Chereads / The Unwanted Classmate / Chapter 6 - Chapter VI Hide

Chapter 6 - Chapter VI Hide

-PREVIOUS DAY-

"tama lang sakanila ang lahat ng yan! Kulang pa nga ang buhay nila, pero ngayon yan lang ang kaya nilang ipagpalit" wika pa nito

"oh si Miss Leader of the year naghihingalo na? Wag ka muna mamatay Jane. Marami kapang dapat danasin!" wika nito at saka pinalakol ang binte ni Jane.

"Aaaaaaa!!" pagsisigaw ni Jane sa sakit

"Ako? Ako! Wala akong kasalanan kay Angel! Wala akong kasalanan kay Angelica!" galit kong wika sa kaniya

"oppss may nakakalimutan ka ata Joy." mahinahon nitong wika. Doon ko lamang naalala ang isang malaking pagkakamali ko kay Angelica na pilit ko ng kinakalimutan noon pa.

-FLASHBACK-

"Miss De Leon si Angelica ba ang kumuha ng pera mo?" tanong saakin ni Mr. Lopez habang nakatingin saakin ang buong klase wala na akong magawa dahil napagbintangan ko na syang kumuha ng pera ko na nakaipit lang pala sa notebook ko na ngayon ko lamang nalaman. Malaking kahihiyan at baka mabully pa ako pagsinabi kong hindi totoong nawawala ang pera ko ng mga oras na yon kaya wala na akong pagpipilian.

"opo si Angel lang po ang pwedeng kumuha ng pera ko. Dahil nanghihiram po sya saakin ng pera pero hindi ko po sya pinahiram kaya siguro po ninakaw nya nalamang ito" sagot ko naman sa kanila

"Hindi totoo yan. Hindi ako magnanakaw. Hindi" pagtatanggi naman ni Angel

"at sino naman ang magnanakaw dito Angel eh lahat ng tao dito desente ikaw lang ang may bad record" sambit pa ng mga kaklase ko

"Miss De Leon magkano ba ang ninakaw sayo?" tanong oa ni Mr. Lopez

"ah eh 10k po"

"Angel kailangan mong ibalik kay Ms. De Leon ang pera na ninakaw mo kung hindi makakarating ito sa Principal" galit na wika ni Mr. Lopez

"Pero sir. Wala po talaga saakin ang pera kahit halughugin nyo po ang bag at mga gamit ko wala po talaga kayong makikita" wika ni Angel

"patuloy parin ang pagtanggi mo, sige pupunta ako sa principal office para ipaalam ang ginawa mo" wika ni Mr. Lopez at saka mabilis na umalis sinubukan pang makiusap ni Angel pero hindi aya pinakinggan nito.

"Joy, please maniwala kasaakin. Hindi ako ang kumuha ng pera mo. Please. Please" pagmamakaawa saakin ni Angel pero ibinabaling ko nalamang ang paningin ko sa iba

"huh?! Ninakawan kana joy tas di pa ibabalik sayo ang pera. Ang kapal ng mukha, sampalin mo nalang sya joy ng makabawi kaman lang sa kanya" wika ng isa naming kaklase at sinang ayunan naman sya ng lahat

"slap her face. Slap her face!" pagsisigaw ng mga kaklase ko pero hindi ko iyon magawa dahil alam kong walang kasalanan si Angel

"wait guys, baka hindi magawa ni Joy kasi wala naman talagang nawawala sa kanya-

Nagising nalang ako sa narinig kong iyon at saka sinampal ng malakas si Angel na halos mapahiga sa lakas.

"Para yan sa pagnanakaw mo!" galit kong wika sabay sampal pa ng isa

"para yan sa hindi mo pagbalik saakin ng pera!" wika ko at muling sinampal si angel pero hindi parin lumalaban si angel saakin kaya nagpatuloy lang ang pagsampal ko sa kaniya ng biglang dumating si Mr. Lopez at saka kami inawat dinala niya kami sa principal office at pinaliwanag ni Mr. Lopez ang nangyare habang tahimik naman at walang kibo si Angel, wala akong ibang nakikita sa kanya kundi ang pagpatak ng mga luha nya.

"Ms. Angelica kung papatagalin mo pa ang diskusyon na ito baka lumala pa ang mangyare at maexpelled ka pa. Kaya tatanungin kita ninakaw mo ba ang pera ni Joy?" tanong ng principal, napatitig nalamang ako kay angel noong mga oras na yon.

"Opo" sagot ni Angel.

Laking gulat ko dahil inamin nya na ninakaw nya ang pera ko. Pero sa oras na yon nanatili nalamang akong tahimik at pinanindigan ang kasinungalingan ko. Nasuspend si Angel ng isang linggo at pinagbabayad din sya saakin ng sampunglibo. Pagkatapos ng meeting namin, pinahingi saakin ng tawad si angel. Hindi ko naman inaasahan na gagawin nya iyon pero yumuko sya habang umiiyak at nag sorry. Simula noon hindi kona nakausap pa si Angel at binaon kanalang sa limot ang nangyare.

Previous Day

"oh ano naalala mo na ba?"

"pa-patawarin mo ako. Hi-hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako huhuhu" paghahagulhol ko habang humihingi ng tawad

"papaano ka mapapatawad ng isang patay?" tanong pa nito saakin

"pa-pakawalan mo na kami." mahinang wika ni Jane ng biglang palakulin na lang siya sa ulo at sumabog na lang ang dugo nito saaking mukha. Laking takot at kaba ang nararamdam ko nong mga oras na yon.

"pa-patawarin mo ako. Patawarin mo ako. Please please please" kabado kong paghingi sa kanyang ng tawad

"alam mo ba kung paano humingi ng tawad sa taong patay na?" tanong nito saakin

"kailangan din nilang mamatay" bulong nito saakin

Monday

Rose POV

Hindi ko pa rin nalilimutan ang nakita ko nong friday sa school. Sigurado akong si Angelica hindi ako magkakamali. Bakit ba ayaw nila akong paniwalaan? Sinabi ko rin sa parents ko ang about sa nangyare pero hindi rin sila naniwala. I know what i saw.

Natapos na ang first class namin pero lubog parin ako sa pagiisip sa nangyare. Sinubukan kong ipaliwanag kay Joy dahil akala ko maiintidihan nya ako pero hindi nya ako nirereplyan sa messages at hindi nya sinasagot ang calls ko. Nakakapagtaka rin na hindi sya pumasok ngayon.

"hey! Panuorin nyo yong senend ko na link sa gc natin. Guys bilis!" malakas na wika ni Zairon

"Ano ba yon? Bakit di mo nalang sabihin? Baka mga kababuyan mo nanaman yan!" galit pang wika ng mga kaklase ko. Kilala kasi namin si Zairon sa pagiging baboy ng klase lahat ata ng scandal senend nya na sa gc at lahat ng site alam nya.

"oh shit!" wika ng isa ko pang kaklase habang hawak ang cellphone nito at saka nila pinagkaguluhan ang link na senend ni Zairon. Dahil narin sa curiosity ko binuksan ko na rin ang link. Isa itong present news.

News:

"Isang umanong sasakyan ang naaksidente at dumeretso sa bangin na ito na naging sanhi ng pagkamatay ng limang tao. Nakapangalan ang sasakyang ito sa pagmamay ari ng mga Fajardo na sinasabing ang nagmamaneho daw ng sasakyang ito ay ang kanilang nagiisang anak na lalaki na si Kyle Fajardo. Sinasabi ng mga tistigo dalawang lalaki at tatlong babae na hindi lalayo sa edad na kinse hanggang deseotso ang sakay ng sasakyang ito. Sa pagiimbestiga ng mga pulis nawalan di umano ng preno ang sasakyan. Ngayon pinaghihinalaang magkaklase ang sakay nito dahil sa mga nakitang id at iba pang gamit ng mga tinutukoy na estudyante."

"naririto ang mga listahan na pinaghihinalaan na sakay ng sasakyan"

"Kyle Fajardo, Leonard Buenavista, Joanna Atienza, Jane Fernandez at Joy Deleon"

"sa mga nakakakilala sa mga ito ay agad na lumapit sa mga pulisya upang magbigay ng kumpirmasyon kung sila nga ang mga bangkay na ito"

Hindi ako makapaniwala sa nangyare. Si Joy, hindi maari.

Hindi ko na mapigilan ang aking kaba at takot na nabubuo saaking puso. Alam kong aksidente lang ang nangyare kina Joy pero nararamdaman ko may mali dito. May mali dito. Nang bigla nalang may nag message saakin.

Message

Now you will pay your sin!

-Angel Class 10 Section A

Gulat na gulat nalang ako ng mabasa ko message nayon. Sa kaba at takot ko naibato ko nalamang ang cellphone ko. Kasabay nito ang pagiingay ng buong klase nakatanggap rin sila ng text messages kaparehas ng saakin. Si Angelica lang ang pwede gumawa nito. Sya lang.

"Tama ako! Nagbalik si Angelica! Nagbalik sya! Sinisingil nya tayo sa lahat ng kasalanan natin sa kanya! Sa lahat lahat!" pagsisigaw ko sa buong klase. Hindi ko na maintindihan ang takot na nararamdam ko na para bang may bumbulong narin saaking tenga na nagiging dahilan ng panginginig ng buo kong katawan.

"Nababaliw kana ba? Papaano magagawa ni Angelica na saktan tayo?! Eh patay na sya!" galit pang wika ni Zairon

"Bu-bumalik sya! Bumalik si Angel! Hindi nyo ba yon naririnig? Bumubulong sila! Sinisingil tayo ni Angel! Sya ang pumapatay sa mga kaklase natin!"

"Come on Rose, kung nagulat ka sa balita dahil sa pagkamatay nina Kyle. It was an accident, yon lang yon!" wika pa ni Joshua

"hindi! Hindi aksidente yon! Sinabi ko na sa inyo nong una palang!" galit pang wika ni Lea

"Will you please shut up Lea! Hindi ka lang nakakatulong! Kung about ito kay Charice nag suicide sya bakit hindi mo ba yon matanggap! Namatayan tayo ng mga kaklase and all if that are coincidence" galit na wika ni Fatima

"Yong text messages! Hindi yon coincidence lang! Si angel nagbalik sya para maningil!" wika ko habang nanginginig ang aking mga labi na para bang lamig na lamig na ako sa temperatura samantalang ako ay pawisan na pawisan na

"Pwede ba tumugil ka rose! Baka nanadya lang yang kung sino man yang nagmemessage saatin! Nanakot lang yan! Kung matapang talaga ang nagmessage na yon ede dapat lumabas sya at magpakilala ngayon din! Hindi nyo ba nakikita pinaglalaruan lang niya tayo at pagnahuli ko talaga yang nagmemessage na yan babaliin ko ang leeg nyo at ihuhulog ko sya sa rooftop katulad ng pagkahulog ni Angel!" galit na wika ni Fatima

"Tama si president natin nanakot lang sila! Wag nalang tayong magpaapekto" dagdag pa ni Zairon

"Oh anong nangyayare dito?" biglang pasok naman ng aming guro

"ah eh wala po maam. Ordinary bonding lang po ng klase" pagpapaliwanag pa ni Fatima

"Miss Garcia okay ka lang ba? Parang may sakit ka ata" paglapit pa ni maam saakin ngunit nanatili parin ako kabado at naguguluhan.

"si an-ange-angel" pautal utal ko pang wika

"huh? Sige na maupo kana magsisimula na ang klase natin" wika ni maam at saka ako inakay papunta saaking upuan na hanggang ngayon wala parin sa ulirat