"Class there is a sad news today. May dalawa kayong kaklase na namatay kagabi lang" malungkot pang wika ni Mr. Lopez na agad na nagpatahimk sa buong room namin. Ngunit kahit ako ay naguguluhan hindi ko muna pinansin ang mga iyon dahil sa sakit ng ulo ko.
"Class pumanaw na si Francis Aguila dahil sa Asthma kagabi lang habang pauwi sya dahil daw sa pagod, hindi narin sya umabot pa sa ospital" wika ni Mr. Lopez na naging dahilan sa pagiging maingay ng buong klase
"Class quiet, namatay narin si Charice Agoncillo. Suicide, ngayong umaga lang nalaman ng daddy nya na nagbigti si Charice sa loob ng kwarto nya with a suicidal note" wika nito na gumising saakin sa sobrang pagkagulat.
"Imposible, si Charice? Nagsuicide?! Hindi nya yon magagawa. Hindi sya maaring magpakamatay!" pagsisigaw ko pa sa klase na may halong kaba
"amm Miss Landicho, nagiwan sya ng suicidal note na nakalagay na masyado na daw syang stress sa studies nya and sa pagpressure din ng daddy nya kaya she decided to escape at hindi nantin yon hawak" pagpapaliwanag pa ni Mr. Lopez
"Pe-pero kaha-"
"LEA! Amm, pagpasensyahan nyo na po si Lea baka nabigla lang po sya sa nangyare kay Charice" sabat pa ni Fatima na agad na lumapit saakin
Hindi talaga pwede yon. Si charice?
"Lea. Pwede ba!" galit pang wika ni Fatima
"What?!"
Umiyak nalang ako ng umiyak dahil sa nangyare kay Charice. She is my friend. Pagkaalis ni Mr. Lopez agad akong nilapitan ng tropa akala ko dadamayan nila ako pero hindi.
"Pwede ba Lea tumigil kana!" galit pang wika ni Fatima
"What? Paano ako titigil? Kung yong kaibigan natin namatay na lang ng walang rason! Pagkatapos sinasabi nila na suicide ang nangyare. Hindi yon totoo!" galit kong wika
"bakit hindi ba suicide yong nangyare kay Charice? To the fact na alam naman nating lahat sobra na syang penepressure ng daddy dahil sa grades nya" Pagtataka namang sambit ni Joshua
"No! Hindi magagawa yon ni Charice. At kahapon she message in our gc. Sabi nya susunod sya. Ano yon papunta na sya sa atin then she decided to die? Ganon ba yon?"
"So are you saying na hindi suicide ang nangyare kay Charice?" tanong pa ni Joshua
"No, I don't know, pero alam kong may mali na dito. Kaya kaylangan na natin itong ireport sa mga pulis at sabihin natin na imposible talaga na magsuicide si Charice!" wika ko pa sa kanila
"Alam nyo it is just a waste of time! Sarado na ang case, nagsuicide si Charice and its done!" wika pa ni Fatima
"you know what? I know her better than you and everyone do!" galit kong wika
"okay kilala mo sya! Ano gagawin mo? Ipapakita mo sa mga pulis yong gc natin? Then what? Iispin nila na tayo ang huling kasama ni Charice, madadawit tayo sa kasong yan. Hahalukayan din nila ang lahat at baka balikan pa nila ang Angelica's Suicide! Hindi ka ba nagiisip?! Kung gusto mo magpakabayani! Then do it walang pipigil sayo, pero wag mo kaming idadamay! Kung gusto mong mag kagkalat, ayusin mo mag isa! At wag na wag mo kaming idadamay!" galit na wika ni Fatima.
"Fatima is right, and kung anong gagawin mo Lea I'm out at wag mo din akong idadamay" wika pa ni Joshua
Napahagulhol nalamang ako ng marinig ko ang mga salitang yon. Hindi ko na alam ang gagawin, tama si fatima madadawit at madadawit kami if mabuksan ang kaso because of that freaking Angelica! But Charice is my friend. Kung totoong hindi sya nagpakamatay, pinatay ba sya? At sino ang gagawa non? Bakit?
"Okay Lea, sorry kung sa akala mo wala kaming pake kay charice but she was already dead and we are still alive. Kung totoo man na hindi suicide amg nangyare kay Charice, then hayaan na nating mga pulis ang umayos non, I'm sure gagawin nila ang trabaho nila at labas na tayo don. Let's us just make our life easy okay?" pagpapakalma pa saakin ni Fatima pero para akong bingi na walang naririnig
"si Angelica ang may kasalanan nito! Sya lang ang may kagagawan nito! Walang ibang may galit kay Charice kundi si Angelica! Si Angelica" galit na galit akong lumapit sa bangko ni Angelica kinuha ang larawan nito at saka hinampas paulit ulit. Sinubukan pa akong pigilan nina Fatima pero wala na ako doong pakialam dahil si Angelica lang ang may galit kay Charice. Napatigil nalamang ako sa sandaling nakita kong wasak na wasak na ang larawan ni Angelica.
Makalipas ang ilang minuto tumigil na ako sa pagiyak ngunit hindi parin ako nakakamove on sa nangyare kay Charice, gulong gulo na ako. Hindi talaga maaring suicide ang nagyare! Yong mga messages! Sandali pa ay bumaba na kami para mag PE class pero naupo lang ako sa sulok at iniisip parin ang nangyare.
"Sorry for your lost, nabalitaan ko ang nangyare sa tatlo nyong kaklase. It's so tragic, but for now we need to continue our class and be strong for them dahil sa malapit na ang Finals nyo, okay attendance muna tayo" wika ng teacher namin sa PE
"tsk wala na si at tska eto. Okay."
"Joanna Atienza!" "Present"
"Leonard Buenavista!" "Present!"
"Joy De Leon" "sir andito po"
Joy's POV
Nakakalungkot man ang pangyayare sa klase namin pero kailangan parin namin maging matatag at continue our life. Tatlo na agad ang namatay sa klase namin. Pero wala naman na kaming magagawa pa don.
Nagvolleyball muna kami para sa PE at dinissmiss agad kami ng teacher namin but before that he groups us into five alphabetically dahil kelangan daw namin gumawa ng report for the background for the next topic which is basketball. Unfortunately, naging kagroup ko pa ang mga ito.
"So guys, ako na ang leader?" pagyayabang pa ni Jane. Sya palagi ang leader namin pero isa pa syang walang kwenta dahil wala naman syang ginagawa sa groupings kundi ang maginutos at mag inutos
"sige ikaw na" pagsang ayon naman ni Leo
"So saan tayo gagawa ng report?" masigla pang tanong ni Joanna
"am saan nga ba pwede? This coming weekend?" pagiisip pa ni jane
"saamin nalang total meron din kaming small basketball court" sambit ni Kyle naagad namang pinagsang ayunan nilang lahat
"wait. Bakit kina Kyle pa tayo gagawa eh alam naman natin na almost 1hr and byahe doon diba?" tanong ko sa kanila
"Girl, may basketball court sila kaya mas magiging maganda ang report natin" wika pa ni Joanna
"gusto nyo kasi kina Kyle kasi may swimming pool" wika ko sa kanila
"I'm the leader kaya ako ang magdedecide. Kina Kyle tayo gagawa. And if you don't want to come Joy then don't! Grades mo din yan!" wika pa saakin ni Jane while rolling her eyes
Wala na akong magawa kundi ang pumayag sa gusto nila dahil ayoko din naman mawalan ng grades at kyle promised na ihahatid nya kami.
Pagkatapos ng PE namin agad kaming bumalik sa classroom
"AAAAHHHH" laking gulat nalang namin ng bigla nalang sumigaw ang isa sa mga kaklase namin. Habang namumutla ito at hindi makagalaw kaya agad kaming nagpuntahan sa tinuturo nyang dereksyon. And we saw the picture of Angelica buong buo, malinis at mukhang walang nangyare at may white roses pa sa paligid nito with a message.
"It's time for you to pay your crimes"
Sa hindi maipaliwanag na sitwasyon mukhang kaming lahat ay binalot nalamang ng kaba at takot ng biglang lumapit si Lea at saka muling ibinato ng ibinato ang larawan ni Angelica habang ang iba ko namang kaklase ay takot na takot na sa mga nagyayare.
"Sino bang gumagawa nito?! Hindi na ito nakakatawa! Pagnalaman ko lang kung sino ang gumagawa nito. I will make her pay for this!" galit na wika ng aming class president na si Fatima. Alam kong walang gustong umamin sino ba naman ang gustong makalaban ang isang Valdoria na tyak na matatalo rin. Pero kung sino man talaga ang gumagawa nito paniguradong hindi nya magugustuhan ang mangyayare sa kanya kung mahuli sya. Umali slang kami saglit sa room tapos ganito na agad ang dadatnan na min. Siguradong nasa loob lang ng eskwelahang ito ang gumawa nito.
Itinapon ng mga kaklase ko ang larawan at white roses sa basurahan at nagpatuloy na saaming recess.
"Sandy pabili nga non at tska one of kitkat" pagbili naman ni Rose
"oh eto na"
"opps kulang pala ang pera ko Sandy. Thank you huh" wika pa ni Rose. Wala talaga pagbabago sa kanya palagi nalang nyang hindi binabayaran si Sandy pero okay lang naman yon kay sandy mayaman naman sila eh.
"you like?" tanong pa saakin ni Rose
"Nope I'm on my diet eh" napatawa nalang si Rose habang kumakain. Napakalakas nya talagang kumain.
Nagpatuloy na ang klase, dahil sa malapit narin ang final exam kaya medyo busy.
"SI ANNGGEELLIICAA!" takot na pagsisigaw ni Rose na naging dahilan ng pagkagulat ng buong klase sabay nitong turo nito mula sa bintana ng aming classroom
"Miss Garcia! Ano nanaman bang kalokuhan ito!" galit na galit na wika ng aking guro
"ma-maam na-nakita ko po si Angelica naglalakad" takot pa na wika ni rose sabay turo sa bintana. Agad namang lumabas ang aming guro para tingnan ito ngunit wala siyang nakita
"Miss Garcia sit now! Kung ayaw mong palabasin kita sa klase ko!" galit nitong wika. Ngunit parang walang naririnig si Rose kaya hinatak ko nalamang sya pababa para mapaupo. Takot na takot pa rin sya sa nangyare.
"Rose ano ba?!" galit kong wika kay Rose pero hindi nya ako piakikinggan at mistulang tulala na lamang sya.
"si Angelica" mahina nitong wika at hindi ko nalamang sya pinansin