Chereads / ROSE'S THORN PHR / Chapter 10 - CHAPTER TEN

Chapter 10 - CHAPTER TEN

MAGKAPANABAY silang napatutop ng bibig ni Misha. Nang mga sandaling iyon, lalo na nung nakita niyang tumango si Misha at halos patakbo itong lumapit kay Baileys ay hindi niya napigilang mapaluha. Daig pa niya ang nabasted, ang nasampal ng left and right.

Baileys was her dream guy, ang tanging lalaking pinangarap niyang makasama habangbuhay. Her first love. Ang sakit sakit palang makita ang taong pinapangarap mo na masaya sa piling ng iba. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nasaktan ang puso niya.

Ang tanga niya. Noon niya napatunayan na isa siyang dakilang ilusyonada. Natigil siya sa pag-iyak nang biglang may humawak sa kamay niya. Mabilis niyang pinahid ang mga luha sa pisngi. Nagtatanong ang matang napatingin siya sa taong humawak sa kamay niya.

"T-thorn?" hindi makapaniwalang anas niya.

Napatingin siya sa paligid nila. All eyes were on Baileys and Misha who were happily hugging each other by then. She didn't want to see that scene. Hindi niya kaya. But she couldn't move. Para siyang tuod habang pinapanood ang pagkawasak ng puso at pangarap niya.

Napasinghap siya nang walang salitang hinila siya ni Thorn palayo roon. Dahil wala ng lakas, hinayaan na lamang niya ito. Nanatili silang tahimik kahit na noong makarating sila sa isang tahimik na bahagi ng flower farm. Binitiwan nito ang kamay niya.

"B-bakit mo ako dinala rito?" tanong niya matapos ang ilang tahimik na sandali.

"Wala lang," pasupladong sagot nito.

Napalabi siya. "Nice answer. Ang tino mo talagang kausap," irap niya rito. Bagamat naiinis siya rito ay hindi niya napigilang lihim na magpasalamat sa pambu-bwisit nito sa kanya. At least, nagawa niyang makaalis sa lugar na iyon na hindi siya nagmumukhang katawa-tawa. Ang totoo ay hindi niya alam kung paano siya aalis kanina nang hindi siya gumagawa ng eksena.

"I hate parties like that," mayamaya'y sagot nito. "Kinikilabutan ako."

Duda siya sa isinagot nito. Hindi niya alam kung ano'ng klaseng masamang espiritu ang bumulong sa kanya pero nang mga oras na iyon ay isang anghel at hindi isang demonyo ang tingin niya rito. Her Knight in Shining Armor. Napayuko siya. Siraulo.

"W-wow," ang tanging nasabi niya.

Unti-unti ay parang milagrong nawawala ang bigat sa dibdib niya. Pasimple niyang pinunasan ang kanyang luha. Lalo siyang napipilan nang sinalubong siya ng isang nanunuring tingin nito. Gusto niyang matunaw sa sobrang kahihiyan dahil nasaksihan nito ang isa sa pinakamasakit at pinakanakahihiyang bahagi ng buhay niya.

Inihanda niya ang kanyang sarili sa pang-aasar nito. It would be a good chance for him to stomp her pride on the ground. Ngunit lumipas na ang mahabang sandali ay hindi pa rin siya nito pinagtatawanan. Alam nitong nasasaktan siya dahil sa ginawang pagtatapat ni Baileys sa ibang babae ngunit bakit hindi nito pinagtatawanan ang kamiserablehan niya?

"May gusto ka ba kay Baileys?"

Hindi niya inasahan ang direktang pagtatanong nito kaya para siyang napatitig sa mga ahas ni Medusa nang mapabaling siya rito. She instantly avoided his gaze.

"M-mind your own business," talikod niya rito.

"Kapag nalaman ni Baileys na gusto mo siya at nasaktan dahil sa pagpo-propose niya kay Misha, tiyak na magi-guilty iyon. Mahihiya siya sa `yo at—"

She spun around and glared at him. Oh, how she wanted to kill him through her fuming glares! But the raw emotion she found in his eyes, which by the way she couldn't put a name on, made her feel awakward. Bigla tulong siya napayuko. "I hate you!" she whispered.

Thorn exhaled heavily, stuffed his hands on his pant's pockets and stared at the starry sky. Dahil sa pananahimik nito ay napaangat siya ng mukha. Tumambad sa kanya ang seryosong mukha ni Thorn. It was the first time she'd seen him look that serious. Iyon bang parang may malalim itong iniisip bukod sa paghihiganti sa kanya.

"Do you love Baileys?" seryosong tanong nito.

She was thinking of snapping at him for invading her privacy. Gusto niyang ipamukha rito na wala itong karapatang panghimasukan ang buhay niya—lalo na ang buhay pag-ibig niya. Ngunit sa hindi niya malamang dahilan ay hindi niya magawang singhalan ito.

Maybe it was because of how innocent he'd asked her. O baka naman dahil iyon sa halo-halong emosyong nababanaag niya sa mukha nito. He looked confused…and frustrated. She sighed. Would it be funny if she talked to him heart to heart?

"I don't know," she managed to answer. Mapait siyang napangiti. "A-ang totoo kasi, hindi ko pa naman talaga nararanasang magmahal. Well, romantically, I mean," she added hastily. "Basta ang alam ko, nasasaktan akong makita na may ibang kayakap si Baileys. Magiging safe ba ang lihim ko sa `yo?" lingon niya rito.

He remained staring at the sky. Hindi ito sumagot ngunit ipinagpalagay niyang pagpayag ang pananahimik nito. Isa pa, kailangan niyang ilabas ang kung anumang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon dahil kung hindi niya iyon gagawin ay baka masiraan siya ng bait.

"I like Baileys. I've liked him ever since we were young," pagkukwento niya rito. "Ang bait bait niya kasi sa akin. Napaka-gentleman niya. Nasa kanya na ang lahat ng mga bagay na gusto ko sa isang lalaki. Ilang taon din akong nag-ilusyon na darating ang araw na magugustuhan niya rin ako, kagaya ng pagkagusto ko sa kanya. But here I am, umiiyak na parang tukmol kasi naipamukha niya sa akin na hanggang sa pag-iilusyon lang ako," she smiled bitterly.

"In loving, there's always pain. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit may mga taong pinipili pa ring magmahal kahit na alam nilang maaari silang masaktan. Nakakaloko, hindi ba?"

Napatitig siya rito. His query made sense but she knew the answer to it. "Love gives us pain but love cures our pain. Hindi ba't napakahiwaga ng pag-ibig?"

"Pipiliin mo pa rin bang magmahal kahit na alam mong masasaktan ka lang?"

"Naranasan mo na bang gumawa ng isang bagay para sa isang taong espesyal sa iyo para lang makita ang ngiti niya? Kahit na magkandakuba-kuba ka na sa hirap para lang magawa ang bagay na magpapasaya sa kanya eh handa ka pa ring gawin iyon? And guess what, sa isang ngiti niya lang ay mawawala na ang lahat ng sakit, agod at hirap na dinanas mo mapangiti lang siya."

"That's bull—"

"Hindi mo pa iyon nagagawa kahit sa Mama mo? Sa kapatid o sa lola mo?"

Natigilan ito. "W-well, that's different. They're my family!"

"That's true love, Thorn. Hindi man in a romantic way but still, that's true love," ngiti niya. "Hindi mo ba gustong maranasan ang sayang hatid ng tunay na pag-ibig?"

"Kung masasaktan lang din ako, kahit huwag na," he blurted out, disgusted. He raised his palms and shook his head. "No thanks. Ayokong magpakatanga."

"Kahit na alam mong sa iyong pagpapakatanga ay maaari kang maging masaya?"

"I have money, I have my family, I have real friends and I can get every girl I want to have. Ano pa ba ang dapat kong hilingin para sumaya ako, `di ba?" pagyayabang nito.

"True love," maiksing sagot niya.

Sa gulat niya ay bigla itong napahagalpak ng tawa. "That's bullshit. Itigil na natin ang pag-uusap na ito. Kinikilabutan na ako."

"Hindi naman ako cynical sa pag-ibig. In fact, I believe in love. Lalong lalo na sa true love. Kaya nagtataka ako na makakilala ng isang taong hindi hindi naniniwala roon."

"Kung lumaki ka sa buhay na kinalakhan ko, you'll understand why I don't believe in that kind of bullcrap," mayamaya'y seryosong sagot nito.

"P-pwede ko bang malaman kung ano'ng klaseng buhay iyang sinasabi mo?" nahihiyang untag niya. Natigilan ito at hindi magawang sumagot kaya napakamot siya sa ulo. "

W-well, sana naman ay huwag kang mainis kung nagiging masyado akong mausisa. Nagshare din kaya ako ng secret sa iyo. Hindi naman siguro masama kung magkwento ka rin, `di ba? H-hindi ko naman ipagsasabi." Pinamulahan siya ng mukhang nang titigan siya nito ng mataman. "O-okay fine. Kung ayaw mong magkwento eh di—"

"Sa mundong kinabibilangan ko ay hindi totoo ang tinatawag ninyong "true love."

"B-bakit?"

"Dahil sa mundo ko ay hindi tinatanggap ang pag-ibig. Everything is just plain business. Kahit ang kasal, business venture lang din para sa amin."

"Parang sa mga pelikula. Totoo pala iyon?"

"Unfortunately, in my family's case, yes, it's true. My grandmother was a Dio Grande. Kilala ang pamilya nila bilang isa sa mga pinakamayaman sa kanilang lugar. Siya ang nag-iisang anak sa pamilya nila—ang nag-iisang tagapagmana sa kanilang kumpanya. She was a hopeless romantic. Naniniwala siya sa tunay na pag-ibig at tadhana."

"Hanggang sa makilala niya ang isang lalaking nagpatibok sa kanyang puso. He was just a commoner, isang taong hindi kailanman matatanggap sa mundong ginagalawan ng aking Lola Pamela. Anak siya ng isa sa mga magsasaka sa hacienda nina Lola. Eventually, they fell in love with each other. Ngunit mariin iyong tinutulan ng ama ni Lola."

"Hindi matanggap ng pamilya Dio Grande ang lalaking iniibig ni Lola. Sinubukang magtanan ng dalawa. But do you know what happened?" tanong nito sa kanya.

Napalunok siya. "Nahuli sila ng ama ng Lola mo? Tapos pinaghiwalay sila. Ipinadala sa Amerika ang Lola mo tapos ipinapatay o kaya ay ipinakulong iyong lalaki?"

Tumawa ng bahaw si Thorn sa isinagot niya. "No. That bastard ran away. Iniwan niya sa ere ang Lola ko at sumama siya sa ibang babae matapos siyang alukin ng malaking halaga ng ama ng Lola ko. At alam mo ba kung kelan umalis ang walanghiyang lalaking iyon?"

"K-kelan?"

"Sa mismong araw ng kasal nilang dalawa."

Napatutop siya sa sariling bibig. Parang hindi kayang iproseso ng utak niya ang mga narinig mula kay Thorn. "Ang sama naman ng lalaking iyon!"

"You bet. Simula noon ay hindi na naniwala sa tunay na pag-ibig ang Lola. Nagkaroon siya ng isang pilat na hanggang ngayon ay sumasakit pa rin, hindi kayang paghilumin ng mahabang panahon. Pumayag siyang magpakasal sa lalaking itinakda ng ama niya. Iyon nga ang Lolo ko. Though they didn't love each other much, they lived a quiet life."

"And the tradition went on. Nagkaanak sila ng isang lalaki, that's my dad. Eventually, nakipag-isang dibdib din si Papa sa isang babaeng itinakda para sa kanya. Sa isang mayamang babae para lalong lumawak ang kumpanya namin."

"Ibig sabihin, kahit ikaw ay handang magpakasal sa isang babaeng itatakda ng mga magulang mo para pakasalan mo?" hindi niya napigilang itanong.

"If my parents were alive, yes, handa akong magpakasal alang-alang sa kumpanya namin. Ngunit dahil maaga silang nawala dahil sa isang plance crash, ako na ang bahala sa pamimili ng babaeng pakakasalan ko. Unless, my gradmother, who is still alive, would choose one for me."

"Okay lang sa iyo?"

"Why not? Kung alam kong makatutulong sa kumpanya ang pagpapakasal ko sa babaeng iyon, I wouldn't mind."

"Grabe, hindi ko na yata alam ang sasabihin ko sa `yo," bulalas niya.

Natawa ito. "Eh ikaw, maghahanap ka pa ba ng true love?"

"Hindi naman ako cynical sa pag-ibig kaya handa akong maghanap ng lalaking…" natigilan siya upang hanapin ang tamang salita para ilarawan ang lalaking nais niyang makasama habang buhay.

"Nakatadhana para sa iyo?" Thorn said, trying to help her think.

Napaismid siya. "Tadhana? Hindi ako naniniwala sa tadhana ano?"

"You don't? Pero naniniwala ka sa true love?"

"So, kapag naniniwala sa "true love", naniniwala na rin sa tadhana?" sarkastikong aniya.

Mataman siya nitong tinitigan. Ilang segundo ring nagtama ang mga mata nila. Hindi niya alam kung bakit ngunit habang magkahugpong ang mga mata nila ay tila bumibilis ang tibok ng puso niya. Parang biglang lumiwanag ang mukha nito.

Ang mga mata nitong dati'y laging naninilim na animo'y laging galit ay biglang nagningning. Ang mga kilay nitong laging magkasalubong ay naka-relax, ang mga labi nitong laging nakasimangot ay tila nakangiti. There was definitely something different on how he looked at her. Napakurap siya nang mapadako ang tingin niya sa mga pisngi nito.

His white and smooth cheeks were red! Nagba-blush ba ito? Imposible. Nahigit niya ang kanyang paghinga nang mapansing nakatutok sa kanyang mga labi ang matiim nitong tingin. Nang marinig nito ang pagsinhap niya ay biglang naningkit ang mga mata nito.

"At some point, nakakatuwa ka rin palang kausap. Kahit paano ay nakalimutan ko na sinapak mo ako at ipinahiya sa harap ng maraming tao, na kinagat mo ang dila at balikat ko. Tapos ay nagawa mo pa akong ipahabol sa aso mo," mabalasik nitong wika, sabay tawa.

Naningkit na rin ang mga mata niya. Para talaga itong baliw. Salas a init, sala sa lamig. Kanina lang ay napakaganda ng usapan nila, tapos bigla bigla ay nagsusungit na naman ito.

"Bipolar ka ba?" naiiritang bulalas niya. "Pero baka nakalalimutan mo na itinapon mo ang mga rosas ko sa sahig. Kinawawa mo iyong babaeng nagmamakaawa sa `yo. Tapos bigla-bigla kang nagnanakaw ng halik. Tapos nanginginidnap ka pa. Tapos bigla kang bumalik isang araw para bilhin ang flowershop ko na hindi ko naman ipinagbibili!"

Nagkasukatan sila ng tingin, walang balak magpatalo sa isa't isa, hanggang sa nabulabog sila nang biglang sumabog sa kalangitan ang iba't ibang klase ng makukulay na mga paputok.

Pareho silang napatingala sa kalangitang noo'y nagliliwanag na dahil sa iba't ibang kulay na hatid ng mga paputok na pinakakawalan mula sa iniwan nilang pagtitipon kanina. While staring at the beautiful sky, a pang of pain hit her heart.

"Ang swerte ni Misha," malungkot na anas niya. Napatingin siya sa suot na relo.

"Uwi ka na? Ihahatid na kita pauwi," alok nito.

Nabigla siya sa alok nito. Hindi niya dapat kalimutan na magkaaway pa rin sila."Ayoko nga! Baka mamaya i-crash mo pa iyon eh. Madadamay pa mga kapatid ko sa paghihiganti mo."

"Ano ako, murderer?" tila naiinis nitong asik.

"Malay ko ba," she sneered.

"Don't be childish. Halika ka na! Ihahatid ko na kayo." Hinila siya nito pabalik sa flower farm. "Baka mamaya, magpatiwakal ka, kasalanan ko pa. Hayaan mo na muna ako. Isipin mo na lang na may konsiyensya rin naman ako, okay? Matulungin lang talaga akong tao."

Napadako ang tingin niya sa kamay nitong kahugpong ng kamay niya. Funny, but his hand on hers didn't feel bad, not at all. He was supposed to be her enemy, kaya bakit nakadarama siya ng kapanatagan sa tabi nito? Nababaliw na yata siya. O baka naman epekto lang iyon ng pagkabigo ng puso niya? Tama, marahil ay dahil ito lamang ang nagkataong libre at nag-alok na samahan siya sa gitna ng pagdadalamhati ng sawing puso niya.

Ngunit tama bang gamitin niya ito? Parang hindi naman yata tama iyon. Isa pa, hindi niya alam ang tunay na dahilan nito para bigla itong umasta na tila ba "instant" friends na sila. Nakakapagduda pa rin ang kabaitang ipinakikita nito. Tama na iyong pagaanin nito ang loob niya dahil sa pakikipagkwentuhan nito sa kanya at pakikinig sa kwento niya.

Marahan niyang hinila ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak nito. Napatigil ito sa paglalakad at kunot-noong napalingon sa kanya. Mayamaya ay napabuntong-hininga ito.

"Bakit bigla kang bumait sa akin?" she bravely asked.

Akala niya ay hindi na ito sasagot kasi bigla nitong ibinaling ang tingin nito palayo sa kanya. Ngunit ikinabigla niya ang isinagot nito.

"Hindi ako bumait sa iyo. Kasalanan ko ba kung nakikita ko sa iyo sina Lola at Mommy? Nakakainis ka talaga. Bakit kailangan mo pang ipakita sa akin na umiiyak ka? Kaya kahit tuloy ayaw kitang ihatid pauwi ay nakokonsiyensya akong iwan ka na lang dito nang mag-isa."

Dahil sa pagkabigla ay hindi na niya ito napigilan nang muli siya nitong hilain paalis. Nang mga sandaling iyon ay may napatunayan siya: even a "thorn" like him has a heart. Napangiti siya sa kanyang naisip. Mukhang hindi imposible na magkaayos sila.