Chapter 10 - Dyes

"Portia? How's your head?" I squeaked like a mouse nang biglang nagsalita si Sir Jaxon na nasa likuran ko.

Awtomatiko ko siyang nilingon an I saw how the way Sir Jaxon looks at me with his piercing eyes.

"O-okay naman ho," iniwas ko ang mga tingin ko sa kaniya.

"Uh-huh? Really?" He said in a baritone voice.

Ngumiwi naman ako, mukha ho ba akong sinungaling Sir?

Gusto ko sanang sabihin sa kaniya iyon kaso baka mawalan pa ako ng trabaho ng wala sa oras. Ayaw ko naman na mangyari iyon kaya huwag nalang.

"Opo."

"Good, then go get the papers from Miss Agripa's office."

My expressions immediately went sour. Tsk! Gusto lang naman pala akong utusan dami pa niyang nalamang paandar.

Tinalikuran ko ulit si Sir Jaxon at kumunot naman agad ang noo ko ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng suot-suot kong skirt. Mabilis ko na kinapa iyon sabay kuha ng cellphone ko.

Mayroon akong natanggap na baong mensahe na galing kay Angelica, iyong babaeng nasa karendirya. Kahit papano ay kinakausap niya ako pa minsan-minsan, nagugulat nalang ako minsan na bigla siyang tatawag para asarin lang ako.

Narinig ko na tumikhim si Sir Jaxon na nasa likod at nagulat naman ako, dahil sa sobrang gulat ko ay mayroong kumawalang mura sa bunganga ko.

"Ay! Potangina!" Gulat ko na sabi.

Nanlalaki ang dalawa kong mata habang nililingon ko si Sir Jaxon sa likod ko na nakataas na ang kaniyang isang kilay sa'kin. Doon ko na realize na may nasabi pala akong mali, natutop ko ang bibig ko dahil sa katangahan ko.

"Miss Secretary, you're not allowed to use your phone while you're at work." Maawtoridad niyang sabi sa'kin at napatango nalang ako ng wala sa oras. "Why don't you finish your work first? And after that, you can do whatever you want."

"Sorry po, Sir." Nanlulumo kong sabi sabay yuko sa harapan niya.

"Let my words be a warning to you," humalukipkip siya kaya mas napalunok ako ng wala sa oras.

"Opo, Sir! Sorry po ulit Sir! Nagulat ho kasi ako sa biglaang pagtikhim niyo!" Napakamot ako sa ulo ko dahil sa kahihiyan, mas lalo namang tumaas ang kilay niya.

"Oh? So you're saying it's my fault?" He scoffed at nag panic naman agad ako.

"Hala, Sir! Wala akong sinabi! Huwag kang mambintang," I said trying to defend myself and he scoffed even more.

"Oh? Then why do you sound affected?" He said in a smug tone and look.

"Eh kasi naman Sir nang bibintang kayo," ngumuso ako.

"I am not."

Napairap ako sa kawalan, "Oo na nga lang, Sir." Napakamot ako sa ulo ko.

Tuluyan ko na siyang tinalikuran at naglakad palabas sa sarili niyang opisina dahil mukhang trip ako ngayon na awayin ni Sir. Alangan naman patulan ko siya dahil baka magulat nalang ako wala na akong trabaho at nakikitira nalang ako sa kalsada kasama ang pulubi?

Ayoko naman ganun. Kahit naman siguro mukhang palabiro at mahilig mang away itong si Sir, pikunin siya. Matabil pa naman ang dila ko at tsaka madaldal ako baka ma offend ko pa siya.

Naalala ko pa noon nang nakatira pa ako sa probinsya. Sobrang dami kong kaaway pero may dahilan iyon ah! Hindi ako nangaaway ng walang dahilan no? Pinalaki ako ni Mama bilang isang mabait na bata.

Slight lang...

Inaaway nila ako kasi si Mama daw ay iniwan ni Papa tapos wala akong Papa, hindi katulad nila. Syempre, hindi naman ako pumapayag na aapihin lang si Mama lalo na ako at ng mga kapatid ko. Ayun, nag rambol kaming lahat. Pinabaranggay nga ako ng nanay ng nakaaway ko dahil nginudnud ko ang nguso niya sa maduming babuyan ni Mang Anding.

Mayroon din noong time na pinagkalat nila na may Lisa raw ako, ako naman na bata, naooffend kahit hindi naman totoo. Pero ngayong malaki na ako iniisip ko rin na sino ba naman gusto maging usap usapan ng buong baranggay kasi may Lisa lang?

Mataps pinagkalat ng mga haters ko na may Lisa ako. Ayon, iyong mga OA na nanay ng mga kabataan sa probinsya namin pilayo ang mga anak nila sa akin. Wala akong naging kalaro non ng mga ilang linggo.

Dinibdib ko naman agad iyon kaya inaway ko ang mga nagpakalat non. Binantaan ko sila na kapag pinagkalat nila ulit na may Lisa ko, magkakatotoo iyon at hahawaan ko sila. Tumigil naman sila agad dahil doon.

Kaso nagsumbong sila kay Mama dahil sa sobrang takot nila na magka-lisa kaya and ending, pinaluhod ako ni Mama sa asin dahil sa ginawa ko.

Iyak ako ng iyak non eh, para akong baboy na kinakatay habang lumuluhod ako sa asin. Iniisip ko na nga na maglalayas ako dahil sa ginawa sa akin ni Mama. Maglalayas ako at maghahanap ng pamilyang magaampon sa akin.

Grabe talaga ako noong bata ako, sobrang drama. Kaunting pagdedesiplina sa akin ni Mama ay iniisip ko na hindi na niya ako mahal.

Napanguso naman agad ako habang pilit ko na inaalala ang mga nakagisnan ko noon na pangyayari. Grabe! Miss na miss ko na ang probinsya ko. Miss na miss ko na si Mama at ang mga kapatid ko lalo na iyong mga plastic ko na mga kaibigan.

Sa totoo lang kung ako ang tatanungin gusto ko na bumalik doon. Grabe iyong nararamdaman ko na longing. Kaso kailangan ako ng pamilya ko. Kailangan ko maging malakas para sa kanila dahil ako lang ang maasahan ni Mama dahil mga bata pa ang mga kapatid ko at ako ang nakakatanda sa magkakapatid.

Kailangan namin ng pera alangan naman na bumalik ako doon na miski katiting na piso ay wala?

Ano pa ang point ng pagpunta ko dito sa Manila at paghahanap ng trabaho kung wala naman akong maiuuwing pera sa kanila.

Babalik ako doon kapag may naipon na akong sapat na pera para sa amin. I mean, nagpapadala ako ng pera sa kanila kada buwan buwan pero gusto rin naman na mapasaya si Mama kaya magiipon din ako ng pera at the same time.

Alam ko kasi ang pangarap ni Mama. Gusto niya mayroon kaming malaking bahay kung saan kasya kaming lahat, kung saan may kanya kanya kaming kwarto. Iyong bahay ba naman kasi namin sa probinsya, isang ihip lang ng hangin 'yan ay sigurado ako liliparin iyan.

Kaya ang goal ko sa buhay ay gawing matiwasay ang buhay namin, pasayahin si Mama, patapusin sa pagaaral ang aking mga kapatid at iahon ang sarili namin sa hirap. Kaso pagkatapos ko gawin ang lahat ng iyon, hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko.