Fatima's POV
Sa dami dami ng nangyayare saamin napilitan parin kaming pumunta sa lamay ni Angelica sa pangunguna ng aming Principal, hindi naman nakaattend si Mr. Lopez dahil sa pagkamatay ni Jake.
"Nakikiramay po kami" wika ni Mr. Principal
"Salamat po" sagot naman ng ina ni Angelica
Mukhang maunti lang ang dumalo sa lamay, at pang mahirap talaga ang lamay na ito. Teka nasan su Veyouna? Kanina ko pang hindi napapansin at lilima lang kami ritong magkaklase.
"Arnold napansin mo ba si Veyouna?"
"Hindi eh, kanina pa syang wala dito" sagot ni Arnold.
"Wait, mama ba ni Joshua yon" tanong ko at sakto naman na nabaling saamin din ang tingin ng mama ni Joshua at mukhang papalapit ito saamin
"Oh, nandito na pala kayo. Kasama nyo ba si Joshua? Bakit parang wala kayong kasamang parents?" pagtatanong pa nito saamin
"ah tita, kanina papo umuwi si Joshua. Bakit po kayo nandito? Related po ba kayo kay Angelica?" tanong ko pa sa kanya
"bakit hindi ba kelangan ang parents dito? One of your classmates kasi nagtawag saakin sabi kelangan daw ng parents dito that's why I'm here. Andami ko pa ngang ginagawa sa bahay"
"tita, hindi po kaylangan ng parents dito. Baka po na wrong call or naprank call lang po kayo"
"huh? Hayss nakakasura naman. Amm oh sige mauna na ako. Madami pa akong gagawin at saka naku baka gutom narin si Joshua wala pa kasi akong nilulutong lunch eh" wika ni tita at saka mabilis na umalis
"Prank call? Sino naman ang gagawa non?" tanong pa saakin ni Arnold
"I dont know"
Makalipas pa ang ilang oras, napansin ko ang pagdating ni Veyouna sa hindi ko maipaliwanag bigla nalang akong kinabahan. Nang biglang nagring ang cellphone ko, tumatawag si tita, joshua's mom.
"Tita?" wika ko sa kanya dahil humahagushos ang iyak nito sa telepono
"Huhuhuhuhu, Fa-Fatima. Huhuhuhu, maykilala kabang nakagalit ni Joshua? Huhuhu. Nandito yong mga pulis, tinatanong saakin kung may nakagalit daw si Joshua. Huhuhuhu. Alam kong isa ka sa pinakamalapit na kaibigan ni Joshua ka-kaya baka may nalalaman ka. Huhuhu, nandito ngayon ang mga pulis nagiimbestiga huhuhu" pag iiyak pa nitong wika
"huh? Pulis? Bakit po nag iimbestiga dyan ang mga pulis? May nangyare po bang masama?"
"si Joshua, patay na si Joshua. Huhuhuhu. Patay na ang anak ko, nakita ang katawan nya sa may kitchen gilit ang ulo nya at nakita naman ang ulo nya sa kwarto nya. Huhuhuhu, walang puso ang gumawa nito sa anak ko. Huhuhuhuhu" pag iiyak pa ni Tita. Bigla nalang tumigil ang mundo ko dahil wala na si Joshua, wala na ang kaibigan ko. Tama sya, sya ang susunod. Hindi prank call lang ang tumawag kay tita at sinadya syang paalisin sa bahay para mapatay si Joshua.
"oh bakit ka tulala dyan?" tanong pa saakin ni Arnold
"si-si Jo-joshua pa-patay na sya" pautal utal ko pang wika
"what?!" gulat na wika ni Arnold. Nang makita ko saaking harapan si Veyouna na nakangiti pang nakikipag usap kay Sandy. Sya lang ang maaring gumawa nito! Nahuli sya sa lamay! Sya lang ang pwedeng gumawa nito! Kaya mabilis akong lumakad papalapit sa kinatatayuan ni Veyouna at sinampal sya ng buong lakas ng aking kamay na naging dahilan upang mapunta ang atensyon ng lahat saamin pero wala na ako dong pakealam.
"mamatay tao ka! Pinatay mo si Lea! Ngayon pinatay mo naman si Joshua!" galit na galit kong wika ngunit nanatiling walang emosyon si Veyouna na lalo kong ikinagalit kaya muli ko syang sinampal ng malakas na nagiwan ng maka ang aking kamay sa kanyang pisngi. Ngunit ngayon marami ng tao ang humawak saakin para umawat.
"Pinatay mo sila! Baliw ka! Mamatay tao ka!" galit na galit kong wika habang nagpupumiglas sa mga umaawat saakin. Ngunit nanatili parin ang pagwawalang kibo ni Veyouna.
"Bitawan nyo ako! Bitawan nyo ako! Mamatay tao yan!" tuluyan na nila akong inilayo kay Veyouna. Tumawag na ako sa mga pulis at sinabi ang lahat nang nangyare at kinunpirmang si Veyouna ang pumapatay. Hindi pa tumatagal ay agad na dumating ang mga pulis upang damputin si Veyouna kasama din nila si Tita na agad na nilapitan si Veyouna at pinagsasampal.
"Hayop ka! Hindi ka na naawa kay Joshua! Ano bang naging kasalanan ng anak ko sayo! Wala kang awa! Mamamtay tao ka! Mamatay tao ka! Ang dapat sayo patayin din katulad ng pagpatay mo sa anak ko" galit na wika ni tita habang pinagsasampal pa si Veyouna. Ngunit nanatili parin ang pagkatahimik at walang emosyon ni Veyouna habang tumutulo ang kanyang mga luha. At inawat naman si tita ng mga tao.
Ideneretso si Veyouna sa presinto. At dumating din ang parents ni Lea, Jake, Janella, Zanya at iba ko pang kaklase. Mukhang isinisisi nila ang lahat kay Veyouna at handa silang lahat na kasuhan ito. Ngunit nanatili parin ang pagiging tahimik nito. Minabuti ng mga pulis na pauwiin muna kami lahat dahil eembistigihan parin nila si Veyouna. Ngunit nais na agad ng mga magulang na mabulok sa kulungan si Veyouna kaya mabilis silang nagsampa ng kaso at binigyan agad ng date ang hearing nito nagaganapin agad sa isang araw.
"Sa wakas nahuli na si Veyouna. Wala ng killer" pag iinat ni Arnold
"pero patay na sina Joshua. Kung sana lang mas maagang sinuplong ko si Veyouna baka buhay pa hanggang ngayon si Joshua"
"atleast wala ng madadamay pang iba diba?" wika ni arnold
"naku uuwi na ako dahil nakakastress na talaga ang araw na ito. Sige kita nalang tayo bukas" wika ni Arnold at saka sumakay sa kanyang koyse at umalis.
Hindi pa natatapos ang linggong ito ngunit 21 na sa mga kaklase ko ang namatay. Nakakapanghina mang marinig pero wala na akong magagawa kundi tanggapin nalamang ito. Napansin kong pauwi na rin si Sandy, ngayon na wala na akong kasama at naging kaibigan ko din sya dati kaya minabuti kong lapitan nalamang sya.
"Sandy. Uuwi kana?"
"amm, oo eh." malungkot at mahina pa nitong wika.
"Pwede ba akong sumabay? Natatakot kasi ako umuwi mag isa eh" wika ko sa kanya at ngumiti naman ito.
Sumabay ako kay Sandy sakay sa Taxi. Wala parin syang pinagbago, tahimik at mahinhin parin ang kanyang mga galaw. Kung hindi lang dahil siguro sa pagiging nerd and weird nya siguro magkaibigan parin kami ngayon. Psychiatrist ang dad nya and Biologist naman ang mom nya kaya siguro may pagkaweird sya. Masyado na syang adik sa science and I hate her because of that. Nagkwento lang ako ng nagkwento kay Sandy about sa mga nangyare kina Lea at sa iba pa naming classmates at tahimik lang syang nakikinig. Ako ang na ang unang hinatid ng taxi kasi Sandy want to make sure na safe ako uuwi.
"Sandy salamat talaga. And sorry kung minsan na mimis interpret mo yong trato ko sayo. I just wanted you to be strong" wika ko kay Sandy at saka niyakap sya
"Its okay. Dont worry I'm strong enough now" wika ni Sandy.
Masaya akong pumasok sa gate ng aming bahay, sa wakas we are finally safe and i am the one who just caught the killer. Im sure it will be written in the news.
Naupo muna ako sa sofa at hindi ko namalayan na nakaidlip ako. Nagising nalang ako sa tunog ng cellphone ko. Its 11:30 pm na pala. Someone just tweeted a picture on me.
Laking gulat at kaba ko nalang ng makita ko sa larawan ang duguang katawan ni Kevin, he is lying in the couch. His body are bleeding like bleeding to death. His left eye is open and the other one has no eyeball and there is a message in his left.
"YOUR NEXT"
Sa gulat ko naitapon ko nalang ang cellphone ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I thought veyouna is the killer. Pero sino ang pumatay kay kevin? Mali ba ako? Hindi ba talaga si Veyouna? Si Arnold ang kasunod, sya ang susunod na patayin. Arnold need to know this.
Ilang beses kong tinawagan si Arnold pero hindi sya sumasagot kaya minabuti kong puntahan na sya sa bahay nila.
"Arnold! Arnold! Arnold!" pagtatawag ko sa kanya sa gate ng bahay nya at ilang oras pa ang nakalipas saka ako pinagbuksan ng katulong nina Arnold
"Asan si Arnold?" mabilis kong tanong sa katulong
"nasa kwarto nya po maam. Natutulog" sagot nito ata agad naman akong napatakbo papunta sa kwarto ni Arnold. Kumatok ako ng kumatok na halos masira ko na ang pinto
"Ano ba?!" galit na wika ni Arnold pagbukas ng pinto. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong buhay si Arnold.
"Fatima? Anong ginagawa mo dito? Almost midnight na alam mo ba yon?"
"tingnan mo to. Kevin is dead" wika ko saka pinakita ang picture ni Kevin
"what the heck!" gulat pang wika ni Arnold
"Kevin is dead and your next"
"a-akala ko nakakulong na si Veyouna. Nakakulong na ang killer diba?"
"I dont know! Baka-baka hindi si Veyouna killer. Baka hindi sya. Baka nagkamali ako"
"Then sino?!"
"I dont know! Wait nasan yong parents mo?"
"nasa business trip sila next week pa ang balik nila"
"shit. Bukas pa ang balik nina daddy"
"papaano na yan? Ako na ang kasunod?! Anong gagawin ko?!" pagkabalisa pa nitong wika
"pwede ba. Just calm down"
"how can i calm down kung alam kong ako na ang kasunod na target! Wait. Tatawag ako sa mga pulis" wika ni Arnold at saka dali daling dinial ang number ng police station
"wait! Anong sasabihin mo? Hindi si Veyouna ang killer?! Alam mo naman ako ang nagsabi non sa kanila, ano nalang sasabihin ng ibang parents saakin?!"
"Don't be selfish Fatima! Buhay ko na ang nakasalalay dito!"
"wait, amm baka si Veyouna yung killer. Sya lang naman ang pwedeng gumawa nito!"
"what?! Nakakulong sya ngayon! Paano nya magagawa yon?! Ano?! She is a super natural woman?!"
"I dont know! Basta lets just wait some times to be sure! Ano magkakamali nanaman tayo?!" galit ko pang wika
"amm, okay lets wait for a while" kalmang wika pa ni Arnold at sa kami naupo sa Sofa. Nakalipas pa ang ilang oras pero wala pang nangyayare hindi ko narin namalayan na nakatulog ako.
"oh gising ka napala, its already 2:30 am in the morning mukhang tama ka na hindi muna tayo tumawag sa mga pulis kasi wala namang nangyare" wika pa ni Arnold sabay about saakin ng kape
"hmhmhm. Mukha nga. Pero do you ever think hindi na papatay ang killer?"
"I think so, kasi ngayon buhay pa ako"
"pero bakit nya pinatay si Kevin? Kung hindi nya ipagpapatuloy ang pagpatay?"
"who knows?"
"teka lang, baka alam ng killer na may kasama ka, na alam mo na. Kaya nilagpasan kanya. Sino bang kasunod mo?" tanong ko pa sa kanya
"hmhmh, si Canteen girl?"
"Si Sandy? Right si Sandy. Kung hindi ikaw ang tinarget ng Killer maybe si Sandy ang tinarget ngayon. We need to help her. Para mahuli narin ang killer!" wika ko kay Arnold at saka nagmadale naman kaming umalis.