Tahimik kaming nasa loob ng elevator. Nang lumabas kami ng elevator ay dumiretso kami sa sasakyan niya. Saktong pagbukas niya ng pinto sa driver's seat at nagring ang kanyang cellphone.
Sinagot niya ang tawag, "Hi, Ianna, I am about to leave the office. I'll be there soon." At isinara ang pinto at lumayo habang kausap yung tumawag, which is, based from what I heard was Julianna, his fiance.
Tinitingnan ko siya sa salamain ng kotse at nakatalikod siya. Patuloy na nakikipagusap kay Julianna.
Bahagyang sumikip ang dibdib ko. Kung may lakad pala sila ng fiance niya ay sana hindi na siya nagrepresenta na ihatid ako.
Humalukipkip ako at inalis ang tingin sa repleksyon niya sa salamin ng kotse niya at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga na sakto naman sa pagbukas at pagpasok ni Ryu sa sasakyan.
Iniwas kong lingunin siya at humarap sa kabilang side ng sasakyan. "Are you, okay?" ani Ryu.
Nakanguso ako ngunit di ko pa rin siya hinaharap. Mukha ba akong hindi okay? Hello? Okay na okay na okay kaya ako. Hinarap ko siya ng nakangiti, "Of course, come on. Let's go, mukhang may lakad ka pa eh."
I saw his lips curved into a smile sa gilid ng aking mata. Hindi na niya ako sinagot at lumabas na kami ng parking lot ng building at tuluyang ng nasa highway pauwi.
Nagising ako sa ingay sa labas. Naupo ako sa kama at nakadama na parang ang nanunuyo ang lalamunan ko. Gusto ko ng tubig. Tatayo na sana ako para makababa agad ngunt pagtingin ko sa gilid ng kama ko kung nasaan ang bedside table ay may isang pitchel ng tubig at baso roon.
Naglagay ako ng tubig sa baso at ininom ko iyon. Patuloy ang tawanan na nariring ko sa baba kaya nagdesisyon akong tumayo nang makaramdam ako ng pananakit ng ulo.
Hinilot ko ang sentido ko nang narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Lumingon ako at nakita si Ryu na papasok na may dalang tray at bowl.
Dahan dahan siyang pumasok at inilapag sa bedside table ko ang tray. Seryuso ang kanyang mukha at tumayo sa pader sa gilig ng kama at humalukipkip.
Nag-angat ako ng mukha sa kanya at ngunit nakita kong nakakunot ang noo niya. Yumuko na lang ako at nakatitig sa sahig nang marinig ko siyang nagsalita, "Please eat. Come down after you're done. Our parents are here already and they wanted us to go to the beach for lunch later." Tumango ako pero nanaitiling nakayuko. Naramdaman kong gumalaw siya para mag-squat sa harap ko at para maharap ako sa kanya. His anger in his eyes is evident. I tried to look away but he cupped my face, "Sorry for last night." Ani ko.
He smirked, "Sorry for what?"
Last night was a blur, I only remembered na sunod sunod ang paghingi ko ng inumin kasama si Eli. Everything else faded, the heck, I don't even remember how we got home.
Hindi na ako nakasagot at nanatiling nakatitig kami sa isa't isa.
He leaned in and whispered to my ear, "Don't get drunk with another man again." Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya. Hinarap niya akong muli at magkalapit ang aming mukha nang biglang bumukas ang pinto.
"Ooops, I didn't see anything." Si Jigs at biglang tumalikod sa amin.
Ryu grinned and stood up. He headed for the door, completely ignored his brother at lumingon ulit bago tuluyang lumabas, "Eat."
Nararamdaman ko na nag-iinit ang aking mukha. Jigs smiled from ear to ear at lumapit sa akin. Umupo siya sa kama ko.
"Masarap ba?" ani Jigs. Tinusok ko siya ng aking mga titig when he continued saying, "Yung dala ni Kuya ang tinutukoy ko kung masarap ba. Ano ba iniisip mo?" tanong niya na abot tenga pa rin ang ngiti.
Binanta ko siyang suntukin ngunit agad siyang nakailag at tumayo. He headed for the door, laughing. "Kain ka na daw. Baba ka when you're done. We're going at the beach." Tugon ni Jigs at lumabas na habang kumakaway-kaway pa.
Binaba niya ako sa tapat ng building ko. Nagpasalamat ako sa kanya at bumaba na. "Sorry, di na kita mahahatid sa taas, may importante lang akong lakad. Pasok ka na, lock your doors." Pagpapaliwanag niya.
Nginitian ko siya bago sumagot, "It's okay." Tinalikuran ko siya at dire-diretso akong pumasok ng building.
I heard the car engine roared when I am inside the building. Nagtungo ako ng elevator at pinindot ang up button. Nang magbukas ang pinto ay pumasok at na ako at pinindot ang floor kung nasaan ang unit ko.
Nang magbukas ang elevator, bumaba ako at kinapa ang susi sa aking bag. Binuksan ko ang pinto ng aking condo at pumasok na. I turned on the light when my phone beeped. Si Ryu.
Ryu: Are you inside your condo?
Nagtaas ako ng kilay. Oh, akala ko ba importante ang pupuntahan mo. Bakit ka pa text ng text. I headed to the kitchen countertop at nilapag ang bag ko. Naupo ako sa high chair at nagtipa ng irereply.
Ako: Yes, you?
Ryu: Good. Nope, I am in a meeting.
Meeting? Sinungaling. Kasama mo si Julianna. Wag ako.
Ako: Okay.
Hindi na siya nakapagreply. Tumayo ako at binuksan ang aking ref at naghanap ng pwedeng mailuto. My phone beeped again. I ran to it to see who the message came from.
It was Cece. Bahagyang nadisappoint ako pero binuksan ko ang mensahe galing sa kaibigan.
Cece: Are you home? Let's go out and get drunk tonight. Kira is picking me up.
Kira is our friend and we met years ago. She lives on the same building as we are with her brother. Bagong lipat sila noon and she was carrying a lot of stuff nang maabutan siya namin ni Cece. We helped her and her brother with their things. After noon, palagi na kaming nagsasabay sa elevator hanggang sa naging close kaming tatlo and she would usually sleep in our unit. THhey moved after 2 years but we still get to see each other monthly to hang out and party.
I smiled and started to type. I know it's a weekday pero I want to have fun. Alangan naman si Ryu lang ang masaya ngayon.
Ako: Alright, let's have fun tonight. Let me just change. Where are we meeting?
Cece: That's my girl! We will pick you up instead. Be there after 30 minutes.
Nagmadali ako papunta ng kwarto ko at nagshower. When I was done, I went to my closet and namili na ng susuotin.
If it's a drunk night Cece wants, we're gonna get it. As I scanned my dresses, I found my black square top bodycon backless dress. I put it on and scanned myself in the mirror. I applied some makeup and put on some red lipstick. I wore my Jimmy Choo Glitter stiletto and I am good to go. Hindi pa nag-trenta minutos ay narinig ko na na bumukas ang pinto.
I hurriedly went out the room and found Kira and Cece. We hugged and laughed before heading out. I locked the doors and bumaba na kami sa parking. We headed to a high end bar in Makati. We went inside the place and got ourselves a table. Nagorder ng maraming drinks si Cece.
I was shocked sa dami ng dumating na alak and come to think of it, may trabaho pa kami bukas. Kira didn't argue with the amount of alcohol we have. So I just shrugged it off.
"Cheers!" sigaw ni Cece and the three of us did. We were enjoying oursleves and nagkukuwentuhan when Cece started to pour her feelings out.
Nag-away pala sila ni Leo kaya nag-aya siyang uminom. Napailing kaming dalawa ni Kira and now we understand why she ordered way too many drinks.
Her phone rang. Pinakit niya sa amin ang screen ng cellphone niya and it was Leo. "See, this? Now he is calling. Screw him!"
But then, she answered the call. Pasigaw niyang kinakausap si Leo sa kabilang linya sa kadahilanang masyadong malakas ang music. "What do you want, Leo? I'm with Kira and Ky. Stop calling me. Baka nakakalimutan mo magkaaway tayo ngayon. Of course, it's loud, we're at a bar! No, I will not go home! Solohin mo yang condo mo ngayon at hindi ako uuwi diyan. Bahala ka!"
Nagtinginan kami ni Kira. Sanay na kami kay Cece. She is spoiled at ayaw niyang kinokontra siya. Buti na lang at napakapasensyoso ni Leo sa kanya.
"Ano ba pinag-awayan niyong dalawa? You too are getting married soon." Si Kira.
"Yun na nga. Ikakasal na kami in 5 months pero inuuna pa niya trabaho niya, panay overtime pa. Pagdating sa bahay palaging pagod. Pag pupunta kami ng mga dapat puntahan para sa preparation ng kasal namin, kahit magkasama kami, trabaho pa rin inaatupag. He is always on a client call. We can't even decide for the cake!" sagot ni Cece at humalukipkip.
"You have to understand, Leo. Syempre, kumakayod siya ng doble-doble para sa future niyo. Para mabigyan ka ng magandang buhay." Pagpapaintindi ko kay Cece. Tumango naman si Kira.
"I don't want to talk about it now. Let's just get drunk and party!" at inangat ang kanyang baso bago ininom ang laman. Then she stood up and heade to the dance floor and danced her feelings away.
Kira and I drink the alcohol from our glasses as well. We were drinking and laughing when a guy came to Kira at inaya siyang sumayaw. Of course, she is up for it. Tumayo siya at iginaya siya ng lalaki sa dance floor. They were dancing to each other as their bodies touched.
Naiwan ako sa table and drank the alcohol from my glass.
My eyes drifted to the couple making out across our table. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino iyon, it was Jigs.
Nang matapos silang maghalikan, nakalingon si Jigs sa bandang table namin and then he saw me.
He waved and smiled at me. I Waved back awkwardly. Then they both stood up, hila hila ni Jigs ang babae habang nakahawak siya sa palapulsohan nito.
Naglalakad sila patungo sa amin. When they reached at our table, iginiya ni Jigs ang babae sa upuan at tumabi sa akin si Jigs.
Lumapit ako sa kanya at bumulong, "I thought you're going out with Alexa?" He smirked and whispered his answer, "Not anymore."
Napailing ako sa sinabi niya. Jigs has always been a playboy even when we were in college. Kung makapagpalit ng girlfriend, akala mo nagpapalit lang ng damit.
"Oh by the way, this is Amare. Amare, this is my good friend Ky." Si Jigs habang iniintroduce niya kami sa isa't isa.
I smiled at Amare and she smiled back. The music was too loud now kaya medyo napataas ang boss ni Jigs nang tinanong niya si Amare, "Do you want to stay for awhile? Or would you like us to go now?"
Ngumiti si Amare kay Jigs at sumagot, "No, let's go now." Nakita ko ang ngisi ni Jigs na abot hanggang tenga. He reached out his hand to Amare and she held it. They both stood up, nagpaalam sa akin, and off they went.