Chereads / A Love To Last (DWEIYAH series #1) / Chapter 29 - CHAPTER 28

Chapter 29 - CHAPTER 28

Nanigas ako dito na parang estatwa sa ginawa ni Dylan. Hindi ko mahanap yung dahilan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko sa mga oras na ito..

Bwiset naman kasi, Dylan! Ano ba 'tong ginagawa mo?!

"Hoy, hoy! Ano 'yang ginagawa niyo ha? Bakit kayo nagsusubuan dyan?!" pag-epal ni Warren.

Aysh!

Talaga bang bibigyan pa nila ng malisya yung nakita nila?

Hay nako.

"W-Wala--" sabi ko kaya lang pinutol ni Julia ang sinasabi ko.

"Kayo ha?! Nagsusubuan na kayo ng daliri d'yan! Baka mamaya n'yan iba na ang sinusubo mo dyan, Magi!" sabi niya saka tumawa.

"Ang swerte mo, Magi. Ikaw yata ang unang makakakita sa tinatagong batuta ni Dylan!" sabi naman ni Harris.

"Tama. Hindi niya kasi pinapakita sa amin eh. Sabi niya sa babaeng papakasalan niya daw yun unang ipapakita kaya ang swerte mo!" sabi naman ni Israel.

"Una na ngang makakakita, una pang makakatikim. Wow, Magi. Sana all naaambunan ng ayuda!" sabi pa ni Warren.

Shit.

Mga leche silaaaaa!

Namumula na ako dito sa sobrang kahihiyan.

"Mga gago." sabi ni Dylan saka niya pinunit ang panyong hawak at itinali sa daliri ko. "Hindi dapat hinahayaang pumatak nalang yung dugo sa lupa lalo na at galing lang naman sa maliit na sugat. Kaya ko yun sinipsip kasi tinuro sa akin yun nung babaeng nakilala ko nung bata pa ko."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Ewan ko ba pero I have this feeling na kilala ko ang tinutukoy niya?

But...

Hindi ko lang maalala kung sino?

At isa pa, ang chaka naman ng babaeng nagturo sa kaniya non! May balak ba siyang gawing bampira non?

"Saka wala namang mali sa ginawa ni Dylan eh. Sadyang ang beberde lang ng mga utak niyo." natatawang sabi ni Alec.

"Wow, master Alec." sabi naman ni Israel.

"Magpahinga ka na." sabi naman sa akin ni Dylan sa mahinang boses. Yung tipong kami lang ang makakarinig na dalawa.

Tumango nalang ako sa sinabi niya at nagpaalam na din sa kanila bago tuluyang pumasok sa kwarto ko.

Hayy.

Tila nanghina kasi talaga ako sa nangyari.

Takot kasi talaga ako sa dugo at nanghihina talaga ako kapag nakakakita ako ng dugo kaya siguro biglang nalowbat yung kaninang 100% kong battery.

Hayy.

Feeling ko ang dami kong ginawa ngayong araw...

Dumagdag pa sa iisipin ko yung sinabi ni Dylan.. Yung babae daw na nakilala niya nung bata..

Ewan ko ba kung bakit  ganto yung pakiramdam ko na parang kilala ko talaga yung batang tinutukoy niya.

Hayy nako.

Tama na nga! I need to rest.

-

Maaga akong ginising ni Julia ngayong araw dahil Org Week na pala namin ngayon..

OMG.

Nawala yun sa isip ko.

Ngayon nga pala ang first day ng Org Week namin kaya kailangan talaga ay pumasok kami ng maaga.

"Dun na tayo kumain. Malelate tayo." sabi ni Julia pagkababa ko at lumabas na ng bahay.

'Bakit ba gahol na gahol 'to?'

Paglabas ng bahay ay nakita kong nakaalis na ang kotse ni Julia.

Leche.

Bakit niya ako iniwan? Ginising-gising niya ako ng maaga—

"Tara na, Magi." napatingin ako sa may gilid ko at nakita ko si Dylan na nasa gilid ng kotse niya habang nakabukas ang pinto ng passenger's seat nito.

Ha?

Sa kaniya ako sasabay?

"Tutulalaan mo na lang ba ako?" dagdag niya pa.

Luh?

Sungit.

Pumasok na ako sa kotse niya at ganun din siya at pinaandar na ang sasakyan.

So, kaya pala nagmamadaling umalis si Julia kasi balak niya palang kay Dylan ako sumabay?

Wow naman.

Napakataba ng utak.

"Kamusta yung sugat mo?" tanong ni Dylan..

"Hindi na masakit." sagot ko.

Huli na nang maalala ko na dapat pala iniiwasan ko siya pero bakit kinakausap ko siya ngayon?

Ano ba yan, Magi! Ang rupok mo talaga.

"May magic kasi yung laway ko eh." sabi niya pa at natawa ng bahagya.

Napatingin naman ako sa kaniya dahil dun.

I mean, ang sexy lang ng pagkakatawa niya tapos habang pinagmamasdan ko siya ngayon na nagmamaneho eh ang cool niya sa paningin ko.

He's wearing a simple white tshirt and black pants tapos nakadagdag pa sa ka astigan niya yung kulay itim niyang buhok.

Nagmamaneho siya na isa lang ang kamay na nakahawak sa manibela at—

"Gwapong-gwapo ka na naman ba sa akin, asawa ko?" aniya saka ako nginisian.

Tangina.

Nahuli niya pa yung pagtitig ko sa kaniya?

Eh bakit naman kasi tinititigan ko ang isang 'to?

Bakit nga ba, Magi?!

"Assuming ka na naman. Hindi ka gwapo, nakalimutan mo na ba?!" inis kong sabi.

"Kinokontra mo na naman ako, asawa ko. Hindi ba pwedeng kahit ngayon lang eh hindi mo ako kontrahin?!"

"Paano naman kasi ako hindi kokontra eh nagsasabi ka na naman ng kasinungalingan!"

"Grabe ka naman, Magi! Gaano ba kahirap sayo na tanggapin na gwapo ako ha?! Hindi talaga kita maintindihan eh, hindi ka siguro babae noh?!"

"So pati pagiging babae ko eh kinukwestyon mo na ngayon ha?! Porke hindi ako nagagwapuhan sayo, ibig sabihin ba non hindi na ako babae?! Wow naman, Dylan! Hindi naman kasi lahat ng babae tingin sayo gwapo! Ibahin mo ako!"

"Bakit ba nagagalit ka na naman ha? Bakit ang lakas-lakas na naman ng pagsasalita mo ha? Bakit ba lagi mo akong pinagtataasan ng boses?!"

"Eh kasi nakakainis ka! Ikaw na yata yung pinakanakakainis na lalaki na nakilala ko! Alam mo yon, ha?!"

"Oo, Magi. Alam na alam ko! Lagi mo ngang pinaparamdam sa akin na naiinis ka sa akin eh! Hindi ako manhid, okay! Kaya hinaan mo na boses mo--"

"Manahimik ka! Magmaneho ka na lang dyan! Ayoko pa mamatay!"

At ayun na nga, hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na awayin si Dylan.

Kasi ba naman, nakakainis naman talaga siya.

Kaya nga ayokong kasama 'to sa iisang lugar dahil for sure, mag-aaway lang kami nito.

Hayyy.

Ilang sandali lang ay nakarating na din kami sa campus at naabutan namin ang mga estudyante na nasa loob na ng gym. Nandon sila at nagtipon-tipon.

Agad din naman naming nakita ni Dylan kung saan nakapwesto ang DWEIYAH na kasama sina Delancy at Julia.

Pft.

Hindi ko maiwasang mapangiti.

Kasi parang ang bilis ng pangyayari noh? I mean, sinong mag-aakala na magiging malapit kami sa DWEIYAH?

Siguro si Julia, close na niya nang matagal ang DWEIYAH bilang kapatid siya ni Dylan eh.

Pero kami ni Delancy, hindi ko aakalain na magiging kaclose din namin sila.

Si Delancy na fan na fan lang ng DWEIYAH noon pero ngayon nakakausap at nakakaasaran na niya ngayon yung iniidolo niya.

At ako, na bagong salta lang dito sa Winston at hindi ko naman kilala 'yang DWEIYAH pero eto ako ngayon, close na din ako sa kanila.

Hindi naman kasi sila mahirap pakisamahan..

Although magkakaiba sila ng ugali which is natural lang naman, still masaya pa din naman silang kasama at marunong silang makisabay sa trip ng bawat isa.

Nakakatuwa lang na ngayong college ko naranasan magkaroon ng barkada na mga lalaki and sana magtagal itong pagsasama na ito at maging solid hanggang dulo.

Anyway..

Kaya kami nagtipon-tipon dito ngayon sa gym ay para pakinggan yung mga speeches ng mga speaker na hindi ko alam kung saan nahugot ng mga prof namin.

Puro mga thank you speeches lang naman kaya hindi ko na masyado pang pinagtuunan yun ng pansin.

Mayamaya lang din after ng maikling program ay opisyal nang binuksan ang Org Week.

Eto naaaaaa.

Naghiwa-hiwalay na kami upang alamin ang mga schedule ng contest namin..

Gaya nga ng sinabi ni mam Torres sa amin noon, iba't ibang contests ang ganap ngayong first day ng Org Week namin.

And diba nga, three days lang 'to magaganap imbes na dapat ay seven days kaya lang kasi nagkaproblema.. Ginawa nalang itong three days nalang kasi hindi pumayag ang director na paabutin ng literal na one week itong aming Org Week.

Kaya nga dapat Org Days lang dapat diba HAHAHAHAHAHA.

So ayon, nalaman ko na 3pm pa ang laban ko sa Extempo kaya naman makikisilip nalang muna ako sa mga laban ng mga kaibigan ko..

Hihihi.

Makikichismis, ganern.

At ang una kong pinuntahan ay si Julia which is sa Spelling Bee napunta. Wala namang duda na kaya niya naman manalo dun kasi magaling naman siya sa Spelling kahit papaano.

Natandaan ko nga nung grade 3 yata kami non, may Spelling bee contest sa school namin tapos ako pinanlaban ng section namen tapos nagkataon na magkalaban kami ni Julia..

Sakto din na magkatabi kami ng upuan non kaya nung nagsimula yung contest, ayun pinapakopya niya ako ng kaniya kasi hindi ko naman talaga forte ang spelling bee eh.

Kaya lang nahuli kami nung nagbabantay na pinapakopya ako ni Julia kaya ayun, parehas kami nadisqualified.

Tawa pa nga kami ng tawa dahil dun eh kasi akalain niyo, magkalaban kami pero pinapakopya niya ako?

Talagang bata pa lang talaga kami eh may kalakaran na kaming ganto at masaya naman ako na hanggang ngayon, nagtutulungan pa din kami kasi gaya nga ng sabi ko dati, ayaw naming may naiiwan sa baba.

Siguro kaya ako pinakopya ni Julia non kasi ayaw niyang manalo siya tapos ako matalo. Siguro ang mindset niya nun during that time is kung hindi rin man kami mananalo nang sabay, mas maiging matalo nalang kami nang sabay..

Atleast walang naiwan at walang nang-iwan.

Nakakatawa man na mindset yun pero masisisi niyo ba kami?

Alam kong masama ang pangongopya pero kasi that time ang importante lang sa amin ay matulungan namin ang isa't isa na tumaas.

Yes, we are future teachers tapos ganito ang gawain namin.. Nangongopya, aasa sa isang kaibigan or whatsoever man 'yan..

Pero kasi ang amin lang, hindi naman kami basta basta nangongopya lang at tamang bigay lang ng sagot sa isa't isa. Syempre may pagkakataon pa din naman na after ng exam or quiz man na nangyari, yun yung opportunity na kukunin namin para matulungan ang isa't isa kung ano ba yung naintindihan namin at hindi naintindihan para hindi makapagsagot nang maayos sa exam or quiz na yun..

After the cheating comes the learning; dun kami magsisimula mag-aral nang mabuti..

I mean sa exam or quiz or activity mo kasi malalaman kung ano yung hindi mo naintindihan sa lesson eh.

Halimbawa nalang sa math.. Kung sa discussion naintindihan mo yung lesson tapos nung nagpa activity yung prof mo, biglang hindi mo na alam kung paano isosolve diba? So, dun ka na aaksyon at mangongopya sa katabi and afterwards naman, after taking the activity and checking it, yun yung oras na sasabihin namin sa isa't isa yung hindi namin naintindihan sa activity para yung isa sa amin na alam kung paano isolve yun eh maituro sa amin so that if magpa activity ulit yung prof eh hindi na namin need mangopya kasi alam na namin ang procedure.

Kasi hindi naman lahat ng prof ay effective magturo. Minsan dumadating tayo sa point na kailangan nating mag self-study para matutunan nang husto yung isang lesson diba?

So ayun nga, napahaba na ang monologue ko dito. Huhuhuhu. Ang dami kong chika, sorry na ha?

Dahil nga sa sobrang haba ng monologue ko, hindi ko namalayan na tapos na pala ang Spelling bee na pinapanood ko.

At..

Walang duda..

Si Julia syempre ang nanalo.

Aba, wala yatang kayang tumalo dyan. HAHAHAHAHAHA joke.

20 items ang words at naka 17 points si Julia. Siya ang pinakamataas at ang sumunod naman sa kaniya ay naka score ng 11 points habang ang third place naman ay naka score ng 10 points.

Hindi din biro ang words na inispell nila ha? Kumbaga sa isang bobo na gaya ko eh baka luhaan ko na ng dugo at lahat-lahat ang papel ko eh baka kahit isa man lang eh wala akong tamaan..

Buti nalang at nakasulat sa white board yung mga correct spelling ng words..

Ito ay;

1. Cymotrichous

2. Pulchritude

3. Logorrhea

4. Chiaroscurist

5. Denouement

6. Bouillabaisse

7. Bourgeoisie

8. Cerise

9. Gesellschaft

10. Feuilleton

11. Laodicean

12. Ursprache

13. Appoggiatura

14. Autochthonous

15. Succedaneum

16. Antediluvian

17. Staphylococci

18.Schadenfreude

19. Esquamulose

20. Sanguine

Oh diba, to the max level ang mga pinapaspelling. Kay hihirap, nako!

"Congrats!" bati ko kay Julia nang makalabas siya ng room.

"Sisiw." sabi niya.

Pft.

Ang yabang ha?

"Mamaya na tayo kumain, Magi. Suportahan natin kapatid ko sa chess. I think nagsisimula na yun kanina pa."  sabi ni Julia at hinatak na nga niya ako sa study area kung saan dun nagaganap ang Chess tournament.

Nakakainis naman 'tong si Julia. Wala naman akong balak panoorin 'tong si Dylan. Kung bakit ba naman kasi hinatak-hatak pa ako eh.

At nandito na nga kami at nakita namin na nagsisimula na nga ang laban.

Oh?

Magkalaban sa chess sina Dylan at Alec ha?

Actually, hindi ko talaga alam kung paano nilalaro 'tong chess. Oo, nakakapanood ako ng naglalaro ng chess pero ang totoo talaga eh hindi ko talaga alam kung paano manalo sa ganito.

Sabi ng iba, ang mga pinanlalaban daw sa ganto eh yung mga magagaling sa math. Kaya lang hindi ko alam kung bakit, eh wala namang numbers sa chess board eh..

Bakit? Bago ba dapat tumira, meron ba muna silang isosolve na math problems para maka atake?

Hays.

Oo na, masyado na yatang obvious na hindi talaga ako marunong sa chess. Basta ang alam ko lang, yung scoring nun ay base sa galaw nila.

Hindi ko nalang pinagkaabalahan pang pagtuunan ng pansin yung laro nina Dylan kasi hirap nga akong intindihin yun lalo na at wala nga akong alam sa chess.

Basta hinintay nalang namin ni Julia kung sino ang mananalo at ayun na nga, si Alec ang nanalo sa kanila.

Chess master yata 'to si Alec eh.

Halata naman sa mukha ni Dylan na dismayado siya sa pagkatalo niya lalo na nung makita niya na nanonood ako.

Pft.

Okay lang 'yan.

Minsan talaga kailangan nating matalo para mamotivate tayo na galingan nalang ulit natin sa susunod na laban..

Pagkatapos manood nung chess ay pumunta muna kaming tatlo nina Julia at Dylan sa cafeteria para kumain.

Naiwan dun si Alec kasi nga diba siya ang nanalo sa chess kaya may kakalabanin ulit siya..

Habang si Dylan, obviously, eliminated na agad sa laro. Wala yatang labanan ng mga talo eh.. Bale wala ng second chance ang mga natalo na makahabol man lang sa championship.

Wala, ganon talaga.

Si Delancy naman ay hindi namin mahagilap ni Julia. Siguro hanggang ngayon, naghahanap pa din ng schedule yun si Delancy. Kanina pa siya kasi nawawala eh.

Kaya lang nagkamali ako sa naisip ko dahil pagkapasok naming cafeteria, sila agad ni Warren ang nakita ko sa loob..

Sabay silang kumakain at mukhang masaya ang pinagkukwentuhan nila?

Teka?

Kailan pa sila naging close na dalawa?

Nang maka order ng pagkain ay agad kaming pumunta sa table nung dalawa at nakisali sa pinagkukwentuhan nila.

"Kaya ayun ang nangyari, kaya ang naging pamagat ng kwento ay ang Alamat ng Kare-kare." sabi ni Warren na parang tinatapos na niya ang kwento?

Pft.

Nakakatawa naman yung title nung kwento. Bigla tuloy akong nacurious.

"Tapos na?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko na uulitin, Magi. Ubos na laway ko." sabi niya.

Sus.

Tinatamad lang siya eh.

"Close na pala kayong dalawa? Parang kahapon lang, hiyang-hiya ka dito kay Warren ha, Delancy?" sabi naman ni Julia kay Delancy na ngayon ay biglang nanahimik.

"Hindi naman—"

"Tinuruan ko kasi 'tong si Delancy na kumapal ang mukha. Sabi ko sa kaniya, wag kako siya mahihiya na kausap ako kasi ako lang naman 'to, si Warren.. Ang pinakagwapo sa DWEIYAH." sabi pa ni Warren at proud na proud pa talaga siyang sinabi yun ha?

Napakayabang.

"Mahiya ka nga sa akin, Warren. Sa akin mo namana 'yang kagwapuhan mo kaya baka nakakalimutan mong may utang na loob ka sa akin." sabat naman ni Dylan.

So ano? Palakasan sila ng hangin?

"Ang hangin mo naman, bro." natatawang sabi ni Warren.

"Parang siya hindi." inis kong bulong.

"Oh tamo, pinagtatanggol na ko ng asawa ko." sabi ni Dylan at dahil nagkataong magkatabi kami sa upuan ay walang hirap niya akong naakbayan. "Ang sweet diba? Mainggit ka, Warren. Wala ka kasing bebe." sabi pa ni Dylan.

Tsk.

Kahit anong gawin kong siko sa kaniya ay hindi talaga siya lumalayo sa akin.

Nakakainis ah?

"Anong wala?" sabi ni Warren saka kinuha ang kamay ni Delancy at hinalikan 'to na para bang napakagandang prinsesa nitong si Delancy. "Wala nga akong bebe pero meron naman akong isang napakagandang prinsesa sa aking tabi." sabi pa niya saka kumindat.

Yuck.

Babaero talaga.

Halatang sobrang dali lang sa kaniya na magbitaw ng mga ganung mabubulaklak na salita eh palibhasa sanay na.

"Ah ganon? So ako lang yung walang bebe dito? Talagang pinapamukha niyo sa akin yan, ha?" inis naman na sabi ni Julia saka kami pinasadahan ng tingin. "Mga leche kayo! Kapag ako nagkabebe talaga, sinasabi ko sa inyo, magiging hugis star itong Earth tignan niyo." aniya at umalis na.

Luh?

Walk-out queen?

Tinapos nalang namin ang pag kain at naghiwa-hiwalay na din kami.

Si Dylan kasi eh magtetraining sa basketball at si Warren naman ay maghahanap daw ng sched niya.

Sa ML tournament din kasi si Warren at makakalaban niya sina Eli at Israel.

Habang si Delancy naman ay sinamahan kong pumunta sa AVR dahil dun daw magaganap yung Essay writing contest.

Nang makarating dun ay nagpaalam na siya sa akin at pumasok na sa loob. Bawal kasi ang pumasok sa loob na hindi naman kasali kaya hindi ako nakapasok.

Nasilip ko pa nga na nakasulat sa white board yung topic ng essay eh.

Health is Wealth.

Ang ganda ng topic nila kaya sure ako na maraming maisusulat sa papel niya si Delancy.

Ang broad kasi ng topic at alam kong maraming pwedeng issues ang maipaloob dito..

May balak pa talaga sana akong hintayin matapos si Delancy kaya lang nang mapatingin ako sa relong nakasuot sa akin..

Shit.

2:45pm na.

Bakit parang ang bilis naman lumipas ng oras?

Hays.

Heto na naman ako, kinakabahan na naman ako habang naglalakad ako papuntang room 211 kung saan dun magaganap ang laban ko.

Hindi ko namalayan na napahawak na pala ako sa pendant ng kwintas na bigay sa akin ni Dylan.

Ewan ko ba pero nawala yung kaba na nararamdaman ko nung hinawakan ko 'to.

Kakaibang feeling pero salamat..

So, eto na.

Eto na, Magi!

This is it.

Pumasok na ako sa room 211 at pagdating ko naman sa loob ay pinabunot ako ng isang estudyante ng number..

Number 3.

Pang number 3 ako..

Okay!

Nakakaramdam pa din ako ng kaba kasi nandito sa loob yung walo kong makakalaban at mapapanood namin ang isa't isa.

Saka impromptu kasi 'to, hindi namin alam kung anong topic ang gagawan namin ng speech.

Naupo na ko sa may bandang harapan at nagsimula na ang labanan.

Ang unang kalahok ay si Claire at ang napunta sa kaniyang topic ay;

How has the environmental pollution worsened our quality of life?

Maganda ang question na napunta sa kaniya and walang duda na nasagot niya ito agad ng maganda at maayos.

Nakakainis.

Eto na naman ako. Mas kinakabahan ako kasi ba naman ang gagaling sumagot ng mga makakalaban ko.

Baka umuwi na naman ako nitong talunan.

Pero hindi bale, basta ang mahalaga ginawa ko naman ang best ko..

Sunod naman si Gillian.

Actually hindi ko sila kilala at hindi ko alam kung saan sila mga nanggaling. Nalalaman ko lang mga pangalan nila dahil sa suot naming name tag.

And yes, may pa name tag dito. Malaki siguro ang budget.

Napunta naman na topic kay Gillian ay..

Speak on why is apathy about politics more widespread now than in past decades.

Ang hirap ng napunta sa kaniya ah? Very challenging talaga at halata kong nastress si Gillian dun ng very light pero nakagawa naman siya ng paraan para makasagot dito ng maayos.

Nakakatuwa nga dahil kahit nagsastruggle na sila sa topic, hindi nila naipapakita yun sa audience. I mean, paano nila nagagawang hindi ipakita sa iba yung kaba nila?

Sana all po.

At eto na nga, it's my time to shine.

Pumunta na ako sa harap at hinihintay banggitin nung parang host yung topic.

Every change should start with the man in the mirror, do you agree with it?

O-kay?

"I definitely agree with this because the change we all want to happen will only start with ourselves. If we really want for a big change in our life, don't start with what flaws and imperfections you only see to yourself. We can't denied it, right? That we only want a change to ourselves just because we want to erase those excess shade in that small circle we are currently shading.

It's impossible to happen. It's impossible to erase our flaws and imperfections with just a glimpse of an eye.

We should not treat our flaws and imperfections as our weaknesses because this are more qualified to be as our strength that will motivate us to be a better person.

Let's replace our mindset as this.. We should change not for our physical attractions to be better instead, we should change to be a better person, inside and out.

When you want to change, its not like when you hold a pencil and place it on a paper, then in a blink of an eye, you will already have your masterpiece.

When you want to change, of course, you should always start from yourself. You should always be motivated that the reason why you want to change is for yourself and not for others.

Don't depend your decision of changing to others just because you want to excel to them. Because time will come, this changeness of you will just be wasted."

Hindi ako kuntento sa sagot ko.

Hays.

Nabitin yung oras, kaasar.

Di bale na nga, atleast ginawa ko naman ang makakaya ko para maging perfect yung english ko.

Hindi naman kasi ako gaanong magaling sa english kasi.

Sumunod sa akin ay si Paul at ang topic sa kaniya ay

What is the meaning of life in the moment for you?

Tapos sunod naman si Kristalyn at topic niya naman ay

Speak on why is it important to learn a second language.

Next naman ay si Christian and ang topic niya ay

What is the most useless invention do you think?

Medyo nakakatawa yung question pero ayoko nalang sumabat.

Tapos ang next ay si Danna and ang topic niya naman ay

Beauty is always in the eye of the beholder, do you agree with it?

And ang last naman ay si Donny at ang topic na napunta sa kaniya ay

Speak on what is the best way to combat internet crime and piracy.

After din non ay pinalabas na kami. Sa wednesday daw ang announcement of winners pero hindi na ko aasa, sabaw yung sagot ko e.

"Kamusta?" salubong sa akin pagkalabas nina Julia at Delancy.

"Feeling ko okay naman." matamlay kong sagot.

Ehh kasi naman, hindi ako kuntento sa naging sagot ko. Parang gusto kong bumalik sa loob tapos dugtungan yung walang kwenta kong sagot e.

Nakakainis..

"Ayos lang 'yan." sabi naman ni Julia na nakakapagtaka kung bakit ang bait niya yata ngayon?

Ano kayang nakain nito? Angel condensada?

Inaya ako nung dalawa sa AVR dahil dun daw nagaganap yung ML Tournament..

Luh?

Bakit ba ako sinasama nito? Hindi naman ako marunong non kaya paano ko yon maiintindihan?

Pero wala na din akong nagawa at nagpahatak nalang din sa kanilang dalawa..

Nadaanan pa namin sa com lab si Yuwi na siya ang lumalaban sa Speed typing..

Parang ano yon, pabilisan magtype ng words ganon.

Speed typing nga eh hindi ba?

Kailangan na mabilis talaga ang kamay mo sa pagtatype..

SAYANG NA SAYANG TALAGAAAAAA

PAGMAMAHAL NA DI KO MAKAKAMTAN....

SA IYOOOOOO OHHHHH

Tae.

Hanggang dito ba naman ay abot yung kanta nung babaeng hindi ko kilala kung sino yon.

Ang alam ko sa may gym yata or katabi ng gym nakapwesto yung karaoke booth tapos ang layo nitong building na kinaroroonan namin tapos abot pa hanggang dito boses ni ate?

Iba siya ha?

So ayon, nandito na nga kami at naabutan namin na kalaban nina Eli, Israel at Troy sina Warren, Harris at Luigi ata yon? Basta yung nakalaro namin ng WARRIS sa volleyball.

Custom Classic ang lalaruin nila. 3 v 3 ang mangyayari.

Hmm.

Mukhang exciting 'to ah?

Gamit na hero ni Warren ay as usual, si Bruno.. Si Luigi naman ay Tigreal at si Harris ay Fanny.

Habang si Israel naman ay si Gusion gamit.. Si Troy naman ay Valir at si Eli ang nag Guinevere.

Gagstog.

Wala silang Tank!

Pero mukha namang napagplanuhan na nilang tatlo yan kaya bahala na sila sa mga buhay nila.

Mga leche.

Sana talaga matalo sila kahit mga kaklase ko yan!

At ayun, nagstart na ang game.

Tag-iisa sila ng lane, bale bawat lane 1 v 1 sila don.

Unang namatay si Eli kasi mukhang hindi niya gamay ang Guinevere. Hindi din kasi madaling gamitin yun e lalo na kung di mo talaga main hero.

Pero ayos lang naman na namatay si Eli kasi nakapagpush naman siya.

Sa mid lane naman, Fanny vs Valir. Medyo mahirap 'to kasi mahirap patayin si Fanny kasi napakalikot nito eh. Mas malikot pa kay Wanwan.

And kagaya ng nangyari kay Eli, namatay din si Troy.

Wow.

Galing naman mag Fanny ni Harris.

Pft.

Nakakatawa nga kasi naman yung skin ng Fanny ni Harris, yun bang nagbebaseball yata siya? Basta kulay pink yon!

Pft.

Hindi naman halatang mahilig sa pink 'tong si Harris noh?

Ano ba yan? Dumaldal lang ako dito nang bahagya eh malapit na agad matapos ang laro.

Ang dami nang napupush na tore nina Eli habang lamang naman sa kills sina Warren.

Okay.

Unahan nalang siguro 'to kasi napush na din nina Warren yung mid eh.

At!

Nandun na sila sa Lord. Unahan silang makapatay nang makuha ito ni Gusion..

Orayt.

May Lord kami.

Namatay nga si Gusion eh kitang siya na nga lang nagbubuhat sa team nila—

Ay!

Si Israel pala si Gusion. Wow naman, ang galing naman pala mag Gusion ni Israel.

Oh tamo, si Julia dito sa tabi ko, bilib na bilib na pinapanood si Israel.

Pft.

At ayun na nga, dahil may Lord kami; hindi ibig sabihin panalo na.

Kasi naman, napatay pa nila Warren yung Lord at na wipe out sina Eli at Troy eh si Israel 12 sec pa bago mabuhay ulit!

Nasa inhibitor turret na sina Warren at sakto, buhay na ulit si Gusion kaya pinasukan niya yung tatlo..

Boom!

Ubos sila kay Gusion.

Tae!

Ang lupet ni Israel!

So dahil wipe out na sina Warren, napush na ng minions at sina Eli ang nanalo.

Woah!

Hands-down tayo kay master Israel!

"Kilig na 'yan si Julia—" napahinto sa pang-aasar si Delancy nang tampalin ni Julia ang bibig nito.

Pft.

"Manahimik ka o susunugin ko 'yang mukha mo?"

"Bakit ka naiinis?"

"Jusko, Magi. Tara na nga. Iwan na natin yan si Delancy!" sabi ni Julia saka ako hinatak paalis.

Luh?

Talagang nagpaiwan dun si Delancy?

"Uuwi na ba tayo?" tanong ko kay Julia nang makarating na kami dito sa pinaradahan niya ng kotse.

"Tapos na diba, Magi? Pagod na ako. Gusto ko na din kasi umuwi eh." aniya saka sumakay na ng kotse.

Sumakay na din ako sa loob.

Napansin ko din na bago pumasok sa kotse eh wala na dito ang kotse ni Dylan?

Hmm?

Bakit naman ang aaga nilang napagod?

Hayyyy ewan.

Nakakapagtaka na hindi man lang ako kinikibo o kinakausap man lang ni Julia..

Hmm?

May problema ba siya?

Badtrip?

Eh nanalo naman siya sa Spelling bee ah? First place pa nga.

Hays.

Baka mood swing?

Nakarating kami sa bahay nila na ganon pa din siya hanggang sa bumaba ako.. Dun lang siya nagsalita.

"Magi.." tawag niya sa akin at nakakapagtaka na inabutan niya ako ng rosas.

"Para saan 'to—"

"Pasok ka na sa loob." aniya saka nakangiti ng nakaka ewan.

Luh?

Sinunod ko nalang siya at nang pagpasok ko sa pinto ay inabutan ako ng cook nila ng isang rosas din..

Nagtataka man pero inabot ko nalang ito at nang paakyat na ako ng hagdan ay may lumapit naman sa aking isang kasambahay nila at inabutan din ako ng rosas..

Nakita ko naman si Alec na naglalakad sa sala nina Dylan at may hawak din siyang rosas?

"Ano bang nangyayari?" nagtatakang tanong ko kay Alec pero ang bastos na 'to, nginitian lang ako!

Nakakainis na ha!?

"This way, mam." aniya pagkaabot ko sa rosas na hawak niya at para bang sinasabi niya sa akin na diretsyuhin ko ang sala..

Hmm..

Pag kasi dinirestyo ko 'tong sala nila ay makakarating ako sa..

Pintuan papunta sa pool area nila Dylan..

At dun, sinalubong ako ni tita Ellen habang nakangiti at ibinigay sa akin ang isang piraso ng rosas na naman?

Baket ba napaka aaksayado nila sa bulaklak?

Aanhin ko naman 'to ha? Hindi naman ako nagtatanim ng bulaklak eh saka wala naman akong tindahan ng bulaklak kaya anong gagawin ko dito?

"Enjoy, iha." sabi niya pa kaya naman nagtataka ko siyang tinanguan nalang.

At nang diretsyuhin ko ang patungong pool area..

Nagtaka ako kung bakit may nakahandang maliit na table dun at dalawang upuan..

Bakit parang nasa romantic date ako? Plus, yung tugtog is pang romantic din talaga?

At dun, biglang lumitaw si Dylan habang may hawak siyang isang bouquet of roses..

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at iniabot yun.

Inabot ko naman yun sa kaniya..

At pagkatapos nun, lumitaw sa likod niya sina Israel at Harris. Si Harris na may dalang gitara at si Israel na may dalang tambourine yata?

Mangangaroling sila?

Naputol ang imahinasyon ko nang umpisahan ng kalabitin ni Harris ang gitara at nang umpisahan na ni Israel hampasin ang hawak niyang tambourine..

We're all just merely passing through

Doing what we can do in a lifetime

We have more than one adventure to take

More than one dream to make in our lifetime

As for me there's only one dream

And that's to love you, my love

With a love to last a lifetime

We're fools we sometimes do crazy things

And our hearts would take wins like a sparrow

But that's life

We'll take each day as it comes

Never leaving the crumbs for the morrow

As for me, all of my days I will spend them all with you

Loving you with love to last a lifetime

If we all could leave something lasting behind to be remembered by

Just a song for me and that at least I would have tried

I agree it's not so much what we have

As how we use what we have in our lifetime

Thirty years is worth a hundred and two

It's really what we can do in our lifetime

All my love I would give for as long as I may live

With a love, true love, to last a lifetime

A love to last a lifetime..