Joy's POV
Pagkatapos ng klase namin ngayong araw papalabas nasana ako ng classroom ng bigla akong sinalubong ni Sandy.
"ah eh, hindi kasi eto nabili ngayon. Pwede bang sayo nalang kasi biyernes ngayon kaya ayoko ng may natitira sa canteen sa room natin ka-kasi hindi rin naman yan mabibili sa isang linggo kaya sayo nalang" wila saakin ni Sandy
"bakit hindi mo nalang sa iba ibigay?"
"eh kasi sinubukan ko pero hindi nila ako pinapansin"
"sige akin nalang ito." wika ko sa kanya sabay hablot ng pagkain
Kinabukasan nagayus na ako ng gamit para sa paggawa namin ng report kina kyle nagkita kita kami sa harapan ng school at maagap namang dumating si Kyle yun nga lang nahuli ang leader namin na si Jane kaya tanghali narin kami nakaalis.
"Guys do you have any food? Hindi pa kasi ako nagbrereakfast kasi masyado akong magmadali this morning" wika pa ni Jane
Yon ba talaga yong tipong magmamadale?
"ah wait hindi ko pala nakain dito yong food na binigay ni Sandy kahapon sayo na lang" wika ni kyle habang nagdridrive
"binigyan ka din pala ni Sandy kahapon? Akala ko ako lang ang binigyan, kala ko tuloy may gusto na saakin si Sandy hahahaha" pagtatawa pa ni Leo
"Eww Leo, wait bagay naman pala kayo ni Sandy hahaha" panunukso naman Joanna
"Thank you, Kyle sa food, your so bait na talaga" pagmamaartr pa ni Jane
Tanghali na kami nakarating sa bahay ni Kyle kaya pinakain nya muna kami. Walang duda kung bakit dito nila gustong gusto na gumawa ng report. Malaki ang bahay at may maaliwalas na view. Napakalaki ng swimming pool at mukhang walang tao sa bahay.
"Guys feel at home lang kayo. Nasa business trip sina daddy" wika pa ni kyle
"Sure nagdala na nga ako ng swimsuit eh" wika ni Jane sabay labas naman ng swimsuit nya
"Wait diba gagawa tayo ng report hindi magpaparty?" tanong ko pa
"Girl, makihappy happy kana lang saglit nalang naman ito. If you don't want maupo kanalang at simulan mo na gumawa ng report mo Hahahahahah" pagtatawa pa ni Joanna
"what the heck!"
"oh guys party party na!" wika ni Leo at saka nagmadaling tumalon sa pool.
Binuksan din nila ng malakas ang speaker for their fun. Naupo nalang ako at saka inilabas ang laptop to make our report. Ilang beses ko silang kinausap about sa report pero they only make fun of it.
Hanggang gumabi na at hindi parin sila napapagod sa pagparty and I already finished the report with all by myself. So, I ask them na gusto ko nang umuwi dahil gabi na.
"Girl last one hour pa" pakiusap pa ni Joanna
"I really need to go home. Tapos na ang report and now I'm going home. Magaalasnwebe na and one hour pa ang byahe pauwi!" galit kong wika sa kanila
"so guys uuwi na kayo? Ihahatid ko na kayo" wika ni kyle
"Pwede bang wag mo nalang ihatid yan. Hayaan mo nalang syang umuwi mag isa. We want to stay for more time" sambit naman ni Leo
"Guys walang nasasakyan dito and walang dumadaan na sasakyan dito kaya kelangan ko syang ihatid kasama kayo" mahinahong pagpapaliwanag ni Kyle
"Tama si Kyle, kelangan nya tayong ihatid ng sabay sabay and the report was already finish so we can go now. Don't worry guys ako na ang magrereport nyan sa PE class natin" wika pa ni Jane
"wait ikaw ang magrereport? Diba ako ang gumawa nito meaning mas alam ko ang report nato" galit kong wika
"so send the report, magrereview ako"
"bakit ba ikaw ang magrereport? May ginawa ka ba?" galit ko pang tanong
"Girl, I am the leader. Baka nakakalimutan mo lang?" wika pa ni Jane sabay taas ng kilay.
"Girls tama na yan, gagabihin pa tayo" wika ni kyle at saka pumunta na sya sa sasakyan para paandarin ito habang nanunukso naman sina joanna at leo
Wala pa rin ako kibo at imik dahil sa naging sagutan namin ni Jane pero para kina joanna, leo at jane walang nangyare dahil patuloy parin sila sa pagkanta at sa pagpapatugtug. Tahimik at madilim ang paligid, bukod dito di ko narin maaninag kung may bahay pa ba kaming nadadaanan. Wala ding ibang sasakyan na dumadaan o nakakasalubong man lang kami.
"KYLE! MAY TAO!" malakas na wika ni Jane na nagpataranta naman kay kyle kaya naibaling nya ang manubela sa hindi nalalamang dereksyon. Malakas na umikot ikot pa kami dahil dito hanggang sa bigla na lang kaming bumangga at tuluyan na akong nawalan ng malay.
"ouch, ansakit ng ulo ko" mahinang wika ni Joanna na nagpagising naman saaakin. Medyo blurred parin ang paningin ko pero alam kong nakabangga kami sa puno. Umuusok narin ang sasakyan at papatay patay na rin ang ilaw nito sa loob
"AAAAAAA!" malakas na pagsisigaw ni Joanna na nagpagising kina Jane at Kyle na nasa unahan
"joanna?" mahinang wika ni jane
"si-si Le-Leo" pautal utal at takot nitong wika. Laking gulat nalang namin dahil may nakasaksak na maliit na sanga sa leeg nito na lumampas pa sa kabila nitong leeg. Dumaduwal duwal narin sya ng dugo at tumitirik ang mga mata. Nataranta nalamang kami, agad na lumabas si Jane ng sasakyan kahit may galos pa sa kamay ganoon din kaming dalawa ni Joanna. Pero hindi makalabas si kyle dahil sa pagkakaipit ng paa niya sasakyan. Hindi nanamin alam kung anong gagawin namin. Nagapanic na si Jane at si Joanna habang ako medyo nahihilo pa.
"guys help me. Please help me" pakiusap pa ni kylie na agad namang nagpatigil sa dalawa sa pagpapanic.
"Kylie?" Tanong ni Jane at agad na kaming lumapit sa kanya at sinubukan syang hatakin ng mapansin ko na pinipilit magsalita ni Leo kaya buong tapang ko syang nilapitan at saka hinawakan ang kanyang leeg.
"Le-leo, kumapit ka lang. Darating din ang tulong okay? Darating din ang tulong. Tumawag kayo ng ambulansya!" sigaw ko pa sa kanila. Agad namang hinanap ni Joanna ang cellphone nya at para tumawag ng makakatulong saamin.
"te-teka lang wa-walang cignal dito" panginginig pa ni Joanna
"shit! Shit! Leo, tumingin ka lang saakin. I want you to stay alive okay-" wika ko ng bigla dumuwal ng maraming dugo si Leo na tumama naman saakin, tumigil na sya sa pagalaw at hindi narin gumagalaw ang kanyang mga mata. Wala rin akong maramdamng pulso nito at mukhang patay na siya.
"Leo? Leo?" pagpupumilit ko na magising ito. Ito ang unang beses na may namatay aa harapan ko kaya parang bigla nalamang tumigil ang mundo ko. Saglit akong naging bingi at parang nawala sa sarili dahil sa takot at kaba.
"Joy! Joy! Help us!" pagsisigaw sa akin ng dalawa na agad nagpagising saakin. Wala na si Leo at kelangan naming tulungan makaalis si Kyle, kaya kahit wala ako sa ulirat mabilis akong pumunta sa kinatatayuan nila at saka tumulong na hatakin si Kyle.