Chereads / The Unwanted Classmate / Chapter 7 - Chapter VII Friends?

Chapter 7 - Chapter VII Friends?

Rose's POV

"Okay attendance lang muna tayo ngayon tapos ididissmiss ko na kayo kasi may meeting kami ngayon okay class" wika pa ni maam at saka nagsimula mag attendance.

"okay"

"Joanna Atienza? Atienza? Okay absent sya ngayon"

"Leonard Buenavista? Mr. Buenavista? Absent din?"

"Joy De Leon? Ms. De Leon? Wala ba sya?"

"Kyle Fajardo. Mr. Fajardo!"

"Jane marie Fernandez? Fernandez! What the?! Ano ba ito pinagloloko nyo ba ako?!"

"Jhon Paul Fuentes?" "present maam"

"okay nasaan ang lima nyong kaklase? Dont tell sabay sabay silang nagkasakit?!" pagtatanong ni maam na mukhang wala pa itong nalalaman sa nangyare sa aming mga kaklase

"Ms. President!"

"Maam, amm hi-hindi ko po alam. Baka po nalate lang or hi-hindi ko po alam" pagsisinungaling pa ni fatima, hindi ko maintindihan kung bakit kinakailangan nyang magsinungaling gayong alam naman namin kung ano ba talaga ang nangyare kina Joy

"sabihin mo magbigay agad sila saakin ng absent letter pagkapasok nila asap! Maliwanag ba ako?!" galit pang wika ni maam

"ah o-opo maam"

"ah malalate na pala ako sa meeting ikaw na ang magpatuloy ms. President sa pagaattendance. Make sure na tama ang ilalagay mo!" galit na wika ni maam at saka ito nagmadaling umalis

"Coby Gaela?" "present!"

"Rose Garcia!" pagtawag saakin ni Fatima. Tumayo ako at saka pumunta aa harapan nya.

"Sinungaling ka!" buong galit kong wika kay fatima at saka ako nagmadaling umalis dahil nararamdaman kong may mangyayareng masama.

"wag nyo ng pansinin yon. Okay Kendy Hael?"

"Zairon Inez?" "Nandito"

"Cristine Kalim"

Naglakadlakad ako sa bawat pasilyo ng eskwelahan namin habang yakap yakap ang aking bag. Malamig parin ang aking pakiramdam pero dama ko na ang umaagos na pawis saaking mukha. Ninanais kong lumingon dahil nararamdan kong may sumusunod saakin pero parang katawan ko na ang nagdikta na wag ng lingunin pa. Nanginginig na ang aking mga tuhog at dali dali akong tumawag mg taxi para makauwi.

Pagkadating ko sa bahay agad akong sinalubong ni mama.

"oh bakit ang agap mo ngayon? May sakit kaba?" tanong pa saakin ni mama pero hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lamang ako sa pagpasok saaking kwarto. Nahiga nalamang ako para ipahinga ang aking isipan.

Nagising nalamang ako sa katok saakin ni mama. Tanghali na pala, pawisang pawisan ako at yakap yakap ko pa rin ang aking bag.

"Rose kakain na. Nandito na ang papa mo" wika saakin ni mama

"Si-sige po. Su-sunod na lang po ako" sagot ko kay mama at saka ako dahan dahang nagbihis dahil napansin kong basa na ng pawis ang aking yunuporme.

Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko si papa na may kinakausa[ pa sa cellphone nyo habang si mama naman ay patuloy sa paghahanda ng iba pang pagkain. Naupo na lamang ako at saka naupo narin si mama.

"opo. Mr. Valdoria aayusin ko po agad ito" wika ni papa sa kausap niya sa telepono ata saka ito ibinaba.

Hindi parin nawawala ang aking pangamba at takot dahil sa mga nangyayare.

"Ma, Pa. Pa-patay na po sina Joy. Na-nakasidente po sila sabi sa balita kanina" pagluhang kong wika.

"ganyan talaga ang buhay anak may mga hindi kanais nais na nangayayare pero wala tayong magagawa don kundi tanggapin nalang. Oh, sige na kumain kana" pagpapakalma saakin ni mama

"Pa, sa palagay ko po may kinalaman po ang ginawa ni Fatima. Ka-kasi po nitong mga nakaraang araw nakikita ko po si Angel-

"Punyeta naman! Anong koneksyon ng aksidente yon sa mga Valdoria! Ako nahihirapan na nga akong ayusin ang gusot sa kompanya at baka paghindi ko pa yon naayos baka tuluyan na akong patalsikin sa kompanya ni Mr. Valdoria! Tapos sasabihin mo nagpapakita sayo ang patay! At isisi mo pa sa anak ni Mr. Valdoria ang aksidenteng nangyare! Ano klase kang anak?!" galit na galit na wika ni pala

"Ano klase kayong ama?! Pitong kaklase ko na ang namatay simula ng mamatay si Angel! Tapos hanggang ngayon iniitindi nyo parin yang trabaho nyo!" pagiiyak kong wika at saka ako padabog na pumasok saaking silid

Takot na takot na ako. Gusto ko lang naman ay ang pakinggang nila ako. Yon lang.

Nakatulog ako ng saglit saaking pagiiyak, nagising ako na kumakalam ang aking tyan ng makita ko ang pagkain na nasa aking bag na mula pa sa school. Walang ano anoy agad ko itong kinain.

Bigla na lang akong nahilo at nagdilim amg paningin, nagising ang diwa ko nang may marinig akong boses. Boses ito ni angelica hindi ako magkakamali hindi. Nakarinig ako ng mga yabag papalapit ng papalapit saaking kwarto, pinilit kong itikom ang aking bibig. Pero papalapit ng papalapit, pabilis narin ng pabilis ang tibok ng aking puso. Bigla nalang tumunog ang lock ng aking pinto, nagpupumilit na buksan ang aking pinto.

"Tama na Angelica! Oo malaki ang kasalanan ko! Palagi kong pinagtatakpan ang mga kasalanan nilang lahat. Patawarin mo na ako huhuhu" pag iiyak ko pang wika

Takot na ang nangunguna saakin, madahas kong binuksan ang pinto at itinulak ang taong nasa aking harapan. Mabilis ako tumakbo ng tumakbo papalabas ng bahay. Walang pinakikinggan at nais lang ay makatas at makaalis. Buong takot akong tumakbo ng tumakbo kahit wala akong sapin sa paa. Kinakapos na ako ng hininga pero wala na akong pakialam basta makalayo ako. Nang bigla na lang akong may natapakang parang bubug na nagpahinto saakin. Nasa madilim na lugar na pala ako, wala ding ibang tao at bahay malapit dito. Huminga ako ng malalim at saka tinanggal ang bubug saaking sapin sa paa. May napansin nalamang akong papalapit na sasakyan masyadong malakas ang ilaw nito na halos hindi ko na maimulat, laking gulat ko ng hindi tumitigil ang sasakyan.

"AAAAAAA" malakas kong sigaw. Sa bilis ng sasakyan, napakalakas ng bangga nito saakin na tumilapon na ako sa likuran nito. Pinilit kong imulat ang aking mga mata habang nararamdan ko ang pag agos ng dugo saaking mukha at ang paglabas ng buto saaking tuhod malaki din ang pinsala saaking kaliwang kamay. Hindi ko na magawa pang sumigaw dahil saaking panghihina. Napansin ko nalang na nakahinto pala saaking harapan ang sasakyan.

"Tulong. Tulungan nyo ako. Tulong." mahina kong wika. Ngunut imbis na bumaba ang driver ng kotse mabilis itong nagpatakbo pabalik saaking kinatatayuan. At muli akong sinagasaan na halos madurog na ang lahat ng aking buto sa katawan. Unti unti nang namanhid ang buo kong katawan papunta sa basag kong ulo hanggang sa nagdilim na ang lahat.

"Masakit ba? Dont worry little rose bayad kana"

-

Zairon's POV

" Hayss nakakasura naman lag nanaman ang computer dito" galit kong wika sabay tayo

"tara na Coby baka masita nanaman ako ni mama dahil late nanaman ako uuwi" wika ko kay coby habang naglalaro sya

"sandali lang tatapusin ko lang ito"

"tara na" wika ko sabay hatak sa kanya.

Matagal na kaming magkaibigan ni Coby magkatapat lang kasi ang bahay namin kaya palagi ko syang nakakasama kahit sa anong lakad.

"hayss alam mo naman na kaylangan kong tapusin ng games para dumamin yong followers ko" galit pang wika ni Coby

"hayss ayuko lang naman na napapagalitan tayo eh"

"palibhasa sikat ka na. At hindi mo na kaylangan pa ng followers sa site natin. Kung bakit ba hindi ako ang nilapitan para ikalat yong nudes ni Angelica ede sana ako ngayon ang sikat" wika pa nito

"amm baka kasi alam nila na I'm better than you hahahahaha" pagtatawa ko pang wika

"oo na sige na ikaw na ang maraming alam na sites, teka magkano nalang ba ang kinikita mo sa nudes ni Angel" galit pa nitong wika

"amm it has been month after kong iupload ang pictures nya sa site pero until now malaki parin ang kinikita ko pero hindi na syempre katulad nong first day na kumalat nudes nya"

"ikaw na talaga!" wika pa nito at saka kami nagpatuloy sa paglalakad

"teka narinig mo ba yon Zairon?" pananakot pa saakin ni Coby

"ayan ka nanaman eh!"

"Mahuli sya ang madadala ng bag bukas hahahahha!" mabilis naman ng pagtakbo ni Coby

"napakadaya mo talaga!" wika ko at saka naman ako tumakbo para habulin sya. Ilang kanto palang ang nalalakad namin, hinabol na ako ng hininga kaya naman napatigil lang muna ako sandali

"oh ano? Zairon! Pagod kana? Hahahhaha" wika pa ni Coby namedyo malayo saaking kinaroroonan

"huh! Wait lang ho hoo hoo" pagod ko pang wika at saka ako humarap sa kinaroroonan nya pero nakita ko nalang na nakahadusay ito sa hindi kalayuan

"hayss. Ikaw naman pala ang pagod eh! Ano coby? Hindi mo na kaya hahahahah" wika ko sa kanya habang papalapit ako pero hindi parin ito gumagalaw sa kanyang posisyon.

"Ano kaya pa-" hindi ko na natapos pa ang aking sinasabi dahil kitang kita ko ang pag agos ng dugo ni coby sa kanyang leeg habang nakatingin ang kanyang mata sa kawalan. Nakita ko rin na halos masira na ang kanyang tyan dahil sa dami ng saksak nito. Takot na takot kong nilapitan at ginalaw ng bahagya ang mukha ni Coby.