"Portia!" Narinig kong tawag sa'kin ni Mr. Argaldo, dali-dali naman akong tumakbo sa gawi niya habang mayroong dalang sandamakmak na papel.
"Paki-perma nga ito sa finance office," giit niya nang ako ay makarating na sa tabi niya. Niyakap ko ang dala-dala kong papel para makuha ko ang inabot na papel ni Mr. Argaldo sa akin.
"Copy po!" I said nang makuha ko na ang papel. Umalis ako sa puwesto ni Mr. Argaldo at dali-daling pumunta sa opisina ni Mr. Saleno, iyong isa ko pa kasing dalawang papel ay ibibigay ko sa kaniya. Inuna ko munang puntuhan si Mr. Saleno bago ako kumaripas ng takbo papunta sa finance office.
Nagmamadali kasi kaming ngayong lahat, pinaalam sa'min na si Mr. Dagon, ang CEO ng kompanyang ito ay babalik na kaya naman kailangan na naming taposin ang lahat ng bagay na hindi natatapos bago pa siya makabalik sa kompanyang ito.
Matapos ang insidenteng nangyari noong nakaraan, hindi ako nakatulog ng maayos. Pilit na lumalabas ang imahe ni Mr. Dagon at ang kasama niyang si Kourtney sa utak ko.
Nakakapagtaka nga eh, pero baka dahil sa guilt ko lang ito? Natapunan ko kasi ng drinks iyong suot ni Mr. Dagon tapos sa harap pa ng maraming tao tapos nakita pa siya ng kaniyang sariling fiancée na gano'n ang lagay niya.
Tapos minsan iniisip ko nalang na baka minumulto ako ni Mr. Dagon o pinapakulam dahil sa nagawa ko sa kaniya noon sa mall.
Kung ano-anong klaseng dahilan ang pinapasok ko sa utak ko para maikalma ko ang sarili ko at ang puso ko na parating humaharumintado kapag pumapasok si Mr. Dagon sa isip ko.
Sa mga sumunod na araw, si Mr. Jaxon pa rin ang nagpapangalaga ng kompanya. Hindi rin naman kasi sinabi sa amin kung kailan babalik si Mr. Dagon, baka gusto nila kaming supresahin.
Nasa harapan ko ngayon si Mr. Jaxon na abala sa pagbabasa ng hawak-hawak niyang mga papeles. Hindi nga man lang niya ako tinatapunan ng tingin kahit ako ay nasa harapan niya.
Mayroon akong mesa at sariling puwesto sa loob ng opisina ni Mr. Jaxon, noon ng andito pa si Mr. Dagon ay doon niya ako pinapanatili sa sarili kong cubicle pero ngayon andito na ako sa loob ng opisina.
Gusto kasi ni Mr. Jaxon na nasa malapit lang ako sa kaniya para na rin siguro hindi siya mahirapan kakahanap sa'kin at mapabilis nalang ang pag ta-trabaho ko sa kaniya.
Inabala ko nalang ang aking sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga papeles na nasa harap ko. Maaring ayaw niyong maniwala pero nagtatangkasan ang papel na nasa lamesa ko.
Umuwi ako ng gabi na dahil sa marami akong ginawa sa trabaho ko, nagpaiwan pa nga si Mr. Jaxon sa loob ng kompanya at pinauna ako na umuwi. Nahirapan pa akong mag-hanap ng pwede kong masasakyan dahil sa gabi na, malapit ng mag alas-dyes ng gabi at ngayon lang ako umuwi. Kung iisipin grabe ang pag o-overtime na ginawa ko.
Parehong scenario ang nangyayari sa'kin araw-araw. Una, ako ay magigising. Pangalawa, ako ay kakain at magbibihis. Pangatlo, ako ay maghahanap ng pwede kong masasakyan papunta sa trabaho ko. Pang-apat, ako ay mag t-trabaho sa boss ko na hindi uso sa kaniyang tumingin o ngumiti man lang sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Pang-lima, ako ay uuwi at matutulog. And it goes on and on.
Ngayon ay maaga naman akong nagising, mayroon kasi ngayong meeting at kailangan nasa tabi ako ni Mr. Jaxon. Mayroong problemang nangyari sa kompanya, usap-usapan iyon ngayon sa buong building namin kahapon. Mayroong nawawalang ilang milyon na dapat e f-fund sa bagong project pero biglaang nawala ng parang bula.
Sinisisi ng iba iyong executive na nasa finance office habang ako naman ay hinihiling na sana maayos na ang problemang ito. Sobrang halata kay Mr. Jaxon na malaking problema ito para sa kaniya. Of course, siya ang namamahala sa kompanyang ito, so somehow he is kind of responsible for it.
"Sir," pagtatawag ko sa kaniya. He is pinching the bridge of his nose as he tries to read the promissory note. "Gusto niyo po ba na ipag-timpla ko kayo ng kape?" I asked.
Iniangat naman niya ang kaniyang tingin sa'kin at tumango, "Yes, please," he muttered.
Binigyan ko naman siya ng isang ngiti bago umalis sa opisina at para mae-pagtimpla ko na siya ng kape. Habang ako ay nag t-timpla ng kape, hindi ko maiwasan na maawa kay Mr. Jaxon pakiramdam ko kasi na p-pressure siya.
"Sana naman ay maging maayos ang mangyayaring meeting mamaya," sabi ko sa sarili ko habang hinahalo ang powder ng kape sa mainit na tubig.
Dali-dali akong bumalik sa opisina para ibigay kay Mr. Jaxon ang kaniyang kape.
"Salamat, Portia." Seryoso niyang giit at hindi ko naman maiwasan na mamula dahil sa sinabi niya.
First time ko kasing marinig na tawagin niya ako sa sarili kong pangalan. Tinatawag niya kasi sa akin ay parating "Miss. Montenegro o 'di kaya Secretary Montenegro."
"W-welcome po, S-sir." Nagkadautal-utal kong giit sa kaniya habang umiinit pa rin ang pisnge ko.
Sino ba naman hindi mamumula ag pisnge kapag tinawag ka sa sarili mong pangalan ng isang gwapo?
Nang dumating ang oras ng meeting ay naglakad kaming papunta ni Mr. Jaxon sa meeting room. Medyo na late pa kami dahil mayroong tinatawagan at kinakausap si Mr. Jaxon sa cellphone niya.
Ako ang bumukas ng pintuan na gawa sa glass at bumungad sa amin mga members ng boards na mukhang kanina pa naghihintay kaya naisipan nila na mag-usap nalang.
Pinauna kong pumasok si Mr. Jaxon at natahimik silang lahat at napatayo sa presensya ni Mr. Jaxon.
Mr. Jaxon cleared his throat, "Good morning, everyone." Matigas niyang bati with his so scary look na hindi pa rin ako sanay na tingnan.
Akala ko dati, magkatulad sila ni Mr. Dagon pero nagkakamali ako. Ibang-iba silang dalawa, bakit ko pa ba sila pinag-kompara noong una?
"Huwag na kayong magpa ligoy-ligoy, start already." Umupo siya sa kaniyang swivel chair na nasa hulihan ng napakahabang lamesa sabay humalukipkip at deritsong tumingin sa board.
Ako naman ay umupo sa kabilang parte ng mesa dala-dala ang isang notebook kung saan pwede akong mag-sulat ng notes. Tumayo si Ms. Agaser sa gitna at nagsimulang mag-salita, ramdam ko ang tension na namumuo sa loob ng room ng napunta na about sa nawalang pera at nagturuan na ang lahat dahil doon.
Tiningnan ko naman si Mr. Jaxon na kanina pa tahimik at mukhang malalim ang iniisip habang kagat kagat ang ballpen. Na d-distract ako sa pagmumukha ni Mr. Jaxon! Ang gwapo niyang tingnan!
Pasimple siyang naka-upo sa kaniyang swivel-chair habang suot-suot ang kaniyang versace suit na kulay black ang coat at ang pang-loob naman ay kulay puting polo. Magulo ang kaniyang buhok at ang kaniyang mata ay pagod pero kahit ganiyan ay ang gwapo niyang tingnan. Mukha siyang modelo na pinag-aagawan ng lahat ng agencies para mag trabaho lang sa kanila.
His jaw was perfectly built habang ang kaniyang mga labi ay mas mapula sa akin. At t'saka ang yabong ng kilay niya at mahaba ang kaniyang pilik-mata tapos hindi siya katulad kay Mr. Dagon na mistiso, siya ay isang moreno. Kulay lupa ang kaniyang balat at bagay-bagay sa kaniya iyon pero ang kaniyang mukha ay parang mistisong tao!
Halos maglaway na ako habang pinagmamasdan ko si Mr. Jaxon pero napaayos lang ako ng nagtalo na ang mga taong nasa loob ng meeting room. Napalunok naman ako bago ko binaling ang tingin ko kay Mr. Jaxon na nakatingin na rin sa akin habang nakataas ang kaniyang mayabong na kilay sa'kin.
Shit! Napansin niya siguro na pinagmamasdan ko siya!