Chapter 28 - 28

ANDY

"Okay na ba ang bedsheet mo? Isama mo na nga 'tong mga punda at towel mo. Pasabay na rin 'tong bedsheets namin saka ito pa ang mga damit mo pati damit namin ng Dad mo—

"Mom naman! 'Di ka ba naaawa sa akin?! Kanina pa ako nagkukusot at nagtutungga oh! 'Di na ako matapos-tapos sa mga bedsheets at damit tapos may kasunod na naman! Ilang damit pa ba Mom ang uubusin ko? Look at my hands, kulubot at masakit na. Mom kasi, stop na!" reklamo ko dahil halos itambak na niya sa'kin ang lahat ng labahan. Kanina pa ako naglalaba simula alas sais ng umaga eh anong oras na tapos basa na rin ako!

"Ayan ang mga napapala ng mga taong puro party at pag-iinom ang alam. Uuwi nang kinabukasan na tapos pag-uwi may tattoo pa! Makikita mo na lang na puro suka, hindi pa makontak. Pa'no kung may nangyaring masama sa'yo? Edi nganga na kami. Buti na lang talaga ikaw Andrew Torregozon 'di ka pa buntis sinasabi ko talaga sa'yo! Subukan mo lang talagang umuwi na malaki na ang tiyan, sinasabi ko talaga, makikita mo ang hinahanap mo! Ulitin mo pa ha?!" galit na dakdak sa'kin ni Mom habang gigil na gigil niyang itinatapon sa batya ang mga maruruming damit. Maging ako ay natatamaan niya.

Nalaman at nakita kasi ni Mom ang lahat simula no'ng makauwi ako galing kina Hazel no'ng isang araw. Paggising ko ay nasa tabi ko na si Mom na mahigpit na nakahawak sa braso kong may tattoo at galit na galit. I tried to explained everything but she wouldn't let me.

"Pentel pen lang naman kasi 'yong tattoo ko na tumagal lang ng ilang araw saka no'ng birthday lang naman ni Hazel ako nalasing-

"Aba't sumasagot ka pa ha?! Henry! Ilabas mo nga ang mga maruruming kurtina't basahan dito pati 'yong mop! Itong magaling mong anak na lang ang maglalampaso diyan! Magluto ka na, wala na tayong makain. Tanghali na!" sigaw namang utos niya kay Dad. Pati si Dad ay nagmamadali at 'di na magkandaugaga. Gulo-gulo na ang buhok nito tapos lukot-lukot at bukas pa ang butones ng damit nito.

Naiiyak na ako sa mga pinagsasabi ni Mom lalo na 'tong mga pinapagawa niya sa'kin. Ang dami-dami tapos pagod na ako. Naluluha na ako kasi grabe na siya kaya pinunasan ko na ang gilid ng mata ko gamit 'yong neck ng tshirt ko.

"'Wag mo akong dinadramahan Andrew. Isa," ngasngas na naman niya habang ako'y sumisinghot-singhot pa.

Nagbanlaw na muna ako saka nagsabon at nagkusot habang ang madrasta kong ina ay sitting pretty na nakaupo sa tabi, pinapanood ako habang nagpapaypay pa.

Tuwang-tuwa siguro siya pwes ako hindi! Deserve ko ba 'to? Nasasaktan na nga ako araw-araw sa pagpasok tapos pagdating dito sa bahay ganito naman!

What if mag-breakdown kaya ako ngayon? Para mas ma-stress si Mom. Deserve din naman niyang ma-stress kahit paminsan-minsan dahil never namang nai-stress 'yan. Masyado kasing mahal ni Dad.

Nagpatuloy lang ako sa ginagawa at nang damit na ni Mom, gigil ko itong kinusot at gigil ding pinalo gamit ang palo-palo niya. Halos tumalsik 'yong tubig pati bula sa gigil ko.

Para aware siyang nanggigigil ako!

"This is the real life of a real queen! Napakasarap talagang mabuhay ng walang ginagawa," biglang sabi niya kaya napaangat ako ng tingin. Napakalapad ng ngiti habang may hawak na sangria. Feeling nasa beach at naka-hat pa.

Makalipas ang ilang minuto ay tinawag siya ni Dad kaya ang laking tuwa ko sa loob-loob ko. "Babalik ako, tapusin mo 'yan," madiin niyang sabi at pinandilatan ako ng mata.

Pagkaalis ni Mom, kinuha ko agad ang nakatago kong phone na may waterproof case at nag-scroll saglit. Chineck ko lang kung may nag-chat but sadly, wala.

Kuskos. Piga. Tungga. Palo. Daig ko pa ang kasambahay sa gabundok na labahan. Nakailan na ako rito pero 'di pa rin bumabalik si Mom.

Sana nga 'wag na. Matulog na sana siya para wala ng utos nang utos at maingay.

Habang minamaster ko na ang paglalaba ay biglang tumunog ang phone ko. Agad-agad akong nagpunas ng kamay at chineck ito.

"Punta ka rito sa bahay ngayon na. I want to ask you something."

Daig pa sa nakikipagkarera ang tibok ng puso ko nang mabasa ko ang message ni Kate.

"Ano 'yon? Tawag ka, naglalaba kasi ako," excited kong reply pero kinakabahan ako at the same time sa itatanong niya.

Ang bilis niyang sineen 'yong chat ko. Ngayon na lang ulit kasi siya naging ganyan simula nang magkaroon siya ng boyfriend ay 'di na.

Hay.

Sobra ko na siyang miss.

Ilang saglit pa muna bago siya mag-typing.

"Just come now. I'm alone. Diretso ka na sa room ko. Open naman ang front door. Wala rin sina Mama and Dad. I'll be waiting here."

Wala na akong inaksayang oras pa at tumayo na. Wala na rin naman si Mom kaya aalis muna ako.

"Andrew! Saan ka pupuntang bata ka?! Bumalik ka rito!" rinig kong sigaw ni Mom nang tumakbo ako paalis.

"Saglit lang ako!"

Daig ko pa ata ang nasa track and field kung tumakbo. Ilang bahay lang naman ang layo nina Kate sa amin.

Habol-hininga at tagaktak ako ng pawis nang makarating na ako rito sa front door nila. Napakainit pa, grabe!

Nagpunas muna ako sa damit ko ng pawis saka inamoy-amoy ang aking sarili. Bahala na si Kate, sanay naman na siya haha!

Kumatok muna ako saglit saka pumasok. Napakatahimik din dito kina Kate dahil halos siya lang din ang naiiwan. Napakalinis din at kung may ibang tao rito, baka aakalaing matagal ng walang nakatira.

Umakyat na ako sa hagdan at tinungo ang pinakadulong kwarto niya.

"Kate?" I called her after I knocked once. No answer. That's my cue. Since 'di naman talaga siya sumasagot 'pag pinapapunta niya ako rito sa kwarto niya.

Pagpasok ko ay sobrang lamig at dilim. Bahagya pa akong gininaw dahil basa ako.

"Kate?" Walang sumasagot. Kinapa ko ang switch at pag-on ng ilaw ay santambak ang mga gamit niya. Sobrang kalat at magulo.

Ang mga shorts at sando niyang nakakalat sa floor tapos may mga papel pang naka-crumple. Pinulot ko na ang mga ito.

Nagulat naman ako sa ilalim ng desk at bedside table niya ay may mga bote ng beer at soju. Nakatiwangwang pa ang kanyang bag. Parang dinaanan ng bagyo 'tong kwarto niya.

Nang malinis at maitapon ko na ang lahat ng kalat ay dahan-dahan kong tinanggal ang kumot na nakatalukbong sa kanya.

Napangiti na lang ako dahil mahimbing siyang natutulog. Mukha rin siyang pagod pero 'di nakabawas 'yon sa ganda niya. Mas gusto ko 'yong ganyan siya dahil ang peaceful niyang tingnan.

Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. I silently admire her, memorizing every inch of her beauty. I was already lost in my own world when I noticed that the strap of her black silk satin night dress was already sliding off of her shoulder, exposing her bare and smooth cleveage.

I gulped at the sight of it. Nanginginig kong inabot at itinaas ito nang bigla siyang gumalaw kaya lumapat sa kamay ko ang kanang dibdib niya kasabay no'n ang pagdilat ng mata niya.

Omg! Binawi ko agad ang aking kamay. Bigla kasing uminit ang pakiramdam ko.

"Andy?" mahina niyang ungol sa pangalan ko.

"I-I'm s-sorry Kate. 'Di ko sinasadya, n-nagising ata kita."

Kita ko naman sa mata niya ang pag-iwas sa mga tingin ko at bahagyang paglayo sa akin saka sumandal sa headboard. Hinila niya rin ang kumot upang itakip sa binti niya.

Lumapit ako at umupo sa kama niya. Hinawakan ko siya sa baba saka pinaharap sa akin. Tiningnan ko lang muna siya nang maigi. 'Di ko mabasa ang kanyang kulay abo na mga mata. Tila malungkot ito at maraming gustong sabihin.

"Okay ka lang ba? May nangyari ba sa inyo ni J-James or something? Your room was a mess. May mga bote kasi ng alak-

"Nothing happened."

'Di na ako nagtanong pa. Sa halip ay tinabihan ko siya at sumandal din sa headboard. I put her head on my shoulder and held her hand. I closed my eyes and angled my head on hers, savoring the moment that I had missed between us.

"Andy,"

"Hmm?"

"I missed you...so much," she whispered as she's caressing my forearm. "How I wish we could stay like this forever and do nothing but this."

"I missed you too, Kate. I always do. You know we could, right? Sabihin mo lang sa akin."

She went silent.

"Ano pala 'yong itatanong mo sa akin? 'Wag mahirap ha?" biro ko sa kanya. Tumuwid naman siya ng upo.

"What's this?" she asked seriously while showing me her phone.

"I love you."

A message that was sent by me. I was dumbfounded. It was a message that was sent days ago.

I couldn't find any words to say. I don't know what to say. My heart beats so fast that I think I would faint.

Nakatingin lang siya sa akin at nag-aabang ng sasabihin ko. Ang dami kong gustong sabihin pero 'di ko alam kung paano. Kahit utak ko ay blangko rin.

Seconds have passed pero 'di pa rin ako nagsasalita nang binawi na niya ang kanyang phone at tumayo na. Nataranta naman ako kaya hinawakan ko siya sa braso.

"Kate, wait lang. Please hear me out."

No answer. Nakatalikod lang siya.

"That message, it was...uhm...l-lasing ako-

"I thought there was some-nevermind. You can leave now."

Umalis na siya at nagtungo na sa cr. Nakatulala lang ako sa kawalan at wala akong gana.

Lumipas na ang mga minuto pero 'di pa rin lumalabas si Kate kaya napagdesisyunan ko na ring umalis.

Bago ako lumabas, malungkot kong nilingon ang kama niya saka ko marahang isinara ang pinto.

Dumiretso ako sa kusina para magluto ng pritong itlog at nag-toast ng tinapay. Nagtingin din ako rito sa ref nila na pwede niyang inumin. Saktong may fresh orange juice. Inilagay ko na ang mga ito sa tray at bumalik sa kwarto niya.

Sarado na ang kwarto niya.

"Kate?" I called as I knocked again.

Inilapag ko na lang ang tray sa floor then I wrote a note saying I was sorry.

I was sorry not because of the message I sent but because I was coward enough to tell her the truth.

I looked once more at her window then I left with a heavy heart.

***

"Ba't ngayon ka lang? Sa'n ka na naman galing ha? Tingnan mo ako na ang tumapos sa mga labahan. Pagod na pagod na ako-

"Ako na diyan Mom. Doon ka na sa loob," walang gana kong sabi at nagtungga na.

'Di ko na pinansin si Mom at ipinagpatuloy na ang naiwan kong labahan.

Hapon na ako natapos at 'di ko man lang naramdaman ang pagod at gutom.

Tiningnan ko kung ayos ang kabuuan ng mga sinampay ko baka kasi may ma-say na naman si Mom na ubod ng arte.

Umupo muna ako sa inupuan ni Mom kanina at pumikit saglit.

Nagising ako nang biglang may yumuyugyog sa balikat ko. 'Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Mag-grocery ka na. Anong petsa na oh," pagmamadali sa'kin ni Mom. Pupungas-pungas naman akong tumayo at nag-inat.

"Pambili pala Mom. Maligo muna pala ako bago ako aalis," tugon ko habang nakalahad na ang palad ko, hinihintay ang pera na ibibigay niya.

Napa-crossed arms naman si Mom.

"At bakit? Isang libo ang allowance mo araw-araw tapos isang oras lang ang klase mo sa limang araw. Wala ka ng pera? Naglalakwatsa ka na lang ata at puro babae na lang ang inaatupag-

"Mom! Wala akong babae! Behave ako sa school at anong isang oras na klase? E 'di sana nag-drop out na ako kung gano'n saka nag-aaral kaya akong mabuti," katwiran ko na ikinataas ng kilay niya.

"May dalawang babaeng nagpunta rito kanina, hinahanap ka. Niyayaya kang lumabas at 'yong isa nama'y kinukumusta ka. Sabi ko grounded ka kaya bawal kang makita pero pinakain ko naman sila saka pinalayas. Umalis ka na nang makabalik ka kaagad," at pumasok na si Mom sa loob.

***

Kanina pa ako ikot nang ikot dito sa shopping mart at soy milk saka egg pie pa lang ang laman ng push cart ko. Ang mamahal ng mga bilihin eh dalawang libo lang ang na-withdraw ko. Pa'no ko naman pagkakasyahin 'yon?! Wala ring sinabi si Mom kung anong bibilhin ko. Kainis talaga!

Nagdagdag na lang din ako ng kaunting de lata at nagbayad na. Pagkaalis ko ay patingin-tingin ako sa paligid. Baka kasi may mabili pa akong pagkain habang pauwi tutal isang supot lang naman itong dala ko.

Dire-diretso na sana ako nang bigla kong makita si Kate kaya mabilis akong bumalik at pumasok sa isang restaurant.

Kahit anong mangyari basta 'di niya ako makita. For sure may date sila ni James kaya nandito siya.

Nagulat naman ako nang bigla akong binati ng babae rito sa restaurant.

"Good evening ma'am! Welcome to Suzaku's!"

Alanganin naman akong napangiti kasi wala na akong pera.

'Di na nga makakauwi nito!

Umupo na ako habang palinga-linga sa paligid tapos itong babae naman nakasunod din sa akin. Nakangiti itong iniabot sa akin ang menu at umalis na.

Pagtingin ko pa lang sa soda ay 100 pesos na. Problemado na ako rito nang bigla akong napaangat ng tingin dahil sa pagtawag nito sa'kin.

"Babe! Nakapili ka na ba ng kakainin natin?"

Literal talaga akong napatanga kasi sino ba 'tong babae na 'to at tinatawag akong babe.

Inilapag na nitong babaeng hanggang balikat ang buhok na may pagka-blonde ang kanyang bag at niyakap ako.

"Sino ka ba?! Lumayo ka-

Bigla ba naman niya akong hinalikan sa pisngi.

"Ang cute cute mo talaga babe. 'Di mo ba ako na-miss?"

"Ma'am, magkasama po ba kayo?" Biglang dating ng babaeng waitress.

Tatanggi na sana ako nang sumagot din itong babaeng 'di ko kilala.

"Yes. She's my girlfriend," malapad ang ngiti niyang sabi sabay hawak nang mahigpit sa kamay ko kaya itong waitress ay mukhang kinikilig pa ata.

"Dahil po diyan at 1st anniversary po ng aming shop, may special promo po kami at food bundles na special for couples only which is absolutely free po."

"Oh, really? We'll avail that then," at umalis na si waitress.

"So totoo nga?! God, babe thank you! Finally, makakakain na rin ako at libre pa! Grabe nakakapagod mag-training," tuwang-tuwa niyang sabi sa akin eh wala naman akong pake.

"Aalis na ako. Bahala ka diyan." Paalis na ako nang bigla niyang akong hinawakan sa braso.

"Babe naman! Please stay. Kumain muna tayo then you can leave, okay?" Nagpapaawa pa mukha namang ewan. 'Di ko nga siya kilala.

Tutal nagugutom na rin ako at nandito na rin naman so be it.

"Quit calling me babe. Sino ka ba?"

"Alam mo sayang ka. Type pa man din kita. Ang cute cute mo pero ang sungit mo naman pero may hitsura ka rin. I'm Alexis and you are?"

Naputol lang ang usapan namin nang dumating na ang aming pagkain.

"Pwede ko ho ba kayong kuhanan ng picture? Para po sa Love Wall namin?"

"Sure!" Ngiting-ngiti na itong si Alexis daw at hinawakan ako sa braso. Poker-face lang akong nagpa-picture.

"Enjoy your stay lovebirds and stay inlove!" maligayang sabi ng waitress at iniwan na kami.

"Tititigan mo na lang ba 'yan? Akin na lang kung ayaw mo. Sayang, ang sarap kaya." Akmang kukuha na siya nang ilayo ko sa kanya ang bowl.

Tumikim lang ako nang kaunti. Pwede na rin ang lasa parang gano'n lang din sa kinakain namin ni Luce sa canteen. Japanese resto pala itong kinakainan namin ngayon.

"So, ano ngang pangalan mo? Kanina pa kita tinatanong—

"Wala."

Napahinto naman siya sa paghigop.

"Wala? As in 'yan talaga ang name mo? Ang weird pero ang cute mo pa rin talaga!"

"Uuwi na ako." Iniwan ko na siya. 'Di ko rin naman nagalaw ang pagkain dahil 'di ko naman kilala ang kasama ko.

Mag-aalas otso na pala ng gabi kaya nagmadali na akong umuwi. Buti na lang at may masasakyan pa.

Pag-uwi ko ay kinakabahan akong pumasok pero syempre chill lang.

Naabutan ko sina Mom and Dad na nasa living room. Nanonood sila ng movie ni Dolphy.

Dire-diretso na sana ako sa kusina nang bigla kong narinig ang maawtoridad na boses ni Mom.

"Anak ka talaga ng tatay mo, Andrew. Parehas kayong magaling. Mapapawi ba ng isang Dolphy ang inis ko—

"Mom, kumain na ako ng dinner and I already bought our groceries! Love you Mom!" at mabilisan ko siyang ki-niss sa cheeks at tumakbo na papuntang kusina.

Dumiretso na rin ako sa kwarto ko at pabagsak akong humiga.

Hay nakakapagod!

Biglang may tumawag sa phone ko. Excited kong sinagot ito.

"Hello!—

"May practice tayo bukas ng badminton. Nagawa mo na 'yong assignment natin sa SOCSCI? Pakopya—

"Pasend nga rin ng sagot—

Langyang Luce 'to, binabaan ako!

Bukas na lang. Katamad.

***

I checked the time.

7:30 a.m.

Naka- ready na ako pero nakahiga pa rin ako rito sa kwarto ko. Ayokong pumasok.

Wala na akong kasabay pumasok.

Wala na si Kate.

May iba na siyang kasama.

Pwede namang ako na lang.

Nawala lang ako sa malalim na pag-iisip nang may kumakalampag na sa pinto ko.

"Palabas na ako Mom!"

Tumayo na ako at halos kaladkarin ko na ang aking bag paalis.

"Eat your breakfast muna before you leave. May time pa naman, Pri—

"I'm fine naman Mom at baka ma-late na ako eh. May quiz pa kami," palusot ko kahit wala naman. "Bye Mom!"

Nang makalabas na ako ng gate namin ay pagod na pagod akong naglalakad. Ayoko talagang pumasok. Itapon ko na rin sana 'tong bag ko kaso...

Nakakawalang gana talaga ang buhay 'pag ganito.

Matagal-tagal na rin kaming 'di sabay pumasok ni Kate. Ilang linggo na rin.

Sa pagmumuni-muni ko habang naglalakad ay nakarating na ako rito sa tapat ng bahay nina Kate. Lagi akong dumadaan dito bago pumasok. Nagbabakasakali akong masulyapan siya saka ako aalis.

Bigla akong napahinto nang mapansin ko si Kate.

'Di ko alam kung ba't ngayon pa. Dapat umalis na ako pero heto pinapanood ko pa rin siya.

Na sinusundo ng kanyang boyfriend.

Na dati ako ang gumagawa.

Masaya itong lumapit sa kanya at niyakap siya habang siya nama'y gumanti rin ng yakap dito.

Ginawaran muna siya nito ng halik sa kanyang pisngi bago inaalalayan papasok sa sasakyan at pati ang kanyang bag ay ito na rin ang may bitbit.

Na sa akin lang niya pinapahawak noon.

Natauhan ako at mabilis na nagtago dito sa kabilang kanto malapit sa bakod ng kapitbahay dahil akmang lilingon na si Kate gayundin ang boyfriend niya.

Pagsilip kong muli ay paalis na ang kanilang sasakyan. Pinanood ko na lamang ito mula sa malayo. Naiwan na naman akong may kirot sa aking dibdib at matinding kalungkutan.

Nakayuko kong tinahak ang kabilang kanto at ilang saglit lang ay nakasakay na ako.

***

"Good morning Drew! May chika pala ako. Hulaan mo kung ano!" salubong sa'kin ni Luce nang makaupo ako sa tabi niya.

"Wala bang klase? Pakopya ng assignment," walang gana kong sagot at binuklat na ang aking notebook.

"Wala man lang good morning Luce o kaya ni-hi o ni-hoy? Oh ayan ang sagot ko, 'wag mong kopyahin lahat. Kuha ka lang ng idea."

'Di ko na siya pinansin pa at nagsulat na.

"Tara na, pinapatawag na tayo," mayamaya'y yaya ni Luce sa'kin.

"Nino? Sana pala 'di na ako pumasok wala palang klase—

"Tanga! May practice nga tayo ng badminton ngayon dahil may tournament tayo. To be announced kung when. Tara na! Excused naman na us!" pagpupumilit niya sa'kin kaya hinayaan ko na.

Pagdating namin sa gym ay nandoon na si coach Amir at ang iba pag naming teammates. Kami na lang pala ang hinihintay.

"Buti naman at dumating na kayong dalawa, Drew and Lucy. Nasabi ko na rin naman sa inyo na meron tayong tournament pero tentative pa kung kailan. Dahil diyan, magkakaroon tayo ng practice araw-araw sa hapon after ng klase niyo at whole day naman kapag weekends. Maliwanag?"

"Yes coach!" sabay-sabay nilang sagot maliban sa akin.

"Magsimula na kayo." Bumaling naman sa akin si coach. "Drew, kausapin muna kita. It won't take long," nakangiting saad ni coach. Tumango naman ako.

"Sige po coach. Ano po ba 'yon?"

Iginiya naman niya ako rito sa may gilid. Malayo sa ibang players at kaming dalawa lang. Kanina ko pa napapansin na palipat-lipat ng tingin 'tong si Coach Amir.

"Coach, may problema po ba?" nagtataka kong tanong.

"Ah w-wala naman. Medyo kinakabahan lang ako. I'm sorry," tila nahihiya niyang tugon.

Kinakabahan siguro siya dahil sa tournament. Wala naman na sigurong ibang dahilan. Physically fit naman si Coach Amir at nasa early thirties lang niya. May lahi din siya, kwento niya sa'min. Pakistani kaya medyo balbaro. Kaya 'yong ibang teammate ko na babae, tuwang-tuwa kapag may training. 'Yong mga lalaki naman, nababading na ang iba dahil sa kanya.

"Gusto ko lang ipaalam sa'yo na iibahin ko ang training mo. Tayong dalawa lang sana. I mean ako ang magti-training sa'yo para matutukan kitang mabuti. Marami pa kasing need i-improve sa'yo at sa'yo rin nakasalalay lahat dahil ikaw ang team captain. Gusto ko lang maging prepared ka and gano'n din sa teammates mo but you know. You're way too far...too skilled sa kanila and I want to invest on that."

Lihim naman akong napangiti. Baka lalaki na ulo ko nito, jk! Nakakahiya and at the same time nakaka-proud kasi may pumupuri kaso never talagang namuri 'yang si coach. Ni isa sa amin wala, puro sita at sigaw lang except sa'kin. Never pa niya akong nasigawan.

Masunurin kasi akong player tapos mabait pa. Hayst.

May kinuha lang siya saglit.

"Ito na nga pala ang bago mong gagamitin sa training natin. Sa'yo na 'yan," at iniabot niya sa akin ang isang black Yonex badminton bag. Nakabukas ang zipper nito at kita kong may tatlong raketa sa loob.

"Coach, 'di ko po matatanggap 'yan—

"'Di pa nagagamit 'yan. Para sa'yo talaga 'yan. Para sa effort at sipag mo sa pagti-training. You deserve—

Biglang may marahas na humablot sa bag na hawak ko.

"Excuse me sir, may meeting daw po ang mga coaches ngayon sa Annex Building, sa office ng sports director." Malamig at seryosong saad ng babaeng katabi ko.

Natulala lang ako sa kanya dahil matagal ko na siyang gustong makasama pero hindi na pwede.

Hay. May mahal na siya.

Tinapik muna ako ni coach sa balikat at patakbo na itong umalis.

"Anong ginagawa mo rito Kate? May practice din ba kayo—

"Stay away from your coach," at pabalang niyang itinapon sa sahig ang bag. Bahagyang tumalbog 'yong mga raketa.

'Di ko alam kung anong problema niya ngayon. Basta ang alam ko lang, ngayon ko lang siyang nakitang ganyan. Galit na galit.

Kinuha ko muli ang bag at hinawakan siya sa braso palabas ng gym. Pinagtitinginan na kami. Baka isipin ng iba na nag-aaway kami.

Pero siya heto, nagpupumiglas pa kaya hinigpitan kong lalo ang hawak ko sa kanya. Saka lang siya tumigil pero may ibinubulong pa.

Dinala ko siya rito sa may bench sa labas ng gym. Sakto lang ang layo nito para makapag-usap kami ng kaming dalawa lang. 'Di rin mainit dahil may mga puno.

"What was that, Kate? Ba't mo ginawa 'yon? May problema ka ba kay coach?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

Sa halip na sagutin ay sinipa niyang lalo ang bag. Naligo na tuloy ng lupa 'yong bag at nagmukhang patapon na.

"Kate!" medyo nagtaas na ako ng boses kasi nagsisimula na akong mainis habang siya, heto nakayuko. Kanina niya pa ako 'di tinitingnan.

Pinagpag ko na 'yong bag tutal wala naman akong kausap at paalis na ako nang bigla niyang hinawakan sa damit.

"Gusto mo bang mag-transfer ulit sa ibang school? Like before? When we were in primary?" bulong niyang tanong. Nahinto ako at napalingon sa kanya.

Nakatingin lang siya sa baba.

"Bye. James' waiting for me."

Napako lang ako sa kinatatayuan ko habang inaalala ang tanong niya pati na ang nangyari noong primary kami.

Tinawagan ko na lang si Luce upang kunin ang bag. Siya na ang bahala.

Umuwi na ako sa bahay at 'di na bumalik pa.

"Kanina ka pa tulala, Andrew. Ano bang nagyayari sa'yo? Parang matamlay ka? May sakit ka ba o may nambully sa'yo or what? Kanina ka pa namin tinatanong kung gusto mo bang sumama sa'min ng Daddy mo mamaya sa airport?"

"Transfer ng school." Huli na nang ma-realize ko ang aking sinabi.

"You want to transfer sa ibang school? Did I hear it right, Andrew? May hindi ka ba sinasabi sa'min ng Dad mo—

"Mom, Dad, wala akong problema, okay? Pagod lang ako and I need some rest. Just forget what I said. Wala 'yon and everything's totally fine," pang-aassure ko pa lalo na kay Mom.

Sige, lokohin mo pa sarili mo Andrew!

I kissed them on the cheek at pumunta na sa room ko para magpahinga.

Nakakabaliw ka Kate!

I scrolled on my phone habang nakahiga at nagpapaantok.

I checked my gallery with our photos together.

Para akong tangang mag-isa na nakangiti but reality snapped me out of my fantasies.

Hanggang dito na lang siguro sa mga pictures na ito ko siya makakasama na masaya.

Akala ko may meaning na 'yong sa atin, Kate.

Hulog na hulog na ako pero...

Naalala ko...

Bestfriends lang pala tayo.