Chapter 11 - Onse

"Portia! Kumain na tayo, halika na!" Nakangiting aya sa akin ni Selena. Naging kaibigan ko siya noong natumba ako noong nag meeting ang mga boards dahil sa biglaang pagkawala ng pera.

Tinanong niya ako kung ayos lang ba ako at siguro doon nagstart ang pagiging magkaibigan naming dalawa. Parati na niya akong niyaya na sumama sa kanya kapag lunch break hours na.

Sino ba naman ako para tumanggi diba? Iilan na nga lang ang kilala ko dito tapos tatanggihan ko pa siya. At tsaka, ang bait bait kaya niya sa akin tapos sobrang matulungin pa.

Hindi kagaya noong unang trabaho ko dito sa opisinang ito. Iyong tatlong babae na panay parinig sa akin tungkol kay Sir Jupiter kahit wala naman akong ginagawang masama. Ginagawa ko lang ang trabaho ko tapos binibigyan pa nila ng issue.

Grabe talaga ang mga tao ngayon. Kahit anong gawin mo, kahit magpakabait ka, lumuhod ka at lumuha ng dugo sa kanilang haharapan marami pa rin silang sinasabi na hindi maganda sayo.

Tingin ko naman ay ang mga ganyan tao ay hindi na dapat pansinin dahil kapag pinansin mo pa. Iisipin lang nila na ikaw ay nagiging affected sa mga pinagsasabi nila at ang mas malala ay baka magsabi pa sila na sayo kapag nagreact ka; "Grabe ka makareact ah? Ede ibig sabihin non ay totoo?"

Iyan talaga ang mga taong ayaw na ayaw ko. Kung nasa probinsya lang ako at may nagganyan sa akin baka pinatiwarik ko na iyan sa puno ng buko.

"Susunod ako!" nakangiti ko na sigaw sa kanya pabalik habang inaayos ko ang aking lamesa.

"O'sige! Maghahanap na ako doon ng pwesto natin kaya bilisan mo." Giit niya bago siya tuluyan na lumakad papalayo sa akin patungo sa direksyon kung saan mayroong canteen.

Nang matapos ko ang ginagawa ko ay dali dali naman akong nagtungo papunta sa canteen. Kinawayan niya ako kung kaya't nakita ko siya na nakaupo sa isang dulo. Dali dali naman akong lumapit papunta sa kanya umupo sa kanyang harapan.

"Grabe talaga iyang si Sir Jaxon! Anong oras na oh?" Naiinis niya na sabi sabay tingin sa kanyang relo na suot. "Ang dami dami niyang pinagagawa sa atin! Gusto niya lahat ay tapos na kahit sa susunod pa na buwang ang deadline non!"

Natawa naman agad ako ng mahina. Halos lahat ng mga tao ay ganoon ang sinasabi nila sa akin kapag nasasalubong nila ako sa paglalakad sa hallyway, sa kung saan saan.

"Hindi mo naman masisisi iyang si Sir Jaxon no! Alam mo naman na may issue na nangyayari kung kaya't pinaguusapan siya ng mga investors natin. Halatang na p-pressure si Sir Jaxon kaya hayaan niyo na."

"Asus! Nakuha mo pa maging mabait ah? Hindi ba't mas malala ang pinatatambak niya na trabaho sa'yo?" Ngumwi siya sa akin at sinuklian ko naman agad iyon ng isang irap.

"Gaga! Alangan mag lumpasay ako nga iyak sa harapan niya?"

"Eto naman! Galit agad!"

"Tse! Sayo ko kaya ipasa lahat ng gagawin ko?"

"Patayin mo nalang ako, Portia! Ang dami dami na nga ng mga pinapagawa niya sa department namin tapos idadagdag mo pa ang sayo?"

"Kung mag rereklamo ka lang naman ede sana hindi ka nalang nagtrabaho!" Naiinis ko na sabi sabay humalukipkip sa kanyang harapan.

"Eto naman! Hindi mabiro! Grabe iyong ugali mo ngayon ha? PMS mo ba Madam?"

"Nahiya naman ako sa ugali mo, Selena. Ewan ko sayo, kumain na nga lang tayo. Ayoko mag overtime dito mamaya." Bumuntong hininga ako sa kanyang harapan.

"Kung ayaw mo naman pala mag overtime, sana hindi ka nalang nagtrabaho." Pilit niya na ginagaya ang boses ko.

Dali dali ko naman na sinipa ang kanyang paa na nasa ilalim ng lamesa. Narinig ko naman ang malutong niya na mura at daing.

"Kumain na nga tayo!"

"Si Sir Jupiter nga pala? Wala kang balita sa kanya?" Tanong ni Selena sa kalagitnaan ng pagkain naming dalawa.

Speaking of Sir Jupiter, akala ko ay babalik na siya noong nakaraan pero hindi naman pala. Wala akong narinig na kung anong balita sa kanya. Halos makalimutan ko na nga na siya talaga ang boss ko at hindi si Sir Jaxon.

Ilang buwan na siyang nawawala at kahit may nawala na milyon sa kompanya niya ay hindi pa rin siya nagpapakita. Baka siguro ay abala iyon sa girlfriend niya na nakita ko noon.

Bigla ko natutop ang labi ko ng mayroong thought na pumasok sa aking isipan.

Huwag niyong sabihin sa akin na siya ay kasal na? As in kasal na siya at nasa honeymoon phase na sila kaya hindi siya nakapasok dito sa sobrang tagal?

Pero pwede rin na bumitiw na siya sa kanyang pwesto at pinasa nalang kay Sir Jaxon!

Kaso ang imposible naman yata non?

Baka mayroon namang sapat na dahilan si Sir kaya ganyan. Sa totoo lang medyo na miss ko siya ngayon naaalala ko si Sir Jupiter. Ang bait sa akin non eh, binibigyan pa ako nun ng lunch at parating binubusog sa kagwapuhan niya. Joke lang!

Hindi katulad nitong kay Sir Jaxon na halos patayin ako dito sa gutom dahil sa sobrang dami ng trabaho na binibigay niya sa akin.

Minsan nga gusto ko nalang maging isda, tamang langoy langoy lang without knowing namabibingwit ako at kakainin ng kung sino mang tao.

"Wala pa akong balita kay Sir Jupiter eh," nanlulumo ko na sabi pabalik kay Selena.

"Grabe talaga iyang si Sir Jupiter! Napaka ghoster katulad noong chatmate ko." Natatawang ani niya. "Joke lang! Hindi ko sila pwede maipagkumpara ni Sir Jupiter. Si Sir Jupiter ay gwapo, macho, matangkad. Iyong chatmate ko naman ay mukhang walking zombie!"

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalingawngaw ang malakas na tawanan naming dalawa kaya naman naramdaman ko na pinagtitinginan kami ng lahat ng tao na kasama namin sa loob ng canteen.

"Ang ingay mo!" Natatawa ko na sita sa kanya.

"Aba! Nahihiya naman ako sa bunganga mong iyan?" She scoffed. Nagkatinginan naman kaming ulit na dalawa kung kaya natawa ulit kami.

"Manahimik ka nga diyan! Kumain kana! Pinagtitinginan na tayong dalawa dito dahil sa maingay mo na bungangang iyan." Natatawa kong ani sabay kuha nalang ulit ng kutsara ko at pinagpatuloy ang naudlot ko na pagkain.