ANDY
Mahimbing akong natutulog nang maramdaman kong may marahang humahaplos sa pisngi ko. Hinayaan ko lang. Ilang saglit lang ay bigla akong nilamig. Kinakapa-kapa ko ang aking kumot at itinalukbong sa'kin.
"Uy, mamaya na kasi, natutulog pa ako," ingit ko dahil kanina pa may kuwit nang kuwit. Bigla nitong inalis ang kumot sa'kin kaya sumubsob ako sa unan. Ayoko pang gumising, aga aga pa eh.
Buti na lang umalis na ang istorbo at hinayaan akong maging payapa rito.
Ba't parang ang lamig ata?
Nakailang ikot na ako rito sa kama ko dahil giniginaw ako pero bakit? 'Di naman masama ang pakiramdam ko. Kinapa ko ang aking kama pero wala akong makapang unan at kumot pati 'yong mahaba kong unan na parang hotdog na paborito kong yakapin ay wala.
"Mom!" pagtawag ko dahil si Mom lang naman ang mahilig maglinis dito kahit na natutulog pa ako.
Walang sumagot. Bigla naman akong may naamoy na mabango. Humahalimuyak 'yong sabon at shampoo ko ah!
"Mom, nandiyan ka ba?!"
Nanlalabo pa ang mata ko nang dumilat ako para tingnan kung may kasama ba ako rito.
Kate?
Inaninag ko pang mabuti kung tama nga 'yong nakikita ko. Baka kasi nananaginip lang ako o kaya dinadaya lang ako ng aking paningin.
"Morning."
Boses pa lang...siya nga!
Napabalikwas na nga ako sa aking kinahihigaan habang 'di pa rin ako makapaniwala ngayon.
"Kate?! Anong ginagawa mo rito?!" bulalas ko sa kanya pero blangko lang siyang nakatingin sa'kin.
'Di man lang siya sumagot at pinunasan na niya ang basa niyang buhok. Iiwasan ko na sana siyang tingnan ngunit 'tong makulit kong mata ay ayaw makisama.
Malaya kong pinagmamasdan ang kabuuan niyang kutis morena na nakatapis lang ng towel habang may ilang butil ng tubig ang malayang tumutulo mula sa light brown niyang buhok pababa sa kanyang makinis na leeg. Lihim akong napalunok nang bigla niyang niluwagan 'yong towel kaya kusang nahulog ito.
Napasinghap ako sa sakit habang sapo-sapo ko ang aking puwet. Argh, 'di ko maigalaw, ang sakit!
'Di ko namalayang pagtalikod ko ay nasa dulo na pala kaya diretso sahig na ako. Ang sakit talagang mahulog.
'Di bale ng mahulog kaysa masilipan ko siya. Baka mamaya kung saan pa ako umabot.
"I changed your clothes. Mukha kang palaboy." Wala pa rin talaga siyang kaemo-emosyon habang naka-bra't panty lang siya rito sa harap ko.
'Di ko na talaga alam kung ano ang una kong iisipin.
Napatingin naman ako sa sarili ko. Bago na black sports bra saka black na cycling shorts na lang ang suot ko.
Ibig sabihin...wahh! Nakita na niya ang...no no no!
Umayos na ako ng upo at sumandal sa kama. Ayoko nang tumingin sa kanya. 'Di rin ako makaimik. Namayani sa pagitan namin ang katahimikan.
"Ba't—
"I know—
Tumahimik ulit kami. Ako na ang naunang nagsalita.
"Ba't mo pa ako pinalitan? Okay naman 'yong damit ko. Saka ano palang ginagawa mo rito? A-alam ba ng b-boyfriend mo na nandito ka?" Halos bulong na lang 'yong huling sinabi ko.
Ang hirap at masakit kasi.
"No. I'll tell him na lang 'pag sinundo niya na ako rito. By the way, I'm just checking on you. You call it your own clothes? Wala kang damit na gano'n dahil mainit masyado sabi mo. So, tell me kaninong damit 'yon? Was it Michelle's?" seryoso niyang sabi. Nakadekwatro na siya sa kama habang nakahalukipkip. Suot na rin niya 'yong plain gray silk robe ko.
Sundo? Rito? Ngayon?
"Ah eh pinahiram ni Hazel dahil...basta 'yon." Ayoko nang sabihin. Baka ano pang isipin niya at paniguradong hahaba ang usapan namin kaya 'wag na lang. "Ibabalik ko rin 'yong damit. Sa'n mo pala nilagay?"
"Hazel? Oh, new bestfriend mo? At anong basta 'yon? Ituloy mo. So, magkasama pala kayo kahapon? Imposible namang naglaro ka ng badminton kahapon para magpalit ng gano'ng damit dahil diretso ka nang umuuwi right?" Ngayon nama'y mga diin na ang bawat salitang binibitiwan niya.
Ano bang problema ni Kate ngayon? Ang aga-aga. Sana pala 'di na ako gumising ng ganito kaaga. Gusto ko lang naman magpahinga at makasama siya pero 'di naman 'yong ganito.
"Oo nga pero 'yong damit nasaan? Ibabalik ko kasi 'yon saka it doesn't matter naman dahil damit lang—
"Of course it matters!"
Nagulat naman ako sa kanya dahil medyo nagtaas na siya ng boses.
"Anong oo nga? Na bagong bestfriend mo 'yong Hazel na I don't give a fucking damn o 'yong magkasama kayo kahapon? Or both?" sunod-sunod niyang tanong sa'kin.
Huminga muna ako nang malalim bago siya sagutin. Tiningnan ko pa muna siya sa mata at seryosong-seryoso naman siyang nakatingin sa'kin at nag-aabang sa sasabihin ko.
"Galit ka ba? Ang ibig ko lang namang sabihin ay oo na tama ka na diretso na akong umuuwi pagkagaling maglaro ng badminton at 'di na nagpapalit sa university saka ikaw lang naman 'yong dakilang maganda at nag-iisang bestfriend ko 'di ba?" kalmadong sabi ko para naman kumalma siya.
Napataas naman siya ng isang kilay. "Sinungaling."
Oo sinungaling talaga ako. Bestfriend kita pero higit pa doon ang pagtingin ko sa'yo.
"You were wearing trashy clothes so I burned them. You won't find it ever again," balewalang saad niya na ikinatanga ko.
"Ba't mo sinunog? Sayang naman saka 'di sa'kin 'yon eh sana hinayaan o itinambak mo na lang diyan sa tabi. Ano na lang sasabihin ko kay Hazel ha?" seryoso kong tugon sa kanya para naman aware siyang 'di ako nakikipagbiruan.
"I hate it. It doesn't suit you. And so what kung anong sasabihin niya? Mas gusto mo bang suot 'yon? Kung ayaw mong malaman niya then don't tell her! God, you're making things more complicated! But if you change your mind, you can buy her another one then wear it again for her."
Wala talaga sa katawan niya ang magpatalo at magpaawat. Ito na nga ba ang sinasabi ko.
Hay, bahala nga siya!
"Lying is not my forte, Silovera."
Lalong tumapang ang itsura niya at bigla na lang malakas na dumapo sa malambot kong mukha ang hotdog na unan.
"I said don't you ever call me that! I fucking hate it! Go away!" she bursted out at ipinagpatuloy ang paghampas sa 'kin.
Mabilis ko siyang hinila kaya napahiga ako rito sa sahig and now she's on top of me, straddling me. Bigla siyang napahinto at bakas sa maganda niyang mukha ang pagkagulat.
"I'll quit calling you Silovera if you tell me why you're behaving like that. May problema ka ba kay Hazel? And what do you want me to call you, huh?" I smirked at her.
"Wala! You stupid liar—
Biglang tumunog ang kanyang phone. Mukhang may tumatawag. Mabilis siyang umalis sa ibabaw ko at sinagot ang tawag.
Lumayo pa siya pero naririnig ko naman kung sino ang kausap niya. Wala naman ng iba kung 'di 'yong boyfriend niyang si James.
Mahal ang tawagan nila? Sige lang, maglandian lang kayo rito sa kwarto ko. Wala naman akong naririnig, 'di naman masakit pero sana ma-lowbat 'yang mga phone niyo.
Opo mahal.
I'm okay mahal.
Mabingi na lang ako.
Nakalimutan na siguro ni Kate na nandito pa ako. Rinig na rinig ko kasing tumatawa siya at mukhang masaya ang kanilang pinag-uusapan. Halos ilang minuto na rin silang magkausap. Mukha ngang susunduin siya rito ni James.
Minabuti ko na lang na ayusin ang aking kama at nanguha na ng aking mga gamit.
Kahit pilitin kong 'di makinig ay naririnig ko pa rin sila. Malungkot akong nagtitingin ng damit na maisusuot sa aking closet. Nang may mapili na ako at maliligo na ay saktong natapos na rin sila.
Nakayuko akong naglakad papunta sa cr dito sa aking kwarto at mabilis na ni-lock ang pinto.
Wala na akong ibang inisip dahil kung 'di ay maiiyak na naman ako pero ayun bago pa pumatak ang tubig mula sa shower ay nauna na 'yong luha ko.
Nagmadali na ako sa pagligo at pag-toothbrush. Nang matapos ay tiningnan ko pa muna ang aking sarili sa salamin.
Ano na Drew? Kaya mo 'yan.
Hindi ko kaya.
Lumabas na ako. Kinuha ko na 'yong damit ko na nakapatong sa kama at nagbihis na.
Nakabihis na ako nang biglang may magsalita sa likod ko.
"Don't wear a t-shirt. Your tattoos."
Saka ko lang naalala na may tattoo nga pala ako pero pentel pen lang naman 'yon. Napatingin ako sa left arm ko. Walang pinagbago. Akala ko ba pentel pen lang. Ba't ganito?
'Di na ako umimik pa at ipinagpatuloy lang ang pag-aayos para makaalis na rin ako.
"You were out yesterday. Your parents came by at our house to celebrate my win. My mother invited them and James was also there. I waited. Akala ko darating ka last minute."
Akala ko umalis na siya pero nandito pa rin pala siya. Napalingon naman ako dahil sa huling sinabi niya. I didn't expect that but may halong saya at lungkot akong nadarama dahil doon.
Masaya kasi akala ko 'di na niya ako maalala dahil may boyfriend na siya at naghintay siya at malungkot dahil first time akong wala sa tabi niya para mag-celebrate ng achievement niya. Ngayon lang ako may pinalamapas. Alam kong sobrang special para sa kanya ang mga celebrations na gano'n but 'di ko naman alam.
"I'm sorry," tangi kong nasabi. Wala na naman siyang emosyong ipinapakita.
"Your parents were worried dahil 'di ka ma-contact so I covered everything up. I told them na busy ka sa student council. Itatanong din sana ni Tito Henry kay Michelle kung nasaan ka but I told them na maraming kang inaasikaso. Fortunately, na-convinced naman sila. I saw a post on ig. You were having fun. Masaya ka. You got inked but Tita Eliza won't be happy if she'll see those and so am I. Anyway, bababa na ako," cold niyang saad.
Palabas na siya nang maagap ko siyang nahawakan sa braso.
"Wait!" Isinara niyang muli ang pinto at hinarap ako. "May ibibigay ako sa'yo."
Kinuha ko ang box na nasa ibabaw ng desk ko.
"Para sa'yo. Sana magustuhan mo," at napakamot na lang ako sa aking ulo.
"Ano 'yan? Para saan?" tanong pa niya imbes na tanggapin ito. Kahit kailan talaga!
"Box, para sa'yo nga," nakukulitan kong ulit sa kanya. May binubulong-bulong pa siya at umirap pa muna bago ito hinablot sa'kin saka umalis na lang. Pabalang pa niyang isinara ang pinto.
Napa-facepalm na lang talaga ako dahil wala pa rin talaga siyang ipinagbago. Nagpalit na rin ako saglit.
Nagulat naman ako nang buksan ko ang phone ko ay full charge na. Sabog ng calls and text mula kay Mom at Michelle. Ing-clear ko na lang at lumabas na.
Pagdating ko sa kusina ay nakahanda na ang mga pagkain. Nandoon na rin sina Mom and Dad, kasama si Kate at masaya silang kumakain.
"Morning," bati ko sa kanila. Napalingon agad sila sa'kin lalo na si Mom na tumayo pa palapit at hinalikan ako sa pisngi.
"Oh, Prince! Napagod ba ang prince ko sa student council? Tara kain ka na. Ipinagluto kina ng favorite mong omelette, bacon lalo na ang ham and eggs," nakangiting bati ni Mom at iginiya na ako sa hapag. Sa kanya na ako tumabi. Katapat niya si Kate.
Magsasandok na sana ako kaso itong si Mom na ang naglagay sa plato ko.
Nagmumukha talaga akong bata sa kanya hay nako!
"Sabi ni Kate na busy ka sa student council kahapon kaya 'di ka nakarating? Marami ata kayong ginagawa doon ah? Galing kami sa kanila kagabi, nag-celebrate ng pagkapanalo niya sa pageant, 'di ba hija? Sayang," may himig ng kaseryosohan na tanong ni Dad habang kinikilatis ako.
Kinabahan ako bigla pero 'di ko ipinahalata dahil kung kung hindi ay malilintikan talaga ako nang malala at paniguradong ora mismo ay ipapatapon na ako sa U.S. which is ayaw na ayaw ko. Edi 'di ko na makikita at makakasama si Kate.
"Yes Dad. Katatapos po kasi ng pageant at kailangang ayusin ang mga papers na kailangang i-submit pati po 'yong venue kailangan na ring ayusin sa dati," pagsisinungaling ko.
I'm sorry Mom, Dad kasi nagsinungaling ako. 'Di na po mauulit huhu.
Kailangan ko lang sundin 'yong sinabi ni Kate para 'di ako malintikan.
Mukha namang pinalampas na ni Dad at kumain na ulit siya.
"Basta 'wag ka ring magpapabaya sa studies mo ha?" paalala ni Mom. Nagkwentuhan na silang tatlo habang ako'y nakikinig lang.
Natulala na lang ako nang ngayon ko lang mapansin na may kakaiba sa suot ni Kate.
Suot lang naman niya 'yong limited na hoodie kong color gray. Naramdaman niya atang nakatingin ako sa kanya kaya nagtama ang aming paningin.
She shot me a what-are-you-looking-at look. Isinenyas ko naman itong hoodie na suot ko para malaman niya na 'yon ang tinutukoy ko. Ang siste, inirapan lang talaga ako.
Napaka talaga!
Natapos kaming hindi nagpapansinan. Kinakausap din ako ni Mom pero 'di ko pinapansin at patango-tango lang ako.
"Tita Eliza, Tito Henry, maraming-maraming salamat po sa food saka po sa pagpapatuloy sa'kin dito. Kailangan ko na pong umalis dahil may class pa po kami at susunduin na rin po ako ni James. Nag-text na rin po kasi siya."
"Ay ganoon ba? Akala ko magtatagal ka pa rito kaya nagluto na ako nang marami. Oh siya siya, ikumusta mo na lang ako kay amiga ko ha? Saka ano ka ba, Kate, lagi kang welcome dito and you can visit anytime," masayang sabi ni Mom dito at nagbeso pa silang dalawa.
Si Dad naman ay busy na sa pagliligpit ng aming pinagkainan. "Mag-iingat kayo ng boyfriend mo, Kate. Duke, ihatid mo na siya sa labas. Kami ng bahala ni Mom mo rito."
Lumabas na kaming dalawa ni Kate. Nauna na siya habang ako nama'y nakasunod sa kanya.
"Kumusta ka na? Ang tagal na rin nating 'di nakakapag-usap. Congrats pala Kate, kahit kailan talaga ang galing-galing mo," proud kong sabi sa kanya. "May pupuntahan ka ba mamaya?"
"Why? Meron. May date kami ni James," simpleng saad niya habang naglalakad kami palabas.
Ouch.
"'Yan ang suot mo? 'Di ka ba magpapalit?" alanganin kong tanong. 'Di ko rin alam kung sa'n ko nakuha ang tanong na 'yon.
"Why do you care?" masungit niyang tanong sa'kin pabalik.
"Mag-ingat pala kayong dalawa and enjoy your date." Tipid akong ngumiti sa kanya.
"Ba't 'di ka pa pumasok? O may pupuntahan ka pa?"
"'Pag nasundo ka na—
Naputol ang sasabihin ko nang biglang may bumusina sa tapat naming dalawa dito sa may harap ng bahay namin.
"Drew!" sigaw nito. Sabay kaming napalingon ni Kate sa tumawag.
"Zach!" ganti ko rin dito. Masaya itong lumapit sa akin saka ginulo ang buhok ko.
"Sinusundo na kita, tara pasok na tayo! Oy, 'wag mong kakalimutan 'yong mamaya ha saka 'yong deal natin? Teka, kapatid mo ba 'yan? Hello, my name's Zach." Nakangiti siyang bumaling kay Kate at inilahad ang kanyang kamay.
Papalit-palit ng tingin sa aming dalawa si Kate. 'Di ko na mabasa ang emosyong meron siya ngayon. Nakatingin lang siya sa nakaakbay na kamay ni Zach sa'kin. 'Di nakalampas sa'kin ang pagkuyom ng palad niya.
"Hindi papasok si Andrew. Pwede ka nang umalis. At ikaw, bumalik ka na sa loob," maawtoridad niyang pahayag saka ako hinila.
Sasagot pa sana si Zach pero inunahan ko na siya. "Chat na lang tayo mamaya Zach. May aasikasuhin pa kasi kami nitong bestfriend ko eh. Pasensya na talaga Zach."
"No prob. Nautusan lang naman ako pero yeah, see you later Drew! 'Wag mong kalimutan ha?" Ginulo pa muli niya ang buhok ko at nagmadali nang sumakay sa sasakyan niya saka umalis na.
"Kate, nandiyan na 'yong sundo mo. Pwede mo na akong bitiwan," paalala ko sa kanya dahil mahigpit pa rin siyang nakahawak sa braso ko. Baka nakalimutan niyang may boyfriend siyang susundo sa kanya.
"Diyan ka lang." Pinuntahan na niya 'yong boyfriend niya habang ako'y pinapanood lang siyang kinakausap ang taong mahal niya.
Huminga ako nang malalim at iniwas ang aking tingin. May bigat sa'king dibdib habang nakatanaw sa ibang direksyon. Pinigilan ko rin ang nagbabadyang luha ko at kumurap-kurap. Wala na rin naman akong gagawin kaya pumasok na ako sa gate namin at isasara ko na sana ito nang biglang kamay na pumigil dito.
"Iiwan mo lang ba ako rito?"
Wala akong ganang tumingin dito at hinayaan na lang siya.
"Oh Prince, nasundo na ba—Kate? Akala ko papasok na kayo? May mga klase ba kayong dalawa? Andrew?" pagtataka ni Mom. Mukhang aalis sila ni Dad dahil nakapostura na sila.
"Aalis na kami, Duke. Kayo ng bahala rito ha? Pumasok na kayo kung may pasok." Humalik na sina Mom and Dad sa'kin at tuluyan nang umalis.
Umakyat na ako sa kwarto. Inayos ko na ang aking bag at phone para makapasok na ako. Palabas na ako nang nakaharang at nakasandal sa pinto si Kate.
"Papasok na ako Kate."
"'Wag na tayong pumasok—
"Please Kate? Marami pa akong hahabuling activities at quizzes."
Wala na siyang nagawa kaya pinagbuksan na niya ako ng pinto.
Nang makalabas na kami at mai-lock ko na ang pinto ay dire-diretso na ako sa gate. Sumabay na rin siya.
"Galit ka ba sa'kin dahil kanina?"
"'Wag mo nang isipin 'yon dahil tapos na," balewalang sabi ko sa kanya.
"I don't trust that Zach guy. Mukha siyang manyakol. Sa'n mo ba napulot 'yon?"
'Di na ako sumagot at pinabayaan na siya.
***
Second subject na ako nakapasok at buti na lang ay mabait 'yong prof namin. Nagsusulat lang kami ng notes.
May activity lang na ipinagawa sa amin at nang matapos ay i-dinissmissed na kami.
"Uy Luce! Musta, pakopya naman ng ginawa niyo kanina," masayang bati ko sa kanya pero busy lang ito sa pag-aayos ng gamit.
"Ay oh, ilang araw lang tayong 'di nagkita 'di ka na namamansin. Hoy Luce, 'di ka ba masaya na nandito na ako ulit?" pag-iinarte ko kunwari at sinundot-sundot siya sa tagiliran.
"Ano ba, nakikiliti ako..."
"Si Luce, tampu-tampuhan, 'di naman bagay. 'Wag kang mag-alala na-miss naman kita eh. Slight," pang-aasar ko pa. Hinampas naman niya ang kamay ko na kanina pa nanunundot sa kanya.
"Oo na Drew! Ayan na ang notes ko, kopyahin mo na! Ang tagal mo naman kasing nawala. Iniwan mo akong mag-isa rito tapos chinachat kita 'di ka naman nag-re-reply. Akala ko nagka-amnesia ka na, sayang na-miss din sana kita. Musta na pala? Balita ko may boyfriend na 'yong aswang mong bestfriend?" ganting asar niya sa'kin.
"Alam mo na-appreciate na sana kita kaso sa tagal nating 'di nagkita, wala ka pa ring kwenta. Oh eh ano kung may boyfriend siya? Chismosa mo rin eh. Edi magsama silang dalawa. Kung gusto nga nila magpakasal na rin, why not 'di ba? Hayaan mo sila, buhay nila 'yan."
"Ayan ganyan dapat Drew! Dapat talaga hinahayaan mo na 'yang aswang mong bestfriend. Sa wakas, matatahimik na ang buhay natin kasi may boyfriend na siya tapos 'di ko na siya makikita at hindi ka na magkakaroon ng chikinini araw-araw oh 'di ba? Eh ikaw ba, wala ka pang boyfriend?"
Nakakabwisit talaga 'tong si Luce. Walang preno ang bibig, sarap busalan eh. Akala niya ba 'di masakit 'yong pinagsasabi niya.
"Nako Luce kahit sa'yo na. Ba't ikaw? Syempre wala!"
Napataas naman siya ng kilay tila natawa pa.
"Ako pa talaga minaliit mo ha Andrew Torregozon. Kung alam mo lang na kung ilang lalaki ang nagkandarapa sa'kin. 'Di pa ako lumalandi niyan ha. Sorry na lang sila, pero 'yong ganitong ganda sa'kin, mahirap makuha. Sa'yo nga may nahulog na ba? Bulag na lang siguro ma-i-inlove sa'yo!"
Napakahangin talaga ng babaitang 'to. Buti 'di pa siya nilipad.
"Baka ang ibig mong sabihin ay maraming nadadapa dahil sa ganda mo. 'Yang ganda mo kasi parang illuminati."
"Illuminati?"
"Oo dahil gawa-gawa lang at tago."
Pinaulanan ba naman niya ako ng hampas ng notebook niya. Mapanakit talaga 'tong si Luce. Tinawanan ko pa siya para lalo siyang mapikon. 'Di rin niya pinatawad 'yong hood ng hoodie ko at hinila-hila ito.
"Tumigil ka na nga Luce! Punta na tayong canteen, mag-lunch na tayo," yaya ko sa kanya. Doon lang siya tumigil.
"Tanga-tanga ka talaga. May one hour pa tayong vacant bago mag-lunch. Tumambay na lang muna tayo!" Tumayo na siya at isinukbit ang kanyang bag. Hinila na niya ako habang inaayos ko pa ang bag ko.
Tae-tae talagang kasama 'to.
"Ano namang gagawin natin dito sa gym? Ba't dito?" nayayamot kong tanong dito sa kasama ko. Ang boring niya talagang kasama. Jk!
"Ay lilipad siguro Drew. Alam mo nawala ka lang ng ilang araw, tatanga-tanga ka na. Sarap mong buntalin. Sumunod ka na nga lang, palibhasa ang mga trip mo 'yong mga aswang aswang diyan sa tabi-tabi," pamimilosopo pa niya.
Lord, give me a sign. Sasapukin ko na talaga 'tong Luce na 'to. Kanina pa namumuro eh.
Umupo na kami rito sa bleachers, sa gitnang part para naman daw makita niya nang malapitan at napapanood at the same time 'yong idol niyang star player kuno.
"Nanonood ka pala ng volleyball? Common na masyado 'yan eh. Ano bang—
"Pwede bang manahimik ka na? Magsisimula na 'yong practice ng idol ko kaya kung kuda ka nang kuda, itutulak na kita pwede?" pagsusungit niya. Nag-make face na lang ako para mainis siyang lalo.
Wala pa sumisigaw na 'tong kasama ko. Para talaga siyang tanga.
"Tingnan mo Drew 'yong no. 3, ang galing-galing niya 'di ba? Tingnan mo kung pa'no niya i-drop—
"Oo na lang. Lampake. Idoling mo 'yan eh. Sino ba 'yang no. 3 na 'yan? 'Di naman pumasok 'yong service niya. Ano ba 'yan Luce, bano naman 'yang iniidolo mo!"
Binatukan ba naman niya ako.
"Bulag ka ba?! 'Di mo ba siya kilala? Siya lang naman si Skye Bernabe na team captain ng women's volleyball team natin! Pinagsasabi mo diyan. Tusukin ko 'yang mata mo eh. Hay ambobo talaga!"
Napaka-OA talaga saka malay ko ba.
"Skye Bernabe? Tropa ni Kate 'yan eh."
Gulat na gulat siyang napaharap sa'kin. Sino kayang mas bobo sa'min ngayon?
"Edi tropa niya lang pero sige, punta na tayo sa canteen. Nagugutom na ako. Libre mo na ha Drew?" mabait niyang sabi at ipinulupot na ang braso sa'kin. Ang lapad pa ng ngiti niya eh nakakaasar namang lalo.
Pagdating namin sa canteen ay nagturo-turo na siya agad habang nakapulupot pa rin 'yong braso niya para daw 'di ako makatakas.
"Oy ha, spicy ramen 'yong in-order ko tapos nag-add pa ako ng gyoza at yakitori. Drinks natin is matcha milktea, large," saka lang niya sinabi nang mabayaran ko na at makaupo kami.
"Ge, sabi mo eh. Idagdag ko na lang 'yan sa listahan ng mga utang mo 'no? 'Yong pamasahe tapos 'yong pinag-print kita—
"Nyenyenye."
'Di sana bumalik haha!
"Luce, may chika kamo ako," pukaw ko sa kanya. Nagpupulbo na naman eh.
"Ano 'yon? Dali, spill the tea!" Natapos na agad siyang magpulbo at itinago na sa bag niya.
"Ay, mamaya na lang pala 'pag kumakain na tayo," pambibitin ko. Mas okay kasi 'pag kumakain kaysa 'yong nakatunganga pa kami.
"Alam mo P.I. ka talaga. Kahit kailan 'di ka talaga nakakatuwa. 'Di sana 'di mo na lang sinabi 'di ba?! Nakakainit ka ng ulo," nanggigigil niyang turan sa'kin.
Tumigil lang siya sa pang-aalipusta sa'kin nang dumating na ang aming mga orders.
"Lalo talagang sumasarap ang pagkain kapag libre 'no Drew? Iba talaga 'pag Drew Torregozon ang nanlibre, laging masarap. Kaya 'wag kang magjojowa ha? Kung gusto mong sirain ang buhay mo, ako na lang sisira. At least 'don, 'di ka na lugi wala pang sakit," pangangatwiran pa nito habang ninanamnam ang pagkain.
"Kasi 'pag mga Lucy Rubio talaga mga patay-gutom eh. Meron ding sakit 'pag sa'yo 'no? Alam mo kung ano? Sakit sa bulsa. Broke na nga emotionally broke pa financially. Edi lalong humirap ang buhay."
Sinamaan niya ako ng tingin habang humihigop ng ramen. Bumelat lang ako sa kanya.
"Gusto mo bang sumama sa akin mamaya?" Napataas naman siya ng kilay.
"Sa'n punta? Overnight? Roadtrip? Date? Shopping? Prayer meeting—ay baka masunog ka pala. Sa'n mo ko dadalhin aber? Malala trust issues ko sa mga tanga."
Mabulunan sana siya.
"Ay 'wag na pala. Bawal matakaw do'n. Birthday kasi ni Hazel eh kulang daw ng handa baka pwede ka—
"Sure, sige, no problem! Anong oras daw ba? Dapat 'pag mga ganyan ini-inform mo agad ako! Sabay na tayo mamaya ha?" May pahaplos-haplos pa siya sa braso ko.
May tama talaga 'to sa utak.
"5pm. Uuwi muna ako tapos magkita na lang tayo sa mall? G?"
"G!"
****
"'Yan Drew, okay na siguro 'yan," puri ko sa sarili ko sa salamin nang makita ko ang kabuuan ko.
Simple lang naman ang suot ko. Light blue jeans, white plain polo shirt at black high-cut converse.
"Okay na siguro 'tong Bvlgari ni Mom," at ini-spray-an ko na ang sarili ko. 'Di ko kasi mahanap 'yong perfume ko kaya hiniram ko muna 'tong kay Mom. So far, 'di naman amoy matanda kaya goods naman.
Umalis na ako at nag-text na rin kay Luce na papunta na ako. 4pm pa lang naman. Buti isang subject lang ang meron kami kanina.
"Ang tagal mo Drew! Kanina pa ako naghihintay dito. Dapat ang maganda 'di pinaghihintay!" bungad agad sa'kin ni Luce nang magkita kami rito sa may fountain.
"Tara na pero samahan mo muna akong mamili ng regalo. May maisa-suggest ka bang pwedeng iregalo? 5pm pa naman daw eh. May time pa tayo." Naglakad-lakad na kami pero panay tingin naman sa'min no'ng mga nakakasalubong namin.
"Akala ata nila nagda-date tayo. Sobrang ganda ko kasi," bulong niya pa at ipinulupot na ang kanyang braso sa'kin.
Hmm, bagay naman sa kanya 'yong suot niyang dress. Nagmukha siyang tao.
Pumasok na kami sa Penshoppe. Doon niya kasi ako hinila.
"Pili ka na diyan kung anong gusto mo. Pipili na rin ako nang maireregalo ko kay Hazel." Iniwan na niya ako.
'Di ko naman alam kung anong pipiliin ko. Parang ang hirap naman ata 'pag damit? Ni hindi ko nga rin alam kung anong size ni Hazel.
"I'm done! Nakapili ka na ba?" masayang sabi sa'kin ni Luce nang makabalik siya. Ang loka bitbit na ang pinamili niyang naka-gift wrap na.
Napakamot ako sa aking ulo.
"Wala akong mapili saka ano 'di ko alam. May iba ka pa bang alam? 'Yong mura lang ah. Ano pala 'yang ireregalo mo?"
Pang-asar naman siyang ngumiti. "Secret. Girl things only, Andrew Torregozon. Dalian mo na kaya saka kahit ano namang ibigay mo. Ang mahalaga nagbigay ka kaya kahit ano na. Kilala mo naman si Hazel, walang arte sa katawan. Ikaw lang naman 'tong ano..."
"Ano? Hoy, babae rin naman ako ah! Pa-secret secret ka pa. Ano nga? Dalian mo na para makaalis na tayo." Nauna na akong lumabas. Sumabay naman siya.
"Edi ano pa edi maarte! Sobrang arte mo kaya kahit saan! Napakapili akala mo naman ang ganda. Saka ikaw? Babae? Tama, babae ang gusto!"
Putak talaga nang putak!
Binilisan ko na ang paglalakad at pumasok na ako sa isang bookstore. Naglibot-libot muna ako dahil 'di lang limited sa books and educational supplies ang paninda. May mga decorations at designs din at marami pang iba.
"Wow, iba talaga taste mo sa mga regalo. Ba't 'di mo na lang ibigay oras mo sa kanya kaysa diyan? Ayaw mo ng necklace o kaya bracelet? Para maiba naman, try mo singsing."
Ngali-ngali ko sanang ihampas sa kanya 'tong hawak ko ngayon. Seryoso ba siya sa singsing? Ba't naman ako magreregalo ng gano'n? Ano 'yon, kasal?
Tanga-tanga mo talaga Lucy Rubio.
"Ba't 'di ikaw magbigay? Ikaw nakaisip eh." Nandito na kami sa counter, magbabayad na ako. "Pa-gift wrap na rin po ma'am," magalang kong pahabol sa cashier.
"Babae ba gusto ko ha? Kabaklaan mo talaga. Ang gusto ko, pagkain ba't babae ang ipapares mo sa'kin? Mukha ba akong bayot?"
"Ah, malay ko bang nasa cabinet ka pa. Oo, mukha kang dugyot," at kinuha ko na ang pinamili ko't mabilis na tumakbo paalis. Tawa ako nang tawa dahil kay Luce na 'di na maipinta ang mukha.
***
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" masaya at sabay-sabay naming kanta rito sa loob ng mansion nina Hazel. Kasama namin sina Mia, Lucas, Zach, mga kamag-anak at iba pang close friends ni Hazel.
Bongga ang celebration ng birthday niya dahil napakaraming handa, dinaig pa ang fiesta. 'Yong cake din ay maganda at malaki dahil ilang layers 'yon at sa tuktok no'n ay may nakalagay na '20'. Simple lang din 'yong motif ng birthday niya.
Isa-isa naman kaming nagbigay ng birthday message. Bigla naman silang naghiyawan nang ako na. Bigla naman akong nahiya dahil lahat sila ay nakangiti sa'kin tapos si Hazel naman ay gano'n din.
Lumapit na ako kay Hazel habang hawak ko na ang mic at regalo ko sa kanya. Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong itulak palapit kay Hazel.
"Closer!" nanunukso niyang sigaw. Gumaya rin 'yong iba.
"Yieeee!"
"Guys, shut up muna! Pagsalitain niyo muna si Drew!" sigaw naman no'ng isang babae na pinsan ata ni Hazel.
Nanahimik naman ang lahat at nakatingin sa'ming dalawa. Pangiti-ngiti lang ako kay Hazel kasi nahihiya talaga ako at kinakabahan. Hindi ko alam ang sasabihin ko. 'Di ako prepared na may speech pala!
Huminga muna ako nang malalim.
"Happiest birthday sa nag-iisang all-around at napakagaling na student council president namin, Hazel. Wish ko lang na sana matupad at maabot mo ang mga pangarap at gusto mo sa buhay, good health syempre and more blessings sa'yo at sa family mo. Stay what you are at maraming salamat dahil lagi mo kaming pinapatawa. Happy birthday ulit Hazel. Mahal ka namin!"
Niyakap ko siya dahil naluha na siya. Nagsimula na naman ang hiyawan at kantyawan ng iba sa amin.
"Thank you so much Drew. 'Di mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayon," bulong niya sa'kin. Nginitian ko siya bilang tugon at hinaplos ang kanyang likod para patahanin siya.
Nagsimula na ang malakas na tugtugan at kantahan. Ang hyper nilang lahat. Niyaya na rin kaming kumuha ng pagkain.
"Drew, sweetheart! Buti na lang nakarating ka! Kumusta ka na?" maligayang salubong sa'kin ni Tita Lorrie at niyakap ako nang mahigpit.
"Okay lang naman po ako Tita Lorrie. Mukha pong lalo tayong bumabatang tingnan ngayon ah! Hehe," pambobola ko naman. Alam niyo naman, para naman makasabay sa mga matatanda.
Tuwang-tuwa naman si Tita Lorrie at bahagya pa akong hinampas sa balikat. "Wala ngang dudang sa'kin nagmana si Hazel, at ito bolero ang napangasawa. Oh siya mag-enjoy lang kayo rito. 'Wag na kayong mahiya. Dito ka na rin mag-stay Drew ha? Pupuntahan ko muna ang mga kumare ko."
Iginiya niya muna kami rito sa may vacant modern glass table at iniwan kami. Nanguha ako ng paborito kong fried chicken, pancit at lumpiang shanghai.
"Grabe talaga sina Hazel 'no? Iba talaga 'pag chengwa eh. Napakayaman masyado. Paampon na lang kaya ako sa kanila? Joke! Iba talaga 'pag tanggap ng parents niya 'no Andrew Torregozon? Kaya sabi ko singsing na dapat iniregalo mo eh. Tapos what if nalaman pala nilang plastic ka? Ayoko na lang mag-tell," nakangising bulong sa'kin ni Luce kaya agad ko siyang sinipa.
"Gawa-gawa ka kamo! Pa'no 'pag narinig ka diyan ha? Ora mismo ipapalit kita do'n ss lechon! Puro ka kasi katakawan kaya ganyan. Akin na nga 'yang cake, pahingi ako!" Pinasakan ko na 'yong bunganga niya ng cake para manahimik na.
"Drew! Wazzup? May lablayp ka na ba? Kung wala pa, ligawan na kita—ano ba 'yan Hazel! 'Di porket birthday mo, pwede ka nang manapak ha?" daing ni Lucas nang hinampas siya ni Hazel sa likod.
Kumpleto na kaming lima ngayon dito sa table. Ako, si Luce, Hazel, Mia at Lucas.
"Shot puno na Drew! Bawal ang 'di umiinom dito! Tagay mo na! Kanina pa kami," at ibinibigay na niya sa'kin ang isang baso ng alak na puno.
"'Di talaga ako umiinom eh. Kayo na lang, bawal akong malasing."
"Ang kj mo naman Drew, minsan lang naman 'to eh kaya inumin mo na. Promise, isang lagok tapos tapos na. Ge na Drew, 'di ka naman mamamatay dito," pamimilit pa sa'kin ni Mia.
"Oo nga Drew, isang shot puno lang para kay Hazel 'di ba guys!" si Lucas.
Nagulat naman ako nang biglang kinuha ni Luce 'yong baso kay Mia at diretsa itong nilagok. Todo cheer naman ang mga ito sa kanya. Nang naubos ni Luce ay ipinakita pa niya ang kanyang dila.
"Wooh sarap! Basic! Okay, next!" Nagsalin muli si Hazel sa baso at itinapat ito sa'kin ni Luce. "Your turn!" sabay-sabay nilang hirit sa'kin.
Kinuha ko na ito at inisahang lagok. Napa-ooh naman sila at chineer ako.
Wew! Sobrang pait, gumuguhit sa lalamunan! Ergh!
Pinunasan ko ang aking labi gamit ang hinlalaki ko nang maubos ko 'yong alak. Bahagya naman akong nakaramdam ng hilo.
"Next!" sabi ko sa kanila at tuwang-tuwa silang lahat na sinalinan ako for the second round.
Nag-inuman na kami at kumuha pa sila ng maraming pagkain pampulutan.
Makalipas ang ilang oras ay taob na sila Lucas, Mia at Lucy. Ako naman ay lupaypay na nakasandal sa kinauupuan ko. Nahihilo na ako at gusto ko ng matulog. Si Hazel naman ay lasing na rin at nakangiti sa'kin habang marahan akong tinatampal sa pisngi. Nakakandong kasi siya sa'kin dahil naglaro kami ng truth or dare at ito ang date nila sa kanya.
"Dee, tara na sa kwarto ko." Tumayo na siya ngunit mabilis ko siyang hinawakan dahil muntikan na siyang matumba.
Tumayo na rin ako at umakbay sa kanya. Nakahawak naman siya sa likod habang kinuha pa niya ang isang bote ng Carlo Rossi. Tahimik na ang paligid. Pasuray-suray kaming umakyat sa staircase nila. Hilong-hilo na talaga kaya 'di ko na alam kung saan na kami.
Narinig ko na lang ang malakas na pagsara ng pinto at ang paglapat ng likod ko sa malambot na ibabaw. Pinilit kong idilat ang mata ko. Medyo madilim ang kwarto,tanglaw lang ng lampshade ang liwanag.
Biglang pumatong sa'kin si Hazel habang hawak sa ere ang bote.
"Dee," nakangiting lasing tawag niya nang tinawag ko rin siya.
"Hazel." Hinawakan ko siya sa bewang nang biglang may likidong nabuhos sa dibdib ko.
"Ops, sorry! Lemme take off your clothes."
Hinayaan ko na siya. Una niyang tinanggal 'yong pantaas ko nang biglang tumunog ang phone ko.
"Elow?"
"Nasaan ka na?"
"Naghuhubad sa puso mo hehehe," at pinatay ko na.
Nag-scroll pa ako habang tinatanggal ni Hazel 'yong jeans ko. Hilong-hilo na talaga ako kaya nabitiwan ko na ang aking phone dahil 'di ko na kaya at nakatulog na ako.