Chapter 26 - 26

ANDY

Kate, nasaan ka na ba?

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa campus upang hanapin si Kate pero 'di ko pa rin siya makita.

Wala kaming klase ngayon pero may pasok pa rin dahil katatapos lang ng pageant. Tuwing may event, rest day namin kinabukasan. 'Di naman lumiliban si Kate ng ganito at mas gusto pa nga niyang tumambay.

"Ander! Ander! Wait!" Kanina ko pa paulit-ulit na naririnig 'yan at halos kanina pa rin naghahabulan dito dahil panay ang sunod niya sa'kin na ikinairita mula nang pumasok ako.

"Mich, pwede ba? 'Wag mo muna akong kausapin kahit ilang araw lang? 'Di mo ba nakikita na busy ako? Kanina ka pa sunod nang sunod. Nakakairita na, ano bang kailangan mo?" inis kong sabi nang harapin ko siya. 'Di lang 'yan ang dahilan kung ba't kinaiinisan ko siya ngayon.

"Ayoko. Hindi ako titigil hangga't 'di mo ako pinapansin. Ikaw lang ang kailangan ko wala ng iba," seryoso niyang pahayag habang diretsong nakatingin sa aking mga mata. 'Di ko mabasa kung anong meron sa mga matang 'yon pero...alam kong may ipinapahiwatig.

"Hindi ako nakikipagbiruan Mich. Iwan mo muna akong mag-isa-

"Dahil hahanapin mo si Kate 'di ba? Kaya kanina ka pa 'di mapakali?"

Hindi ako umimik dahil totoo naman.

"Ang swerte swerte naman niya. Kahit na may boyfriend na siya hinahabol mo pa rin. Eh ako kaya na mahal ka, kailan mo mapapansin?" may himig ng kalungkungtang sabi niya. "Willing naman akong maghintay kahit gaano katagal."

"Mahal? No. What about what you did last night? You know..." Tinalikuran ko na siya dahil pigil na pigil na ang inis ko. Baka ano pang masabi ko sa kanya.

"That I kissed you? Sariwa pa rin sa'kin 'yon and I won't forget that. If you're thinking na mag-so-sorry ako-

"Just forget it. Iisipin ko na lang na aksidente lang ang lahat."

Fuck you, self! Ang ganda nga sana kung makakalimutan ko 'yon at kung aksidente lang kaso hindi!

She only stole my very fucking first kiss!

Natawa naman siya nang pagak.

"You're unbelievable, Andrew Torregozon. So, that's it? Gano'n gano'n na lang? Wala lang ba 'yon-

"Then why did you that?" Sa wakas ay muli kong nasabi.

Pinakaiingat-ingatan ko 'yon dahil gusto kong si Kate ang maging first kiss ko. Siya lang.

'Di ko na pinakinggan si Mich at umalis na ako. Wala ng silbi kung anuman ang rason niya dahil nangyari na. Kung pinag-ti-trip-an lang niya ako, sana iba na lang.

"Dee!" rinig kong may tumatawag sa'kin pero 'di ko pinapansin. Ayoko munang kumausap ng ibang tao.

Naglalakad pa rin ako sa kawalan nang biglang may humila sa braso ko at kinaladkad ako.

"Mich, ano ba?! Sa'n mo ba ako dadalhin? Bitiwan mo nga ako!"

Tila wala naman itong narinig at patuloy lang akong kinakaladkad. Wala gaanong estudyante kaya ang lakas ng loob niyang ganituhin ako. Hihigitin ko na sana 'yong braso ko nang lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa'kin.

"Michelle, ano ba! Sinabi ko na ngang-

"Ayan. 'Di ba 'yan ang gusto mo? 'Yong kanina mo pa hinahanap? Ayan na siya. Nahanap mo na," walang ka-emo-emosyong saad niya saka ako binitiwan.

Sa sandaling 'yon tila naestatwa at ipinako ako sa aking kinatatayuan. Parang tinutusok ang puso ko ng karayom nang paulit-ulit. D-dapat m-masaya ako para sa kanya dahil nanalo siya sa pageant. Gusto ko lang naman na i-congratulate siya pero...someone's already congratulating her with a kiss.

"Paano kaya maging isang Kate Silovera? How does it feel to be someone's happiness? How to be your happiness, Andrew?"

Instead of answering her, I ran away. I couldn't take anymore of what I'm seeing.

It really hurts so much, Kate.

Patuloy lang ako sa pagtakbo pati ang pag-agos ng luha ko. 'Di ko na alam kung saan ako papunta hanggang sa napadpad ako rito sa indoor swimming pool area ng university.

Buti na lang ako lang ang nandito. Walang makakarinig sa paghikbi ko. Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Ang sakit sakit.

Nagulat ako kaya mabilis kong pinahid ang aking mukha gamit ang aking damit dahil biglang may humawak sa kaliwang balikat ko.

Pag-angat ko ng aking tingin, may nakaabot na hello na chocolate sa gilid ko.

'Di ko magawang tumingin sa kung sinumang taong kasama ko ngayon dahil mahahalata niyang umiiyak ako.

"Dee? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito sa 'kin.

Si Hazel pala 'to. Wrong timing talaga ng mga tao ngayon. Umalis ka na nga Hazel, istorbo ka.

'Di ako sumagot at baka pumiyok ako kaya kinuha ko 'yong hello saka ibinato sa swimming pool.

Hinawakan niya ako sa pisngi at iniharap ang mukha ko sa kanya.

"Hey, umiyak ka ba? Sinong nagpaiyak sa'yo? Itulak mo rito, lulunurin ko," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa mga mata kong nagbabadya na namang lumuha.

Tinapik ko lang palayo ang dalawang kamay niya sa pisngi ko upang iwasan siya.

"Wala. Tears of joy lang," tipid kong sagot habang nakatulala sa kawalan.

Tinusok lang naman 'yong puso kong nagmamahal.

"So, may nangyari nga? Anyway, kung anuman o sinuman ang nagpaiyak sa'yo, kalimutan mo na. Dapat 'di iniiyakan ang mga walang kwentang bagay," at tumabi siya sa akin.

Naramdaman ko ang paglapat ng katawan niya sa akin kaya mabilis akong lumayo. Ayoko muna ng kahit na anong physical contact.

"Ba't ka ba nandito?" walang gana kong tanong. Nauna kasi ako rito at gusto kong mapag-isa pero ayon dumating siya kaya wala na.

"Malamang lumalangoy. I'm bored at wala namang klase. You know what? Kaysa magmukmok ka diyan, swimming tayo! Tara!" masaya niyang yaya at hinila ako ngunit hindi ako nagpatinag.

"Drew, dali na. 'Wag ka ng magpabebe. Ang ganda ganda mo tapos sinasayang mo lang sa ganito. Dito ka na lang sa akin. Mag-swimming. Marunong ka ba?" pamimilit niya pa sa'kin.

Napasimangot ako sa huling sinabi niya.

"Mas lalong ayoko. Lumangoy ka na, dito lang ako."

Anong tingin niya sa akin? Ano pa lang silbi ng isla namin kung 'di ako marunong lumangoy.

Bigla naman akong naalarma kay Hazel.

"Hazel, ba't ka naghuhubad?! Itigil mo 'yan, baka may makakita sa'yo!" kinakabahan kong sabi sa kanya pero wala siyang narinig. Itinuloy lang niya ang paghuhubad kaya mabilis akong tumalikod at sumubsob sa'king tuhod.

"Okay na Drew, pwede ka nang tumingin. Inayos ko na."

"Sure? Ang bilis naman ata? Check mo ulit para sure na sure," nagdududa kong sagot sa kanya. Mahirap ng malagay sa peligro 'no.

"Why don't you turn around para malaman mong okay na? As if may makikita kang 'di kaaya-aya."

Humarap na ako sa kanya dahil nakumbinsi na niya ako at dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.

"Wahh Hazel!" Napamura na ako nang tuluyan saka mabilis na pumikit at tinakpan ko ng aking palad ang aking mga mata. "Sabi mo okay na ba't hubo't hubad ka?! Aalis na ako Hazel!" sigaw ko ngunit naramdaman kong hinawakan niya ako.

"Ligo na tayo! Ang init-init kaya!" Patakbo niya akong hinila habang ako'y nakasunod lang na nakapikit.

"Ayaw!" Ayoko talagang nakakakita ng ibang babaeng nakahubad. Oo parehas naman kaming babae pero ako 'yong nahihiya talaga. 'Di ako sanay kaya nga tumatalikod agad ako at umiiwas. "Hazel, 'yong phone ko! No!"

Wala, huli na. Lumubog na kami sa tubig.

"Wooh, ang sarap!" sigaw niya habang ako nama'y pinasukan na ng tubig sa tenga at ilong. Halos mapasinga na ako rito habang pinapahid 'yong tubig sa mukha ko. Inalog-alog ko na rin ang tenga kong nabarahan ng tubig.

Nang maidilat ko ang kaliwa kong mata ay nakita kong nakangiting nakatingin sa akin si Hazel habang ikinakampay ang kanyang mga braso sa tubig.

"Maghubad ka na para walang sagabal."

"Wala akong pamalit saka..." Bigla akong kinabahan nang 'di ko makapa 'yong phone ko.

Shit! 'Yong mga lamang pictures 'don! Fuck!

Sumisid ako para hanapin at habang pigil-hininga ako'y naaninag kong nasa bottom floor na ng pool ito.

"Hoo!" sigaw ko nang makaahon habang mahigpit kong hawak ang aking phone.

"Anong ginawa mo?" tanong ni Hazel palapit sa'kin.

"Nahulog phone ko," at lumangoy na ako papunta sa side ng pool.

Pinindot-pindot at tinaktak-taktak ko 'yong phone ko nang makaupo ako rito sa tiles pero ayaw talagang magbukas. Gusto ko na sanang ibato rito kaso 'di puwede.

Nasa phone ko lang naman lahat lahat ng mga mahahalagang bagay lalo na ang mga pictures at videos namin ni Kate pati mga vms niya na music playlist ko na.

Hay Kate.

Bumalik ako sa aking ulirat nang wisikan ako ni Hazel ng tubig.

"Natulala ka na naman! Bili ka na lang ng bagong phone o kaya kung gusto mong matuyo 'yan, tapat mo sa apoy."

"'Di gawin mo sa phone mo," badtrip kong sagot sa kanya. Siya palang nakaisip edi siyang gumawa. "Aalis na ako, bahala ka na diyan. Kausapin mo 'yang tubig."

"Ayaw ko sa lahat ay 'yong tinatalikuran ako." Nakalapit agad siya at nahawakan ako sa braso.

Nakipagsukatan ako ng titig sa kanya at 'di ako nagpatinag sa kanya kahit na nakahubad siya dahil badtrip ako't walang pakialam. Mahigpit kong hawak ang aking phone.

"At ayoko rin sa lahat ay pinipigilan ako."

Tinantya muna ako kung seryoso ba talaga nang biglang itong ngumiti.

"Fine. Leave," at nag-dive na ito sa swimming pool.

Tinungo ko na ang pinto para lumabas ngunit ayaw magbukas.

Pinihit ko pa ng ilang ulit pero ayaw talaga kaya malakas ko itong hinampas dahil sa matinding frustration. Basang-basa na nga ako tapos...kung 'di lang talaga ano 'tong phone ko, inihampas ko na rin.

Ano bang nangyayari sa'kin ngayon. Puro kamalasan hay!

Padabog akong bumalik kay Hazel. Kasalanan niya talaga 'to eh!

"Hoy Hazel! Ayaw mabuksan no'ng pinto, ba't mo kasi ni-lock? Buksan mo na nga nang makalabas na ako!" reklamo ko sa kanya pero ang siste, nagpalangoy-langoy lang siya na parang tanga.

"Leche naman Hazel! 'Di naman kasi ako nakikipagbiruan! 'Di mo ba nakikita na basang-basa na ako oh. Pa'no kung magkasakit ako ha? Edi 'di ako makakapasok tapos babagsak ako tapos maghahabol ng mga quizzes—

"Edi okay na magkasakit ka para ako ang mag-aalaga sa'yo oh 'di ba? Saka Dee, ano bang meron sa'yo ngayon? Ang lala mo kasi, para kang ewan. 'Yong totoo, ikaw ba 'yan?" pamimilosopo pa niya sa akin na ikinasimangot ko.

"Hintayin ko na lang sigurong tumanda ako rito at mamatay bago makalabas kaysa mag-aksaya ng laway." Umupo na ako sa gilid at bumuntong-hininga.

"Kung gano'n sabay pala tayong tatanda na magkasama rito. Kahit 'wag na pala tayong lumabas. Kaya gustong-gusto kita eh."

'Di ko siya pinansin. Minamaligno lang siya kaya kung ano-anong sinasabi.

"Dee, anong isda ang 'di lumalangoy?"

Tumingin ako sa gilid saka sa kisame para hanapin 'yong nagsasalita kung meron man.

"Seryosong tanong kasi 'yan Dee. Sige 'pag nasagot mo, bubuksan ko na 'yong pinto at aalis na tayo, promise," panloloko na naman niya sa'kin.

"Promise is the new scam kaya tama na."

"Sagutin mo na kasi, 'di 'yong andaming kuda. Daig mo pa 'yong mga babaeng maaarte. 'Pag nasagot mo, may kiss ka sa'kin," may pataas-taas pa ng kilay nitong sabi.

Akala niya talaga natutuwa ako. Ayoko na sa kiss kiss na 'yan. Trauma lang inabot ko.

'Di ko sana papatulan 'tong mga katangahan niya pero for the sake na makaalis lang ako edi okay.

"So, anong isda ang 'di lumalangoy? Edi flying fish," simpleng sagot ko habang naka-poker face sa kanya.

Bigla naman siyang humalakhak na parang baliw. May problema ba sa sagot ko?

Hinintay ko munang matapos siyang tumawa baka kasi kulang pa niya. Mabitin pa ngalangala niya.

"Now I know kung ba't single ka Dee. Grabe talaga pero your answer is wrong. Alam mo kung anong sagot?" maluha-luha pa niyang tanong sa'kin na sinasakyan ko na lang para matapos na.

"Ano?"

"Edi fishda."

"Ah. Alam mo na rin kung ba't walang magkakagusto sa'yo 'no Hazel? Okay lang 'yan, ang mahalaga buhay."

"Patay na patay naman sa'yo kaya bawing-bawi naman. Anyway, punta ka sa bahay bukas. Birthday ko. Hihintayin kita, 5pm. Bawal 'di um-attend. Dapat nandoon ka," maawtoridad niyang saad habang tinuturo ako.

"Ayoko. Wala ako sa mood saka nakakatamad," walang ganang sagot ko sa kanya.

"Dee naman! Once a year lang naman ako nag-bi-birthday eh tapos 'di ka pa pupunta. Pinaghandaan ko pa man din 'yon. Dee please? Pumunta ka na kasi," malungkot at pagmamakaawa niya sa 'kin.

Natatawa naman ako sa loob-loob ko. Para kasing iiyak na siya.

"Pilitin mo muna ako—

Bigla niya akong kinabig and she kissed my cheek. Nanlaki naman ang mata ko at 'di ako makagalaw. I could feel something soft pressing on my skin kaya bigla akong nahiya. I didn't expect that she would do that. Matagal muna 'yon bago siya humiwalay sa'kin.

"Okay na? Pupunta ka na?" she whispered on my ear.

"O-okay na Hazel! Binibiro lang naman kita. Oo, pupunta ako syempre."

"Yes!" at hinatak na niya ako sa pool at niyakap nang napakahigpit.

Grr, lamig ng tubig!

Masayang-masaya siyang nakayakap sa'kin nang maramdaman ko na lang ang matigas na semento sa likod ko.

"H-Hazel?" nauutal kong sambit dahil na-corner niya ako rito sa pool. Nakatitig siya sa'kin.

"Thank you, Dee. You made me happy. You always do. You know what I really like—

May sunod-sunod na kumakalampag sa pinto kaya umahon na ako.

"Tara na," sabi ko sa kanya. Tumango naman siya kaya kinuha ko na ang towel niya at ibinigay sa kanya.

"Okay ka na?" Humawak na siya sa'kin at umalis na kami. Ako na ang may dala ng mga gamit namin.

Patuloy pa rin ang pangangalampag sa pinto nang nasa tapat na kami nito. May pinihit lang si Hazel at bumukas na ito.

Hinila na niya ako at siya na ang nauna. May nasagi pa ako pero 'di ko na nakita kung sino dahil nagmamadali na kaming dalawa.

"Hazel, may pool pa pala rito? Akala ko 'yon na 'yong swimming pool natin sa buong university?" nagtataka kong tanong dahil sa nilabasan namin ay mas malaki 'yong pool at ilan din ang mga ito na may daanan sa gitna.

"Seryoso Dee? 'Di mo alam? Private pool lang 'yong pinuntahan natin tapos itong dinadaanan natin ngayon pang-practice lang ng mga varsity. Ang Maximilian University Swimming Pool ang sarili at pinaka-main swimming pool ng swimming team natin. Sobrang layo no'n dito, doon pa sa may oval," pagkukwento sa'kin ni Hazel na ikinatango ko na lang.

Ang tagal ko nang nag-aaral dito, ngayon ko lang nalaman. Atleast, now I know.

Luh Drew, lagi ka kasi sa gym ng cheerleading squad kaya pa'no mo malalaman?

Shut up brain!

Saka lang ako bumalik sa aking ulirat nang hatakin ako ni Hazel ni papasok sa isang pinto.

"Sabay na tayong maligo!" Nandito na kami sa isang locker room. Sumunod na ako sa kanya. Inilapag ko na 'yong mga gamit namin. Dumiretso na ako sa isang shower doon at naghubad na.

Potek, ang sarap sa pakiramdam ng malamig na tubig sa katawan! Hmm, feelin' fresh!

Pa-hum hum pa ako rito habang nagsasabon kasi naman, first time kong maligo. I mean dito kasi t'wing may practice kami umuuwi na ako pagkatapos at sa bahay na lang ako maliligo.

Ilang saglit lang ay natapos na ako. Inabutan na ako ni Hazel ng towel at nang lumabas ako ay nadatnan kong nakaupo si Hazel sa isang bench dito habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang towel niya. Nakabihis na rin siya ng beige sweatsuit at white sneakers.

Lumapit agad siya sa'kin nang mapansin ako at ngumiti.

"Magbihis ka na. 'Di ko pa nagagamit ang mga ito."

"Thank you Hazel. Wait lang ha?" Nagbihis muna ako saglit. Ngayon ay nakasuot na ako ng black sweatpants at white long sleeve sweatshirt na may design na snoopy sa gitna. Pinahiram din niya ako ng red adidas slides kaya naman maayos na ang itsura ko ngayon.

"Wow ang pogi este ganda mo ah. Bagay na bagay talaga sa'yo 'yan. And with one final touch," sabay ini-spray-an niya ako ng pabango. "Perfect! Picture muna tayo bago umalis." At nag-picture nga muna kami. Nang makuntento na siya ay niyaya ko na siya.

Kinuha ko na 'yong phone kong patay na habang siya raw ang bahala sa basa kong damit at kunin ko na lang daw bukas sa kanila.

Papunta na kami ngayon sa university swimming pool dahil may ipapakilala raw siya sa'kin at para matulungan daw ako sa aking phone. Nag-sorry na si Hazel dahil doon.

Medyo makulimlim din habang naglalakad kami kaya maganda-ganda maglakad. 'Di mainit tapos wala na kaming iniinti ding klase.

Kaya paborito ko talagang maging tambay dito sa university. Mas madalas 'yong paglalaro ko ng badminton kaysa pag-aaral pero 'di naman alam nina Mom and Dad. 'Di rin naman ako nagpapabaya 'no!

"We're here!" masayang sambit ni Hazel at pumasok na kami nang bigla siyang binuhat ng isang matangkad na lalaki.

"Zel! I missed you!" masaya ring bati sa kanya ng lalaki habang yakap-yakap siya nito nang mahigpit.

Tumalikod muna ako para hintayin silang dalawa. Bigla kong naalala si Kate. Parang gano'n din kaming dalawa pero ngayon...Ang tagal na naming 'di nag-uusap, pakiramdam ko taon na.

Biglang may kumuwit sa balikat ko.

"Hi! The name's Zach and you're Drew right?" bati naman sa'kin ng lalaki. Lagi talaga siyang nakangiti. Matangkad siya, moreno, mapayat, may piercing sa ilong at kulot ang buhok na maikli tapos kulay yellow. Mukha tuloy siyang pancit canton tapos biyakers pa 'yong hati ng buhok niya.

"Hello, yeah," at nahihiya akong ngumiti.

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong inakbayan saka inalok ng dala niyang fita.

"Bukambibig ka kasi nitong crush ko kaya kilala na kita. 'Wag kang mag-alala Drew, tropa na tayo! Tara na guys, gumala na muna tayo!"

Makalipas ang labing-limang minuto ay nakarating na kami rito sa mall. Nagkayayaan muna kaming kumain dito sa Mang Inasal dahil gutom na gutom na raw si Zach at libre naman daw niya.

"Picture muna tayo bago ako maging third wheel," at nag-groupie na kami. "Accept mo ko Drew sa fb. Add na rin kita sa ig 'no? Wala bang magagalit?" malokong tanong niya sa'kin.

"W-wala naman."

"'Wag mong i-accept 'yan. Stalker malala 'yan tapos puro pambababae at kaanuhan ang pinopost. Yuck!" bwelta naman ni Hazel sa tabi ko.

"Kain na tayo Drew, yaan mo na 'yang mga babaeng putak nang putak. Ganyan sila 'yan, 'yon pala nagseselos na 'di ba? Oh, cheers tayo diyan."

Masaya kaming kumakain habang itong dalawang kasama ko ay puro bangayan at asaran. Tinatawanan ko na lang silang dalawa pero deep inside naaalala ko si Kate.

Madalas din kaming lumabas noon tapos lagi ko siyang nililibre. 'Di naman kami nagbabangayan kasi laging tama si Kate kahit mali siya. A-agree na lang ako kaysa 'di niya ako pansinin at syempre ayokong nagagalit sa'kin 'yon. 'Di ko kayang 'di niya ako pansinin tulad ngayon.

"Dee? Okay ka lang ba? Ba't 'di mo ginagalaw 'yong pagkain mo? Ayaw mo ba?" pukaw sa'kin ni Hazel.

"Okay lang ako Hazel. May naisip lang ako," at ipinagpatuloy ko na ang pagkain.

"'Wag mo nang isipin 'yon. May mahal ng iba 'yon. Ako na lang ang isipin mo," sabat ni Zach sa 'min kaya binato ito ni Hazel ng tissue.

Tama na Zach, pwede ba? Alam ko na nga, sasabihin mo pa. Masakit na.

Pagkatapos namin ay naghanap kami kung saan pwedeng ipagawa 'tong phone ko.

"Ba't kasi nabasa 'yang phone—iphone pala phone mo? 'Wag tayo diyan. May kilala akong naggagawa. Mabilis tapos libre pa kung kasama mo ako. Tara na."

Sumunod na lang kami ni Hazel kay Zach. Hawak na rin niya 'yong phone ko. Huminto kami sa isang phone repair shop at siya na ang nagpagawa sa loob. Maghintay na lang daw kaming dalawa.

Wala pang ilang minuto ay lumabas na si Zach.

"Sabi ko balikan na lang natin. Maglibot-libot muna tayo. Mamaya pa naman kayo uuwi 'di ba?"

"Tara na pala!" at hinila na kami ni Hazel.

Kung saan-saan kami umabot. Una sa mga clothing stores. Napakakulit palang kasama ni Zach daig pa niya ang mga babae. Nandoon na nagturo-turo siya ng mga damit tapos magsusukat, 'di rin naman niya bibilhin. Imbyerna sa kanya si Hazel dahil napakaarte naman daw nito samantalang ako ay sinasakyan ang mga kalokohan ni Zach.

"Puta, ampapangit ng mga damit. Puro branded nga napakapangit naman. 'Di worth it sa price. Buti pa 'yong mga duster, konti pa mukha ng basahan. Pa'no kaya Zel kung duster isuot ko sa swimming competition?" panlalait ni Zach habang 'di pa kami gaanong nakakalayo sa shop na pinuntahan namin.

"I-tuck-in mo kamo sa brief mo pre at wala ka namang pambili, feeling ka."

Patuloy lang sila sa pag-aasaran habang ako nama'y inililibot ang tingin kung ano ang pwede kong bilhin para kay Kate.

May pupuntahan sana akong shop nang bigla akong inakbayan ni Zach at pinicture-an ako.

"Selfie ulit tayo Drew! Smile pa, 'yong kita ngalangala. Next shop na tayo!" Kulang na lang masakal na ako ni Zach kaaakbay niya sa'kin.

"Anong gagawin natin dito Zach?" alanganin kong tanong sa kanya nang matapat kami sa isang piercing shop.

"My favorite! Pasok na tayo! Samahan mo akong magpa-piercing. Meron na ako sa ilong sa nipple ko kaya next?" at hinatak na niya ako papasok. 'Di ko na alam kung nasa'n na si Hazel.

Tahimik lang ako naglilibot sa loob ng shop. Spacious siya tapos may nagta-tattoo rin. May mga tindang vape na sa tingin ko ay pricey.

"Ma'am, try niyo po itong Venom's. Marami pong namimili niyan dahil bukod sa affordable ma'am, karamihan babae po ang gumagamit saka maganda po 'yan at pwede pa po kayong mamili ng flavor na gusto niyo. Bigyan ko po kayo ng dalawang free kung—

"Hindi po ako nag-va-vape," magalang kong sabi at bumalik kay Zach.

"Dee, pa-tats tayo nito oh," biglang sulpot ni Hazel habang may hawak na clearbook. Tiningnan ko ang tinutukoy niya.

Heart? Para saan naman kaya?

"Ayaw mo niyang rosary o kaya tiger? Maayos din naman 'yong design, 'yon nga lang mukha kang tanga. Pero maganda 'yong minimalist lang kaya try mo 'yang rosary," suhestiyon ko kay Hazel. Nakumbinsi naman siya sa pinagsasasabi kahit joke joke ko lang.

"So, pa-tats na tayo?" panghihikayat niya sa'kin ngunit umiling lang ako.

"Gusto mo bang wala na akong mauwian? Saka ano, pwede namang pentel pen na lang. Pa-tats ka na Hazel, panoorin kita."

Tinawag na niya 'yong isang lalaking kalbo na puro tattoo at pumuwesto na.

"Kuya TJ, sun and moon sa batok ko tapos 2002 sa may collarbone at heart sa wrist. Dee, sabihin mo na rin kay Kuya TJ kung ano 'yong sa'yo. Suki at kilala na kami ni Zach dito. Pwede rin naman pentel pen 'no Kuya TJ?" Handang-handa na si Hazel habang ako nama'y kinakabahan na.

Gusto ko na tuloy umalis. Malilintikan talaga ako nito lalo na kay Mom.

"Ha? Pentel pen? Para sa kanya ba? Naks naman Hazel, nauto ka na ba ni Zachy boy? Hingang malalim na para sa mga first timers. Miss, wait lang ha? Saglit lang naman ito."

'Di na ako sumagot at pinanood lang silang dalawa.

"Next na po, ano pong design sa inyo miss? Dito ka na po umupo habang inihahanda ko 'yong pentel pen pero lalagyan ko ng twist para naman maging realistic 'yong ink mo," nakangiting sabi ni kuya. Umupo na ako sa tapat niya.

Sigurado ka na ba talaga self sa gagawin mo? Bahala na siguro, 'di naman talaga 'to tattoo eh.

"Drew na lang po ang itawag niyo sa'kin. Ano lang po sa'kin uhm...ano," nahihiya kong sambit. Baka kasi tumawa si kuya at si Hazel.

"Dee, c'mon! Ang saya kayang magpa-tats, chill lang. Idiretso mo na kasi!" sabi niya sa gilid ni kuya.

"Drew, 'wag ka ng mahiya. Ano bang ipapalagay mo? Promise, marami na akong nakitang mas malala pa," pang-e-encourage pa ni kuya kaya mas gusto ko na tuloy umatras.

Huminga muna ako nang malalim saka nagsalita.

"A-ano po kuya, 'yong ano kasi...dolphin po sana at orasan," sa wakas ay nasabi ko rin.

"Akala ko naman itlog. Sige, kalma lang Drew kung ayaw mo pwede ka namang matulog."

Habang busy si kuya sa akin ay pumikit muna ako at makalipas ng kalahating oras ay natapos na. Akmang ilalabas ko na 'yong wallet ko nang pigilan niya ako.

"Libre na 'yan. Sana nagustuhan mo," sabay nag-thumbs up siya sa'kin. Nagpasalamat naman ako dahil ang babait nila rito.

Tiningnan ko ang aking kaliwang kamay kung saan may dolphin na sakto lang ang laki habang nasa ilalim ng braso ko 'yong orasan na medyo may kalakihan. Detailed na detailed 'yong clock. Kulay itim ang outline ng kabuuan tapos bilog ang shape at Roman Numerals ang mga numbers.

"Hey Drew! Nagpa-tat ka? Ang astig ah! Tapos na ba kayo? Zel ikaw ba? Kuya TJ, Kuya Ted at Kuya Anton, punta na kami! Maraming salamat mga bro!"

"Balik ulit kayo!"

Matapos ay nag-picture na naman kaming tatlo saka naglaro sa arcade. Nakakuha kami ng de remote na laruan dahil sa napanalunan naming tickets. Binigay na lang namin kay Zach 'yon.

"Mukhang 'di pa tayo makakauwi. Sobrang lakas ng ulan oh. 6pm na rin pala," sabi ni Hazel habang naglalakad kami.

"Dinner na muna dito sa KFC. Ano bang gusto niyo? O ako ng bahala?"

"Ikaw ng bahala," sabay naming tugon ni Hazel.

Nag-order na si Zach habang nagpaalam naman ako kay Hazel na aalis saglit. Buti na lang 'di na ito nangulit pa.

Hinanap ko 'yong shop na lagi kong pinagbibilhan. Buti na lang ay open pa ito. Nagtingin ako ng mga light colors at sakto may color peach.

"Ma'am pa-embroider din po ito ng pangalan. Magkano po lahat?" tanong ko sa babaeng nagtitinda.

"Two hundred po ma'am. Pasulat na lang po rito sa papel 'yong pangalan." Nang maiabot ko ang papel ay ginawa na agad ito ng tindera.

Naghintay ako ng ilang minuto at mayamaya'y nakasupot na ang binili ko.

"Ma'am, pwedeng pa-box na lang po saka palagay ng ribbon? Magkano na po?"

"Three hundred po," at nang mabayaran ko ay nagpasalamat na ako't umalis. Nakangiti kong hawak ang maliit na box habang iniisip si Kate.

Pagbalik ko ay magsisimula pa lang silang kumain. Magtatanong pa sana sila ngunit umupo na ako at niyaya na silang kumain.

Kaunti na lang ang mga tao nang matapos kami.

"Tara, kunin na natin 'yong phone mo Drew para makauwi na tayo," yakag ni Zach at umalis na kami.

Pagdating sa phone repair shop kanina ay pasara na ito kaya nagmadali na si Zach. Saglit lang ay iniabot na niya sa'kin ang aking phone.

"Okay na? Gumagana na ba? Anong ginawa?" sunod-sunod na tanong ko kay Zach.

"Syempre pinatuyo kasi nabasa 'di ba? Libre na lang 'yan. Si kuya ko ang gumawa niyan dahil siya may-ari nitong shop tapos pinsan ko naman 'yong nandoon sa may tattoo-an."

Dabest pala talaga itong si Zach. Daming connections.

"Maraming-maraming salamat Zach. 'Di ko tuloy alam kung paano ka susuklian."

"'Di ako tumatanggap ng thank you. Gusto ko date mo ako," prangkang sabi nito na ikinagulat ko naman.

Binatukan ba naman siya nang malakas ni Hazel kaya napahimas siya sa ulo niya.

"Joke lang. Date mo na lang 'tong si Hazel para makabawi ka sa'kin. Deal?" Inilahad na niya ang kanyang kamay.

Napatingin naman ako kay Hazel na sinasagi si Zach na napapangiti na lang.

Date? Ayoko sana kasi...pero nakakahiya dahil andaming nilibre sa'kin ni Zach tapos nakakaano namang tumanggi.

Sige, para lang makabawi kay Zach.

Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. "Deal."

Bigla namang napasigaw ng yes itong si Zach at nagbulungan pa sila ni Hazel na bahagyang namumula ang mukha.

"One week date 'yan ha Drew? Wala ng bawian!"

"Eh? One week?! Akala ko—

"Uwian na! Hatid ka na namin Drew!"

Patay! Naloko na!

***

"Zach, Hazel, maraming salamat ngayong araw ha? Nag-enjoy ako sa paggagala natin," paalam ko sa kanila nang makarating kami rito sa bahay namin.

"Sure, no problem basta 'wag mong kalilimutan 'yong deal natin ha? Ingat ka, sisibat na kami ni crush. Bye Drew!"

"Bye Dee, I'll text you 'pag nakauwi na kami ni Zach! Ingat ka! Goodnight!" at pinaharurot na ni Zach ang kanyang kotse paalis.

Papasok na ako sa gate namin. Gabi na rin at madilim dito sa bahay. Tulog na kaya sina Mom and Dad?

Pinihit ko ang doorknob pero sarado. Walang kailaw-ilaw sa loob. Kapag nandito sina Mom bukas sana kahit ang ilaw lang dito sa labas pero wala talaga.

Kinapa ko sa ilalim ng mat ang spare key. Nang mabuksan ko ang pinto at ilaw ay 9pm na pala ng gabi. Tahimik sa loob ng bahay. Mukhang wala ang parents ko. Baka may pinuntahan o umalis na.

Ni-lock ko na ulit ang pinto at dumiretso na ako sa aking kwarto. Ipinatong ko na ang aking pinamili at phone sa study table ko at pabagsak na humiga sa kama.

I locked everything then I opened my lampshade para 'di gaanong maliwanag. Pumikit na ako dahil sa sobrang pagod.

Nakukuha ko na 'yong tulog ko nang parang lumubog ang kanang bahagi ng kama ko.

I swear I smelt Kate's scent or I'm only imagining things and then I fell into a deep slumber.