Chereads / The Unwanted Classmate / Chapter 9 - Chapter IX Silent Death

Chapter 9 - Chapter IX Silent Death

Fatima's POV

Ano bang nangyayare kay Lea? Bakit ba nya pinagpipilitan na hindi coincidence ang lahat? Mas maganda namang isipin na coincidence ang lahat kesa mabuhay kami sa takot.

Mabilis akong bumalik sa klase ng makasalubong ko si Sandy.

"Saan ka pupunta?"

"A kukunin ko na yong pagkain sa canteen, malapit na kasi magrecess" sagot naman nito

"Ikuha mo na rin ako ng Sandwich with cheese" wika ko at tango lang ang naging sagot nito.

Magkaibigan kami ni Sandy dati, we can say na bestfriends talaga kami dati. Pero since nong kunin na ako ng daddy, my life change and sya nanatili sya sa pagiging loser. It is what we called growing. Whatever.

Malapit na ako sa classroom ng matanaw ko ang picture ni Angelica. Nakakasura talaga, bakit ba kailangang idisplay pa yan dyan.

Yes, I hate Angelica, palagi syang nagrurunungan and she also think na sya ay mas mataas saakin. Hindi ko sya kalevel and she will never be. Mahirap sya at kabully bully, she deserves that. Mali ang kalabanin ang isang Valdoria na katulad ko.

"Maam, okay na po si Lea" wika ko kay maam

"Good, you may take your sit" wika ni maam at saka ako naupo

"maam pwede po ba ako magcr" wika ni Julia

"Miss Lim hindi na ba talaga mapipigil yan? Malapit narin magdissmiss"

"eh maam. Naiihi na po talaga ako eh. Tsaka maam Julia nalang. Hehe"

"sige. Bilisan mo!"

"thank you maam"

Mabilis namang umalis si Julia patungo sa banyo, at nagtaka ako ng sumunod naman si Ella ng hindi nagpapaalam sa aming teacher dala ang kanyang cellphone.

Julia's POV

Hahah buti nalang talaga pinayagan ako ni maam. It's time for me to stalk my crush. Dapat hindi ako maunahan ng ibang girls sa pagcomment sa ig story nya.

Mabilis akong pumasok ng cr. Mukhang swerte ako ngayon walang atang tao. Umupo lang muna ako sa harapan ng salamin at saka nagcellphone. Nang biglang may tumunog sa aking likuran, mukhang may tao.

"Hoy bilisan mo dyan! At umalis kana! Kung ayaw mong masaktan!" pananakot ko pa at saka ako nagpatuloy sa pagcecellphone. Nang bigla na lang may humawak saaking likuran at hinila ako nito

"hmhmhmhhmhm" pagpupumiglas ko habang may nakabusal nasaakin ang panyo. Bigla nalamang akong inatake mula sa likuran, hinawakan niya ako sa kamay at saka sa bibig. Walang ano anoy naramdaman ko nalang na may dumagok saaking likuran na nagdulot saakin ng pagiging mahina. Hinila niya ako habang hawak ang aking buhok.

"bi-bitawan mo ako" mahina kong wika at hawak ang kanyang kamay sa likuran. Pinatayo nya ako at doon ko nalamang nakita ang kanyang mukha.

"ikaw?" mahina kong wika

"hmhm, masakit ba?" nakangiti pa nitong wika at saka malakas akong tinulak. Napauntog ang aking ulo sa side ng table sa harapan ng salamin. Hinang hina na ako, malapit naring bumigay ang aking mga mata at nais na nitong pumikit. Naramdaman ko ang pagdaloy ng aking dugo sa ulo. Kaya gumalaw ako para sana makatayo. Pero muli nya akong hinila at saka muling itinulak ng malakas sa side ng table. Doon na ako nabingi at tuluyang bumagsak hbang kitang kita ko ang derederetsong pagagos ng aking dugo mula sa ulo.

"bayad kana!"

Fatima's POV

Sa wakas nagdissmiss narin si maam. Kasabay nito ang bell ng school namin para sa recess. Lalabas na sana ako ng room ng makasalubong ko si Ella. Mukha syang namumutla at kinakabahan. Kaya sandali ko syang natitigan.

"WHAT?!" galit pa nitong wika at saka pumasok saaming room

Pupunta sana ako ng clinic para bisitahin si Lea. Pero hindi pa ako nakakalayo sa may room nang mapansin kong nagkukumpulan na ang iba pang estudyante at ang iba naman ay tumatakbo papuntang banyo.

"Anong nangyare?" tanong ko pa kay Joseph

"si Julia daw duguan sa banyo. Sabi nadulas daw sya" wika nito at sabay takbo papunta sa kinaroroonan ng pangyayare

"What?" mabilis na rin akong pumunta sa banyo pero hindi pa ako nakararating ng nakita ko na inalalabas na si Julia ng isang security guard ng school. At may ambulansya naring naghihintay sa labas. Duguan ang buong mukha nito at mukhang basag narin ang ulo nito. Kanina lang nagpaalam sya na magccr sya pero ngayon mukha na syang walang buhay. Nanatili ako ron hanggang sa maisakay si Julia sa ambulansya, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nangyare.

"Students go back to your own works, sige na" wika ng isa naming teacher pero hindi parin tumitigil ang usap usapan ng mga estudyante dahil sa nangyare.

Nagpatuloy nalamang ako sa paglalakad papuntang clinic at nadatnan ko ang nurse sa pintuan na tinitingnan sa malayo ang mga pangyayare.

"oh nandito kana pala. Ano bang nangyare don?" wika pa ng nurse

"may estudyante daw pong nadulas sa cr kaya agad na dinala sa ospital"

"sana naman okay sya" wika pa ng nurse

"ah si Lea po?"

"Nandon natutulog pa. Pinainom ko na kasi sya ng sleeping pills, baka mamaya magising narin yon"

"sige po titingnan ko lang po sya"

"sige"

Pumirma muna ako sa visit list ng makita ko ang pangalan ni Vey at ni Ella sa listahan. Anong ginawa ni Ella dito? Si Vey alam ko na ustusan sya ng teachers and nurse kaya hindi nakakapagtaka na nagpunta sya rito. Pero si Ella? Nagpatuloy na lang ako sa pagpasok sa clinic at hinawi ang kurtina na nagtatakip kay Lea. Mukha ngang tulog pa sya, kaya naupo muna ako sa gilid nito.

"Lea gumising kana, recess na. Wag kang magpapalipas ng gutom lalong makakasama yan sayo" wika ko sa kanya habang tinatabig ang kanyang braso. Ngunit wala parin syang reaksyon

"Lea. Gising kana gurl. Hindi kita dadalhan ng pagkain dito" pagbibiro ko pa sa kanya. Ngunit wala parin syang naging reaksyon, nakakapagtaka dahil hindi sya kumikibo o hindi man lang gumagalaw ang ano mang parte ng kanyang katawan. Hindi rin gulagaw ang kanyang dibdib para sya ay makahinga. Kaya sinubukan kong ilapit ang aking daliri sa kanyang ilong naramdaman ko na walang hanging lumalabas dito. Muli kong sinubukan damhin pero wala talaga. Inilapat ko ang aking tenga sa kanyang dib dib para malaman kung ito ba ay tumutibok. Laking gulat ko at takot dahil wala na akong marinig.

"Le-Lea? Lea?! Lea?!" pilit kong pagigising sa kaniya

"bakit kaba sumisigaw?" pagpasok ng nurse

"si-si Lea, hi-hindi na tumitibok ang puso nya" pautal utal ko pang wika

"Ano?!" gulat nitong wika at mabilis nyang tiningnan ang pulso at mata ni Lea

"Lea. Lea!" wika pa ng nurse at sinimulan na nyang icpr si Lea ngunit wala pang reaksyon si Lea.

"Tumawag ka ng tulong!" wika pa ng nurse. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya madali na akong tumakbo papuntang faculty room. Nakita ko si Mr. Lopez kasama ang pamangkin nyang si Jake

"Mr. Lo-lopez" pag hingal ko pang wika

"Bakit ka ba tumatakbo?"

"Si-si Lea hindi na sya magising at wala na rin syang pulso"

"Ano?! Nasan sya?!"

"Nasa clinic po."

"Jake tumawag ka ng ambulansya bilisan mo"

"Sige po tito"

Mabilis kaming nagtungo sa clinic para puntahan si Lea. Nadatnan namin na pilit na sinicpr parin ng nurse si Lea. Lumapit kami sa kanila at agad na binuhat ni Mr. Lopez si Lea papalabas.

"Tito nandito na po ang ambulansya" wika ni Jake na agad namang tumakbo si Mr. Lopez buhat si Lea papunta sa labas.

Napakabilis na ng tibok ng puso ko. Ngunit naalala ko ulit si Ella. Dahil kung may killer talaga sya lang ang pwedeng gumawa nito. Agad akong pumasok ng room at hindi na sumama pa kay Lea at hinanap si Ella at tanungin patungkol sa mga nangyayare. Laking gulat ko na nag aayos sya ng gamit para syang papaalis. Lalo akong nagduda sa kanya.

"Saan ka pupunta Ella?!" galit kong wika

"Fatima? Ah eh. May emergency sa bahay kelangan ko ng umuwi" pautal utal pa nitong wika. Saktong lalabas na sya ng room ng hilahin ko ang buhok nya papaloob. Wala na akong pakialam, alam kong sya ang maaring gumawa ng ganitong bagay saamin. Sya lang naman.

"Akala mo ba matatakasan mo ang ginawa mo!" galit kong wika habang kinakaladkad ko sya papasok gamit ang kanyang buhok

"Ano ba bitawan mo ako?!" pagpupumiglas nito

"Ano bang nangyayare?" tanong pa ni Arnold

"Alam nyo ba na wala nang hininga si Lea ng datnan ko sa clinic!"

"What?!" gulat namang wika ni Joshua

"Oo! At itong babaeng ito ang huling nagvisit sa clinic nakita ko yong pangalan nya sa visit list. Bago ko iwan don si Lea, takot na takot nyang sinasabi na may papatay sa kanya. At kung totoong may killer walang iba kundi sya yon!"

"Damn it! Hindi ba pwedeng sumakit lang ang ulo ko kaya ako nagpuntang clinic!" galit pang wika ni Ella sabay marahas nitong tinanggal ang aking kamay sa kanyang buhok

"Ah masakit ang ulo?! Eh bakit hindi ka nagpaalam kay maam before you leave?! Patago kang umalis!"

"Pwede ba! Malapit na non magrecess at magdissmiss si maam so nonsense lang na magpaalam pa ako!"

"huh! Ang galing mo ding magdahilan! Ngayon lang aalis at tatakas ka hindi ba?!"

"sinabi ko na sayo may emergency sa bahay. I need to go home!"

"sinungaling ka! Ikaw ang pumatay kay Lea!"

"How can I do that?! Diba ikaw na rin ang nagsabi kay Lea na walang killer! Na walang pumapatay! Na coincidence lang ang lahat! Then ngayon para kang baliw na magbibintang sakin!" wika ni Ella at saka kinuha ang kanyang gamit at umalis

"Oo nga Fatima you insist na coincidence lang ang lahat bakit ngayon sinasabi mo na may killer" tanong pa ni Arnold

"Dahil patay na si Lea! Sya lang ang pwede gumawa non!" galit kong wika

"oh ano bang nangyayare dito?" singit pa ni Jake

"May dumating na nga palang mga pulis to investigate sa pagkamatay ni Julia and Lea" dagdag pa ni Jake

"oh see. Pinatakas lang natin ang criminal!"

"Criminal?" tanong pa ni Jake

"oo pinatakas lang ninyo si Ella" galit kong wika

"Ella is the criminal? It can't be, sabi ng mga pulis kanina baka daw accident lang yong nangyare kay Julia and for Lea's case baka daw cardiac arrest kasi wala naman daw marks ng kahit anong pagpatay" pagpapaliwanag pa ni Jake

"oh Fatima see. Coincidence lang ang lahat. Walang killer!" galit pang wika ni Arnold.

Pero hindi parin ako mapalagay. Totoo ba na coincidence lang ang lahat?