Chereads / The Unwanted Classmate / Chapter 12 - Chapter XII Attendance?

Chapter 12 - Chapter XII Attendance?

Fatima's POV

"oh Fatima parang ang lalim ata ng iniisip mo" wika saakin ni Joshua

"sa dami ba nangyayare sa room nato"

"anong nangyare sa interview?" tanong pa saakin

"ah nothing. Napasama si Veyouna sa suspect"

"what Vey?" sabat pa ni Arnold

"how can she do that? Eh takot nga yan saatin! Dahil maling kilos nya lang papatalsikin sya sa school na to" dagdag pa ni Arnold

"alam ko, kaya nga naguguluhan parin ako. Hindi nyo ba nakikita aanim nalang tayo sa room na to. And 20 of our classmates died ng wala pang two weeks! Isipin nyo lang kung ipagcoconect natin ang lahat. Inuubos tayo ng killer!" pagpapaliwanag ko pa

"so naniniwala kana may killer ngayon?" tanong pa ni Joshua

"oo. Look lahat tayo ang iniisip nong una accidents and coincidence lang ang lahat until Lea's death. Don napatunayan na may pumatay kay Lea"

"coincidence?" tanong pa ni Arnold

"No! Pano yong kay Charice? Nagsuicide ba talaga sya? Eh nag message sya saatin before her death! Yun yong matagal na ipinapaintindi saatin ni Lea na hindi lang accident and coincidence ang mga nangyayare. Pinalalabas lang ng killer na accident para hindi sya mahuli"

"but whe he killed Lea maybe he failed" wika pa ni Joshua

"exactly! Nagkamali sya this time at naging hint naman saatin para malaman natin na may killer. And im so sure nasa loob lang ng classroom natin ang killer"

"huh? Dito sa room natin? Meaning kaklase lang natin ang pumapatay" tanong pa ni Arnold

"maybe. Ewan. Pero I'm sure nasa tabi tabi lang sya kasi. Lahat tayo ay may koneksyon sa isat isa at yung killer ay may koneksyon sa 20 classmates na natin na namatay"

"so kaklase nga natin ang pumapatay?" tanong pa ni Arnold

"I dont know. Maybe yes or maybe teacher natin or kung sino mang nasa school na to. And isa pa si Jake, mga tao lang sa campus na ito ang may alam na gay sya nong makita yong katawan nya gustong sabihin nong killer na jake is a gay, because of make up, dress and the wig. Nandito lang ang killer!"

"wait guys, hindi ko alam kung maniniwala ba kayo or hindi saakin. But after Angelica's Suicide lahat ng namamatay alphabetically" wika ni Joshua

"what?!" gulat na tanong ni Arnold

"alam ko namang mahirap paniwalaan pero hindi nyo ba napapansin tayong anim na natitira ay nasa baba ng alphabetically order. Look ako Joshua Pestelos, Kevin Reyes, Arnold Sanchez, Sandy Santos, Veyouna Trinidad and you Fatima Valdoria"

"No way!" wika pa ni Arnold

"Alphabetically order sila namamatay! Tingnan nyo pa sa attendance list!" galit pang wika ni Joshua

"wait meron akong attendance list" wika ko at saka dali daling kinuha ang attendance list sa bag

ATTENDANCE

1 Charice Agoncillo "suicide"

2 Francis Aguila "asthma"

3 Joanna Atienza "car accident"

4 Leonard Buenavista "car accident"

5 Joy De Leon "car accident"

6 Kyle Fajardo "car accident"

7 Jane marie Fernandez "car accident"

8 Jhon Paul Fuentes "pagnanakaw"

9 Coby Gaela "killed by his own friend"

10 Rose Garcia "hit and run"

11 Kendy Hael "missing"

12 Zairon Inez "killed by hid own friend"

13 Cristine Kalim "pagnanakaw"

14 Lea Landico "killed"

15 Julia Lim "accident in Cr"

16 Jake Lopez "napakatuwaan lang daw ng tambay"

17 Janella Madrid "she was killed brutally with knife right?"

18 Joseph Mikan "killed"

19 Zanya Navarro "and Zanya is now dead"

20 Joshua Pestelos

21 Kevin Reyes

22 Angelica Rodriguez

23 Arnold Sanchez

24 Sandy Santos

25 Veyouna Trinidad

26 Fatima Valdoria

"hindi nyo ba yon naiisip? Ako na ang kasunod if tama ng ana alphabetticaly ang killer kung pumatay" pagkatakot pa nitong wika

"Relax bro, im sure hindi ganon ka psychopath yong killer. Eh yun ay kung may killer" pagpapakalma pa ni Arnold

"you are just saying that kasi hindi pa ikaw ang mamatay. If all of this is true ako na ang kasunod. Hindi ako safe dito sa school. Hindi ako dito safe!" galit na wika ni joshua at saka kinuha ang bag at mabilis na umalis. Nagkatinginan nalang kami ni Arnold dahil maging kami naguguluhan narin. Basta ang maliwanag para saakin may killer, may pumapatay. At kung sino man sya im so sure malapit lang sya.

Joshua's POV

Nakakinis na talaga. Kung ako ang susunod kailangan kong maging handa. I will make sure na hindi saakin makakalapit ang killer na yon. Baliw sya! Hmhmhm. Nagkamali sya ng kinalaban na kinalaban ako.

Mabilis akong umuwi dahil alam kong hindi ako safe sa school. Lumilingon ako palagi sa paligid ko baka nakaabang na sya saakin o nakasunod. Sumasabay ako sa maraming tao para kung ano mat ano man ang mangyare makakahingi ako ng tulong. At dumaan din ako sa ibang daan dahil baka alam na ng killer kung saan ako dumadaan. Kahit malayo ang dinaanan ko mas pipili ko yun kaysa malagay sa panganib ang buhay ko.

Makaraan ang ilang oras at malapit narin ako sa bahay. Pero hanggang ngayon hindi parin tumitigil ang kaba sa aking dibdib. Nakahinga nalang ako ng maluwag ng makapasok na ako sa bahay.

"ma! Nandito na po ako!" wika ko habang inaayos ang aking sapatos, ngunit wala akong narinig na sagot mula sa kanila at napansin ko rin ang pagiging tahimik ng aming bahay

"Mama?!" pagtawag ko pa sa kanya ng may nakita akong note sa harapan ng ref. Mukhang para ito kay papa.

Note: "Hon, tumawag saakin yung classmate ni Joshua sabi ngayon daw ililibing yong classmate nya and parents are needed kaya baka malate ako ng uwi"

Wala ng mapagsidlan ang kaba saaking dibdib. May kaklase akong tumawag to make my mom go. Funeral? Wait it's Angelica's Funural. No. No. No.

Dali dali akong pumunta sa kinalalagyan ng bag ko para kunin ang cellphone to make call for my mom.

"ma sumagot ka please, ma." wika ko habang nagriring ang cellphone ni mama

"Hello?" wika ni mama

"Ma-" sagot ko kay mama ngunit hindi ko na ito na ituloy pa dahil may humawak saaking balikat at parang may itinurok sya saaking leeg nanging dahilan para tuluyan na akong mawalan ng malay

Makalipas ang ilang oras nagising ako na nakaupo sa sahig at nakasandal sa gilid ng aming bahay, medyo masakit din ang aking leeg at at namamanhid ang mga paa. Nang tuluyan ko ng imulat ang aking mga mata, nakita ko na nakatali na pala ang aking paa at kamay.

"hayss, sabi ko na nga ba ay may mali sa gamot na ibinigay saakin ni-"

Wika ng isang babae na nasa aking harapan nakatakip ang kanyang mukha at nakajacket na itim ngunit nakikita ko ang skirt uniform nya. Tama si Fatima, tama sya nasa paligid lang namin ang killer. The voice is familiar but I can't identify who is this woman.

"oww gising kana pala, my dear dearest Joshua" masaya pa nitong wika

"Sino ka?! Bakit mo ito ginagawa?! Who do you think you are?!" pagsisigaw ko pa

"shsshshs, wag kang mag alala makikilala mo rin ako. You know what? You know me, but you never ever notice me." galit nitong wika at saka inilabas ang isang kutsilyo at nagsimula na syang lumakad papalapit saakin

"Lumayo kasaakin! Lumayo ka!"

"shshs wag kang maingay, saan mo ba gustong saksakin kita? Sa stomach? In your neck or sirain muna natin yang maganda at makinis mong mukha" wika nito at saka inilapat saaking mukha ang kutsilyo.

"bakit mo ito ginagawa? Ano bang naging kasalanan ko sayo?" buong tapang kong tinanong sa kanya

"hahahahahahah sa dami dami ng kasalanan mo saakin wala kang matandaan? Well. Well. Well! Don't worry saka nakita sisingilin don maybe afterlife na. But for now you will pay your crime for Angelica"

"A-angelica?"

"yes! Yes! Yes! Ang babaeng paulit ulit nyong pinatay! Walang araw na dumaan na hindi nyo sya tinigilan! Sa bawat pasilyo ng paaralan natin naging trono ninyo at naging impyerno naman kay Angelica! Im a friend of her! Alam mo ba ang pakiramdam na wala kang kakayahan na ipagtanggol ang sarili mong kaibigan?! Sya lang ang tumuring saakin na nageexist ako! Araw araw syang umiiyak, namamatay dahil sa mga kademonyohan nyo! Sinira nyo sya! Sinira ninyo ang isang angel! Alam mo ba ang pakiramdam na namamatay ang nagiisang tao na tumuring sayong kaibigan sa harapan mo! She died infront of me! And when i looked up i saw the demons laughing! Kahit ang school walang pakialam sa kanya! Kung hindi ko man sya nagawang ipagtanggol noon, i will make sure na kahit patak ng luha nyo babayaran nyo ng dugo! Babayaran nyo!" galit na galit na wika ng babae na nagdulot saakin ng takot. At unti unti na syang lumapit saakin hawak ang kutsilyo.

"no. No!" pagsisigaw ko at mabigat niyang isinaksak saakin ang kutsilyo. Naririnig ko rin ang panggigil nito sa galit.

"babayaran nyo ang lahat lahat ng pasakit na pinaramdam nyo kay Angel at saamin!" wika nito at hinugot nya ang kutsilyo saaking tiyan at itinutok saaking leeg na ngayon ay naliligo narin sa dugo dahil sa pagduduwal ko dito ng dugo.

"i-hi mo nalang ako kay Angel"