Bandang alas-onse ng umaga ako nagising ngayong araw.
Leche.
Hindi man lang ako ginising ni Julia?! Hay nako. Pero hindi na bale, ball games naman ang laro-
Potek!
Kasali ako sa volleyball!
Nagmamadali akong tumayo sa kama ko at naligo saka nagbihis at kinapalan ko na din ang mukha ko na magpahatid sa driver nina Julia.
Baka kasi abutin ako ng siyam-siyam kung lalakarin ko pa ang labasan ng subdivision na 'to tapos pahirapan pa pumara ng taxi sa gan'tong oras.
Hayyy nako talaga.
Sana makaabot ako sa game. Balita ko pa naman sabay na gaganapin yung basketball at volleyball.
Yung basketball ay sa gym ng campus mangyayari habang yung volleyball naman ay sa covered court ng Cityland. Hindi naman gaano malayo yung covered court ng Cityland sa campus kaya keri ko naman yun lakarin..
Kaya lang pagkarating ko sa campus, nabalitaan ko na kakasimula pa lang daw ng volleyball.
Bale yung team, binalik na ulit sa dati. Sa ball games na 'to, Earth kingdom na ang buong Math major department.
At nakakagulantang na balita na tinanggal daw ako sa line-up kasi late na daw ako. Pati nga si Julia ay naalis sa line-up dahil wala pa siya dito..
So ibig sabihin, nauna pa ako kay Julia na dumating dito? Ibig sabihin nasa bahay pa din nila siya?
Shocks.
Hindi ko alam.. Hindi ko tuloy siya nagising.
Nagtataka kayo kung bakit kami mga puyat? HAHAHAHAHA well, ganto kasi 'yan..
Flash back:
Mag-a-alas nuebe na siguro nung payagan kaming makauwi na pero dahil nga bati na kami ni Dylan at good mood na daw siya..
Ayun! Sinabi niyang mayamaya na daw kami umuwi. Edi nagpaiwan kami sa harap ng nagliliyab na bonfire. Pwede naman daw magstay pa dun kahit na anong oras. Pero sadyang kami-kami lang ang matitibay at nagstay dito..
"Wala bang pwedeng gawin dito nang hindi naman tayo mainip?" reklamo ni Warren.
"Oo nga.. Ayoko namang makipagtitigan dito sa apoy. Baka bigla akong mawala sa katinuan at isubsob ko mukha ni Julia dyan para masunog na." natatawang sabi naman ni Harris.
Pft.
Ngayon naman, si Julia ang trip nila.
"Inaano ba kita, Harris? Nananahimik ako dito, tapos ako na naman napansin mo! Papansin ka noh? Sabihin mo lang kung gusto mo ng atensyon ko, ha? Bibigyan naman kita." sagot naman ni Julia.
"Hindi ko na kailangan ng atensyon, Julia. Sapat na sa akin yung mga atensyon na binibigay sa akin ng mga fans ko. Baka nga isa ka pa sa kanila eh." mayabang na sabi pa ni Harris.
"Tama. Hindi kami ang nanlilimos ng atensyon kundi kami ang pinanlilimusan ng atensyon." sagot ni Warren.
Nakita ko namang tinuktukan ni Alec ng tig-isa ang ulo nung dalawa.
"Hinay-hinay sa pagiging mahangin, baka pati yung apoy mamatay sa sobrang lakas ng hangin niyo." sabi pa ni Alec.
Pft.
Totoo naman yung sinasabi niya eh.
"Alam ko na. Laro nalang tayo ng TRUTH OR DARE." suhestyon ni Israel saka kami sinenyasan na umikot pabilog saka siya pumulot ng isang bote.
Kabado ako dito ah?
Pinaikot na ni Israel ang bote at una itong tumapat kay Delancy.
"Truth." hindi na naghintay pa ng tanong at sumagot na si Delancy.
Ang tapang ah.
"Bawal sinungaling dito, Delancy ah?" natatawang sabi ko.
"Sino ang crush mo sa amin?" tanong ni Israel.
Yeyyyyyy.
Nice question.
"Dare na lang pala." pagbawi ni Delancy.
HAHAHAHAHAHA
Wala kang takas, Delancy.
"Ituro mo kung sino sa DWEIYAH ang crush mo." sabi ko naman.
"Ang galing mo dun, Magi." sabi ni Israel sa akin saka kami nag-apir.
HAHAHAHA
Kita ko namang nainis dun si Delancy at namumula siya habang dahan-dahang itinuturo ang gawi ni Warren.
"WOAAAHHHHHH!" sabi nila at nakisabay nalang din kami ni Julia.. Kunwari hindi namin alam.
Pinaikot na ni Israel ang bote at sunod itong tumapat kay Yuwi.
"Dare." matapang na sagot ni Yuwi.
Wow.
Palaban.
"Halikan mo paa ko." seryosong sabi ni Julia kay Yuwi.
Luh? Hindi naman siguro halatang may lihim na hinanakit 'tong si Julia kay Yuwi noh?
"Ikaw nalang halikan ko. Tutal mukha ka namang paa." sagot naman ni Yuwi.
Owwwwww
Na savage si Julia dun HAHAHAHAHAHAHAHA.
"Demonyo ka! Eto na lang.. Kantahin mo yung chorus ng Chandelier. Hangga't hindi mo naaabot ang tamang nota, hindi ka titigil."
"Wow. Judge ka ba sa Tawag ng tanghalan?"
"Gawin mo na lang-" naputol sa sasabihin si Julia nang batukan siya ni Dylan.
"Tanga ka talaga. Ikaw nga hindi mo yun maabot, tapos ipapagawa mo kay Yuwi. Kapatid ba kita, ha?"
"Epal-"
"Ito na lang." pagputol ni Eli kay Julia. "Hanggang matapos 'tong game, dapat nakasmile ka, Yuwi." natatawang sabi ni Eli.
Pft.
Pati ako natatawa.
Shit.. Iniimagine ko pa lang na parang siraulo si Yuwi na nakangiti hanggang matapos 'tong game eh feeling ko mamamatay na ako sa kakatawa eh.
"Ang lupet mo talaga magdare, Eli." natatawang sabi ni Israel.
"Binulong ko talaga 'yan kay Eli." sabi naman ni Dylan.
Okay.. Hindi ko muna siya kokontrahin ngayon. Ayoko muna ng away.
At ayun na, inispin na ulit ang bote at kay Julia natapat.
"Dare."
"Ako, ako!" sabi ko at may pataas pa talaga ako ng kamay. "I mean, ako magdedare." nakangising sabi ko.
"Umayos ka Magi. Baka palayasin kita sa bahay."
Tinawanan ko nalang siya bago nagpatuloy.
"Simple lang 'to." sabi ko at ngumiti habang pumupungay ang mata. "Papaabot ko lang talaga yung bag ko. Ang layo eh. Tinatamad akong tumayo-"
Hindi na ko natapos sa sasabihin nang bigla niyang ibinato sa akin yung bag ko.
Ang maldita talaga.
"Hindi yun ang dare mo, Julia. Hindi ako papayag." singit ni Warren. "Kailangan mong mahirapan kaya ang dare mo ay.." sabi ni Warren saka saglit tinignan si Yuwi na mukhang ogag na pilit na nakangiti. "Kandungin mo si Yuwi, hanggang matapos ang game na 'to."
Pft.
Mahihirapan talaga si Julia sa dare ni Warren. HAHAHAHAHAHA potek na Warren 'to.
So dahil dare yun, walang nagawa si Julia kung hindi ang kandungin si Yuwi.
Kahit naman hindi katangkaran 'to si Yuwi eh sure naman ako na may bigat din siyang tinatago eh.
At eto na, muling pinaikot ni Israel ang bote at tumapat naman ito kay Dylan.
"Dare."
"Ako na dito." sabi ni Julia at ibinaba ang nakakandong sa kanya na si Yuwi. Ang daya! "Sayawan mo ng sexy dance si Magi. Gusto ko yung may 'pakita ng abs' ha? Tapos may pa lip bite."
Luh? Bakit nadawit na naman ang pangalan ko?
"Gusto ko 'yan, Julia." sabi ni Dylan saka tumayo sa inuupuan niya at lumapit sa akin.
Lintek na..
Ginawa niya talaga. Shit. Sinayawan niya nga ako ng sexy dance habang dahan-dahan niyang itinataas ang suot niyang tshirt at pinapakita yung abs niya.
Potek.
Nakakaasar naman 'to. Baka mamaya maihi nalang ako dito bigla!
"Ayan na, Magi! Siguro naman magiging mainit ang panaginip mo mamaya!" natatawang sabi ni Harris.
"Kung ako sayo Magi, dadakmain ko na 'yung batuta ni Dylan." sabi naman ni Warren.
"Napakababastos niyo. Dapat sa kwarto sila magdakmaan, hindi dito." natatawang sabi naman ni Alec.
Mga leche silaaaaa!
End of Flash back.
At dahil nga sa lintek na TRUTH OR DARE na yun, napuyat kami. Kasi naman, bandang alas dyes o mag a-alas onse na siguro kami mga nag-uwian.
Ngayon nga, dahil sa napuyat eh natanggal tuloy kami ni Julia sa line-up ng volleyball kaya naman hindi na ako nagsayang pa ng pagod na magpunta sa covered court ng Cityland kasi wala naman din akong mapapala.
Dumiretsyo nalang ako sa loob ng campus at dumiretsyo sa gym para panoorin yung basketball game kung saan kasalukuyang nasa court at naglalaro sina Dylan at Israel at ang kalaban namin ay ang Water tribes at Fire nation.
Kagaya nga ng nabanggit ni mam Torres, kakampi ng math major ang BSA at kalaban namin ang CpE at english major..
Kasalukuyang nasa third quarter na ang laban at ang kasalukuyang lamang sa laro ay ang CpE at english major. Lamang sila ng 6 points.
Bale ang mananalo sa game na 'to is considered na champion. Best-of-2 ito at ang unang makakapanalo ng dalawang beses ang champion.
So, ayon sa chismis na nadidinig ko ngayon, second game na daw 'to at ang nanalo daw sa first game ay kami so kapag nanalo kami dito ulit, ibig sabihin kami na ang champion..
Kaya lang mukhang malabo yata yun mangyari kasi lamang ang kalaban. Pero 6 points lang naman ang lamang eh, marami pa namang oras para maghabol.
Mukhang nababad sa laro sina Dylan at Israel dahil bakas sa mga mukha nila na sobra na silang pagod sa kakatakbo at kakabantay sa kalaban.
Ewan ko ba pero nagkusa na lang ang sarili ko na umalis muna sa gym para bumili ng tubig at hand towel na din. Ewan ko ba kung bakit ganito yung pag-aalala ko sa kaniya basta ang malinaw lang sa akin ngayon, kailangan ko 'tong gawin para sa kaniya.
Bumalik ako at fourth quarter na, nakadikit na sina Dylan at nakita kong pinalitan ni Eli si Israel habang si Dylan ay hindi pa din pinagpapahinga..
Sa ngayon, nakay Benedict ang bola at ipinasa niya naman ito sa kakampe naming BSA na Mercado ang apilido. Hindi man lang niya ito ipinasa sa libreng si Dylan at agad itinira sa tres pero buti nalang at pumasok.
Lamang na kami ngayon ng isang puntos pero agad naman nabawi ng kalaban yun sa isang jump shot kaya bumalik sa kanila ang lamang na isang puntos.
Hawak ngayon ni Dylan ang bola at dinidribol-dribol ito at nag crossover siya saka siya nag no-look pass kay Eli na nakapwesto sa ilalim ng ring. At wala namang kahirap-hirap na tinalon ni Eli ang ring para ishoot ang bola.
Orayt.
Palitan lang ng puntos ang laban ngayon ah?
Nasa kalaban na ngayon ang bola at ipapasa na sana nung number 5 sa kakampi niya kaya lang naagaw ito ni JM at nagmamadali silang tumakbo at ipinasa ni JM yung bola kay Dylan na naka pwesto sa three point area...
*shoot*
Saktong pagkashoot ng bola, natapos na din ang time sa game clock!
Yey! Panalo kami!
Masayang-masaya akong lumapit sa mga kateam ko at medyo nag-aalinlangan pa akong lumapit kay Dylan pero lumapit pa din ako para ibigay itong hawak ko.
"Dylan-" napahinto ako sa pagsasalita nang may makita akong isang bote din na nakalahad kay Dylan..
Si Macy..
Sinamaan niya naman ako ng tingin at pasimpleng sinaling yung kamay ko para malaglag yung tubig na hawak ko.
"Wag mo na inumin yung tubig na galing kay Magi.. Marumi na 'yan oh? Nalaglag na." sabi pa ni Macy.
Tsk.
Pupulutin ko na sana yung bote ng tubig nang unahan ako ni Dylan na kuhanin yun.
"May takip naman yung tubig kaya sigurado naman akong hindi pa 'to madumi." sabi ni Dylan saka niya ininom yung tubig.
Napangisi ako kay Macy.
'Buti nga sayo, gaga ka.'
"Salamat, Magi." sabi pa ni Dylan sa akin pagkainom sa tubig saka kinuha yung kamay ko na may hawak na hand towel at ginuide ito na punasan ang noo niyang tagaktak ng pawis.
Tae ka, Dylan.
Kinikilig ako, teka!
"Bwisit!" dinig kong sabi ni Macy at umalis na.
"Hindi mo kasabay si Julia?" tanong niya nang mapansin na hindi ko kasama si Julia.
"Akala ko kasi nandito na siya." nag-aalangan kong sabi.
"Patay ka dun." natatawa niyang sabi at nagulat ako nang akbayan niya ako.
Luh?
Basang-basa siya ng pawis eh! Kadiri!
"Edi kayo na sweet." pang-aasar ni Israel na kadadating lang habang kasama niya si Eli na todo kung makangiti din.
Nakakaasar 'yang mga ngiti na 'yan ha?
"Well, salamat kay Eli. Kaya ayan, no choice si Magi at sa akin siya bumagsak." natatawang sabi ni Dylan.
"No choice talaga." sabi ko naman.
"Sus. Kinikilig ka lang sa akin, ayaw mo lang aminin. Pero naiintindihan ko naman-"
Agad akong lumayo sa kaniya at lumapit kay Eli at humawak sa braso nito.
"Sinasaniban na naman 'yang kaibigan niyo." inis na sabi ko.
Natawa naman nang bahagya sa akin si Eli at saka ako inakbayan din.
Luh? Bakit ba ako trip akbayan ng mga 'to? Ang lalagkit nila eh.
"Paano ba 'yan, bro? Mukhang ako talaga type ni Magi? Bawiin ko na siya ha?" sabi pa ni Eli.
Agad naman akong hinatak ni Dylan pabalik sa kaniya.
"Sa akin lang 'to." inis niyang sabi at hinatak na ako paalis dun..
Pft.
Nakakatawa siya.
-
Alas tres ng hapon nang bumalik ako sa campus but this time kasama ko na si Julia.
Umuwi pa talaga ako para gisingin 'tong bruha na 'to. Aba pag-uwi ko ba naman, tulog pa din.
At isa pa si Delancy, kung hindi pa namin tinawagan ang mama niya eh baka hanggang mamaya eh tulog siya. Kitang may pageant siya mamaya eh, hay nako.
So ayun, pagbalik namin sa gym ay nakagayak na ang stage dahil nga may mini concert na mangyayari dito ngayon.. Tampok ang iba't ibang mga banda dito sa Winston.
Excited na nga ako, instant jamming 'to.
Hindi na din nakakapagtaka na ang dami nang mga estudyante ang nandito.. Malamang pati sila ay mga excited na din.
"Dapat talaga hindi na tayo nagpunta dito, Magi. Aantukin lang ako eh." inis na sabi ni Julia.
"So ano, balak mong matulog nang nakatayo?" taas-kilay na tanong ko sa kaniya.
Wala kasing mga upuan dito ngayon.. Lahat ng mga nanonood ay mga nakatayo kasi tiyak naman kapag nagsimula na ang concert eh magsisitayuan din naman ang lahat kaya mawawalan din ng silbi ang mga upuan, bhiE.
"Malay mo." sagot niya. "Alam mo dapat kina Delancy nalang tayo nagpunta. Para maayusan ko na din siya at makulot na buhok niya. Tara na kasi dun! Maiinip lang talaga tayo dito!"
"Ikaw nalang. Basta ako, dito lang ako."
"Hay nako, Magi. 'Yan ba ang epekto ni Dylan sayo?! Mukhang kinain mo din yung sinabi mo noon ah? Ano ulit yon?
Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Hindi ko type 'yang kapatid mo. Maubos na lahat ng lalaki sa mundo pero hinding hindi ako papatol sa mayabang na 'yan.
Ano ka ngayon, ha?" nakangisi niyang sabi.
Aysh. Nakakaasar.
"Ewan ko sayo!"
"Nako, Magi. Sabi na nga ba at kay Dylan ka talaga mahuhulog eh. Syempre, Villarosa yata kami? Malakas ang karisma namin noh!" pagmamayabang pa niya.
"Pero bakit hindi yata tinablan si Israel ng karisma mong 'yan?"
"Epal ka talaga, Magi. Alam mo, isang banggit mo pa sa pangalan ng Israel na 'yan, baka hindi ka na sinagan ng araw bukas!"
"Bakit ka naiinis, Julia?"
"Duh? Ako? Naiinis? No way. Sadyang masakit lang sa tenga pakinggan ang pangalang ISRAEL. Like kapag nadidinig ko, feeling ko gusto kong himatayin sa-"
Naputol sa sasabihin si Julia nang magsimula na ang concert. At sinimulan ito ng DWEIYAH.
Hawakan mo ang aking kamay at tayong dalawa'y
Maghahasik ng kaligayahan
Bitawan mong unang salita
Ako ay handa nang tumapak sa lupa
At ang una ngang kumanta ay si Israel kaya naman napahinto itong si Julia sa pagsasalita..
"Kilig.." pagpapatuloy pa niya.
Pft.
Nakita ko naman, as usual, same pa din ang pwesto nina Alec na nasa gilid at gamit ang keyboard, si Yuwi na drummer sa likod at si Warren na gitarista sa kabilang gilid.
(HARRIS)
Tapos na ang paghihintay nandito ka na't
Oras ay naiinip magdahan-dahan
Sinasamsam bawat gunita
Na para bang tayo'y di na tatanda
(DYLAN)
Ligaya mo'y nasa huli
Sambit na ng iyong mga labi
(ELI)
Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay balewala
(ISRAEL)
Nagkita rin ang ating landas wala ng iba
Akong hinihiling kundi ika'y pagmasdan
Mundo ko ay yong niyanig
Oh anung ligayang ika'y sumama sa akin
(DYLAN)
Nais ko lang humimbing
Sa saliw ng iyong tinig
(ELI)
Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay balewala
(DYLAN)
Panatag ang kalooban ko
At ika'y kapiling ko na
Oh kay tagal kitang hinintay
Oh kay tagal kitang hinintay
(ISRAEL)
Ligaya noo'y nasa huli
Sambit na ng iyong mga labi
(ELI)
Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
(HARRIS)
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay balewala
Ang dati ay balewala...
(ALL)
Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay balewala
(DYLAN)
Panatag ang kalooban ko
At ika'y kapiling ko na
Kay tagal kitang hinintay
Kay tagal kitang hinintay

Amazing! Ang ganda ng performance nila!
Right after ng performance nila, mayamaya biglang nagdilim ang stage at ilang sandali lang din ay umilaw na ulit.
Nasa stage pa din ang DWEIYAH and I think is ready for their next song.
(HARRIS)
Baby, please try to forgive me
Stay here don't put out the glow
(ISRAEL)
Hold me now, don't bother
If every minute it makes me weaker
You can save me from the man that I've become
(HARRIS AND ISRAEL)
Lookin' back on the things I've done
I was tryin' to be someone
I played my part,
Kept you in the dark
Now let me show you the shape of my heart
(ELI)
Sadness is beautiful, loneliness is tragical
So, help me, I can't win this war, oh no
(DYLAN)
Touch me now, don't bother
If every second it makes me weaker
You can save me from the man I've become
(ELI AND DYLAN)
Lookin' back on the things I've done
I was tryin' to be someone
I played my part,
Kept you in the dark
Now let me show you the shape of my heart
(ISRAEL)
I'm here with my confession
Got nothing to hide no more
I don't know where to start
(DYLAN)
But to show you the shape of my heart
(DYLAN AND HARRIS; ISRAEL SECOND VOICE)
I'm lookin' back on things I've done
I never wanna play the same old part
Or keep you in the dark
Now let me show you the shape of my heart
(ISRAEL AND ELI; SECOND VOICE DYLAN AND HARRIS)
Lookin' back on the things I've done
I was tryin' to be someone
I played my part,
Kept you in the dark
Now let me show you the shape of my heart
(HARRIS AND DYLAN; ELI AND ISRAEL SECOND VOICE)
Back on the things I've done
I was tryin' to be someone
I played my part,
Kept you in the dark
Now let me show you the shape of...
Show you the shape of my heart

Pagkatapos ng pagkanta nila na yon ay akala ko tapos na sila pero pagkatapos mamatay ng spot light sa stage ay nakakapagtaka na nandun pa din ang DWEIYAH?
'Aba tatatlo pa?'
"GO ISRAEL!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Julia.
Pft.
Aayaw-ayaw pa 'to kanina ah?
[Verse 1: DYLAN WITH ISRAEL]
(DYLAN)
Although loneliness has
Always been a friend of mine
I'm leaving my life in your hands
People say I'm crazy and that I am blind
Risking it all in a glance
(ISRAEL)
And how you got me blind is still a mystery
I can't get you out of my head
Don't care what is written in your history
As long as you're here with me
[Chorus: All]
I don't care, who you are, where you're from
What you did, as long as you love me
Who you are, where you're from
Don't care what you did, as long as you love me
[Verse 2: HARRIS WITH ELI]
(HARRIS)
Every little thing that you have said and done
Feels like it's deep within me (ooh, ooh-ooh)
(ELI)
Doesn't really matter if you're on the run
It seems like we're meant to be
[Chorus: All, (DYLAN) & (ISRAEL)]
I don't care, who you are (who you are)
Where you're from (where you're from)
What you did, as long as you love me (I know)
Who you are (who you are)
Where you're from (where you're from)
Don't care what you did, as long as you love me
Yeah-eh-eh, as long as you love me
[Bridge: ELI]
I've tried to hide it so that no one knows
But I guess it shows
When you look into my eyes
What you did and where you're coming from
I don't care
As long as you love me, baby
Oooh, oooh, oooh, ooh
[Chorus: All, (ELI) & (DYLAN)]
I don't care, who you are (who you are)
Where you're from (where you're from)
What you did, as long as you love me
(As long as you love me)
Who you are (who you are)
Where you're from (where you're from)
Don't care what you did (yeah, eh, eh)
As long as you love me (as long as you love me)
[Outro: All, (Brian) & Nick]
Who you are (who you are)
Where you're from
What you did, as long as you love me
Who you are (who you are)
Where you're from (where you're from)
As long as you love me
Who you are, as long as you love me
What you did (I don't care)
As long as you love me

Yun na ang last performance ng DWEIYAH at ang sumunod sa kanila ay ang banda ni Lerisse which is ang MYSTICA.
Nakakapanibago noh? Na hindi na ako ginugulo ni Lerisse? Baka kasi natakot sa akin.
Kaya lang pumalit naman sa kaniya si Macy eh noh? Kakayamot.
Nagperform din ng tatlong awitin ang MYSTICA which is ang MY LOVE ng Westlife, ONLY REMINDS ME OF YOU ng MYMP at RAINBOW ng Southborder.
Ang HOPE'rs naman ay OPM songs ang tinirada. I mean yung mga kanta ng mga Filipino bands at ito ay ALAPAAP ng Eraserheads, KUNDIMAN ng Silent Sanctuary at TULIRO ng Spongecola.
Ang Sweet&Sour naman ay loyal sa Air supply at yung mga hit songs ng Air supply ang kinanta which are NOW AND FOREVER, HAVING YOU NEAR ME at MAKING LOVE OUT OF NOTHING AT ALL.
Salamat talaga sa mga banda na 'to at naenjoy ko kahit papaano ang Org week. HAHAHAHAHA.
Hindi ko naiwasang mapathrowback sa mga kanta na kinanta nila. I just love it! My heart melts!
So ayun, alas singko na natapos ang mini concert kaya pumunta na kami ni Julia kina Delancy para mag-ayos na din para sa bonggang party mamaya.
8pm ang call time kaya marami pa kaming time para magprepare..
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay nina Delancy at naabutan namin siya sa kwarto niya na aligagang-aligaga.
Kinakabahan 'to.
"Para kang ipis dyan na hindi mapakali, Delancy. Tumigil ka nga dyan!" inis na sabi ni Julia saka ibinaba yung napakalaking bag na bitbit niya.
Syempre, ano pa bang laman ng bag na yun ni Julia kundi mga make-up, pangkulot ng buhok at syempre, yung susuotin namin mamaya.
Si Julia na din kasi ang sumagot ng pampageant ni Delancy since ito namang si Delancy eh wala masyadong damit kasi hindi naman siya mahilig maggagayak ng ganon eh.
"Kinakabahan ako, Julia! First time ko 'to eh kaya hindi ko maiwasan-"
"Wag kang kabahan, teh! Wala ka namang gagawin dun sa pageant kundi ang rumampa lang and then magtalent portion tapos sumagot sa Q&A!"
"Ano? May talent portion? Hindi ko-"
"Gaga! Pageant nga diba tapos walang talent portion? Mag-isip ka nga!"
Nag-away na naman silang dalawa.. Hay nako.
"Eh ano namang ipapakita kong talent eh wala naman akong talent!" sabi ni Delancy at nanlulumong napaupo sa kama niya.
Potek. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa itsura niya.
"Gunggong ka ba, Delancy? Hindi ako naniniwalang wala kang talent noh! Lahat ng tao may talent!
Ayan si Magi, talent niya ay kumanta. Tapos ako naman talent ko maging maganda.. Kaya ikaw, sure ako na may talent ka! Hindi mo lang alam kasi hindi mo nilalabas. Engot ka kase!"
"Talent ba yung pagiging maganda?" pagsingit ko kay Julia.
Sinamaan niya naman ako ng tingin.
Luh?
Nagtatanong lang eh.
"Ahh basta! Hindi ako magtatalent. Idisqualified man nila ako, wala akong pake!"
"Napakatigas ng ulo mo, Delancy! Kung kutusan kaya kita ng tatlo, baka sakaling magtino ka no?"
"Mukhang kailangan na natin ng tulong ni Warren." nakangising sabi ko kay Delancy at ang loka, bigla na namang namula.
Pft.
"Oo nga. Kapag ikaw hindi nagtalent, sigurado ako baka kapag si Warren ang pinakausap namin sayo, baka pati building talunin mo. Gusto mo yon?"
"Napakasasalbahe niyo talaga!"
Tinawanan lang namin siya at hinatak na ni Julia ang buhok ni Delancy para umpisahan ng ayusan.
-