Chapter 2 - Chapter 2

Gaya ng nakagawian ni Ferol, maaga pa rin siya nagising. Sadyang sanay na siguro ang katawan niya sa ganoon oras ng paggising. Pray, fix her bed at maligo bago siya lumabas ng kanyang mahiwagang kwarto.

"Ano kaya ang magandang gawin?" tanong niya sa kanyang sarili habang pinapatuyo ang buhok na pinapahanginan niya sa electric fan. "Haba na pala ng hair ko, magpagupit kaya ako?"

Nang matuyo ang kanyang buhok ay basta na lang niya ito sinuklay at nagpasyang lumabas ng bahay. Medyo tinatamad siyang magluto at wala rin naman siyang kasamang kumain ng agahan.

Loneliness, ano ba? Lubayan mo aketch. Makarampa nga sa resto ni Inang.

Palabas na siya ng kanyang munting bakuran nang may mahagip ang kanyang paningin. Isang gwapong nilalang! At nagdidilig ng halaman. Napangisi lang siya.

Kung ganyan ba naman ang masisilayan ko araw-araw, solve na ang agahan, tanghalian, meryenda at hapunan! Waaa, what a nice view. Wait, check the profile...

"Hoy."

Handsome face, broad shoulders, yummy abs.. oooh lalalala..

"That's Marco dela Fuente, 27, may stable job, may bank account, house and lot, BMW at Ducati. At may napakaingay na kapatid si Jane Miles."

Napatanga si Ferol sa nagsalita. Saka tinitigan mula ulo hanggang paa. "Ano ka P.I? umayos ka nga Trinket, mukha kang grade school sa suot mo."

Inismiran lang siya nito. "Sira, barkada ni Tristan si Marco kaya alam ko." Inayos nito ang suot na salamin. "Walang pakialamanan ng fashion, eh sa dito ako kumportable eh." Nakasuot kasi ito ng black shirt na may print ni SpongeBob at nakacargo shorts, syempre ang ever favorite nitong Chucks.

Mukha talaga siyang bata plus saksakan pa ng kulit.

"Oo na." nilingon niya ang gwapong nagdidilig ng halaman. "Single pa ba siya?"

"Oo, pero wag mo nang pagbalakan. Off-limits."

"Panira ka talaga, off-limits ka dyan."

Ngumisi lang ito. "Titigan mo na lang si Mang Marco, hangga't libre pa." mayamaya tumunog ang cellphone nito. Talk Dirty ang caller tune.

Napailing lang siya. "Abno ka talaga. Trinity Marquetta." Lumingon uli siya kay Marco hardinero. Ampogi mo, sayang off limits ka. "Sagutin mo na, ang ingay eh."

Napasinghap ito saka sinagot ang tawag. "Terrence? Ay Kuya! Sabi ko nga--- Ano? Sige malapit lang ako dyan." Napakamot ito sa batok saka inayos ang pagkakatali ng buhok. "Kita na lang tayo sa bahay ni Inang Phil, susunod na lang ako oh yeah yeah yeah."

"Shoo. Sige." Pagtataboy niya dito. Bago pa matunaw niya sa tingin si Marco ay naglakad-lakad na siya. Sa itinagal niya sa village na ito ngayon lang siya nakapagmasid sa lugar nila, maganda mga talaga, payapa, at napakabait ng mga kapitbahay niya.

Puro gwapo at magaganda pa hehehe. Sugapa ka kasi sa pera Ferolyn eh, ayan tuloy hindi mo alam ang salitang relax.

Isang kanto na lang, malapit na siya sa mansion ng mga Ransley. Napatigil na lang siya sa paglalakad ng makita niya si Michelle, ang isa pa nilang baliw na barkada. Mukhang may kasagutan ito kung kaya nilapitan na niya ito. At himala sa bilyaran! Kung hindi ba naman adik sa tako eh.

"Chell, ano'ng problema?" Napatingin sa kanya ang naglalaro sa table na iyon. Masyado ba ako'ng maganda sa paningin nyo?

Nagliwanag bigla ang aura ni Chell ng makita siya. Medyo maiiyak na yata ito sa inis. "Ferol, si ano kasi eh." Ininguso nito ang binatang may hawak ng tako ng bilyar.

Napakunot-noo siya. "Napalaban ka kay Edd? Abnoy ka talaga Chell."

Nagpapadyak na ito sa inis. "Ferol naman eh! Yan lalaking iyan. Iyan iyan----" hindi nito maituloy ang sasabihin. Si Edd na mismo ang sumagot.

"Umamin ka na kasi Chell, pinagnanasaan mo ang abs ko." Sabay kindat nito sa dalaga.

"Kapal ng face mo! Ikaw 'tong, ikaw itong---" lumapit ito sa kanya saka hinawakan ang kanyang braso. "Ferol, maniwala ka sa akin hindi ko pinagnanasaan ang abs niya, ano kasi, ano..."

"Sige na Chell, aminin mo na, na itinago mo ang..." sadyang ibinitin ni Edd ang sasabihin nito. Saka ngumisi sa kanya.

Pinamulahan ng mukha ni Chell. Napailing na lang siya. "Nong Edd, ano na ba'ng score niya?"

Natawa ito sa kanya. "Ayon tinangay niya ang puso ko pati ang..."

Hinablot ni Chell ang tako kay Edd saka binirahan ng salita. "Sige, payag na ako sa match-match na iyan! Nasaan na ba ang kalaban ko?"

"Cash, game ka ba?" tanong nito sa kasama nito.

Cash? Cash raw?

"Pare, hindi ako lumalaban sa babae. Lalo na kapag maganda."

Si Cash nga!! Ano 'to? Bakit nandito siya?

Tumingin si Edd sa kanya. "Yan si Ferol na lang, marunong ka ba? Straight ball match lang."

Dahil nasilayan na naman niya si Cash, nawala uli siya sa kanyang ulirat. Napatunganga lang siya sa binata. Nagririgodon ang kanyang puso at parang kinakipos na siya ng hininga.

Anak ng tinapa! Bakit ganito? Waaaa.

"Hoy Ferol." Niyugyog siya ni Chell. "Umayos ka nga, game ka ba?"

"Ha?" teka.." ano daw? "Kung pusoy at tong-its iyan malamang game ako dyan. Bilyar? Ano ako si Efren Bata? Hindi ako marunong nyan."

Bakit ba kasi napadpad pa ako dito? Hindi ko mapakalma ang heart ko..

"Tuturuan ka na lang ni Cash. Ano pare?"

"No problem." Lumapit ito sa kanya at hinila siya sa kabilang billiard table.

Heto na naman siya, hindi talaga mapakali ang niloloob niya! Bakit ba nasali siya sa kalokohan ito?

Reklamo ka pa, buti nga iyon nakita mo pa si Cash. Masosolo mo pa!

Tse, wag kang magulo kita mo'ng nagtitibok tibok na naman ang puso ko.

Napasabunot tuloy siya sa kanyang buhok.

"Hey, ayos ka lang ba?" hinawi nito ang nagulo niyang buhok. "Tuturuan kita, ayaw mo ba? Madali lang naman ito."

"Ah-eh." Papaano ba ito? Napakagat-labi pa tuloy siya. Natetense ba? Basta ganun.

"Ferol?"

Napatitig siya sa mata nito. Brown eyes ang kumag! Nakakaakit ang titig niya!

Titig lang akit na?

"Ano kasi, hindi talaga ako marunong eh. Pass na lang ako at saka wala naman ako kinalaman kay Edd at Chell eh."

Wew! Ano ba iyan. Shunga lang Ferolyn!

"Sige ikaw bahala." Binalingan nito ang dalawang nagbabangayan sa kabilang table. "Wala rin naman ako kinalaman dito." Inilapag nito ang tako sa mesa. Saka nakapamulsang humarap sa kanya. "Tara?"

Bakit ang gwapo mo nilalang ka? Tao ka pa ba? Ha? Ha? Ha?

Ngumiti ito sa kanya. "May dumi ba sa mukha ko Ferol?"

"H-ha? Wa-wala naman." Sheems, anak ng tokwa! Lagi bang ganito?

"Ganon ba? Tara labas na tayo dito baka makita pa tayo ng dalawa dyan." Hinawakan nito ang kanyang kamay at hinila papalabas ng bilyaran.

"Teka. Saan ang punta natin?" tanong niya.

"Kakain. Samahan mo ako kumain." Sagot nito.

At siya naman itong luka-loka nagpatianod naman. Lutang ako as in grabe

Talagang nagpahila lang siya dito hindi na inalam ang dinadaan nila kung saan man ang papatunguhan nila.

Magawa ko? Eh hawak kamay kami eh. Seven! Ang sarap sa feeling ng kamay niya! Anak ng pating talaga!

Dahil luting nga hindi niya napansin na huminto ito sa paglalakad. Napasubsob siya sa matipunong likod nito. "Ahhh." Sapol ang face niya talaga.

Ang bango! Amoy ano, sheteteng hmm.

Lalo niyang isinubsob ang mukha niya sa likod nito.

"Ferol? Ayos ka lang ba?"

"Hmm." Napayakap na siya dito. Oh heaven sent you! downy passion!

Natawa ng mahina si Cash. "Ferol, ayos lang naman sa akin na nakayakap ka. Sweet, pero kain muna tayo. Tinatawag na tayo ni Mrs. Ransley."

Tugshooong!

Biglang hiwalay siya sa pagkakayakap dito. Nakakahiya! May nakakita pa yata!

Napayuko siya. Alam niyang ngingiti-ngiti si Cash sa inaakto niya.

"Ferol, okay lang iyon." Inakay siya nito papasok sa resto ni Inang. "Cute."

Nang makahanap na sila ng mauupuan. Agad itong umorder ng kakainin nila. Dahil dito siya nagtatrabaho alam na niya ang nasa menu. Kaso bakasyon siya. Kaya heto customer siya ngayon. Pilit pa rin niyang kinakalma ang kanyang pakiramdam. Parang hindi pa rin siya masasanay sa presensya ni Cash.

Napabuntong-hininga na lang siya. Pambihira talaga huuuu! Kahiya ka talaga Ferolyn.

Wala silang kibuan hanggang sa maiserve na sa kanila ang inorder ni Cash. Wala sa pagkain ang atensyon niya kundi sa puso nya na malapit ng yatang humiram ng stapler sa kapitbahay.

"Ferol, eat your food." Untag nito sa kanya.

"Ahm. Okay." Sumubo siya ng pancake. Hmm, masarap talaga ito.

Ngumiti ito sa kanya. "You know Ferol, nakakaaliw ka."

Ano ako clown? Aliw-aliw ka dyan.

"And you're pretty too."

Natigilan siya sa sinabi ito. Paktay! Laglag na ba puso ko?

"Cash."

"Yeah?" Napatingin ito sa kanya.

"Sino'ng labandera mo? I mean yon naglalaba ng damit mo?" Napangiwi pa siya. Saang lupalop ko nakuha iyon?

Halatang pinipigil nito ang mangiti. "Bakit?"

"Amoy downy ka."

Napakamot ito sa batok. "Ako lang."

Waaa. Marunong maglaba!

"Pwede'ng mag-apply na labandera mo? All around na lang kaya? Wala ka naman asawa diba? Asawa mo na lang ang aapplyan ko pwede ba?"

Nakatitig lang ito sa kanya. Naaliw sa kanya.

"Ano na Cash?"

"Well.."

"Yes or No lang."

"Ferol, you know.."

"I know, I know. Downy Passion ang fabric conditioner ng damit mo. Ano tanggap na ako?"

"No."

Lumalagapak na "NO" ang sagot nito. Ibig sabihin ayaw nito sa kagandahan niya!

Marunong ako'ng maglaba. Maglinis ng bahay, magluto Cash. Bakit NO? sakit ha? Ako na nag nag apply eh.

Tumayo na siya at saka dire-diretsong lumabas ng resto ni Inang. Narinig niyang tinawag pa ni Cash ang pangalan niya. Hindi nya ito nilingon pa.

Humanda ka sa akin Cash Phillip Andrada! matitikman mo ang lupit ng kagandahan ko!

Hah! Si Ferol ito. Mababaliw ka rin sa tandaan mo.