Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Querido ni Ferol (Tagalog) (COMPLETED)

liverspreads
--
chs / week
--
NOT RATINGS
44.5k
Views
Synopsis
Forever alone. Ganyan ang drama ng buhay ni Ferol. Pakiramdam niya kasi walang amor sa kanya si Kupido. Isabay na rin ang isa-isang pagkahulog sa kaway ng pag-ibig ng mga kaibigan niya, sa madaling sabi napag-iiwanan na siya. Ayaw sa kanya ng lovelife. Not until she meet Cash.. Tila naghugis puso ang kanyang mga mata ng masilayan niya ang kagwapuhan nito. Chance na niya ito para makahabol sa mga praning niyang kaibigan. Kung kaya ay tahasan siyang nagpa-cute dito. Ang kaso walang effect kay Cash ang mga palipad hangin at mga banat niya. Tutuloy pa ba siya o susuko na ba sa happily ever after niya?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

Dahil sa munting palabas ng mga kaibigan ni Ferol para sa happy ever after ng albularya nila. Wala masyadong tao ngayon sa restobar. Mabuti na lang at mabait ang boss niya at pumayag sa kalokohang iyon. Natanawan niya sina Kristin, Prej at Trinket na nasa pinakadulong table.

Masaya sila, samantalang ako ito, wala man lang. as in wala.. haaay.

Natigil ang pagmumuni-muni niya nang tawagin siya ni Prej.

"Uy, Ferolyn! Bakit parang busangot ang iyong face dyan?" naupo siya sa bakanteng upuan sa tapat nito.

Halata ba masyado ang sad face ko?

Napakamot tulo siya sa kanyang batok. "Madam Prej naman, maka-Ferolyn ka naman dyan." Bumaling siya sa ibang kasama nito. "Hello po, Miss Kristin, kamusta ang kagandahan?"

Ngumiti sa kanya si Kristin. "Heto maganda pa rin, ikaw ba?"

Nangalumbaba na lang siya saka itinodo ang pagsimangot. Binatukan tuloy siya ni Trinket.

"Aray naman. Trinket!" sapo niya sa kanyang batok. "Kapag ako na-deads ng maaga at na-byudo ang future hubby ko, mumultuhin kita." Banta niya.

"Wow batok lang, future hubby? Saan yon? Nakakain ba iyon?" pang-asar pa ni Trinket. "Anyare ba sa iyo Ferol? Para kang nasakluban ng langit at lupa ah, bawal kay Mommy P. iyan ne' sesantehin ka no'n!"

Ngumuso lang siya. "I'm just happy for Fria, may Jakob na siya. Si fafa Tristan naman ayun may Beng na. Si Atty. Aika, alam nyo naman natagpuan na rin ang palakol niya."

Napataas ang kilay ni Kristin. "Oh, bakit parang hindi ka naman masaya?"

"Eh, kasi naman Miss Kristin." Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. "Sino ba'ng hindi malulungkot no'n? di po ba si Fria, walang kabalak-balak na magka-dyowa, mas trip pa no'n magsayaw-sayaw sa palangganang may kandila at may tawas. Si Atty. Aika naman halos paliparin lahat ng plato rito sa resto para lang mabawasan ang yamot kay Axe. Tapos hayun, masayang-masaya sa lovelife. Samantalang ako, sa inaraw-araw ko dito sa resto ni Madam Philma, nag-aabang ng lalaking mag-aalay ng wagas na pag-ibig sa akin, nganga pa rin." Litanya niya.

"Ang mais mo Ferol!"

"Trinket, patapusin mo muna ako."

"Okay."

Si Prej naman ang pinuntirya niya. "Yan si Madam Prej. Kahit boy tulala siya sa kitchen. Alam ko'ng isang hakbang na lang sila na rin ni Sir Rein."

Napangiti si Prej sa kanya. "I know that Ferol."

Inirapan lang niya nito. "Ikaw Miss Kristin? Iiwan mo na rin ba ako? May itinitibok na ba ang puso mo? May nabihag na ba sa kagandahan mo?"

Natawa lang ito sa kanya. "Dalawa pa kami ni Trinket, Ferol, hindi ka namin iiwan."

"Ay naku Miss Kristin, wala nang pag-asa iyang si Trinket. Malala na iyan hindi kaya ng pana ni Kupido ang tigas ng bungo niyan. Doktor na sa utak ang kailangan niyan."

Ngumisi lang si Trinket. "Ayaw mo no'n tayo ang magti-till death do us part."

"Sa mental tayo aabutin ng forever gano'n? Thank you na lang."

If I know Trinket, may Tutti ka kaya.

"Wag ka nang magmuryot dyan, hayaan mo dadating din si Mr. Love of your life, wag ka lang mainip." Sabi na lang ni Kristin, halatang nagpipigil itong matawa sa kanya.

"Miss Kristin, baka naman may kilala ka'ng fafa ireto mo na lang sa akin."

"Ako may kilala." Singit agad ni Trinket. "Cash-mot! Come over here! May ipapakilala ako sa iyo." Tawag nito sa lalaking nasa kabilang table.

Hindi niya pinansin si Trinket. Talagang masama ang kaloob-looban niya dahil wala man lang siyang maalayan ng wagas at purong pagmamahal. Ngingiti-ngiti tuloy sa kanya si Prej at Kristin. eh sa nakakaemote eh, palibhasa isa isa na silang pinapana ni Kupido. Unfair!.

Nahinto ang pakikipag-usap niya sa kanyang sarili ng magpaalam si Kristin at may naupong lalaki sa tapat niya. Hindi na niya inabalang tapunan ito ng tingin. Ito kasi yon lalaking tinawag ni Trinket.

Malamang may sayad din itong ipapakilala niya. Naku po, salamat na lang. ayaw ko pang masiraan ng bait.

Ayos lang naman siya. May trabaho siya, may bahay at may pera. Simula ng bumukod siya sa pamilya niya na nasa probinsya. Nasanay na siya sa araw-araw na routine ng buhay niya. Pero may kulang pa talaga. Wala siyang lovelife. Kung bakit ba naman kasi nauso pa iyon, hindi tuloy niya maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Tapos gagatungan pa ng mga praning niyang kaibigan. Ayan ang resulta. Emote.com siya.

"Hoy, anak ka ng tipaklong. Kanina pa ako daldal ng dalal wala ka pa rin imik dyan." Untag sa kanya ni Trinket.

Sa halip na sumagot. Lalo lang niyang inilugmok ang sarili sa mesa. Wala na ako'ng paki kung magdaldal ka lang diyan. Nag eemote pa ako.

"Trinket, you better take her home. Mukhang masama yata pakiramdam ng kaibigan mo." Sabi ng lalaki na nasa tapat niya.

"Masama talaga ang tama niyan, ano? Maganda siya diba?"

Napangiti siya sa tinuran ni Trinket. Kaibigan nga kita maldita ka, sige ibenta mo pa ako sa lalaking iyan. Teka sino ba itong Adan na ito?

Tamang mag-aangat na siya ng paningin kaso likod na lang ng lalaking iyon ang nakita niya. Mataman niyang tinitigan ang papalayong pigura nito. Tall, lean, nice shoulder blades, nicely shaped head, nice nape and looking so hot in white shirt. Wew, ano yon nasabi ko?

Tulalang binalingan niya si Trinket.

"Sino iyon?" Hindi niya maialis ang tingin sa binata kahit pa nakalabas na ito ng resto. Napukaw nito ang kanyang tulog na diwa sa kaka-emote.

Nginisihan siya ni Trinket. "Bakit?"

"Ano'ng bakit? Tinatanong ko kung sino iyon?"

"Ah." Ngumiti ito sa kanya.

"Sasapakin kita Trinity. Wag mo ako dinadaan sa ganyan."

"Relax, Ferolyn. Makikita mo ulit siya."

"Natural, malinaw pa paningin ko eh."

"Yon naman pala eh, abang-abangan mo na lang siya."

"Sira ka ba? Ni hindi ko nga nakita ang face ng lalaking iyon eh!" Tumayo na siya at inayos ang inupuan niya. "Likod lang ang nakita ko bruha ka."

"Eh di puro likod na lang ang abangan mo."

"Sira-ulo."

ABALA si Ferol sa pagsasalansan ng mga tray nang ipatawag siya ni Mrs. Ransley, ang may-ari ng restobar na pinapasukan niya. Halos anim na buwan na rin siyang nagtatrabaho dito bilang service crew, waitress at minsan assistant ni Chef Prej. Sa pagkakatanda niya wala pa siyang nagagawang kabalbalan kaya takang-taka siya at bigla na lang siyang ipinatawag ng boss niya. Kabadong nagtungo siya sa opisina nito.

Nakadalawang katok siya bago siya pinapasok.

"Magandang hapon po Ma'am Phil, ipinatawag nyo raw po ako."

"Maupo ka muna Ferol." Inimuwestra nito ang bakanteng upuan.

Pagkaupo niya ay agad siyang nagsalita. "Ma'am, may nagawa po ba ako? May nabasag po ba ako'ng plato, baso, platito? Ma'am, wag naman po'ng sesante agad. Kung meron man po pag-iigihan ko na lang po ang trabaho ko. Ma'am gustong-gusto ko po itong trabaho ko dito." Halos kapusin siya ng hininga sa mga pinagsasabi niya.

Natawa si Mrs. Ransley sa kanya. "Ano ka ba Ferol, sino ang nagsabi sa iyo na sesesantehin kita?"

Nakahinga siya ng maluwag. "Ma'am, salamat naman po kung ganun, ano po bang maipaglilingkod ko?"

Ano kaya ito? Wag nyang sabihin nilulutuan ako ang bagong putahe ni Madam P.

Umayos ito nang pagkakaupo at seryoso siyang tinignan. "Napansin ko lang na hindi ka pa nagbabakasyon simula ng magtrabaho ka Ferol, at napakasipag mo. Lagi mo pa'ng pinapagaan ang ambiance ng resto ko. Thank you for that."

"Ma'am, natural lang po sa akin yon. Wala po'ng anuman. Pero ano po ang ibig ninyong sabihin?"

Ngumiti ito. Yon ba'ng ngiti na nagpapahiwatig ng maraming kahulugan. "Two weeks vacation Ferol, with pay. Para naman mabigyan mo ng oras ang sarili mo."

"Ma'am, ano ka---"

"Call me, Mommy Phil. Hindi ka na iba sa akin."

Napabuntong hininga siya. "Mom, bakit naman biglaan? Masaya nga ako dito sa resto eh, natutuwa ako'ng pagsilbihan ang mga butihin natin mga customers."

"That's an order. Take it or take it."

"Laban o bawi?"

"Deal or no deal?"

"Get! Get! Aw!"

Humagalpak ng tawa sa kanya si Inang Philma. "Sige, you may home na darling." Pagtataboy nito sa kanya.

Nakapaskil ang ngiti sa mga labi ni Ferol. Pauwi na rin siya. Hindi na niya inusisa kung bakit na-force evict este force vacation siya. Isa lang ang ibig sabihin nito sa kanya. Siesta, kain at gala kasama ang barkada. Ang pinakamasaya sa lahat ay boy hunt. Hindi tuloy niya mapigilan ang mapakanta.

"Mr. Kupido, ako nama'y tulungan mo. Bakit di panain ang kanyang damdamin at nang ako ay mapan---" nabangga siya. "Aww.." hawak niya ang kanyang ulo na tumama sa isang...

Ang bango naman, at may kamay? Teka may kamay??

"I'm sorry, are you alright?"

May gass! What a voice! Pero sakit ng ulo ko.

Unti-unti iniangat ni Ferol ang kanyang paningin sa estrangherong bumangga, nakabangga ng kanyang kagandahan. Namilog bigla ang kanyang mga mata ng makita kung sino ang nilalang na ito.

Is he real? Nasa langit na ba ako? Heaven scent? Mi querido? Is that you?

Nakatunganga siya rito. Kumurap-kurap pa siya para makasigurong totoo ang nakikita niya.

"Ferol?" mababakas ang pag-aalala sa gwapong mukha nito.

"K-kilala mo a-ako?" nauutal na tanong niya.

Tumango ito at inalalayan siya nito. Papaano niya nalaman ang pangalan ko?

"Dadalhin kita sa clinic."

Umiling siya. "O-okay lang ako, pwede ba ako'ng magtanong?"

"Pero nasaktan ka, you sure okay ka lang?"

Ay anak ng saranggola ni Pepe! Sino ba ito?

Tila nakuha naman nito ang ibig sabihin ng mga tingin niya.

"Ipinakilala ka ni Trinket sa akin. Ferol, right?"

Then he flashed a very knee melting smile.

Bang! Trinket? Ito ba si.. si boy likod? As in? merry me!

"Yes. I do." Nasambit niya.

Napakunot-noo ito. "Huh?"

"I mean, sorry pero.." pigil na pagil ang paghinga ni Ferol.

"Alright. I'm Cash Phillip Andrada. At your service, and you are?"

Cash.. Cash.. Cash

"Ferolyn Patrimonio, can I call you mine?" waa ano yon nasabi ko!!

Natawa ito sa kanya. "Cute." He piched her nose.

Tila gumapang ang isang libong boltahe ng kuryente sa buo niyang katawan. Nagrigodon ng bonggang-bongga ang puso niya. Tila ba lalabas na ito ng ribrcage niya. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili. Inhale exhale!

"Cash, do you believe in love at first sight?"

Tinitigan lang siya nito. Inaarok ang tanong niya.

"Eh sa second sight?"

"I don't know, saan ka ba nakatira?" Nangingiti ito sa kanya.

"Sa puso mo, may space pa ba?"

Umarya na naman ang pagkapraning niya. Siguradong parang nasisiraan na ang tingin ni Cash sa kanya.

"Nakakatuwa ang mga pinagsasabi mo Ferol, pero kailangan mo yatang umuwi na sa inyo. Ihatid na kaya kita?"

"Pero.."

"Oh. Nagkita na pala uli kayo, mustasa kalabasa?" singit ni Trinket. Minsan talaga may sa lahing kabute itong babaeng baliw na ito. Sulpot lang nng sulpot.

"Trin, iuwi mo na siya, masama yata ang pagkabangga niya sa akin." Saka siya binalingan ng tingin. "You'll be okay, I guess."

Tumalikod na ito. Naglakad na papalayo.

Naiwan silang nakatanga sa lalaking kakaalis lang.

"Oh ano? Natulaley ka." Untag ni Trinket sa kanya.

Ngumiti siya na tila timang. "I-I think I'm inlove." Nagbeautiful eyes pa siya.

"Ano yo'n nadale sa love at first sight?" tinaasan siya ng kilay nito. "Second sight?"

"Third sight, everyday sight. Kahit sight seeing pa iyan Trinketa!."

"Halika na Ferolyn, gutom ka lang."