Chereads / The Unwanted Classmate / Chapter 15 - Chapter XV Stabbed

Chapter 15 - Chapter XV Stabbed

Arnold's POV

Masyadong masakit ang ulo ko ng magising ako. Nang imulat ko ang aking mata nakita ko si Fatima na walang malay saaking tabi.

"Fat? Fatima?" mahina kong wika. Nang biglang may sumampa sa harapan ng aking kotse na labis kong ikinagulat. Naka itim na mask sya at naka itim na sumbrero, i know she's a girl at meron din syang patalim sa left hand nya.

"hello, Arnold" demonyo pa nitong wika. Ito na ba ang killer, sya na ba ang killer? Sa takot ko mabilis kong hinanap ang cellphone ko to make a call for help, nang aabutin ko na ang cellphone ko ay sinasak niya ang kamay ko.

"Aaaa! You bitch!" malakas kong wika sa kanya. At kinuha nya ang phone ko.

"sshshshs wag kang maingay, i hate noisy people" wika nito

"i just wanted to ask you at kung mali ang sagot mo? You will die!" dagdag pa niya

"Hayop ka! Hayop ka talaga!" galit ko pang wika

"oppss, wala pa akong tanong manahimik ka!" wika nito sabay saksak saaking kamay. Napasigaw nalamang ako sa sakit at hindi pa sya nakuntento dahil inilubog pa nya ito ng inilubog. Hindi naman ako makagalaw ng maayus dahil naipit ang aking mga paa.

"magsisimula na akong magtanong! Do you know this girl?" wika pa nito at saka inilabas ang larawan ni Angel

"Angel?"

"oww correct answer buti naalala mo pasya, teka last time i check nakakatawa ang mukha nya? Bakit hindi kana ngayon tumatawa? Wala na bang nakakatawa sa kanya? Wala na ba?!"

"you're such a bullsh*t!" wika ko at mukhang labis nya itong ikinagalit at sinaksak ng malakas ang aking balikan na halos bumaon pati ang ang hawakan ng patalim sa lakas ng pagkakasaksak niya. Napasigaw nalamang ako sa sakit, pero para syang baliw na natutuwa pa. Hindi pa sya nakuntento dito at pinaikot ikot nya pa ang kuntsilyo habang nakasaksak saaking balikan ng ilang beses. Dahil sa sakit naigalaw ko na rin ang kaliwa kong kamay mula sa pagkakaipit at malakas syang sinapak na naging dahilan upang mabitawan nya ang kutsilyo at saglit na mapalayo saakin. Madale kong tinanggal ang kutsilyo saaking balikat at saka itinapon ito papalayo. Pinigilan ko naman ang pagdurugo ng aking balikat gamit ang isa kong kamay. Hindi ko na namalayan pa na nasa harapan ko nang muli ang killer at may dala pa itong patalim at isasaksak nya sana saaking dibdib ngunit nasalag ko ito gamit ang kaliwa kong kamay pero ang kasamaang palad sa palad ko tumama ang kutsilyo na lumampas na ito sa likuran ng aking palad. Madahas nyang tinanggal ang kutsilyo at napasigaw nalamang ako sa sakit at takot ng maramdaman ko na nagigisng na si fatima saaking tabi.

"Fatima! Fatima! Fat!" pagsisigaw ko pa sa kanya ngunit napanasin ito nang killer kaya dali dali dali nya akong pinagsasaksak

"Fatima! Fatima! No! No! No!" pagsisigaw ko hanggang sa mismong ulo ko na maisaksak ang patalim. At doon naako napatilgil.

Fatima's POV

Unti unti akong nagising sa pagsisigaw ni Arnold. Nang imulat ko ang aking mga mata nakita ko ang mukha ni Arnold nanakaharap saakin ngunit agad na nabuksan ang aking diwa ng makita ko na hilahin ng isang babae na nasa harapan ng kotse ang kutsilyo na nooy nakabaon pa sa ulo ni Arnold. Pagkahila hila niya agad na tulasik at umagos ang maraming dugo ni Arnold. Ganon nalamang ang takot kaya napasigaw na lang ako ng napasigaw na kumuha naman ng atensyon ng killer.

"Aaaaaaa! Aaaaaa!" pagsisigaw ko hanggang sa mabuksan ko na ang pintuan ng kotse at saka mabilis na lumabas. Pero bago ako makalabas ng kotse nasugatan ang aking paa dahil sa may parte ng kotse na nasira. Pinilit ko paring tumakbo ng tumakbo para makalayo sa killer.

"Tulong! Tulong!" pagsisigaw ko habang pilit na tumatakbo. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala ang killer na agad akong dinambahan at saka tinutukan ng kutsilyo. Napatumba kaming dalawa, napahiga naman ako habang nakapatong sya saakin at tinutuk ang kutsilyo. Ibinigay ko ang aking buong lakas para mapigilan sya. Ilang saglit lang ay nagawa kong ibaling ang kusilyo sa kabilang bahagi at naging pagkakataon naman saakin upang makadistansya. Mabilis akong lumayo at saka makailang ulit syang sinipa hanggang sa maalpasan nya ang kutsilyo. Mabilis kong kinuha ang patalim at itinutok sa kanya at saka tumayo

"Wag kang lalapit!" takot kong wika sa kanya at saka naglakad papalayo para makahingi ng tulong ngunit habang naglalakad ako patalikod ay lumalapit at lumalapit parin sya kaya ipinikit ko ang aking mga mata at saka hinigpitan ang hawak sa patalim. Nang imulat ko na ang aking mga mata ay nakahandusay na siya at duguan na ang kutsilyong hawak ko. Wala na akong sinayang na pagkakataon, tumakbo ako ng tumakbo papalayo ng papalayo. Wala na akong maramadamang pagod hanggang sa makarating ako saaming bahay.

"Buksan nyo ito! Buksan nyo!" pagsisigaw ko sa harapan ng aming gate at agad naman akong pinagbuksan mabilis akong tumakbo paloob ng aming bahay. Nadatnan ko naman si Daddy at si tita sa may salas habang kinakausap ang tatlong pulis.

"hinahabol a-ako. Papatayin nya ako" paghingal ko pang wika at tinuro ko ang dereksyon na aking pinaggalingan.

"tu-tulungan nyo ako. Tulunga nyo ako" wika ko sa kanila ngunit para silang mga bingi na nakatingin lamang saakin, napansin ko naman na nakatingin sa kaliwa kong kamay ang tatlong pulis na nooy hindi ko namalayan na hawak hawak ko pala ang kutsilyo kaya mabilis ko itong inalpasan.

"tulungan nyo ako"

"Ms. Fatima Valdoria, umamin na saamin si Ms. Trinidad na ikaw ang pumatay sa mga kaklase mo at tinakot mo sya upang aminin at manatiling tahimik kung hindi papatayin mo rin sya katulad ng iyong mga biktima! Pusasan na ninyo yan!" wika ng pulis na ikinagulat ko.

"Ano bang sinasabi nyo?! BIatawan nyo ako! Biatawan ninyo ako!" galit kong pagsisigaw habang pinupusasan nila ako "Daddy hindi yun totoo, hindi ako ang mamatay tao. Hindi ako!" sambit ko ngunit parang bingi lamang si daddy na hinhayaan lang nila ang mga pangyayare

"Daddy! Daddy!" pagsisigaw ko pa habang hinahatak ako ng mga pulis papalabas ng bahay.

"kunin nyo ang kutsilyo magiging ebedensya din yan" wika ng pulis ng may dumating pang isang pulis.

"Sir, may nakita pong sasakyan na hindi kalayuan patay na po yung sakay mukhang ilang ulit itong sinaksak" wika ng isa pang pulis

"huh?! Nakita nyo si Arnold? Nandon yong killer! Nasaksak ko yong killer. Nandon lang sya!" wika ko pa

"isang bangkay lang po yong nakita sa lugar na iyon" wika ng pulis

"huh? hindi hindi!"

"ipasok nyo na yan sa sasakyan! Sa presinto kanalang magpaliwanag!" wika ng pulis ay saka ako dinala ng mga pulis sa presinto nakita ko naman si Veyouna na umiiyak sa isang gilid yakap yakap ang isang babae

"Sir maniwala kayo! Hindi ako ang killer! Sir!" pagmamakaawa ko pa at pinapasok nila ako sa isang kwarto at pinaupo kasama ang isang pulis

"Sir andito na po yong dalawang cellphone na nakita doon sa lugar na pinangyarehan" wika ng isang pulis at saka ibinigay ang dalawang cellphone.

"Ms. Valdoria, nakikilala mo ba ang dalawang cellphone na to?" tanong saakin ng pulis

"huh? O-oo saakin yang kulay blue at kay Arnold naman yong black" wika ko at binuksan nya ang cellphone ni Arnold.

"pakinggan mo ito!" wika ng pulis at saka ipinarinig ang isang voice record

"Fatima! Fatima! No! No! No!" pagsisigaw ni Arnold sa voice record

"no, hi-hindi ako yan!"

"anong password ng cellphone mo?!" tanong pa ng pulis

"hindi hindi!" pagkakabalisa ko

"Anong password mo?!!" sigaw na ng pulis saakin

"ah. 10-1018" pautal at pagkabalisa kong sagot. At sinubukang buksan ng pulis ang cellphone

"Mali!"

"hindi. Subukan nyo ulit" wika ko at muling ngang sinubukan ng pulis

"mali ang password na ibinigay mo!"

"Pero yon yong password ko! Baka- baka nasira dahil sa pagkabangga namin kanina ni Arnold." wika ko

"Elise! Ipabukas mo kay Fred itong cellphone" wika ng pulis at saka pumasok ang isa panyang kasamahan at kinuha ang cellphone.

"bakit nyo ba pagkakaabalahan ang cellphone na yon! Papatayin ako ng killer! Pinagtanggakaan nya akong patayin!" galit kong wika sa kanya

"kahapon lang sabi mo si Veyouna ang killer ngayon sinasabi mo na papatayin ka ng killer?!"

"oo maaring nagkamali ako. Pe-pero maniwala ka saakin pinagtangkaan akong patayin ng killer."

"Sa tingin maniniwlaa pa ako sayo. Pinilit mong ipaako ng isang tao ang kasalanan mo!"

"Hindi ko yon ginawa!" galit kong wika

"hindi?! Nandito ang ebedensya! Sinisigaw ni Arnold ang pangalan mo habang namamatay sya!"

"hindi! Hindi! Hindi!"

"ayaw mo pang ibigay ang password mo!"

"ibinigay ko na ang password ko!"

"kung inaakala mo na mapaglalaruan mo kami nagkakamali ka! Sa dami ng pinatay mo hindi na ako papayag na makatakas ka pa!" wika nito

"hindi ako ang pumatay! Hindi ako ang pumapatay!" galit kong wika

"patunayan mo" wika ng pulis

"Jay, may emergency isang kaklase ulit ni Ms. Valdoria ang natagpuan hindi kalayuan sa bahay nila ang may saksak at dinala ngayon sa ospital" wika ng isang babaeng pulis

"puntahan nanatin"

"wait, nasaksak ko yong killer may saksak sya sa tiyan. Pagnakita mo na may saksak sya im sure maniniwala kana saakin na hindi ako killer" wika ko sa pulis at agad naman itong umalis