Mr. Lopez POV
Kakagaling ko lang sa prisento ng malaman kong naging suspek ang isa sa mga estudyante ko sa pagpatay sa isa ko pang estudyante. Laking gulat ko ng malaman ko na si Veyouna iyon, hindi ko alam na may kakayahang gumawa ng ganon si Veyouna. Madali syang matakot at takot sya sa mga kaklase niya dahil sa mahirap lang sya madali lang na paalisin sa eskwelahan ang katulad nya. Galing sya sa ampunan kaya ganon nalamang ang paghahangad nya na makapagtapos at makaahon sa hirap. Kaya nga lahat ng iutos namin ay agad nyang sinusunod at madali ko ring napatahimik ang kanyang bibig sa pagsasalita patungkol sa suicide ni Angelica. Madali syang takutin, kaya mahirap paring paniwalaan na magagawa nya yon. Pero kung ginawa man niya iyon, nagkamali sya ng kinalaban. At kung totoo man na may kinalaman sya sa pagpatay sa pamangkin i will make sure na empyerno ang mararamdaman nya habang nabubuhay sya.
Simula ng pagkamatay ni Jake walang oras na hindi ko sinisisi ang sarili ko. Kung sana hinatid at sinamahan ko nalang sya nung araw na yon ede sana buhay pa sya. Sana kasama pa namin sya.
Ngayon nagiisa ako sa bahay dahil busy sina Kuya sa pagpapaayos ng burol ni Jake. Tahimik ang paligid at medyo malamig. Nang bigla nalang namatay ang ilaw, mukha atang walang kuryente kaya lumabas ako ngunit meron namang kuryente sa ibang bahay at bukas din ang ilaw sa poste. Baka nasira ang kontador namin kaya iyon muna ang aking pinuntahan na nasa may likod ng aming bahay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko rito kaya tumawag na muna ako ng mag aayos.
"Hello sir? What i can do for you sir?" wika nito
"ah mukha kasing may nasira dito sa kontador namin. Hindi ko kasi alam kung anong dapat gawin kaya pwede bang magpadala kayo ng gagawa?"
"sige po sir, ano po bang address" wika nito at saka ko ibinigay ang address ng bahay
"sige sir before 30 minutes lang po darating na po dyan ang mag aayus. Pakihintay nalang po"
"Sige salamat" sagot ko at saka pinatay ang tawag. Papasok nasana ako sa loob ng aming bahay ng maramdamn kong parang may tao sa aking likuran. Kaya hinarap ko ito at saka tinutukan ng flashlight, nagpalinga linga sa bawat paligid ngunit wala akong makita. Nang bigla kong maitapat ang flashlight sa kaliwang bahagi, ganon nalamang ang gulat ko dahil may papalapit saaking tao. Mas maliit ito saakin kay nagawa kong manlaban. Ngunit sa hindi inaasahan ay may itinusok sya saaking tiyan na matigas na bagay. Naramdaman ko kung gaano kalalim ang pagkasaksak nito saakin. Unti unti na akong nanghihina kasabay ng pag agos ng aking dugo at meron pa syang itinusok saaking leeg na parang karayom na naging dahilan ng aking pagbagsak.
Nang magising ako nakatali na ako at nakaupo sa sofa hindi parin tumitigil ang pag agos ng aking dugo dahilan para lalo akong manghina. Habang may isang babae na nakaharap saakin nakamask at sumbrero. May hawak syang patalim at nakatitig saakin.
"Sino ka?" mahina kong wika
"Sino ako? Nakakalimot kapala sa estudyante mo Mr. Lopez, our homeroom teacher. Ang pinakadakila sa lahat, ang naghuhugas palagi ng dumi nya" wika nito
"hindi kita maintindihan. Ano ba ang nagawa kong masama sayo? Parang gawin mo ito saakin"
"marame, napakarame. Pero wala akong pakialam don! Ang alalahanin mo kung anong nagawa mo sa pinakamamahal kong kaibigan"
"kaibigan?"
"bakit hindi mo na ba sya naalala? Pwes alalahanin mo Mr. Lopez! Ilang beses syang nagsumbong, nagmakaawa na tulungan mo sya! Kahit harap harapan na syang sinasaktan, para kalang bulag walang ginagawa. Para kang bingi sa lahat ng pag iiyak nya sayo!"
"Ano bang ibig mong sabihin?"
"alalahanin mo Mr. Lopez! Alalahanin mo kung sino namatay dahil sa pagiging baya mo! Kung sana lang tinulungan mo sya, pinakinggan mo sya. Hindi sya magpapakamatay" wika nito at saka yumuko.
"Angel?" mahina kong wika at saka naman sya muling napatingin saakin at kahit nakamask sya alam ko nakangiti sya
"Buti naman naalala mo pa sya. Kung noon nagbingi bingihan kasa kanya at nagbulagbulagan. It's my turn. Ipipikit ko ang aking mata at isasara ang aking pandinig" wika nito at pinikit nga niya ang kanyang mga mata
"Mr. Lopez, tulungan mo ako wala akong makita. Tulungan mo ako" parang nababaliw nitong wika ng biglang nalang isinaksak niya saaking hita ang kutsilyo nitong hawak habang nakapikit.
"aaaaaaaaaaa" malakas kong sigaw dahil sa sakit ng kanyang saksak at pagalis ng kutsilyu nito
"Mr. Lopez, wala akong madinig" wika nito at isa pang saksak ang ginawa niya sa aking kabilang hita
"Aaaaaaa!!" pag iiyak ko nang sigaw dahil sa sakit
"Mr. Lopez?" wika nito at saka binuksan ang kanyang mga mata
"humanda kana." dagdag pa nito at saka sinimulang saksakin paulit ulit ang dalawa kong hita.
"aaa-aa-aa-" hindi nahalos ako makasigaw dahil sa sakit at panghihina. Parang ginawa niyang unan na sinaksak sak ang ibaba kong katawan at ng bigla itong tumigil.
"pa-parang a-aw mo na, ta-tama na" pautal utal ko pang wika
"Wala akong marinig Mr. Lopez. Wala" bulong nito saakin at saka sinumulang saksakin paulit ulit ang aking tiyan patungo saaking dib dib na naging dahilan na pati saaking bibig ay umagos ang napakaraming dugo
"May sekreto din akong sasabihin sayo Mr. Lopez, bakla si Jake at kilala ko kung sino ang pumatay sa kanya. Hahahahah" bulong nito na at saka parang baliw na tumawa. Tanging halakhak nalamang niya ang aking narinig hanggang sa tuluyan ng magsara ang aking pandinig at mga mata.
--
Fatima's POV
Nakarating na kami kina Sandy at malakas kaming kumatok sa pintuan nila hindi pa nakakalipas ang ilang minuto ng pinagbuksan kami ni Sandy.
"Sandy. Your alive!" masaya kong wika sa kanya
"bakit may problema ba?" tanong nito saamin
"Akala namin ikaw ang next target ng killer kaya kami nagpunta rito"
"Me?" gulat pang wika ni Sandy
"oo ikaw canteen girl! Because you're next to my name" wika naman ni Arnold. Ngunit naguguluhan parin si Sandy. Pumasok muna kami sa loob ng bahay nina Sandy at pinaliwanag ang lahat ng nangyayare about the names, about sa killer, about kay kevin and Veyouna at mukhang ikinagulat nya iyon.
"Naguguluhan parin ako" wika ni Sandy
"I know mahirap intindihin pero dapat ngayon ang gawin natin ay maging alerto at magingat" wika ko
"teka, hindi ka pa natutulog nong pumunta kami dito?" tanong naman ni Arnold
"bakit mo naman natanong?" wika ni Sandy
"Ah kasi ambilis mong pagbuksan kami and-
"Ah, i am a nocturnal person, mas gusto kong matulog sa umaga at nahihirapan naman akong matulog sa gabi kaya napansin ko agad na may kumakatok" pagpapaliwanag naman ni Sandy
"Kaya pala madalang ko lang marinig ang boses mo sa school dahil tulog ka. I like that" wika naman ni Arnold
Makalipas pa ang ilang ngunit wala paring nangyayare kaya muli kong tinanong si Arnold
"Arnold wala ka ba talagang nakakalimutan na name before Sandy's name?" tanong ko pa
"huh wala naman. Pero before my name meron pa, pero ewan ko lang kung counted kasi she already dead" sagot ni Arnold
"sino sya?"
"ede si Angelica. Angelica Rodriguez"
"Si Angelica? Rodriguez? Meron bang ibang Rodriguez saatin?"
"I think wala" wika pa ni Arnold
"Si Mr. Lopez. Rodriguez ang middle name nya" sabat pa ni Sandy
"Rodriguez? Ibigsabihin hindi lumakdang ang killer pinalitan nya lang si Angelica. Si Mr. Lopez ang next target!" sambit ko sabay tayo
"kaylangan nanating puntahan si Mr. Lopez. He needs to know this!" wika ko at sumangayon naman ang dalawa. Mabilis kaming sumakay sa kotse ni Arnold at sa umalis.
Hindi pa kami nakakalapit sa bahay nina Mr. Lopez ng matanaw namin ang napakaraming pulis na nagkalat sa bahay nila kaya tumigil muna kami sa hindi kalayuan.
"Mukhang nahuli na tayo" wika ni Arnold habang pinapanood namin na may inilalabas na bangkay mula sa bahay nina Mr. Lopez. Wala talagang awa ang killer, at isa lang din ang nasisiguro ko isang baliw ang killer, matalino sya dahil napatay nya ang homeroom teacher natin. Hindi na kami nagtagal sa may bahay ni Mr. Lopez. Tumigil muna kami sa hindi kalayuan para makapag isip isip. Mukhang nawawalan na ng pag asa ang bawat isa.
"Hey canteen girl, ibili mo nga ako ng tubig" pag uutos pa ni Arnold
"ah oh sige" sagot naman ni Sandy
"ikaw Fatima wala kabang ipabibili?"
"wala" sagot ko at saka sya bumaba ng kotse para bumili ng maiinom. Makalipas lang ng ilang saglit nakabalik na si Sandy.
"eto na oh" wika ni Sandy at inabot ang tubig kay Arnold
"you know what guys parang may nakakalimutan tayo. Parang may maliit na part na nalimutan natin" wika ko sa kanila habang iniisip ang bawat pangyayare.
"whatever, uuwi nalang ako at magpapahinga. Pagkauwi ko tatawagan ko na ang mga pulis at sasabihin sa kanila ang lahat." wika ni Arnold
"pero-
"wag mo na akong pigilan Fatima ako na ang kasunod. Patay na si Mr. Lopez. Kung napatay nya nga ang isang na mas may kakayahan na ipagtanggol ang sarili nya ako pa kaya. I dont want to die Fatima, kaya sasabihin ko na ang lahat sa mga pulis simula sa nangyare kay Charice. Walang coincidence sa mga nangyayare Fatima, and i will make sure na ako muna ang papatay sa killer nayon bago nya ako mapatay" wika pa ni Arnold at hindi ko na magawa pang tumtol dahil buhay nya na ang nakasalalay dito. Kaya naman pinaandar nya na ang sasakyan.
"oh dito kanalang Canteen Girl, matatagalan pa kami paghinatid pa kita mismo sa bahay nyo" wika pa ni Arnold
"ah sige"
"mag ingat ka. Tumawag ka saakin kapag may problema" sambit ko naman kay Sandy
"Dont worry Fatima, sisiguraduhin ko na saakin magtatapos ang kabaliwan nong killer na yon" wika pa ni Arnold at saka kami umalis
"Arnold, feeling ko talaga parang may kulang. Did we forget something?" tanong ko pa kay Arnold na ngayon ay parang lasing kung may Drive
"Arnold? Pwede ayusin mo pagdridrive mo?! Baka hindi tayo mamatay sa killer baka dito palang mamatay na tayo eh" galit ko pang wika
"what?" lingon saakin ni Arnold na mukhang lasing na ewan hanggang sa pagharap ko sa harapan.
"Arnold mababangga tayo!!" malakas kong sigaw kaya pinilit ikinabig ni Arnold ang manubela pero huli na ang lahat. Tumama ang side part ni Arnold sa Pader ng waiting bus at dahil sa malakas na pagkabunggo ay nawalan na rin ako ng malay