Nagtaka ako ng hindi ko makita si Mr. Dagon buong dalawang linggo. Ms. Albedo informed me that there would be an acting CEO for a while habang wala si Mr. Dagon sa kompanya. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Mr. Dagon at kung bakit siya biglang nawala.
Ang huling pagkikita at pag kasama namin ni Mr. Dagon ay noong nagkagulo kami ng ibang empleyado niya at pagkatapos non ay hindi ko na siya nakita.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari o ano pero pakiramdam ko ay may nangyaring lingid sa kaalaman naming lahat kaya kinakabahan ako at nag aalala para sa boss ko.
Baka naman ay nag o-over react lang ako o ano pero iba talaga kapag may kutob ang mga babae. Parating tama ang kutob ng mga babae.
Umiling-iling ako sa iniisip ko habang ini-iscan ko ang mga papel na hawak ko. Sa ilang linggong pag ta-trabaho ko dito ay nahirapan ako lalo na noong nawala si Mr. Dagon.
Masyadong stricto at nakakatakot ang kunong acting CEO namin. Hindi ko alam pero magkatulad lang naman sila ni Mr. Dagon ah. Kung pag e ko-compare sila, si Mr. Dagon pa din ang nakakatakot.
Nang matapos kong e-iscan ang dala-dala kong papeles ay tumakbo ako pabalik sa opisina ng acting CEO kuno namin. Inutusan niya kasi ako na e mag print ng copy ng mga papeles na pinasa sa kanya ng mga head ng department. Sangkatutak na papel ang pina-copy ko at hawak-hawak.
"Sir!" bati ko sa kanya ng makapasok na ako sa opisina. Tinanguan niya lang ako at iminuwestra na ilagay ang mga papel sa desk niya.
Nilagay ko ang mga papel sa desk, "Is there anything you want Mr. Jaxon?" I asked at tiningnan niya ako ng diretso.
Ang pangalan ng kaharap ko ngayon ay si Jaxon Dagon, sabi-sabi sa buong department ay kapatid siya ni Mr. Dagon at mayroon din na pinsan niya daw. Hindi ko alam kung ano ba talaga, basta alam ko magkatulad sila ng apelyido kaya panigurado magkadugo sila.
"Yes, please check Mr. Lopez and ask him to come to my office. I need him to state what he said in the meeting in front of me. I didn't like his performance at the meeting conference last week and I ask him to think better again." Seryoso niyang sabi at kada buka ng bunganga niya ay tango lang ako ng tango.
"Please do remind him," dagdag niya at mabilis naman ako na tumango.
"Right away, Sir!" I said at nagsimulang lumabas sa opisina para puntahan si Mr. Lopez.
Habang lumalakad ako ay naabutan ko na naman ang mga babaeng umaway sa akin noon. Nagpakawala ako ng buntong hininga at umiling-iling habang lumalakad papunta sa gawi nila. Nang makita nila ako ay nagsimula silang mag bulongan sa isa't-isa't.
Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang problema nila sa akin. Wala na dito si Mr. Dagon ako pa rin ang pinag iinitan nila. Kumatok ako sa opisina ni Mr. Lopez nang nasa harap na ako nito.
"Come in," boses ni Mr. Lopez.
Hinawakan ko ang handle ng pintuan at unti-unting binuksan iyon. Sinilip ko ang ulo ko at nginitian si Mr. Lopez na nakaupo sa swivel chair niya at kaharap ang laptop niya.
"Oh? Miss Secretary?" Gulat niyang sabi.
"Hello po, pinapunta po ako dito ni Sir. Jaxon," nang ibinanggit ko ang pangalan ng boss namin ay nagiba agad ang ekspresyon niya.
"Why? Is something wrong?" Nag Aalala Na tanong niya.
"None po, he just wanted you to come by his office and talk about your new ideas." Sagot ko sa tanong niya.
He sighed, "He didn't like my proposals last time and now he wants me to do it again." He said in a distressed tone.
I laughed awkwardly, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko eh but I do understand him being in distress, grabe kasi iyong pang pressure sa amin ni Sir. Jaxon tapos sobrang perfectionist pa. Kapag hindi niya kasi nagustuhan ang kaunting detalye papaulitan niya lahat sa iyo.
"I think that's what a CEO must do, always making sure about everything." Nahihiya kong sagot sa kaniya and he chuckled.
"Yes, yes, I know." He laughed, "Anyway, I am glad na you're doing great. Imagine dalawang Dagon ang pinag ta-trabahoan mo, kapag ako 'yan ay baka mabaliw na ako."
Natawa naman po ako, "Maayos naman po sila. Lalo na po si Mr. Dagon," I said while blushing.
"Sinong Dagon?" he smirked at mas lalo akong namula.
"S-si... Sir. J-jupiter po..." Nahihiya kong sambit at mas lalo siyang humalakhak. "A-ah! Pero po mabait naman si Sir. Jaxon, pareho lang naman sila!" Nagpapanic ko na sabi.
"O'sige sabi mo eh," halakhak niya.
Nagpaalam ako sa kanya na ako ay aalis na at babalik na sa sarili kong cubicle para mag trabaho ulit.
Ilang araw ang nakalipas at hindi ko pa rin nakita si Sir. Jupiter, si Sir. Jaxon pa rin ang namamahala at pinag ta-trabahoan namin. Nakakuha ako ng rest day ko and naisipan kong maglibot-libot sa mall, wala akong pera pero sige lang. Window shopping lang, walang laman ang wallet ko eh.
Hindi ko pa nakukuha ang sweldo ko. Konting tiis nalang ay mamamatay na ako sa kahirapan.
Joke lang!
Naisipan ko na pumunta sa isang stall sa 'di kalayuan, gusto kong bumili ng isang shake habang ako ay naglilibot. Iniabot ko ang bayad ko kay Manong at inabot niya naman sa akin ang chocolate shake na binili ko.
"Salamat po," nakangiti kong sabi sa kaniya.
"You're welcome, Ma'am." Ngumiti siya sa akin pabalik.
Tinalikuran ko si Kuya at nagpigil ng ngiti sa mga labi ko, "Infairness... cute ni kuya..." Bulong ko sa sarili ko.
Napailing-iling ako dahil sa pinagiisip ko at nagsimulang lumakad na lang muli. Maraming tao ang nasa mall ngayon, mayroong screening ng bagong movie eh. Wala naman akong pera para bumili ng ticket para mapanood iyon.
Naglilibot lang ako, libot-libot lang promise.
Lumakad ako at kung saan-saan napunta ang tingin ko, marami kasing mga kung anong-ano na hindi ko alam pero wala sa probinsya namin. Hindi niyo naman ako masisisi.
Napatili ako ng may bigla akong tinamaan at bumagsak ako sa sahig. Natapon ang iniinom ko na shake sa sahig at sa suot ko na jeans. Pinagtitinginan ako ng tao kaya nakaramdam naman ako ng hiya.
May nakita ako ng pares ng sapatos sa harap ko kaya unti-unti kong inaangat ang tingin ko para makita kung sino iyon.
Unti-unting nanlaki ang dalawang mata ko nang makita ko kung sino 'yon.
"Sir!?" Gulat ko na sabi sa kaharap ko. Si Mr. Dagon, hindi si Jaxon Dagon kundi si Jupiter Dagon. Nakatayo sa harap ko, suot-suot ang isang puting suit na nag ku-kulay chocolate na dahil sa natapon ko na shake sa kaniya.