Chapter 20 - Chapter 19

After an hour of driving, dumating kami sa The Cove.

Ever since our parents went to Dubai 3 months ago, hindi na kami nakabalik dito. It feels nice to be back, I feel peace.

The soft breeze touched my face the instant I went out of the car. The smell of the sea is what I mis the most. Bumaba na rin si Ryu at nakita kong nakangiti siya sa akin bago niya kinuha ang mga gamitnamin sa likod ng sasakyan.

Naiisip ko pa lang na kamng dalawa lang ni Ryu dito eh nagtatayuan na ang mga balahibo ko.

I shook my head. Di bale, malaki naman ang villa namin, so malaki ang space sa gitna namin. I smiled at the thought. Nagulat ako when Ryu suddenly put his arms around my shoulders. "You don't have to daydream anymore. I am all yours, now." Siniko ko ang kanyang tiyan but he only laughed at me. I rolled my eyes at him at nakita ang isang concierge na papalapit sa amin.

Ryu took our bags and the concierge came to us. Hindi si Mang Pedro ang sumalubong sa amin, baka off niya.

Binati kami nito bago kinuha ang mga dala namin. Nang bitbit na niya ang mga dala namin, dumiretso na kami sa loob at tumungo na sa reception para magcheck in. Isang babaeng nasa 30s na ang naroon at matamis na nigiti ang binigay niya sa amin. Sinabi ni Ryu ang kanyang pangalan sa receptionist at tumango sa aming dalawa.

"Good evening, Sir, Maam. Welcome to The Cove." Panimula ng babae at binaling ang atensyon sa kompyuter na nasa harap nito.

Inangat niyang muli ang tining niya sa amin nang nakangiti."Sir, the reservation for Villa Harper in Medieval Lane was confirmed under the name of Mr. Ryu Dimitri Navalta.

The villa is all yours until Sunday. Check out will be at 12 noon. Here's is your key card, Sir." Sabi ng receptionist nang nakangiti sa amin.

Nagkatinginan kami ni Ryu, we both looked confused.

Tama ba ang narinig ko? Villa Harper? Medieval Lane? What the hell, Ryu? That villa is one of the villas for couples! Pumaparaan talaga ang lalaking ito. Siniko ko siya at kita ko rin sa mukha niya ang pagkagulalt. Best actor talaga.

Ryu turned to the receptionist. "Sorry Miss. did I hear it, right? Villa Harper? Baka nagkakamali kayo, when I called to reserve the Villa, I told the lady I walked to that I will reserve Villa Harbor. That's where me and my family stay kapag nandito kami. Can you please recheck in your records?"

Punong puno ng pagtataka ang mukha ng babae. Kinalikot niya ulit ang kanyang kompyuter. "Villa Harbor po, Sir? May mga tao pong naka-stay doon ngayon at based po dito sa system is Villa Harper ang nireserve niyo. Villa Harbor has been occupied since last Monday." Natatarantang sagot ng babae.

Ryu groaned. "Sigurado po kayo, Miss. I believe I was clear when I said Villa Harbor." Pag-aalala ang nasa mukha ng babae bago sumagot, "Sir, may I know po kung sino ang nakausap niyo kanina?" Ryu looked up and he is trying to remember the name. "Ah, si Miss Nora. Oo, siya nga."

Ngumiwi ang bibig ng babae. "Naku, Sir, Maam. Baka po namali ng dinig si Miss Nora. Medyo mahina na po kasi ang pandinig ni Miss Nora. Sorry po talaga, Sir." pakiusap ng babae.

I saw Ryu's 'I am n trouble face' before answering the lady. "Miss, bakit siya po yung pinapasagot niyo ng tawag kung mahina na pala pandinig niya?" Umiling ang babae. "Usually po kasi if si Miss Nora yung sumasagot, it's either nagbreak po saglit ang nakaduty or may emergency po. Sir, Maam, we are very sorry for the inconvenience."

"Miss, wala na po bang ibang villa na available? Or kahit rooms na lang po?" singit ko.

"Let me check po, Maam." She was clicking her mouse at siguro ay naghahanap ng ibang bakanteng villa or rooms. Villa Harper and Medieval Lane are well known in the resort for couples who wish to have a private and romantic night. Medieval Lane is consists of 5 villas that are at least 3km from each other.

"Maam, pasensiya na po talaga pero per checking, all other villas from the other lanes are reserved and some are occupied already. While the rooms at Modern Lane are under renovation naman po Maam." her face is full of worry.

Hindi ako makapaniwala sa nadatnan namin. Bakit naman ngayon pa naging fully booked and resort at ngayon pa naging under renovation ang Modern Lane.

"It's okay, Miss. Kukunin na lang namin ang Villa Harper." Si Ryu. Nilingon ko siya at tiningnan nang masama. "We are left with no choice, Ky. It's either this or babyahe ulit tayo pabalik sa Makati." He smirked and held the keycard.

"You decide." Ngayon ay kaharap niya ako.

Napabuntong hininga ako. Nandito na rin lang naman kami, so be it. "Fine."

We walked through the white sands of The Cove, the bell boy behind us with our thing. It was a 15min walk from the reception. The pathway from the gate of the villa to the villa I lit with garden lights.

"Sir, Maam, okay lang po ba na dito ko ilapag ang mga gamit ninyo?" tanong ng bellboy na tinutukoy ang rattan na outdoor chair malapit sa pintuan ng villa.

Tumango si Ryu sa bellboy at umalis na ito. The villa is modern, a small one, it's painted with white on the outside. The outdoor rattan furniture complimented the white walls. The villa is surrounded by some plants. There's a patio swing chair with cushion that can fit two people. Of course, as this villa is designed for couple. I rolled my eyes with the thoughts inside my mind.

Itinuon ni Ryu ang hawak na key card sa door lock. Tumunog ito hudyat na nai-unlock na ang pinto. Kinuha niya ang mga gamit habang sumenyas sa akin na pumasok na.

Ginawa ko naman pero natigil ako when my foot stepped inside. Nasa likod ko si Ryu at nagtataka kung bakit hindi ako tuluyang pumasok. "What's wrong?"

Tumagilid ako para makita niya and dahilan ng pagpigil ko. I saw the twitch on his lips habang nilagpasan niya ako at dumiretso na sa loob ng villa.

The inside of the villa is undeniably designd for couples. Pagpasok mo pa lang ay isang king size na beige poster bed ang nandoon, white sheets and mustard pillows, a huge soft carpet underneath, a round mustard-colored velvet ottoman from the right side of the bed.

Across the bed is a sliding patio glass doors that give you a full view of the private pool. Pumasok ako nang tuluyan sa villa at namangha sa pool nito.

Nakakamangha ang privacy na meron ang villa na ito. The pool is covered with with a simple wooden slat walls added with some bamboo creating as fences. A small wooden gazebo with an outdoor bulb incandescent string lights on top of it, a hammock chair like the one outside, two sun loungers and some outdoor lights to match the mood.

From the bed is a vertical wood partition to the kitchen. A kitchen with a white rectangular wooden table, two chairs, a kettle, and the stove. Small wooden overhead cabinets on top of the stove, a refrigerator.

I went inside the kitchen to check it. Then I checked the bathroom. The bathroom is just outside the kitchen, it connect the kitchen to the pool as well. I turned on the light, the outdoor bathroom has a japanese soaking tub surrounded by another vertical wooden partitions at isang square type shower sa harap ng tub. There is a slight space sa

gilid which serves as the drainage.

If you are staying at the gazebo from the pool, makikita mo nang bahagya ang bathroom. Napalunok ako sa setup ng banyo nang maramdaman ko si Ryu sa likuran ko and he grabbed my waist.

Nagulat ako sa pagkakahawak niya at nang nilingon ko ay nakangiti siya. We stayed in that position until natauhan ako at inalis niya ang kamay ko sa akin baywang.

Pumasok ako sa loob at nagtungo sa kama. "Pano tayo matutulog ngayon ni Ryu?" namomroblemang tanong ko sa kanya.

Pumasok na rin siya at sumandal sa vetical wood partitions. He is wearing his shirt and jeans but damn he looks so hot. "Nakahiga, syempre." Pilosopong sagot niya.

Inirapan ko siya at tumawa siya. "You can sleep on the bed, Ky. I can sleep on the hammock outside if this makes you uncomfortable." Suhestiyon niya. Nilingon ko siya at seyuso ang kanyang mukha.

"Are you insane? Edi mamatay ka sa lamig sa labas." Ngumuso ako sa kanya.

He is now smiling. God, he looks sexy. "Then, what are you trying to suggest, Engr. Puertollano?" he teased.

Tinitigan ko siya ng masama. I looked away at nagsalita. "You can sleep here. On the bed. But, magrerequest ako ng dagdag na unan. The pillows should be between us! Understand, Engr. Navalta?"

Tumango siya at umalis sa pagkakasandal sa partition at tinalikuran ako.

Dumiretso siya sa may banyo at maya maya ay narinig ko na ang agos ng tubig mula sa shower.

Tumawag ako sa reception at nagrequest na karagdagang unan. Maya maya ay naihatid na ito. Nasa banyo pa rin si Ryu nang inaayos ko ang unan para pumagitna sa aming dalawa mamaya. Saktong natapos ako ay lumabas siya ng banyo, isang tuwalyang nakabalot sa baywang habang sinusuklay niya ang basang buhok galing sa pagligo.

He chuckled when he saw the pillows that are arranged already between the king size bed. "Sure ka na ba diyan, Ky? Baka mamaya ikaw pa mismo magtanggal niya para makalapit sa akin ah." Isang matalim na titig ang binigay ko sa kanya. "Don't you dare, Ryu! Subukan mo lang talaga at makaktikim ka sa akin." banta ko sa kanya.

Humalakhak siya. "Hmm, I think I'd like that." I threw one small pillow at him pero nakailag siya. He shrugged it off and smirked at me bago kinalkal ang mga gamit niya sa bag para maghanap ng damit.

While he was going through his bag, ako naman ang nagtungo sa banyo para magshower. Ang sarap ng tubig sa shower, sakto lang ang init at nakakapresko. Medyo natagalan ako sa pagligo. Nang lumabas ako ay nakadamit pantulog na ako sa loob at nakaroba.

Ryu was nowhere to be found sa loob. Pero nang lumingon ako ay nasa hammock chair siya at may mga inumin na. Nakita niya akong nilingon siya, "Wanna have some?" aya niya habang nakataas ang isang bote.

Lumabas ako at tumungo sa kanya. Umupo ako sa isang sun lounger at inabutan niya ako ng inumin. Tinanggap ko iyon at nilapit ang inumin sa aking mga labi para matikman ito. Tinitigan niya ako bago uminom.

Out of nowhere, "Do you still hate me, Ky?" he asked before drinking the beer he was holding and looked at me with eyes full of hurt.

The last time I saw those eyes was years ago. God, I still remember everything. Hindi niya pa rin alam ang tunay na nararamdaman simula noong araw na iyon.

I began avoiding him as much as I can. We were both.. civil? He respected the walls that I have obviously built for him. Pero kahit ganoon ang nangyari dati, lam ko namang hndi pagkamuhi ang nararamdaman ko sa kanya. Yes, I was very angry but I was heartbroken too. I stared at him and answered, "I don't hate you, Ryu."

Hindi siya kumbinsado sa sinabi ko. He continued staring at me drinkng in between.

I smiled at him, "I don't hate you. But I didn't like how you broke my heart." At tuluyan kong inubos ang inumin na hawak hawak ko.