahan. Mas tumangkad pa siyang tingnan kahit matangkad na siyang dati.
"Kate, give me your phone. I'll take a photo of you. Napakaganda at sexy mo diyan sa dress."
Kahit anong pigil niya she can't hide her smile. That smile that made my heart go crazy.
She started to pose wearing an ear to ear smile. Halata sa maganda niyang mukha na masaya siya. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang ngumiti ng ganito.
"Pair of eaarings at simple necklace na lang ang kulang then you're good to go na Kate. For sure, 'di ka lang magugustuhan ni James, lalo ka niyang mamahalin niyan. Sana 'wag ka niyang lokohin," proud kong sabi sa kanya while taking photos of her.
I need to support her no matter what and in every way I know. If this makes her happy and dito siya masaya, I'm very fine with it kahit masakit at kahit alam kong mahal ko siya.
She's taken na.
Her happiness is also my happiness.
Basta nakikita ko siyang masaya, okay na ako do'n.
"Let's go. I'll take this dress and heels. Ibalik mo na 'yan doon and my phone." I gave it back then she left.
Ibinalik ko na rin ang mga dresses na kinuha ko. Saktong tapos na siyang magbayad.
"May bibilhin ka pa ba? O nagugutom ka na? Maaga pa naman. Pwedeng kumain muna tayo. Saan mo ba gusto? Jollibee na lang tayo, nag-ke-crave ako sa chickenjoy."
"Mag-take out na lang tayo then uwi na tayo sa bahay."
Nagbubunyi ang loob ko dahil uuwi kami sa kanila. Makaka-bonding ko pa ng matagal si Kate loves ko.
Ako na lang nag-order for us para makaupo siya at makapagpahinga habang naghihintay.
Naghintay lang kami ng 15 minutes then nakuha na namin ang aming orders.
"Nag-enjoy ka ba sa gala natin? Ako kasi super nag-enjoy. Grabe Kate, ngayon na lang ulit tayo nakagala ng ganito. Busy na rin kasi tayo parehas. Na-miss ko tuloy. Sobra din kitang na-miss."
I opened the door for her nang makarating kami sa parking lot. Gabi na rin.
"Sakto lang dahil namili lang naman tayo. Let's go home para magawa at matapos na rin natin ang interview mo."
Pinaharurot na niya ang sasakyan. I am enjoying the ride dahil gabi. Paborito ko talaga 'pag night rides, ang sarap sa pakiramdam.
I opened the window and I clutched unto her arm while savoring the night breeze. I smiled at her and I could see that her eyes are sparkling.
She too smiled at me. She took her right hand from the steering wheel and to my surprise, she reached for my left hand then intertwining it with hers.
Her touch felt electric. My heart is unstable that it's beating fast and loudly because of her. Every time.
"Thank you so much, Andy. For being here again. I missed you too," and she squeezed my hand.
I smiled more and happy sigh.
I looked out the window, watching the night sky while she's driving single-handed.
I looked at the clouds, wishing to the heavens above.
I hope this won't end. I don't want this to end. I want more of this with Kate. I love her.
And I closed my eyes.
***
"Ma, Dad, we're here," tawag ni Kate nang makarating kami sa kanila.
"Buti naman at nakarating kayo ng safe at ginabi na kayo. Anuman, nakabili kayo? Andy! Thank you dahil sinamahan mo si Kate ha? 'Di ka naman naabala 'no? Kumain na kayo kung 'di pa kayo kumain," magiliw na bati sa'min ni Tita Laura.
"Ma, sa room ko na lang po kami kakain. We bought food." Ipinakita ko ang binili naming Jollibee. Tumango na lang si tita at hinayaan na kaming umakyat.
Mabilis na ini-lock ni Kate ang room niya. Basta-basta na lang siyang naghubad sabay higa sa kama niya.
I turned on the AC. Ipinagkuha ko na rin siya ng pamalit niya dahil tinatamad na naman siya.
"Kate, magbihis ka muna bago tayo kumain—
Kinakain na niya 'yong spaghetti at fries.
Nagkakasala na talaga ako. Ang mga nakikitang kong malulusog na...chicken joy.
"Uuwi ka pa? Ganito mo na lang ako interviewhin. Plus points din 'to. Audience impact. Ewan ko na lang kung 'di ka pa mauno—
"Kate!" saway ko sa kanya dahil umiiral na naman ang kapilyahan niya.
"Shh! Stop being loud! Marinig ka ni Mama. Ang ingay-ingay mo lagi 'pag nasa kwarto kita. Ayaw mo bang kumain?" at nakakaakit niyang dinilaan ang ketchup sa finger niya.
"Pa'no ako kakain, inubos mo na oh. Katabaan mo na," asar ko sa kanya kaya biglang kumunot ang noo niya at sinamaan ako ng tingin.
"Ay talaga? Mataba na ako? Check mo nga. Sa'ng banda ba? Dito?" sabay turo niya sa malulusog niyang dibdib na dahilan ng pagkakasala ko. "Pwede mo ring hawakan para malaman mo kung tumaba nga ako o hindi," dagdag pa niya saka nag-lip bite.
"Don't try me Kate. Magbihis ka na habang nakakapagpigil ako."
"Ayoko. Kaya nga ako nakaganito para 'di ka makapagpigil. Subukan mo na. Wala namang mawawala. Free naman," pangungumbinsi niya.
"Isa."
"C'mon Andy, kahit try lang. Kahit may boyfriend na ako, willing naman akong magkaroon ng kabit. Biyaya na ang lumalapit sa'yo, kakagatin mo na lang."
"Tigilan mo ako. Gagawin mo pa akong kabit. Magmadre na lang ako kaysa maging kabit mo."
"Walang madreng tomboy."
"Hoy, ang tanga tanga mo talaga! Walangya ka talaga!"
Sabay kaming tumawa at itinapon ko sa mukha niya ang kanyang pamalit.
"Straight na pala ako kung gano'n. Same tayong straight tapos hanap na tayo ng sugar daddy tapos magiging sugar baby tayo—
"Edi mamatay ka na lang kaysa ganyan. Mahilig ka pala sa sugar daddy eh. Sana lahat sugar daddy na lang. Gusto mo hanapan kita?" sarkastikong sagot niya sa akin.
Kanina okay pa kaming nagbibiruan ah. Ba't ang seryoso na niya ngayon at ang sungit?
"Sure, may kakilala ka ba? Willing magka-sugar daddy kahit may minamahal ng iba. Do'n tayo sa mapera. Why settle for less 'di ba?"
Ibinato niya sa'kin 'yong carton ng spaghetti pati 'yong cup ng float na minadali niyang higupin.
"Hoy Kate! Ba't ka nambabato? 'Wag kang magkalat. Para ka namang bata niyan—hoy akin 'yang chicken joy!'Di pa ako kumakain! Kate!"
"Anong gawin ko? Edi magpabili ka sa sugar daddy mo," walang pake niyang sabi at patuloy lang sa pagkain at pagsipsip sa choco float ko.
"Wala nga akong sugar daddy, pa'no ako magpapabili niyan? Dalian mo na para magawa na natin 'yong interview ko." Pinanood ko na lang siyang kumain. Akmang kukunin ko 'yong tissue nang biglang ilayo niya 'yong paper bag.
"Bahala ka. Gawin mo na. Wait na lang kitang matapos."
"Kate naman. Sabi mo ikaw na bahala na tutulungan mo ako. Kate daw, tara na kasi."
Bigla na lang may kumakatok.
Dali-daling nagbihis si Kate at nang matapos siya ay pinamadali niya akong buksan ang pinto.
Bumungad sa'kin ang mukha ni Tita Laura.
"Andy. May ginagawa pa ba kayo ni Kate? It's getting late na. Kate, may gagawin pa ba kayo?" sabay silip ni Tita Laura sa loob. Tumabi na ako para makapasok si tita.
Biglang ayos naman ni Kate.
"Yes Mama. May activity pa kaming ginagawa. Tinatapos lang po naming kumain. 'Di pa kami nag-dinner eh."
Tiningnan muna ni tita ang kabuuan ng kwarto. "Okay, gawin niyo na agad para matapos kayo. It's getting late na rin para makauwi na si Andy. Kukuha pa ako ng food. Anong gusto mo Andy?"
"K-kahit ano po basta makain hehe," nauutal ko pang tugon dahil nahihiya ako kay Tita Laura. Nginitian niya ako at umalis na.
"Won't you stay for the night, Andy? It's already past 8pm. Better if dito ka na lang. Magdamag nating gagawin ang 'interview' mo or maybe we could add some fun sa interview," and she flashed a playful smirk.
I smiled sadly at her. "I can't, Kate. You know naman na ayaw ni Tita Laura ng overnight 'di ba? 'Di rin ako nakapagpaalam kay Mom. Baka magalit pa si tita sa'yo. After mong kumain, aalis na rin ako."
"So, aalis ka na talaga? Wala na akong food. 'Di mo ba hihintayin 'yong food ni Mama? Sige, umalis ka na. Just close the door when you leave." Inayos na niya ang kanyang mga unan.
"Kate, may next time pa naman 'di ba? 'Di lang naman 'to ang time na magkasama tayo saka magkapit-bahay lang tayo 'no. Anytime, pwede mo akong puntahan. Ang lapit lang ng bahay namin, ilang lakad mo lang 'yon. Ako na diyan," at ako na ang nagligpit ng pinagkainan niya.
'Di na niya ako pinansin at nagbasa na siya ng libro.
Kinuha ko na ang bag ko at isinukbit na ito. Tiningnan ko ulit siya at nahuli kong nakatingin siya sa'kin. Agad niyang ibinalik ang atensyon sa libro.
Napabuntong-hininga na lang ako dahil ayoko pa ring umalis at gusto ko pa siyang makasama pero 'di kasi pwede eh.
"Kate, thank you so much. I had so much fun tonight. Sobrang saya ko at nag-enjoy talaga akong kasama ka. Pa'no ba 'yan, uuwi na ako ha? Itetext na lang kita 'pag nasa bahay na ako. Take care, Kate and goodnight. 'Wag ka ng magpuyat." Hinintay ko munang tingnan niya ako pero wala talaga kaya lumabas na ako at dahan-dahang lumabas.
"Tita Laura, maraming salamat po ha? Nakabili na rin po kami ng kailangan ni Kate. Uuwi na po ako, gabi na rin po kasi. Mauuna na po ako," paalam ko kay tita nang masalubong ko siya sa baba.
"Uuwi ka na? Tapos na kayo ni Kate? How about this food, Andy? Sige, sige pala. Ipapadala ko na lang 'to kay amiga. Wait lang ha? Tatawagin ko na rin si tito mo para ihatid ka," at nagmamadaling bumalik si tita sa kitchen.
Magkamukha talaga sila ni Kate.
"Tita, 'wag na po. Malapit lang naman po ang bahay namin saka safe naman po rito sa subdivision. Kaya ko na po."
"Ito na 'yong food. Pakikumusta ako kay amiga ha? Sure ka ba? Magpahatid—
"Opo tita, maraming maraming salamat po dito! Uuwi na po ako," at nagmamadali na akong umalis.
Paglabas ko ng gate nila, binuksan ko na ang phone ko. Sandamakmak na notifs mula kay Mich ang na-receive ko at isang chat din mula kay Mom.
Bigla namang tumunog ang tiyan ko.
"Didiretso na lang siguro ako kina Mich para sa activity namin para matapos na. Kanina pa siya nag-te-text at tumatawag. Doon ko na lang din siguro kakainin 'tong padala ni Tita Laura."
I texted my Mom na didiretso na lang ako kina Mich for our activity. Tumawag na rin ako kay Dad para sure.
Dito lang din naman sina Mich, kaya na ring lakarin.
What a day pero at least nakasama ko si Kate.