Chapter 7 - Syete

"W-wow! C-congrats po!" I said at pilit na nagpakawala ng tawa sa harapan nilang dalawa. Napunta ulit ang tingin ko sa nakalingis na kamay ng babae na nagngangalang Kourtney sa braso ng Boss ko.

"Thank you," sabi ni Kourtney sa akin sabay ngiti pero halata naman na peke.

Tiningnan ko ang boss ko na kanina pang walang imik at walang naka desenyo na kung anong emosyon sa mukha.

Bahagya akong yumuko sa kanila dalawa. "I'm sorry po talaga sa ginawa kong perwisyo at abala."

Tinaguan lang ako ng boss ko. "Pasensya na po talaga, aalis na po ako." I said for the last time bago pa ako tumakbo papalayo sa kanilang dalawa.

Dali-dali akong lumabas sa mall at naghanap ng masasakyang jeep papauwi. Hindi ko alam pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko talaga maintindihan ang kung bakit parang masyado naman yata akong affected dahil lang sa nalaman ko na mayroong soon to be wife na pala ang boss ko na kasing gwapo ang isang Greek God!?

Hindi ako mapakali habang ako ay nakatayo sa gildi ng kalsada na nasa labas ng mall habang naghihintay ng pwede kong masasakyan para ako ay maka-uwi na at makatas papalayo sa nalaman kong impormasyon.

Pero kung minamalas ka nga naman, napansin ko na dumidilim ang kalangitan at doon na ako nagpakawala ng mura. "Wala akong dalang payong!" Reklamo ko sa aking sarili sabay nagdadabog.

Wala talagang tumigil sa akin na jeep, kung mayroon mang dadaan na jeep ay puno na! Tangina! Kung minamalas ka nga naman oh! Ano ba ang nagawa kong kasalanan para maging masyadong malas ngayong araw?

Nakatayo lang ako doon habang nagpipigil ng galit hanggang sa nararamdaman ko na mayroong unti-unting pumapatak sa balat ko. Napapikit nalang ako at nag-mura sa isip ko hanggang sa lumalaki na ang patak ng ulan at tuluyan na iyon bumuhos.

Gusto kong maglumpasay sa iyak sa kalsada ngunit nakakahiya naman siguro iyon diba? Napahiya ko na ang sarili ko kanina sa loob ng mall tapos ipapahiya ko pa ulit ang sarili ko? Sobrang kapal naman yata ng mukha ko kapag ganyan na.

Wala akong choice kundi tumakbo at maghanap ng maari kong silungan. Ayoko ng bumalik sa loob ng mall na iyon, baka makasalubong ko pa ulit si Sir Dagon. Ayoko naman makita niya akong basang sisiw at baka umalma na naman iyong girlfriend ni Sir! Mukhang may galit na sa akin eh, kahit wala naman akong ginawa sa kaniya.

Mayroong malapit na karyenderya kaya doon ko naisipang sumilong. Hinayaan naman ako ng tindera dahil mabait siya. Bumili nalang rin ako ng lugaw para naman hindi ko ma taken for granted itong si Ate! Sa panahon ngayon wala ng libre kaya hayaan niyo na!

"Ineng, bakit basang-basa ka?" Nagaalala niyang tanong sabay lapag ng bowl na mayroong lamang lugaw.

Mukhang dalaga pa ang babaeng ito, mukhang magka same age lang kaming dalawa eh.

"Kasi po umulan," biro ko at natatawa naman niya akong hinampas.

"Eto naman si Ate! Nanghahampas! Tawa lang, walang hampasan." Biro ko ulit sa kaniya kaya mas lalo siyang tumawa.

"Oy, Ate! Mukhang bentang-benta sa'yo joke ko ah, libre niyo nalang kaya itong lugaw sa akin? Nagmumukha niyo na kasi akong clown dito," umismid ako sa harapan niya at pabiro naman niya ako inirapan.

"Naku! Huwag ako, Ineng! Ano ka sinuswerte?" Maldita niyang giit sa akin.

"Damot mo naman sa'kin, Ate! Hindi ka ba naaawa sa basang sisaw na katulad ko?"

"Eh, bakit naman kasi nagpa-ulan ka! Ako pa sinisi mo!" Inismiran niya ako at napahalakhak naman ako.

"Alam mo kasi Ate broken ako," pabiro kung giit sa kaniya ngunit hindi ko naman inexpect na maniniwala siya sa akin.

"Hala! Talaga!?" Nagulat ako ng bigla siyang umupo sa harapan ko. "Kwento mo nga sa'kin! Pwede kang umiyak sa'kin, wala naman akong ibang costumer kundi ikaw lang kaya time mo na para mag-emote!" Seryoso niyang giit.

"Chismosa mo pala ate ha! Pati lovelife ko pinapakealaman mo!"

"Huwag ka na kasing pabitin! Kwento mo na sa akin para ka namang si others!" Pagpipilit niya sa akin at inirapan ko naman siya.

"Ikaw ate ha! Hindi ka ba tinuruan ng parents mo na don't talk to strangers? Ikaw ang si others no! Hindi ako!" Humalukipkip ako sa harapan niya.

Nakakaaliw naman pala itong kausap si Ate, wala naman akong kaibigan dito sa maynila at masyadong nakakausap except sa mga ka workmates ko sa kompanya.

"Ano ba ang pangalan mo, Ate?" Usisa ko sa kaniya.

"Ako nga pala si Angelica!" Giit niya sabay lahad ng kaniyang kaliwang kamay sa akin para mag shakehands kaming dalawa.

Dali-dali ko namang inabot iyon at nag shakehands kaming dalawa. "Ako naman si Portia," nakangiti kong giit sa kaniya.

"Pero ganda ng pangalan niyo ate ah? Angelica, astig! May ganoon pala, mukhang lamang lupa pero Angelica ang pangalan." Biro ko sa kaniya at hinampas naman niya ako agad.

"Hala si Ate, sadista!" Natatawa kong sabi habang iniiwas na maabot niya.

"Naku! Huwag mo akong ma biro-biro baka lagyan ko 'yan ng lason ang lugaw mo!" Banta niya sa akin.

"Eto naman si Ate! Parang hindi naman mabiro eh!" Napakamot ako sa batok ko.

"Huwag mo nga akong tawagin na Ate! Mukhang magka-edad lang naman tayong dalawa eh."

"Ilang taon ka na ba?" Tanong ko sabay higop ng sabaw.

"24 na ako, ikaw?"

"See! Mas matanda ka sa akin ng dalawang taon!"

"Aba! Ewan ko naman na mas matanda ako sa'yo no!"

Natawa naman ako at nagpatuloy sa pagkain ko ng lugaw bago pa mawala ang init nito habang nagk-kwentohan kaming dalawa ni Angelica.

"Talaga? Probinsyana ka? Hindi halata sa'yo ah," mangha niyang giit.

"Niloloko mo na naman ako! Wala akong dalang pera dito!

"Okay lang naman! Padala mo nalang kapag may pera ka na!" Humalakhak siya.

Inirapan ko naman siya sabay ayos ng suot-suot ko na jacket na pinahiram sa akin ni Angelica. Mabait naman pala itong si Angelica at masayang kausap kaya nanatili ako dito ng mga ilang oras na, hindi pa rin tumitila ang ulan at nag suhestiyon si Angelica na dito nalang daw muna ako hanggang sa tumila na ang ulan para hindi ako mahirapan.

"Pareho lang tayo ng kinatatayuan ng lugar no! Naghihirap rin kami ng pamilya ko," bumuntong hinga siya. "Etong karyenderya na ito ang pinag t-trabahuan ko, hindi ito sa'kin. Eto lang naman kasi ang tumanggap sa'kin eh," kwento niya.

"Bakit hindi mo naisipan na mag-apply sa ibang lugar?" Tanong ko, "Sigurado na tatanggapin ka bilang sales lady o 'di kaya more than that!"

"Eh sa natatakot ako! Baka hindi ako tanggapin eh," nakanguso niyang giit.

"Naku! Kaya hindi tayo umuunlad eh kasi parati tayong pinangungunahan ng takot. Sa buhay, maraming posibilidad kaya kailangan mong mag take ng risk." Umiling-iling ako sa kaniya, "There is nothing wrong in trying. Ang mali lang ay iyong hindi ka ready mag take ng risk. Kailangan iyan sa buhay eh, wala tayong mararating kung mananatili lang tayo sa sariling comfort zone natin."

"Tama ka nga," pagsasangayon niya sa sinabi ko.

Nag-usap kaming dalawa hanggang sa tumila na ang ulan at sa naisipan ko na umuwi na para ako ay makapaghinga.

"Paano ba iyan, aalis na ako?" Nakangiti kong giit at mayroong bakas panghihinayang ang nasa boses ko habang hinuhubad ko ang binigay niya na jacket.

"Oy! Eto nga pala ang number ko," nakangiti niyang giit at tinanggap ko naman agad iyon.

"Alam mo kapag mayroong hiring sa kompanyang pinag ta-trabahoan ko, sasabihin ko sa'yo para naman makapag-apply ka."

Mayroong malaking ngiti ang sumilay sa kaniyang pagmumukha. "Hala! Talaga!" Masaya niyang sabi at tumango naman ako.

Napatalon siya at napatili dahil doon, mayroong mga tang dumadaan na napapatingin sa kaniya pero siya mukhang walang pake. "Oo nga, totoo... ipapaalam ko sa'yo," natatawa kong sabi.

"Salamat talaga, Portia ha!" Naiiyak niyang sabi.

At after non ay umalis ako sa karyenderyang pinuwestuhan ko at nag hanap ng masasakyan kong jeep. Nakahinga ako ng maluwag nang mayroong akong nakita jeep na maluwag at pwede kong masakyan.

Masaya akong umuwi dahil sa nagkaroon ako ng bagong kaibigan ngunit mayroon malungkot na parte sa dinadaramdam ko ngayon. Kapag kasi pumapasok sa isip ko ang nangyari kanina sa loob ng mall, nakakaramdam ako ng lungkot.

Mayroong talagang mali sa akin, hindi ko maintindihan eh. Para sa saan o sa ano itong nararamdaman ko? Nabagok ba ang ulo ko o baka guni-guni ko lang ito?

O baka naman siguro nakakaramdam ako ng ganito dahil malapit na ang red days ko!? Nagiging eng-eng kasi ako kapag nalalapit na ang kabuwanan ko, teka! Ano na ba ang petsa ngayon!? Hays! Baka nga talaga siguro nababaliw na ako para maranasan at makaramdam ng mga ganitong bagay.

"Kulang lang ito sa kain," I muttered to myself habang naka-upo sa jeep na umaandar at pilit na iwinawaksi ang kakaiba kong dinaramdam.