Chereads / ROSE'S THORN PHR / Chapter 12 - CHAPTER TWELVE

Chapter 12 - CHAPTER TWELVE

HINDI malaman ni Rose kung paano siya kikilos sa harap ni Thorn kinabukasan. Hindi niya inasahan ang pagdating nito. Lalong hindi niya napaghandaan ang muli nilang pagkikita. Pagkatapos ng gabing namagitan sa kanila noong nagdaang gabi ay tila nag-iba na ang tingin niya sa binata. Lalo na sa tuwing naiisip niyang isa ito sa mga naging dahilan kung bakit niya narealize na hindi naman pala niya minahal talaga si Baileys.

Kailangan niya ring tanggapin na dahil kaya hindi nag anon kasakit ang nararamdaman niya sa kanyang pagkabigo. His words made her rethink about her definition of love. Napatingin siya kay Thorn na noo'y tahimik at tila seryosong tumitingin ng bulaklak sa shop nila.

She cleared her throat. "A-ano na naman ang ginagawa mo rito?" tanong niya matapos lumabas sa counter. Naglakad siya palapit dito at tsaka nagpamewang.

Biglang kumabog ang dibdib niya nang marahan itong lumingon sa gawi niya. It felt like it was the first time she'd seen him. Ang mga dating hindi naman niya napapansin sa tuwing tinitignan niya ito ay biglang nakikita na ng kanyang mga mata—his eyes, nose, lips.

Napalunok siya. What the heck was wrong with her? Bakit parang humina ang epekto ng presensya at mukha nito sa dugo niya? Dati rati, makita niya lang ito ay kumukulo na ang dugo niya. Pasimple niyang ikiniling ang kanyang ulo. No, hindi siya dapat magpaapekto rito. Hindi sapat ang isang mabuting bagay na ginawa nito sa kanya para patawarin niya ang lahat ng mga kasalanan nito sa kanya. Hindi pa siya nababaliw para makipag-kaibigan dito!

Napataas ang kilay nito matapos siya nitong mapagmasdan. Lalo siyang natulala nang ngumiti ito. Agad na napamura ang isip niya. Bakit ganon? Bakit parang gumwapo pa ito sa paningin niya? Kinilabutan siya sa naisip. Nababaliw na nga yata siya!

"You're acting strange. Hindi ka ba nakatulog kagabi ng maayos?" kunot-noong tanong nito. Nang hindi agad siya nakasagot ay biglang naningkit ang mga mata nito. "Dahil pa rin ba ito kay Baileys?" he scowled.

It would be stranger if she'd tell him that it wasn't about Baileys but him, right? Kahit siya ay hindi maipaliwanag ang nangyayari sa kanya. She shook her head. "N-nagulat lang ako kasi bigla kang nagpunta rito. Look, wala ako sa mood makipag-away sa `yo ngayon. I'm very tired, Thorn. Kaya kung nagpunta ka rito para ituloy pa rin iyong paghihiganti mo ay nakikiusap akong ipagpaliban mo muna. Kahit ngayon lang."

Napataas ang kilay ni Thorn. "Dahil lang ba talaga iyon doon?"

She rolled her eyes. "Fine, syempre parte pa rin si Baileys kung bakit ako ganito ngayon," she half-lied. "Hindi mo naman maiaalis sa akin iyon, `di ba?"

Napabuntong-hininga ito. "Alam mo ba kung bakit ako nagpunta ngayon dito?"

"Para paghigantihan ako?"

He clucked his tongue. "Para i-check kung buhay ka pa. Baka kasi nagpatiwakal ka na," sarkastikong sagot nito. Mayamaya'y napailing ito, bahagayang natatawa. "Hindi ko alam kung paano mo nagagawang inisin ako agad. Anyway, nagpunta ako rito para ibigay sa iyo ito."

Napatitig siya sa sobreng iniaabot nito sa kanya. Hindi niya alam kung kukunin niya iyon o itatapon na lang. Ngunit sa huli ay napagpasyahan niyang abutin iyon. "T-thank you."

"Pupunta ka ba mamayang gabi?" tanong nito.

She sighed. "I don't know. Hindi ako sigurado kung kakayanin kong makita sila," pag-amin niya. Binuksan niya ang sobre at tumambad sa kanya ang isang dilaw na papel—imbitasyon iyon para sa engagement party nina Baileys at Misha na gaganapin sa isla.

"Magtataka si Baileys kapag hindi ka pumunta. Gusto niya kasing magpasalamat sa iyo dahil sa ginawa mong pagtulong noong nagpropose siya."

Naglakad siya palapit sa sofang naroon sa waiting area ng mga customer nila. Nanghihinang naupo siya roon. Sumunod sa kanya si Thorn at naupo rin sa tabi niya.

"I can help you, if you want," alok nito.

Kunot-noong napabaling siya rito. "How?"

"I can be your date tonight. Sasamahan kita buong gabi para madistract ka. Ang kailangan mo lang naman ay magpakita sa party kahit na sandali, hindi ba?"

Tinitigan niya ito ng mataman. "Sabihin mo nga, bakit mo ginagawa ito?"

He shrugged. "Look, huwag mong isipin na ginagawa ko ito para sa iyo. You are wrong, definitely. Ginagawa ko ito para sa bestfriend ko. He is having the best day of his life tonight, hindi ko gustong masira iyon nang dahil lang sa magi-guilty siya sa isang unrequited love mula sa isang itinuturing niyang kaibigan. I am just being a friend to Baielys."

Well, may point nga naman ito. Ayaw niya ring kutkutin ng konsiyensya si Baileys dahil lang sa minahal niya ito ng palihim. Hindi nito obligasyong suklian ang nararamdaman niya para rito. Isa pa ay ayaw niya ng gulo. Baileys was still special for him.

"Eh baka kapag pumayag akong maging date mo mamayang gabi ay bigla mong misipang maghiganti? Binabalaan kita, hindi ako papayag na maagrabyado ako," banta niya.

"Sa tingin mo ay gugustuhin kong guluhin ang party ng kaibigan ko?"

She sighed. "Sinabi mo iyan ha?"

"Oo na. Isa pa, kapag naghiganti ako sa iyo, alam kong maghihiganti ka lang din ulit sa akin. Hindi na tayo matatapos sa pag-aaway. Hindi ba't parang nakakapagod naman iyon?"

Tumango siya. "Sabagay. So, ibig bang sabihin niyan ay pinapatawad mo na ako?"

"Of course not! Ang dami mo kayang atraso sa akin!"

"Eh bakit ka bumabait sa akin?" ismid niya.

Napahalakhak ang binata at napailing. "What would do do if I tell you that I'm gonna make you fall in love with me. Tapos iiwan kitang luhaan para makaganti ako sa `yo?"

"A-ano'ng sinabi mo?" Nanggigigil na tinampal niya ito sa braso. "Imposibleng mainlove ako sa isang kagaya mo na sobrang childish at hobby ang mang-asar. Sa isang lalaking insensitive at sobrang yabang! Ang kapal naman ng mukha mo!"

"Ouch." Nasapo nito ang dibdib. "Ang sakit nun ah," ngisi nito. "Nagbibiro lang ako. Ganyan ba talaga ang pagkakakilala mo sa `kin? Grabe ka ha? Ikaw pa talaga itong galit na galit sa akin gayong ikaw naman itong madaming atraso sa akin?"

"May atraso ka din naman sa akin ah," ingos niya. "Y-You kissed me," yuko niya.

"So what? Buti nga sa akin, kiss ang ipinanghiganti ko sa iyo eh. Hindi sapak o di kaya ay pagpapahabol sa aso. Kung gusto mong gumanti sa akin, bakit hindi mo na lang din ako hinalikan?" Humalukipkip ito at tsaka pinahaba ang nguso nito. "Sige, hahayaan na kitang maghiganti sa akin ngayon kung iyon lang naman pala ang ikinagagalit mo sa akin."

Pinamulahan siya ng mukha dahil sa lantarang panunukso nito. Mabuti na lang at esaktong umalis si Nicanor upang magdeliver. Wala rin ang mga kapatid niya dahil mamaya pa darating ang mga ito galing sa eskwela. Isang naiinis na tawa ang pinakawalan niya.

"Ha-ha! Asa ka!" ismid niya. "Alam mo ikaw, umalis ka na lang, mabuti pa. Bago pa dumating iyong mga kasama ko rito sa shop," pagtataboy niya rito.

"Eh bakit pinapaalis mo na ako agad?" ngisi nito. "Huwag mong sabihing ngayon ka pa nahiya sa akin? Nahalikan mo na ako't lahat, nahiya ka pa," patuloy pa rin ito sa panunudyo.

"Alam mo ikaw, napipika na ako sa iyo ha? Kung nagpunta ka rito para lang asarin ako, makakaalis ka na!" singhal niya.

Tumawa ito bago tumayo at tsaka siya inakbayan. Hindi niya inasahan iyon kaya nanigas talaga siya. "Ngayon ko lang napansin na ang cute mo palang maasar ano?"

Nasa ganoon silang posisyon nang biglang bumukas ang pinto ng shop at tsaka iniluwa ang gulat na gulat na mga kapatid niya. Huli na ang pagtulak niya kay Thorn palayo dahil nakita na ng mga ito ang pag-akbay ni Thorn sa kanya. Napamura ang isip niya.

"may nakita ako. Hindi ko sasabihin. Baka kasi may umiyak nang dahil sa akin," kanta ni Daffodil bago itinuloy ang pagpasok sa shop. Daffodil was grinning from ear to ear while giving Thorn and her meaningful glances. Daisy giggled as she trotted behind Daffodil.

"Kung anuman iyang iniisip mo, Daffodil, huwag mo ng ituloy dahil—"

"Bakit ate? Hindi naman ako malisyosa. Eh ano ngayon kung nakita kong inaakbayan ka ni Kuya Thorn? Malayo namang isipin kong nagkiss kayo, `di ba? Lalo pa at alam kong siya ang lalaking nakakuha sa first kiss mo," pang-aasar ni Daffodil.

"Ako ang first kiss ni Rose?" tila natutuwang tanong ni Thorn.

She glared at Daffodil. "Dumiretso na nga kayong dalawa sa bahay!" singhal niya.

"I knew it. I am your first kiss," proud na baling ni Thorn sa kanya, nakangisi.

"At ikaw naman taong tinik, umalis ka na rin dito. Layas!" sigaw niya.

"Oh, eh bakit mo naman pinapaalis agad Ate? Ikaw talaga. Nagmeryenda ka na ba Kuya Thorn?" pa-sweet na tanong ni Daisy kay Thorn.

"Kelan mo pa naging kuya ang taong tinik na ito? Noong isang gabi lang gusto mo siyang ipasalvage ah! At saan mo naman kukunin iyong ipamemeryenda mo sa kanya, aber?" Akma siyang lalapit sa mga kapatid niya nang bigla siyang hawakan ni Thorn sa kamay at hapitin.

"Now that you've mentioned meryenda, bigla yata akong nagutom. Gusto ninyo bang magmeryenda? My treat," alok ni Thorn sa kanilang lahat.

"Wow ha? Ano naman ang tingin mo sa flowershop namin? Na porke may nag-ayang magmemeryenda ay isasara na namin agad ito?" sarkastikong angil niya.

"Pwede namang kayo na lang ni Ate ang magmeryenda. Tapos kami ni Daisy ang bahalang magbabantay dito sa shop," nakakalokong suhestiyon ni Daffodil.

"Daff—"

"Why, that's a good idea!" mabilis na sagot ni Thorn. In just a few seconds, he reached for her hand and pulled her towards the door. "In that case, hihiramin ko muna itong Ate ninyo."

"T-teka! Ano ba'ng sinasabi mo? Bitiwan mo nga ako!" piksi niya.

"Kakain lang naman tayo," giit nito.

"Hoy Daffodil! Nakalimutan mo na ba kung sino ang lalaking ito?" sigaw niya.

"Si Kuya Thorn iyan. Iyong lalaking nagnakaw ng halik sa iyo. Tapos nakasama mo kagabi habang nanonood ng fireworks sa langit," bibong sagot ni Daffodil.

"Ahh…iyong lalaking ikinuwento ni Mama?" ngisi ni Daisy.

Nanlaki ang mga mata niya. "A-ano'ng ikinuwento ni Mama?"

"Secret," duetong sagot ng mga kapatid niya.

"They're just teasing," natatawang wika ni Thorn. "Halika na nga. Lalo ka lang nilang aasarin kapag nagpakipot ka pa." Hinila siya nito palabas. "Don't worry, ibabalik ko itong Ate ninyo ng walang galos."

"Siguraduhin mo lang dahil bukod kay Dracula ay may Tatay pa kaming handang manapak para lang maprotektahan iyang Ate namin!" wika ni Daffodil.

Wala na siyang nagawa nang tuluyan na siyang hilain ni Thorn palabas. Nagngingitngit na nilingon niya ang flowershop. Makakatikim sa kanya ang dalawa pag-uwi niya!

"Kapag nagpakipot ka pa, gagawa ka lang ng eksena. Lalo ka lang aasarin ng mga kapatid mo. Gusto mo ba iyon?" nanunudyong tanong ni Thorn.

She threw him a seething look. Padabog siyang sumakay sa kotse nito. Lalo siyang nagngitngit nang marinig niya ang mahinang pagtawa nito bago ito sumakay sa kotse.

"Relax, kakain lang naman tayo," mayamaya ay wika nito.

"Bakit kasi sinakyan mo pa ang pang-aasar ng mga kapatid ko? Lalo lang akong aasarin ng mga iyon!" reklamo niya.

"Ikaw naman. Gusto ka lang i-distract ng mga kapatid mo para mas madali mong makalimutan si Baileys. Hindi man sabihin ng mga kapatid mo ay alam kong nag-aalala sila sa `yo. I can see it through their eyes," seryosong wika nito.

Natigilan siya. Naging napakabait nga ng mga kapatid niya simula pa noong nagising sila. Daffodil even cooked her favorite sinangag. Daisy served her hot coffee. She sighed.

"But I'm okay now," bulong niya. Kung sino ang kinukumbinsi niya, kung siya ba o ito ay hindi niya alam.

"Really? Bakit parang hindi naman?" nananantiyang tanong nito.

She shrugged. "Ang gulo pala talaga ng love ano?" nasabi niya. Bigla niyang naalala yong ikinuwento ng mommy niya tungkol sa masalimoot na buhay pag-ibig ng kanyang Lolo Alejandro. "Alam mo ba, iyong lolo ko, sobrang saklap ng naging love life niya?"

"Really? Tell me about it," interesadong untag nito.

Tumango siya. "Oo. Parang pareho sila nung lola mo kaso yung sa lolo ko, siya naman iyong ipinagtabuyan ng pamilya nung babae. Pinaalis pa kaya siya sa bayan nila para lang mailayo sa pamilya nung kasintahan niya! Tapos binaligtad pa siya. Sinabi na nagtaksil daw ang lolo ko. Grabe `di ba? Nakakagigil sa galit. Kung alam lang ng pamilya ng babaeng iyon kung gaano kamahal ng lolo ko ang Mela na iyon," ismid niya.

"Love is cruel, aint it?" komento nito.

"And love is crazy. Alam mo bang sa kabila ng lahat, sa loob ng mahabang panahon hanggang sa mawala ang lolo ko ay si Mela pa rin ang laman ng puso niya?"

Kumunot ang noo nito. "How's that possible?"

"Kasi naniniwala ang lolo ko na si Mela ang destiny niya. Ni minsan ay hindi nawala sa puso niya si Mela. Ang sad ano?"

Napailing ito. "Usong uso noong unang panahon ang destiny na iyan."

"Oo nga eh. Ganon katindi ang true love nila noon, ano?"

"Ikaw, sa tingin mo ba ay nagmana ka sa lolo mo na matindi magmahal?"

Napalabi siya, napahawak sa kanyang baba at malalim na napaisip. "Ewan ko. Hindi ko pa narasanang magmahal ng kagaya ni lolo eh," mayamaya'y sagot niya.

"Akala ko ba ay mahal mo si Baileys? Nakapag-move on ka na agad?"

"Nag-usap kami kagabi ni Mama. And you know what? Hindi na ako sigurado kung minahal ko ba talaga siya o hindi," tapat niyang sagot. "Ang gulo `di ba?"

"What made you think that? Paano mo malalaman kung mahal mo na ang isang tao kung hindi mo pa naman iyon nararamdaman? I mean, how are you supposed to know that it's love?"

Sa pagkakataong iyon ay napangiti siya. Umangat ang isang kamay niya tsaka niya inilapat iyon sa tapat ng kaliwang dibdib nito. "Kapag tumibok ang puso mo na para bang gusto nitong lumabas sa dibdib mo, kapag uminit ang pakiramdam mo kahit malamig naman ang paligid, kapag kaya mong isantabi ang sarili mong kaligayahan para sa isang tao, kapag hindi mo kayang hindi siya makita o mawala siya sa buhay mo, iyon ang tinatawag nating love."

"Love is always in our hearts, Thorn. Tinatanong mo kung kelan mo malalamang mahal mo na ang isang tao? If your heart beats only for that someone, that's love. You'll just feel it."

Thorn's face looked so stricken that he found it hard to answer back immediately. Matagal siya nitong tinitigan na para bang bigla siyang nagsalita ni Kokey at hindi nito iyon naintindihan. But after a few seconds, his lips formed a sincere smile.

"I wonder if my heart would let me fall in love," wika nito.

Siya naman ang napangiti. "You will, in time. Sana `pag dating ng panahong masusubukan mo na ring magmahal ay magiging matatag ka."

Nagtama ang kanilang mga mata. Tila ba may sariling isip na nangusap ang kanilang mga paningin. Mayamaya'y pareho silang napangiti. Nanatili mang tahimik ang buong byahe nila ay batid niyang unti-unti ng natitibag ang pader ng galit sa pagitan nila. Unti unti ay nagugustuhan niya ito. Well, he isn't that much of a jerk in her eyes anymore. May sense din pala itong kausap.