Chapter 18 - 18

ANDY

Ang maliwanag at matinding sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng aking kwarto ang siyang nagpagising sa akin ngayon.

Wala sa sariling bumangon ako kahit na medyo inaantok pa. Kusang tumigil ang aking mga paa sa tapat ng salamin dito sa aking kwarto at tiningnan ang sarili kong repleksyon.

Medyo naniningkit ang aking mga mata at may mga eyebags pa. Hindi ako gaanong nakatulog dahil sa kaiisip sa nangyari kahapon sa amin ni Kate.

Bago lumabas sa aking kwarto ay pinasadahan ko muna ng tingin ang aking cellphone, nagbabakasakaling may matanggap akong text o chat mula kay Kate.

Ilang minuto na ang lumipas sa pagtitig ko sa aking cellphone pero mukhang wala pa rin kaya lulugo-lugo na akong lumabas.

Kumusta ka na Kate?

Busy ka pa rin kaya hanggang ngayon kaya hindi mo ako pinapansin?

O baka istorbo lang talaga ako sa'yo?

Bumalik lang ako sa aking ulirat nang marinig ko ang masasayang tawanan nina Mom at Dad sa kusina. Ang sarap pagmasdan ng kanilang mga nakangiting mukha habang sinusubuan ang isa't isa.

Tahimik na akong umupo sa tapat ni Mom. Si Dad naman ay nakaupo sa kabisera.

Bigla naman silang tumigil sa maaga nilang paglalambingan nang mapansin ako.

"Oh, good morning Prince! How's your sleep?" masiglang tanong ni Mom 'tsaka pinisil ang aking kamay na nakapatong sa mesa.

Nakangiti rin akong binati ni Dad sabay tapik sa aking balikat at nagpatuloy na ulit ito sa pagsubo ng pagkain.

"Good morning din Mom, Dad," matamlay kong bati sa kanila habang nakatingin lang sa aking plato.

Nagpatuloy na ulit sila sa pagkain pero ako ay hindi pa rin kumikilos. Lumilipad pa rin ang isip ko sa kanya at walang ganang kumain.

"Prince, may problema ka ba? Ba't hindi ka kumakain?" pukaw sa akin ni Mom at mataman niya akong tiningnan na tila kinikilatis. Umiling lang ako bilang tugon.

Nanguha na lang ako ng isang tinapay para hindi na magtanong pa si Mom at kinagatan ko lang ito nang kaunti.

Pero sadyang magaling si Mom. She caught me off guard. "Prince, is it all about Kate?" may himig ng pag-aalang tanong niya sa akin. Nalunok ko tuloy ng wala sa oras ang aking nginunguya.

Bigla ko na namang naalala kung paano ako naiwan sa kawalan. Kinurap-kurap ko ang aking mga mata para pigilan na naman ang aking nagbabadyang luha.

Tumikhim muna ako bago sumagot upang hindi mahalata ang paggaralgal sa aking boses. "No, Mom."

"I am your mother, Prince. Kilala kita kaya kung ano man 'yon, you can tell us."

Huminga muna ako ng malalim. Tutal wala na rin akong magagawa at si Mom na ang nagsabi. Ano pang silbi kung ililihim ko pa sa kanila na gayong nahalata na nila.

Ikinuwento ko sa aking parents ang mga nangyari kahapon. Hinayaan lang nila akong magsalita at tahimik na nakikinig.

"Uy Duke, walang iyakan ah. Kwentuhan lang tayo rito. 'Tsaka ito tissue para sa anak kong walang tagasuyo," sabay abot sa akin ni Dad ng tissue habang nakangiti nang nakakaloko.

"Darling! Isa ka pa eh. Malungkot na nga si Prince paiiyakin mo pang lalo," saway ni Mom kay Dad at inirapan ito.

Bumaling uli sa akin si Mom nang nakangiti. "Huwag mo na lang pansinin 'yong mga parayaw diyan sa tabi-tabi, Prince. Anyways, don't worry about Kate 'kay? You're overthinking too much about her. Maybe she's busy with her Mom lalo na't kauuwi lang ng parents niya. Alam mo naman si Tita Laura mo when it comes to Kate 'di ba?"

Maybe Mom is right. But I have a gut feeling that there's something with Kate. I don't know. Bahala na. Pinakinggan ko na lang ang sinabi ni Mom at ngumiti na. Lumapit naman ito sa akin at niyakap ako 'tsaka hinalikan sa noo.

Bigla na ring tumayo si Dad at inayos na ang pinagkainan. "Okay darlings, enough with your operatic dramas, we should better get going. Duke, get ready. We'll leave in a few minutes. We're going somewhere."

"Ha? Saan naman po tayo pupunta at may pasok pa po ako ngayon," naguguluhan kong tanong dahil nagmamadali na ang aking parents.

"Somewhere."

"Naiready ko na rin ang mga gamit mo Prince. Ibaba mo na lang 'yong maleta mo." Itinutulak na rin ako ni Mom papunta ng bathroom sabay hagis sa akin ng towel. "Don't worry about your class, Prince. Nai-excuse ka na namin," pahabol pang sigaw ni Mom.

***

Kasalukuyan na kaming nagbibiyahe ngayon at lulan ng eroplano. Pilit kong tinatanong sa kanila kung saan kami pupunta pero puro somewhere lang ang sagot nila. Hindi na ako nangulit pa.

"Duke, where did you get that hair color of yours? Mukha kang hilaw na kano," hirit na naman sa akin ni Dad. Kanina pa siya nakakarami sa akin ah.

"Dad naman, mukha ba akong kano ha?" maktol ko. "Naghair dye kami ni Mich, Dad. Siya ang naglagay nito sa akin. Bagay ba sa akin Dad?" proud kong sabi habang inayos-ayos ko pa ng bahagya ang aking buhok 'tsaka ngumiti nang pagkatamis-tamis.

"Ang alin? Si Mich? Oo, bagay na bagay." Malakas kong hinampas si Dad sa braso niya dahil nang-aasar na naman.

Umepal na si Mom sa amin at piningot si Dad na kasalukuyang hindi na halos makahinga sa katatawa. Kahit nakaupo ako sa gitna nila ay di talaga nakaligtas si Dad kay Mom. "Talagang iginagaya mo ang anak mo sa'yo ha."

Nginisian lang ito ni Dad at bumaling na uli sa akin at bumulong. "Hayaan mo na 'yang KJ mong Mom, Duke. Habulin ka rin naman ng chix 'di ba?"

Pinandilatan ko naman siya ng mata at baka marinig ni Mom. Ang talas pa man din ng pandinig niya, daig pa ang aso. Di pa rin tumigil si Dad at tinanong ako kung kailan ko ibabalik ang dating kulay ng buhok ko. Nagkibit-balikat na lamang ako at sinabi kong new look ko ito.

"Duke, halika. Let's take a picture." Nagsimula na kaming magselfie ni Dad at nang mapansin kami ni Mom ay nagtalak-talak muna ito at nagretouch habang si Dad ay patuloy pa rin sa pagkuha ng picture.

Bahala ka kay Mom mamaya Dad. Puro badshots 'yong kuha mo sa kanya. Isa lang ata ang matino ro'n at 'yon ay ang nakayakap sa akin si Mom at ang kanang braso ni Dad ay nakahawak sa likod namin.

Mayamaya ay nakaramdam na ako ng antok at nakatulog na.

***

Nagising ako nang may yumuyugyog sa akin. "Duke, we're already here." Tumayo na ako at nag-inat. Kami na lang pala ang nandito. Bitbit na nina Dad ang mga bagahe namin at bumaba na kami.

Pagkababa namin ng eroplano ay di ko mapigilang mapangiti nang makita ko ang mga sumalubong sa amin. Kaya pala di sinasabi nina Dad sa akin kung saan kami pupunta.

They never failed to make me happy. Kaya mahal na mahal ko sila.

"Andrew! Pinsan!" masaya nilang bati sa akin at sinalubong nila ako nang napakahigpit na yakap. "Miss na miss ka na namin!"

"Namiss ko rin kayo, Kuya Ariston, Kuya Trenton at Kuya Princeton! Pero bitiwan at ibaba niyo na ako, hindi ako makahinga." pakiusap ko sa tatlo kong pinsan dahil halos mapirat na ako sa kanila.

"Mamaya na kayo magkumustahang apat diyan. Umalis na tayo para makarating na agad tayo." Tumalima na agad kaming apat at sumakay na sa sasakyan na dala nilang tatlo.

Si Kuya Ariston ang nagmamaneho habang si Mom at Dad ay nasa pangalawang row at kaming tatlo nina Kuya Trenton at Princeton ang magkakatabi sa likod.

"Pinsan, hindi naman halatang miss na miss mo ako 'no? 'Tsaka new looks tayo ah. Parang porengerms lang," malokong sabi ni Kuya Trenton sa akin dahil nakayakap ako sa kanya. Napapout na lang tuloy ako.

Si Princeton naman ay di na rin ako binitiwan at parang lintang nakakapit sa bewang ko.

Makalipas ang kalahating oras na biyahe ay nakarating na rin kami. Pagbaba namin sa isang two-storey modern house ay may isang batang babae na nagwawalis sa bakuran.

"Lola, Lolo! Nandito na po sina Tita Beth!" sigaw nito nang makita kami at mabilis binitiwan ang walis tingting at pumasok sa loob. Ilang saglit lang ay may lumabas na dalawang matanda.

"Beth, nakong. Salamat sa Panginoon at nakarating kayo ng maluwalhati rito," masayang bati ni lola habang dahan-dahang naglalakad dala ang baston niya. Mabilis namang lumapit si Mom at niyakap sina lola at lolo.

Masaya rin kaming sinalubong ng iba pang mga kamag-anak sa side ni Mom. Isa-isa akong niyakap ng mga kapatid ni Mom at kinumusta ako. Gano'n din kay Dad.

Pinapasok na kami sa loob ng bahay at nandoon din ang mga pinsan kong babae na busy sa panonood ng tv.

"Mga hija, nandito na ang pinsan niyo pati ang Tita Beth at Tito Henry niyo," tawag ni Tita Elena sa mga ito.

Agad namang lumingon sa amin ang tatlong babae. Tiningnan muna nila ako mula ulo hanggang paa. Nang mapagtanto kung sino ako ay patakbo silang lumapit at niyakap ako.

"Andrew? Ikaw na ba 'yan?" di makapaniwalang sambit nito sa akin.

"Oo, Sheila. Ako lang 'to," nakangisi kong sagot. Ginulo naman niya ang aking buhok. Niyaya na niya akong maupo sa couch kung nasaan masayang nag-uusap ang aming mga magulang kasama sina lolo at lola.

"Beth, Henry, ano naman ang naisip niyo at napadalaw kayo rito sa Palawan?" tanong ni Lolo Eduardo sa aking mga magulang. "At ito na ba ang pinakapaborito at pinakamabait kong apo?" nangingilalang sambit ni Lolo sa akin habang inaayos ang kanyang salamin.

Lumapit naman ako sa kanila ni Lola at nagmano. "Ang mahal kong apo. Diyos ko, ibang-iba ka na talaga. Eh ilang taon pa lang ang lumilipas mula nang bumisita kayo rito? Tatlo? Ang ganda-ganda mo nang lalo Andrew, apo. Manang-mana ka talaga sa lahi namin," masaya at mahabang litanya ni Lolo at niyakap ako na halos ayaw na akong bitiwan.

Bigla namang tumikhim si Dad. "Ehem, baka lahing Torregozon po iyan, ehem." Bigla naman silang nagtawanan sa itinuran ni Dad at hindi rin pahuhuli ang paghampas ni Mom dito.

"Nako, si Lolo raw oh. Masyado niyo naman po akong binobola Lo, eh. Miss na miss ko na rin po kayo ni Lola."

Matagal-tagal din ang naging usapan naming magpapamilya at halos lahat ay sabik na sabik at masaya.

"Orayt guys! Pupunta raw tayo mamaya sa Isla de Aragones! At sa'kin sasama si Andrew, bahala kayo!"

"Hoy bida-bidang Sheila! Narinig namin pero di namin kinalat! Anong sa'yo sasama si Andrew? Paepal ka masyado. Sa amin siya sasama!"

Nagbabangayan na naman ang aso't pusa na si Sheila at Princeton. Kahit kailan talaga, walang pinagbago itong dalawa.

"Princeton at Shiela, tumigil kayo diyan. Huwag niyong pinag-aawayan ang pinsan niyo. Baka gusto niyong hindi na namin kayo isama," saway sa kanila ni Tito Edward, ang kapatid ni mama. "Oh siya, aalis na tayo. Gumayak na kayo. At uulitin ko, isa pa talaga, Princeton at Shiela."

***

Hapon na nang kami ay makarating dito sa Isla de Aragones. Ang islang ito ay pagmamay-ari nina Mom at ang pangalan ay hango sa apelyido ng pamilya nila. May mga bagong tayo na rin pa lang establisiemento at beach houses na mas nagpaganda pa sa buong isla. Sa pagkakaalam ko ay ito ang pinakadinarayong lugar ng mga turista rito sa Palawan.

"Magandang hapon po, Señora Elizabeth. Maligayang pagbisita po rito sa isla," magiliw na bati ng isang caretaker ng isla sa amin at tinulungan kami sa aming mga dalang gamit. "Kasalukuyan pong namimingwit ng isda sina Señor Edmund. Halina po kayo."

Pumasok na kami sa isang private hotel kung saan kami mag-i-stay. Ang disenyo ng loob ng hotel ay beach-theme na may mix ng Hawaiian tribal patterns. May mga iba't ibang surfing boards at canoe paddles rin na nakasabit sa wall.

Sana nandito si Kate ngayon at kasama ko. Paniguradong matutuwa siya sa lugar na ito. Kung nandito man lang sana siya, ang dami sana naming gagawin. Panibagong memories na magkasama kaming dalawa.

"Pinsan, ba't tayo malungkot diyan?" biglang sulpot ni Kuya Ariston. Nakangiti ito sabay hampas sa aking likod. "Mamaya na 'yan. Halika na!" Sumunod na ako kay kuya at nadatnan naming busy ang iba.

"Dahil wala pa tayong kain magmula kanina, mag-ihaw na kayo at ihanda niyo na ang mga pagkakainan natin sa labas. Magboboodle fight tayo." Excited na kinuha nina Shiela at Princeton ang dahon ng saging na hawak ni Tito Edward.

Kaming dalawa ni Kuya Trenton ang naassign sa mga pagbabalat ng prutas. Si Kuya Ariston at ang dalawang kasamang babae ni Sheila kanina naman sa pag-iihaw.

Makalipas ang isa't kalahating oras ay natapos na kami at siya ring pagdating ni Tito Edmund, ang panganay na kapatid ni Mom.

"Beth? Bunso? Diyos ko, Beth! Nabitiwan na ni Tito Edmund ang kanyang fishing kit at ang dalang balde tsaka patakbong lumapit kay Mom para yakapin ito. Bakas sa mukha ni tito ang labis na tuwa nang makita si Mom.

Masayang nagkumustahan sina Mom at ang kanyang mga kapatid. Sakto, kumpleto na tayo. Kumain na po tayo! yaya ni Kuya Ariston kaya kanya-kanya na kaming pwesto at sabay-sabay na masayang kumain.

"Mukhang family getaway tayo ngayon ah. Dalasan niyo ang pagbisita niyo rito Beth para lagi tayong makapagbonding tsaka si Andrew na ba yan? Ang gandang binata na ah!"

"Tito Edmund daw. Lagi niyo na lang po akong inaasar," kunwaring nagtatampong sabi ko.

"Cmon guys, groupfie naman tayo!" masayang sabi naman ni Tita Elena. Si tita bumabagets na rin ang peg. Kanya-kanya kami ng pose at halos punuin na namin ang phone ni tita kaya iniabot na ni Tito Edward ang dslr niya at si tita na ang naging photographer namin.

"Kayong magpipinsan, magbonding na kayo at ipasyal niyo ang pinsan niyo. Bahala na kayo kung anong gusto niyong gawin basta mag-iingat kayo at huwag niyong pababayaan si Andrew. Maliwanag ba? Diyan lang kami sa tabi-tabi kasama si bayaw," bilin sa amin ni Tito Edmund pagkatapos naming kumain.

Nagsitanguan naman kami bilang sagot. Hinalikan muna ako ni Mom at Dad sa pisngi at umalis na sila. Naiwan na lamang kaming pito.

"Paano ba yan, tutal mag-aalas cinco na ng hapon, magjet ski tayo. Tara!" Nagpaunahan na kami at kanya-kanya nang sakay sa jet ski.

Masaya kaming sumakay sa jet ski at nagpapaunahan lalo na si Shiela at Princeton. Parehas naggigitgitan at nagtatrashtalkan. Di na namin namalayan ang oras dahil nag-enjoy kami ng sobra.

"Maligo na kayo tapos magkita-kita ulit tayo rito sa may pampang."

Pagkasabi no'n ni Kuya Ariston ay dumiretso na agad ako sa private hotel at Shiela ay sumama na rin sa akin. Andrew, sabay na tayong maligo dali! Kinaladkad na niya ako papasok at dumiretso na kami sa cr para maligo.

Nang matapos kami at bago umalis ay kinuha ko muna ang aking cellphone sa maleta at binuksan ito. Excited kong pinindot ang notification nang makita kong may isa akong message.

Kate, ikaw na ba yan? Please, please. Sana ikaw nga.

Pagbukas ng message ay napabuntong-hininga na lamang ako. Akala ko siya na. Si Mich pala.

Ander, how are you? I hope youre doing fine. I missed you so much! Text or call me if you have time. XOXO.

Nagreply muna ako saglit at mayamaya ay kinaladkad na uli ako ni Sheila. Hay nako Mich, buti ka pa. Naalala mo ako.

***

"Sa wakas Andrew, dumating din kayo. Akala namin kinain na kayo ng inidoro. Kasama mo pala si Sheila kaya gabi na't lahat wala pa rin. Para talagang pagong."

"Oh nagsisimula ka na naman Princeton. Mabuti pa lumarga na tayo. Magbar na tayo! Maraming chix dito sa isla Andrew, baka may matipuhan ka habang nag-i-stay ka rito. Kung gusto mo, marami akong mairerecommend," nakangising yaya sa akin ni Kuya Trenton.

"Teka, sasama ako! Tsaka anong mangchichix kayo? At bat si Andrew talaga ang niyayaya niyo sa gimik niyo ha? 'Di ba dapat lalaki ang ihahanap niyo sa kanya?"

Pakantang bumanat na naman si Princeton. "Ang tanga ni Shiela, ang tanga ni Sheila. Ang tanga-tanga. 'Yong totoo Shiela, pinsan ka ba namin? Di naman lalaki ang tipo ni Andrew kung di babae. B-A-B-A-E. Babae. Gets mo na?"

Hinila na ako ni Kuya Ariston at Kuya Trenton paalis. Nauna na kaming pumunta sa bar na tinutukoy nila. Pagpasok namin ay napakaraming tao ang nagpaparty at karamihan ay mga babae.

Pumwesto kami malapit sa may dance floor at nag-order na sila ng mga alak at pulutan. Ilang saglit lang ay dumating na rin yong dalawa at umupo na sa tapat namin.

"Andrew, pahiram naman ng phone mo." Ibinigay ko na ang aking phone at inilibot na ang aking tingin sa paligid. First time kong magawi sa bar at mukhang masaya naman.

"Andrew, sino itong chinitang babae sa gallery mo? 'Tsaka itong blonde? Ang gaganda eh. Mga chix mo?" baling sa akin ni Kuya Trenton habang nagsscroll sa aking phone.

"Kuya, 'yang chinita ay si Hazel tapos 'yang blonde na katulad ko ay si Mich. FYI, hindi ko sila chix. Mga close friends ko sila."

"Talaga ba? Eh ito namang morena na may pagkabrown ang kulay ang buhok?" Akmang hahablutin ko na ang aking phone nang mabilis niya itong nailayo. "Teka, pinsan! Imba ka ah! Girlfriend mo ba itong morena na 'to at nakahalik pa sa'yo? Sino siya?"

"Huwag 'yan Kuya Trenton! Akin lang yang babaeng 'yan, kuya."

Bigla namang dumating ang waiter at isinerve na sa amin ang ilang bote ng alak at ilang pulutan. Hindi ko na tuloy nabawi ang phone ko.

"Cheers! Halina't magpakasaya at magpakarami ng chix!"

"Cheers!" sabay-sabay naming sigaw at kanya-kanyang lagok ng alak.

Panay-panay lang kami sa pag-inom at pagkain nang medyo nahihilo at may tama na ay nagkayayaan kaming sumayaw sa dance floor. Naiwan lang si Sheila na patuloy pa rin sa pag-inom.

"Hey there, gorgeous," nang-aakit na sabi sa akin ng isang babae at mabilis akong hinila palapit sa kanya. Sexy itong sumayaw sa harap ko at mas lalong inilapit ang katawan niya sa akin. Dahil sa may tama na ako, nakisabay na lang ako sa babaeng kasayaw ko.

Mayamaya ay ipinulupot na niya ang kanyang braso sa aking batok at namumungay ang mga matang nakatingin sa aking labi. Napapikit na lamang ako at hinihintay ang sumunod na mangyayari.

"Andro, bat ka nakikipaghalikan sah eba? Bote nah lang napigelan ketah."

"Hoy Shela, panera kah talaga. Ang gandah-gandah na nong babae ni pensan eh."

"Sa'n ang magandah koyah Tren? Si Kate lang naman ang pinakamaganda at pinakamanzxcs saken eh."

Uminom pa ulit kami ng ilang bote. Makalipas ang dalawang oras ay pasuray-suray na kaming umalis ng bar. Di na namin alam kung saan kami patutungo. Dahil hindi na namin kaya ang kalasingan ay napahiga na lang kami sa may buhanginan.

"Andrew? Andrew?" at niyugyog ako ni Kuya Trenton.

"Hmm?"

"Kate calling."

Bigla akong napabangon at agad-agad na inagaw ang aking phone kay kuya. Nawala ata ang pagkahilo ko nang marinig ko ang pangalang 'yon.

Sasagutin ko na sana ito nang biglang may marinig akong boses ng lalaki at nag-end na ang call.

Naitapon ko sa kawalan ang aking cellphone at napasalampak sa buhanginan.

Seriously? Was that a joke? Lalaki? Kasi kung hindi...

Magbiro ka na sa taong lasing, 'wag lang sa taong may lihim na pagtingin.