KATE
We went down with our arms linked together and I could smell the expensive perfume he's wearing.
"Pinaghintay ba kita? Kaya binilisan ko na dahil excited na akong makita ka, babe," nakangiting sabi ni James sa'kin. "You look fantastic on your dress, it suits you perfectly," puri pa niya sa'kin.
I smiled at him. "Thank you, James and no need to worry, you came on time naman."
"Oh my, you two are a perfect match! Enjoy your date together, James and take care of Kate, ha?" tila kinikilig na bulalas ni Mama sa'ming dalawa nang makita niya kami.
"Of course, tita. Kahit di niyo po sabihin ay gagawin ko at ako na pong bahala kay Kate. Makakaasa po kayo." I could feel his big hand squeezing mine as he glanced at me for a sec. Now he's blushing.
"We'll go now, Ma. Uuwi rin po ako ng maaga," paalam ko na kay Mama para makaalis na kami at makabalik din agad ako.
"No, Kate. Kasama mo naman si James kaya okay lang basta enjoy your time together. Oh siya, mag-iingat kayong dalawa ha?" bilin niya sa'kin at sa'ming dalawa.
Tumango na si James kay Mama at paalis na kami nang biglang dumating si Daddy.
"James, alam mo na ang mga dapat at di dapat." Seryoso naman akong tiningnan ni Daddy.
Bigla namang tumuwid ng tayo ang kasama ko at magalang na sumagot, "Opo, sir. Di ko po kayo, bibiguin."
Di na kumibo pa si Daddy kaya umalis na kami. As expected for every guy, he opened the door for me, his smile still flashing on his face. Gentleman as ever.
"Sa'n naman tayo ngayon?" simpleng tanong ko sa kanya habang nasa biyahe kami, nasa labas ang aking tingin.
"You'll know," sagot niya at mahina pang tumawa. I bet sa isang restaurant na naman.
Napalingon lang ako sa kanya nang pisilin niya ang aking kaliwang kamay saka pinag-intertwine ang aming kamay. "How do I look, babe?"
I examined him. He has the looks that will make every girl go crazy and a physique to scream for. He looked stylish on his simple white polo with his muscles flexing, and denim pants. After all, he's a basketball varsity in our university so no doubt that there's a long list to describe him but for me, I don't know.
"Kate, babe?"
"Oh, I'm sorry. You look...great today," nakangiti kong sabi sa kanya. Gosh, nakakahiya. Baka mahalata niya ako.
"Great lang, babe? 'Yon lang?" parang batang sabi niya sa'kin na ikinalito ko.
"Ha? Anong 'yon lang?"
Bigla naman itong tumawa. "Just kidding, babe. Nandito na tayo." He already stopped the car at pinagbuksan na ako ng pinto. Inabot ko na ang nakalahad niyang kamay at inalalayan ako.
As what I've thought, dinala niya ulit ako sa isang fancy restaurant. Baka isa na naman 'to sa pagmamay-ari nila.
"Shall we go?" at sabay na kaming pumasok sa loob na nakakawit ang kamay ko sa braso niya.
Dumiretso kami sa pinareserved niyang room. May mga nakahain ng pagkain at mukhang hinihintay na lang kami.
Pinaghila niya ako ng upuan at nagpaalam saglit.
"Kate, I really like you and you don't know how much I adore you. I know I've got a long way to go but I'm willing to wait," he confessed at iniabot sa'kin ang isang bouquet of flowers at heart-shaped box.
Ramdam kong sincere siya sa sinabi niya but I kept my mouth shut. Di ko kasi inexpect na may paganito siya and it was my first time that a guy confessed to me like this.
"James, thank you for this and for all the effort you put in everything. I really appreciate it," and I smiled at him saka tinanggap ang flowers at box of chocolates na binibigay niya.
We started to eat but inaasikaso niya muna ako like siya ang maghihiwa ng kakainin ko or magseserve at magpopour ng wine sa making glass. At first, I told him na kaya ko naman but he insisted so I let him.
To be honest, I like him. He's a nice guy and fun to be with. Kahit nakakailang dates pa lang kami, magaan siyang kasama dahil unlike other guys, di siya mahangin na like babagyuhin ka.
But...
"Kate, wait," pigil niya sa'kin ng susubo na ulit ako ng steak. He took a tissue and wiped the side of my lips. Sa sobrang lapit ng mukha niya sa'kin, di ko maiwasang mapatingin sa labi niya kaya mabilis akong nagbawi ng tingin.
"You look cute when you're doing that, babe," he said, chuckling that made me roll my eyes na lalo niyang ikinatawa.
"Did you like the food? It's our family's-"
"Uhm, may practice ba kayo ng basketball bukas? I might not be around if ever. You know, kinda busy," I admitted. Di ko na siya pinatapos magsalita dahil alam ko kung saan na naman patungo ang aming usapan.
Sa mga dates namin, masaya siyang kasama but he always talk about their family business or kung may iba man kaming topic, mababanggit at mababanggit pa rin niya 'yon to the point na nabobored na ako kaya as much as possible iniiba ko na 'yong topic dahil I'm not interested and it was a bit off.
"Ah, oo, meron kaming practice bukas pero aabsent na lang siguro ako para mapanood at masamahan kitang magpractice bukas. May practice ka para sa upcoming pageant di ba? May isusuot ka na ba? Tell me kung wala pa, bibilhan kita." Di talaga mawala-wala sa mukha niya ang pagngiti kaya kahit sino mahahawa sa kanyang aura.
"Ano ka ba James, nakakahiya naman sa'yo at di mo naman kailangang gawin 'yon dahil kailangan ka rin ng team mo at baka mapagalitan ka pa. Tutulungan din ako nina Skye sa mga gagamitin ko so I think I'm all good," I assured him.
"Are you sure, babe? Kung di ko na talaga mapapabago ang isip mo then I'm fine with it pero hayaan mo sana akong puntahan kita bukas sa practice mo. Gusto talaga kitang mapanood at makita. Please? "
Si James lang ata ang lalaking nakita kong ganito. Parang nagpapaawang bata. "Okay. Mukhang di na rin magbabago ang isip mo kahit tumanggi pa ako," natatawang sabi ko na lang sa kanya.
Ilang minuto lang ay umalis na rin kami at dumiretso na sa mall.
"What do you want to watch? Nakapili ka na ba?" tanong ni James sa'kin pagkatapos niyang mamili ng popcorn at kung ano-anong chips at inumin. Nandito kami ngayon sa isang cinema at namimili ng movie na panonoorin.
Kinuha ko muna 'yong isang popcorn at inumin na hawak-hawak niya saka kumain. Tumingin muli ako kung ano ang available o magandang movie.
"James, ikaw ng bahala," sabi ko sa kanya at ngumuya na ulit. Wala naman kasing erotica at kung kasama ko si Andy baka may gano'n din-
Wait! Did I just mention her name?
Bahala siya sa Palawan. Matapos ang lahat ng nakita ko sa IG niya. I hate her!
"Babe! 'Yong popcorn mo mabubuhos na," pukaw niya sa'kin at napansin kong napahigpit na pala 'yong hawak ko sa popcorn. May nahulog ng ilang piraso.
"Ba't ka nakabusangot? Di mo ba trip 'yong popcorn o 'yong movie na napili ko?" nag-aalalang tanong niya sa'kin.
"Ah, hindi. Okay lang sa'kin 'yong movie na napili mo. Mukhang interesting siya at bago. 'Wag mo na lang akong pansinin, may naalala lang kasi ako," palusot ko dahil di ko naman talaga alam kung ano 'yong movie na napili niya.
"Babe, baka naman kasi iniisip mo 'yong gagawin natin mamaya na ano kaya ka nakabusangot diyan."
My brows furrowed at what he said. "What do you mean na gagawin natin mamaya?"
"Babe, relax. Syempre pagkatapos nating magdate, uuwi na tayo. Baka inaalala mo na maghihiwalay na tayo kaya nakabusangot ka na. Namimiss mo na siguro ako eh magkasama pa naman tayo. Ikaw ha."
"Whatever James! Maiwan ka diyan!" at nauna na akong pumasok sa loob ng cinema.
"Haha, babe! Binibiro lang kita eh. Tara na nga!" at inakbayan na niya ako kaya medyo napayuko ako. Sa bigat at laki ba naman ng braso niya.
Sa gitna ang napili naming pwesto dahil okupado na sa likod. Medyo marami-rami rin ang nanonood.
"James, seriously? Mahilig ka sa romance?" Di talaga ako makapaniwala sa lalaking 'to kaya masaya siyang kasama dahil di mo talaga aasahan 'yong mga trip niya sa buhay.
"Porke't lalaki ako? Tingin niyo ata sa'ming mga lalaki puro pang-action o sports ang pinapanood. Para maiba naman, nakakasawa na eh," katwiran niya habang kumakain ng chips.
"Di ko lang inexpect sa'yo. Horror naman ang paborito ko and kung romance? Depende. Anyway, maganda kaya 'yang movie? If not, I'll sleep na lang," tugon ko naman habang nakatutok sa big screen.
"Maganda 'yang movie. Tragic. Namatay 'yong lalaki tapos nareincarnate siya bilang pusa."
"What? Napanood mo na 'yan? Inispoil mo na ako, paano ko panonoorin 'yan saka ba't pa pala tayo manonood kung napanood mo na pala 'yang movie?" Bumaling ako sa kanya at gano'n din siya sa'kin.
"Sa totoo niyan, gusto kitang masolo Kate kaya niyaya kita rito. Wala naman talaga akong pakialam sa movie. Mas mahalaga 'yong makasama kita tulad ngayon. Wala ng iba," he said affectionately. I could feel his hand reaching for mine and covering it with his, and giving it a gentle squeeze.
Huminga ako nang malalim at tiningnan ang kamay naming magkapatong. I felt nervous all of a sudden and I don't know why.
"James," I murmured as I touch our entwined hands with my freehand then I glanced at him. Amidst the dark, I could feel his eyes gazing through me.
Without uttering any word and letting the silence enveloped our shared space, I moved closer to him, leaning on his broad shoulder and closed my eyes.
I took this time to feel him, to think for a moment about my feelings that I couldn't tell.
He has a big, hard body that you can rest and lean on. A body that every single girl would ever dream and hope for their potential lovers to have. A body that is ideal for every girl's fantasies.
Unlike...
Hers...
Light and soft...
That only me can touch and dream of having.
It's different.
And if someone's going to ask me who I will choose, then my answer will be...
My feelings that I wouldn't tell.
"Babe?" Dumilat na ako nang marinig ko ang mahinang pagtawag sa'kin ni James. "Hmm? Tapos na 'yong movie? Aalis na ba tayo?"
"Kung gusto mo, pwede na tayong umalis at maglibot-libot. Gusto mo ba magshopping? Mahaba pa naman ang oras natin."
"Then let's go para marami tayong mapuntahan at mabili." Kinuha ko na ang aking mga kalat at dahan-dahan na kaming umalis ng cinema.
Niyaya ko na siya sa isang clothing store at nagtingin-tingin na ako ng mga iba't-ibang dresses habang siya ay nakasunod lang sa akin.
"James, you can look around. Baka may gusto ka ring bilhin. Di mo ako kailangang bantayan dahil matatagalan pa ako rito," I told him dahil kanina pa siya nakabuntot sa'kin at baka mainip pa siya.
"Wala naman akong bibilhin dahil marami pa naman akong damit sa bahay. Saka okay lang kahit matagalan ka sa pagpili, kaya naman kitang hintayin kaya take your time," kalmado niyang tugon sa'kin habang hawak niya ang ilan pang napili kong dress.
"Okay, if you say so." Kinuha ko na sa kanya ang ilang dress at isinara na ang pinto ng fitting room. Napakapersistent talaga ng lalaking 'yon.
Nagsimula na akong magsukat-sukat habang tinitingnan kung ano ang babagay sa'kin. Makalipas ang isang oras na pagbibihis at pagtatanong sa saleslady ay natapos din ako.
Agad akong nilapitan ni James nang makita niya akong lumabas ng fitting room.
"Okay ka na babe? O may bibilhin ka pang iba?" bungad na tanong niya agad sa'kin.
"Yes, tapos na ako. Ikaw ba, wala ka talagang bibilhin? Alangang ako lang ang may bibilhin tapos ikaw wala. Ayaw mo talaga?" paulit-ulit kong tanong sa kanya baka magbago ang isip niya.
Sasagot na sana siya nang biglang dumating ang isang saleslady. "Excuse me po ma'am, kukunin niyo na po ba 'yan?" Tinanguan ko lang ito at kinuha na niya sa'kin ang anim na dress na napili ko saka umalis.
"Alam ko na kung saan may mabibili kang babagay sa'yo," sabi ko kay James at hinila siya sa men's section ng store.
"I think babagay sa'yo 'yong leather shoes o kaya leather boots since mahilig ka sa casual style," suggest ko sa kanya na bahagya niyang ikinangiti at napakamot pa sa kanyang ulo.
"Ah kasi babe, di naman ako mahilig sa ganyang mga sapatos pero ngayon at tanging ikaw lang ang nagsabi na bagay sa akin ang ganyang sapatos kaya...sige susubukan kong magsukat," tila nahihiya pa niyang tugon at di makatingin sa'kin.
Sinamahan ko na siyang pumili dahil nakakahiya naman lalo na't nagtiyaga siyang hintayin ako at sa mga efforts niya sa'kin.
"Babe, okay lang ba sa tingin mo?" kapagkuwa'y tanong niya sa'kin habang ako'y nagtitingin pa ng ibang sapatos. "'Yan, bagay na bagay at saktong-sakto pa sa suot mo ngayon," nakangiting tugon ko naman.
Pumunta na kami sa counter upang magbayad. Maglalabas na sana ako ng pera sa aking black clutch wallet nang bigla niya akong pigilan.
"Babe, ako na," at iniabot na niya ang isang platinum credit card sa cashier. Halos siya na ang laging sumasagot sa mga dates namin at binibilhan niya pa ako ng kung ano-ano. Sobrang nakakahiya na.
Nang matapos kami ay gabi na. Niyaya niya muna akong magdinner sa isang fast food restaurant at siya na rin ang nag-order dahil baka raw napagod ako sa aming pagsho-shopping kaya pinahanap na lang niya ako ng mauupuan namin at pinaghintay.
"Babe, malapit na 'yong mga inorder kong pagkain. May bibilhin lang ako saglit. Mabilis lang ako," at nagmamadali na siyang umalis.
Di ko na inisip kung saan siya pumunta at sa halip ay nagrelax na umupo rito sa aking pwesto. Medyo napagod at nangalay ako sa paggagala naming dalawa. Hindi ko na rin alam kung anong oras na.
Wala pa atang kalahating oras ay nakabalik na si James at may bitbit siyang tatlong malalaking paper bags. Saktong naiserved na rin ang mga pagkain.
"Saan ka galing? Andami mo atang pinamili? 'Yan ba 'yong walang bibilhin?" pang-aasar ko sa kanya. Inilapag naman niya ang mga 'yon sa bakanteng upuan sa tapat namin.
His face flashed a playful smile at umupo na sa tabi ko. "Babe, may nililigawan pa akong isa kaya hindi pwedeng ikaw lang 'yong binilhan kaya dapat siya rin."
Napataas ang kilay ko sa narinig. "May nililigawan ka pang iba bukod sa'kin? So babaero ka pala. Thanks for informing me.Circus pala 'to akala ko date." Tumayo at akmang aalis na sana ako nang hawakan niya ako sa aking braso.
"Leave or I'll ask Tita Laura now na i-arranged marriage na tayo." Biglang sumeryoso ang tono ng boses niya. Agad kong hinigit ang aking braso mula sa pagkakahawak niya at nanggigigil na umupo.
I tried to contain myself right now dahil sa sinabi niya. Hindi nakakatuwa at sa tingin niya ba gano'n lang kadali ang pinagsasabi niya. Let alone kung alam niya ang true essence of marriage or the word 'marriage' per se.
"Kain na tayo," tipid na sabi ng katabi ko. Di ako sumagot dahil nawala na ako sa mood. 'Yong gutom at pagod ko biglang nawala at napalitan ng inis. Kahit na masasarap 'yong mga pagkain pero nawalan na ako ng gana. Kinuha ko na lang 'yong iced tea at sumipsip.
Natapos kaming kumain na walang nagsasalita. Ngayon ay pauwi na kami at gano'n pa rin.
"Kate, I'm really sorry for what happened a while ago," he said apologetically but I remained silent, still looking at the cars we passed by. "I didn't mean to say it. Nadala lang ako. Ayoko lang na umalis ka kaya ko nasabi 'yon."
I tried to register everything he said in my head but all I could do was let out a sigh.
"Kate, wait. Ako na. Ihahatid na kita," pigil sa'kin ni James nang lalabas na ako ng kotse niya at nagmamadaling siyang lumabas upang alalayan ako. Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay namin.
Iniabot na niya sa'kin ang bouquet of flowers at box of chocolates habang siya na ang may bitbit ng mga pinamili namin.
Nauna na akong pumasok habang siya'y kasunod ko. Kumatok muna ako at ilang saglit ay mukha ni Mama ang bumungad sa'kin. Abot-tenga ang ngiti ni Mama nang makita ako lalo na ang aking mga hawak.
"Oh, Kate! How was your date with James?" excited kaagad na tanong ni Mama sa'kin.
Bago pa ako makasagot ay biglang nagsalita si James.
"Ahm, tita, para sa inyo po," nakangiting saad niya habang iniaabot ang tatlong malalaking paper bags.
"You're so thoughtful, James! Ang dami naman nito pero maraming-maraming salamat dito sa mga books ha?" masayang sabi ni Mama at yumakap pa rito.
"Walang anuman po, tita. Nalaman ko pong mahilig kayong magbasa kaya naisipan ko pong bilhan kayo ng libro."
Bago pa ako lamukin dito ay buti na lang naisip ni Mama na papasukin na kaming dalawa. Basta talaga nauto sa libro 'tong si Mama, nagiging lutang na.
"Tita, hindi na po ako magtatagal pa dahil may aasikasuhin pa po ako. Babawi na lang po ako sa susunod," paalam ni James dahil gabi na rin.
"Ma, ihahatid ko na siya sa labas," sabi ko na kay Mama dahil baka tumagal pa ang usapan nila at gabihin na si James sa pag-uwi.
"Kate, I'm really sorry if I ruined our date today. Si Tita Laura 'yong tinutukoy ko kanina. I'm really really—"
"Stop, James. Naintindihan ko na and 'wag mo na lang uulitin. Kalimutan na lang natin 'yong nangyari, okay? And, thank you so much for today kahit na medyo nasira 'yong mood ng date natin. Still, nag-enjoy pa rin ako sa paglabas natin together." Nginitian ko na siya para di na siya mag-alala pa.
Sa wakas ay ngumiti na rin siya. "So, Kate, see you tomorrow. Have a goodnight sleep. I'm going to go." Hinaplos niya muna ang aking pisngi and he waved goodbye to me one last time then he got in his car and drove away.
Pumasok na ako at dinampot na ang flowers at box of chocolates. Paakyat na ako nang sumigaw na naman si Mama.
"Kate! Before I forgot, look who's in the living room."
Muntikan ko nang mabitiwan ang aking mga hawak at parang tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa nakikita ko ngayon.
Andy.
Gusto ko man siyang tawagin pero di ko magawa. Nakatingin lang ito sa mga hawak ko at parang wala lang ang presensya ko sa kanya.
"Kate? Hindi mo ba lalapitan si Drew? May ibibigay daw siya sa'yo, " pukaw sa akin ni Mama.
"Wait lang Ma, akyat lang po muna ako sa kwarto. Mag-aayos lang ako," paalam ko at nagmamadaling pumunta sa kwarto ko.
Pagpasok ko ay isinara ko agad ang pinto saka itinapon sa gilid ang mga dala ko at mabilis na dumapa sa aking kama at sumubsob sa unan.
Ba't ngayon ka pa dumating, Andy?
Kung di ka sana dumating, di mo sana makikita kung ba't kita iniiwasan...
At lalong di ko sana makikita sa maamong mukha mo ang lungkot at sakit.
Bumalik ako sa aking ulirat nang biglang may kumakatok sa pinto ng aking kwarto. Inayos ko muna ang aking sarili bago pagbuksan kung sinuman ang kumakatok.
Pagbukas ko ng pinto ay ang nakayukong si Andrew ang nabungaran ko. Kinatok ko ang pinto upang pukawin ang atensyon niya.
"Ah eh...Kate, naistorbo ba kita? Magpapaalam lang sana ako sa'yo. Uuwi na ako baka kasi hinahanap na ako nina Mom at gabi na rin. Saka mukhang pagod ka rin."
Halos di ko maintindihan ang sinabi niya dahil bukod sa mabilis ay pahina pa nang pahina. Di rin siya makatingin sa'kin.
"An—
"Goodnight, Kate," at nagmamadali na siyang umalis.
Hindi ko na siya sinundan pa at pumasok na sa aking kwarto na mabigat ang pakiramdam.
Pabagsak akong humiga sa aking kama at nakatingin lang sa kisame. Lumilipad na naman ang isip ko nang biglang tumunog ang aking phone.
Isang text mula kay Andy.
"Kate, alam kong gising ka pa pero pwede bang sumilip ka sa bintana kahit saglit lang bago ako tuluyang umalis? Gusto lang ulit kitang makita. I missed you so much."
I missed you too, Andy.
Ang gusto ko sanang i-reply ngunit hindi ko magawa.
"Kate? Please?"
Nakatitig lang ako sa screen ng phone ko, blangko ang aking isip.
"Baka nakatulog ka na. I'm sorry if nabulabog kita. We're leaving. Goodnight, Kate."
Tila may sariling isip ang aking mga daliri at mabilis na nagreply. "Sinong kasama mo?"
Agad din akong nakatanggap ng reply. Sana'y di ko na lang binasa.
"Si Mich. Sinundo niya ako. Pauwi na kami."
Si Mich.
Sinundo niya ako.
Pauwi na kami.
"Andy?"
"Hmm? Di ka ba makatulog? Kukwentuhan kita pag-uwi ko. O nagugutom ka? Papadeliver ako ng food diyan."
"Stay away from Michelle," at ini-off ko na ang aking phone.