Bumalik na kami nina Julia at Delancy sa classroom pagkatapos naming gawing pananghalian yung iba't ibang street foods na binebenta sa labas.
Heto na naman ang mga tinginan ng mga estudyante sa amin sa tuwing dadaan kami sa hallway..
Ayoko nalang ipahalata sa kanila na napapansin ko o naaalibadbaran ako sa mga tinginan nila..
Dumiretsyo muna akong library para kuhanin yung library card ko sa librarian. Naiwan ko kasi yun nung nakaraang pumunta ko dito.
Palabas na ako ng library nang makasalubong ko si Macy.
Tsk.
Ayoko ng away.
"Hindi ako nandito para awayin ka." aniya saka inilahad sa akin ang isang brown envelope. "Ibigay mo daw 'to sabi ng family attorney natin kay mommy. Ikaw daw ang kailangang magbigay n'yan kay mommy at hindi ako. Wag ka mag-alala, hihintayin kita sa bahay at sinabihan ko din si mommy na dadating ka." aniya saka ngumiti. "See you later, Magi."
Napatingin naman ako sa brown envelope na binigay niya..
Ano kaya 'to?
Hindi ko naman pwedeng buksan 'to kasi madikit ang pagkakadikit ng glue. Alangan namang punitin ko, edi napagalitan ako ni mommy.. Madadagdagan na naman yung kasalanan ko.
Hays.
Papasama na lang ako kay Julia na dumaan sa bahay mamaya.
At sana wala nang sama ng loob sa akin si mommy. Namimiss ko na din kasi sa bahay saka si Snow din.. Naiwan siya kay nay Cora.
Tsk.
Papasok na ako ng room 201 nang mapalingon ako sa veranda..
Nandun si Israel habang may kausap na babae..
Hmm?
Sino yun?
Pero impernes ah? Maganda yung babae..
Siguro kalandian 'to ni Israel. Kasi naman sinong hindi iisipin na kalandian ni Israel yun eh magka holding hands pa yung dalawa. Akala mo talaga magjowa eh.
Kawawa si ate girl, ganda pa naman tapos masasaktan lang siya at iiyak kay Israel na chick boy.
Napangiti ako ng mapait.
Ganun din kasi ang naging kapalaran ko kay Dylan.. O baka magiging kapalaran pa lang na kasalukuyang nangyayari na.
Nawala sa isip ko na chick boy din si Dylan.. Masisisi niyo ba ako na umasa ako sa mga sinabi niyang nagbagong-buhay na siya, na tinalikuran niya yun para sa akin at kung ano-ano pa.
Kasalanan ko bang umasa ako sa kaniya?
Hay nako.
"Wag mo na kasi isipin yung about sa issue, huhupa din yan." bungad ni Julia pagkaupo ko sa upuan ko.
Napalingon ako sa gilid..
Walang laman ang upuan ni Dylan.. Nasan siya? Hindi ba siya papasok?
"Hinahanap niya na naman ang wala." sabi naman ni Delancy. "Sabi ni Eli, umuwi daw ng maaga si Dylan. Ewan namin kung bakit, hindi din kasi niya sinabi kina Eli eh."
"Wag ka mag-alala, Magi.. Kakausapin ko yun si Dylan pag-uwi. Gusto ko talagang malinawan kung ano na ba talaga sila ni Macy? Nakakapagtaka kasi.. Bakit biglang okay na ulit sila? Para na nga silang magjowa ulit eh." sabi naman ni Julia.
Nasasaktan ako sa mga naiisip ni Julia at ewan ko ba sa utak ko pero naiisip ko na paano nga kung nagkabalikan na sila? Paano na ako?
Hindi ko kaya 'to.
"Kapag talaga nalaman kong sila na, baka mabugbog ko si Dylan." sabi naman ni Delancy. "Ang kapal naman kasi ng mukha niya na manliligaw siya kay Magi tapos ngayong handa na siyang sagutin ni Magi eh tyaka siya naggagaganyan?! Gugulatin na lang tayo na okay na ulit sila ni Macy?! Bakit? Ano bang tingin niya kay Magi? Rebound? Pampalipas-oras?!"
Dahil sa sinabi ni Delancy, hindi ko maiwasang maalala si Austin.. Yung nanligaw sa akin nung grade 8 ako tapos nung sasagutin ko na siya, bigla niyang sinabi na PUSTAHAN lang daw yun ng tropa niya kapalit ng motor.
Natatakot ako na baka PUSTAHAN lang din ang dahilan ni Dylan kaya niya ako niligawan. Pero imposible naman ata yun kasi hindi naman halata sa DWEIYAH na magkakaroon sila ng ganong trip.
Hay nako.
Matapos ng Rizal subject namin ay uwian na.
Sinabi ko kay Julia na samahan niya ko sa bahay para idaan yung binigay ni Macy sa akin at buti nalang pumayag si Julia.
At ngayon nga, nandito na kami sa labas ng bahay at nagdadalawang-isip pa talaga ako na pumasok pero at the end, pumasok na din ako kasi ba naman pinagtulakan ako palabas ni Julia ng kotse eh.
Naka-ilang door bell lang ako at agad na akong pinagbuksan ng guard ng gate at dumiretsyo na akong pumasok sa bahay.
Gosh.
Walang pagbabago, ganito pa din ito kagaya ng dati.
Hindi ko maiwasang mamiss.
"Magi? Mabuti at napadalaw ka." salubong sa akin ni nay Cora.
Agad naman akong lumapit sa kaniya at nagmano.
"May idadaan lang po talaga." sabi ko at napatingin ako sa likod niya..
Si Snow!
Agad akong lumapit kay Snow at binuhat siya..
Grabe!
Bumigat siya ha? Impernes! Mukhang oras-oras siyang pinapakain dito ah?
"Magi!" napatayo ako nang makita si Macy..
Agad niya akong hinatak sa sala at sinabing doon namin hintayin si mommy..
Hindi na ako nag-abala pang maupo kasi wala naman akong balak magtagal pa dito..
Tumayo si Macy sa sofa na inuupuan niya at lumapit sa akin saka nakakapagtaka kung bakit niya hinahaplos ang buhok ko.
Mayamaya lang din ay natanaw ko nang pababa ng hagdan si mommy.
"Ouch!" nagulat ako nang biglang mag-inarteng mapaupo si Macy sa sahig.
Tsk.
Gusto niyang palabasin na tinulak ko siya? Wow.
"Macy!" agad na lumapit sa kaniya si mommy at inalalayan siyang tumayo saka humarap sa akin. "Ano ba naman, Magi?! Ngayon na lang tayo ulit nagkita, tapos aawayin mo pa ang kapatid mo?! Ano bang problema mong bata ka ha?!"
"Napakasama ng ugali n'yang si Magi, mommy! Nagpupumilit kasi siyang pumasok sa bahay pero pinipigilan ko siya kasi baka magkita kayo at sumama na naman ang mood mo p-pero mommy mapilit talaga siya!" sabi pa ni Macy at nag-inarte na namang umiiyak. "Kinakausap ko siya nang maayos pero siya 'tong ayaw umayos tapos tinulak pa niya ako!"
Grabe.
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Macy..
Nakalimutan ba niyang pinapunta niya ako dito?!
"At saka mommy! Si Magi po talaga yung, yung nagnakaw sa cheke mo! Ayan nga at nasa kanya ang patunay!" sabi ni Macy saka inagaw sa akin ang dala kong envelope at pinunit ito at ipinakita ang laman.
Shit?
B-bakit may cheke dun?!
"Kita mo na mommy?! Noon, pinagnakawan ka niya ng P50,000 sa bank account mo tapos ngayon naman, cheke na nagkakahalaga ng P100,000. Pineke niya pa pirma mo para totoo! Grabe mommy, hindi ako makapaniwala na kaya kang pagnakawan ni M-magi!"
"M-mommy.. M-magpapaliwanag ako. H-Hindi yan t-totoo—" naputol ako sa sasabihin nang makatanggap ako ng dalawang sampal kay mommy.
Ang sakit.
"Anong ipapaliwanag mo?! Anong sinasabi mong hindi totoo ha? Eh kitang-kita sa ebidensya na ikaw pala ang nagnakaw sa chekeng nagkakahalaga ng P100,000 sa akin!
Ano bang nangyayari sayo, Magi?! Pinagnanakawan mo ang sarili mong ina?! Anong susunod nito? Papatayin mo na kami isa-isa?! Walanghiya ka, Magi! Pinalaki kita ng maayos kaya hindi ko alam kung bakit lumaki kang gago!
Anak ba talaga kita?! Bakit mo ginagawa sa amin 'to ha?!"
"Mommy, magpapaliwanag ako. Hindi talaga kasi ako—"
"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo dahil sapat na ang ebidensyang nakita ko! Sige nga? Hawak mo yung ebidensya tapos sasabihin mong hindi ikaw ang nagnakaw?! Wala kang maloloko dito, Magi! Kaya kung ako sayo, lumayas ka na dito!
Pinalayas na kita dito diba kaya bakit nandito ka ulit ha?! AYOKO NANG MAKITA ANG PAGMUMUKHA MO, MALIWANAG? UMALIS KA NA!" aniya saka ako tinulak palabas ng pinto.
Hays.
Nakita ko pa yung mapang-asar na ngisi ni Macy.
Bwiset talaga!
Bakit ba ganon si Macy? Bakit ba ang hilig-hilig niyang gumawa ng mga bagay na makakasakit sa akin? Bakit ba gustong-gusto niya na makita akong napapagalitan at napagsasabihan ni mommy?!
Umasa ako na magkakaayos kami ni mommy sa pagpunta ko sa bahay namin pero mukhang hindi na yun mangyayari pa. Dahil dinagdagan na naman ni Macy yung atraso ko kay mommy.
Napaka walangya talaga niya. Feeling ko hangga't nabubuhay si Macy, hinding-hindi ko mararanasang maging masaya.
Pakiramdam ko nga wala na sa akin si Dylan tapos ngayon si mommy naman?
Sunod-sunod yung kamalasan na nangyayari sa akin.. Nagsimula dun sa post ng kung sinong demonyo man yun.. Tapos iniiwasan ako ni Dylan at hindi kinakausap. Tapos ngayon, ginalit ko na naman si mommy dahil ako na naman yung nakita niyang mali.
May kasunod pa ba 'to? Sana naman sabihan niyo ko para makapaghanda ako.
"Hulaan ko, may ginawa na namang katarantaduhan yung kapatid mo noh? Nag-inarte ulit?" salubong sa akin ni Julia pero hindi ko nalang siya sinagot at sinandal na ang ulo sa bintana ng kotse.
Nanghihina ako, literal.
"Akalain mo nga naman, naturingang bobo yun si Macy pero pagdating sa mga ganyan, hindi siya nawawalan ng bala eh. Hayaan mo, may araw sa akin 'yang kapatid mo. Sumosobra na talaga siya eh, dapat sa kaniya nililibing nang buhay."
"Umuwi na lang tayo." sabi ko at saka ipinikit ang mata.
-
Ilang minuto lang ay nakarating na din kami kina Julia at papasok na kami sa bahay nila nang makasalubong namin si Dylan na naka tshirt at short..
Mukhang pupunta atang tindahan.
"Saan punta?" bungad sa kaniya ni Julia.
"Papahangin lang."
"Saan?" tanong ko naman.
Napatingin naman siya sa gawi ko sandali saka umiwas.
"Nasa pool si mommy, gusto ka daw makausap Yanna." aniya saka umalis na.
Hindi man lang niya pinag-aksayahan ng laway na sagutin ang tanong ko.
Parang bigla akong naging hangin na lang sa kaniya.
'Bakit, Dylan? Bakit ka nagkakaganyan?'
"Wag mo nalang siya pansinin." sabi ni Julia saka ako inaya papasok sa loob.
Ang sakit sa puso nito.
Dumiretsyo na ako sa kwarto at nagkulong dun.
Hindi ko na naman maiwasang umiyak kasi sino ba namang hindi, kung kayo man ang nasa kalagayan ko ngayon, baka gustuhin niyo ding umiyak ng isang linggo.
Nakakainis.
*messenger call*
Si Israel tumatawag na naman?
Magpapatulong na naman siya sa akin? Hay nako, kitang problemado din ako eh.
"Bakit?"
[I thought need mo ng kausap pero mukhang—]
"Siguro nga kailangan ko." pagputol sa sasabihin niya.
[Hindi na kita tatanungin kung kamusta ka o ayos ka lang ba kasi mukha mo pa lang, alam ko na agad ang sagot sa tanong ko.
Nagulat ako nang malaman ko ang tungkol kina Dylan at Macy. Hindi ko alam kung sila na ba ulit or friends lang pero hindi ko maiwasang isipin na baka nagkabalikan sila.. Wala kasi siyang sinasabi sa amin eh basta nagulat na lang ako na magkasama na sila lagi ngayon na para bang okay na ulit silang dalawa.
Bakit ko 'to sinasabi sayo?
Kasi nararamdaman ko na pati ikaw ay clueless sa nangyayari. Pati ikaw nagtataka kung bakit biglang naging close yung dalawang yun. Hindi natin alam kung ano na ba talaga sila pero makinig ka sa akin, Magi..
Please, maging matatag ka. Wag na wag kang susuko. Alam kong mahal mo na din si Dylan kaya panghawakan mo 'yang pagmamahal mo sa kaniya hanggang dulo.
Lumaban ka kasi alam mong nasa tama ka. Kasi alam mong may ipaglalaban ka. Kasi may laban ka.
Magtiwala ka lang.. Ang lahat ng bagay ay nangyayari dahil sa isang tiyak na dahilan. Wag mo sanang bitawan si Dylan nang ganun-ganun na lang. Naniniwala ako, Magi na hindi ka bibitaw sa kaniya. ]
Hindi ako makapagsalita.. Hindi ko alam ang isasagot ko kay Israel basta nakita ko nalang ang sarili ko na tinanguan siya sa sinabi niya.
Pangako..
Hinding-hindi ako bibitaw.
Hinding-hindi ako susuko.
Magiging matatag ako para sa kaniya. Ang dami na niyang ginawa para sa akin kaya oras naman para ako ang magsakripisyo.
I really love him. I really am.
And I will make sure that my love for him will last to a lifetime.
-
Alas syete na nang mapagpasyahan kong bumaba.. Dahil na din sa tinawag ako ni Julia para sabayan sila sa pag kain ng hapunan.
Naabutan ko na kumakain na silang tatlo dun at umupo na ako sa upuan kung saan kaharap ko si Dylan..
Napakagwapo—
"Nawalan ako ng gana kumain." sabi ni Dylan at umalis na ng hapag-kainan.
"Kasabay natin kumain si Magi, bakit ka aalis—" napatigil sa pagsasalita si tita Ellen saka tumingin kay Julia. "Sinusumpong na naman ba 'yung kapatid mo na yun?"
"Ewan ko." sagot ni Julia.
Tumingin naman sa akin si tita Ellen saka nagsalita..
"Magkagalit kayo?"
"Hindi po." sagot ko.
"Baka menopause." natatawa niyang sabi saka kumain na ulit.
Sana all nakakatawa >;
Pagkatapos ng hapunan ay dumiretsyo kami ni Julia sa kwarto niya para daw pag meeting-an yung gagawin daw namin ngayon..
Balak niya kasing kausapin si Dylan nang kasama ako pero mukhang mahihirapan daw siya kasi iniiwasan ako ni Dylan..
Kaya ang plano, ninja move.
Lumabas kami ng kwarto ni Julia at sinilip ang katabing kwarto which is ang kwarto ni Dylan at wala itong laman..
Dahan-dahan naman kaming bumaba at nagpuntang kusina pero wala din dun si Dylan.
Papunta na kaming sala nang makasalubong namin si tita Ellen.
"Anong ginagawa niyo?"
"Wala yun, mama! Tabi!" sabi ni Julia saka kami nagpatuloy na sa ginagawa.
Nag sorry sign naman ako kay tita Ellen sa ginawa ni Julia.
Pakabastos.
At nang makarating sa sala ay wala din dun si Dylan kaya naman diniretsyo namin ang sala at sumilip sa pool area at..
Nandun si Dylan!
Bengga!
Dahan-dahan kaming lumapit sa kinaroroonan ni Dylan at nang makalapit ay tumikhim si Julia.
"Pwede ba tayo mag-usap?" tanong ni Julia sa kapatid.
Nang makita ako ni Dylan ay bigla siyang nagsalita.
"Wala ako sa mood—"
"Oh? Wala ka ba talaga sa mood o iniiwasan mo lang talaga si Magi?"
"Ano bang sinasabi mo?"
"Pwede ba, Dylan? Tama na ang pag-arte! Wala tayo sa acting workshop, okay?" inis na sabi ni Julia. "Yung totoo, anong dahilan mo kung bakit mo iniiwasan si Magi? Dahil ba 'to sa issue? Dahil kay Macy? Ano?!"
Saglit napatingin sa akin si Dylan saka ibinalik ang tingin kay Julia.
"Hindi ko iniiwasan si Magi. Hindi pag-iwas ang ginagawa ko. Kaya kung iniisip niyo na iniiwasan ko siya, eh bahala na kayo tutal naman hindi ko makocontrol yung mga takbo ng utak niyo.
Wala akong dahilan para umiwas kay Magi. Hindi naman din ako affected dun sa issue. Ano ba naman kasing mali dun diba? I mean, wala namang mali sa sinabi niya yung nagpost. At siguro dahil dun, nagising na din ako sa matagal kong pagkakatulog." aniya saka tinignan ako. "Kaya pasensya na, Magi kung napaasa man kita."
Pagkatapos nun ay umalis na siya.
"Teka lang, Dylan—" akmang hahabulin pa ni Julia si Dylan nang pigilan ko siya.
"Wag na, Julia. Tingin ko naman, nasagot na niya yung mga tanong na kanina pa gumugulo sa akin." sabi ko.
"Teh, naniwala ka sa kaniya? Eh ako ngang sarili niyang kapatid eh hirap na hirap siyang paniwalaan tapos ikaw.. Grabe! Sumasakit ang ulo ko sa kaniya!" inis na sabi ni Julia.
"Ganun talaga. Tanga ako eh kasi umasa ako sa kagaya niyang chick boy nga pala."
"Seryoso ka ba? Hay nako! Basta ako hindi ako naniniwala sa kaniya! Yare talaga yun sa akin!"
Iniwan ko na lang siya dun at bumalik na sa kwarto ko..
Gusto ko nalang itulog itong nararamdamang sakit ng puso ko.
Pagod na akong umiyak at pakiramdam ko wala ng natirang tubig sa katawan ko kasi mukhang naiiyak ko na lahat.
-
Wala namang nagbago ngayong araw, still ganon pa din ang tinginan sa akin ng mga estudyante pero itinatak ko nalang sa isip ko na wag nalang silang pansinin..
Masasanay din ako.
At paglaon naman, mawawala din yan. I mean, lilipas din 'yung issue na kumakalat tungkol sa amin ni Delancy.
Hindi ko kasabay pumasok si Julia ngayon dahil nauna siyang pumasok sa akin. Hindi niya na ako ginising. Kakainis nga eh.
Pero buti medyo maaga din ako nagising at mayroon pa akong 15 mins bago malate..
"Good morning, Magi." sabi ni Eli na biglang sumulpot sa kung saan saka ako inakbayan.
May hawak na tissue yung kamay niyang pinang-akbay sa akin at pinunasan ang mukha ko.
Luh?
"Hindi ako umiiyak." walang-emosyon kong sabi sa kaniya... Tsk.
"Hindi PA." aniya saka tumawa.
Sana all happy.
"Ngumiti ka naman, Margaret. Mas gumaganda ka kapag nakangiti, promise."
"Ganito?" sabi ko saka ngumiti ng pilit.
"Mas maganda kung genuine."
"Sino ba naman kasing magiging masaya sa buhay kong 'to?"
"Alam mo—"
"Teka, teka." sabi ko saka lumayo sa kaniya.
Gagsti.
May mga estudyante palang nakakakita sa amin ni Eli na magkasama kami tapos nakaakbay pa siya sa akin.
Hays.
Para tuloy sa ginagawa ko eh pinapatunayan ko lang sa kanila na totoo yung nasa post.
"Wag mong intindihin kung anuman ang sinasabi o iniisip nila. Karapatan nila yun eh. At saka isa pa, wala namang mali sa ginagawa ko." aniya saka umakbay muli sa akin. "Ano namang masama kung akbayan kita? Bawal ba yun eh magkaibigan naman tayo."
"Ano ka ba? Edi mas lalo ko lang pinatunayan na malandi ako—"
"Masyado kang malalim mag-isip, Magi. Hayaan mo sila na isipin kung anong gusto nilang isipin. Basta ang alam mo sa sarili mo na wala ka namang ginagawang masama, magpatuloy ka lang sa buhay.
Kung patuloy mo kasi silang papansinin, mas masestress ka lang lalo eh. Dadating naman ang araw na mapapagod din sila na pagchismisan ka kaya kung ako sayo, ipakita mo sa kanila na hindi ka affected dun sa post, malamang tumigil mga yan."
"Oo na, master Eli. Sipag mo yata magsalita ngayon?" natatawa kong sabi.
"Ayan yung genuine smile na hinahanap ko kanina pa." aniya. "Tara na nga at pumasok. Napapagod na din yung dila ko kasi pansin ko nga na ang daldal ko."
Pft.
At pumasok na nga kami sa room namin.
Nagtama pa ang paningin namin ni Dylan pero as usual, iniwasan na naman niya ang mga titig ko.
"Sabay tayo maglunch." bulong ni Eli sa akin saka siya humiwalay sa akin at umupo na sa upuan niya.
Gara.
Hindi man lang ako nakatanggi.
"Go for TEAM ELI na ba ulit?" natatawang salubong ni Delancy sa akin.
"TEAM DYLAN pa din! Wag ka na umasa sa MaLi dahil wala na silang chance. Natumba na si Eli." sagot naman ni Julia.
Saka isa pa, kaibigan lang talaga ang turing ko kay Eli.
Although kinilig ako sa kaniya kahit papaano pero masisisi niyo ba ako kung kay Dylan ako bumagsak?
Yun nga lang, nasaktan ako kasi hindi niya ako sinalo.
"Hoy, Magi joke lang. Baka naman damdamin mo." sabi sa akin ni Delancy.
"Luh ka Delancy, lagot ka kay Magi. Kitang broken hearted tapos gumaganyan ka. Kung ako kay Magi, sinisilyaban na kita nang buhay."
"Baka unahin kita dyan, Julia! Napakagatongera nito!"
"Nanghahamon ka ba, Delancy? Hindi kita uurungan, gaga! Ano ha?! Buhusan na ba kita ng gasolina para sure na magliyab ka?!"
"Hina mo naman, gasolina lang? Ako may granada. Isang sabog lang, tostado ka na agad."
"Wow naman, may pa granada si mayora! Aminin mo nga sa amin, Delancy.. Dati kang terorista noh?"
"Nyenye."
Hay nako.
Eto na naman sila sa pag-aaway nila pero this time, hindi na ako nag-abala pang awatin sila kasi nalilibang akong panoorin silang mag-away.
Naaalala ko na ganto din kami mag-away ni Dylan.
Hay.
Araw-araw ko siyang nakikita pero namimiss ko siya.
Araw-araw kami nagkakasalubong sa bahay nila pero bakit ang hirap niyang abutin? Pakiramdam ko ang layo niya na sa akin..
-
Lunch time na at gaya nga ng sabi ni Eli kanina, gusto niyang sumabay sa amin na mag lunch..
Si Israel daw kasi ay may ka lunch date sa Kopi ave habang si Dylan, obviously kasama maglunch si Macy.
Nakakairita na talaga yung closeness nilang dalawa. Ayoko talaga sanang bigyan ng meaning yun pero hindi ko talaga maiwasan eh!
Aysh!
Bakit ko ba sila iniisip?!
So ayun nga, nagpunta na kami sa cafeteria at expected ko na din naman yung mga tinginan ng mga estudyante sa amin kasi malamang, kasama namin si Eli.
Pero hindi ko nalang sila pinagpapansin.. Ang dami-dami ko ng iniisip, dadagdag pa sila.
Umorder na kami sa counter at matapos nun ay humanap na din ng table na pagpupwestuhan..
Pasimula na sana ako kumain nang matanaw ko sa may counter sina Macy at Dylan.
Sinundan ko sila ng tingin at umupo sila sa table na kaharap ng sa amin.
Wow.
Nanadya ba sila o talagang—
"Kumain ka na! Kung ano-ano tinitignan at." sabi ni Eli saka paakbay na tinakpan ang mga mata kong kasalukuyang nakatingin kina Dylan.
Hay.
Istorbo.
Feeling ko nakita naman yun ni Dylan kaya siguro sinubuan niya ng spaghetti si Macy..
Luh?
Inggit?
Okay.. Makipaglaro muna tayo kay Dylan..
Agad kong kinuha ang binili kong tinapay at isinubo din yun kay Eli.
"Sarap?"
"Sharap." sagot naman niya.
"Luh? Ano 'to, Magi? Harap-harapan kang nagtataksil sa—"
"Sshh. Sakyan mo nalang." bulong ko kay Julia.
Mukha namang aware din si Eli sa pinaggagagawa ko kaya sumakay na lang din siya sa trip ko.
Nakita ko namang hinahawi ni Macy ang buhok ni Dylan.
Hmm?
Napataas naman ang kilay ko don. Tsk.
Binuksan ko ang binili kong bote ng tubig at inalok kay Eli.
Agad niya naman itong ininom at binalik sa akin.
Sinadya ko talagang humarap kay Dylan at ipinakita sa kaniya na iinuman ko yung bote ng tubig na ininuman ni Eli nang biglang..
Bigla siyang lumapit sa table namin at inagaw niya yung bote sa akin at saka yun tinapon sa basurahan at pinalitan ng bago.
Pft.
"Iwas-iwasan mong magshare ng tubig sa iba dahil uso ang sakit ngayon. Alam mo bang ang laway ang isang pwedeng dahilan para kumalat ang virus? Mag-ingat ka naman, Magi." aniya saka umalis na.
"Kinilig ka don?" pang-aasar ni Delancy.
Gage.
Higit pa dun sana ang inaasahan ko pero okay na din, hindi na masama.
-
Bumalik na kami sa classroom after non habang si Dylan naman ay hindi ko nakitang nakasunod sa amin.
Nasaan siya?
Habang naghihintay sa prof ay biglang dumungaw sa pintuan ng classroom si Yuwi at nang macheck niyang wala kaming prof ay dire-direstyo siyang pumunta sa upuan nina Eli at Israel.
Ayos 'to ah?
"Miss mo kami?" dinig kong tanong ni Israel kay Yuwi na kasalukuyang nakaupo sa upuan ni Dylan.
"Gago. Wala kase akong kausap sa room namin kaya pumunta ko dito." sagot naman ni Yuwi.
Pasensya na talaga kung pinapakinggan ko sila, eh kasi naman wala akong magawa saka ang lapit lang nila sa akin kaya hindi ko maiwasan na pakinggan ang pinag-uusapan nila eh.
"Sina Alec nasaan?" tanong naman ni Eli.
"Nagcutting ata. Mga gago nga eh, hindi ako sinama." sabi naman ni Yuwi.
Hinayang na hinayang ah?
"Edi magcutting ka mag-isa, bro. Wag mo kami idamay. Mabuting estudyante kami kaya wag mo kami tularan." natatawang sagot naman ni Israel.
"Lolo mo may bunot. Anong mabuting estudyante? Mas demonyo ka pa nga sa demonyo, wala kang maloloko dito, Israel."
"Ang ingay naman. May kachat ako oh? Pwede pakihinaan chismisan niyo?" inis na sabi naman ni Julia.
"Hanggang dito lang yung usapan Julia. Wag ka makisali." sagot ni Yuwi saka gumuhit pa eka ng linya na hanggang sa kanilang upuan lang 'yung chismisan.
"Gago! Wala naman akong interes sa pinagchichismisan niyo! Ang akin lang, pakihinaan kahit kaunti! Ang ingay kasi, mas maingay pa bunganga mo sa nanay ko eh!"
"Nako. Gusto mo lang sumali, Julia eh." natatawang sabi naman ni Israel.
"Tsk. Kausapin niyo kasi 'yang kaibigan niyo, Magi. Baka mamaya mastroke 'yan." sabi ni Yuwi.
Luh?
Nananahimik ako eh.
"Hindi ko need kausap, okay? Kasi may ka chat nga ako. Eh dahil sa naiingayan ako sa chismisan niyo, ayan hindi na kami magkaintindihan!"
"Bakit? Ang kailangan mo naman sa chat ay mata para magbasa diba? Engot mo naman, Julia. Nag-aaral ka ba? Balik kita sa grade 1 dyan eh."
"Tanga! Hindi ko mabasa nang maayos yung chat niya kasi yung chismisan niyo lang yung napapakinggan ko! Nakakadistract!"
"Crush mo lang ako kaya ka nadidistract dyan eh."
"Putanginang 'yan. Ano ba, Yuwi? Kumain ka ba ng isang garapong krim stix?"
Hay nako.
Ewan ko sa kanila.
Hindi ko na sila pinakinggan pa at lumabas na ako ng room para sana magpuntang cafeteria at bumili ng pagkain nang makasalubong ko na paakyat si Dylan..
Lalagpasan na sana niya ako kaya lang pinigilan ko siya at dinala sa may parang entrance ng veranda.
Hindi kami pwede sa veranda kasi nandun yung mga upuan eh.
"Anong kailangan mo?"
"Pwede ba tayo mag-usap?"
"Nag-uusap na tayo, Magi."
Shit.
Feeling ko ibang Dylan Villarosa na talaga ang kaharap ko ngayon.
"Dylan.. Mahal kita. Sinasagot na kita." sabi ko at kinakabahan ako dito na ewan..
Kinakabahan ako sa sasabihin niya.
"Nagpapatawa ka ba, Magi? Tapos na tayo. Wala ng Dylan Villarosa ang manliligaw sayo.
Pagkatapos ng nalaman ko sa tingin mo masisikmura ko pang ligawan ang kagaya mo?"
"So lumabas din ang totoo? Na kaya ka nagkakaganyan ay dahil dun sa issue? Kala ko ba hindi ka affected? Bakit, Dylan? Bakit ka naniniwala dun? Ganung klaseng babae ba ang tingin mo sa akin? Kasi kung ganung klase nga, bakit mo ko niligawan at the first place diba?"
"Patawarin mo ako, Magi. Pero kahit anong gawin mo, hindi mo mababago ang desisyon ko. Ayoko na. Pagod na ako.
Yung pagmamahal ko sayo na sinabi ko, wala na yun, Magi. Wag ka ng umasa dun dahil tapos na yun.
Sorry, Magi. Hindi lang 'to dahil sa issue kundi dahil din kay Macy. Mahal ko pa din siya, Magi. At sorry talaga kung umasa ka man sa akin. Sorry pero mas mahal ko si Macy kaya kalimutan mo na ako."
Akmang aalis na siya nang harangan ko siya.
Agad kong hinubad ang kwintas na binigay niya sa akin at ipinakita yun sa kaniya.
"Oh talaga? Eh ano 'to? Tapos na yung pagmamahal mo sa akin? Tsk. Sana natatandaan mo kung anong ibig sabihin nito..
The two intertwined hearts represents never-ending love, cohesiveness and togetherness.
Sige lang, Dylan. Kahit anong sabihin mo, hindi ako maniniwala hangga't nasa akin 'to. Ito lang ang tanging makakapitan ko para patuloy kong ipaglaban yung pagmamahal ko sayo. At ito din ang tanda ng pagmamahal mo sa akin na hinding-hindi matatapos—"
Naputol ako sa sasabihin ko nang kunin sa kamay ko ito ni Dylan at saka initsa dun sa mga upuan na nakalagay sa veranda.
"Tumigil ka na, Magi! Kalimutan mo na ako kasi ayoko kitang masaktan! Please lang! Wag ka ng umasa na babalik pa ako sayo! Tapos na tayo! TAPOS NA!" aniya at umalis.
Hindi ko na siya hinabol pa at pumunta ako sa veranda para hanapin yung kwintas.
Shit.
Hindi..
Hindi 'yun pwede mawala. Sure ako na nandito lang yun.
"Nasaan ka na?" bulong ko sa sarili habang patuloy pa din ako sa pag-iyak.
"Asan na?!"
Takte.
"Magi? Anong ginagawa mo?" tanong ni Eli.
Agad akong tumayo at humawak sa braso niya habang umiiyak.
"Tulungan mo ako, Eli. Kailangan kong mahanap yung kwintas na bigay sa akin ni Dylan. Dito niya lang yun initsa eh." I said between my sobs.
"Sige." aniya at naghanap na din.
Natataranta na ako dito kasi hindi ko na mahanap yung kwintas.
Hindi..
Hindi yun pwede mangyari!
"Ito ba yun?" sabi ni Eli at nagmamadali kong kinuha sa kaniya yung kwintas at hinalikan ang pendant nito habang patuloy pa din sa pag-iyak.
"Salamat, salamat. Salamat at nahanap mo. Hindi ko kasi talaga kayang mawala 'to kasi—"
"Sshh." pagputol sa akin ni Eli saka niya ako niyakap.
"Umiyak ka lang, Magi. Umiyak ka hanggang sa gusto mo. Basta nandito ako palagi to be your shoulder to lean on. I'm always here."