We checked out at the villa and headed to the parking. Sumama ako kay Ryu. He opened his car door for me at sumakay din naman agad ako. Naunang umalis sila Kuya Ernesto at sumunod kami ni Ryu.
I can feel the awkwardness between us as he was driving. I decided to break the ice and apologize for getting drunk last night.
"I am sorry for what happened last night." I said while staring straight at the road. Kahit hindi ko maalala lahat pero I feel embarrassed especially sa part na sumuka ako. Napailing ako sa iniisip ko when the car stopped dahil nakared ang traffic light.
Ryu is now staring at me. Halo halo ang emosyon na nakikita ko sa mga mata niya, disappointment and concern are evident. He smiled a little. Then the light went to green.
Nanatili akong tahimik habang nagmamaneho siya. Medyo magiging matagal ang byahe at medyo sumasakit na naman ang ul ko. Hinawakan ko ang ulo ko nang makita ko sa gilid ng mata ko na nilingon ako saglit ni Ryu.
"Are you okay?" punong puno ng pag-aalala ang boses. "Medyo sumasakit lang ang ulo ko." Sagot ko nang nakangiti.
He reached for my hand and held it. Hinimas ng hinlalaki niya ang kamay ko habang nagmamaneho siya. Parang natigil ang hininga ko sa ginagawa niya pero di ko magawang bawiin ang kamay ko sa pagkakahawak niya. I feel calm now that he is holding me.
Ryu just held my hand and I let him. Sinandal ko ang ulo ko sa headrest ng sasakyan niya at nakatingin lang sa bintana.
"Do you want to play some music to ease your headache?" tanong ni Ryu. I nodded at dinampot ang cellphone ko sa bag para maikonekta to sa bluetotth ng kanyang sasakyan. Pinatugtog ko ang isang playlist na nakasave sa cellphone ko.
Nanatiling nakahawak ang kamay niya sa akin sa buong byahe. I drifted to sleep para na rin maikalma ko ang sakit ng ulo ko. Ginising lang ako ni Ryu when he parked at the basement.
"Wake up now, we are here." Lambing na paggising sa akin ni Ryu. Minulat ko ang mga mata ko at inayos ang pagkakaupo. Bumaba siya ng sasakyan para mabuksan ang pinto para makalabas ako. Kinuha niya ang duffle bag sa likod.
Hinawakan niya ulit ang kamay ko nang magtungo kami ng elevator. Hinayaan ko lang siya. Nang nariyan na ang elevator ay pumasok kami at sa loob and he pressed the button to where my unit is.
Tumunog ang elevator at bumaba na kami. Binitiwan ko ang kamay niya to find my keys. The door is lock, maybe Cece won't be home tonight.
Nang mabuksan ko ang pinto, nilingon ko si Ryu. Inabot niya sa akin ang bag ko. "Take a rest." Ani Ryu. He was about to leave when I called him. "Ryu, you want to s-stay for dinner?"
His face lit up at tumango siya. Pumasok kaming dalawa sa condo at nilapag ko ang aking bag sa sofa. I immediately went to the kitchen para maghanap ng pwedeng mailuto only to find out na wala na pala kaming stocks ni Cece.
Umupo si Ryu sa high chair malapit sa kitchen countertop and he saw my face when I checked the refrigerator. "You mind if we just order food?" tanong ko.
Umiling siya. "No, that's okay. We can just order our dinner." "Okay, what would you like tonight?"
"Pizza sounds good. You?" he suggested. Tumango ako. I called the place that sells the best pizza around. I ordered a large one with drinks and the delivery will be after fifteen minutes.
Umupo ako sa tabi ni Ryu pagkatapos kong tumawag para sa order namin. Hinarap ako ni Ryu na ngayon ay nakangiti. "Your head, is it okay now?" Tumango ako at ngumiti sa kanya.
"I am sorry if I was a handful last night. Malakas ata talaga ng mga nainom ko that it made me so drunk."
Nanatili siyang tahimik. "Sorry dahil sa sobrang kalasingan ko, umuwi tuloy tayo ng maaga. Pati sla Jigs and Rav na dapat ay nag-eenjoy pa sa party. Sana hindi sila nagtampo at nagalit na napaaga ang uwi natin." Dugtong ko.
Hindi pa rin siya sumasagot. "Thank you pala dahil you left that part out when you told Mommy and Daddy that we partied." Ani ko na pilit tumatawa para matawa rin si Ryu at mawala ang katahimikan na bumabalot sa anyo niya.
He stood up, went to the refrigerator, grabbed a pitcher of water, and took out two glasses from the cabinets. Bumalik siya sa pagkakaupo niya sa tabi ko at binuhusan ng tubig ang dalawang baso. Inabot niya ang isa sa akin habang ininom niya ang isa.
"Sina Jigs at Rav and nagkwento sa kanila. I just listened." tipid niyang sagot sa akin.
I drank the water he gave me. "Ah, ganoon ba. Buti na lang talaga." patawa kong sagot. Nakatitig sa akin si Ryu ngayon. Inabot niya ang kamay ko at hinawakan ulit. Pinagsiklop niya ang aming mga daliri.
"Hindi nagtampo sila ni Jigs and Rav sayo." He said. Nagpakawala ako ng malalimna hininga. "Buti naman kung ganoon. Nag-iisip ako baka nagtatampo sila dahil naudlot ang pagpaparty nila gawa ko."
Nakangiti ko siyang hinarap when he cupped my face. "But I did." he said in a husky voice. Nanlaki ang mata ko at nanigas ang katawan ko sa pagkakahawak niya sa mukha ko. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko ngayon nang biglangmay nagdoorbell.
Saved by the bell. Nagmadali akong tumayo at tumakbo patungong pinto. Inabot ko ang pizza sa delivery guy pati ang bayad. Sinara ko ang pinto at bumalik sa kitchen. Inilahad ang pizza.
"Let's eat." Aya ko sa kanya para maiba ang pinaguusapan namin. Nakangiti ng kontisi Ryu habang kumukuha ng isang slice ng pizza at inabot sa akin. I took it and took a bite. We both eat until we are full. May natira pang tatlong slice at hindi na namin maubos.
"Ang busog ko. Ikaw?" tanong ko kay Ryu. Tumango lang siya habang iniiom ang softdrinks na kasama sa order namin. Sinara ko na ang box ng pizza at itinabi ito.
Inaya ko si Ryu na manood muna ng telebisyon. Umupo ako sa sofa at sumunod si Ryu sa akin. Tinabihan niya ako. Kinuha ko ang remote sa center table at pinaandar ang telebisyon. Dumiretso ako sa netflix at tinanong si Ryu kung ano ang gustoniyang panoorin. Kahit ano lang daw ay okay sa kanya.
So pinili ko na lang ang medyo action na movie kakarelease lang. We stayed seated at the sofa. Nilagay ni Ryu ang kamay niya sa sandalan ng sofa sa likod ko. I stiffened at his action pero hindi ako nagpahalata.
Nanatiling nakadiretso ang tingin ko sa pelikulang pinapalabas kahit na ang totoo ay wala naman akong naiintindihan dahil okupado ang utak ko sa kamay niyang nasa sandalan ng sofa.
Inangat niya ang kamay niya at hinawakan ang pisngi ko para harapin siya. Hindi makatingin ng diretso ang mga mata ko sa kanya. "Please look at me." Lambing na pakisuyo niya.
Unti-unti kong inangat ang tingin ko sa kanya. Nilapit niya ang noo niya sa noo ko. "Please, baby, don't get drunk with another man again. Also, don't take off your clothes in front of another man as well."
Napanganga ako. Okay, alam kong nalasing ako kasama si Eli pero to take off my clothes in front of a man? Is he crazy? Kailan ko ginawa iyon?
Nilayo niya ang noo niya sa akin at tinitigan ang mukha ko. Siguro nakita niya ang pagkalito sa mukha ko. "You were too drunk last night and wanted to go in the swimming pool with that guy. You took off your top and your skirt in front of him. Tanging bikini mo na lang ang natira at lahat ng tingin ng mga lalaki ay nasayo kagabi. Damn, I was about to punch him when he removed his clothes and almost lost it when he touched you."
Nabigla ako sa rebelasyon niya. Hindi ko maalala iyon. Ang alam ko lang ay umiinom kami ni Eli malapit sa pool at nagkukuwentuhan. Ganoon ba kalakas ang tama ko.
NIlipat ni Ryu ang kamay niya sa likod ng ulo ko at inilapit niya ang kanyang mukha sa tenga ko. "Promise me, you won't get drunk with another man, baby."
Tumango ako at hinarap niya akong muli. He planted a soft kiss on my lips at tumayo na. "I have to go. If I stay, baka di na kita mapakawalan."
"Okay." Tanging nasagot ko lang. He found his way to my door and said goodbye and goodnight. Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinara pabalik ang pinto at nilock ang pinto. Hinawakan ko ang aking labi at napangiti.
Umiling ako at binura sa isip ko ang paghalik ni Ryu sa akin. I turned off the tv and went straight to my room to wash up