Chereads / ROSE'S THORN PHR / Chapter 9 - CHAPTER NINE

Chapter 9 - CHAPTER NINE

"MATANONG NGA KITA, Mr. Conteras," aniya habang nakapamewang. "May nakita ka bang nakasabit na For Sale sign sa labas ng flowershop ko? Saan mo nabalitaan na balak kong ibenta ang flowershop na ito?" nagtitimping tanong niya rito.

"I'm willing to offer a generous amount for this little business. Magkano ba ang gusto mo? I can double the price, or even triple it, if you want," kaswal nitong sagot.

Hindi siya tanga para hindi malaman kung ano ang dahilan nito para tangkaing bilhin ang flowershop niya. Hindi niya naisip na magiging ganon ito kababa para idamay ang ikinabubuhay ng pamilya nila para lamang makaganti ito sa kanya.

Did she really piss him that hard to avenge as if she'd murdered his family? Muli niya itong pinagmasdan. By the looks of him, he sure had that "Prince Syndrome." Marami siyang kilalang mga tao na may matatas na pride but the jerk in front of her bagged the first prize!

"Ayaw mo ng offer ko? Name your price," nakakalokong ngisi nito nang hindi pa rin siya sumasagot. He must've researched about her, para maisip nito na ang flowershop ang pinakamahalagang bagay sa buhay. But did he really think she'd give up her flowershop to him?

"Get out," aniya sa mababang boses.

Ayaw niyang patulan ang pang-iinis nito sa kanya. For all she knew, wala naman talaga itong balak na bilhin ang flowershop niya. Tiyak niyang nais lang nitong mang-asar dahil hindi pa rin ito nakakapag-move on sa mga ginawa niya rito. Ngunit kung inaakala nitong magpapatalo siya rito ay nagkakamali ito.

Kung may isang bagay man siyang napatunayan dahil sa pagtungo nito roon na walang dalang atomic bom o Granada, iyon ay ang katotohanang hindi siya nito kayang saktan—physically. And as of hurting her feelings or making her fume, she wouldn't let him walk away with a wide grin on his face. Hindi niya hahayaang manalo ito sa labanan nila.

"Bakit hindi natin ito pag-usapan? I am willing too—"

"I said get out!" sigaw niya. Nang hindi pa rin ito kumikilos upang umalis ay lalong nag-init ang bumbunan niya. "Dracula, chase him out. Now!" utos niya sa alaga. Dracula instantly angrily growled at Thorn, who was at the moment was shocked and couldn't move.

"T-Tell your damned dog to stop," nanginginig na utos nito sa kanya.

"Alam mo bang nakakaintindi ng English `yan? And he hates being cursed in front of his girlfriend. I'll open the door for you. Dahil sa oras na makita niyang gumalaw ka, hahabulin ka niya and who knows what he'd do to you," pananakot niya rito. Napangisi siya nang bigla itong namulta. She's never seen him look that scared. "I should get a camera to capture that face."

"I'll kill you for this, you witch!" he growled, yet still ashen-faced.

Napahagalpak siya siya ng tawa. Ni hindi nito mgawang ibuka ng maayos ang bunganga nito habang nagsasalita ito. He was too afraid to move. Lumuhod siya sa harap ni Dracula. She stroked Dracula's head and kissed him. She cooed at her little friend—her protector.

Sa loob loob niya ay humihingi siya ng tawad sa kanyang alaga. She never wanted to use him that way. Ni minsan ay hindi niya ito tinuruang gumawa ng kahit na ano'ng bayolenteng bagay. Dracula was a very sweet and loving dog. But she had no way of chasing Thorn away.

Isa pa, kapag hindi niya kinontrol si Dracula ay malamang na dambahin rin nito si Thorn—in his own wicked way. Dracula was very protective of her. Seloso ito kapag may lumalapit sa kanyang lalaki. Dracula was her boyfriend. Marahan siyang tumayo.

"On the count of three," baling niya kay Thorn bago naglakad patungo sa pinto.

"I'll really kill you for this!" sigaw nito.

"One…" bilang niya habang binubuksan niya ang pinto. "Two…" Nakakalokong pinaglipat-lipat niya ang tingin kina Thorn at Dracula. "Three!" sigaw niya.

Kagaya ng inaasahan niya ay kumaripas ng takbo si Thorn palabas habang si Dracula naman ay galit na galit na hinabol ang siraulong binata. Halos hindi na siya makahinga sa kakatawa, nanunubig na rin ang mga mata niya nang pumasok sa shop ang mommy niya, kasunod si Nicanor. Parehong nakakunot ang noo ng dalawa.

"Sino ba iyong lalaking iyon na parang nasisiraan habang tumatakbo palabas rito sa shop?" nagtatakang tanong ng mommy niya. "Naku, Nicanor. Huwag na huwag mong iiwang nag-iisa rito sa shop itong si Rose. Delikado na talaga ang panahon ngayon."

Napahagikhik siya nang makita si Dracula na humahangos sa likuran ng kanyang ina. Swerte pa rin ang Thorn na iyon dahil nagkataong may nakadistract sa alaga niya. Kapag nagkataon ay uuwing basang basa ang Thorn na iyon. Napangisi siya.

Hindi niya nasabi kay Thorn na nangangagat lang si Dracula kapag nasaktan ito. Ang tanging gagawin lang naman nito kapag naabutan nito si Thorn ay ang dilaan ito ng dilaan hanggang sa magsawa ito. That was how Dracula always fought.

"A-ATE ATE ATE…" Nakangiting nilingon niya si Daffodil na kanina pa hindi mapakali sa tabi niya. Looking at her sister's dazed expression, she must've been still in shock. "Kurutin mo nga ako," tila wala sa sariling utos nito sa kanya.

"Ako na lang kukurot, Ate," sabat ni Daisy na nasa tabi rin niya. Tinapunan ni Daffodil ang kanilang bunso ng isang nakamamatay na tingin kaya agad itong napatahimik.

Natawa siya sa inakto ng dalawa. Katatapos lang nilang mag-ayos ng party venue na pinagdalhan sa kanila ni Baileys. Halos maghapon din silang nag-ayos. Gabi na ng matapos sila. Ngunit wala man lang silang naramdamang pagod sa ginawa. They enjoyed adorning the place. Puring-puri nga ni Daisy ang lugar eh dahil mala-paraiso raw doon.

Indeed, it was perfect. Naroon sila sa isang maluwang na lupain sa bahaging likuran ng malaking mansion sa Isla Mi Amante. It was like a farm that has a long pathway at the center. Iyon ang inayusan nila at pinuno ng iba't ibang klase ng mga bulaklak. Standing at the center of that flower farm made that feeling more overwhelming. She felt like she was in a fairytale.

"Ate, mauna na kami ni Daisy sa dulo ha? Nananakit na rin itong paa ko eh."

Tinanguan niya si Daffodil. Mayamaya'y narinig niya ang papahinang mga yabag ng mga ito. Napangiti siya. Hindi niya maiwasang mangarap. Paano kaya kung sa pagmulat ng mga mata niya ay biglang bumulaga sa paningin niya ang nakangiti at napakagwapong mukha ng lalaking magagawa ring makaisip ng ganong klaseng kasweetan para lang sa kanya? Naisip niya agad si Baileys. Paano nga kaya kung siya pala ang gusto nitong surpresahin? Napapikit siya.

Nahigit niya ang kanyang paghinga nang makarinig siya ng mahinang mga yabag na habang pinapakinggan niya ay tila lumalakas, hudyat na naglalakad ang taong iyon palapit sa kanya. Could it be her prince? Napangiti siya sa naisip na kalokohan. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Nakita niya ang lalaking iyon na nagtataglay ng kakisigang hindi maaaring ihambing sa mga lalaking nakikita niya lagi sa mga glossy magazines sa bahay nila.

His coal eyes shone under the breathtaking moonlight. Ang mabagal na paglalakad nito ay tila magic spell na kumuha sa atensiyon niya, walang kurap-kurap. Napasinghap siya nanng makita ang pagtaas ng isang sulok ng napakapulang mga labi nito.

The beautiful guy in that dazzling black three-piece suit gave her a knee-shaking smile that made her caught her breath. It was like a dream. She was standing under the bright and beautiful moonlight in front of a very handsome prince.

Pero sabi nga nila, ang bawat panaginip ay may katapusan. At iyon ay ang paggising mula sa katotohanan. Iyon mismo ang nangyari sa kanya. Dahil ang napakagwapong prinsipe na kaharap niya kanina ay napag-alaman niyang wala palang iba kung hindi si Thorn!

Ang dakilang pambwiset sa buhay niya. Ano'ng ginagawa nito roon? Her jaw dropped. She was ready to verbally attack him when something—someone rather—caught her attention.

"Narito ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap ng tropa."

Napalingon siya sa lalaking biglang bumulaga mula sa likuran niya. Tila nanlaki ang ulo niya sa nakita. It was as if she was looking through a mirror. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalaki. Walang ipinagkaiba ang mga ito sa isa't isa maliban sa kulay ng suot ng mga ito, gray para sa lalaking kadarating samantalang itim naman ang kulay ng naunang dumating.

"I just came back. Where are the others?"

Hindi niya maaaring maipagkamali ang boses na iyon. The guy in black suit was definitely Thorn. His mole on the lips said so too. Kung ganon ay may kakambal pala ito. Masamang pangitain—may kakambal ang hari ng kayabangan at kasungitan!

"Looking for you," sagot ng kambal ni Thorn. Nang mapatingin ito sa kanya ay napangiti ito. "Hello, I am Exodus Briar. People call me Briar but he calls me Exo," turo nito kay Thorn.

"You call me Rupert instead of Thorn," angil ni Thorn sa kambal nito.

The great Exodus Briar acted as if he didn't hear Thorn. Instead, he turned to her. "And you, I suppose, are Rose Sagrado, right? Iyong inupahan ni Baileys na mag-ayos ng lugar na ito." He extended his hand in front of her. "I��m pleased to meet you," ngiti nito.

"The pleasure is mine," she smiled back while shaking his hand.

Kung hindi niya lang siguro unang nakilala si Thorn, malamang ay nalito na siya sa hitsura ng dalawa. Mas mahilig ngumiti si Exodus Briar kesa kay Thorn na mukhang laging pinagsakluban ng langit at lupa ang habas ng mukha.

"May kakambal ka pala?" kunwa'y baling niya kay Thorn.

"Wala," nakakalokong angil nito.

Biglang humalakhak si Exodus Briar kaya kunot-noong napatingin sila ni Thorn rito. May isang minuto yata itong tumawa bago nito naisipang tumigil. He was wiping some tears on his eyes when he looked at her. "Dammit Rose, you made my night."

"I d-did?" naguguluhang tanong niya rito.

Sa gulat niya ay biglang lumapit si Thorn sa kakambal nito at tsaka ito pinihit patalikod sa kanila. "Get the hell out of here," sabi nito bago itinulak palayo ang kambal nito.

Natatawang kumaway ng patalikod si Exodus Briar bago naglakad palayo. Napakaweirdo ng magkapatid, naisip niya. She sighed. Ayaw niyang maiwan kasama si Thorn kaya bago pa man ito makalingon sa kanya ay naglakad na siya palayo.

"Where are you going?" tanong nito habang sumusunod sa kanya.

"Sa impyerno!" naiinis niyang sagot.

"Sabagay, bagay ka roon."

Napatigil siya sa paglalakad at nanggagalaiting binalingan ito. "Bakit mo ba ako sinusundan?" Humalukipkip siya. Tiniignan niya ito ng masama.

"Because I can. And I want to," presko nitong sagot.

"Sorry pero wala akong balak na ibenta ng flowershop ko sa iyo ngayon, bukas at magpakailanpaman. Naiintindihan mo? Kaya pwede ba, tumigil ka na? You are being too childish now. Kung naghihiganti ka lang sa akin dahil sa mga nagawa ko sa iyo, okay fine. Sorry na. Ano, masaya ka na? So please, leave me alone! Ayoko na ng gulo!"

"At ganon na lang iyon? Magso-sorry ka na lang bigla na parang ikaw pa itong galit? Sa tingin mo ba ay nakakatuwa iyang mga sinabi mo sa akin? Para sabihin ko sa iyo, ikaw lang," biglang turo nito sa kanya. "Ikaw palang ang taong nakagawa ng mga kabulastugang iyon sa akin! Kaya hindi mo basta bastang mabubura ang galit ko sa iyo nang dahil lang sa insincere mong paghingi ng tawad dahil imbes na matuwa ako ay lalo pa akong nainis sa iyo!"

Nanggagalaiting napatingala siya sa madilim na kalangitan. Hindi na niya maapuhap ang mga salitang nais niyang isampal dito. He was too close minded to hear her out. Hindi man lang ba nito naisip na ang mga nagawa niya rito noon ay dahil sa mga bagay na ito rin naman mismo ang nagsimula? For her, everything she did was self defense! Sino ba ang naunang magpakulo ng dugo sa kanilang dalawa, hindi ba't ito naman? Tapos ito pa ang may balak gumanti!

Hindi na niya ito sinagot pa dahil alam niyang hahaba lang ng hahaba ang bangayan nila. Hindi iyon ang tamang lugar para mag-away sila. Ayaw niya ring sirain ang gabi ng kanyang iniirog. In a few moments, Baileys would start his surprise. May hinihintay lamang daw ito.

Binilisan niya ang paglalakad palayo kay Thorn upang hindi na siya nito maabutan. Ngunit bigla siyang napatigil sa paglalakad nang makasalubong niya si Baileys. He was wearing a very modish tuxedo that made him look more dignified. Kakaiba iyon sa Baileys na lagi niyang nakikita. Nakatali ang mahaba nitong buhok kaya mas lalo itong naging sexy tingnan.

"Good evening Rose. God, your hands are heaven sent. Ang ganda ng ginawa mo rito sa lugar. Hindi ko na alam kung paano kita mapapasalamatan," nakangiting bati nito sa kanya.

Pinamulahan siya sa papuri nito. "Salamat sa bola," nahihiyang biro niya.

"The party's about to start," excited na imporma nito.

Sinabayan siya nito sa paglalakad patungo sa dulo ng pathway na inayusan nila. Doon naghihintay ang mga kaibigan at bisita nito. Sa kabilang dulo, kung saan may isang malaking arko na punung-puno ng mga bulaklak naman papasok ang taong su-surpresahin nito.

Ayon iyon sa paliwanag nito sa kanya. Habang naglalakad sila ay hindi niya maiwasang kabahan. Ano'ng klaseng party kaya ang madaratnan niya? She was excited yet she was afraid of what might happen. Napatingin siya kay Baileys. Mukhang pati ito ay kinakabahan rin.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

"Yung totoo? Hindi gaano," nahihiyang sagot nito.

Iyon ang kauna-unahang beses na nakita niya itong namumula ang mukha. He was Baileys, her Mr. Cool. Napatigil siya sa paglalakad. "Bakit? May sakit ka ba?"

Umiling ito at napatigil din sa paglalakad. Humarap ito sa kanya. "Kinakabahan lang ako sa gagawin ko eh. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko."

"B-bakit, ano bang gagawin mo?"

"Tonight, I am going to confess my love for this very special woman in my life."

Napalunok siya. "C-confess?"

Napangiti ito nang biglang lumiwanag sa paligid nila hustong makarating sila sa dulo. The spotlight descended on them, kasunod niyon ay ang pagpailanlang ng isang malamyos na kanta. After a few seconds, another spotlight lit the other side of that pathway. Sa likod ng malaking arko ng mga bulaklak na iyon ay napatulala ang isang napakagandang babae.

"W-what is this?" halos hindi makapagsalitang anang babae.

The girl was on mic! Kaya pala nagset-up sila ng microphone kanina sa magkabilang dulo ng pathway para pwede pa ring makapag-usap ang dalawa. Everything made sense to her now. Kung ganon ay ito ang babaeng tinutukoy ni Baileys. She held her breath when Baileys picked up the bouquet of roses they've prepared.

"Misha," ani Baileys. Marahan itong naglakad palapit sa babae. "No words can ever express my love for you. And tonight, I want you to be part of my life forever." Lumuhod si Baileys at humugot ng isang pulang kahita mula sa bulsa nito.

"Will you be my wife?"