Chapter 19 - Chapter 18

Kinaumagahan, pumasok ako ng opisina na parang walang nangyayari. Dumiretso ako sa aking office. Magsa-site ako ngayong umaga dapat pero may naiwan ako sa opisina ko kaya dumaan muna ako. Nang makuha ko na ang kailangan ko, saktong palabas din si Calvin ng office niya.

Dalawa kaming naka-schedule na magsite visit ngayon. "Hi, how are you? DI ba sumasakit ang ulo mo?" tanong ni Calvin. I smiled at him, at umiling. "Hindi naman, okay naman ako."

"That's great. Sabay na lang tayo magpunta ng site. You mind if we take our car?" tanong niya nang nakangiti.

Pumayag naman ako na sumabay sa kanya since isang site lang naman ang pupuntahan namin at dalawa kami sa Project Engineers doon. We were talking nang papunta kami ng elevator.

Saktong pagbukas ng elevator, lumabas ang isang babaeng nakawhite jumpsuit at naka-rosewood na coat, her cleavage is showing. She was wearing a pair of high heeled pumps at nasa braso niya ang bag niyang dala. She was wearing Bvlgari cat eye sunglasses and a red lipstick.

Nang lumabas siya ng elevator ay tinanggal niya ang kanyang sunglasses and stared me. Nanlaki ang mata ko when I realized who it was, si Julianna. "Hello there, Engr. Puertollano. How have you been? It's been a long time."

Agad kong binawi ang pagkagulat ko nang makita siya and smiled at her . "Hi, Miss Valencia. I am good. How about you? Oh, by the way, this is Engr. Salvador. One of the Project Engineers here at siya rin ang nakaassign sa Meadow Heights na pag-aari ng VRE, right?" sagot ko sa kanya habang pinapakilala si Calvin. "Yes, that's correct. Nice to meet you, Engr. Salvador. Di ko na kayo aabalahin, but is Ryu in his office already?" tanong niya sa aming dalawa na nakataas ang isang kilay niya ng nilipat ang tingin sa akin.

I just smiled at her. "You can ask Sianna, his secretary. We'll go ahead." Tinalikuran ko siya at hinila si Calvin sa elevator. Di ko na nilingon si Julianna but I'm sure ay dumiretso na siya sa kung saan ang opisina ni Ryu.

"Yun ang fiance ni Mr. Ryu, hindi ba? Maganda pala talaga siya, no." si Calvin. Ngumuso ako sa sinasabi nitong kasama ko. Malaki lang boobs niya pero sa ganda, not so sure. Di ko na sinagot si Calvin at hinayaan ko lang siyang magsalita.

We headed to the parking lot at dumiretso na kami sa site na pupuntahan namin. Naging busy kaming dalawa sa pagchecheck ng mga kakailangan kasama ibang mga Engineers at maintenance team namin.

We were there for 5 hours at nang matapos ay nag-aya si Calvin na kumain muna kami bago bumalik sa opisina. I nodded at his suggestion at pumunta kami sa isang restaurant.

We ordered our food and ate our lunch. We still have a meeting with the other engineers sa office at 3pm kaya umalis din naman kami kaagad pagkatapos naming kumain. In less than 20 minutes, nasa parking na kami ng building ng NCFMC. Umakyat kami sa office at dumiretso sa kanya kanyang opisina para makapaprepare sa meeting.

I was preparing some files when I remembered na may kailangan pala akong kunin na mga invoices sa Accounts department regarding sa mga pricing ng consumables from our supplier. They are providing us different prices kahit na may agreed pricelist na kami. I need to discuss it to the Operations manager para makausap ang supplier.

Ang accounts department at malapit sa office ni Ryu. Naglalakad ako patungo sa Accounts when Ryu and Julianna just got out of Ryu's offce at nagtatawanan. Pinauna ni Ryu si Julianna sa paglalakad. Nagkasalubong kaming tatlo pero di man lang tumingin or bumati sa akin si Ryu.

Pagkatapos ng nangyari kagabi eh, parang wala lang sa kanya. Sumikip ang aking dibdib pero nagpawalang bahala ako at dumiretso sa accounts para kunin ang dapat kong kunin.

Nang makuha ko na ang lahat ng kailangan ko sa accounts, bumalik na ako sa aking opisina. Inayos at inihanda ko na lahat ng mga kailangan sa diskusyon sa meeting.

Panigurado pag naraise ko itong issue sa supplier, magiging isang malaking issue ito lalo na sa operations manager dahil hindi niya chinicheck ng mabuti at approve lang siya ng approve.

Calvin went to my office para ayain na akong pumunta ng conference. Tumangot ako at tumayo sa upuan at lumabas ng opisina. We both entered the conference room at halos lahat ay nandoon na.

Nagseset up na lang ang isang bagong IT namin ng projector at pwede na kaming magsimula. Bago magsimula ay pumasok na rin si Ryu. Umupo siya at tiningnan ang files na nasaharap niya.

Napag-usapan muli ang isue tungkol sa Claus properties. Fortunately, naisettle ni Ryu ang lahat at nakapagbayad na sila according sa Finance just this morning. "That is good. Engr. Rivas, instruct your team to prioritize the PPM for Claus properties and that all PPM Job cards must be submitted on a weekly basis with the client signature. Let me know if you need more people to do the PPM."

Tumango si Rene. "Sir, if you could provide me four more technicians, that would be very helpful. The team are bombarded with all the complains from the tenants na nadedelay tayo sa PPM."

Ryu was listening to Rene and nodded. He faced Calvin to tell him to release two technicians from Trade Tower and then he turned to me. "Engr. Puertollano, release two technician from Beqa Properties for the meantime until all the backlogs from Claus properties are completed."

Tumango ako sa utos ni Ryu. Beqa Properties is not a busy site. We are only attending tenant complains. Since the site has only five tenants for now at dahil bago pa ito, I can release two of my tehnicians there to assist Rene.

Ryu scanned the papers in front of him and I think he saw he invoices I got from the Accounts. "Engr. Puertollano, these invoices, aren't they from 21st Century Trading?" he asked then face me. Tumango ako at natuon agad ang atensyon niya kay Robert, ang operations manager.

"Robert, you signed the quotations from the supplier. Are you not aware of the agreed pricelist? Bakit approved itong tatlong quotation na nakaattach sa invoices nila? Masyadong malalaki ang discrepancies ng mga consumables ito. Unang quotation dated Monday, ay tama ang price ng nut and bolts, how come 20% was added to the price for

the same items for the second quotation dated yesterday? Irregardless of the site, the prices should remain per the agreed pricelist."

Ilang beses na namin pinaalalahanan si Robert na idouble check niya lahat palagi at baka magkaroon ng issue. Oo lang siya ng oo pero ito pa rin ang nangyayari ngayon. "Kasi po, Sir, sobrang busy ko rin kaya hindi ko na nadodouble check ang pricing." Sagot ni Robert na nakakamot sa ulo.

I saw Ryu smirked and turned to me and Rene. "Engr. Puertollano, I know you and Engr. Rivas reminded him several times regarding this concern kahit na hindi niyo nai-escalate sa akin ito. News travel fast here, Robert. May mga tao ka to check all the prices."

Yumuko si Robert. "Sir, bigyan niyo pa po ako ng isa pang chance para maitama lahat. Pagtutuunan ko ho ito ng pansin."

Ryu's jaw clenched at huminga siya ng malalim bago magsalita. "Alright, Robert. Fix this. This is a warning. If I hear more issues about how you manage these kind of things, pasensyahan na tayo, you will be out of thiss company.

Tumango naman si Robert. "I guess that concludes are meeting for today." Si Ryu at tumayo na at lumabas ng conference.

Nagliligpit ako ng gamit ng suminghal ng malakas si Robert at dinabog ang files na hawak, "Ang dami kasing pakialamero at pakialamera. Hindi na lang manahimik."

Tinitigan niya ako at si Rene nang masama bago tuluyang tumayo sa upuan para lumabas. "Pinaparinggan ata kayo ni Sir Robert ah." Si Jessa, isa sa mga tao ni Robert sa operations. Nginitian ko lang siya at pinawalang bahala ang komento.

"Tara na, Ky." aya ni Calvin para makalabas na kami ng opisina. Halos uwian na nang matapos ang aming meeting kaya nagsimula na rin akong magligpit ng mga gamit. Habang patapos ako sa pagiligpit, tumunog ang notification sa laptop ko senyales na may bago akong email. It was from Sianna addressed to me and Ryu is copied in the mail.

"Dear Engr. Puertollano,

Unfortunately, due to some unforeseen business, Mr. Ryu will be unable to keep your appointment for tomorrow. On behalf of Mr. Ryu, meeting will be rescheduled on Monday morning at 9AM.

If you have any questions, please feel free to contact me.

Kind Regards,

Sianna"

Nagtaas ang kilay ko dahil sa nabasa kong email. Siguro, dahil kay Julianna. Yun siguro ang dahilan kung bakit nandito siya kanina and how Ryu told her the other night na they will sort it out. I closed my laptop ang picked up my bag at umalis na ng opisina.

Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang Basement kung saan nakapark ang aking kotse. It was 4:45pm at hindi pa ganoon kahaba ang traffic. Dire-diretso ako sa pgdrive hanggang sa nakarating na ako sa building ko.

I parked my car and hurried to the elevator. Nang nasa taas na ako at bumaba na sa elevator, nagulat ako na nandoon si Ryu sa labas ng pinto ng unit ko, nakasandal. His wearing his usual v-neck shirt and a pair of jeans.

Nagulat ako nang makita siya. Itinuon niya ang mga mata niya sa akin. "Why are you here?"

Kinuha ko ang susi sa aking bag at binuksan ang aking pinto. "Are you not going to invite me inside?" his husky voice seducing me. I let out a sigh ang signed at him na pumasok siya. When he entered, sinarado ko ang aking pinto at nilapag ang aking bag. He immediately went to the sofa.

"Ryu, bakit ka nandito?" kuryusong tanong ko.

His lips twitched into a smile. Habang tinititigan ko ang kanyang mga labi, bigla kong naramdaman ang mga halik niya sa labi ko.

"Pack your things, let's go on a vacation."

Napanganga ako sa sinabi niya. Ano na naman ang binabalak nito? "Ano?! Baliw ka ba, Ryu? May trabaho tayo. At bakit naman ako sasama sayo?" humalukipkip ako habang nakaupo sa harap niya.

"You will be on leave until Friday. I told the HR. No need to worry." Sagot niya.

Napahawak ako sa bibig ko dahil sa mga pinagsasabi ni Ryu. "Is this why our meeting got rescheduled on Monday?"

Tumango sia at sumandal sa sofa. Napapailing ako sa ginawa niya. What is with this guy? "Why don't you go with Julianna instead? Tutal, binisita ka na man niya sa office."

Amusement is evident in his eyes. Nakangiti at sinandal ang magkabilang siko sa mga binti niya. "Oh, I think someone is jealous." He said in a playful voice.

"Kung pumunta ka rito para sa hindi importanteng bagay, might as well leave. May trabaho pa tayo bukas." Ani ko at tumayo sa kinauupuan ko. Tumalikod ako sa kanya pero mabilis niya akong napigilan at hinawakana ang aking kamay.

Hinarap niya ako sa kanya, nanunuyo ang mga mata. "Come with me, Ky." He whispered.

"Why Ryu? Why should I?" I asked, nanghihina ang boses dahil sa pagkakahawak niya.

He smiled and lumapit ang bibig niya sa tenga ko at bumulong, "I am going to make you say yes to me, baby."

Nagtayuan ang mga balahibo ko. His breath on my skin is sending electric waves to my whole body. Hinarap niya ako at nagsalitang muli. "Pack your things. Mine is already in the car. Will go and spend time together." Lambing na sabi niya.

Tumango ako na parang nahipnotismo sa maamo niyang boses. He chuckled when he saw me nod. Bago ako tuluyang pumunta ng kwarto, binaling kong muli ang atensyon ko sa kanya. "Where are we going, exactly?"

His eyes full of excitement, "The Cove." he answered.

Dumiretso ako sa aking kwarto at kumuha ng isang Valentino duffle bag. I went through my closet when I heard a knock on my bedroom door. "Pasok." I shouted. Pumasok si Ryu at umupo sa kama ko. Habang ako naman ay naghahanap ng pwedeng iempake.

I packed some dresses, 3 pairs of bikinis, sleeping clothes, essentials, and slippers. I was busy packing the bikinis I picked when Ryu held my waist and pulled me to him sanhi nang pagkakaupo ko sa kandungan niya.

A pair of bikini in my hands as he tightened his arms around my body. Natigil ang hininga ko when he took the bikini. "Baby, the last time you wore a bikini, all eyes were on you."

Hinawi ko pabalik sa kamay ko ang bikining inagaw niya, "The Cove is a resort, Ryu, ano ang iniexpect mong susuotin ko habang mag-swimming, pajama?" matapang kong protesta sa kanya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kandungan niya. "Now, let me finish packing para makaalis na."

Napailing siya sa sabi ko but he smiled at me. Tinapos ko ang pag-eempake. Ryu is now in the living area watching some tv while waiting for me. I took a quick shower before I headed out my room.

Sinuot ko ang puffed sleeve cropped top ko and a high waisted shorts. Ryu stared at me pero hindi siya nagsalita. He took the bag frommy hands and we headed to the door.

Dumiretso kami sa kanyang kotse at nagsimula nang bumyahe.