Chapter 5 - Chapter 5

TILA kiti-kiting hindi mapakali si Ferol. Hindi niya maintindihan kung maiihi ba siya o ano. Sadyang malakas lang ang tama niya kay Cash. At sa palagay niya baka mas lalong lumalala ang pagnanasa niya sa binata dahil sa mga ipinapakita nito. Uminom na siya ng kapeng sobrang init at baka aparisyon lang ang lahat. Pero hindi eh, napaso lang ang dila niya. Malinaw na totoo ang lahat. Heto nga at kaharap niya ang salarin.

"Oy. Lalaki." Untag niya rito. "Ako eh, nanaginip lang? pwede'ng pakikurot ako?" nangalumbaba siya sa mesa at saka tila timang na tinitigan ang binata. "Kung panaginip ito, wag mo na ako'ng gisingin kabayan. At nakakamatay kapag bigla na lang ako'ng nagising ng wala ka pala sa aking paningin." Ngingiti-ngiti pa siya dito.

Gaya ng inaasahan. Nagpipigil lang matawa si Cash. Hindi pa rin humihinto ang malakas na pagbuhos ng ulan. Pareho na naman silang nagtatyaga sa pagkukwentuhan ng mga bagay na walang katuturan.

"Cash. wag ka naman makatitig ng ganyan." Saway niya rito. "Kahit deads na deads ako sa'yo, hindi mo ako makukuha sa tingin. Me? Easy to get? Duh!"

Humalakhak lang ito.

Pinaningkitan niya ito. "Kabagan ka dyan."

"Nah. I don't think so, Ferol. You're such a happy person. Nahahawa na yata ako."

"Hawa? Parang sakit lang. Sorry ka na lang. Magsawa ka sa kagandahan ko."

"Hmm."

Katahimikan. Tanging ang malalakas na patak ng ulan sa bubungan ang nag-iingay. Palinga-linga si Ferol. Nang hindi na makatiis, tumayo siya at naghalungkat ng makakain sa ref.

"Baby, hungry again?"

Napapitlag si Ferol at napatigil sa pagkalkal sa ref nang may pumulupot na mainit braso sa kanyang baywang. Naramdaman niya ang magaan dampi ng labi ni Cash sa kanyang leeg.

"Hano? Ano ba'ng nakain mo barya?" enebeyen, daw gusto ko yatang makipag tagayan kay Trinket ng kape. Lechugas ang puso ko kumakabog na naman.

Ngumiti lang ito sa kanya. Saka siya hinalikan nito sa kanyang labi. "Chicken adobo, sweet."

Kinilig siya. "Honey, darling my love so sweet. Baby? Nakakailan ka na?" Kahit na nagrarambulan na naman ang mga cells sa katawan niya natural na yata na makakapag tanong pa siya. "Kung nakakamatay lang ang kilig kanina pa ako bumulagta dito." Ibayong control talaga ang kailangan niya sa oras na ito.

"Nakakadalawa pa lang." Ngumisi ito at pinaglaro ang mga daliri sa buhok niya. "Gusto mo tatluhin ko pa? Apat, lima, anim.."

"Pito, walo, siyam, sampu. Tigilan mo nga iyan Cashmot. Baka mapraning ako lalo sa'yo. dapat ako ang bumibira ng banat eh. Ako ang may hidden desire sa ating dalawa."

Wuu! Tindi mo talaga Ferolyn. Lakas ng sayad mo! Sige walang preno na naman ito.

"Why baby? Kailangan ikaw lang. How about me?" Idinikit nito ang ilong sa kanyang buhok. "I love this scent. Hmm."

"Ahh. Pakbet na iyan. Hoy abno ka, namaligno ka ba?" so help God. Please be careful with my heart.

"Daming tanong baby." Hindi man siya bitiwan nito. Dinala siya sa sala at pinaupo sa sofa. "Wait here. I'll prepare something to eat."

Nang magbalik ito sa kusina. Pinagkukurot ni Ferol ang kanyang sarili.

"Aray. Masakit din pala." Napangiwi siya. "Pambihira naman, balak ko ako ang bibira ng banat sa kanya. Nabaligtad yata. Ano'ng ibig sabihin nito, pak na pak ang kagadahan ko sa kanya?" tanong niya sa kanyang sarili. "Ang ganda ko talaga."

Binuksan niya ang player nito at nagsalang ng cd. Hindi na niya napansin kung ano'ng bala 'yon inilagay niya. "Basta may music, baka kumalma ang maligalig ko'ng katawang lupa. Papasukin na naman ako ng kaabnuan."

Pumailanlang ang kantang medyo pamilyar sa kanya. "Parang alam ko 'to. Ay hindi! Alam na alam ko ito." Sinabayan niya ang tugtog at napapasayaw pa siya.

"Pwede ba'ng umibig nang hindi nasasaktan.. pwede ba'ng pigilin ang pusong nagmamahal.." kanta niya habang isinasabay ang paggalaw ng kanyang katawan. "Nangangarap lang, sana'y malaya ka, di makatulog sa gabi kung hindi ikaw ang katabi.."

Patuloy lang siya sa pagsayaw habang kumakanta. Feel na feel niya si Maja Salvador. Tila iisang beses pa lang niya narinig ang kanta iyon ay napangiti na lang siya at madali niyang natandaan. Kasalanan ito ni Trinketa eh, kung hindi niya iniwan ang mahiwaga niyang mp4 niyang bulok. Matatalo ko pa yata si Maja sa galing ko'ng umemote. Natawa siya sa sarili niyang kalokohan.

Dahan dahan lang, dahan dahan lang, dahan dahan lang ooh dahan lang.

Ferol, I cant find any words to say. Pabalik na sana si Cash sa sala nang maabutan niya itong eksena sa loob ng pamamahay niya. Saglit siyang napatulala at pinanood ang bawat galaw ng kamay at katawan ni Ferol habang sinasabayan nito ng pagkanta. Napasandal siya sa hamba ng pinto at nanatiling pinapanood ang dalaga.

Men. Seriously I'm fighting the urge to grab her and kiss her to death. Damn it!

Hindi malaman ni Cash kung ano'ng gagawin niya. Siya na itong may nakikitang magandang binibini na nagsasayaw sa loob ng bahay niya habang bumubuhos ang malakas na ulan.

Hanggang sa matapos ang tugtog.

"Oy."

Hindi natinag si Cash sa pagkakatitig kay Ferol.

"Hala, natulala ka na. hanga ka sa talent ko 'no?" nakangising sabi ni Ferol sa kanya. "Parang lalo lang yata lumakas ang ulan." Sumalampak ito ng upo sa sofa at saka niyakap ang sarili. "Ang sarap sana matulog, hindi naman ako makauwi."

Marahas na napabuntong-hininga si Cash. Lumapit siya rito at naupo siya sa kabilang sofa. "May spare room ako dyan. Pwede mo gamitin 'yon. Masyadong malakas ang ulan. Hindi rin kita papayagang umuwi."

"Dito mo ako papatulugin?" tanong nito. "May lock naman siguro 'yon spare room mo ano?"

"Aanhin mo naman ang lock?"

"Mahirap na ano!" napangisi ito sa kanya, "Mamaya gapangin mo pa ako. Hindi ako papalag." Saka ito tumawa ng malakas.

Ferol, you crazy pretty thing. You're driving me insane.

"Or, gusto mo. Ikaw ang mag-lock ng kwarto mo at baka ikaw ang gapangin ko."

"Ferol." Nagbabanta ang tinig nito.

"Oh?" nagpipigil naman ito'ng matawa. "Ikaw naman, hindi ka na mabiro."

With one quick move. Nahila ni Cash si Ferol, naupo ito sa kanyang kandungan. "May sinasabi ka ba?"

"Teka naman Cash-" napasinghap siya ng maramdaman niyang kinagat nito ang dulo ng tainga niya. Hindi masakit ang pagkakagat nito roon. Napasinghap siya dahil sa hindi maipaliwanag na sensasyon na nararamdaman niya sa ginawa nito.

Naramdaman niya ang pag-init ng kanyang pisngi. Kaya hindi na rin kataka-taka ang pag-iinit ng buo niyang katawan. Hindi nakuntento si Cash sa pagkagat nito sa tainga niya. Bumaba ang mga labi nito sa kanyang leeg. Lalo lang nagkagulo ang buong sistema niya.

"Cash, a-ano 'yan g-ginagawa mo?" mahinang sambit niya.

Patuloy lang ito sa pagpapaulan ng mumunting halik sa kanyang leeg. "Hmm." Habang ang isang kamay nito ay humahaplos sa kanyang tyan pataas sa kanyang dibdib. Hindi man nito hinahawakan ang balat niya. Tila nagliliyab ang pakiramdam niya.

"Ferol.." marahan nitong kinagat-kagat ang leeg niya. "Stop me now baby."

"Ha?" dahil nalilito na rin siya sa naiisip niya at pati na rin sa nararamdaman niya. Hindi niya alam ang isasagot dito. Parang napakasarap sa pakiramdam ang ginagawa nito. "Cash, ano k-kasi.." halos hindi na marinig ang boses niya.

"Damn it." Hinawakan ni Cash ang kanyang pisngi at saka marubdob siyang hinalikan nito sa kanyang mga labi. Humigpit ang pakakayakap nito sa kanya.

Tila may sariling kusa rin ang mga braso ni Ferol at niyapos niya ito papalapit sa kanya.

"That's my baby." Bulong nito. Saka ipinagpatuloy ang paghalik sa kanya. "So sweet."

Nang tugunin ni Ferol ang bawat paghalik nito. Sa bawat paghaplos niya ay tila sinisilaban ang himaymay ng katawan niya, they were both feeling hot in no time.

'Ferol, babe.. is it okay if.." hirap na hirap na sabi ni Cash. malaim ang nagiging paghinga nito. "Baby. Please.." ibinaon nito ang mukha sa kanyang leeg.

"Please ano?" pinaglaro niya ang kanyang mga daliri sa buhok nito. "Ano ba 'tong pinaggagawa mo sa akin. Muli ay inangkin ni Cash ang kanyang mga labi. Moaning, she pressed her body eagerly against him.

He groaned. He pinned her down. Salamat sa malambot na sofa. Without breaking their kiss, nagawa ni Cash na hubarin ang pang-itaas nitong damit.

Agad na napatigil si Ferol. "Oh my." Hilong-hilo na yata siya. "Pambihira ka Cash wala sa usapan 'to." Habol ang kanyang hininga nagpumilit siyang bumangon.

"Babe? Im sor-"

"Sshh." Pigil niya. "Lintek ka! Hinihingal ako ro'n." gaga ka talaga Ferol, SPG ka na bigla ka naman naging praning tapos nakuha mo pang bumanat. Hindi niya malamn kung manghihina siya o kung ano man 'yon. Basta isa lang ang malinaw ang sinibasib siya ng halik ni Cash.

"Nagpahalik ka naman. It's not my fault." Sabi nito saka siya uli dinaganan. "Ayaw ko ng maraming salita." Looking intently into her eyes like he was asking her permission to kiss her again.

"Ano pa'ng tinitingin-tingin mo dyan? Alam ko'ng adik na ako sa mga matang mo'ng iyan kaya please lang ano kung may ba-"

He claimed her lips again. "You funny crazy liitle lady." His tongue glided against hers. Making her moan in his mouth.

Naliliyo na talaga siya sa halik nito. Kung alam lang niya'ng nakakawala sa ulirat ang halik nito. Oo nga, alam naman niya iyon pero iba itong mga halik niya ngayon. Punong-puno ng pagnanasa.

Umakyat mga mga kamay nito sa kanyang balakang, sa kanyang baywang at sa gilid ng kanyang tadyang. Heto na naman ang pakiramdam na sinisilaban siya. Sa bawat paghagod ng kamay nito ay lalong nag-iinit ang kanyang pakiramdam.

"Cash.." nakalimutan na niya ang mga salita sa bokabularyo niya maliban lang sa pangalan nito.

But Cash drew back. Napamulat si Ferol. "What the? Cash?"

His eyes were dark and hungry. "Gusto mo ba 'yon?" tanong nito. Habang pinaglalandas na naman ang mga kamay nito sa kanyang katawan.

"Cash, ano ka ba?!" naghahabol ng hiningang sabi niya. "Pambihira ka talaga, matapos mo ako'ng sibasibin ng halik mo'ng nakakaadik bigla mo ako'ng bibitinin. Nasaan ang hustisya no'n?"

"Demanding." Napangiti ito sa kanya. "Ako nga 'tong hirap sa pagpipigil eh." Huminga ito ng malalim. "Huwag mo na ulit gagawin 'yon ha?"

"Ang alin?" pilit siyang bumabangon pero pinipigil siya ni Cash. "Ah. Ganito pala 'yon. Kailangan nag-uusap muna, hindi ba pwede'ng move on to the next round?" pilyang sabi niya saka niya hinila papalapit ang mukha nito sa kanya. "Nakakainis ha, hindi ko magetsung 'yon nararamdam ko kanina."

Hinalikan siya nito sa kanyang pisngi. "Wag mo kasi ako'ng aakitin, mahal."

"Hindi kita inaakit, wag mo rin ako'ng bibitinin." Nangigigil na kinagat niya ang tainga nito. "Hmm, para fair." Bumaba ang kanyang mga labi sa leeg nito. "Amoy downy ka talaga Cash, kahit hubad ka na."

"Ferol.." anas nito. "TIgilan mo na 'yan. Baka hindi ko na makontrol ang sarili ko." Nanghihinang sabi nito. Ramdam nga niyang nagpipigil nga ito.

Napangisi siya. "Akala mo ha? Ako naman."

"Magkakasala ang sofa Ferol."

Hinampas niya ang braso nito. "Saan ba dapat?" bumangon ito sa pagkakadagan sa kanya.

Hinawi nito ang tumabing na buhok sa kanyang mukha. "It's not right, baka pagsisihan natin 'to. I like you yes, but.." huminga ito ng malalim. "But if.. nevermind Ilike the taste of your lips anyway."

Dahil sa sinabing iyon ni Cash. tila may humaplos sa kanyang puso. Nadagdagan ang paghanga niya para dito. anak ka ng tinamaan, mas lumala na yata ang pagkahumaling ko sa'yo.

"Ikaw naman irog ko." Lumapit siya dito at isinandig ang kanyang ulo sa balikat nito. "Alam mo, mapapatid talaga ang hininga ko sa'yo, pati puso ko parang sinisipa ng walong kabayo lakas ng kabog talaga. Kaya please lang ano? Kung balak mo ako'ng lunurin sa makawalang wisyo mo'ng halik ay sabihan mo muna ako, makapaghanda muna ano."

Niyakap niya ito. "Mas maganda na 'yong biglaan." Tumawa na lang siya. "You really a unique girl. Nasasabi mo talaga ang nararamdaman mo nang hindi ka.. ahm.. how can I say that?"

"Na-aawkward?"

"Ahuh."

"Sa'yo lang naman ako ganyan at saka kay Trinket, abno kasi 'yon eh."

"So, abno na rin ako ganoon ba?"

"Hindi. Ako ang naaabno sa'yo." nagsumiksik siya rito. "Ayaw mo kasi patulan ang mga banat ko. Hindi ka rin naman pala makatanggi sa alindog ko."

Kasabay ng malakas na ulan. Rinig pa rin ang buhay na buhay na tawa ni Cash.

Keep me safe and warm in your arms mi querido. Solve na talaga ang nagmumuryot ko'ng heart.