Chereads / A Love To Last (DWEIYAH series #1) / Chapter 33 - CHAPTER 30 (PART 2)

Chapter 33 - CHAPTER 30 (PART 2)

Bandang 7:30 pm nang matapos kami sa paggayak at pag-aayos ng mga sarili namin.

Masasabi kong ang gaganda namen sa mga suot namin;

Si Delancy na napakaganda sa suot niyang Summer Denim Dress.

Habang si Julia naman na maganda din naman sa suot niyang Bell Slit Cuff Denim Croptop and Skirt.

Actually, ang disente niyang tignan sa suot niya.. H3h3h3

At syempre.. Papahuli ba ko? Kung maganda sila, aba! Maganda din ako sa suot kong Remy Distressed Denim Croptop Jacket.

Oh diba? Ang gaganda ng mga suot namin? Malamang! Magaganda mga nagsuot eh!

At ready na din kaming gumora kaya....

WINSTON? HERE WE COMEEEEE.

-

Saktong alas otso ng gabi ay nakarating kami dito sa campus at nakakamangha ang ganda ng ayos ng stage; pati na din ang gym ay hindi nagpatalo.

Ang bongga ng ayos ng mga table tapos may naka arko pa sa gitna tapos may nakalatag na red carpet para doon makapagpictorial.

Sa stage naman, napakagandang disenyo ang nakalagay sa gitna which is ang nakasulat dun ay ORG WEEK 2020 tapos nilagyan ng kung ano-anong design. Sa medyo baba naman nito nakasulat ang mga salitang MUTYA NG WINSTON 2020!

OMG! Excited na ako!

Pumwesto kami sa may bandang unahan ng stage na table kung saan naroon na ang DWEIYAH.

Hindi naman nakaligtas sa akin ang malagkit na tingin sa akin ni Dylan. Hindi na ako nanibago dun kasi ganun naman niya ako lagi tignan eh.

And as usual, mukhang nireserve niya talaga yung isang upuan sa tabi niya para eka ako ang umupo dun kaya bilang nagmamagandang tae naman ako, eh ako na ang umupo at tinabihan siya.

Si Delancy naman ay dumiretsyo na sa backstage para maghanda at sinabi namin ni Julia sa kaniya na susunod kami dun after ng awarding ceremony.

"Kinikilig ako, Magi." bulong sa akin ni Dylan.

Huh?

"Bakit?"

"Eh kasi naka couple jacket tayo." sabi niya pa at tinakpan pa talaga ang bibig saka tumawa ng mahinhin.

Hampasin ko kaya 'to?!

Pero impernes sa DWEIYAH, ang gagwapo nga naman nila sa mga suot nila ngayon.. Kaya lang..

Ewan ko pero bakit mas nangingibabaw sa kanila si Harris? I mean, bakit ang gwapo niya sa paningin ko ngayon?

Ayoko nalang sabihin kay Harris na ang gwapo niya kasi baka mas lalo siyang maging mahangin pero seryoso, kahit labag sa loob ko eh ang gwapo talaga ngayon ni Harris.

Pati na din si Israel.. Although palagi naman siyang gwapo pero mas gumwapo siya ngayon.

Si Alec naman, wala namang pagbabago sa kaniya. GSB na yata siya eh..

Gwapo since birth.

"Wala bang pafoods dito?" reklamo ni Warren na mukhang walang kain simula kaninang umaga.

"Hindi ka nainform, bro? Kanya-kanyang dala dito." sabi naman ni Harris saka ipinakita sa amin yung baunan niyang may laman na shanghai.

Seryoso?!

"Buti na lang may Harris tayong kaibigan-" naputol sa sasabihin si Dylan at sa akmang pagkuha niya ng shanghai nang pigilan siya ni Harris.

"Sinong nagsabing magbibigay ako? KANYA-KANYA nga diba? Kasalanan niyo yan, di kayo nagbaon ng mga pagkain niyo. Magutom kayo hanggang mamaya!" sabi ni Harris at inilayo yung baunan niya sa amin.

Luh? Damot.

"Ang damot mo, Harris. Hindi na kita mahal!" nakangusong sabi ni Alec.

Whut?

Anong namamagitan sa kanilang dalawa? Hala!

"Syempre ikaw, bibigyan kita." sagot naman ni Harris at saka pabebe pang inalok si Alec ng shanghai niya.

Luh? Ano ba 'to? Nagkakabaklaan na ba ang DWEIYAH?

"Masanay ka na dyan, Magi. Mukhang hindi ka informed na si Harris at Alec ang nanay at tatay ng DWEIYAH." bulong sa akin ni Julia.

Weh? Sinong nanay? Si Harris? Nakakaloka naman yung trip nila.

"Hoy, Magi! Alam ko 'yang itsura mo na 'yan! Hindi kami bakla at walang bakla sa DWEIYAH! Sa gwapo naming 'to?!" sabi ni Harris.

Pft.

Defensive.

"Pero maraming MAHANGIN." sagot ko naman. "Si Alec at Eli nga lang yata ang hindi mahangin sa inyo eh."

"Nananahimik ako, Magi. Bakit mo ko dinadamay dyan? Hindi naman ako mahangin ha? Gusto mo bang masaktan?" pagkibo naman ni Yuwi.

Pft.

Hindi daw siya mahangin? Luh? Maniwala ako..

"Ganyan naman kayong mga lalaki! Ang hihilig niyong manakit!" sabi naman ni Julia.

"Ang laki ng hinanakit nito sa lalaki.. Hoy, Julia! Wag mo kaming idadamay-damay dyan! Si Israel nanakit sayo, hindi kami kasali!" sabi naman ni Warren.

Boom!

Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni Israel nang madinig siguro ang pangalan niya..

Ayan tuloy, nahinto siya sa pagkain niya ng french fries.

"Tinawag niyo ko? Bakit? Gusto niyo ba ng french fries?" aniya saka inilahad ang french fries niya sa amin. "Masarap 'yan kahit walang mayo-"

Napahinto sa pagsasalita si Israel nang tampalin siya ni Dylan.

Pft.

Ayan na naman kasi si Israel, nang-aalok na naman ng legendary niyang french fries.

"Tangina nung mukha ni Israel, akala mo talaga inosente eh. Hindi mo aakalain na marami na 'yang napaluhang babae." natatawang sabi ni Harris.

"At isa na dun si Julia." sabi naman ni Dylan.

Trip talaga nila si Julia eh noh?

"Oh, Julia.. Wag kang iiyak, mahal ang tissue kaya hindi dapat yan sinasayang." sabi naman ni Yuwi.

"Excuse me lang! Naka move-on na ko dyan kay Israel noh! Wala na akong pake dyan! Hindi niya ako deserve! Sa ganda kong 'to? Baka ma depressed siya kasi maraming lalaking nagkakagusto sa akin! Masyado akong maganda para lang kay Israel!"

"Bakit, Julia? Yung ganda mo ba, pang isang milyong lalake ba yan? Baka hindi ka na makatayo bukas sa dami ng papasok sa kweba mo kung ganon?" sagot ni Yuwi.

"Namamakaelam ka na naman, Yuwi eh! Hindi naman ikaw yung kausap ko diba?!"

"Eh sino ba kasing kausap mo?" natatawang tanong ni Alec.

"S-si.."

"Kawawa naman si Julia.. Pansinin mo nga, bro." sabi ni Eli dun sa katabi niyang si Israel na mukhang busy sa pinapanood niya sa cellphone.

Aww.

"Tanga! Sino ba kasing nagsabing si Israel ang kausap ko ha?!"

"Eh sino nga kasi? Alam mo Julia, palala na talaga ng palala 'yang kabobohan mo." sabi naman ni Dylan.

"Wag ka ngang makialam dyan, Dylan! Kapatid kita diba so pwede ipagtanggol mo nalang ako dito sa mga kaibigan mong ang sasarap sapakin ng tig-iisa!" sabi ni Julia saka madiin na itinuro si Yuwi. "Lalo na 'tong unano na 'to! Nako talaga, kapag ako hindi nakapagtimpi, gagawin ko 'tong pulbos!"

"Gawin mo, Julia. Para maniwala ako." panghahamon sa kaniya ni Yuwi.

"Tumigil nga kayong dalawa dyan. Kayo na pumalit kina Dylan at Magi sa pagiging aso't pusa eh." sabi naman ni Harris.

Pft.

Oo nga.

"Nakakaubos kasi ng dugo 'yang kaibigan niyo na 'yan! Ang yabang na nga tapos ang tapang-tapang pa! Eh hanggang balikat ko lang naman!"

"Patangkaran oh?"

"Oh tara, Yuwi! Tumayo ka dyan-"

"Manahimik ka na dyan, Julia. Magsisimula na." sabi ni Dylan sa kaniya.

At ayun na nga, lahat kami ngayon ay nakatutok na sa stage dahil ito na, awarding ceremony na.

"Let us now start our AWARDING CEREMONY..

Unahin natin sa SPELLING BEE CONTEST..

Margarette Villasis for the 2nd place.

Joshua Fernando for the 1st place.

And.. Julianna Villarosa is the SPELLING BEE CHAMPION."

Todo clap kami dito habang pinapanood namin si Julia na pumunta ng stage at isabit sa kaniya yung medal niya..

Yieeee.

So proud!

"Sa TEACHING DEMO naman.. We have..

Janine Cruz for the 2nd place.

Eimireen Valenzuela for the 1st place.

And.. Imee Rose Guevan is the CHAMPION.."

"Next is ACCOUNTING QUIZ BEE.. We have..

Jerome Quirino for the 2nd place.

Princess Jane Montalba for the 1st place.

And.. Audrey Smith is the CHAMPION."

"Next is SPEED TYPING COMPETITION. We have..

Mae Jimenez for the 2nd place.

Shiela Mae Guzman for the 1st place.

And.. Yuhence William Asuncion is the CHAMPION."

Naks naman. Lakas ni Yuwi! Kahit ang hangin-hangin eh may ilalaban din naman pala.

"Sa ML TOURNAMENT naman, isang pair lang ang nanalo dahil diba nga LAST PAIR STANDING ang labanan dito..

At yun ay walang iba kundi sina MIGUEL NUÑEZ at DARREN REYES."

"For the CHESS TOURNAMENT.. We have..

John Carlo Morales for the 2nd place.

Niña Fernandez for the 1st place.

And.. Alec Salcedo is the CHAMPION."

WOAHHHH?

Champion si Alec? Naks naman.

"Sa Essay writing naman.. We have..

Delancy Trinidad for the 2nd place.

Krisel Santos for the 1st place.

And.. Mary Jane Dimaano is the CHAMPION."

Hindi na masama.. Atleast naka second place si Delancy.

At eto na..

"And last, EXTEMPORANEOUS SPEECH.. We have..

Gillian Jade Espiñas for the 2nd place.

Margaret Serrano for the 1st place.

And.. Christian Paul Abas is the CHAMPION."

Legit, bhiE. Nagulat talaga ako na naka first place pa ako pero bhiE ang sabaw ng speech ko.

Hala, nakakaproud.

Hanggang sa pagtanggap ng medal at certificate ay hindi pa din ako makapaniwala at para bang gusto ko 'yung tanggihan.

"Dako na tayo sa ginawang TEAM BUILDING ACTIVITY KAHAPON.

We have..

WATER TRIBES are the 3rd place.

AIR NOMADS are the 2nd place.

EARTH KINGDOM are the 1st place.

And..

FIRE NATION ARE THE CHAMPION!"

At yun na nga, yung mga magkakateam kahapon ay nagsama-sama para iclaim yung medal, trophy at certificate.

Impernes kina Julia ah? Mukhang effective yung pa BRILYANTE NI PIRENA kemerut nila.

"And last but not the least..

OUR CHAMPION IN VOLLEYBALL IS NONE OTHER THAN..

WATER TRIBES AND FIRE NATION!"

That means, hindi kami yun. HAHAHAHAHAHA talo pala kami sa vball, hindi kasi kami nakasali ni Julia eh HAHAHA joke.

"MVP syempre si ate Niña Fernandez!" pahabol pa nung host.

WAAAHHHHHH! KA TEAM KO YAN SA TEAM BUILDING!

"AND OF COURSE, OUR CHAMPION IN BASKETBALL IS NONE OTHER THAN..

EARTH KINGDOM AND AIR NOMADS!" hindi na ako nagulat kasi napanood ko naman yung laban eh.

"At ang MVP ay walang iba kundi si..

Syempre sino pa ba?! Ang crush na crush ko na si DYLAN VILLAROSA!" aniya at todo tili pa.

Luh?

Putulan ko 'to ng dila eh.

Pero buti na lang si Dylan ang MVP.. Atleast sulit ang pagod niya.

"AT HETO NA! UUMPISAHAN NA NATIN ANG PINAKAHINIHINTAY NINYONG LAHAT!

Minadali ko talaga ang awarding kasi alam kong excited na kayo dito eh kaya sabihin niyo.. SALAMAT LAWRENCE NA MAGANDA!"

Puro salamat lang ang mga narinig ko or meron ding SALAMAT LAWRENCE pero walang maganda.

Ayaw nila magsinungaling.

"Okay!" sabi nung isang babae na kasama ni Lawrence sa paghohost ng pageant.. "Good evening ladies and gentlemen. Tonight, witness as 15 dazzling candidates present their very best and intelligent for the covetous crown right here at this stage."

"As the night fills with sheer excitement, we will soon find out who will be the worthy title holders. I'm Lawrence Montenegro."

"And I am Tricia Marie Gonzales. And this is.."

"MUTYA NG WINSTON 2020!" at sabay nila 'yang binanggit.

"So let us not prolong the agony of waiting. Let us formally start tonight's event!" sabi ni Lawrence.

"That's right. Now everyone, may we present to you, our 15 beautiful candidates!" sabi naman ni Tricia.

Iniwan muna namin sa table ang DWEIYAH dahil kami ni Julia ay nagmamadaling tinakbo ang backstage para puntahan si Delancy.

Hueh!

Buti nalang at nakapagbihis na siya at wala akong masabi kundi sobrang bagay sa kaniya ng damit na pinili ko mula sa mga damit na dala ni Julia.

She's now wearing a HOLIDAY OUTFIT INSPO. Bagay na bagay talaga sa kaniya ang damit bilang kanyang Trendy outfit.

"Wag mong hayaang pangunahan ka ng kaba mo, Delancy. Kasi kung mangyayari yun, hindi talaga malabong mangyaring ma mental-block ka mamaya. Basta relax ka lang.. Hinga ka lang ng malalim." sabi ko kay Delancy at paulit-ulit naman siyang huminga ng malalim.

"Teh, sobra na yan. Baka himatayin ka na mamaya niyan." natatawang sabi ni Julia. "Basta isipin mo lang na kaya mo yan at I'm sure, magagawa mo yan ng maayos. Wag kang ma pressure, okay?"

"Okay." nakangiting sabi niya at pumwesto na siya sa entrada bilang siya na ang susunod..

Pang number 4 kasi siya.

"And now I introduced to you, candidate #4."

Sumilip kami sa may maliit na siwang ng kurtina at pinakinggan namin ang mga sasabihin ni Delancy.

"Just a girl changing the world one rhinestone at a time.

A pleasant evening to each and everyone. I am Delancy Trinidad. I am a math major student and I, thank you!"

Napapalakpak kami dito ni Julia nang hindi mautal si Delancy sa pagkakasabi ng introduction niya.

Sabi na eh, kaya naman niya talaga..

Pagbalik niya dito sa backstage ay kitang-kita ko ang ngiting tagumpay niya dahil na din siguro sa hindi siya na mental-block..

"Pwede ka na ba naming iwan dito?" tanong sa kaniya ni Julia.

"Oo. Nandito naman si mama. Thank you sa inyo."

"Wala yun. Good luck!" sabi ko saka kami nagpaalam na ni Julia sa kaniya at bumalik na sa table namin.

Masyadong marami ang 15 na candidates pero sa pagkakaalam ko, magkakaroon ng elimination after ng talent portion which is lima nalang sa kanilang labinlima ang matitira para makapagpatuloy sa Q&A portion.

At yun na nga, after ng introduction ay dumako na agad sa talent portion..

Ang unang candidate ay umacting, ang ikalawa naman ay nag spoken word poetry habang ang pangatlo eh nag cooking show?

Ewan ko kasi para siyang nagluluto sa ginagawa niya ngayon eh.

At eto na.. Pagkatapos mag cooking show nung pangatlo, si Delancy na ang sumunod..

Paglabas niya...

WOW.

Lahat kami dito na nanonood sa kaniya ay literal na napawow sa suot niya..

Potek.

Kabogera ang Delancy namen!

Pero wait? Kakanta siya? Ang napag-usapan namin kanina ay sasayaw siya ah? Pero.. Hayaan na nga lang.

Sunrise with you on my chest

No blinds in the place where I live

Daybreak open your eyes

'Cause this was only ever meant to be for one night

Still, we're changing our minds here

Be yours, be my dear

So close with you on my lips

Touch noses, feeling your breath

Push your heart and pull away, yeah

Be my summer in a winter day love

I can't see one thing wrong

Between the both of us

Be mine, be mine, yeah

Anytime, anytime

Ooh, you know I've been alone for quite a while, haven't I

I thought I knew it all

Found love but I was wrong

More times than enough

But since you came along

I'm thinking, baby

You are bringing out a different kind of me

There's no safety net that's underneath

I'm free

Falling all in you

Fell for men who weren't how they appear

Trapped up on a tightrope now we're here

We're free

Falling all in you

Fast forward a couple years, yeah

Grown up in the place that we live

Make love, then we fight

Laugh 'cause it was only meant to be for one night baby

I guess we can't control

What's just not up to us

Be mine, be mine, yeah

Anytime, anytime

Ooh, you know I've been alone for quite a while, haven't I

I thought I knew it all

Found love but I was wrong

More times than enough

But since you came along

I'm thinking, baby

You are bringing out a different kind of me

There's no safety net that's underneath

I'm free

Falling all in you

Fell for men who weren't how they appear

Trapped up on a tightrope now we're here

We're free

Falling all in you

Every time I see you baby I get lost

If I'm dreaming, baby, please don't wake me up

Every night I'm with you I fall more in love

Now I'm laying by your side

Everything feels right since you came along

I'm thinking baby

You, yeah, are bringing out a different kind of me

There's no safety net that's underneath

I'm free

Falling all in you

Fell for men who weren't how they appear (Ooh)

Trapped up on a tightrope now we're here

We're free

Falling all in

WOAHHHHHHHH!!!!

May itinatago din palang galing sa pagkanta si Delancy! OMG! I think I'm inlove!

"Pakisara naman ng bibig mo, Warren. Babahain na tayo sa laway mo oh.." pang-aasar ni Julia kay Warren kasi naman 'tong si Warren, todo kung makanganga habang pinapanood si Delancy eh.

Halaaaa.

Ship ko na talaga silang dalawa! Ako na po ang founder ng WaLancy shippers!

"Ang ganda ng boses ni Delancy." pagsingit naman ni Eli.

"Kasing ganda niya." sabi naman ni Warren na hanggang ngayon ay nakatitig sa stage at hindi yata siya aware na wala na dun si Delancy.

Pft.

Ang cute niyang tignan sa ganung itsura, sa totoo lang.

"Nako wag kayong maniniwala sa mga sinasabi at kinikilos ni Warren. Sinungaling yan." natatawang sabi ni Harris.

HAHAHAHAHA

Halata naman.

"Nako, Harris. Gaya mo pa ko sayo." sabi naman ni Warren na mukhang sa wakas ay natauhan na.

"Wag na kayo magtalo dyan, parehas naman kayo." sabi ni Dylan. "Basta ako, hangga't hindi nagsasawa si Magi sa boses ko eh hindi ko siya titigilan na haranahin." aniya saka tumingin sa akin. "Diba, asawa ko?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Actually, sawa na nga ako eh. Kaya pwede bang tumigil ka na kakaharana sa akin?"

"Wala ka pala, Dylan eh. Basag ang bayag ni Dylan na mayabang!" pang-aasar ni Israel.

"Ikaw nga walang bayag! Mahina ka." pagganti naman sa kaniya ni Dylan.

Hay nako, eto na naman sila. Masisira na naman ang atensyon ko sa pinapanood ko dahil sa kanila.

"Tumigil nga kayo! Kung hindi niyo kayang manahimik, pwedeng-pwede kayong lumipat ng table!" inis na sabi ni Julia dun sa dalawa.

"Gusto mo yata sumali sa away namin eh.. O kayo nalang mag-away ni Israel? Pwede din naman."

"Wag na, bro. Maikli naman pasensya n'yang kapatid mo. Walang kwenta kaaway." singit naman ni Yuwi.

"At talagang nakisali ka pang unano ka?! Gusto mo talaga apakan kita dyan para maging pulbos ka na ng tuluyan ha?!"

"Tignan mo 'to si Julia.. Kanina siya ang nag-aawat ng away tapos ngayon siya naman ang nakikipag-away." natatawang sabi ni Eli.

"Ah bakit, Eli? Gusto mo din ba ng away ha?! Edi awayin mo 'yan si Alec. Mag-away kayo hanggang mamaya, walang pipigil promise!"

"Hay nako, Julia. Since hindi mo naman kinandong ng matagal si Yuwi kagabi eh idedare nalang kita ulit. Para fair sa lahat, diba guys?" sabi ni Alec.

Napatango naman kami sa kaniya at sumang-ayon kaming lahat.

"Ano yan? Kuha ko kayo pagkain? Mga demonyo na nga, tamad pa." sabi ni Julia at akmang tatayo nang pigilan namin siya. "Ano??!"

"Maupo ka. Hindi yun ang dare ni Alec.." sabi naman ni Harris.

"Excited kasi eh." natatawang sabi ni Alec bago nagpatuloy. "Ito na yung dare ko. Mauna ka na sa aming umuwi. Umalis ka na dito para tahimik na.. Deal?"

Pft.

Gago talaga 'to si Alec kung minsan eh. Bwiset HAHAHAHAHA

"So ang dare mo sa akin eh umuwi na ako? Alam mo Alec, nakikipag-usap ako sayo ng maayos pero mukhang gusto mo yatang gawin kitang lalagyan ng pulbos! Wag mo ko hinahamon ha!?" inis na sabi ni Julia at medyo agaw-pansin na siya.

"Joke lang yun, Julia. Maupo ka na." natatawang sabi ni Alec.

"Hindi ako nakikipagbiruan. Yari ka talaga sa akin mamaya."

Jusko po.

Kapag talaga nagkasama-sama kami eh kung bakit ganto ang nangyayaring gulo.

Pero atleast kahit papaano eh masaya naman. I mean, kahit gantong nag-aasaran eh masasaya naman silang kasama..

At ngayon ko lang napansin na pang 14 na candidate na pala yung nagpeperform ng talent.

Mayamaya lang din ay may sumundo na sa aking officer kasi nga ako yung mag i-intermission number bago iannounce yung mga ma e-eliminate sa pageant..

OMG.

Kinakabahan ako!

Pero gaya ng pinagawa ko kay Delancy, huminga ako ng malalim para mawala kahit papaano yung kaba ko.

Hanggang sa makarating ako sa backstage.. Nakita ko si Delancy na nakasuot na ng formal dress niya para sa tanggalan round.

After din kase ng tanggalan round, diretso na agad Q&A portion.

Napakaganda niya sa puting dress na pinili ni Julia sa kaniya.

She's now wearing a SIMPLE CHAMPAGNE HOME COMING PARTY DRESS SHORT WITH ASYMMETRICAL STRAPS.

Ang haba ng name ng dress, basta tignan niyo nalang yung picture para makita niyo kung gaano kaganda yung dress na suot niya.

"Ikaw nga pala sa intermission. Galingan mo, Magi." nakangiti niyang sabi sa akin.

"Oo naman. Kaya ikaw din, galingan mo." nakangiting sagot ko at tinanguan niya naman ako bago ako pumwesto sa entrada dahil mukhang tatawagin na ako ng host.

"And now we're done with their talent portions! So what's next, partner?" sabi ni Lawrence.

"Ito na nga.. Before we announced those ten ladies na hindi papalaring makaabante sa next round, let us relax your whole system as we present to you the MUSIKAtan CHAMPION..

MS. MARGARET SERRANO!"

At iyon na ang hudyat para pumunta ako sa gitna ng stage.

Hindi na bago sa akin ang humarap sa napakaraming tao dahil para lang naman itong declamation and MUSIKAtan days ko. Ganto din karami halos ang hinarap ko kaya hindi na ako nanibago pa..

So this is it.

Akala ko hindi na darating ang panahon

Na liliwanag ang daang nasisilayan ko

Sa libo-libong taong nangangarap

Binigyan mo ako ng pagkakataon

Kung mababago ang landas na tatahakin ko

Ikaw pa rin ang hahanapin ng puso ko

Sa bawat sandaling kasama kita

Binigyan mo ng buhay ang aking  mundo

Dumadaan ang araw

'Di mo namalayan naubusan ka ng oras

Pwede bang humiling

Isa pang araw na ikaw lang ang kasama

Kulang na kulang ang panahon

'Di sapat ang meron tayo ngayon

Pwede bang humiling isa pang araw

Hindi ko napansin unti-unting nawawala

Ang kaba sa 'king dibdib

Bawat minutong nakapiling kita

Tumatapang ako nang dahil sa 'yo

Dumadaan ang araw

'Di mo namalayan naubusan ka ng oras

Pwede bang humiling

Isa pang araw na ikaw lang ang kasama

Kulang na kulang ang panahon

'Di sapat ang meron tayo ngayon

Pwede bang humiling isa pang araw

Sa pagsikat ng araw ikaw ang laging hanap

Sa pagpalit ng buwan sana ikaw pa rin ang tangan

Kulang na kulang ang panahon

'Di sapat ang meron tayo ngayon

Pwede bang humiling isa pang araw

Dumadaan ang araw

'Di mo namalayan naubusan ka ng oras

Pwede bang humiling

Isa pang araw na ikaw lang ang kasama

Kulang na kulang ang panahon

'Di sapat ang meron tayo ngayon

Pwede bang

Pwede bang

Pwede bang humiling isa pang araw

"Thank you." pahabol na sabi ko bago ako bumalik sa backstage.

Nakakagulat yung palakpakan nila.. Feeling ko hindi ako sanay.

"Talagang hindi nakakapagtaka na siya ang champion natin sa MUSIKAtan, diba partner?" sabi ni Tricia.

"Tama ka dyan, partner. Tinayuan ako ng balahibo sa kaniya, girl! Ikaw na talaga, Magi." natatawang sabi naman ni Lawrence. "And now, without further ado, let us now welcome once again, our 15 dazzling ladies!"

Nadaanan ko pa si Delancy bago umalis ng stage at sinenyasan ko na lang siya na 'kaya mo 'yan!'

OMG.

Ito na.

Kinakabahan akong bumalik sa pagkakaupo ko habang nakatutok pa din ang atensyon ko sa stage..

"The names that I will mentioned will be those ladies who are successfully entered the final round." sabi ni Tricia.

"And obviously, ang mga hindi mababanggit ang pangalan ay eliminated na sa competition na 'to." sabi naman ni Lawrence.

"Please step forward..

Candidate number 11! Candice Montana!"

KABADO AKO SISENTA HUHUHUHU.

"You may now take your step ahead.. Candidate number..

Number 1! Maxine Clare Olivio!"

OMO! TATLO NALANG!

"Please wear your beautiful smile as you are also part of the top 5..

Candidate number..

Number 8! Beatrice Nicole Dela Torre!"

DALAWA NALANGGGGG!

"You can also sigh in disbelief, candidate number..

Number 15! Sandra Montenegro!"

SHIT...

ISA NALANG!!

"And last but not the least, you are also part of the top 5..

Candidate number 4! Delancy Trinidad!"

YESSSSSSS....!

AAAAAHHHCCKCKCKK.

Hindi ko na napigilan na magwala dito sa table namin nang malaman na pasok si Delancy sa top 5!

OMG!

I'm very proud of her!

She did it.

"We're very sorry for you girls, but you are all now eliminated in this pageant. Thank you for sharing your talents, girls." sabi ni Lawrence.

At ayun na nga, nakapila na ang limang natitira sa stage para sa Q&A.

"Now let's proceed to Question and Answer portion!" sabi ulit ni Lawrence..

"The order of candidates who will be answered is based on the order of the previous announcing of the top 5."

At ang nauna nga na tanungin ay si Candice..

Hindi naman same question ang itatanong sa kanila kaya hindi na din sila nilagyan ng head phone.

"Here it is.

Tell us about a recent goal you accomplished."

"As I stand here in front of you, with this huge audience watching over me, I am proud to say that this is my recently achieved goal. And I, thank you!"

Short but brief ang sagot niya. Nice one..

At ang sunod naman ay si Maxine..

"What made you decide to enter this pageant?"

"I've decided to enter this pageant because first and foremost, I always know that this was my calling. Pageant is my life. I only show my confidence when I'm joining a pageant. This was served as my comfort zone and I believe that I also have the potential to take home the crown because of my answer. That would be all, thank you!"

Hmmm.. Gaganda ng sagot ah?

At ang kasunod naman ni Maxine ay si Bea..

"Who, aside from your family, has the biggest influence in you?"

"That would be my teachers, for we spend most of our younger years in a classroom with them educating us. Practically speaking, we spend most of our time in schools that's why we also spend most of our time with teachers. So for me, my teachers are the one that has the biggest influence in my life. In terms of improving my skills; physically and mentally. And I, thank you."

Maganda din ng sagot niya.. Nakakaloka naman 'to.

Next naman sa kaniya ay si Sandra.

"If you were to win this title, how would you balance school, social life, and extracurricular activities?"

"Planning and time management are the perfect tools to balance school, social life, and extracurricular activities. You may also include having to discipline yourself and learn how to balance them all properly. Thank you."

Ayan naaaa.

Si Delancy naaaaa!

"What makes you different from other girls competing today?"

Nakita ko ang panginginig sa kamay ni Delancy habang dahan-dahang tinatapat sa bibig niya ang hawak niyang mic.

"I think the only thing I am different for other girls I am competing with is my self-confidence.

Hindi ako kumpiyansa na lumaban sa pageant na 'to. Hindi ako kumpiyansa na tumayo sa harap niyong lahat para panoorin niyo. Maaaring sila, confident sila kasi maaaring yung iba sa kanila ay suki ng pagpapageant.

Pero kasi ako, hindi. This was first time joining a pageant. At hindi ko maiiwasan na kabahan talaga. Hindi ko maiiwasang isipin na..

Paano ako haharap sa maraming tao?

Paano kung magkamali ako?

Paano kung ma mental block ako?

Walang katapusang paano ang umiikot sa isip ko na hindi ko maiwas-iwasan.

At yun ang malaking kaibahan ko sa mga kalaban ko ngayon. Pero gusto kong malaman niyo na kahit wala akong kumpyansa, na minsan nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko, gusto kong patunayan sa inyo, sa lahat ng mga nakakapanood sa akin, na kaya kong magtagumpay sa isang kompetisyon na ganito.

Kakayanin kong magtagumpay at matalo yung kawalan ng tiwala ko sa sarili. Dahil naniniwala ako, lahat ng kahinaan nating mga tao ay kayang lampasan ng isang tao kung magiging matatag lang siya at palaban.

And I, Thank you!"

Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapatayo sa inuupuan ko saka siya pinalakpakan.

Ano ba yan? Naluluha ako! Kasi naman 'to si Delancy, masyado akong pinapamangha!

"Tignan mo 'yan si Delancy.. Sinasabi ko na nga ba at may ibubuga pa 'yan eh." sabi ni Julia.

At tama naman siya dun.

"Magi, tara na sa backstage." bulong sa akin ni Eli.

Ay oo nga, may intermission pala kaming dalawa.

Kaya ayun na nga, tumungo na kami sa backstage at nadatnan namin dun si Delancy.

Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.

"Ang galing galing mo, Delancy!" natutuwang sabi ko.

"Salamat, Magi. Pero kinakabahan pa din ako hanggang ngayon!"

"Hindi nga halatang kabado ka!" natatawang sabi ko pa.

Pagkatapos din non ay nagpaalam na siya para magbihis sa kaniyang huling  susuotin..

"Syempre, bago tayo dumako sa pinaka inaabangan ninyong lahat, mag commercial muna tayo!" sabi ni Tricia.

"At wala ng patumpik-tumpik pa! We are honored to present to you ang naging trending sa youtube universe dahil sa kanilang cover..

Let us all welcome.. MARGARET SERRANO AND ELIAS DELA PEÑA!"

Napag-usapan namin ni Eli na Sad song nalang ulit ang kakantahin namin kasi ang totoo niyan, hindi talaga kami prepared ngayon..

(Eli)

You and I

We're like fireworks and symphonies exploding in the sky

With you, I'm alive

Like all the missing pieces of my heart

They finally collide

So stop time right here in the moonlight

Cause I don't ever wanna close my eyes

Without you, I feel broke

Like I'm half of a whole

Without you, I've got no hand to hold

Without you, I feel torn

Like a sail in a storm

Without you, I'm just a sad song

I'm just a sad song

(Magi)

With you I fall

It's like I'm leaving all my past in silhouttes upon the wall

With you I'm a beautiful mess

It's like we're standing hand in hand

With all our fears upon the edge

So stop the time right here in the moonlight

Cause I don't ever wanna close my eyes

(Eli)

Without you, I feel broke

Like I'm half of a whole

Without you, I've got no hand to hold

Without you, I feel torn

Like a sail in a storm

Without you, I'm just a sad song

I'm just a sad song

(Sabay)

You're the perfect melody

The only harmony

I wanna hear

You're my favorite part of me

With you standing next to me

I've got nothing to fear

(Eli)

Without you, I feel broke

Like I'm half of a whole

(Magi)

Without you, I've got no hand to hold

(Sabay)

Without you, I feel torn

Like a sail in a storm

Without you, I'm just a sad song

I'm just a sad song

(ELI; MAGI second voice)

Without you, I feel broke

Like I'm half of a whole

Without you, I've got no hand to hold

Without you, I feel torn

Like a sail in a storm

Without you, I'm just a sad song

I'm just a sad song

Hindi ko maiwasang titigan si Eli tuwing magkochorus na eh. Ewan ko ba, nang-aakit kasi yung singkit niyang mata..

Grrrr.

Ano ba 'to?

Pagkatapos din non ay bumalik na kami ni Eli sa table namin.

At eto na....

"Mag a-alas onse na, partner. Kaya tapusin na natin 'to. Gora na!" sabi ni Lawrence.

"Eto na nga.. Excited na din kasi ako malaman kung sino ang mananalo pero bago 'yan.. Please let us enter our top 5 finalist wearing their evening gowns!"

At ayun, sunod sunod silang rumampa suot ang mga gowns nila pero syempre, mas maganda ang kay Delancy!

She's now wearing an ELEGANT EVENING DRESS SWEETHEART SATIN BOAT NECK.

With slit 'yan mga bhiE.

May pakita ng hita si boss Delancy. HAHAHAHAHAHA

Pero mas natatawa ako kay Warren. Mukhang gago tumulala amp.

So ayun dahil rush na rush na din ang mga host, after ng rampa session ng mga candidates ay inannounce na nila ang nanalo.

"For our 2nd place.. With an average score of.. 92.3%!

Congratulations..

MAXINE CLARE OLIVIO!"

Nang matapos mareceive ni Maxine ang sash at certificate ay nagproceed na sa susunod.

"For our first place.. With an average score of 93.8%!

Congratulations....

SANDRA MONTENEGRO!"

At eto na..

Tatlo na lang silang natitira sa stage.

Naghawak-hawak na silang tatlo ng kamay at bakas sa kanila na kinakabahan na sila.

"Patagalin muna natin ang mga kaba niyong lahat at dumako naman tayo sa SPECIAL AWARDS!" sabi ni Lawrence.

Kayamot naman!

"So our first special awards will be the MISS CONGENIALITY award!" sabi naman ni Tricia.

"And she is none other than..

DELANCY TRINIDAD!"

Ay!

Kabog. Taray ni Delancy! May special award siyaaaa!

"Ngayon naman.. Best in Trendy outfits..

At ito ay walang iba kundi si..

CANDICE MONTANA!"

Kung sabagay, kabog na kabog din naman ang outfit ni Candice eh.

"For our BEST IN TALENT... She's no other than..

DELANCY TRINIDAD!"

WAAAAAHHHHHH!

Hakot award si Delancy!

"And for our BEST IN EVENING GOWN..

She's no other than..

BEATRICE NICOLE DELA TORRE!"

Kung sa bagay, pati ako nagandahan din sa suot na gown ni Bea.

Ang ganda bhiE.

"And finally! Ito na talaga!

Gathering an average score of 95.7%!

CONGRATULATIONS BECAUSE YOU ARE NOW THE MUTYA NG WINSTON 2020..

DELANCY TRINIDAD!"

At yung kanina kong pagpipigil dito na humiyaw ay nailabas ko na!

Sanib-pwersa pa kami ni Julia sa paghiyaw-hiyaw dito at sigurado akong paos kami nito bukas.

Well, sulit naman kung mapaos man kami basta ang mahalaga, nasuportahan namin ang kaibigan namin.

Grabe..

I'm really proud of her.