ANDY
"Drew, bangag ka na naman," sabi ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin at tinitingnan ang aking mga matang may eyebags. Kinuha ko na ang aking eyeglasses at isinuot ito.
Naghihikab akong umalis ng bahay para pumasok. Hindi na ako nakasabay kay Kate sa pagpasok dahil na-late ako ng gising. Alas-kwatro na ako umuwi kanina. Hindi ko na rin naabutan ang aking parents.
Hala! Patay na patay na talaga ako kay Kate! Kailangan ko na atang magdasal. Ilang araw na ata akong di nakakasabay sa kanya. Naku, Drew naman.
Pagkalabas ko sa aming gate ay may nakita akong sasakyan na nakapark sa tapat ng bahay namin. Paglapit ko ay nakita kong nakatayo at nakasandal si Mich sa sasakyan at may suot itong shades.
"Mich! Good mor— You look great today!" puri ko sa kanya dahil sa suot niyang black high wasted jeans, white crop top at denim jacket na tinernuhan niya ng white sneakers.
"Good morning Ander! You also lo— Well, I can't take my eyes off you. I want to stare at you all day," malambing na saad ni Mich at ikinawit ang braso niya sa aking batok 'tsaka ako niyakap nang mahigpit.
Humiwalay na rin ito ng yakap sa akin. "We better get going, Ander. Baka ma-late na tayo," nakangiti nitong sabi at pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat.
Nagkukwentuhan lang kami habang nagbibiyahe at hindi ko rin maiwasang mapangiti dahil parehas kaming blondie ngayon. Mukha tuloy kaming kambal na magkapatid. Biglang umasim ang mukha ko nang maalala ko si Kate.
Ayan na naman ang dibdib ko. Parang may gustong lumukso dahil sa kaba.
Napapikit tuloy ako at napadasal na lang sa aking isip.
"Ander? Nakikinig ka ba?" pukaw nito kaya ako'y napadilat at tinatapik rin nito ang aking hita. "Teka lang, okay ka lang ba? Namumutla ka kasi. May masakit ba sa'yo babe?"
"Huh? Okay lang ako. May sinasabi ka ba?" wala sa sariling sagot ko.
"Wala naman babe. Tinatanong lang kita kung may jowa ka na ba," seryoso nitong tanong sa akin.
Wala akong jowa, nagugustuhan meron. Ang nag-iisang babae sa puso ko na ubod ng manyak.
"Wala eh. Ikaw ba Mich, meron?"
"Ah wala pa kasi liligawan ko pa lang siya pero pwede ko rin naman na siyang itakas ngayon para wala ng asungot na aaligid sa kanya," seryoso pa ring saad nito at tiningnan ako sa mata.
Umiwas ako ng tingin. Nandito na pala kami sa university. Nagpark na si Mich 'tsaka mabilis na bumaba para pagbuksan ako ng pinto. Inilahad naman nito ang kanyang kamay sa akin at kahit nagtataka ay tinanggap ko 'yon.
Ano bang meron kay Mich ngayon? Ang gentlewoman niya kasi. Di ako sanay dahil madalas ako ang gano'n.
Dahil medyo maaga pa ay ililibot ko muna si Mich dito sa Maximillian University dahil babago pa lang siya rito.
Habang naglalakad kami papasok ay biglang humihinto sa paglalakad ang mga estudyante at nakatitig lang sa amin lalo na sa kasama ko. Nagbubulungan pa ang mga ito.
Dire-diretso lang kami at hindi na pinansin ang nasa paligid. Iginala ko muna siya sa gym, canteen, garden at sa iba pang building. Bigla niyang hinawakan ang aking kamay kaya magkaholding hands kaming naglilibot.
Pabalik na kami nang maalala kong may klase pa pala ako. Nagmadali na ako at nagpaalam kay Mich. Paalis na sana ako nang hawakan niya ako sa braso sabay halik sa aking pisngi.
Patakbo na akong nagtungo sa aming classroom at sa kasamaang palad, sa pagpasok ko ay nando'n na ang aming prof. Nagsusulat ito habang ang buong klase ay nakatingin sa akin.
Wala na akong inaksayang oras at mabilis na umupo sa tabi ni Luce. Gulat na gulat ang itsura nito na halos lumuwa na ang mga mata nito at nakanganga pa talaga siya. Natawa na lang ako nang mahina at nakinig na.
***
"Drew! Taena, ba't ganyan...mukha mo? 'Tsaka ba't ka nakasalamin? Dapat nagblue ka na hoodie tapos ngiti ka. Pwede ka ng commercial model ng gatas, alisin mo lang 'yang salamin mo," saad nito at tinakpan ang bibig upang pigilan ang napipintong paghalakhak.
"Tigil-tigilan mo ako Luce! Palibhasa bilib ka na naman sa new look ko kaya wala ka na namang mapagtripan. Pakulay ka rin ng buhok diyan sa ano mo tapos gawan natin ng commercial," loko-loko kong saad sabay nguso sa gitna niya. Humagalpak na ako katatawa habang siya naman ay tinutulak-tulak ako. "Dapat kulay blonde rin tapos ikaw na ngayon si Dandelion, ang nakatagong sumpa ng mga bulaklak."
Sinabunutan niya rin ako at pati ang damit ko ay hindi pinalampas. "Kung ako sumpa, ikaw naman ay...I'm a Bi-bie girl, in the horny world. Life in kinky, it's naughty. You can lick my hair, fu--" Pinasakan ko na ng papel ang kanyang bunganga para tumigil na siya sa pagkanta dahil di ko na kinakaya ang sinasabi niya.
Walanghiya talagang Rubio 'to!
Hindi ko na siya hinintay pang makabawi at kinaladkad na papuntang canteen para maglunch.
"Ander! Babe!" Tawag sa akin pagkarating namin doon. Paglingon ko ay ang nakangiting si Mich na kumakaway habang nakaupo sa isang pwesto malapit sa counter.
Agad-agad ko nang hinila si Luce papunta roon pero bigla kong naalala si Kate. Tiningnan ko ang pwesto nila ngunit sa kasamaang palad ay nahuli ko itong nakakunot ang noo at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.
Drew, ang sarap naman ng lunch mo. Sana makakain ka pa. Nawa'y mas masarap pa sana sa pagkain ang matikman mo.
"Luce, Mich, teka lang. May pupuntahan lang ako," paalam ko at lumapit na sa table nila Kate.
Habang papalapit na ako nang papalapit sa kanila ay lumalambot na rin ang aking mga tuhod dahil sa takot at bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa halo-halong emosyon. Hindi ko na rin maramdaman ang gutom. Busy sa pagkukwentuhan ang mga kaibigan ni Kate habang siya naman ay abala sa pagcecellphone.
Nang nasa tapat na nila ako ay tinawag ko ang aking bestfriend.
"Kate. Kumain ka na ba? Kate?" pukaw ko sa kanya pero hindi pa rin ito nag-aangat ng tingin. Tinawag ko ulit ito pero wala talaga. Nakatingin na sa akin ang mga kaibigan niya at siniko na nina Claire at Skye na nakatitig din sa akin ang ngayon ay nakangiti ng si Kate na tutok sa kanyang phone.
Ano bang meron sa phone niya at hindi niya ako pinapansin?
'Tsaka lang ito tumingin sa akin nang inginuso nila akong dalawa. Bigla uling bumusangot ito at blangko lang ang mukha.
"Pwede ba Andrew, mamaya mo na lang ako kausapin? Istorbo ka kasi sa ginagawa ko," malamig at masungit niyang sabi sa akin at ibinaling na uli sa kanyang hawak na phone ang tingin.
Tila pinako ako sa aking kinatatayuan at para ring may kumurot sa aking dibdib nang marinig ang mga salitang 'yon. Ngayon lang niya ako pinagsalitaan ng gano'n. Ayaw ko pa sanang umalis pero alanganin na lang akong ngumiti kahit di na sila nakatingin sa akin at bumalik na ako kina Luce.
Nadatnan ko naman silang masayang nagkukwentuhan. Tahimik lang akong umupo sa tapat nila at nakayuko lang.
"Uy Drew! Nandito ka— Teka, ba't malungkot ka diyan?" pansin sa akin ni Luce. Nag-angat naman ako ng tingin at sumalubong sa akin ang seryosong mukha ni Mich at ang mga tingin niyang parang bumabaon sa aking kalooban.
"Kumain na lang tayo, ano bang gusto niyo?" pag-iiba ko ng usapan at buti na lang ay hindi na sila nangulit pa.
Pagkaorder ko ay sabay-sabay na kaming kumain. Tahimik lang ako habang silang dalawa naman ay masayang nag-uusap at nagkukwentuhan. Iniisip ko pa rin si Kate at 'yong kanina kaya wala akong ganang kumain.
"Seriously Mich?! You and Drew are?...exclusively dating?!" bulalas ni Luce kaya napatingin sa amin ang lahat. Nakangiti lang si Mich habang ako naman ay patuloy lang sa pagkain.
Nang isusubo ko na ang pagkain ay biglang may marahas na humila sa hoodie ko dahilan upang mahulog ang kutsara pati na rin ang eyeglasses ko. Muntikan pa akong mahulog sa aking kinauupuan kung hindi ako maagap na hinawakan nang mahigpit ni Mich sa braso at hinila.
"Let. Her. Go," seryoso at maawtoridad na sambit ni Kate at mababakas din ang galit sa tono ng boses niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Mich. Pagkasabi no'n ay pinilipit niyang lalo ang hoodie ko 'tsaka may pwersang hinila ako.
"Why would I do that? She is not yours to ask me that. So, you let. her. go," kontra naman ni Mich habang nakatiim-bagang at madilim din ang mukha nito. Seryosong nakatingin kay Kate at hinila ulit ako palapit sa kanya. Parehas na silang nakatayo ngayon at hawak ako.
"Puwede bang bitiwan niyo na si Torregozon? Sinasaktan niyo lang siya sa ginagawa niyo. Tingnan niyo oh, pinagtitinginan na tayo," masungit na sabat ni Luce at inginuso ang itsura ko 'tsaka malakas na pinalo sa kamay ang dalawa.
Hinila na ako paalis ni Luce sa canteen at iniwan na ang dalawa. Tutal malapit na ang time ay dumiretso na kami sa aming classroom.
Habang nasa klase ay hindi ko magawang magpokus dahil iniisip ko si Kate. Dahil hindi ako mapakali, pinatayo ko ang aking libro sa mesa at palihim na kinuha ang aking phone at itinext si Kate para suyuin siya.
Hindi na ako nakinig sa prof na nagdadaldal sa harap. Ilang minuto na ang aking hinintay pero wala akong reply na natanggap mula kay Kate.
Busy siguro. Mamaya na lang.
***
Mabilis akong umalis ng classroom matapos ang klase namin ngayon at inabangan na si Kate sa labas ng classroom nila.
Sakto naman ang dating ko kaya sinalubong ko ito at binati.
"Kate! Kumusta ka na? Nabasa mo ba 'yong text ko sa'yo? Sabay na tayong umuwi," masigla kong sabi sa kanya.
Pagkasabi ko no'n ay bigla itong namutlang napatingin sa akin at bumusangot na naman ang mukha nito. Hindi niya ako pinansin at nagmamadaling umalis sa harap ko. Agad ko naman itong sinundan hanggang sa makarating kami sa parking lot.
Wala pa rin itong tigil sa paglalakad kaya hinawakan ko siya sa braso para huminto. Humarap naman ito sa akin pero bakas sa itsura niya ang pagpipigil ng galit.
"Kate, bakit hindi mo ako kinakausap? Kanina mo pa ako hindi pinapansin. May problema ba?" panunuyo at nag-aalala kong tanong sa kanya habang ang mga mata ko ay nagmamakaawang nakatingin sa mga mata niya.
Nag-iwas lang siya ng tingin at sinimulan na nitong ilagay sa loob ng kotse ang mga gamit niya.
Sinuyo ko pa ito at nakiusap sa kanya na pansinin at kausapin ako kung may problema ba kami.
"Andrew, please. Huwag mo muna akong guluhin dahil malelate na ako. 'Tsaka wala tayong problema. Okay lang ako," tugon nito pero hindi mahihimigan ng kahit na anong emosyon.
Ramdam na ramdam ko ang panlalamig niya sa akin. Kahit na sabihin niyang okay siya pero alam kong hindi totoo 'yon.
Biglang tumunog ang phone ni Kate at tila may tumatawag. Pansin ko ang biglaang pag-iiba ng mood niya nang sagutin niya ito. Nagliwanag ang kanyang nakabusangot na mukha kanina. Kitang-kita ko ang kislap sa mga mata niya na ngayon ko lang nasilayan. Halatang-halata ang saya sa kanyang mga labi.
Parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa nakikita ko ngayon kay Kate. Tila may tumutusok sa aking dibdib. Hindi ko mawari kung ano ang nararamdaman ko pero isa lang ang sigurado ako.
Nasasaktan ako ngayon.
Hindi rin niya suot ang kwintas na ibinigay ko sa kanya maging ang couple bracelet na binili niya para sa aming dalawa.
Bakit Kate?
Pinilit kong pasiglahin ang aking boses at akmang magtatanong sa kanya kung sino ang kanyang kausap nang bigla niya akong patahimikin. Ilang saglit lang ay nagmamadali na itong pumasok sa kanyang kotse at mabilis na pinaharurot ito.
Sa isang iglap, naiwan akong tulala at nag-iisa habang nangingilid ang aking mga luha.
Sa unang pagkakataon, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong lungkot.
Anong meron Kate?
Isang mahigpit na yakap ang bumalot sa akin habang naglalandas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Ander. I'm here for you. Always."