NAPAKISLOT si Rose nang may biglang pumitik sa harap niya. Kunot-noong napalingon siya sa kanyang tabi. Thorn, with his brow raised, was slowly shaking his head.
"Kung ganyan ka ng ganyan, hindi malayong makakahalata si Baileys," wika nito.
Noong una ay hindi niya maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin. Nang marealize niya kung nasaan sila ay bahagyang napaawang ang mga labi niya. She sighed.
"Kanina mo pa tinitignan iyang baso. Hindi mauubos ang red wine niyan kung tititigan mo lang," natatawang pangungulit ni Thorn.
Napasimangot siya. "This place is so boring," komento niya.
"Akala ko ba kaya ka nagpunta rito ay para ipakita kay Baileys na hindi ka apektado sa nalalapit niyang pagpapakasal? Gusto mo bang maghinala siya sa ipinapakita mo?"
Ang totoo ay hindi niya talaga matagalang makita na may ibang kasama si Baileys. Nasasaktan siyang makita itong masaya sa piling ng iba. Hindi niya alam kung nagseselos siya o baka naiinggit lang siya kasi sa hinaba-haba ng panahong inakala niyang minahal niya ito ay wala siyang ibang taong ginustong makuha kung hindi ito lamang.
She was left alone and lonely while he was happy with somebody else! Hindi niya iyon matanggap. She sighed. But what could she do? Hindi naman niya pwedeng agawin si Baileys kay Misha, lalong hindi siya pwedeng mag-walkout sa party dahil halos kauumpisa palang ng kasiyahan. Naiinis na inisang lagok niya ang lamang wine ng kanyang baso.
"Hindi ka na nga nagsasaya, naglalasing ka pa," iling ni Thorn.
"Pwede ba, huwag mo na nga akong inisin lalo?" asik niya rito.
Isang nakakalokong tawa ang pinakawalan ni Thorn. "Eh hindi ba't nandito ako para idistract ka? Kaya iyon ang ginagawa ko."
"Hindi pangdi-distract ang ginagawa mo. Inaasar mo kaya ako!" ingos niya.
Natigilan siya nang bigla itong magpangalumbaba sa mesa at tumitig sa kanya. His eyelids sagged a little, a sexy yet naughty grin stretched on his face with that intense stare he fixated on her face. Her heart skyrocketed in a beat as an intial reaction. Pinamulahan din siya ng mukha at biglang nanuyo ang lalamunan niya dahil sa "mainit" na tingin ipinukol nito sa kanya.
Then, ever so slowly, his front teeth bit onto his smooth lower lip. Agad na nanayo ang mga balahibo niya sa batok dahil sa ginawa nito. That was it! Her anger snapped. Inis na pinalo niya ang mesa. Pinaningkitan niya ito ng mga mata nang bigla itong humagalpak ng tawa.
"Siraulo ka! What do you think you're doing?" sikmat niya rito.
"I am trying to distract you," ngisi nito.
"Are we trying to film porn here?" Iniiwas niya ang kanyang mga mata sa lantarang panunukso nito. "H-hindi ka na nahiyang gawin sa harap ko ang mga taktika mong iyan para makabingwit ka ng mga babae mo. Para sabihin ko sa iyo, Taong Tinik, hindi ako katulad ng ibang babae na matitigan lang na parang nasisilaw ka sa sinag ng araw at napapakagat sa labi na parang katatapos lang kumain ng masarap na cake, hindi ako basta basta pumapatol!"
"See? Effective ang ginawa ko. Distracted ka na. Look at yourself, halos wala ka ng ibang iniisip kundi iyong gwapong mukha ko."
Her head spun towards him. Glaring, she gritted her teeth and counted up to three to steady her raging blood. "Ang kapal din talaga ng—"
"Don't you even try to deny it. Namumula ka pa rin hanggang ngayon!" singit nito. She pursed her lips in an instant. Nang hindi na siya nagsalita ulit ay bigla itong napakamot sa ulo. "Oo na, sorry na. Ikaw naman, gusto ko lang naman na mawala iyang tension na nararamdaman mo habang nandito ka sa engagement party ni Baileys eh."
She sighed. Oo nga at nawala ang "tension" niya dahil sa ginawa nito pero bigla naman nitong pinagwala ang puso niya sa pagtibok. Hindi pa rin natitigil ang pagdagundong ng dibdib niya kahit na hindi na niya nakikita ang namumungay nitong mga mata. Hindi ba ito aware na nakakapagpawala sa katinuan ng sinumang babae ang klase ng tinging ipinukol nito sa kanya?
Ibang klaseng "tension" kaya ang binuhay nito sa isip niya! Napalunok siya. Diyata't nagsisimula na siyang mag-isip ng kamanyakan para sa lalaking kaharap niya. Hindi iyon pwede! Kung anu-ano na ngang kakaiba ang nararamdaman niya para rito, pati pa ba naman pagnanasa? It would be a lethal combination! Baka bigla siyang magkagusto rito!
Nanigas siya nang dumako roon ang kanyang isip—gusto. Hindi makapaniwalang napailing siya. Hindi siya maaaring magkagusto rito! Nababaliw na ba siya? Paano siya magkakagusto sa isang katulad nitong napakasama ng ugali? Sa isang lalaking nagagawang manakit ng damdamin ng mga babaeng pinaglalaruan nito.
Ngunit kinalakhan nito ang pagkabigo at kalungkutan ng buhay pag-ibig ng dalawang babaeng pinakamalapit sa puso nito dahil sa kabiguan sa pag-ibig. S-sa lalaking walang ginawa kundi ang asarin siya! Sa lalaking nagpapakahirap na guluhin siya para lang hindi siya masaktan habang pinapanood niya ang lalaking gusto niya na may kasamang iba.
Ah, bakit niya ba ipinagtatanggol si Thorn? Ikiniling niya ang kanyang ulo. Hindi dapat magbago ang tingin niya rito. Dapat itong manatiling kaaway sa isipan niya. Ngunit bakit? Napaisip siya ng malalim sa tanong ng isip niya. Bakit nga ba hindi niya ito dapat magustuhan? Dahil alam niyang hindi rin lang siya nito mamahalin. Hindi ba't wala itong bilib sa true love?
"Sorry na nga kasi. Ikaw naman eh, masyado kang seryoso," ungot nito.
Napakislot siya. "H-ha?"
"Hindi na kita aasrin. Ang pikon mo naman eh," disimuladong turan nito.
Hindi niya matagalang makita ang mukha nito dahil lalo lang siyang pinamumulahan ng mukha kaya bigla siyang napatayo. "O-oo na! T-teka, pupunta lang ako sa restroom," halos nauutal niyang wika. Ni hindi niya ito magawang tignan habang sinasabi niya iyon.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito.
Nang tumayo rin ito at tinangkang lumapit sa kanya ay natatarantang tinabig niya ang kamay nitong iniumang nito palapit sa mukha niya. Walang salitang tinalikuran niya ito at tsaka siya nagmamadaling tumungo sa isang lugar na hindi niya alam. Ni hindi niya natanong kung saan doon ang restroom. All she wanted was to stay away from Thorn so she could think straight.
Dahil sa pagkataranta ay hindi niya napansing sa maling direksyon pala siya napunta. Bago pa man siya makapag-u-turn palayo sa taong buong gabi niyang balak iwasan ay huli na siya nang biglang lumapit at bumati sa kanya si Baileys, kasama ang pinakamamahal nitong si Misha. Wala na tuloy siyang nagawa kundi ang magkunwaring nakangiti sa mga ito.
"Thank God, you came," natutuwang wika ni Baileys nang makalapit ang mga ito sa kanya. "You look good tonight, Rose. Salamat sa pagdalo."
She gave out a shaky smile. "O-of course. By the way, congratulations."
Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. What did she feel when she saw Baileys put his arm around Misha's shoulder? Nothing. Ang mga tinginan nina Baileys at Misha na punung-puno ng pagmamahalan ay nagbibigay sa kanya ng tuwa. She'd never seen Baileys smile like that. Iyong ngiti na para bang kinikilig ito, puno ng pagsuyo at paglalambing.
Misha was blushing while looking at Baileys. May ngiti rin itong hindi mapuknat habang nakatingin ito sa lalaking mapapangasawa nito. Habang tinitignan niya ang dalawa ay hindi niya mapigilang makaramdam ng inggit. Kailan niya kaya matatagpuan ang lalaking titignan din siya ng buong pagsuyo at ng may matamis na ngiti? Ngingiti rin ba siya ng katulad ni Misha?
"I'm sorry to be rude. Hindi ko pa pala kayo naipakikilala. By the way, this is Misha Vivero, my beautiful fiancée. Misha, ito naman si Rose, kaibigan at suki ko sa mga bulaklak."
Lalong lumuwang ang pagkakangiti ni Misha. "You mean, sa kanya galing iyong mga bulaklak na lagi mong ibinibigay sa akin sa tuwing umuuwi ka sa Maynila?"
Tumango si Baileys. "Oo, sa kanya nga."
Excited na npahawak si Misha sa mga kamay niya. "Oh my! I really love your flowers! Alam mo bang kung hindi dahil sa mga bulaklak mo ay hindi ko magugustuhan itong si Baileys? Thank you so much Rose. Sana sa kasal namin ay mapuno mo ng tulips ang simbahan."
She wanted to say no. Ayaw na niyang maranasan ulit ang masaksihan kung gaano siya nabigo ng dalawang beses—nabigong makuha ang pag-ibig ni Baileys at nabigo dahil inakala niyang nagmahal siya sa loob ng mabahang panahon. Ilang taon niyang ikinulong ang kanyang sarili sa pag-aakalang umiibig siya ngunit nagkamali pala siya.
Kung sakali bang maaga niyang natuklasan na hindi malalim ang pagmamahal na iniukol niya kay Baileys noon ay nagawa kaya niyang buksan ang pinto ng kanyang puso para sa ibang lalaki? Nagkaroon na rin kaya siya ng tunay na pag-ibig kagaya ni Baileys? Napakaraming sana.
Namumulang napatingin siya kay Baileys. But how would she say no to him without looking like a bitter ex-admirer? She fidgeted. Wala siyang maisip na maaari niyang idahilan. Hindi gumagana ng maayos ang kanyang utak dahil sa samu't saring emosyong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Nasa ganoon siyang problema nang biglang may humawak sa kamay niya. Magkakapanabay silang tatlo na gulat na napatingin sa taong iyon.
"T-thorn?" hindi makapaniwalang bulalas niya.