"TAMA NAAAAA!! MGA WALA KAYONG PUSO! PAULIT ULIT NYO NA AKONG PINAPATAY PERO NGAYON HINDI NYO NA AKO MASASAKTAN ULIT! HINDING HINDI NA!" galit na galit kong wika saka ako tumalon sa pinaka itaas na palapag ng aming eskwelahan yakap yakap ang sarili. Ninanamnam ang bawat sandali dahil ngayon sa wakas makakatakas na rin ako. Malamig na hangin, magandang ulap at maliwanag na araw ang nakikita ko sa itaas habang hinahayaang kong lamunin ako ng kamatayan paunti unti ng kamatayan.
"yong estudyante nagpakamatay!"
"tumawag kayo ng ambulansya!"
"si Angel ba yan?" pagsisigaw ng mga tao sa paligid habang kumakalat na ang dugo ni Angelica sa lupa na kanyang binagsakan. Mulat ang kanyang mga mata at may maaliwalas na mukha. Mukhang nakatakas na nga siya sa kamatayan.
Kinabukasan dumating ang Ministers of the school para imbestigahan ang nangyareng pagpapakamatay ng isang estudyante sa kanilang eskwelahan.
"Malaking eskandalo ito at habang tumatagal lumalala pa ang pangyayare" pagmamadaling paglalakad ng aming principal
"kayong lahat isa isa kayong pupunta sa Principal office para tanungin ng mga Minister about Angelica's Suicide. Kaya dapat lahat ng sagot ninyo totoo para naman maresulba na ang lumalaking gulo sa eskwelahag na ito" wika ng aming homeroom teacher. Tsk, parang walang namatay dahil itinuring lang nilang lahat na isang malaking problema ang pagkamatay ni Angelica.
"Yes sir" sagot ng aking mga kaklase
Pinapila kami sa labas ng principal office, mula sa bintana naririnig namin ang usapan loob.
"Joshua? Tama ba?" wika pa ng minister
"opo"
"May kaugnayan kaba kay angelica?" tanong panito
"ako? Ah wala po, classmates lang po kami. Pero sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi sya ganon kabait na tao. Mayabang sya dahil sya ang nangunguna sa klase ni hindi nya ako makausap dahil ang tingin nya saakin hindi nya kapantay" sagot pa ni Joshua habang nakangisi ito. Agad naman syang pinalabas at saka sumunod ang kakalase kong si Arnold na ganon din ang tanong sa kanya.
"si Angelica, hindi ko sya kaclose. Pagmay groupings kami palagi nalang syang nag uutos kaya hindi ko na ginusto na mapalapit sa kanya" wika pa nito. Sumunod naman si Lea na pumasok at ganon din ang naging tanong sa kanya.
"huh. Hindi ko sya kaibigan, kasi napakatamad nya. Tuwing kami ang nakaassign na maglinis ng room palagi nalang syang nakaupo sa isang tabi at hinahayaan kaming gumawa ng mga gawain" galit pa nitong wika. Sumunod pa ang marami kong kaklase na may iisang sagot na hindi nila kaclose si Angelica dahil sa ugali nito. Hanggang sa sumunod na si Fatima ang second honor student namin last year at ngayon sya na ang top. Ganon din ang naging tanong sa kanya. Bigla nalamang itong naiyak at napaub ub sa lamesa.
"si Angelica po malapit po sya saakin, palagi ko po syang pinuprotektahan kahit minsan nayayabangan na ako sa kanya pero hinahayaan ko nalang po dahil sa kaibigan ko sya. Madalas ko rin pong pinapahiram ng pera si Angelica dahil baon po ang pamilya nya sa utang. Kaya nga po nong mawala si Angelica parang nawalan na rin ako ng isang kapatid. Huhuhuhu" pagiiyak pa nitong wika saglit nilang pinatahan si Fatima sa pagiiyak at saka pinalabas ng office habang hawak ang panyong ibinigay sa kanya ng homeroom teacher namin na nasa loob din. Sumunod na ako sa pagpasok ng office at ganoon din ang tinanong nila saakin. Tumingin muna ako sa homeroom teacher namin at saka sumagot.
"Hi-hindi ko kaclose si Angelica. Hindi po kami nagkakausap ng ma-madalas. Ka-kaya po hindi ko po alam kung ba-bakit nya nagawa iyon" takot kong sagot sa kanila habang nakatingin saamin ang homeroom teacher namin. Gusto ko ng ilabas ang lahat, umiyak, humagulhol at sabihin ang lahat ng katotohanan sa kanila pero hindi ko magawa. Dahil ang lahat ng naririto ay mapagkunwari. Naghugas kamay sila, nagpaka inosente. Pero ang totoo silang lahat ay mamatay tao.
Tawagin nyo na lang akong Vey short for Veyuona ang dating kaibigan ni Angelica. Maging ako man ay may kasalanan. Nakukusensya ako sa nangyare kay Angelica dahil wala man lang akong nagawa para sa kanya kundi ang mag iwan ng bulaklak sa kaniyang ipuan. Habang ang mga kakalase ko ay bumalik sa normal nilang gawain, mga kalokohan, biruan, kwentuhan. Parang walang namatay sa loob ng silid na ito.
"Mga wala kayong puso! Hindi nyo man lang magawang pagluksaan ang isang tao na namatay ng dahil sa inyo!" malakas pang wika ni Ella kabay ng pagtulo ng kanyang mga luha
"huh? Magluluksa? Kami. What the f*ck are you talking about?" wika ni Fatima
"wala ka talagang konsensya. Kayong lahat wala na talaga kayong mga kaluluwa!" pagsisigaw pa ni Ella
"Hey! Tumigil ka na nga! Akala mo kung sinong malinis ka! Eh saating lahat ikaw ang may pinakamalaking kasalanan!" sigaw pa ni Lea habang dinduro duro nya si Ella napatahimik nalamang si Ella at saka umalis.
Ella's POV
Wala. Wala akong kasalanan. Hindi, hindi ko yon kasalanan. Pagiiyak ko pang wika sa comfort room ng school. Malapit nakaibigan ko si Angelica, grade school pa lang magkasama na kami. Matalino sya at maganda kaya lahat humahanga sa kanya, mabait rin syang tao. Yon nga lang pinanganak sya sa mahirap na pamilya. Lubog sa utang ang mama nya, dahil sa pagpapagamot sa papa nyang naaksidente, di rin nagtagal binawian din ng buhay ang papa nya at naiwan sa kanila ang mga utang. Isang nurse sa public hospital ang mama nya pero hindi parin yon sapat para mabayaran ang lahat ng utang nila.
Wala naman akong kasalanan, wala. Natural lang naman na mainggit ako sa kanya dahil parang nasa kanya na ang lahat. Naiinggit ako, dahil lahat nalang humahanga sa kanya. Ang tunay na may kasalanan sa kanya ay ang mga taong yon, sila ang naging dahilan kung bakit nagawa ni Angelica yon. Sila ang dapat sisihin. Sila lang.
Umuwi agad ako pagkatapos ng klase. Dahil hindi na rin ako makatagal sa classroom na yon, lahat sila ay mga hayop. Pagkauwi ko agad akong nagbukas ng laptop at nagpost sa timeline ni Angelica ng pakikiramay. Mga hayop talaga sila nagawa pa nilang magpost sa timeline ni Angelica na parang napakabuti nilang mga kaibigan. Hindi ko nalamang ito pinansin at saka nagpatuloy sa pagsulat ng pakikiramay ko ngunit bago pa ako matapos. May natanggap akong message from unknown number.
"Admit your sin or pay your crime with your LIFE" yan ang nakasulat sa message. Sandali akong kinabahan ngunit inisip ko nalang na baka nawrong send lang ito
Kinabukasan pagkapasok ko sa eskwelahan narinig ko ang mga pinaguusapan nila. Hindi lang ako ang nakatanggap ng message pati narin sila. Alam kong may mali ng nangyayare dito. Sino ba ang taong yon. At ano naman ang ipinapaamin nito saakin. Wala akong kasalanan. Wala.
"Hoy Sandy! Anong pagkain ngayon?" marahas pang pagtatanong ni Arnold kay Sandy.
Si Sandy ang tinatawag naming Canteen Girl dahil sya ang nagtitinda sa loob ng classroom. Pero dahil nga sa kasamaan ng ugali ng mga kaklase ko palagi nilang binubully si Sandy at marahas na kinukuha ang mga pagkain ng walang bayad dahil wala namang nagagawa si Sandy kundi ang matakot at sumunod na lang dahil since grade's school ganito na ang trato sa kanya. Mayaman naman sya kaya okay lang sa kanya na bayaran ang lahat.
"ah eh, tu-tumingin na lang kayo dito" takot pang wika ni Sandy
Mabilis na tumahimik ang classroom namin ng dumating si Mr. Lopez and homeroom teacher namin.
"okay class, next friday na magsisimula ang burol ni Angelica. Kelangan nating pumunta lahat to make our respect" wika pa ni Mr. Lopez
"eh sir di naman namin yon kaibigan o kakclose bat pa namin pag aaksayahan ng oras yon!"
"oo nga sir. Magrereview pa kami for the final exam"
"sir kayo na lang pumunta" Pagaangal pa ng mga kaklase ko
"Silence! Pinapapunta tayo ng principal para maresolba na ang kasong ito! Pano nalang kung may lumabas na usap usapan na binubully dito si Angelica?!" galit pa nitong wika
"bakit hindi ba sir?" tanong pa ni Vey
"Tumahimik ka nalang Miss Villanueva kung ayaw mong ibagasak kita sa tatlong subject nato! Tingnan nalang natin kung hindi ka lumakad ng nakaluhod saakin!" paninindak pa ni Mr. Lopez "okay that's official pupunta tayong lahat sa ayaw at sa gusto nyo! At oh nga pala bago ko pa makalimutan this is the picture of Angelica ilalagay ito sa upuan nya hanggat hindi pa sya naililibing for formality, sige sa next class na lang tayo ulit mag usap usap" dagdag pa nito at saka umalis muli namang nagingay ang buong klase.
"tingnan nyo yong mukha dito ni Angelica, hahahhaha. I miss your body hahahaha" pagtatawa pa ni Arnold habang dinuduro duro nito ang picture ni Angelica
"wait lang guys! Eto ang dapat dyan hahahaha" pagguhit naman ng sungay ni Lea sa larawan sabay nagtawanan ang lahat. Nang biglang sabay sabay tumunog ang ilang mga cellphone namin, ganon din ang akin.
Nanlaki nalamang ang aking mga mata nang makita ko ang larawan ni Angelica na punong puno ng dugo at may message ding nakalagay.
"This is your last chance, admit your sin or you will die -Angel of Class 10, Section A" walang mapagsidlan ang kaba ko ng bigla nalang sumigaw ang isa kong kaklase na si Charice Agoncillo isa sa mga kaibigan ni Lea.
"Ano ba yan Charice?" tanong pa ni Lea
"Si-si Angelica" sabay turo nito sa kanyang cellphone
"Shit! Nakatanggap ka rin?! Tingnan mo Fatima nakatanggap kami ni Charice ng same message" wika pa ni Lea saka naman nagkumpokupulan sila mukhang lahat kami ay nakatanggap.
"Minumulto tayo ni Angelica" takot na wika ni Charice
"Shut your mouth Charice! Walang multo! 20's na naniniwala ka pa sa mga ganon"galit na wika ni Arnold
"Im sure nandito lang sa malapit ang may gawa nito!" wika ni Fatima at sabay humarap saakin na may halong pagbibintang
"What?! Fatima? Pinagbibintangan mo ba ako?!" galit kong tanong dito
"Ella ikaw lang ang pwedeng gumawa nito! Ikaw lang naman saatin ang malapit kay Angelica diba?" pagnunukso pang wika ni Fatima
"Wala akong ginagawang masama! Meron din ako message!" patatanggi ko at saka pinakita sa kanila ang message mula sa cellphone ko.
"Pwedeng senendan mo rin ang sarili mo para hindi ka mahuli" sabat pa ni Lea
"Bakit ko yon gagawin? For Angelica? Hindi ako tanga!" sagot ko pa sa kanila
"wait guys, what if tawagan natin sya? Kung nasa malapit lang siya meaning maririnig natin ang phone nya diba?" suggestion pa ni Joshua na sumangayon naman kaming lahat. Sya na rin ang tumawag sa number.
"Guys its dead" wika nito ng hindi matawagan ang number
"Alam nyo guys. Its bullshit, all of these. Sigurado ako nanakot lang yan baka mamaya hingan lang tayo ng pera nyan or else pinaprank lang tayo. So chill lang. Wala namam saating magagawa yan eh" wika pa ni Arnold.
"thats true. Hindi naman tayo masasaktan nyan. At kung sino man yon magpakatago tago na sya sa kung saan man dahil pagnalaman ko lang talaga kung sino sya ilalampaso ko sya sa semento hahahahahaha" pagtatawa pa ni Lea