Zairon's POV
"Co-coby?" laking gulat ko dahil alam kong hindi na humihinga si Coby halos mapahiga na lang ako dahil patay ang nasa harapan ko. Patay na si Coby, tumingin tingin ako sa paligid para hanapin kung sino ang gumawa nito sa kaibigan ko. Nang bigla kong naaninag ang isang tao na nakayuko napapalapit saakin, may hawak siyang kutsilyo na duguan, agad na pumasok sa aking isipan na sya ang pumatay kay Coby. Kaya ganun nalamang ang bilis ng aking pagtakbo papalayo, hindi ko na alam kung saan ako pupunta basta kelangan kong makatakas, kelangan kong makalayo. May nakita akong isang daan sa hindi kalayuan na may maraming tao kaya pinilit kong tumakbo ng tumakbo para marating ang lugar na iyon. Ng biglang-
"hmhmhmhm! Hmhmhn!!" pagpupumiglas ko pa habang pilit na tintakoan ang aking bibig. Hindi na ako makahinga at hindi ko na rin magawang manlaban pa. Bigla nalang may sumaksak saaking likuran, ramdam na ramdam ko ang oag agos ng aking dugo sa likuran. Tatlong beses pa niya aking sinaksak walang awa. Ramdam na ramdan ko rin ang paulit ulit ba pagbaon ng matalas na bagay saaking likuran. Bumulwak nalamang saaking lalamunan ang tuloy tuloy na pag agos ng dugo hanggang sa hindi ko na ito makayanan.
"Your crime has been paid, Zairon" bulong nito saaking tenga at saka tuluyan ko ng ipinikit ang aking mga mata.
-
Paul's POV
Naglalakad na kami ngayon papauwi ni Cristine para maihatid sya sa kanilang bahay.
"Babe hindi ba masyadong creepy? Sunod sunod na ang pagkamatay ng mga kaklase natin" wika pa saakin ni Cristine
"Coincidence lang ang lahat, wag mo nang alalahanin pa yon" sagot ko pa dito
"what if totoong bumalik nga si Angelica katulad ng sinabi ni Rose" pagkatakot pa nito
"Patay na si Angelica hindi ba? Ililibing na rin sya kaya wala tayong dapat ipag alala okay?"
"okay" wika nito at saka kami nagpatuloy sa paglalakad
Malapit na kami sa bahay nina Cristine ng mapansin namin na parang may tao na sumusunod saamin.
"babe sinusundan ba nya tayo?" pagkatakot nito at bumilis naman ang paglalakad naming dalawa at napahigpit naman ang kapit nya saakin. Naglakad kami ng naglakad ng pabilis at bumibilis na din ang paglakad ng tao saaming likuran.
"Tatakbo na tayo" wika ko kay Cristine at hinawakan ang kamay nya ng mahigpit at tatakbo nasana kami ng bigla namang may humawak sa kanyang buhok.
"AAAAA!" pagsisigaw ni Cristine dahil hinala na sya nito papalayo pero hindi ko parin sya binibitawan.
"Cristine!" sigaw ko sa kanya habang hawak hawak ang kanyang mga kamay at hindi binibitawan. Ganon na lang ang pagkagulat at pagkatakot ko ng biglang humarap saakin ang taong ito ang inilabas nya ang kanyang kutsilyo at malakas nya itong sinasaksak saaking kamay
"aa!" nabitawan ko na si Cristine at napahiga na lamang sa semento dahil sa saksak sa aking kamay
"PAUL!" malakas nitong wika pero hindi ko na sya malapitan dahil sa takot. Tumingin lang saakin ang taong nakamaskara at saka sinaksak ng sinasak si Cristine sa harapan ko
"Cri-cristine" pagkatakot kong wika habang patuloy parin snyang sinasaksak nito. Hindi na ako makaalis sa kinatatayuan ko dahil sa takot, bumuhos na ang napakaraming dugo mula sa pagkasaksak kay Cristine.
"tulungan mo ako" wika ni Cristine habang pinanunuod ko ang unti unti nyang pagkamatay. Ganon na lamang ang pagkatakot ko ng humarap saakin ang killer at saka dahan dahan nyang ginilitan ng leeg si Cristine saaking harapan at sumaboy ang napakarami nitong dugo hanggang sa mawalan na ito ng hininga at bumagsak
"Cristine?" mahina kong wika at lalapit pa sana ako pero hindi ko na magawa dahil sa kutsilyo na hawak hawak nya. Pinatay nya si Cristine at wala man lang akong nagawa para isalba sya. Pinatay sa harapan ko ang sarili kong kasinatahan.
"now, its your turn" wika ng killer at saka binitawan si Cristine at lumakad papalapit saakin. Sa takot ko tumayo na ako at saka tumakbo ng tumakbo papalayo. Nang bigla namang parang may bumato saaking paa na naging dahilan ng aking pagbagsak. Napkasakit ng paa ko, namamanhid na ito. Lumingon ako mula saaking likuran at nakita kong papalapit na syang ng papalapit kaya pinilit ko paring tumakbo at naramdaman ko namang tumatakbo na rin sya kaya ginawa ko ang lahat para makaalis. Pero huli na ang lahat. Hinawakan nya ako saaking balikan at ganon na lamang ang bilis ng tibok ng aking puso.
"bakit mo naman iniwan ang girlfriend mo?" bulong nito saakin at saka ako sinasaksak sa aking likuran na naging dahilan ng aking pagbagsak. Isang beses, dalawa, paulit ulit nya pa akong sinaksak hanggang sa dumuwal na ako ng sarili kong dugo.
"tama na" mahina kong wika sa kanya at napatigil naman sya sa pagsaksak
"bakit ilang beses nyang sinabing tama na, nakinig ba kayo? Nakinig kaba?" bulong nito saakin at nagpaalala naman ng isa kong kaklase.
"Angel?" wika ko at saka na sya nag patuloy sa pagsaksak saakin hanggang sa tuluyan na akong napahiga. Pero hindi parin sya tumitigil sa pagsaksak ng kutsilyo saakin, galit na galit. Nakita ko na lamang ang nakahandusay na katawan ni Cristine sa hindi kalayuan. Unti unti na akong nanlamig at saka nilamon na ng kadiliman ang aking paligid.
Kinabukasan
Lea's POV
Ilang araw na akong hindi mapakali simula ng pagkamatay ni Charice. Alam kong hindi aksidente ang mga nangyayare, may mali sa lahat ng ito.
"Lea, ano bang uniisip mo?" pagtatanong pa saakin ni Fatima
"yong tungkol kay cha-"
"pwede ba tumugil kana! Stop your nonsense Lea!" galit na wika ni fatima
"shit! Shit guys! Guys!! Panuoorin nyo ito" pagsigaw naman ni Arnold saka pagpapakita ng kanyang cellphone na naka live news
News:
Isang estudyante ang nabiktima ng karumaldumal na hit and run na halos hindi na makilala. Kinumpirma naman ng kanyang mga magulang ang pagkakakelanlan ng biktima na si Rose Garcia. Hanggang sa ngayon wala pang nahahanap na ebidensya ang mga pulis upang maituro ang salarin.
Samantala, dalawang estudyanteng lalaki patay matapos umano mag away ang dalawa habang papauwi ang mga ito. Ang patalim na ginamit ng isat isa ay kumpirmadong gamit nga ng mga ito. Kinilala sila sa pangalang Coby Gaela at Zairon Inez, pinaghihinilaan na nakainom din ang dalawa bago umuwi.
"shit. Pati sina Zairon" mahinang wika pa ni Arnold
"Guys eto pa sina Cristine at Paul" singit ni joshua sa usapan sala ipinakita ang cellphone nito.
News:
Magkasintahang estudyante patay, hinihinalang pagnanakaw ang mutibo. Kinilala naman ang dalawang biktima na sina Paul Fuentes at Cristine Kalim
"Sinabi ko na sa inyo sa simula palang may mali na sa lahat ng nangyayare!" sambit ko sa kanila habang tumutulo ang aking mga luha hindi dahil sa sakit kundi dahil sa takot.
"hindi, coincidence lang ang lahat" mahina pang wika ni Fatima
"Coincidence?! Fatima wake up! Iniisa isa na tayo! Kelan ka pa matatauhan? Kung kelang patay na kaming lahat?! We need to act! Hindi natin ito kakayanin! Kailangan nanating magsumbong sa mga pulis!" galit na galit kong wika kay Fatima
"hindi, hindi. Walang magsusumbong, walang pumapatay. Walang killer. Wala!"
"Fatima!"
"Oh class Good morning. Magsisimula na tayo ng klase" pagpasok ng aming guro.
"okay say present if you are here."
"Jhon Paul Fuentes? Mr. Fuentes?"
"Absent po maam"
"Coby Gaela!"
"Absent din po"
"Rose Garcia?"
"wala din po"
"Kendy Hael"
"wala din po maam"
"Ano bang nangyayare sa klase ito! Bakit puros wala kayo!" galit na wika ng aming guro
"Ms. President! I need a report for these students!"
"Yes maam" wika naman ni Fatima
"okay Zairon Inez! Zairon! Tsk absent din!"
"Maam patay na po sila" mahinang wika ko
"Ano yon miss Landicho? May sinasabi ka ba?"
"Patay na po silang lahat! Si Rose nasagasaan, si Zairon and Coby they killed each other and someone murdered Paul and Christine" pangingiyak na wika ni Lea
"Ano bang pinagsasabi mo?! Hindi magandang biro ang kamatayan! Kung nanloloko ka lang stop it bago pakita ipatawag sa guidance!" galit na wika ng guro at sabay hila naman ni Fatima saakin para mapaupo
"Lea maupo kana!" galit na bulong ni Fatima saakin
Hindi na tama ang mga nangyayare. May pumapatay, sino ba sya?! Bakit nya ginagawa ang mga ito!
Hindi na natanggal ang kaba saaking dibdib nawala narin saaking isipan pa ang makinig sa klase. Nagpatuloy lang ako sa pag iisip kung anong dapat gawin. Bigla nalang tumunog ang aking cellphone. May nag message saakin mula sa unknown number, kabado ko itong binuksan.
"Your NEXT🔪 HAHAHAHAHA"
"AAAAAAAAAAA" Malakas kong sigaw na agad saakin napunta ang atensyon ng lahat. Takot na takot ako, hindi ko na alam ang gagawin ko. Sino ba ang gumagawa nito.
"Miss Landicho! Miss Landicho!" galit na sigaw ng aming guro
"Papatayin nya ako! Papatayin nya tayo! Lahat tayo! Fatima, papatayin nya ako. Papatayin nya ako!" pagmamakaawa ko kay Fatima pero tinitingnan lang nila akong lahat.
"Ano nanaman ba to?!" wika ng aming guro
"Maam, baka po may problema lang si Lea. Mas mabuti pong dalhin ko nalang muna sya sa clinic" wika ni Fatima
"Sige. Nakakaabala na sya sa klase!"
Agad akong hinila ni Fatima papuntang clinic at pinakalma.
"Am Nurse ikaw na muna po yong bahala kay Lea" wika ni Fatima
"Sige papainomin ko muna sya ng pampatulog para mapakalma sya at makapagpahinga narin. May case narin kasi yong ibang student na ganyan at main problems ay kulang sa pahinga" wika ng nurse
"Ganon po ba? Sige Lea magpahinga kana rito. Okay ba yon?" wika ni Fatima
"wag-wag mo akong iwan Fatima. Papatayin nya ako. Ako na ang isusunod nya, tulungan mo ako Fatima" pagmamakaawa ko
"Babalik ako Lea. Sige na magpahinga ka na muna"