Chereads / ROSE'S THORN PHR / Chapter 7 - CHAPTER SEVEN

Chapter 7 - CHAPTER SEVEN

"DAMN that woman!" sigaw ni Thorn nang makabalik siya sa Isla Mi Amante. All he saw was red. Parang lahat ng gumagalaw sa paningin niya ay gusto niyang suwagin sa sobrang inis niya. That crazy woman has just turned him into a crazy beast.

"Hey, what happened?"

Napalingon siya sa lalaking ang tanging ipinagkaiba lang sa hitsura niya ay ang suot nitong damit at labi nitong walang nunal. Those same coal black eyes bore onto him with that skeptical look. Mas huling lumabas ng ilang minuto ang kakambal niyang si Exodus Briar kaya kuya ang turing niya rito. Presnte itong nakaupo sa sala, may hawak na dyaryo habang kumukutkot ng pinakamamahal nitong prunes.

They were at Isla Mi Amante, an island owned by Baileys' Family. Nakilala at naging kaibigan niya si Baileys noong college palang sila ni Exodus Briar. He and his twin grew up in Manila—doon nila nakilala si Baileys. Right after college, they stayed in New York, upang samahan ang kanilang abuela matapos masawi ang mga magulang nila sa isang plane crash.

One week ago, they have decided to have a short vacation in the Philippines. Baileys, being a good friend, invited them over at his place. Who were they to decline? Napakaganda ng isla ng mga Ricaforte. Tahimik at sariwa ang hangin sa lugar.

At maraming magagandang babae sa paligid. Sa ilang araw na pamamalagi niya at naka-tatlong chicks na siya. He scowled when a crazy girl he abhorred popped into his mind. Oo at maganda ang babaeng iyon, but she was crazy enough to be locked up into the jungle.

"Nakagat ako ng aso," inis na sagot niya.

Exodus Briar looked at his shoulder but didn't bother to comment to his obvious lie. "Are you okay? Nagpa-ospital ka na ba?" hindi nito napigilang itanong.

He suppressed a smile. Bihirang mag-alala sa kanya ang kakambal. "I'm fine, Exo."

"Good," tipid nitong wika bago itiniklop ang binabasang dyaryo.

Naglakad siya patungo sa kusina upang kumuha ng ice para sa nanakit niyang balikat na kinagat ni Rose kanina. Naramdaman niya ang pagsunod nito.

"Huwag mong sabihing may kasunod na nakatutuwang kwento iyong babaeng nanampal sa `yo sa restaurant kagabi?" interesadong ungot ng kanyang kakambal na kumuha ng isang baso ng malamig na tubig mula sa ref. "I shant miss this," kunwa'y ngisi nito.

He glared at his brother. With an aggravated voice, he showed him his bruised shoulder. "Look at what she did to me! That woman is crazy!"

"You must be kidding me," hindi makapaniwalang napahagalpak ito ng tawa. "Ibig mo bang sabihin ay nagkita ulit kayo?"

"That girl knew Baileys. Can you believe it? Siya pala ang may-ari ng suking flowershop ni Baileys. Iyong madalas ikwento ni Baileys na pinagbibilhan niya raw ng bulaklak na ibinibigay niya kay Misha?" ismid niya. Nilagpasan niya ito at naglakad papanhik sa kanyang kwarto. Exodus Briar hurriedly trotted behind him.

"So, what happened?" excited pang tanong nito.

"Will you leave me alone?" angil niya.

"Damot!" ngisi nito bago isinara ang pinto sa kwarto niya nang makapasok sila.

Napalingon siya sa kanyang kakambal. Batid niyang kahit ano'ng gawin niya ay hindi siya nito titigilan hangga't hindi niya sinasabi rito ang nangyari kaya napabuntong-hininga na lang siya. "Alam mo bang kinagat ng babaeng iyon ang dila ko?" salubong ang kilay na tanong niya bago lumapit sa kanyang kama at tsaka naupo roon. He put the ice pack on his shoulder.

"Dila?" Exodus Briar's eyes widened in disbelief. "Ibig mo bang sabihin ay…"

"Of course we kissed. How elese could she bit my tongue?" he smirked. His voice came off with a smooth hint of pride, something he didn't comprehend as to why he sounded like a lottery winner. He was a fool. Para namang first time niyang makahalik ng babae.

His rage came back with vengeance. His brows knotted. "And just a few hours ago, she bit me here," turo niya sa kanyang balikat. "May lahi yatang aso ang babaeng iyon."

Unti-unting napangisi si Exodus Briar, sa hindi niya malamang dahilan. "She did that?"

"Tuwang-tuwa ka pa?" asik niya.

"I just find it odd. Pakiramdam ko kasi, magkikita pa ulit kayo ng babaeng iyon."

"According to Baileys, her name's Rose. At talagang magkikita pa kami ng babaeng iyon dahil babalikan ko siya para paghigantihan. Nobody messes with me and goes away with it! Wala akong pakialam kung kakilala pa siya ni Baileys," ngitngit niya.

"That's my brotha! Alam kong wala kang pinalalampas. Kaya nga excited na akong malaman kung ano ang susunod na mangyayari sa inyong dalawa. Tell me, ano'ng balak mo kay Rose? At paano mo naman iyon paghihigantihan?" nakakalokong tawa ni Exodus Briar.

Nalukot ang ilong niya sa tanong nito. He was never childish. In fact, sa kanilang magkapatid, siya ang mas matured mag-isip. He was shrewd, yes. He always acted on what might benefit him or his company. He never acted on impulse.

But ever since he met that crazy woman, all his sanity flew away. Sa tuwing nakikita o naiisip niya ito ay nalilito ang isip niya. He couldn't think straight. Parang makina ng kotseng nababad sa tubig ang utak niya, biglang nagso-short circuit. Ang mga mali ay nagiging tama para sa kanya—makaganti lang siya at maibsan lang ang inis na nararamdaman niya para sa dalaga.

He was a master of his emotions. Kaya ipinagtataka niya kung bakit pagdating sa babaeng iyon ay hindi niya magawang rendahan ang kanyang emosyon. One look from her and all of his senses grew wild. Tipong para siyang nakalaklak ng isang bote ng whiskey, pinapanawan ng ulirat. At paggising niya ay sangkot na naman siya sa isang gulo. Hindi niya matanggap na ang lahat ng pagkalitong nararansanan niya ay dahil lamang sa isang babae.

"I still don't know. Basta gagawa ako ng paraan para makaganti sa babaeng iyon."

Exodus Briar shook his head. "You're not my twin brother. Ibalik mo ang kakambal ko."

He scowled at Exodus Briar. "Shut up!"

His brother chuckled. "Hindi kaya siya na ang karma mo sa lahat ng mga kagaguhan mo sa mga babae?"

"Bakit sa tuwing may hinihiwalayan ako ay sa akin laging nabubunton ang sisi? All the girls I've dated knew the score even before we start dating! We had a deal! Kaya bakit ako pa ang may kasalanan gayong sil naman ang nagkamaling ibigin ako? Sa simula palang ay alam na nila na hindi ko sila kayang mahalin. The world is so unfair! Mga babae ang laging naidi-deklarang biktima pero ang totoo, tayong mga lalaki naman talaga ang walang kasalanan."

"Hayaan mo bro, kapag ako nanalo bilang Senador, dadalhin ko ang himutok mo sa Senado," natatawang tinapik ni Exodus Briar ang balikat niyang walang pasa. "Or maybe, she could be your destiny," pang-aasar nito. His twin brother knew how he abhorred that word.

Inis na tinapik niya ang kamay nito. "Cut the crap, Exo! Don't push the red button or you'll regret it," banta niya rito.

Nawala ang nakakalokong ngisi nio. Exodus Briar became serious. "Did you know that Lola Pam called?" Of course, kapag palpak na destiny ay ang Lola Pamela nila agad ang sumasagi sa isip nila. Their grandmother had a very unfortunate experience about believing such.

"When?" kunot-noong tanong niya.

"Just this morning. Bago kayo umalis ni Baileys papunta sa bayan."

Their grandmother was still in New York. Ang huling pag-uusap nila ay nauwi sa samaan ng loob dahil hindi ito pumayag na bumalik sila ni Exodus Briar sa Pilipinas. Hindi lingid sa kaalaman nito ang balak nilang kambal na magpatayo ng business sa Pilipinas. Their grandmother hated it. Ayon dito ay nasa New York ang buhay nilang tatlo. But he knew better than anyone else that it was a lie. He was a Filipino. He wanted to stay where he came from.

New York was a beautiful place. He'd lived almost half of his life there but Philippines was his home—it would always be. Kaya hindi na dapat magtaka ang kanilang abuela na nais nilang bumalik sa Pilipinas where most of their friends and family live. Malaya rin silang kumilos sa Pilipinas, hindi kagaya kapag nasa New York sila.

"W-what did you say to her?" anas niya.

Exodus Briar shrugged. "I told her that we're fine. Alam mo naman si Lola, lagi na lang nag-aalala. And don't worry about her. She's fine too."

"Are we being unfair, bro?" naitanong niya.

They both loved their old woman. Ito ang pinakamahalagang tao sa buhay nila. But they have their own lives too. They have given their grandmother almost half of their lives, hindi ba pwedeng pagbigyan muna nila ang mga sarili nila?

"I don't know," Exodus Briar sighed.

"Did you tell her where we're staying right now?"

Hindi nito nakilala si Baileys. Their grandmother has already migrated to New York even before they were born in the Philippines. Sa Pilipinas sila lumaking magkapatid dahil doon naman nakabase ang negosyo ng kanilang yumaong ama. But when their parents died in a plane crash after college, they flew to New York and stayed with their grandmother.

"I didn't have the chance to say it," iling nito. "Tatawag daw ulit siya. Hindi ko na nasabi kasi mukhang masama pa rin ang loob niya eh. Nangamusta lang daw siya." When he heaved a heavy sigh, Exodus Briar tapped him on his shoulder. "Don't worry about Lola, ako na ang bahala sa kanya. I'm flying back to New York tonight. I'll talk to her," alo nito. "At tsaka para makapag-concentrate ka sa paghihiganti mo sa bulaklak ng buhay mo," natatawang bawi nito.

"Siraulo!" he snapped, almost laughing.

"Ang dami mo na ngang problema, dinagdagan mo pa nang dahil sa isang chicks. Ikaw na ang matindi, bro! Diyan ka na nga!" natatawang wika nito bago umalis.

Naniningkit ang mga matang pinanood niya ang paglisan ng kanyang kakambal. People may call him childish for what he had in mind about Rose, but that crazy woman has stepped on his male pride. And as a normal male specie, it mattered to him—big time. Hinding hindi siya makakatulog ng maayos hagga't hindi siya nakakaganti sa babaeng iyon.

He needed to see her, so he would. Que gumawa pa siya ng mababaw na rason para lang makita ito ay gagawin niya. At sisiguruhin niyang sa muli nilang pagkikita ay ito naman ang makadarama ng nag-uumapaw na inis dahil naisahan niya ito. He grinned deviously.

His vacation in the Philippines wasn't that bad, afterall. He just found a new playmate.