Chereads / One Night Stand - Season 1 / Chapter 17 - (He's on the way)

Chapter 17 - (He's on the way)

At exactly 5:00 o'clock in the morning.

Nakabihis na ang binata at mukhang may lakad siya.

Kunting hawi ng buhok at spray rito sabay suklay na parang malambot na seda ang buhok niya.

Ang itim niyang mga kilay na kung tumitig ang mga mata niya ay parang buwitre ngunit kapag kaharap ang dalaga ay parang maamong leon sa harap ng usang kakainin niya.

Suot nito'y puting long sleeve na bukas ang butones sa taas na bahagi.

Itim na amerikana na nakapatong sa sofa.

Kurbatang kulay itim na bumagay sa itim na shoes na kumikinang at slacks na pantalon niyang itim.

" ang babaeng ito ayan oh! Himbing na himbing pa sa pagtulog mukhang pagod ata sita. Di bale, rest day nila ngayon so makakapagpahinga siya. " sabi ng binatang napatitig sa dalagang nakayakap sa unan na kaniya namang kinumutan.

May kukunin na lamang siya na sticker note at magsusulat sa ito.

Mukhang mag iiwan siya ng note sa dalaga para mabasa nito paggising niya.

" ang pangit talaga niya saka walang magandang view. " sabi pa nito na tila trip niyang tawaging pangit ang dalaga kahit alam niyang napaka spesyal nito sa kaniya.

Titigan niya sandali ang dalaga at agad na kukunin ang susi ng kotse niya.

Lalabas na siya ng kwarto at kaniya itong ilolock ng maayos.

Ganun din ang ginawa niya sa pintuan at nag iwan siya ng bodyguard's sa tapat ng pinto ng dalaga. " keep your eyes on her! " bilin nito sa isang ginoo.

" ok sir! " yukong tugon nito.

Makalipas ang isang oras

Mapapahikab na lamang ang dalaga na tila gusto na niyang bumangon.

Imumulat na niya ang mga mata nang makitang wala na roon ang binata.

" ay, umalis na siya! " kamot nito sa ulo niya saka ibinagsak ang katawan sa kama.

Sandali niyang ipipikit ang mga mata saka matutulog uli.

Makalipas ang ilang sandali ay imumulat niya uli ang mga mata niya.

Jen Pov's

Argh, masakit ang ulo ko mukhang sisipunin ata ako.

Makibangon na nga lang! Tahimik na ang loob ng bahay.

Nasa trabaho na ata si sir Carllex saka aalis na siya mamaya.

Mabuti na iyon kaysa naman tumagal pa siya dito.

Mas lalo lang nagiging komplikado ang lahat.

Tok! Tok! Tok!

" ay palaka! " sino na naman ba ang kumakatok na yan. Ang aga aga pa eh, hindi naman siguro ang land lady yong kumakatok diba.

Ay Jen, baka may kasalanan ka na naman siguro.

" sandali lang, " tinatamad kong lakad patungo sa pintuan. Kainis, hindi makapaghintay na pagbuksan. Sisipain ko talaga ito kapag makita ko.

Pagbukas ko ng pinto ay may bumungad sa akin ang isang ginoo na may dalang kahon.

" good morning ma'am, pinabibigay ni sir Carllex saka nagpapasalamat daw siya ng makilala niya kayo. Hindi na ho nakapag paalam ng personal si sir Carllex kasi umuwi na ho siya sa bayan ng San de la Vega at isang kahon ang iniwan niya para sa inyo ma'am Santos. " bigay niya sa akin. Hayyts, umuwi na pala siya akala ko ba mamaya pa siya aalis. Kainis, si sir Carllex talaga aalis na nga lang may iniwan pang regalo.

" salamat ho, " sabi ko sa kaniya.

Napaupo na lamang ako sa sofa ng mapansing note sa mesa.

" Dear Jennalyn na pangit,

Hey pangit kumain kana saka nasa bayan na ako ng San de la Vega para sa trabaho. Pangit, wag kang sisimangot ha kasi hindi ka maganda. Yong wish mo nga pala darating na saka pangit mamimis kita. Wala na akong tatawaging pangit dito kasi andiyan ka. Maraming salamat Jen sa pagligtas ng buhay ko. You deserve love and care at balang araw ay matatagpuan mo din yon. Mag ingat ka diyan! "

--- Carllex ---

Si sir talaga ang daming alam niya.

Ano ba yan, bigla nalang akong nalungkot sa pamamaalam niya.

Haysst, wala nang magluluto saka mang iinis sa akin.

Ano ba yan Jen bat ka nalulungkot?

Sinuklay ko na lamang yong buhok ko saka tinali.

Nag hilamos saka naglagay ng soap sa mukha.

Ewan ko ba kay sir at binilhan niya ako ng facial wash.

Hindi na ako gaganda kaya Jen wag kang umasa.

Pagkatapos ay tumungo na ako sa kusina. Kahit naman wala na siya eh tuloy pa din naman ang buhay kasi ganun talaga Jen. Tanggapin mo nalang na langit siya at ikaw naman ay lupa.

Marami ka pang maapakan para lang sa pag ibig na hindi mo kayang ipaglaban.

Sana balang araw magtagpo ulit ang mga landas namin.

At doon ko masasabi na kahit ganito ako ay may karapatan din naman akong magmahal.

Ano ba Jen! Tumigil ka, isa siyang señorito kaya umayos ka!

" kalimutan mo na siya Jen at maghanda kana para sa iyong pagtatapos. " sabi ko habang nakaharap mesa.

May napansin akong note na may nakasulat na.

" Maybe its called Destiny but I'll find a way to see you again, Jen! " pa heart emojie pa sa dulo.

Nahihibang na nga siya! Hibang na hibang sa pangit na dalagang ito!

Napaupo na lamang ako sa silya ay hinawi ang takip.

Nagprepare pala siya ng breakfast para sa akin.

Sana all talaga Jen, sana all may lalaking katulad niya.

" thank you sir Carllex, Im wishing you all the best! " sambit ko sa harapan na sana ipadala ng hangin sa kaniyang kinaroroonan.

Matapos kong kumain ay lumabas na ako patungo sa tindahan ni Aling Celia.

Makikipag kwentuhan at tutulong na rin sa kaniya.

Papalabas na ako ng iskinita ng makita ang mga bodyguards niya.

" akala ko ba wala na siya rito? Bat andito ang mga bodyguards niya? " kamot kong tanong habang patawid sa kabilang kalye.

Ay, iba din itong lalaking ito!

Wag niyang sabihin na para sa akin ang mga bodyguards na yan?

Ay naloloko na ba siya!

Sus, Jen wag ka nang umasa hindi para sayo yan.

" Aling Celia, " sabay tawag ko at umupo sa tapat ng tindahan niya. Sisilip naman siya sabay huhulaan na naman ang iniisip ko.

" eha, mukhang malungkot ka ata? Mis mo na ba si sir Carllex? " sabi ni Aling Celia. Hala, si Aling Celia talaga parang ano. Bat ko naman mamimis yon? Hindi ko na naman yon jowa.

" Aling Celia, tama lang ho yon kasi nag aalala na ang mama niya. Bat naman ho ako malulungkot eh sanay naman akong mag isa. " sabi ko na parang guilty.

" sus Jen, kabisado ko ang mukha mo ngayon. Mis mo na sir Carllex diba? Aminin mo na kasi saka ang mabait naman ang binatang iyon. " dagdag pa niya.

Huli ka Jen, wala ka talagang kawala kay Aling Celia.

Daig pa niya si mama kung makahula. Na mis ko na nga si mama kaso wala na siya.

" Aling Celia naman, " kamot ko ng bahagya sabay tingin sa kawalan.

" pwede mo namang habulin si sir Carllex para sabihin mo yang nararamdaman mo. " sabi pa niya. Oh gosh, wala talaga akong kawala kay Aling Celia. Ayoko nga, saka nakakahiya no. Ang yaman yaman niya tapos ako pangit at mahirap pa.

" wag na ho Aling Celia saka walang wala ako kumpara sa pamilya niya. Walang puwang ang pagmamahal sa tulad nilang napakataas at tinitingala ng lahat. " sabi ko sabay huminga ng malalim.

Tatawa na lamang si Aling Celia sa akin.

" alam mo eha, sa tingin ko talaga may pagtingin siya sayo. Hindi niya lang sinasabi kasi baka sabihin mong nahihibang lang siya. At ikaw Jen, may patago tago ka pang nalalaman. Pareho din kayo ng nararamdaman. " dagdag pa niya.

Sana nga Aling Celia kasi unang beses ko itong naramdaman pero takot akong umamin. Natatakot akong masaktan at magaya sa iilang dalaga. Sana nga, sana may pagkakataon ang lahat para doon at hindi ko yon palalampasin.

Sa kabilang banda

Sa malawak na sala ng Mansiyon ng mga de la Vega.

Sa mga kagamitang mamahalin na tila milyones ang halaga.

Sa mga pintang nakasabit sa dingding na may kahulugang malalim.

Sa mga picture frame ng bawat apo nina señora Mia at señore Carlos na tila kompletong kompleto.

Sa mga wedding picture frame na sunod sunod na nakasabit sa wall na paakyat ng hagdan.

Sa bawat anak at apo nilang nakapagtapos ng pag aaral at nag uwi ng maraming medalya na isinabit sa wall ng karunungan.

Sa pamilyang ito ay walang pinipili, maging mahirap at mayaman ay malugod ka nilang tatanggapin sa mansiyon de la Vega.

Ang mansiyong hinubog ng pagsubok at pagmamahal sa isa isa.

" lola, yong gamot niyo ho! " wika ng pababang binata suot ang black toxido niya na tila pupunta sa opisina.

" oo apo, heto na oh! " tugon ng señora Mia na nagbabasa sa sala.

Kaagad siyang magmamano sa lola niya at hahalik sa pisngi.

" lola, ano ba ang sekreto niyo at napakaganda niyo pa rin? " akbay niyang usisa rito.

" apo, kailan mo ba ipapakilala ang nobya mo sa akin? " usisa ng señora sa kaniya.

" lola talaga, wala nga kasi akong nobya saka yong babaeng mahal ko ay hindi ako mahal. " malungkot niyang tugon sa lola Mia niya.

" apo, ganun talaga saka ang mga babae ay kailangan nila ng patunay kung talagang mahal sila ng isang lalaki eh dapat nilang patunayan ito. Kami nga ng lolo mo, siya pala yong bumili ng pagkabirhen ko kaso hindi ko alam na nabuntis niya pala ako. Sa takot ko na baka hindi niya panagutan ay lumayo nalang ako. Itinago ko ang mga anak ko sa kaniya. At ang bunga non ay ang first triplet boy namin. Yong papa mo, si tito Dierce mo at tito Thierce mo. Kaya kong may gusto kang babae aminin mo na sa kaniya ang totoo mong nararamdaman bago pa mahuli ang lahat. " kwento niya sa apo nito na may dalang payo.

Napaisip na lamang ang binata sa sinabi ng lola niya.

" salamat ho lola saka si lolo nga pala ay nasa taas nakikipagkulitan sa anak ni tita Sofia. Ang cu - cute nila lola saka boy and girl. Sige lola pasok na ako at susundin ko ang payo niyo. " sandali niyang yakap ng paalam sa lola niya at tumayo na.

Papalabas na ng mansiyon ang binatang naka purong itim na may bahid ng mala tigreng mga mata at nakaka akit na porma. Sandali siyang may tatawagan sa phone niya.

( on call)

" hello, kamusta diyan? Saan siya ngayon? " sunod sunod niyang tanong sa kabilang linya.

" sir, nasa tindahan siya ni Aling Celia habang malungkot at nag iisa. " balita nito sa kaniya.

" just keep on eye with her saka pupunta ako diyan after ng mga appointments ko. " pa alam niya habang nasa loob na ng kotse niya.

" ok sir, "

(call ended)

Paaalis na ang itim na sasakyan ni sir Carllex sa parking lot ng mansiyon.

May bahid ng pag alala at puno ng pag asa ang nararamdaman niya.

Handa na siyang aminin ang nararamdaman niya sa dalaga.

@YhunaSibuyana