Chapter 3 - Chapter 3

"Hi, girls." Masayang bati sa kanila ni Kristin. Nasa party sila ng kaibigan nilang si Fria. Celebration ng pagkakaroon nito ng dyowa.

"Hello Miss Kristin." Magalang na sabi ni Ferol. Inilibot niya ang kanyang tingin sa paligid. Pesteng Cash iyan makikita nya!

Naupo si Trinket sa bakanteng monoblock chair sa tabi niya. "Lonely heart's club tayo ne' di ka ba naiinggit?"

Nakinig na lang siya kina Trinket at Kristin. Talagang sakit ng dating ni Cash sa kanya.

Umiling si Kristin. "Sakto lang, ikaw?"

"Ako pa! sakto lang din." Napangisi lang si Trinket sabay turo sa kanya. "Yan si Ferol, may bago si Cash."

Bumusangot ang mukha niya. "Wilab ka Trinket, nakakayamot yo'n Cash na iyon! Hindi naman ako pangit di'ba?"

Humagalpak ng tawa si Trinket. "Aba'y bumawi ka ne' pakita mo'ng kagadahan ng pinakamasipag na serbidora ni Inang."

"Kahit kailan talaga Trinket nuknukan ka ng kulit ano na naman kalokohan 'tong ginawa mo?" sabi ni Kristin at binalingan naman siya nito. "Ikaw naman Ferol, bakit nandito ka?"

"Miss Kristin, yan wilab na iyan talaga sarap ihagis sa dagat." Inirapan naman siya ni Trinket. "na-force evict ako ni Madam Philma kaya heto makiki-party ako kay albularya.

Napataas ang kanyang kilay ni Kristin. "Force evict? Ano yon bahay ni Kuya?"

Binatukan siya ni Trinket. "Ang O.A mo Ferol, pinagbakasyon ka lang masyado ka raw masipag at nakakairita raw."

"Nakakailang batok ka na wilab ka."

"Mga dalawa na yata. So?"

"Wala, may cellphone number ka ba ni Cash?"

"Meron. Bakit?"

"Itetextmate ko."

"Gapangin mo na lang ng makaganti ka."

"May susi ka ba ng bahay no'n?"

"Wala pero member ako ng bukas pinto gang, ano? Kailan ka lalarga?"

Napahugot siya ng malalim na hininga. "Abno yon! Sukat ba naman tanggihan ang kagandahan ko."

Napailing na lang si Kristin sa kanya at saka ito nagpaalam na aalis na. Naiwan naman sila ni Trinket.

"So. Ano'ng meron?" tanong nito sa kanya.

"Wala." Nangalumbaba siya. "Tignan mo nga ako maigi Trinket. Pangit ba ako?"

Hinawakan nito ang kanyang baba saka ibinaling sa kaliwa at kanan ang kanyang mukha. "Gusto mo ng tapat na sagot Ferol?"

Hinawi niya ang kamay nito na nakahawak sa kanyang baba. "Salamat na lang. Bakit ikaw pa ang tinanong ko wala ka naman matinong maisasagot."

Nginisihan lang siya nito. "Ano'ng catch? Bigla ka lang nagtanong ng ganyan?"

Bumuntong hininga siya. "Lintek na Cash iyan! Masyadong nakaka-argh!!"

"Iyan lang pala ikinamumuryot mo? Ano'ng gusto mo'ng gawin?"

"Ano pa nga ba? Tinatanong pa ba iyan? Ha? Ha?" Sa inis niya. Tinungga niya ang orange juice na nasa harap niya. Nasamid tuloy siya. "Eer. Ano ba itong juice na ito? Galit sa asukal? Ang tamis grabe."

Tinawanan lang siya ni Trinket.

"Tinatawa-tawa mo dyan wilab?" Tinaasan niya ito ng kilay.

Lalo lang itong tumawa. Tumayo ito. "Saka na tayo mag-usap ng matino kabayan. Kakanta muna ako. Gusto mo kantahan kita?"

Binato niya ito ng nilukot na tissue. "Abno. Sige kumanta ka na lang kaysa kabagan ka pa."

Inilibot niya ang kanyang tingin sa paligid. Si Trinket abala sa pagdutdot sa videoke machine, sina Frii at Jakob sweet na sweet na nag-uusap. Naku nemen, enebeyen. Nahagip rin ng kanyang tingin si Aika at Axe na halatang nagtatalo na naman. Si Tutti at ang mga rockers naman halatang nakamanman sa kilos ng praning niyang kaibigan. Trinketa, kahit maldita ka may nakakaagaw pansin ka pa rin.

Nang magsawa siya kakatitig sa mga tao roon. Iniwan niya ang table nila saka nagtungo sa garden sa may likod bahay. Sakto naman may naulinigan siyang nag-uusap. Napahinto siya sandali. Nakita niya si Kristin na nagkukubli sa isang tabi. Kakalabitin na niya sana ito ng biglang...Si Marco at Cash? Ano naman ang ginawa ng dalawang iyan dito?

"I know, it's not too late I'm trying to do something. I'm going to take her away. Keep her for myself." Matatag na sabi ni Marco .

"But Marco pare, that's selfish.. alam na ba ni Jakob ito?" tila nababahalang tinig ni Cash.

"Hindi niya kailangan malaman pa ito."

Ano daw?

Nagmamadaling umalis si Kristin at hindi na siya napansin nito. Siya naman ay tila itinulos sa kinatatayuan. Nang biglang humawak sa kanyang braso. Si Cash pala iyon at si Marco na nakatingin lang sa kanya.

"Ferol." Mataman siyang tinitigan sa kanyang mata. Ang kulay brown nitong mata na parang tagusan kung tumitig. "May narinig ka ba?" Seryosong tanong nito sa kanya.

"Cash, ano k-kasi." Anak ng patis! Umayos ka Ferolyn!

"Ferol, kung ano man ang narinig mo. Pwede mo ba'ng kalimutan na lang?" Tanong naman sa kanya ni Marco.

Hindi niya malaman kung iiling ba siya o tatango. Anak ng tokwa at kalahati! Nakakaaning rin pala ang dalawang ito. "Ahm.." napakamot siya sa kanyang batok. "Wala naman talaga ako'ng narinig eh." Wew. Huuu! Kaiba.

"May kasama ka ba dito kanina?" tanong uli ni Marco sa kanya.

Naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakahawak ni Cash sa kanya. Napatingin siya dito. gaya ng inaasahan. Ang malamlam na brown na mata ang sumalubong sa kanya. Tila pumintig ng mabilis ang puso niya. Napasinghap pa siya sa reaction ng puso niya. "W-wala. Ako lang naman ang n-nandito." Napayuko na lang siya para maitago ang kabang nararamdaman niya.

Si Miss Kristin pala.

Hindi pa rin siya binibitawan ni Cash. "Sige Marco. Ako na ang bahala dito kay Ferol. We'll go ahead."

Tumango lang ito. Dahil wala siya sa ulirat hindi niya namalayan na palabas na pala ng mansion. Eer. Nakalabas na pala kami? Papaano?

Malamang naglakad kayo? Abno lang?

Huminto siya sa paglakad. "Wait!" sigaw niya.

Kunot-noo na binalingan siya ni Cash. "What?"

"Where do you think you're going?" awoo! Mali pa yata ingles ko! Pesteng pakbet. Sinabunutan niya ang sarili ng wala sa oras.

"Hey. Stop Ferol." Awat nito sa kanya. Nahawakan nito ang kanyang kamay. "Hey. Tigil na."

Lalo lang niyang sinabunutan ang sarili. Nakakayamot! Nakakahiya ka Ferolyn! Buset buset buset!

Hindi pa rin siya nagpaawat sa pakikipag-away sa anit at buhok niya nang bigla na lang siya nakaamoy ng mabango. Malapit sa ilong niya. Hmmm, bango! Amoy downy passion. Bakit ang sarap sa pakiramdam ng amoy na ito. Hmmm..

Idinikit pa niya ng maigi ang ilong niya sa damit. Teka? Bakit may mainit na kamay sa likod ko? Kamay? Ano?

Nagpumiglas siya. Pero lalo lang humigpit ang pagkakayakap sa kanya at lalong nanuot ang mabangong amoy ng downy sa ilong niya. Heaven! Teka may nakayakap? Waaaaaa!! Hindi!!

Saka lang niya inabala kung ano ang ginawa niya! Niyakap nga talaga siya ni Cash!

Pinagbabayo niya ang dibdib nito. "Walanghiya ka! Ano'ng ginawa mo sa akin? Bakit mo ako ako ako? Bakit mo ako.. ako.." hindi niya maituloy ang kanyang sasabihin nang bigla uli siya kabigin ni Cash.

Narinig niyang tumatawa ito. "Well baby, hindi ko kasi alam paano kita pakakalmahin Sinasaktan mo na kaya ang sarili mo. Ayos ka lang ba?" saka nito hinaplos ang buhok niya.

Pilit man siyang kumawala sa yakap nito ay hindi niya magawa, tuliro ang isip niya at nawiwindang ang ilong niya sa kakasinghot ng amoy fabcon nitong damit. Pati pala ang puso niyang kanina pa parang sinisipa ng walong kabayo. Anak ng kabayo may bilang pa talaga.

No choice siya. Talagang nanghihina ang tuhod niya, napasiksik na lang siya dito. "Cash..."

"Hmm." Lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya. Saka dahan-dahan itong kumalas sa kanya. Pero hindi nito binitawan ang kanyang kamay. "Okay ka lang ba?"

Tumango lang siya.

"Hindi ko alam na ganoon ang dating sayo ni Marco. I'm sorry about that. Medyo sensitive yon mga narinig mo."

"Wala naman talaga ako'ng narinig eh. Hindi ko nga maintindihan kung anuman iyon." Pag-amin niya.

"Alright." Tila nakumbinsi naman niya ito. "Halika na."

"Teka saan tayo pupunta?" tanong niya.

"Sa bahay ko." Naglakad na ito. Dahil hawak nito ang kamay niya napasunod na rin siya dito.

"Hoy. Mister. Pwede ba'ng dumahan dahan ka nga." Gulong- gulong na talaga ako, ano ba'ng nangyayari? May nahulog ba na meteor galing kalawakan? May dumaan ba na anghel? Bumilis ang lakad nila. "At bakit ako sasama sa iyo sa bahay mo aber?" nanlaki ang mga mata niya. "Bahay mo?"

Huminto ito saka siya hinarap. "Oo. Sa bahay ko. Hindi mo ba naalala Misis? Na nag-apply ka sa akin kanina lang?"

Nagulantang siya sa sinabi nito. "Ano kamo?!"

May sumilay na ngiti sa labi nito. "Ang cute mo talaga Ferol." Pinisil nito ang kanyang pisngi. "Let's go. Mag-umpisa ka na sa trabaho mo. Pagluto mo ako."

Tulalang sinundan niya ito ng tingin.

"AYAN." Inihain niya dito ang niluto niya. Naupo na rin siya sa silyang katapat nito. "Pambihira ka naman Cash, hindi ka ba nag-gogrocery? O sadyang galit ka lang sa mga de lata?"

Sa halip na sumagot ay sumubo na lang ito. "Hmm. Sarap."

Napangiti naman siya dito. leche flan na sarap iyan! Naglolobo yata ang puso ko. "Sige kain ka pa. Marami yon nailuto ko."

"Kumain ka na rin." Ito pa mismo ang naglagay ng pagkain sa plato niya. "Sabayan mo ako."

Kung kanina sa party ni Fria at Jakob ay nagngingitngit ang kalooban niya dito sa binata. Naglaho ang lahat ng iyon sa isang iglap. Ewan baliw na yata ako.

"Cash. Busog pa naman ako eh." Binalingan siya nito. Again, his brown eyes, his stare. She felt something above her heart. "Sabi ko nga, sarap ng chicken adobo ko ano?"

Hindi na uli ito nagsalita at tahimik lang itong kumain. Sa sobrang bilis ng pangyayari kahit siya ang hindi na niya matandaan kung papaano siya nakarating sa ganitong sitwasyon. Ang bilis eh. Anu ba naman itong napasukan ko.

"Ferol." Tawag nito sa kanya.

"Oh?"

"Thank you."

Haaaay inay ko po! "Sabi ko sa iyo. Gawin mo na ako'ng asawa eh. Kung ayaw mo ng asawa. Lover na lang, pili ka lang flexible naman ako. Magaling din ako maglaba akala mo."

Bahala na si Cash kung ano isipin niya. Wala lakas na talaga ng tama ko.

Hindi nito napigilan ang matawa. "You are really so cute Ferol. You brighten up my day."

"Kinilig naman ako ng bahagya Cash." Saka niya ito nginisihan. Tengok ka, hindi ko kaya mapigil ang sumisipang kabayo sa dibdib ko. Umayos ka barya. Baka bumigay na ng tuluyan ang puso ko.

"Really?" she can see amusement in his eyes.

"Huwag mo lang ako masyadong pakikiligin ha? Nangingisay ako para sa kaalaman mo."

Ngingiti-ngiti ito sa kanya. Sige lang fall for me. Fall for my funny, crazy little love.

"Wag ka'ng makangiti-ngiti dyan. Ano tanggap na ba ako bilang asawa mo?" deretsang tanong niya. Hah! Akala mo. wais ito. Mayanig ka!

"Asawa agad?" Sumandal ito sa kinauupuan at saka tumingin sa paligid. "Hindi ba pwedeng.."

"Hindi pwede." Singit agad niya. "Bakit may balak ka pa ba'ng maghanap ng ibang mag-aapply?"

Umiling ito. "No. it's not like that baby."

"Huh? Natameme lang siya.

"Babe."

"Wag mo ako'ng ma-babe babe dyan! I'm not a pig." Padabog na tumayo siya. Saka isa-isang iniligpit ang pinagkainan niya. "Tapos ka na ba kumain?"

Humagalpak ito ng tawa. Yon ba'ng tawa nito ay buhay na buhay. Lakas mo'ng makamental Cash. Kabagan ka.

"Oy. Mister. Seryoso ako sa pag-aapply ko, saka tignan mo ang bahay mo oh." Nilingon niya ang buong kusina nito. "Major major major general cleaning ang kailangan nito."

Napa-iling na lang ito. "Alright. Payag na ako."

Natuwa siya ng bongga at agad din iniligpit ang kinainan nila. "Talaga?.so Mister na kita? Agad-agad?"

"Ferol. Paano ang trabaho mo sa resto?"

Inilagay niya sa lababo ang huhugasan mga plato at kubyertos. Saka niya ito hinarap. "Wala eh. Nakaforce vacation ako. Ewan ko sa trip ni Madam Phil. Tinopak yata at pinagbakasyon ang pinakamaganda at pinakamasipag niyang serbidora."

"You should be resting then." Humalukipkip lang ito.

"Nababagot ako ng walang ginagawa. Hindi ako sanay sa totoo lang."

"Hang-out with your friends. Do something else." Tumayo ito at tinabihan siya sa lababo para maghugas ng kamay. "Malinis naman kaya itong kusina ko. No need for major general cleaning." Tinuyo nito ang kamay.

Oo nga naman. Maayos ang kusina niya. Sobrang linis pa.

"Nakakabwisit rin kaya ang sobrang linis Cash." Napanguso siya. "Ayaw mo lang yata sa akin eh."

Nagulat siya nang bigla siya nitong ikinulong sa bisig nito. "Ang kulit mo talaga Ferol." He gave her a quick kiss on her cheek. Saka siya nito binitawan at naglakad palabas ng kusina.

Napatanga na naman siya.

"MASAYA ka ngayon ah."

Hindi pinansin ni Ferol ang sinabi ni Trinket. Nasa bahay niya ito para mag sleep over kuno. Pero alam naman ang totoo, makikipagchismisan lang ito sa kanya. Ayos lang din kailangan niya rin ang isang baliw para pampa-aliw.

"Hoy! Abno'ng ito. Mahipan ka ng hangin ang pangit tignan sa kabaong kapag nagkataon."

Hinampas niya iyo ng unan. "Tengok ito. Kabaong? Ano ako mamamatay lang?"

"Hindi Ferol. Hindi."

"Trinket. Have you fall in love before?"

Nagusot ang itsura nito. "Klaseng tanong iyan? Math? Wan plas tu? Three. Adik!" nahiga ito sa tabi inya. "Hindi pa yata." Sagot nito.

Hinarap niya ito. "Yata?"

Nag-isip pa ito saka tumingala sa kisame. "Tignan mo na lang ang butiki."

"Abno. Wala naman butiki dyan eh."

"Imaginary nga lang eh." Tinapik pa siya nito. "Ang butiki ba kapag nahulog mula sa kisame pababa sa sahig nasasaktan?"

Napakunot-noo na lang siya. "Malay ko sa butiki. Ano'ng kinalaman naman niya sa falling inlove aber? Bakit hindi na lang yon ang tanungin mo. Langya ka, pinakain ka ba ng hapunan ng Kuya mo?"

"Oo naman. Si Terrence at Tristan pa, edi pinatay ako sa sermon ng mga yon kapag nagutuman ako." Tumingala uli ito sa kisame. "Mabalik tayo sa butiki. Gaya ng sabi mo. Bakit hindi ko tanungin ang butiki. At uulitin ko, wala talaga siyang alam sa falling falling na iyan. Ang alam niya lang eh, making sa usapan nating dalawa." Nginisihan siya nito.

Hinampas niya ito ng unan. "Lechugas ka! Dinamay mo pa ang pobreng butiki. Pambihira ka talaga'ng bata ka. Yan ang napapala na puro lalaki ang kasama sa buhay at bahay eh. Lakas mo'ng makasaltik!"

"Oy. Excuse me naman. Nandito na kaya yon pinsan ko si Jeane Vieve. Babae yon, siento porseyento mujer na mujer." Nang magsawa ito makipag-eye to eye sa kisame na may imaginary butiki. Yon life size poster naman ni Superman ang pinagdiskitahan nito. "Bakit kaya pula ang brep ni Superman?"

"Oo nga. Maton naman wala rin pinagkaiba. May sayad ka pa rin." Napahinga siya ng malalim. Nainlab na ba yon pinsan mo na iyon?" Umayos siya ng pagkakahiga saka niyakap ang unan. "Wag mo na pakialaman si Superman, hayaan mo na siya sa brep niyang pula. Baliw."

"First love no'n si Marco." Napatingin siya dito. "Wag ka'ng magulo dyan, alam ko'ng may tama na si Kristin kay Marco beybi. Matino naman si Jean, hindi yon gagawa ng bagay na ikakagulo ng madla."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Hindi nga? Kapag angkan nyo o lahi nyo duda ako."

Ngumuso ito.

"Sa iyo pa lang. Sapat na, lahat na lang yata ginulo mo at kasing gulo rin ng utak mo."

"Ay nako. Wag mo na halungkatin ang record ko aabutin tayo ng umaga dito." sumeryoso ito. "Totoo ba? Na inlababo ka na?"

"Hindi ko rin alam." Niyakap na lang ng maigi ang unan. "Ewan ko ba, basta parang sumaya bigla ang araw ko kapag nakikita at nakakusap ko si Cash."

"Iyan ang resulta ng walang lalaki sa buhay at bahay."

Naalala niya bigla ang usapan nila ni Cash. Napangiti na naman siya. "Baliw ka. Humanap ka ng kausap mo."

May ibinato ito sa kanya. Nasalo naman niya iyon. "Yan. Chance mo na iyan."

"Susi?"

"Oo. Keys." Nahiga na ito muli saka tumagilid sa kanya. "Pinapabigay ni Cash. Baka maaga pa lang ay umalis siya." Nagtalukbong ito ng kumot. "Babalik din naman daw siya agad. At please lang ano? Wag nyo ko gawin messenger. Ano ako? kartero? Ang ganda ko naman masyado. Kung anuman iyan trip nyo sa buhay. Thanks to me." Tumawa pa ito. "sGoodnight Ferol."

"Goodnight Trinket." Pumikit na rin siya. May ngiti sa kanyang labi.