Chapter 20 - 20

KATE

"As what we are saying Kate—Nakikinig ka ba Kate? May kausap ba ako?"

Bigla naman akong bumalik sa aking katinuan nang magtaas na ng boses si Skye. "What? May sinasabi ka ba?" Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa aking phone.

Frustrated itong umiling-iling sa 'kin. Ano bang problema mo Skye?

"Gaya ng sinasabi sa 'yo ni Skye, 'friends don't kiss each other,'" nakangising saad ni Claire sa 'kin habang nakapatong kay Alice. Si Alice naman ay habol hininga dahil sa kanilang halikan.

Napataas naman ang kilay ko sa sinabing 'yon ni Claire. "Ah, lemme rephrase that Kate," at mas ngumiti ito nang nakakaloko. "Best friends don't kiss each other, right guys?"

Nagsitanguan naman ang dalawang bitches. Napatayo ako nang tuwid at humalukipkip. Sinalubong ko nang nakakamatay na tingin ang kanyang mga mata.

"What do you mean? And we don't kiss each other," diretsa kong sabi.

"Yet," patay-malisyang singit ni Skye habang binubuklat ang isa kong libro.

"Yeah Kate, yeah, that's right. Because you and Andy are having sex. Her being your slave and you being her what? Master? Mistress?" sarkastikong saad naman ni Alice na ngayon ay nakasandal na sa headboard ng aking kama.

"Seriously girls? What are you trying to imply here huh? 'Yan ba ang ipinunta niyo rito? You are all nonsense," nabubuwisit kong sabi sa kanila. Hindi ko alam kung anong gusto nilang ipahiwatig.

"C'mon Kate, don't pretend like you don't know what's going on. Akala mo ba hindi namin napapansin. You're acting strange lately. Lagi kang nakatulala and you're always busy with your phone. Really, what's going on with you?" seryoso at diretsang tanong sa 'kin ni Claire na ngayon ay nakaupo na sa tabi ni Alice.

'Di naman ako makapaniwala sa tanong ni Claire. Sasagot na sana ako nang sumabat na naman si Skye. Sinisimulan na talaga ako ng mga ito.

"Oo nga naman Kate. Bakit nga ba? May kinalaman ba ito sa bestfriend mong si Andy? Or—" segunda naman ni Skye na ngayon ay nasa tabi ko na.

"Or what?" mataray kong tanong pabalik.

"There's someone na hindi mo sinasabi sa 'min. Don't lie to us Kate."

Napaismid naman ako sa kanila. "You are all unbelievable! What made you think—so what? And if there's one who's acting strange here—it's you. The three of you," saka ko sila tiningnan isa-isa.

Humarang na sa harap ko si Skye at seryosong tumingin sa 'kin. "So what's the real score between you and Andy?"

Napataas naman ang kilay ko sa tanong niya saka nakangising bumaling sa dalawang tao na nasa kama ko. "And what's the real score between you and Alice?"

Mabilis na umayos ng upo si Claire at diretsang sumagot, "Alice is my girlfriend."

Bigla namang napaharap si Alice kay Claire. "Wait. Tama ba 'yong narinig ko? Akala ko...fling lang ito Claire?"

"What?! Claire? Alice?" Tuluyan ng napaharap si Skye na gulat na gulat sa dalawa.

"See? Sinabi ko naman sa inyo na huwag niyo akong pinapangunahan." Lihim naman akong napangiti dahil sa itsura nila ngayon.

"Kate, you—"

Naputol na ang sasabihin ni Skye nang pinatahimik ko agad ito dahil may narinig akong ingay mula sa labas ng aming bahay.

Lumapit na ako sa bintana dito sa aking kuwarto saka sumilip. Fuck! Akala ko mamaya pa sila.

"Girls, umayos na kayo! Dalian niyo!" natataranta kong sabi sa kanila.

"Bakit? Teka Kate—" nalilitong tanong ni Alice dahil hinihila ko na siya paalis ng aking kama.

"Just do what I—" 'Di ko na natapos ang aking sasabihin nang may kumakatok na sa pinto ng aking kuwarto.

Hinayaan ko na ang aking mga kasama at kinakabahang lumapit sa pinto. Pumikit muna ako bago huminga nang malalim. Hinawakan ko na ang door knob saka dahan-dahang pinihit ito.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa 'kin ang seryosong mukha ni Mama.

"What took you so long? Open the door Kate," maawtoridad na utos niya sa 'kin dahil bahagya ko lamang ibinukas ito. Awtomatiko ko namang sinunod si Mama.

Mabilis siyang tumingin sa loob ng aking kuwarto at isa-isang tiningnan ang aking mga kaibigan lalo na sina Claire at Alice na nasa kama ko pa rin.

Bumaling na ulit sa 'kin si Mama na nagtatanong ang mga tingin.

"Let's talk later, Kate," bulong ni Mama sa 'kin saka ako tinaasan ng kilay at umalis na siya.

Napabuntong-hininga naman ako nang makaalis si Mama ngunit kinakabahan pa rin ako sa paraan ng tingin niya kanina. Ang aga naman kasi nilang umuwi.

"Kate, I think we need to go," pukaw sa 'kin ni Skye. "Let's talk next time. We're not yet done."

"Okay but we're done," balewala kong tugon. Tiningnan ko rin si Claire at Alice na ngayon ay hindi nagpapansinan at nag-iimikan.

Bumaba na kami na tahimik lang. Nadatnan namin ang aking mga magulang na kumakain sa living room habang nanonood.

"T-Tita...aalis na po—"

"Why don't you join us?" putol ni Mama kay Skye na nasa tv pa rin ang atensyon.

"Pero po may—"

"Right, Kate?" at mariing tumingin si Mama sa 'kin. Alanganin naman akong ngumiti saka bumaling sa aking mga kasama.

"Saglit lang 'to, don't worry," mahina kong sabi at sumunod na kami.

Nauna na akong umupo sa sofa habang sila naman ay nakasunod lang. Nagulat naman ako nang tumabi sa 'kin si Alice habang katapat namin si Claire at Skye. Alanganin pa ang mga itong umupo.

Pagkaupo namin ay nginitian naman kami ni Daddy.

"Ladies, kumain na ba kayo? Kung hindi pa, kumuha na kayo. 'Wag na kayong mahiya," magiliw na alok ni Daddy sa 'min.

Tumango lang silang tatlo habang ako naman ay hindi mapakali at alanganing sumusulyap sa 'king mga magulang lalo na kay Mama na abala pa rin sa panonood.

Halata sa mga kasama ko na wala silang balak kumain at nakatingin lang sa mesa. Ako mismo ay ayoko ring gumalaw dahil paniguradong mapapansin ako ni Mama kahit na 'di siya nakatingin.

"Kate, gusto ko 'yong pizza. Ikuha mo nga ako ng tatlo, please?" bulong sa 'kin ni Alice habang nakasiksik sa tabi ko.

Napalingon agad ako sa kanya saka siya inirapan. "Inuutusan mo ba ako? If you want it, get it."

"Please Kate," pamimilit nito sa 'kin ngunit 'di ko siya pinansin. "Madali naman akong kausap, kung gano'n, kukunin ko na si Andy."

Mabilis kong inapakan ang kanyang paa. "Watch your mouth, bitch. Don't fuck with me now, Alice," nanggigigil kong bulong sa kanya saka siya tiningnan nang masama.

Ikinuha ko na siya ng tatlong pizza at inilagay sa plato. Badtrip ko itong iniabot sa kanya at umupo na. Nakatingin naman sa kanya ang dalawa habang ang katabi ko naman ay enjoy na enjoy sa pagkain.

Mayamaya ay kumuha na rin si Skye ng carbonara at iced tea. Habang kumukuha siya ay biglang nagsalita si Mama.

"I thought si Andy lang ang kaibigan mo?" at inilapag nito ang plato sa mesa. Muntikan namang mahulog ni Skye ang kutsara.

Mabilis na umupo si Skye at natahimik na naman kami. Nagulat din ako sa tanong ni Mama kaya napaupo ako nang tuwid. Nakatingin na siya sa 'kin habang nakataas ang isang kilay.

"Ladies, ako nga pala ang Daddy ni Kate. You can call me Tito Alfred. And...I guess nagugutom pa kayo? Kukuha pa ako," masiglang sabi ni Daddy sa pagitan namin.

Alanganin namang napasulyap si Skye kay Mama saka bumaling kay Dad. "Ah...eh...T-Tito Alfred, a-ayos lang po kami. Okay na p-po 'yong pagkain. By the way po, ako po si Skye, kaibigan ni Kate," at tipid itong ngumiti.

"Nice to meet you, Skye." Nginitian din siya ni Daddy saka bumaling kay Claire ngunit bigla naman itong nagsalita.

"Ako po si Claire. Kaibigan din po ni Kate," nahihiyang pakilala ni bitch.

"Ako naman po si Alice. Kaibi—"

"Alright, ladies. Relax lang kayo okay? 'Di naman ako mangangagat," at tumawa nang mahina si Daddy upang pagaanin ang atmosphere rito sa living room.

"Kayo pala ang mga kaibigan ni mija. Mabuti naman at napadalaw kayo rito. Nga pala, nakuwento rin sa 'kin ni mija na magaling ka maglaro ng volleyball, Skye? Habang kayo naman Claire at Alice ang mga kasama niya sa cheerleading?" tanong ni Daddy sa kanila saka uminom ng iced tea.

"Ay sakto lang po. Baka po nabudol kayo sa kuwento ni Kate, tito. At baka po iba 'yong sport no'ng tinutukoy niyang magaling maglaro," pasipsip namang sagot ni gagang Skye at may pakamot-kamot pang nalalaman sa kanyang batok habang nagpipigil ng ngiti.

Damn you Skye Bernabe! 'Di ka sana pauwiin ni Mama.

Lihim naman akong natawa sa naisip ko at tumingin sa kanya habang abala silang nag-uusap ni Daddy.

"Uy Kate, ba't ngumingiti kang mag-isa diyan? Delikado 'yan, baka mamatay si Skye," malokong bulong ng katabi ko. Pinandilatan ko naman siya ng mata. Sabat nang sabat eh.

"Alice, alam mo ba 'yong 'mind your own business?' Saka kung 'di mo kayang tumahimik, ipa-seal mo na 'yang bunganga mo kay Claire o kaya sumama ka na kay Skye," masungit kong sabi at inirapan siya.

"Pakyu Kate. Sagad," mariing bulong pa rin niya sa 'kin.

Napangisi naman ako sa sinabi niya at bumulong din, "Oh, ang wild mo pala. I like that...pero nadiligan ka na ni Claire. But maybe next time, we can try. Kapag wala si Claire."

Matapos 'yon ay nginitian ko siya nang nakakaloko at palihim na pinisil ang kanyang hita. Siya naman ay nangangamatis na ang mukha at mayamaya'y sinamaan ako ng tingin.

Ilang beses ko nang sinabi na huwag na huwag akong sinisimulan.

Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na ang tatlong bitches.

"Tito, tita, maraming-maraming salamat po. Gusto pa po sana naming mag-stay pero may mga aasikasuhin pa po kami," magalang na sabi ni Skye kina Mama at Daddy.

"Walang anuman sa inyo Skye. Bumisita ulit kayo ha kapag may oras kayo. Maglalaro pa tayo ng volleyball," masaya namang tugon ni Daddy kay Skye.

Ano naman kayang pinagsasabi nitong si gaga? Tapos itong si Daddy uto-uto naman.

"No problem po, tito." Tumingin na sila sa 'kin.

"Ma, Daddy, ihahatid ko po muna sila sa labas," paalam ko at sabay-sabay na kaming umalis.

Nang maihatid ko na sila sa gate ay bigla naman akong hinatak ni Skye at bumulong sa 'kin. Hinampas ko naman siya nang malakas dahil sa kapilyahan niya.

"Just go home bitch!" pagtataboy ko sa kanya.

"Not until you pay me a visit!" sigaw din niya sa 'kin habang palayo. Mag-isa na itong naglalakad. 'Di na namin namalayang umalis si Claire at Alice.

Pagbalik ko sa loob ng bahay ay muntikan pa akong magulat dahil nakahalukipkip na nakatayo si Mama at tila kanina pa ako hinihintay.

"What was that all about, Kate? This is the first time na nagdala ka ng ibang tao rito. We already talked about this right? Ayoko ng maulit pa—"

"Hon, nag-message na 'yong magde-deliver ng mga in-order mong libro ba 'yon? Ako na ang magbabayad," malambing na sabi ni Daddy kay Mama saka iniabot ang iPad at credit card. Masuyo rin niyang hinalikan si Mama sa pisngi. Matapos 'yon ay lumapit na siya sa 'kin at bumalik na kami sa living room.

"Thanks Daddy," nakangiti kong pahayag at yumakap nang mahigpit. Ilang beses na akong nililigtas ni Daddy lalo na kapag pinapairal ni Mama ang kanyang kasungitan.

"I love you, mija. 'Yang si Mama mo talaga kahit kailan, napakasungit. Buti na lang nandito ako nang bumisita ang mga kaibigan mo kung di baka 'di na nakauwi ang mga 'yon ng buhay," biro sa 'kin ni Daddy.

"Kaya nga Daddy eh. Ang aga niyo naman kasing umuwi. Siguro 'di mo pinagbigyan si Mama 'no? Kaya ayan, parang may dalaw ulit," pang-aasar ko at sinimulan naman niya akong kilitiin.

"Gano'n ka rin naman kapag hindi ka pinagbigyan ah. Daig mo pa nga si Mama mo kung magsungit." Patuloy pa rin si Daddy sa pangingiliti sa 'kin.

"Daddy!" 'Di ko na napigilang mapasigaw dahil 'di pa rin niya ako tinatantanan nang biglang sumulpot at tumabi sa 'kin si Mama.

"Kate! Abot hanggang kapitbahay 'yang boses mo. Umayos ka nga. Napakaharot niyong mag-ama," sita niya sa 'min.

Tumigil na si Daddy at umayos na habang ako naman ay hinihingal na nakasandal sa sofa habang yakap-yakap ang isang unan.

"Si Daddy kasi. Saka Ma, 'di ako maharot 'no. Si Daddy lang 'yon," katwiran ko naman sabay kapit kay Mama.

Napailing na lang siya sa 'min at hinayaan na lang niya akong kumapit sa kanya. Kahit masungit at mataray ka Ma, 'di ka nag-iisa.

"Hon, mija, lalabas lang ako. Maiwan ko muna kayo," at umalis na si Daddy.

"Kumusta na kayo ni Andy? Nakausap ko rin si Beth. Nasa Palawan sila. Sayang dahil 'di tayo nakasama. Nakapag-bonding sana kaming apat nina Beth at Henry," nanghihinayang na pahayag ni Mama habang ako naman ay tahimik lang.

"Gano'n ba Ma? Kaya pala. Ngayon ko lang alam. Anyway, busy ako Ma sa pag-aaral at ibang extracurricular activities sa university," tugon ko saka nag-iwas ng tingin.

Kahit ang totoo ay nauna at matagal ko nang nalaman na nasa Palawan siya. 'Di lang 'yon, alam na alam ko rin ang lahat ng mga pinaggagagawa niya ro'n.

Ayoko na lang isipin. Bahala siya.

"Sinabi ko rin kay Beth na bisitahin kami ni Andy pagkauwi nila. Sakto, ipakilala mo na rin sa kanya—"

"Ma, akyat po muna ako sa kuwarto baka nag-text siya sa 'kin. Lalabas daw po kami eh.

"Sige, sige. Mag-ayos ka na pala. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka ha?" masaya at excited na sabi ni Mama.

'Di na ako sumagot pa at nagmamadaling umakyat sa aking kuwarto. Mabilis kong ini-lock ang pinto at napasandal na lang dito.

Ano na Kate? Ginusto mo naman ito 'di ba?

Bumalik lang ako sa aking ulirat nang biglang tumunog ang aking phone. May tumatawag.

Ipinapanalangin ko na 'di sana siya ang tumatawag. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung sakali.

Pikit-mata kong sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Kate, ako 'to. Papunta na ako sa inyo. Susunduin na kita ha?" masiglang tugon ng kausap ko sa kabilang linya.

"Sure. Hihintayin na lang kita. Mag-iingat ka ha?" masuyo kong sagot. Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa.

"Opo baby," at pinatay na nito ang tawag.

Nagmadali na akong nag-ayos ng aking sarili. Nang ready na ako at akmang palabas na ng aking kuwarto ay biglang tumunog na naman ang aking phone.

May tumatawag na naman. Katatawag lang niya ah. Agad ko itong sinagot.

"Hel—"

"Kate! Thank go—"

Bigla akong napaupo sa 'king kama kasabay ang pagkabog ng aking dibdib nang marinig ko ang masiglang boses na 'yon.

Hindi ko na alam kung anong sinasabi niya. Pansamantalang natulala ako sa kawalan.

"Kate? Nandiyan ka pa—"

Bago pa ako makasagot ay may kumakatok na sa pinto. Wala sa sariling pinatay ko ang tawag at nagmamadaling inayos ang aking mukha at nanguha ng tissue upang hindi kumalat ang make-up na inilagay ko.

Agad na akong nagtungo sa pinto at binuksan ito. Tumambad sa 'kin ang nakangiti at guwapong itsura ng aking manliligaw.

Bago kami tuluyang umalis ay lumingon muna ako sa kama kung nasaan ang aking phone at malungkot na ngumiti.

I need to go.

To a date.

With the person...

I like.