Fatima's POV
4am na nang umaga at nandito parin ako sa loob ng kwartong ito, nakaposas at walang kasama. Napaubub at nakatulog nalamang ako.
Makaraan ang ilang oras ng magising ako sa tunog ng pagbukas ng pinto. Nakabalik na pala ang pulis.
"oh ano naniniwala kana ba saakin?" wika ko sa kanya
"ilang beses mong sinaksak ang killer na sinasabi mo?" tanong panito
"huh? Naniniwala kana saakin? Isang beses ko lang syang sinaksak, sure ako sa harapan yon kasi nakaharap sya saakin non. Hindi ko lang alam kung saan kasi nakapikit ako" masaya ko pang wika
"hindi, tatlong saksak ang natamo ni Ms. Santos. Isa sa likuran at isa sa may balikat at isa sa may dibdib. At lumabas na rin ang lab report sa kutsilyo na dala dala mo. Dugo ni Arnold ang nakita rito at hindi panakikilala kung kanino pang dugo ang kasama nito"
"huh? Sa killer yon. Im sure."
"no. Hindi nakakapagtaka kung dugo ni Ms. Santos ang makikita don dahil pinagtangkaan mo rin sya! Muntik nanaman akong maniwala sayo"
"Jay eto na yong cellphone na pinaayos mo. Hindi sya nasira mali lang yong password" wika ng babaeng pulis at inabot ang cellphone ko
"no! Tama ang password na binigay ko. Tama yon!" sambit ko pa
"Ano ba talagang tiantago mo rito?" wika ng pulis at saka binuksan ang aking cellphone. Nanahimik nalamang ako habang kinakalkal niya ang laman ng aking cellphone ng bigla itong tumayo at pinalo ng malakas ang lamesa.
"Magbabayad ka! Magbabayad ka sa lahat ng pinatay mo!" wika nito
"huh? A-anong ibig mong sabihin?"
"wag kanang manloko huli kana! Tingnan mo ang mga larawan ng mga pinatay mo nakasave pa sa cellphone mo!" galit nitong wika at ipinakita saakin ang cellphone na may larawan ng mga kaklase kong brutal na pinatay
"hi-hindi. Hindi ako ang kumuha ng nga litratong yan! Hindi!" pagsisigaw ko ng bigla nalang hawakan ng pulis ang aking tshirt at hinatak ako patayo.
"mas masahol kapa sa hayop!" galit nitong wika
"Jay, nandito na ang lawyer ni Ms. Valdoria tama na yan baka madawit ka pasa kaso nya" wika ng isa pang pulis at saka sya galit na umalis at pumasok naman ang lawyer.
"Ms. Valdoria, ako Attorney Gonzales. Maupo ka muna" wika nito
"attorney wala akong kasalanan"
"wala akong pakialam, may kasalanan kaman o wala ginagawa ko lang ang trabaho ko. Pinadala ako ni Mr. Valdoria dito to help you ayaw nya rin masira ang figure nya ulit" wika nito na napaupo.
"Sa dami ng ebedensya na nakaharang ngayon at may witness pa sila na si Ms. Trinidad. Mahihirapan tayong malusutan ito. Kung meron lang sana na magwiwitness to defend you" dagdag pa niya
"Si Sandy, alam ko na alam nya ang katotohanan na hindi ako ang killer and isa rin syang victim" wika ko sa kanya
"malakas na laban yan kung magwiwitness sya to defend you lalo na isa sya sa mga biktima. Nasan ba sya ngayon?"
"nasa ospital, i just need to talk her at alam ko magwiwitness sya saakin" masaya ko pang wika
"so, we need to go to hospital. Kakausapin ko lang ang mga pulis" wika nito at saka umalis
Si Sandy nalang ang tanging pagasa ko to clean my name. I need her.
Ilang oras pa ang nakalipas saka lamang napagbigyan na dumalaw ako sa ospital para makita si Sandy. Hindi nila tinanggal ang posas ko at pinasamahan ako ng apat na pulis. Pagkalabas ko sa kwarto nakita ko ang napakaraming tao na nagaabang at nandon rin ang mga magulang ng iba ko pang kaklase.
"hayop ka! Pinagkatiwalaan kanamin!"
"mamatay tao!"
"pinatay mo ang anak namin!"
"hustisya para sa anak ko"
Galit nilang wika ang iba pa ay nagagawa akong saktan. Pagsabunot o dikayay binabato nila ako. Maluha luha nalamang ako habang lumalakad papalabas hanggang sa makapasok ng kotse.
Nang makarating kami sa ospital nakabantay parin ang mga pulis at kasama ko rin si attorney. Nasa maayos na kalagayan na daw si Sandy ngunit nagpapahinga parin hanggang ngayon. Pumasok ako sa kanyang kwarto at nakita ko siyang may pasa samukha ganon din sa kanyang kamay. Meron din syang maliliit na daplis ng kutsilyo sa kanyang kamay. Awa nalamang ang naramdaman ko ng mga panahon na iyon dahil alam kong nanlaban sya sa killer, naupo ako sa kanyang tabi.
"Sandy, please help me. Please wake up. Please" wika ko sa kanya habang tumutulo na ang aking mga luha
"ikaw nalang ang makakatulong saakin. Ikaw nalang. Sandy i need you" wika ko sa kanya ng biglang may pamilyar na scent akong naamoy.
"I know this scent" Gumala gala pa ako sa kwarto niya para maamoy ang scent na iyon. Nang bigla namang pumasok ang mga pulis at sinabi kelangan na daw naming umalis.
"Sandy, magpagaling ka" wika ko at saka umalis
Dumaan pa ang dalawang araw nang pananatili ko sa kulungan at pagnenengosasyon ko sa attorney. Pero kahit isang dalaw ni daddy wala akong natanggap. I must clean my name. Papatunayan ko na wala ako kasalanan.
"Ano ba Ms. Valdoria makinig kasaakin!" wika ng attorney
"i have this mental tests, kapag nagkagipitan ito ang gagamitin natin para hindi ka makulong" dagdag pa nito
"hindi ako baliw!" galit kong bulong sa kanya
"alam ko pero ito nalang ang makakapaglitas sayo kapag napatunayan na ikaw ang killer!"
"hindi ako ang killer!"
Dumating na ang araw ng paglilitis maraming tao ang nakaabang at media ang naghihintay. Nanatili namang tikom ang aking bibig sa mga ito. May umiiyak, sumisigaw at ang iba pa ay nagagawa akong duruduruin sa galit
"Ms. Valdoria, eto" wika ni attorney at saka may ibinigay saaking isang maliit na bote
"anong gagawin ko dito?"
"ihian mo!"
"what?!"
"gawin mo nalang!" wika ni attorney at ginawa ko nalamang ang kanyang sinabi dahil alam ko naman na alam nya ang ginagawa nya. After kong umihi sa cr ay lumabas agad ako.
"ano bang gagawin mo dyan?"
"yan ang magsasabi kung nagdrudrugs ka o hindi. Pero yan din ang gagamitin mo pagnagkagipitan na"
"what are you talking about?"
"pagnagkagipitan kaylangan mong inomin yan."
"what nababaliw kana ba?!" galit kong wika
"pagnagkagipatan you have to drink that para mapalabas na baliw ka at sa mental kanalang madettain. Siguro naman mas gugustuhin mo naman yon kaysa maging punching bag rito ng ibang preso sa dami ng pinatay mo!"
"wala akong pinatay!"
"wala akong pakealam. Pumasok kana!" wika nito at saka kami pumasok sa hearing room. Nagulat nalang ako ng makita ko na nandoon si Daddy. Kaya napangiti nalamang ako sa kanya.
Nagsimula na ang hearing. Nagsimulang tanungin ay ang nurse na naging prime suspect sa pagpatay kay Lea
"nakita mo ba kung sino ang pumatay kay Lea Landicho?" tanong ng lawyer
"Hindi po. Kasi natatakluban po sya ng kurtina noon" sagot naman ng nurse
"totoo bang pumasok noon si Ms. Trinidad sa kwarto?"
"opo"
"kung ganon maaring sya ang pumatay hindi ba?" wika ng lawyer
"objection your honor, the question is not acceptable" wika naman ng prosecutor
"change the question"
"okay, maari bang si Veyouna ang pumatay kay Miss landicho?" tanong pa ng Lawyer
"hindi po, mabilis lang po noon si Veyouna, nagdala lang po sya ng files at saka umalis"
"mga ilang minuto?"
"wala papo sigurong tatlong minuto yon"
"maliwanag na hindi si Ms. Trinidad ang pumatay. Ngayon pagusapan naman natin ang pagpasok ni Ms. Valdoria"
"Pumasok po non si Fatima para icheck si Lea habang medyo malayo ako sa clinic kasi napalabas ako dahil sa nangyareng aksidente sa eskwelahan"
"kung ganon nasa labas ka ng pumasok si Ms. Valdoria"
"opo"
"ilang minuto kang nasa labas nang nasa loob naman ang nasasakdal?"
"limang minuto po pataas, tapos pumasok po ako. Then after few minutes saka nya po ako po ako tinawag"
"maaring pumatay ang isang tao sa limang minuto lang hindi ba? Your Honor lang po ang aking katanungan" wika ng Lawyer at saka naman humarap na testigo ay ang pulis na aking nakausap