Makalipas ang tatlong araw, nadettain ako sa mental hospital at kaylangan ko ditong manatili hanggat hindi pa natatapos ang sentensya ko.
"Ms. Valdoria may dalaw ka" wika ng isang nurse at lumakad ako papauntang visit place. Gulat na gulat ako ng makit ko sina Veyouna.
"Anong ginagawa mo rito?! Mamatay tao!" galit kong wika
"may gusto sayong kumausap" nakangiti pang wika ni veyouna. Ganon nalang abg takot na naramdaman ko ng makita ko si Sandy na nasa wheelchair.
"Sa-sandy?" takot ko pang wika
"nasurprisa ba kita?" nakangiti pa nitong wika
"Alam mo miss na miss kita kaya dinalaw kita dito" dagdag pa niya
"i-ikaw ikaw ang pumatay kay Arnold!"
"hmhmhm ako nga, pero hindi lang si Arnold eh. Gusto bang ikwento ko sayo ang lahat? Umupo ka" wika nito ngunit nanatili akong nakatayo at tulala sa kaniya ng lapitan ako ni veyouna at sapilitang pinaupo.
"saan ko ba sisimulan? Siguro kay Charice nalang, napakadali nyang patayin, yun nga lang nakapag iwan pala sya sa inyo ng evidence kaso wala kayong sinabi at salamat para don. Kasunod si Francis, teka naniniwala ka rin ba na aksidente lang ang nangyare kina Joy? Hmhmhm, that is my favorite part. Siguro naman alam mo na Psychiatrist and biologist ang parents ko. Habang sarap na sarap sila sa pagkain na ibinigay ko hindi nila nalalaman na nalulubog na sila sa illusion. Aamm nilagyan ko lang naman ng poisonous ang mga kinakain nyo. Hindi naman nakakalason kaso nakakabaliw, parang nakakapagbigaw nang mga illusion kaya kung ano ano na ang nakikita ng mga classmates natin. Lalo na si Rose baliw na baliw sya hahaha, hindi na nga ako makapagpigil sa kakatawa sa kanya and i want to see more kaso kelangan na nyang mamatay. Si Zairon and Coby ang boring nila naging madali lang saamin ang pagpatay sa kanila. Si Jhon and Christine nagiwan sila saakin ng remembrance her bracelet and his watch. Kasi pinutol ko yong kamay nila so hindi nanila kaylangan ng bracelet and watch. Alam mo ba kung bakit hindi nyo pa nakikita si Kendy? Hahaha matatawa ka, si Kendy matapos kong tadtarin ang katawan nya sinunug ko syang hanggang maging abo. Let's talk about Lea, hmmhmh alam mo na pinadale mo ang trabaho ko sa kanya. Yes hindi si Veyouna ang pumatay sa kanya. Chismosa kasi yong nurse. Natutulog lang si Lea ng tabunan ko mukha nya ng unan. Hindi na nya nagawa pang manlaban, napakadali. Wala pang ilang minuto napatay ko na sya. Si Julia naman itanong mo nalang kay Veyouna. First time ni Veyouna na pumatay non na hindi kinaylangan ang tulong ko kaya naman im so proud of her. Si Jake, i really like this boy. He has sense of humor kaso medyo maingay. Tsk."
"you psychopath! Baliw ka!" wika ko sa kanya
"pwede tumahimik ka, hindi paako tapos! Asan nanga ako"
"kay Janella na" sagot ni Veyouna
"oh kay Ella, hayss sayang wala ako don. Kasi sabi daw ni Jacob kaya na daw nya. But its perfect kaso di ko nakita ng live. I really hate Ella kasi. Next joseph and zanya. Huh. Just waste of time para lang pumatay ng lamok. Kaylangan mo lang hanapin at patayin. And what about Joshua? Bakit hindi mo tanungin si Veyouna nag enjoy talaga sya non right veyouna?"
"alam mo ba na napakasarap at napakadaling patayin ni Joshua. Oo tama ka ako ang pumatay kay Joshua. Hahaha" bulong pa ni Veyouna saaking tenga
"then si Kevin. Kelangan ko ng gawing magisa kasi nasa kulungan si Veyouna. Then alam mo na kung anong nangayare kay Arnold and Mr. Lopez, right?" wika pa nito
"Tapos ano? Hindi mo na ako nagawang patayin at hindi mo na magagawa! Hindi mo ako kaya!" galit kong wika kay Sandy
"tststs, dyan kana nagkakamali. Tama kana naman hindi ko nagawang patayin ka pero sa tingin mo nagkamali ako? O sinadya ko? Kulang pa ang buhay mo bilang kabayaran sa ginawa mo saakin, saamin nina Angel. Kaya gusto ko iparamdamn sayo kung ano ang naramdaman ni Angel noon. Nong panahon na walang gustong makinig sa kanya, na walang naniniwala sa kanya, na pinagkaitan sya nang buhay dahil araw araw satwing papasok sya pinapatay nyo sya. Hanggang sa hindi na nya makayanan at pati sya kinuha mo saakin! Si angel lang ang taong nagparamdam na may halaga ako! Si Angel lang ang naging matapang para ipagtanggol ako! Si angel lang! Pero anong ginawa mo?! Pinatay mo sya!"
"she killed herself!"
"No! Your words killed her! Alam mo ba kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng kaibigan at wala kang magawa para don?! Kaya kung hindi ko man kayo mapagbayad harapan! Sa dilim nyo matitikman ang sakit pinaramdam nyo saakin, saamin. At ipaparamdam ko yong sayo hanggang isang araw hilingin mo nalang nasana pinatay nalang kita!"
"hindi mo yan magagawa. Hindi nyo na yan magagawa. Maraming pulis ang nakapalibot saakin at hindi ako makukulong sa bilangguan dahil alam ng lahat baliw ako kaya wala kayong pagkakataon para saktan ako" sambit ko
"hmhm, akala mo talaga nagkamali ako? Hindi mo ba na isip na hindi ko iisipin nagagawin mo to? Ganito rin ang ginawa ng kapatid mo hindi ba? Kaya nga planodo na ang lahat. At ikaw nagmistula kalang puppet sumusunod sa plano. Tama kanaman sa isang bagay"
"anong ibig mong sabihin?"
"alam ng lahat baliw ka. Kaya sinong maniniwla sayo? Pero kaya nandito ka para mabuhay sa impyerno. Hmhmh. Oh nga pala baka nakakalimutam mo. Ano nga palang pangalan ng nurse mo?" tanong nito saakin at saka ako napatingin sa nurse na ngayon ay nakangiti saakin sa hindi kalayuan. Naaalala ko na sya, sya yong babae sa lamay ni Angel. Sya-sya yong nanay ni Angel.
"oh baket. Wag ka mag alala. Aalagaan ka ng mabuti ni Mrs. Rodriguez hahahahah" wika ni Veyouna na nasa aking tabi.
Sandy's POV
Ngayon ikaw naman ang madurusa Fatima.
"Tara na Veyouna mukhang magiging busy ang araw ngayon ni Fatima at ni Mrs. Rodriguez" wika ko kay Veyouna at saka niya itinulak ang aking wheelchair.
"mamatay tao ka! Tulungan nyo ako! Papatayin nya ako!" pagsisigaw pa ni Fatima. Katulad nga ng sinabi ko wala nang maniniwala sa kaniya
Hindi na ako papayag na saktan ako nino man. Yan ang pinakamahalagang tinuro saakin ni Angel.
ONE YEAR LATER
"Hi im Sandy Santos, Grade 11 student. Kakatransfer lang with my bestfriend Vey. Sana maging magkakaibigan tayong lahat"
THE END